0% found this document useful (0 votes)
52 views

Q1 - LE - EPP 4 - Lesson 1 - Week 1

epp4

Uploaded by

marck vyn lopez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
52 views

Q1 - LE - EPP 4 - Lesson 1 - Week 1

epp4

Uploaded by

marck vyn lopez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 16

4

Modelong Banghay
Kuwarter 1
Aralin

Aralin sa EPP 1

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM


Modelong Banghay-Aralin sa EPP 4
Kuwarter 1: Aralin 1 (Linggo 1)
TP 2024-2025

Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K to 10 Curriculum
sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng
kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay
mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan.

Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon..

Bumuo sa Pagsusulat

Manunulat:
• Johnson Modesto A. Blanco, MPA (Mariano Marcos State University)
Mga Tagasuri:
• Emilio Aguinaldo, MTE (Philippine Normal University - Manila)
• Regie Boy B. Fabro, PhD (Mariano Marcos State University)

Management Team
Philippine Normal University
Research Institute for Teacher Quality
SiMERR National Research Centre

Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong
sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 86 31-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected].
LESSON PLAN IN SCIENCE 4 QUARTER 1 DATE: __________________

I. ILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN


A. Mga Pamantayang
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan, bahagi, at basic operation ng computer.
Pangnilalaman

B. Mga Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng iba’t ibang dokumento gamit ang computing device at productivity tools.
Pagganap

C. Mga Kasanayan at Mga Kasanayan


Layuning • Ang mga mag-aaral ay naipaliliwanag ang kahalagahan ng computer at iba pang computing
Pampagkatuto devices.
Mga Layunin
1. natatalakay ang mga bahagi at gamit ng computer at peripherals nito
2. natatalakay ang basic computer operations

D.Nilalaman Introduction to Computer


● Kahalagahan ng computer at computing devices
● Mga bahagi ng Computer System
● Basic Computer Operations
- Booting and shutting down computer
- Keyboarding Techniques
- Mouse Techniques

E. Integrasyon SDG 9: Industry, Innovation, and Infrastructure


21st Century Skills

II. BATAYANG SANGGUNIAN

Abawag, M. B. (2020). Modyul 2: Tara na sa Mundo ng ICT (Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet at email). DepEd.
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2021/10/epp-ict4_q1q2_mod2_TaraNaSaMundoNgICT_v2.pdf
Hussain, B. (2017). Introduction to Computing Devices and their usage. Computing Technology with IT Fundamentals. Medium.
https://medium.com/computing-technology-with-it-fundamentals/introduction-to-computing-devices-and-their-usage-7a5c83645770
Samadan, Eden F. et al. (2019). Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Ikaapat na Baitang-Kagamitan ng Mag-aral. FEP Printing Corporation,
Department of Education, Bureau of Learning Resources (DepEd -BLR) (pp. 125-127). https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-
philippines-visayas/bachelor-of-secondary-education/q2-epp-he/83806998
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO

A. Pagkuha ng Dating UNANG ARAW Maghanda ng mga larawan


Kaalaman 1. Maikling Balik-aral tungkol sa iba’t ibang parte ng
Ang mga computer ay mahalagang bahagi ng maraming aspeto ng modernong computer sa pamamagitan ng
buhay, mula sa pag-aaral at libangan hanggang sa komunikasyon at iba pa. digital pictures sa paggamit ng
Ang pag-unawa sa inyong interaksyon sa mga computer ay makakatulong sa projektor.
atin na bumuo ng matibay na pundasyon para sa aralin natin ngayong araw.
Ang guro ay magpakita ng mga larawan ng mga parte ng computer at mga
computing devices at tukuyin sa mga mag-aaral ang mga pangalan nito.
Itanong:
1. Sino sa inyo ang gumagamit ng computer sa araw-araw? Para saan ninyo
ito ginagamit?
2. Ano ang mga karanasan ninyo sa paggamit ng computer? Ano ang mga
bagay na madali o mahirap para sa inyo?
2. Pidbak (Opsiyonal)

B. Paglalahad ng 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Ibigay ang pangunahing


Layunin Itanong sa klase kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng computer at layunin ng aralin at
computing devices? Paano nito mapapadali ang ating buhay? Ano ang mga magbibigay ng mga
bahagi ng computer na alam ninyo? Paano ito gumagana? Ano ang mahahalagang termino gaya ng
kahalagahan ng tamang paraan ng pag-boot at pag-shutdown ng computer? Computer at mga iba pang
computing devices.
2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
I-discuss ang mga mahahalagang termino: “Sa pagtatapos ng aralin na ito,
● Computer - ay isang makinang elektroniko na gumagamit ng digital maiintindihan natin ang
signal sa pagpoproseso ng mga komplikadong problema sa matematika, kahalagahan ng computer at
paggawa ng mga pormal na dokumento o ulat, pagtatago ng datos o iba't ibang computing devices,
program upang mapadali ang gawain, at paglilibang.
malalaman natin ang mga
● Computer system - ay ang kabuuang sistema ng mga bahagi at proseso
pangunahing bahagi ng
na bumubuo ng isang kompyuter.
● Booting - ay ang proseso ng pagpapatakbo ng operating system (OS) at computer system, at
iba pang mga software sa isang computer mula sa kapangyarihan off matututunan natin ang basic
hanggang sa nagiging fully operational ito. computer operations tulad ng
pag-boot, pag-shutdown,
● Shutting down o pagpapatigil - ay proseso ng pagpatay ng lahat ng keyboarding techniques, at
operasyon ng computer at pagpapatigil sa pagpapatakbo ng mga mouse techniques.”
programa at operating system nito.
● Keyboarding techniques - ay mga pamamaraan o kasanayan sa
paggamit ng keyboard ng isang computer nang mabilis, epektibo, at may
kaunti o walang pagkakamali.
● Mouse techniques - ay tumutukoy sa mga pamamaraan o kasanayan sa
paggamit ng mouse nang mabilis, epektibo, at may kaunti o walang
pagkakamali.
C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Kahalagahan ng computer at computing devices
Pagpapalalim Ang guro ay magpapakita ng
1. Pagproseso ng Pag-unawa mga larawan ng computing
Ang mga computer at computing devices ay napakahalaga sa ating ang- devices sa pamamagitan ng
araw-araw na buhay. Ginagamit natin ito sa pag-aaral, trabaho, at maging powerpoint presentation.
sa libangan."
Gamitin ang mga katanungang ito:
● Ano-ano ang mga pwedeng magawa ninyo gamit ang inyong computer o
smartphone?
● Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kahalagahan ng computer
at computing device sa ating pang-araw na gawain. Banggitin na ito ang
pag-aaralan nila ngayon.
● Ipasagot sa mga mag- aaral ang sumusunod na katanungan:
Ano ang computer, computing device?

Mayroon ba kayong nalalamang


computer device? Sabihin nga ninyo
kung ano ang gamit ng mga ito?

Sabihin sa mga mag-aaral na


pangalanan ang iba’t ibang device
na ipapakita.

Ipakita ang mga larawan


Magkaroon ng talakayan tungkol sa
mga kilalang computing device tulad ng desktop computer, laptop, Itanong sa mga mag-aaral
smartphone, at tablet. kung ano ang kahalagahan ng
Ipasulat ang binanggit na computing device sa pisara. computer at mga computing
device sa atin.
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Ang computer ay may malaking kahalagahan sa ating modernong buhay.
Narito ang ilang mga aspeto kung bakit ito mahalaga:
1. Komunikasyon: Ang computer ay nagbibigay-daan sa atin na makipag-
ugnayan sa iba't ibang tao sa buong mundo. Sa pamamagitan ng email,
social media, at iba pang online platforms, mas madali nating maiparating
ang mensahe sa mga kaibigan, pamilya, at trabaho.
2. Edukasyon: Ang computer ay isang mahalagang tool sa edukasyon. Ito ay
ginagamit para sa online learning, research, at pag-aaral. Maaari tayong
mag-access sa malawakang impormasyon mula sa internet, mga e-books,
at educational software.
3. Trabaho: Sa kasalukuyan, maraming trabaho ang nangangailangan ng
computer literacy. Ito ay ginagamit para sa data entry, accounting, graphic
design, programming, at iba pa. Ang computer ay nagpapabilis ng trabaho
at nagpapataas ng produktibidad.
4. Negosyo: Ang computer ay kritikal sa mga negosyo. Ito ay ginagamit para
sa inventory management, customer service, marketing, at financial
transactions. Ang mga online platforms ay nagbibigay-daan sa mga
negosyo na makipagkalakalan sa iba't ibang bansa. Ipadama sa mga mag- aaral
5. Entertainment: Ang computer ay nagbibigay-daan sa atin na manood ng
kung paano ito nakakatulong
mga pelikula, makinig sa musika, maglaro ng video games, at mag-browse
sa kanilang buhay araw-araw.
sa internet. Ito ay isang libangan at pampalipas-oras.
6. Scientific Research: Ang computer ay ginagamit sa mga scientific
simulations, data analysis, at modeling. Ito ay nagbibigay-daan sa mga
scientist na mas mapabilis ang kanilang pananaliksik.
Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang karanasan sa
paggamit ng computer at computing devices sa pang araw araw na buhay.
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Gawain Blg. 1: Kahalagahan ng Computer at
Computing devices.

Igrupo ang mga mag- aaral para sa gawain. Tingnan ang worksheet para sa
Isulat ang mga kahalagahan ng computer at mga aktibidad na gagawin ng
computing devices sa graphic organizer. mga mag-aaral.

IKALAWANG ARAW
Kaugnay na Paksa 2: Mga Bahagi ng Computer System

1. Pagproseso ng Pag-unawa
Ang computer ay parang katawan ng tao. Upang mas madaling maintindihan
ang mga bahagi ng computer system, ihahambing natin ito sa katawan ng tao.
Ang pagkakaroon ng konkretong imahe ay makakatulong sa atin na mas
maunawaan kung paano gumagana ang bawat bahagi ng computer at ang
kanilang kahalagahan. Ang CPU ang utak, ang monitor ang mata, ang keyboard
at mouse ang mga kamay, at ang storage devices ay ang memorya.
● Keyboard- Ginagamit para mag-type ng mga titik, numero at mga
simbolo.
● Mouse- Ito ang komokontrol sa galaw ng “onscreen pointer” at
isinasaad din nito ang gagawin ng computer.
● PC Camera- Kadalasan itong ginagamit sa video conference o video
chat at sa pagkuha ng larawan. Gamit ang graphic organizer,
● CPU/Microprocessor- Ito ang utak ng computer. Ito ang nagpoproseso isulat ang kahalagahan ng
ng lahat ng impormasyon at nagkokontrol ng lahat ng gawain. Katulad computer at iba pang
ng utak ng tao, ang CPU ang nagpapasya kung ano ang susunod na computing device sa pang-araw
araw na Gawain, at ipaulat ito
gagawin batay sa mga natanggap na impormasyon.
sa klase.
● Monitor- Ang monitor ang mata ng computer. Dito natin nakikita ang
lahat ng impormasyon, larawan, at video. Katulad ng mga mata ng tao
na nagdadala ng visual na impormasyon sa utak, ang monitor ay
nagpapakita ng visual na impormasyon mula sa CPU.
● Printer- Ginagamit ito upang maimprenta o mailimbag sa papel ang
mga dokumento o larawan mula sa computer.
● PC-Speaker- Dito lumalabas ang tunog na galing sa computer.
● CD/DVD- Ginagamit ito upang i-play ang media files, o mag-burn at
mag-save ng datos o impormasyon.
● Storage Devices - Memorya - Ang storage devices, tulad ng hard drive
at SSD, ay ang memorya ng computer. Dito iniimbak ang lahat ng
impormasyon at data. Katulad ng utak ng tao na nag-iimbak ng mga
alaala at kaalaman, ang storage devices ay nag-iimbak ng mga file,
dokumento, at iba pang impormasyon.

"Alam ba ninyo kung ano ang Itanong ito sa mga mag-aaral


mga pangunahing bahagi ng Alam ba ninyo kung ano ang
isang computer?" mga pangunahing bahagi ng
isang computer?"
"Bakit kaya mahalaga ang bawat "Bakit kaya mahalaga ang
bahagi ng computer?" bawat bahagi ng computer?"

2. Pinatnubayang Pagsasanay
"Tingnan ninyo ang diagram na ito ng computer system. “
Ang monitor ang nagpapakita ng output. Ang monitor ay isang output device
Kung wala man computer
na ginagamit upang magpakita ng mga visual na impormasyon mula sa
system na maipapakita mismo,
computer. Narito ang ilang mahahalagang punto patungkol sa papel ng monitor
magpakita ng mga pictures ng
bilang isang output device:
iba’t ibang output devices
1. Pagpapakita ng mga Larawan at Text: Ang pangunahing tungkulin ng
monitor ay magpakita ng mga larawan, text, at iba pang mga graphic na
nilikha ng computer. Ito ang nagbibigay sa mga gumagamit ng visual na
representasyon ng data, application interfaces, at iba pang mga
elemento sa screen.
2. Pagpapakita ng Video at Multimedia Content: Ang monitor ay
nagbibigay-daan sa mga gumagamit na panoodin ang mga video,
pelikula, at iba pang mga multimedia na nilalaman sa computer. Ito ay
nagbibigay ng immersive na karanasan sa mga gumagamit habang
naglalaro, nanonood ng video, o kahit nagtatrabaho sa mga graphical na
aplikasyon.
3. Pagpapakita ng Grafiko at Animasyon: Ang monitor ay may kakayahan
na magpakita ng mga complex na grafiko at animasyon. Ito ay mahalaga
sa mga graphic design, video editing, at gaming, kung saan ang mataas
na kalidad ng visual na output ay kritikal.
4. Resolusyon at Refresh Rate: Ang mga teknikal na katangian ng monitor,
tulad ng resolusyon at refresh rate, ay nagtatakda ng kalidad ng output
na ipinapakita nito. Ang mas mataas na resolusyon at refresh rate ay
nagreresulta sa mas malinaw at mas mabilis na mga larawan sa screen.
5. Multiple Monitor Setups: Sa ilang mga kaso, ang mga gumagamit ay
maaaring magkaroon ng multiple monitors na konektado sa kanilang
computer. Ito ay nagbibigay ng mas malawak na workspace at
nagpapadali sa multitasking sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas
maraming espasyo sa pagpapakita ng mga application at mga window.
Ang CPU o Central Processing Unit ay ang pangunahing bahagi ng isang
computer na responsable sa pagproseso ng impormasyon. Narito ang ilang
mahahalagang tungkulin ng CPU:
1. Pag-Execute ng mga Instruksyon: Ang CPU ay nagpapatakbo ng mga
instruksyon na ipinadala sa kanya mula sa memorya ng computer. Ito ay
naglalakad sa mga kompyutasyon, pag-aaral, at pag-proseso ng data
ayon sa mga commands na itinakda ng program.
2. Pag-proseso ng Aritmetiko at Logic: Ang CPU ay naglalaman ng mga
circuits na may kakayahang magproseso ng aritmetiko (tulad ng
pagdagdag, pagbawas, pagpapalit) at mga logic operations (tulad ng mga
kumparahan, paghahambing ng mga numero). Ito ang nagpapatakbo ng
mga matematikal na kalkulasyon at lohikal na operasyon.
3. Pamamahala ng I/O Operations: Ang CPU ay nagpapatakbo ng mga
operasyon ng Input/Output (I/O) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
sa mga input devices tulad ng keyboard at mouse, at mga output devices
tulad ng monitor at printer. Ito ang nagpapabago sa paglipat ng data sa
pagitan ng memorya at mga peripheral device.
4. Paghahanda ng Data: Bago ang pag-proseso, ang CPU ay nagpapakete
ng data mula sa memorya sa mga manipulable na yunit, tulad ng mga
register nito. Ito ay upang maging mas mabilis at epektibo ang pagproseso
ng mga operasyon.
Ang keyboard at mouse ay mga input device na ginagamit upang magbigay
ng input o datos sa computer. Narito ang mga pangunahing tungkulin ng
bawat isa:
1. Keyboard:
● Ang keyboard ay isang input device na binubuo ng mga keys na
nagre-representa ng mga letra, numero, simbolo, at mga function
keys. Ginagamit ito upang mag-input ng text, commands, at iba
pang mga datos sa computer.
● Ang mga gumagamit ay nagpapatakbo ng mga keys gamit ang
kanilang mga daliri, at ang computer ay tumatanggap ng mga signal
mula sa keyboard at nag-iinterpret ng mga ito bilang mga karakter
o commands.
● Ang mga keyboard ay maaaring may iba't ibang layout depende sa
lokalidad (tulad ng QWERTY, AZERTY, o Dvorak) at maaaring
mayroong mga karagdagang function keys at shortcut keys para sa
iba't ibang mga gawain.
2. Mouse:
● Ang mouse ay isang input device na karaniwang binubuo ng isang
body at isang mouse pointer o cursor. Ginagamit ito upang mag-
navigate sa computer interface at magpili ng mga elemento sa screen.
● Ang mga gumagamit ay gumagalaw ng mouse sa isang pad o surface,
at ang computer ay nagtutugon sa mga galaw na ito sa pamamagitan
ng paggalaw ng mouse pointer sa screen.
● Ang mouse ay mayroon ding mga buttons, tulad ng left button, right
button, at scroll wheel, na maaaring gamitin para sa pag-click, pag-
right click, at pag-scroll sa mga interface at mga elemento sa screen.
Ang storage devices ay mga aparato o device na ginagamit upang magtago at
mag-preserba ng impormasyon, data, at mga file sa isang computer system.
Narito ang ilang mahahalagang aspeto tungkol sa papel ng storage devices:
1. Paggamit ng Permanent Storage: Ang storage devices ay ginagamit Alamin sa mga mag-aaral kung
upang magtago ng impormasyon nang permanente sa loob ng computer. anu- ano ang mga bahagi at
Ito ay naiiba sa temporary storage tulad ng RAM (Random Access gamit ng computer at
Memory), kung saan ang data ay nawawala kapag nawalan ng peripherals nito.
kapangyarihan ang computer.
2. Talagang-Memorya (Non-Volatile Memory): Ang mga storage device ay
karaniwang mayroong non-volatile memory, na nangangahulugang ang
mga datos na nakaimbak ay nananatiling nariyan kahit na mawalan ng
kapangyarihan ang device. Ito ay nagbibigay ng pangmatagalang pag-
preserba ng mga file at impormasyon.
3. Iba't ibang Uri ng Storage Devices: Mayroong iba't ibang uri ng storage
devices, kabilang ang mga sumusunod:
● Hard Disk Drives (HDD): Ito ang tradisyunal na storage device na
gumagamit ng mga mekanikal na arm na nagbabasa at sumusulat
ng data sa mga magnetic platters.
● Solid State Drives (SSD): Ito ay mas modernong uri ng storage
device na walang moving parts. Ito ay mabilis, tahimik, at mas
matibay kaysa sa HDD.
● Flash Drives: Ito ay maliit na portable storage device na
karaniwang ginagamit upang magdala ng mga file mula sa isang
computer patungo sa isa pang computer.
● Cloud Storage: Ito ay isang uri ng storage na nagbibigay-daan sa
mga gumagamit na mag-imbak ng kanilang mga file sa internet, na
nagbibigay-daan sa kanila na ma-access ito mula sa anumang
device na may internet connection.
4. Organisasyon at Access sa Impormasyon: Ang storage devices ay
nagbibigay ng paraan para sa organisasyon at access sa impormasyon.
Ang mga file system at file management software ay ginagamit upang mag-
organisa at mag-access sa mga file at folder sa loob ng storage device.

Ang printer ay isang output device na ginagamit upang mag-produce ng mga


hard copy o printed na kopya ng mga dokumento, larawan, at iba pang mga
elemento mula sa computer. Narito ang ilang mahahalagang aspeto tungkol sa
papel ng printer:
1. Pag-print ng Mga Dokumento at Larawan: Ang pangunahing tungkulin
ng printer ay mag-print ng mga digital na file at mga dokumento mula sa
computer sa anyo ng mga printed na kopya. Ito ay maaaring maging mga
dokumento sa teksto, larawan, presentasyon, spreadsheet, at iba pa.
2. Iba't ibang Uri ng Printers: Mayroong iba't ibang uri ng printer na may
kanya-kanyang mga katangian at paggamit:
● Inkjet Printers: Ito ay mga printer na gumagamit ng mga liquid ink
cartridges upang mag-produce ng mga larawan at mga dokumento.
Karaniwang ginagamit ito para sa mga personal na pangangailangan o
sa maliit na opisina.
● Laser Printers: Ito ay mga printer na gumagamit ng laser technology
upang mag-print ng mga dokumento. Karaniwang mas mabilis ito
kaysa sa inkjet printers at kadalasang ginagamit sa mga malalaking
opisina o negosyo.
● Multifunction Printers (MFP): Ito ay mga printer na may kakayahan
din sa pag-scan, pag-copy, at pag-fax ng mga dokumento, bukod sa
pag-print. Ito ay kadalasang all-in-one device na may mga pag-andar
ng scanner, copier, at fax machine.
● 3D Printers: Ito ay mga printer na may kakayahan sa pag-print ng mga
tatlong-dimensyonal na mga bagay mula sa digital na disenyo.
Karaniwang ginagamit ito sa mga industriya tulad ng
pagmamanupaktura, pag-disenyo, at pagpapalabas ng mga prototipo.
3. Paggamit sa mga Larangan: Ang printer ay mahalagang bahagi ng mga
larangang tulad ng edukasyon, negosyo, sining, at industriya. Ito ay
ginagamit para sa pag-print ng mga akademikong papel, mga dokumento
sa opisina, marketing materials, larawan, mga blueprint, at marami pang
iba.
4. Pagiging Bahagi ng Computer Setup: Ang printer ay karaniwang kasama
sa computer setup, lalo na sa mga opisina at tahanan kung saan ang mga
printed na kopya ng mga dokumento ay mahalaga para sa pagsasagawa
ng mga gawain at pagpapadala ng impormasyon.

"Kayo naman ang mag-label ng diagram ng computer system. Isulat ninyo ang Tingnan ang worksheet para sa
pangalan ng bawat bahagi at ang kanilang mga.” mga aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral.
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Gawain Blg. 2 Mga Bahagi ng Computer System
Tukuyin ang mga ipinakikitang larawan tungkol sa mga bahagi ng computer
sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

IKATLONG ARAW
Kaugnay na Paksa 3: Basic Computer Operations

1. Pagproseso ng Pag-unawa
Booting and Shutting Down the Computer
Ang tamang pag-boot at pag-shutdown ng computer ay mahalaga upang
maiwasan ang pagkasira ng hardware at pagkawala ng data.
Itanong ito sa klase:
1. Paano ninyo karaniwang ini-on at ini-off ang inyong mga computer?
2. Ano ang mangyayari kung hindi natin tamang i-shutdown ang computer?
Keyboarding Techniques
Ang tamang posisyon ng kamay at daliri sa keyboard ay makakatulong upang
mapabilis ang pagta-type at maiwasan ang sakit sa kamay."
Itanong ito sa klase:
1. Ano ang karaniwang posisyon ng inyong kamay habang nagta-type?
2. Ano ang mga nararamdaman ninyo pagkatapos ng matagal na pagta-
type?
Mouse Techniques
Ang tamang paghawak at paggamit ng mouse ay makakatulong upang
maiwasan ang pagkapagod at pinsala sa kamay.
1. Paano ninyo karaniwang hinahawakan ang inyong mouse?
2. Ano ang mga problema na nararanasan ninyo sa paggamit ng mouse?

2. Pinatnubayang Pagsasanay
Mga dapat sundin:
Pakitang turo ng guro sa basic computer operation tulad ng:
- Booting and shutting down computer
- Keyboarding Techniques
- Mouse Techniques
A. Booting at Shutting Down ng Computer
1. Magkaroon ng pangunahing pagsasanay sa booting at shutting down
ng computer.
2. Ipakita ang mga hakbang sa pag-boot ng computer:
a. Pagpindot ng power button.
b. Paghihintay hanggang sa lalabas o magpakita ang desktop.
3. Ipakita ang mga hakbang sa pag-shut down ng computer:
a. Pag-click sa start button.
b. Pagpili ng "Shut down" o "Restart."
c. Paghihintay hanggang sa ganap na ma-off ang computer.
B. Keyboarding Techniques
1. Ipakita ang mga tamang posisyon ng kamay sa keyboard (home row.
2. Magsanay sa pag-type ng mga salita o pangungusap.
3. Panoorin ang mga mag-aaral habang nagta-type at magbigay ng kagyat
na puna.
C. Mouse Techniques
1. Ipakita ang mga pangunahing pamaraan sa paggamit ng mouse: tulad
ng click, double-click, right-click, at drag.
2. Bigyan ng pagkakataong magsanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng
mouse sa pagsagot sa hyperlink na ihahanda ng guro tungkol sa aralin.

Ibigay ang mga dapat tandaan sa pag-boot at pag-shut down ng computer.


Tingnan ang worksheet para sa
3. Paglalapat at Pag-uugnay mga aktibidad na gagawin ng
Gawain Blg. 3: Pagtukoy sa Basic Computer Operations mga mag-aaral.
Ipaalam sa mga mag-aaral na pag-aaralan nila ang Basic computer operation
tulad ng:
• Booting and shutting down
• Keyboarding Techniques
• Mouse Techniques

Itanong kung ano ang alam nila sa mga bagong salita.


Ano ang alam mo sa ……?
1. basic
2. computer operation
3. booting
4. shutting down
5. keyboard
6. mouse Tingnan ang worksheet para sa
Gawain Blg. 4: Pagtukoy sa mga Basic Computer Operations mga aktibidad na gagawin ng
Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may idea kung paano mga mag-aaral.
gagawin ang mga ito.
- Booting and shutting down computer
- Keyboarding Techniques
- Mouse Techniques
• Ano-ano ang mga pangunahing teknik sa paggamit ng keyboard?
• Paano mo magagamit ang mga shortcuts sa keyboard para sa mas mabilis
na trabaho?
• Ano ang mga pangunahing kilos sa paggamit ng mouse?
• Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng mouse at keyboard sa paggamit
ng computer?
D. Paglalahat 1. Pagninilay sa Pagkatuto
Isulat ang inyong pinakamakabuluhang natutuhan tungkol sa araling
tinalakay.
2. Pagninilay sa Pagkatuto
● Ano-ano ang kahalagahan ng computer at computing devices?
● Ano-ano ang mga wastong paraan ng paggamit ng iba’t

IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO

A. Pagtataya IKAAPAT NA ARAW Maaaring gawing Homework ang


1. Pagsusulit Formative Assessment kapag
Pabaong Pagkatuto hindi ito natapos ng mga mag-
aaral.
Gawain Blg. 5: Formative Assessment Mga Sagot:
Tingnan ang worksheet para sa mga aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral. A. 1. B B. 6. M
2. A 7. T
2. Homework (Opsyonal) 3. D 8. T
4. B. 9. M
5. C 10. M

B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan Ang bahaging ito ay oportunidad


Anotasyon sa pagtuturo sa Problemang Naranasan at ng guro na maitala ang mga
Epektibong Pamamaraan mahalagang obserbasyon kaugnay
alinmang sumusunod Iba pang Usapin
na bahagi. ng naging pagtuturo. Dito
idodokumento ang naging
karanasan mula sa namasdang
Estratehiya ginamit na estratehiya,
kagamitang panturo,
Kagamitan pakikisangkot ng mga mag-aaral,
at iba pa. maaaring tala rin ang
Pakikilahok ng mga bahaging ito sa dapat maisagawa
Mag-aaral o maipagpatuloy sa susunod na
pagtuturo.
At iba pa

C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang bahaging ito ay patnubay sa


guro para sa pagninilay. Ang mga
▪ Prinsipyo sa pagtuturo maitatala sa bahaging ito ay input
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? para sa gawain sa LAC na
Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? maaaring maging sentro ang
pagbabahagi ng mga
▪ Mag-aaral
magagandang gawain, pagtalakay
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?
sa mga naging isyu at problema sa
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?
pagtuturo, at ang inaasahang mga
▪ Pagtanaw sa Inaasahan hamon. Ang mga gabay na tanong
Ano ang aking nagawang kakaiba? ay maaring mailagay sa bahaging
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? ito.

You might also like