Pumunta sa nilalaman

Pangkasariang pagkakaiba sa sikolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tinukoy ng larangan ng sikolohiya ang maraming pagkakaiba ng takbo ng pag iisip at ugali ng mga lalaki at mga babae. Ang mga pagkakaibang ito ay gawa ng komplikadong ugnayan ng mga prosesong biyolohikal, developmental at pang-kultura. Isang importanteng layunin ng pag aaral ng pagkakaibang pangkasarian ay ang pagtukoy kung aling katangiang sikolohikal ang palatandaan ng sekswal na pagkakaiba ng sikolohikal na pakikibagay. Ang mga sekswal na pagkakaiba na pakikibagay (tulad ng tangkad o pagiging pisikal na agresibo) ay mga resulta ng prosesong pang-ebolusyon ng sekswal na pamimili. Bagaman ipinapakita ng pag aaral ng pagkakaibang pangkasarian na mas madalas magpakita ng agresyon ang mga lalaki kesa mga babae, hindi malinaw kung alin sa lipunan at ekspektasyon sa kasarian ang mas nakakaapekto rito. Ang pagiging agresibo ay mas naiuugnay sa kahulugan ayon sa kultura ng “pagkalalaki” at “pagkababae.”


Sikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.