0% found this document useful (0 votes)
398 views74 pages

Komunikasyon Hand Outs

HAND OUTS

Uploaded by

Ma.Miccah Tallod
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 74

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
I. Introduksyon

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika.

Ito ang naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-kanilang mga
ninanais at niloloob. Ayon kina Espina at Borja (1999:1), ang wika ay isang
mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin
at kaisipan. Ang kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan,
damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan— kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng
kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob,

anong uri kaya ng lipunan mayroon tayo? Walang makabuluhang gawaing
pantao ang maaaring maganap kung hindi niya maipababatid ang kanyang
iniisip gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na

may kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga katanungan na hindi karaniwang
pinag-iisipan o ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang
pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula
pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging kapansanan para hindi matuto ng
wika o kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan.

II. Batayang Kaalaman sa Wika at Komunikasyon

Wika
• Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
• Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin
ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan.
• Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa’t isa.
• Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan din dila at wika. Kalaunan ito’y nagging language na
siya na ring ginamit na katumbas sa salitang lengguwahe sa wikang
Ingles.
• Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay
may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang
dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog
ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila.
• Kaya naman ang wika ay may tradisyonal at
popular na pagpapakahulugang sistema ng
arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na
ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t Ibang Manunulat

• Paz, Hernandez, Peneyra – ang wika ay tulay na ginagamit para

maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin. Ito ay behiluko ng ating ekspresyon at komunikasyon na
epektibong nagagamit.
• Henry Allan Gleason Jr. – isang lingguwstika at propesor sa emeritus
sa University of Toronto, ang wika ay masistemang balangakas ng mga

1
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
• Cambridge Dictionary – ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang
sistema ng komunikasyong nagtatagkay ng mga tunog, salita at
gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa
isang bayan o sa iba’t ibang uri ng Gawain
• Charles Darwin –naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng
paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsulat. Hindi rin
daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang
pagaralan bago matutuhan.
• Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang
wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin,
isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan. Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at
ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa
tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang
ating kinabibilangan.
• Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala
sa
Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang
Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan
ang wika.
• Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang
Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat
wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha
nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
• Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay
ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na
ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring
makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na
morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na
pinagugnayugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag
nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
• Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong
manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng
karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura,
nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong
angkinin at ipagmalaki.
• Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang
larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan,
imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-
yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita
ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat
sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang
hakahaka at katiyakan ng isang bansa.
• Ang wika ayon kay Chomsky (1957), isang prosesong mental.
May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may
magkatulad na katangiang linggwistik.
• Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong
isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon.
Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura

2
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at
makatao.
• Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang
wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga
bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.
• Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1.
Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa
isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay
nagsesetup o saklaw ang mag kahulugan.
• Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang
natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang naging
batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar
na walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay
“bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.
• Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman
(1957) na amy pamagat na “THE ORIGIN OF LANGUAGE” ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa
kanya uoang makalikha ng iba’t-ibang wika.
• Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo
ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang
kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala
naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo
sapiens o mg unang tao.
• Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na
ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring nakaiintindi,
katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

 Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng

pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin a pamamagitan ng mga salita
upang makipagunawaan sa kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mgasalita,
parirala, at pangungusap na may kahulugan.
 Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, ang wika ay sistematikong
balangkas ng isinatinig na mga tunog na pinili at isinagawa sa
pamamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga
taong nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay hindi
na pinagtatalunan at samakatuwid pinagkasunduan na gamitin na lamang.
 Ayon sa isang pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitaryong
walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pagiisip ng tao.
 Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.
 Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting
paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na
isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
 Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang
binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na

3
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang
dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng
mga tuntunin.
 Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language?
Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga
tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at
pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang
mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng
lipunan.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika.Bukod sa

damidaming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan,
paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika
na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya
tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan
ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga
bagaybagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto.
Ang iba ay siyentipiko ang paraan ngpagdulog samantalang relihiyoso naman
sa iba. May ilangnagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong
sa isa’t isa.

1. TORE NG BABEL

 Batay sa kwento ng Bibliya, iisa lamang ang wika noong unang panahon
kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang
tao nahigitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nagambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos
na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi namagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)

2. TEORYANG BOW-WOW

 Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa

panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao
diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil
dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil
ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tukoy dahil sa tunog
na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga
tunog,kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay “aw-aw” at sa pusa ay
“miyaw”. Ngunit kung totoo ito, bakit ibaiba ang tawag sa aso halimbawa
sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika
man o sa Tsina ay pareho lamang.

3. TEORYANG DING-DONG

 Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa

teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga

4
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
bagaybagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kung di maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng
mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismong tunog.

4. TEORYANG POOH-POOH

 Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap,kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin
nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa Aray ! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng
naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

5. TEORYANG YO-HE-HO

 Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,2003) na ang

tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert
ngpwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapagtayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

6. TEORYANG YUM-YUM

 Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa

pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig
ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta, mula sa
paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

7. TEORYANG TA-TA

 Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ngkamay ng tao na

kanyang ginagawa sa bawat partikularna okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang “paalam o goodbye” sapagkat kapag ang isang tao
nga namang nagpapaalam ay kumakampayang kamay nang pababa at
pataas katulad ng pagbaba atpagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang
salitang ta-ta

8.TEORYANG SING-SONG

 Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika aynagmula sa

paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,panliligaw at iba pang mga
bulalasemosyunal.Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya,
angmga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, athindi maiikling
bulalas na pinaniniwalaan ng Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh.
 Iminungkahi ng linggwistang si Revez na bunga ng interpersonal nakontak
ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revez, nagmula ang
wika sa mga tunog na nagbabadyang pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo! ). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galito sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

5
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
8. TEORYANG COO-COO

 Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunogna nalilikha ng

mga sanggol. Ang mga tunog daw na itoang ginaya ng mga matatanda
bilang pagpapangalan samga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ngmarami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ngmga
matatanda.

10. TEORYANG BABBLE LUCKY

 Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mgawalang kahulugang

bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ngtao, sinuwerte lamang daw siya nang
ang mga hindisinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyangnalikha
ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid nakalaunan ay naging
pangalan ng mga iyon.
11. TEORYANG HOCUS POCUS

 Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ngwika ay tulad ng

pinanggalingan ng mga mahikal orelihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao
ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog nakalaunan ay
naging pangalan ng bawat hayop.

12. TEORYANG EUREKA

 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating
mga ninuno ay may ideya ng pagtatakdang mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon
ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at nagingkalakaran
sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

13. TEORYANG LA-LA

 Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik nanagtutulak sa tao

upang magsalita.

14. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY

 Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos
lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang
pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito,
ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan.

15. TEORYANG MAMA

 Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinaka madadaling pantig
ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa
una’ y hindi niyamasasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang
pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano,una niyang
nasasabi ang
“mama” bilang panumbas sasalitang mother

16. RENE DESCARTES

 Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang
gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May

6
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang
magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya
hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang
tungkulin nito sa kaniyang buhay.

17. PLATO

 Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. “Necessity isthe mother of all

invention”, sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain,
pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
18. JOSE RIZAL

 Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa PoongMaykapal, bakit hindi ang

wika? Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos
ang wika sa tao.

19. CHARLES DARWIN

 Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. “Survival of the
fittest, elimination of the weakest.” Ito ang simpleng batas ni Darwin.
Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat
na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”,
sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang
nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.

20. WIKANG ARAMEAN

 May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang

lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa
Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

21. HARING PSAMMATICHOS

 Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang

eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang
tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit
naipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita.

 Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na

ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maiklingsabi, likas na natututuhan ng tao
ang wika kahit hindi ituroang pinanghahawakan ng teoryang ito.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa

daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na
naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-
Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang
pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at
ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang sinulat ang Bibliya.
Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang
lingwahe’y nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya
ang tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at
husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang
sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sarisariling kalakasan at
kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y

7
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sapagtalakay sa
pinagmulan ng wika.

https://www.academia.edu/36928754/Mga_teorya_ng_pinagmulan_ng_wika
B. IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA

Wikang Pambansa

Tinalakay na sa naunang bahagi ng aralin na Filipino ang pambansang

wika ng Pilipinas at ang mahabang kasaysayan ng pag-unlad nito. Ayon sa
Merriam-Webster dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang
wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang
bansa. Ito ang itinuturing na opisyal na wika o isa sa mga opisyal na wikang
ginagamit ng pamahalaan at sistema ng edukasyon.Sapagkat ito ang nag-
iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan, nagiging batayan din ito
ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.

Sa Pilipinas, Filipino ang de jure at de factona pambansang wika ng

bansa. De jure sapagkatlegal at naaayon sa batas na Filipino ang
pambansang wika. Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at
pagpapaunlad ng isang pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV,
Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987 ang mga tiyak na probisyon kaugnay ng
wika. Ayon dito:

“Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”

Filipino ang de facto na pambansang wika sapagkat aktuwal na itong

ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamayang Pilipino. Ayon sa
Philippine Census noong 2000, 65 milyong Pilipino o 85.5% ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang
Filipino.

Wikang Panturo

Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa

edukasyon ng isang bansa, ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit na
medium o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon.
Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga
magaaral. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-
aaral ang iba’t ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman at mga
kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan. Inaasahan din na sa
kalaunan ng pagaaral ay nagiging bihasa ang mag-aaral sa wikang panturo

8
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
na ginagamit sa paaralan at maging siya ay epektibong nagagamit ito sa
pagkakamit ng lalong mataas na kaalaman.

Madalas na nagiging sentro ng usapin ang wikang panturo sa mga

polisiyang pangwika sa edukasyon. Pangunahing konsiderasyon ang wika
bilang daluyan ng kaalaman kaya’t masasabing magtatakda rin ng tagumpay
ng pagkakamit ng layunin ng anomang sistema ng edukasyon. Tinukoy ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO )
noong 2003 na isa sa pangunahing porma ng eksklusyon sa edukasyon ang
suliranin sa wika. Ayon sa pag-aaral, mahigit kalahati ng mga mag-aaral sa
buong mundo ay gumagamit ng wika sa edukasyon na hindi nila
kinasanayang gamitin sa kani-kanilang tahanan kung kaya’t nagiging sagabal
ito sa proseso ng pagkatuto.

Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong

1987 bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyong 1987. Pangunahing
nilalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng Filipino at Ingles
bilang mga wikang panturo. Ipinatupad naman ang Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MTB MLE) noong 2009 na nagbibigay-diin sa paggamit
ng mga katutubong wika bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang
panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Wikang Opisyal

Ang wikang opisyal ay ang wikang kadalasang itinatadhana ng batas

bilang wikang maaaring gamitin sa mga legal na usapin at pangkalahatang
komunikasyon ng gobyerno. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa mga
opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislasyon ng batas at
pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon.
Usapin ng pagsasakapangyarihan ng isang tiyak na wika at grupo ng mga
taong gumagamit nito ang pagkapili rito bilang opisyal na wika sapagkat may
kaakibat itong pribilehiyo at adbentahe.

Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles

bilang mga opisyal na wika ng bansa. Narito ang mga tiyak na probisyong
pangwika sa Artikulo XIV ng konstitusyon.

Sek. 7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,

ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles.

Sek. 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at

Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
Arabic at Kastila.

Bilingguwalismo

Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong

makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang
buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang
magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala
sa dalawang wika.

Ayon kay Lauren Lowry (2011), isang Speech-Language Pathologist,

maraming kapakinabangan ang bilingguwalismo sa isang indibidwal.
Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga bilingguwal na bata ay

9
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at
paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisang wika
lamang ang nauunawaan. Para naman sa mga matatandang bilingguwal,
nababawasan ang pagkakasakit na may kinalaman sap ag-iisip dala ng
pagtanda. Sa isang pag-aaral, ipinakitang mas nahuhuli ng apat na taon ang
pagkakaroon ng Dementia sa mga matatandang bilingual kaysa sa mga
monolingguwal. Ipinapakitang mas nagkakaroon din ng akses sa kapuwa at
kaparaanan ang mga mga bilingguwal. Halimbawa, sa bansang Canada, mas
mataas ang employment rate o bilang ng mga may hanapbuhay sa mga
nakapagsasalita ng wikang Franses at Ingles kaysa sa mga monolingguwal.

Ipinatupad ang Biligual Education (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan ng

National Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, S. 1973. Noong 1994,
ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng
Department Order No. 25, S. 1974 na may titulong “Implementing Guidelines
for the Policy on Bilingual Education.”Sa kabuuan, naglalaman ito ng gabay
kung paanong magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang
wikang panturo sa mga tiyak na erya ng pagkatuto sa mga paaralan. Ayon sa
polisiya, Pilipino (kalaunan ay naging Filipino) ang gagamitin bilang wikang
panturo sa mga asignaturang may kinalaman sa Araling Panlipunan/Agham
Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economics at Values
Education. Ingles naman ang gagamitin sa Siyensya, Teknolohiya at
Matematika.

Pangunahing layunin ng BEP na makamit ang kahusayan ng mga

magaaral sa dalawang wika sa pambansang antas sa pamamagitan ng
pagtututro ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo
nito sa lahat ng antas. Sa kabuuan, nais nitong:

1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamgitan ng dalawang wika

2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at
pagkakaisa
4. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng akademikong diskurso
5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at
bilang wika ng siyensya at teknolohiya

Multilingguwalismo

Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang

indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng
lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na
sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. Ayon
kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang
monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang multilingguwal o
bilingguwal.

Kung maraming tinukoy na kapakinabangang nakukuha ang indibiwal

mula sa bilingguwalismo, lalong mas maraming dulot na kabutihan ang
multilingguwalismo. Ilan lamang sa mga ito ang kritikal na pag-iisip,
kahusayan sa paglutas ng mga suliranin, mas mahusay na kasanayan sa
pakikinig at matalas na memorya, mas maunlad na kognitibong kakayahan at
mas mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika bukod sa unang wika. Sa
kabuuan, ipinakikita rin ng mga pananaliksik na mas pleksible at bukas sa
pagbabago ang mga multilingguwal, gayundin may mas malalim na pag-
unawa at paggalang sa iba’t ibang kultura at paniniwala (Cummins, 1981).

10
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Tinukoy ng UNESCO (2003) na upang tugunan ang suliranin sa pagiging
eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin ang isang uri ng
edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa katutubong
kultura at wika ng mag-aaral. Gayundin binuo ang 3 bahagi ng rasyunal na
sumusuporta sa MTB-MLE sa lahat ng antas ng edukasyon:

1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa

kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral at guro;

2. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika;

3. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa

pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng
mga grupo sa lipunan.

Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa

pamamagitan ng Department of Education Order 16 Serye 2012 (Guidelines
on the Implementation of the MTB-MLE) na may mga layuning:

 Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at

habambuhay na pagkatuto;

 Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking

skills (HOTS);

 Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na

paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng pagkatuto;

 Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa

pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang
pinagmulang kultura at wika.

Homogenous at Heterogenous na Wika

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy

sa pagkakaroon ng iisang porma o istandard na anyo nito o kaya ay
pagkakaroon ng iba’t ibang porma o varayti.

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang homogenous ay

nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom- na
nangangahulugan ng ‘uri o klase’ at genos na nangangahulugan ng ka-
angkan o kalahi. Kung gayon, ang salitang homogenous ay
nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Kung ilalapat sa
wika, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika.
Mahalaga ang language uniformity o ang pagkakaroon ng iisang istandard ng
paggamit ng isang partikular na wika. May palagay ang ganitong pagtingin sa
wika na may nag-iisang tama at angkop na paraan lamang ng paggamit ng
wika at may mga katangiang matatagpuan sa ideyal na tagapagsalita nito.
Halimbawa, makikita ito sa mahigpit na pagtuturo ng mga gramatikal na
estruktura at patakaran ng kung ano ang istandard na Ingles o Filipino sa loob
ng mga paaralan.

Sa kabilang banda, maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang

wika batay sa iba’t ibang salik at kontekstong pinagmumulan ng nagsasalita
nito. Dito papasok ang pagiging heterogenous o pagkakaiba-iba ng uri at
katangian ng isang wika. Nakapaloob sa palagay na ito ang iba’t ibang
konsepto ng diyalektal na varyasyon sa wika. Halimbawa, maaaring
magkaroon ng magkakaibang porma at uri ang wikang Ingles batay sa iba’t
ibang grupo ng taong nagsasalita nito. Ibang iba ang punto at pagbubuo ng
salita ng mga taong nagsasalita ng British English, American English o kaya

11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ay mga Third World Englishes gaya ng Filish (Filipino-English), Singlish
(Singaporean English) o kaya ay Inlish (Indian English). Kabaligtaran ng
homogeneity sa wika, ipinakikita ng pagiging heterogenous na natural na
penomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika kung kaya’t mahirap
takdaan ang hangganan ng istandardisasyon ng wika.

Lingguwistikong Komunidad

Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistik

na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng
varayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga
alituntunin sa paggamit ng wika. Gayundin, nagkakasundo ang mga
miyembro ng lingguwistikong komunidad sa kahulugan ng wika at
interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito.

Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay

isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi,
upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa
isang tiyak na grupong panlipunan.

Gayunpaman, kailangang tandaan na hindi lahat ng nagsasalita ng

isang wika ay kasapi ng isang tiyak na lingguwistikong komunidad.
Halimbawa, ang isang Aleman ay maaaring mag-aral ng wikang Tagalog,
ngunit hindi kailanman siya magiging kabilang sa lingguwistikong komunidad
ng mga taal na Tagalog. Ibig sabihin, ang pagkakaiba-iba ng paraan ng
paggamit ng isang wika ay nagtatakda rin ng iba’t ibang lingguwistikong
komunidad sa loob nito.

Unang Wika at Ikalawang Wika

Ang unang wikana kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o

sinusong wika (mother tongue)ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang
tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang
naunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika. Sa ibang lipunan,
tinutukoy ang katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang
etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibidwal, at hindi
ang unang natutuhang wika. Halimbawa, kung ang isang bata ay Ilocano at
mula sa angkan ng mga taal na Ilocano ngunit simula pagkapanganak ay
tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Ilocano ang kaniyang katutubong
wika o mother tongue.

Samantala, ayon kay Lee (2013) sa kanyang artikulo na “The Native

Speaker: An Achievable Model?” na nailathala sa Asian EFL Journal, narito ang
mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita
ng isang wika.

1. Natutuhan ng indibidwal ang wika sa murang edad

2. Ang indibidwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan sa

wika

3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng matatas at

ispontanyong diskurso gamit ang wika

4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika

12
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
5. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad

6. May puntong diyalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika

Sa kabilang banda, ang ikalawang wika naman ay ang wikang

natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika. Ang
wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang
wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita. Iba ang ikalawang
wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika ay
tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o sinasalita
sa lokalidad ng taong nag-aaral nito. Halimbawa, maituturing na ikalawang
wika ng mga Pilipino ang wikang Ingles sapagkat bukod sa isa ito sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas ay laganap ang paggamit dito sa sistema ng
edukasyon at iba pang larangan habang banyaga wika ang wikang Aleman
sapagkat hindi ito natural na ginagamit sa anomang larangan o lugar sa
Pilipinas, liban na lamang kung sadya itong pag-aaralan.

Isa sa mga kinilala si Stephen Krashen (1982) sa teorya ng Second

Language Acquisition (SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring (likas o
natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya, ang
acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o
pagaaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon nap ag-aralan
ang wika. Sa una, kailangang makaagapay at pumaloob ng isang mag-aaral
sa natural na komunikatibong sitwasyon habang ang ikalawa ay nagbibigay-
diin sa pagkatuto ng gramatikal na estruktura ng wikang nakahiwalay sa
pagkatuto ng natural na gamit nito. Bagama’t hindi lahat ng dalubhasa sa
wika ay sumasang-ayon sa ideya ng SLA ni Krashen, malaki ang naging
ambag nito sa pagdidisenyo ng iba’t ibang modelo at proseso ng pagkatuto
ng ikalawang wika.

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan.

Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya,
pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala
atnamamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng
nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago
kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.

Ano ang mga pangunahing wika sa Pilipinas?

Bilang tugon sa implementasyon ng DepEd Order No. 74, s. 2009 o ang

Pagsasainstitusyon ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Katutubong Wika,
isinapanahon ng Kagawaran ng Edukasyon ang talaan ng mga pangunahing wika ng
Pilipinas (DepEd Order No. 16, s. 2012) na kinabibilangan ng:

Tagalog, Kapampangan, Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Pangasinan,

Waray (Samar-Leyte), Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Ilan ang kabuuang bilang ng mga wika sa Pilipinas at ano ano ito?

13
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Ang Pilipinas alinsunod sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Summer Institute of
Linguistics (SIL) ay may 181ng buhay na wikang sinasalita sa Pilipinas, 171 sa mga ito
ang katutubo (indigenous) habang sampu (10) naman ang itinuturing na hindi katutubo
(immigrant) (Lewis, 2009). Kung titingnan ang pagkakaiba-iba ng mga ito batay sa
Greenberg’s diversity index, tinatayang 0.855 ang diversity index ng mga WP o
katumbas ng 96% diversity coverage. Ibig sabihin, sadyang magkakaiba ang mga
wikang ito at tinatayang bawat dalawang tao sa populasyon ang makapagsasabi na
mayroon silang magkaibang katutubong wikang sinasalita.

PINAGDAANAN NG WIKANG PAMBANSA

• Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.

• Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit
kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at
masasalita ng karamihan sa mga Pilipino.
• Ang wikang ito ang magbubuklod sa ating bilang mamamayan ng
bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa.
• Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi nagging
madali ang pagpili sa wikang pagbabatay ng wikang pambansa.
Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito.
• 1934: dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo
at sa dami ng wikang umiiral dito, nagging isang paksang mainitang
pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensyong
Konstitusyonal noong 1934 ang pagpili ng wika. Maraming sumang-
ayon sa panukalang ito subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles
(naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging
mahusay sa wikang Ingles.
• Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang
mungkahing ito ay sinugsugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo
ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
• 1935: ang pagsugsog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa
probinsyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinakda ang batas, ang wikang Inles at Kastila ay siyang mananatiling
opisyal na wika.”
• Base sa isinagawa ng Surian, napili ang Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa mga
pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod: “ang wikang
pipiliin ay dapat… a) wika ng sentro ng pamahalaan; b)wika ng sentro
ng edukasyon; c) wika ng sentro ng kalakalan; at d) wika ng
pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan
• 1937: Disyembre 30, 1937 –iprinoklama ni Pangulong Manuel L.
Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang
Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bias ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan
ng dalawanag taon.
• 1940: dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na
batay sa Tagalog sa mga paaralang pambliko at pribado.
• 1946: nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag
ding ang mga wika opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt Blg. 570.
• 1959: Agosto 13, 1959 –pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa,
mula tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang

14
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng
Edukasyon noon. Ito ang wikang ginagamit sa mga tanggapan, gusali,
at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa.
Gayundn sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng
diyaryo, telebisyon, radio, magasin at komiks.
• Saligang Batas 1987 –pinagpatibay ng Komisyong Konstitusyonal na
binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang
probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika.”

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO

• Virgilio Almario –ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito
ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo
na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensya ng gobyerno
• Wikang Panturo –opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang mga wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa loob ng paaralan.
• Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7: “Ukol sa
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wika panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mag rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo
noon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyunal ang Kastila at Arabic.”
• Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles na ang mga opisyal na wika
at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K-12 Curriculum,
ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal
na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother
Tongue Based – Multilingual Education (MTB-MLE)
• Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga
paaralan. Ang magiging pokus sa kindergarten at unang baitang ay
katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim
na baitang ay bibigyang-diin ang iba’t iba pang component ng wika
tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mas mataas
na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang
panturo o medium of instruction.
UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA…
• Unang wika ang tawag sa kinagisnan mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother
tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito
pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang
mga ideya, kaisipan at damdamin.
• Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba
pang wika sa kanyang paligid na maaring magmula sa telebisyon, o sa
iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga
kaklase, mga guro, at iba pa. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang
naririnig ay untiunti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa
magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya
na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na
ngayon ang kanyang pangalawang wika.
• Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.
Dumarami pa ang mga taong nakakasalamuha niya, gayundn ang mga

15
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
lugar na kanyang nararating, mga palabras na kanyang napapanuod,
mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito’y tumataas din ang
antas ng kanyang pag-aaral. Dito may bagong wika pa uli siyang
naririnig o nakikilala na kalauna’y natututuhan niya at nagagamit sa
pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng
wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa
lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang
kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may
mahigit 150 na wika at wikaing ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng
bansa, ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga
mamamayan ng ikatlong wika.
MONOLINGGUWISMO
• Monolingguwimo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa
isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya,
South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na
wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
• Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwismo ay may iisang
wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
• Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating
bansa, ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya’t
mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging monolingguwal.
BILINGGUWALISMO
• Leonard Bloomfield –ang bilingguwalismo bilang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawnag ito ay
kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugan na ito ni Bloomfield
na maaaring maikategorya sa tawag na “Perpektong Bilingguwal” ay
kinontra ni Macnamara.
• John Macnamara –ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang wika.
• Uriel Weinreich –ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan
ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng wikang ito
ay bilingguwal.
• Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang
ikalawang wika ng mataas sa lahat ngn pagkakataon. Sa pananaw na
ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos
hindi na matukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika.
Balanced bilingual –tawag sa mga taong nakakagawa nang ganito at
sila’y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga
bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong
kausap.
MULTILINGGUWALISMO
• Multilingguwismo –ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang
Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin lalo na sa mga nakatira
sa labas ng Katagalugan, ay nakakapagsalita at nakakauna ng Filipino,
Ingles at isa o higit pang katutubong wika na karaniwang ang wika o
wikang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang
wikang Filipino at Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa paaralan.
• Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino
ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa
pagpapatupad ng DepEd ng K-12 Curriculum, kasabay na ipinatupad
ang probisyon para magiging wikang panturo partikular sa
kindergarten at sa Grades 1-3. Tinatawag itong MTB-MLE o Mother
Tongue Based – Multilinggual Education. Ang mga pamantayan sa mga

16
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang
Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based –
Multilinggual Education (MTB-MLE). Nakalahad dito na simula sa araling
taon 2012-2013, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan.
• Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang
pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang
pagaaral.
• Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker, napatunayan nila ang bisa ng
unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral.
Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng
pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na
pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
• Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang
DepEd ng walong pangunahing wika o lingua franca at apat na iba
pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo rin
bilang hiwalay sa asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang
mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray at ang apat na iba pang wikain ay ang
Tausug, Maguindanaoan, Mëranao at Chavacano.
• Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain
kaya’t naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay
ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City,
Cagayan at Isabela; Ivatan –Batanes ; Sambal –Zambales ; Aklanon –
Aklan, Capiz ; Kinaray-a –Antique ; Yakan –Autonomous Region of
Muslim Mindanao ; Surigaonon –Surigao City.
• Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas
at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino at
gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III –
“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and
connect to the world. Learn Filipino well to connect to our country.
Retain our dialect and connect to your heritage.”
MGA BARAYTI NG WIKA

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa

pakikipagugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang
kaugalian at wika. Mula sap ag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang
may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.

Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang

pagkakaroon ng iba’t ibang barayting ng wika. Mababanggit dito ang tungkol
sa Tore ng Babel mula sa Bibliya sa Genesis 11:1-9 kung saan sinasabing
naging labis na mapagmataas at mapagalaki ang mga tao at sa paghahangad
ng lakas at kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot
hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang
pagtatayo ng tore na tinatawag na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba
ng wika ng mga tao.

Sa kasalukuyang panahon ay pinag aaralan ang isang wika sa loob ng

kapaligiran at karanansan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng
sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence,
ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika.

DAYALEK
• Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga
tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o
bayan.

17
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
• Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba
pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang
katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng isang salita sa
para sa isang bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na
siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
• Bagama’t may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang mga
nagsasalita ng mga dayalek na ito. Halimbawa: dayalek ng wikang
Tagalog ang barayti ng tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila, at
Tagalog sa Bisaya
IDYOLEK
• Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon
pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang
tinatawag na idyolek.
• Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi
ng taong nagsasalita..
• Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang
bumibigkas nito nang magkaparehong-magkapareho. May pagkakaiba
ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa
kani-kaniyang indibidwal na istilo o paraan ng paggamit ng wika kung
saan higit siyang komportableng magpahayag.
• Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa
kanyang natatanging paraan ng pagsasalita o idyolek.
• Kilala ang idyolek ni Marc Logan kung saan mahilig siyang gumamit ng
mga salitang magkakatugma sa mga nakakatawag pahayag.
• Naging viral sa YouTube ang pabebe girls na nakilala at ginaya pa ng
marami sa nausong dub smash dahil sa kanilang “pabebeng” idyolek.
• Kilala rin ang idyolek ng mga bantog na komentarista sa radio at
telebisyon tulad nina “Kabayan” Noli de Castro, “Magandang Gabi
Bayan” ; Mike Enriquez, “Hindi naming kayo tatantanan!” ; Mareng
Winnie, “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie!”
• Nariyan din ang idyolek ng iba pang kilalang personalidad na madalas
nagagaya o nai-impersonate tulad nina Kris Aquino, “Aha ha ha!
Nakakaloka! Okey! Darla!” ; Ruffa Mae Quinto, “To the highest level na
talaga ito!” ; Donya Ina (Michael V), “Anak paki-explain, Labyu!” ; at
marami pang iba.
SOSYOLEK
• Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o
dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
• Kapansin-pansin ang mga tao ay nagpapangka-pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad,
kasarian, edad, at iba pa.
• May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng
matanda sa mga kabataan; ng mga maykaya sa mahirap; ng babawe
sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika sa preso; wika ng tindera sa
palengke; at ng iba pang pangkat.
• Rubrico –ang sosyolek ay isang pahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba
ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang
katayuan sa lipunan at sa mga grupo ng kanilang kinabibilangan.
• Para matanggap ang isang grupong sosyal, kailangan niyang
matutuhan ang sosyolek nito.
• Wikang Beki (gay lingo) –grupong nais mapanatili ang kanilang
pagpapakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng
salita.
Halimbawa: Churchill –sosyal; Indiana Jones –nang-indyan o hindi sumipot;
Bigalou –Malaki (big) ; Givenchy –pahingi; Julie Andrews –mahuli

18
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
• Intensyon –magkaroon ng sikretong lengguwaheng hindi
maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila. Subalit sa
kasalukuyan, nagagamit na rin ito ng nakararami. Isang patunay na
ang wika ay buhay at mabilis yumabong.
• Coño –tinatawag ding coñotic o conyospeak isang barayti ng taglish.
• Taglish –may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t
masasabing may code switching na nangyayari
Halimbawa: “Bilisan mo late na tayo”
• Coñotic o conyospeak –mas malala ang paghahalo ng Tagalog at
Ingles na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na make na
ikinabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng “make basa, make kain,
make lakad”, at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino
tulad ng pa, na, lang, at iba pa.
• Jejemon o jejespeak –barayti ng wika para naman sa mga jologs.
Isinusulat ng may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may
magkasamang malaking titik at maliit na titik.
• Jargon –mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay
makapagpapakilala sa trabaho o Gawain.
ETNOLEK
• Barayti ng wika na nagmula sa etnolingguwisikong grupo. Ang salitang
etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang
mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat
etniko.
Halimbawa:
• Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo
sa init man o sa ulan
• Ang bulanon na ibig sabihin ay full moon
• Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
• Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
• Ang paggamit ng mga Ibaloy sa SH sa simula, gitna, at dulo ng salita
tilad ng shuwa (dalawa), sadshak (kaligayahan), peshen (hawak)
REGISTER
• Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
• Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kilala.
• Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o
pangyayari tulas ng pagsimba, seminar o pagpupulong, talumpati,
korte, paaralan at iba pa.
• Kapag susulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng pormal na sanaysay
ay pormal na wika rin ang ginagamit.
• Di pormal –paraan ng pagsasalita ay nagagamit kapag kausap ang mga
kaibigan, malalapit na kapamiya, kaklase, mga kasing-edad, at ang
matatagal nang kilala.
• Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasiyahang
pampamilya o magbabarkada, gayundin sa pagsulat ng
lihampangkaibigan, komiks, sariling talaarawan at iba pa.
PIDGIN
• Ito ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s
native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman.
• Makeshift language –dalawang taong may kanya-kanyang
katutubong wika at walang nalalaman sa wika ng bawat isa

19
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
• Lingua Franca –wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang
lipunan; wikang ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga
namumuhay sa isang komunidad
• Filipino –ang lingua franca ng Pilipinas
• Durkheim –isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong
naniniharan sa isang pook; ang mga taong nasa isang lipunan ay may
kanya-kanyang papel na ginagampanan; sila ay namumuhay,
nakikisama at nakikipagtalastasan sa bawat isa.
• Michael Alexander Kirkwood Halliday (MAK Halliday)- naglahad
ng anim na tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na
Explorations in the Functions of Language.
1. Instrumental –tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo –tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa
ugali o asal ng ibang tao.
3. Interaksyonal –ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa
4. Personal –saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling
opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
5. Heuristoko –ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o
paghahanap ng ipormasyong may kinalaman sa paksang
pinagaaralan
6. Impormatibo –kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita.

• Roman Jakobson –isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng

ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of
New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang
naging ambag sa larangan ng semiotics.
• Semiotics –pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano
ito gamitin.
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) –saklaw nito ang
pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative) –ito ay ang gamit ng wika upang
makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng
paguutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) –ginagamit ang
wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.
4. Paggamit Bilang Sanggunian (Referential) –ipinakikita nito ang
gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) –ito ang gamit na
lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic) –saklaw nito ang gamit ng wika sa
masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay at iba pa.
MGA SITWASYONG PANGWIKA

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

• Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa

kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa

20
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumadami ang
manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat
nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging
mga Pilipino sa ibang bansa.
• Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
telebisyon sa ating bansa. Ang halos lahat kasi ng mga palabas sa mga
lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t ibang
barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling
palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo,
dokumentaryo, reality TV, mga programang pang-showbiz, at maging
mga programang pang-edukasyon.
• May mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga
ito’y hindi sa mga nangungunang estasyon kundi sa ibang lokal na
news TV at madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa gabi
kung kalian tulog na ang nakararami.
• Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o
telenobela at mga pantanghaling programa o noontime show tulad ng
Eat Bulaga at It’s Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong
manonood ang isa sa malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng
mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang
Filipino. Malakas ang impluwesya ng mga programang ito na
gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Hindi kasi uso ang
mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
• Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan
kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang
napakagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa
wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi
kabilang sa Katagalugan.
• Sa mga probinsiya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit
ay ramdam ang malakas na impluwensya ng wikang ginagamit sa
telebisyon.
• Makikita sa mga paskil o mga babalang nasa paligid ng mga lugar na
ito ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng “Bawal Pumarada Rito” o
“Bawal Magtapon ng Basura Rito”.
• Kapag nagtanong ka ng direksyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin
ng wikang ito. Patunay ang mga ito na habang dumarami ang
manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na
ginagamit dito sa mga mamamayang Pilipino saanmang dako ng bansa
at maging ng mundo.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo

• Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo.

Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay
gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May mga programa
rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa
pagbobroadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit sa Filipino.
May mga estasyon sa radyo sa probinsiyang may mga programang
gumagamit
ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang
sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.
• Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit ng mga
broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s
Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang
mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga dryaber ng
bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa,

21
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
at iba pa dahil mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang
naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensya
ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, ang
lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na
wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet. Nagtataglay ito ng
malalaki at nagsusumingaw na headline na naglalayong makaakit agad
ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal at litaw
sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

• Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang

naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang
gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung
nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima
sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon
nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino
tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes A Man And A
Woman, Bride For Rent, You’re My Boss, You’re Still The Line, at iba pa.
Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika.
• Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng
telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang
pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum
ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o
mambabasa na makauunawa at malilibang sa kanilang palabas,
programa, at babasahin upang kumita sila ng mas malaki. Subalit,
hindi mapasusubalian ang katotohanan dahil sa malawak na
impluwensya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming
mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at
gumagamit sa wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong
pag-unlad at paglago ng ating wikang Pambansa.
• Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang
wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at
telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono
ay impormal, at waring hindi ganoong istrikto ang pamantayan sa
propesyonalismo.
• Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw
na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng
kasayahan (Tiongson, 2012).
• Isang pang-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass
media at mga taong tumatangkilik sa mga ito na hindi lang basta
lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing
midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG
POPULAR

Isa mga mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na

paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing
paggamit dito dala na rin ng impluwensya ng mga pagbabagong
pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong
paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at
mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng mga sumusunod:

22
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Fliptop

• Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa

balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma
bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan. Kung ano ang paksang sisimulan anumang kalahok ay
siyang sasagutin ng kaynag katunggali. Di tulad ng balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang
nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di
pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan
din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa
kalaban.
• Laganap ang fliptop sa kabataan. Katunayan, may malalaking samahan
na silang nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle
League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok
ay may tigatlong round at ang panalo ay dinedisisyunan ng mga
hurado.
• May mga fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang
karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino
Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng fliptop ay
sa pamamagitan ng Youtube. Milyon-milyon ang views ng mga
kompetisyong ito. Sa ngayon ay maraming paaralan na rin ang
nagsasagawa ng fliptop lalo sa paggunita ng Buwan ng Wika.
Pick-up Lines

• May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung

saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay
sap ag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
• Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na
nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangit at magpa-ibig sa
dalagang nililigawan.
• Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line,
masasabing ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute,
cheesy at masasabi ring corny.
• Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkakaibigan o
nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa Facebook wall, sa Twitter, at sa iba
pang social media networks.
• Ang wikang ginagamit sa pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga
barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil sa mga
kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
• Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag-isip at
malikhain para sa ilang sandali lang ay maiugnay o mai-konekta ang
kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
• “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang
koneksyon ng dalawa.
• Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensya ni “Boy Pick-up” o Ogie
Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment.
• Naging matunog din ito lalo nan ang gamitin ni Senadora Miriam
Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa
aklat na Stupid is Forever. Dito pinagsama-sama niya ang iba’t ibang
pick-up lines, orihinal man niya o hindi. Nagging best seller ang aklat
niyang ito kaya’t ngayo’y mas maraming tao na ang nagpapalitan ng
mga pick-up line.

23
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Hugot Lines

• Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang
patunay na ang wika nga ay malikhain.
• Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig,
nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis.
• Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o
telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit
madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao
depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa
kasalukuyan.
• Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish o
pinaghalong Tagalog at Ingles ang gamit na salita sa mga ito.

Sitwasyong Pangwika sa Text

• Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na

lalong kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi
ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat
na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-
araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the World.”
• Higit na itong popular kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil
bukod sa murang mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga
pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maiiksing
mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono.
• Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha o
tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe.
• Sa pagpindot din sa keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang
taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag o salita
kaysa sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa
telepono.
• Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Sa pagbuo ng
mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o
pagpapalitpalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
• Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas
madali o mas mabilis itong mabuo. 160 characters (titik, numero, at
simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng isang
mensahe kaya nangyayari ito kaya makatipid sa espasyo at para
mapabilis ang pagpindot sa maliit na keypad ng cell phone.
• Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, gayundin
kung sa Ingles o a Filipino ba ang gamit basta’t maipadala ang
mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali, at kahit paano’y
naiintindihang paraan.
• Kadalasa’y nakapagdudulot ng kalituhan ang ganitong mga paraan ng
pagpapahayag sa text o sa SMS subalit ito’y tinatanggap ng lipunan
bilang isa sa mga katangian ng wika.
• Ang wika ay buhay at dinamiko. Patuloy itong nagbabago at
yumayabong at sumasabay sa pagbabago ng panahon.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

• Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang talo lalo na

ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook,
Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Maging mga
nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga

24
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
netizens na umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social
media.
• Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng
pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga
mahal sa buhay lalo na iyong mga malalayo sa isa’t isa o matagal nang
hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa
pamamagitan ng mga naka-post na impormasyon, larawan, at
pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
• Kumusta din kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Tulad
din ng sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng
Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga
salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Gayunpaman,
dahil di tulad ng text o SMS na ribado o iisang tao lang ang inaasahang
makabasa, sa social media ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga
salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang makakabasa
nito. Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin,
may binago o inayos ang nag-post o nag-komento pagkatapos niyang
mabasa ang kanyang isinulat.
• Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng
mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog
ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Napakalawak
at napakarami kasi ng mga taong konektado sa Internet na umaabot sa
mahigit 3 bilyon sa buong mundo. Sa Pilipinas, nasa 39.470 milyong
katao ang konektado sa Internet sa taong 2015 at ito’y dumarami nang
10% taon-taon. Bagama’t nasa 39.43% na ito ng buong populasyon ng
Pilipinas ay nasa 1.35% lamang ito ng kabuoang bilang ng mga taong
konektado sa Internet sa buong mundo.
• Ang pangunahing wika sa mga website at sa iba pang impormasyong
mababasa, maririnig, at mapanonood sa Internet ay nananatiling
Ingles.
• Ano-ano nga ba ang mga babasahin at impormasyong nakasulat sa
wikang Filipino sa Internet? Mababasa rito ang mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng ating saligang batas, mga kautusang
pampamahalaan mula sa iba’t ibang kagawaran, mga impormasyon
mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, gayundin ang maraming
akdang pampanitikan, mga awiting nasusulat sa ating sariling wika.
• Isang hamon ito para sa hinaharap, ikaw na nagbabasa nito ay
maaaring makatulongsa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mundo
ng Internet. Bagama’t di pa sapat ay mahalaga ang pagtutulungan ng
bawat isa upang kung anuman ang mayroon tayo sa kasalukuyan ay
lalong madagdagan o maparami pa upang sa hinaharap ay lalo pang
mapayaman o mapalaganap ang paggamit ng Wikang Filipino sa
mundong tinatawag na virtual.

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

• Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking

kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamumunuhan
ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang
wika sa Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na
iyong mga kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang
siniserbisyuhan ay mga dayuhang costumer.
• Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata,
at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga web site ng
malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin

25
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet
o magazine nakalthala.
• Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika
sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga
pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang
wikang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o
panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto
o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak
at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong
ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

• Sa bias ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-

aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan opisina, ahensiya at
instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magagamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya,” naging mas
malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory
Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil
hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang
mga inisyatibo sa paggamit ng wika.
• Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin
ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang
panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad SONA o State
of the Nation Address. Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan
ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang SONA. Makabubuti ito
para maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang mga
sinasabi. Ito rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na
pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na
pagdinigsa pamahalaana ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit
hindi rin maiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal
na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

• Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit

bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang
ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay
na asignaturang pangwika.
• Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan
ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama’t
marami paring edukador ang hindi lubusang tumatanggapsa
sitwasyong
ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga
paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang Malaki
upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga
magaaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng
wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang
maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-
aaralan.

26
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
KOMUNIKASYON
• hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang “komunikasyon”
naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang
katawagang pakikipagtalastasan. Ang communis ay
nangangahulugang panlahat o para sa lahat.
• Ang wika ang siyang tanging sandata o susi upang maisakatuparan
ang anumang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Nagiging
kasangkapan ito upang maiparating ang anumang saloobin o ideya sa
pamamagitan ng komunikasyon. Upang mabatid ang kahulugan ng
komunikasyon, naririto ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga
manunulat tungkol sa komunikasyon. Ang mga ito ang magbibigay sa
atin ng linaw kung ano nga ba ang papel na ginagampanan nito sa
pang-araw-araw na buhay ng tao at ano ang kaugnayan ng wika sa
makapangyarihang salitang ito.
• Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang
komunikasyon ay ang pagbibigayan ng mga ideya na kinapapalooban
ng tagapagsalita,tagapakinig at ang pag-unawa.Ang tatlong sangkap
ay siyang napakahalaga upang maisakatuparan ang paghahatiran ng
mga ideya sa dalawa hindi maaaring mawala ang isa sa kanila
sapagkat walang komunikasyong magaganap.
• Ipinahayag naman ni Webster, ang komunikasyon ay ang
pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat man o
pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong nagkalayo at
nagagawang bigkisin ang mga damdaming magkahiwalay.
• Nagpapahayag at nagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa
pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas ayon sa American
College Dictionary ni Barnhart. Naipapalabas ng tao ang anumang
maganda at masamang saloobin na maaaring makapagpapagaan ng
kanyang loob. Naibababahagi niya sa iba ang anumang karunungan o
kaalaman na kanyang napulot mula sa kanyang pagmamasid at
pakikipag-uugnayan sa kanyang kapaligiran.
• Halaw sa artikulong Process of Communication (2012), ang
komunikasyon ay isang proseso sa paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na may layuning makapag-eenganyo ng impormasyon.

Sa kabuuan ang komunikasyon ay kabahagi na sa buhay ng tao, walang

araw at walang oras na hindi nakipag-ugnayan ang tao sa kanyang kapwa.
Naging maunlad ang kanyang buhay sa larangan ng karunungan dahil sa
komunikasyon. Malaking panahon ang ginugugol ng isang tao sa
pakikipagtalastasan sa lahat ng sitwasyon siya ay
nagpapaliwanag,naglalarawan, nagsasalaysay nagtatanong, nag-uutos, at
nagpapahayag ng damdamin at dahil dito,nararapat na matutunan ang
mabisang pakikipagkomunikasyon upang ganap na magkakaunawaan ang
dalawang panig na nag-uusap ang tagapakinig at tagapagsalita.
Ito ang komunikasyong berbal. Subalit hindi naman maiiwasan na ang
mensahe ay puwedeng maipapaabot sa paraang di-berbal, kaya sa bawat
pagkikisalamuha at pakikipag-interaksyon ay kasabay mangyari ang
komunikasyong berbal at di-berbal. Ginagawa sa dalawang paraan ang
komunikasyon: berbal at di-Berbal. Madaling makikilala ang pagkakaiba ng
dalawang uri ng komunikasyon. Ang Komunikasyon berbal ay tumutukoy sa
lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita gamit ang wika samantalang ang
diberbal naman ay tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng
mga salita.

Napakahalaga nga ng komunikasyon saan mang dako ng ating buhay.

Nagiging kasangkapan ang pakikipagkumonikasyon upang mapaunlad ang
isang lipunan o pamayanan. Maraming sitwasyon o pangyayari sa ating
lipunan kung saan makikita ang kahalagahan ng komunikasyon. Sa bahay,

27
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
tanggapan, simbahan, palengke,paaralan at iba pa. Sa bahay napakahalaga
ng komunikasyon sa mag-anak —-ang mga magulang at ang mga anak ay
dapat magkaroon ng malayang komunikasyon upang maiwasan ang hidwaan
sa isa’t isa. Sa tanggapan kailangan ang pagkakaroon ng komunikasyon dahil
ito lamang ang susi upang maging maganda ang pakikitungo sa bawat isa sa
loob paggawaan at matagumpay din ang anumang adhikain na gustong
abutin dahil sa komunikasyon. Sa lahat din ng negosyo ay kailangan ang
komunikasyon sapagkat walang magaganap na pagbibilihan kung hindi
magkakaunawaan ang negosyante ay ang kanyang mamimili. Sa anumang
uring layunin sa pakikipagkomunikasyon magaganap din ang iba’t ibang
tipong komunikasyon, uring intrapersonal (komunikasyon na isa lamang
ang kasangkot), interpersonal(komunikasyong kasangkot ang dalawa o higit
pang tao), pangorganisasyon, pangmasa, pangkultura, at iba pa. Sa
anumang uring komunikasyon ay mangyari din ang pagiging pormal at
impormal na komunikasyon. Ang anumang layunin sa komunikasyon ay
batayan din sa anumang uring komunikasyon ang magaganap.

28
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Komunikasyong Berbal at Di-Berbal

Sa pag-aaral ni Dell Hymes, ang akronim na SPEAKING ay iniugnay niya sa

mga component ng komunikasyon na nagbibigay-tuon sa komunikasyong
pasalita— speech events at speech acts na nakapaloob sa kontekstong
kultural (Resuma et al, 2002) ang component na ito ay nagsasaad na mga
dapat isaalang-alan upang maging epektibo ang pakikipagkomunikasyon
pasalitapakikinig.
S – Setting (Saan nag-uusap?)Sa pag-uusap ay dapat isaalang-alang ang
lugar o pook kung saan nangyayari ang pag-uusap nagkaroon ng iba’t ibang
pamamaraan,uri ng pananalita at paksa na ginagamit depende sa lokasyong
ginagamit. Halimbawa: Sa loob ng palengke hindi maiiwasan na maingay
ang usapan dahil sa may iba’t ibang layunin ang bawat taong naroon katulad
ng mga tendera sumisigaw upang mabinta ang kanyang paninda gayundin
ang mamimili na nakipagtawaran sa tendera.

29
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
P – Participants ( Sino ang kausap,nag-uusap?) ag-uusap ang tagapagsalita
at tagapakinig. Ang kanyang pagkatao ay mahalagang salik sa kanyang
pakikipag-usap sa kanyang kausap. Ang mahalaga rito ay malaman natin ang
interaksyon na nangingibabaw sa pagitan ng nag-uusap sa kausap sa
dahilang makaapekto ang indibidwal na panlasa ng dalawang pangkat.
Halimbawa: usapan ng magkakaibigan o kaya’y usapan ng isang ina sa
kanyang anak. E – Ends (Ano ang layon ng usapan?). Ang layunin ng
interaksyon ang siyang binibigyang pansin at nais makamtan ng
pakikipagkomunikasyon. Halimbawa: pakikinig ng mga estudyante sa
gurong nagtatalakay sa loob ng silid-aralan. A – Act Sequence (Paano ang
takbo ng usapan?) .Sa puntong ito pinag-usapan ang paraan ng paghatid ng
usapan. Halimbawa: Isang galit na kaibigan ang sumalubong kay Rhea at
pasigaw na sinabi ang narinig niya sa iba pa nilang kaibigan.Maya-maya ay
naging mahinahon na ang dalawang panig nang magpaliwanag si Rhea sa
narinig ng kanyang kaibigan.
K – Keys ( Istilo o speech register? Pormal ba o Di pormal?). Ito ay inangkop
sa sitwasyon, layunin, pook,oras o lokasyon at higit sa lahat ang uri ng
participants. Halimbawa: Sa palengke, maaaring magsisigawan ang mga
tinder at kostumer ngunit di ito puwede sa loob ng klasrum o sa simbahan.
I – Instrumentalities ( Pasalita ba o Pasulat?). Ang psgpapahayag ng
kaisipan sa component na ito, isaalang-alang ang mga sumusunod:
kalagayan o sitwasyon, layunin, kagustuhan ng mga taong
nakikipagkomunikasyon, ang mga taong tumatanggap ng mensahe.
Halimbawa: Kung nasa malayo ang naguusap maaaring sulatan o gumamit
ng cellphone habang puwede mo naman siyang kausapin kapag kaharap mo
ito.
N – Norms ( Ano ang paksa ng pag-uusap?). Ang paksa ay nagdedepende sa
layunin, panlasa, interes o kagustuhan ng nag-uusap. Halimbawa: Ang
paksa ng mga kabataan ay naayon sa mga pambatang mga bagay kumpara
sa mga paksa ng mga matatanda.
G – Genre ( Uri ng pagpapahayag). Tumutukoy ito sa kung anong uri
pagpapahayag kanyang ginagamit ito’y naaayon sa kanyang layunin maaari
siyang magsalaysay, mangatwiran, maglarawan, manghikayat o kaya
maglahad. Halimbawa: Paglalarawan ang gamitin kapag nagsabi sa
katangian tungkol sa nakitang bagay, lugar, tao o pangyayari.
Natutukoy naman ni Gordon Wells (1981) ang tungkulin ng pagsasalita sa
komunikasyon na katulad din sa mga kaisipan M. A. K. Halliday at Dell Hymes
tinatalakay sa nauunang kabanata, ang TUNGKULIN at GAMIT NG WIKA. Sa
mga tungkuling ito, ipinahiwatig na ang wika ay natatanging midyum sa
komunikasyon at nagkakaroon ito ng halaga na hindi rin makikita sa iba pang
paraan. Sa kaisipang ito ang anumang tungkuling at gamit ng wika ay
maiimpluwensyahan rin sa ipinapaliwanang na kaisipan sa akronim na
SPEAKING.

ANG KOMUNIKASYON Di-BERBAL

Ang di-berbal na komunikasyon naman ay ginagamitan ng mga galaw o kilos
ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya ng pagngiti,
pagsimangot,pagtango,pag-iiling,pagngiwi; ang paggalaw ng mata gaya ng
pagkindat,pagtaas ng kilay,pagkulubot ng noo ay siyang ginagamit din upang
maihatid natin ang gusto nating iparating. Berbal man o di-berbal na
komunikasyon ay kailangan maging malinaw ang paggamit nito upang
matugunan ito ng maayos ng kausap.Sa pakikipagkomunikasyon gumagamit
tayo ng wika upang maipahayag ang mga ideya na nais ipahatid ng
nagsasalita sinasabayan naman ito ng mga kilos at galaw ng katawan upang
mas mabigyan diin ang mensahe ng nasabing ideyang ibinigay. Mapapansing

30
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
hindi sapat ang wika dahil palaging ginagamit ang komunikasyong di-berbal
at sinasabi makapangyarihan ito kaysa komunikasyong berbal .Maraming
mga bagay at mensahe ang naihahatid sa pamamagitan ng komunikasyon di-
berbal at may mga mensahing higit na nauunawaan nang hindi kailangan ang
mga salita. Malimit madaling makakaunawaan ang mga tao gamit ang mga
cue dahil ang mag taong nasa isang pangkat ay pagkakahawig ng kawilihan
na ayon pa man ni Pentland(2012) na ito’y awtomatik na mangyari dahil sa
ating pag-iisp.
Kaugnay din dito sa binanggit ni Albert Mebrabian ang kahalagahan ng
pakikipagkomunikasyon ay nahahati sa tatlo(3): 55% -kilos at galaw ng
katawan, 33% -tono, at 7% --mga salitang ginagamit.. Maituturing na
ang totoong lenggwahe ay ang kilos o gawi dahil sinasabing “action speaks
louder than words”, wika nga. Bawat galaw ng tao ay maglalantad o
magpapakita ng kanyang totoong ugali at damdamin. Kadalasan sa
pakikipagkomunikasyon ay di-verbal. Malimit itong nagpapakitas a totoong
nararamdaman ng tao kaysa kanayang sinasabi (Leyson,2008,82). Naririto
ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal:
1. Dactytology (sign language). Panghalili na galaw para sa mga salita,
bilang at manwal na alpabeto.
2. Kinetik na kilos o gawi. Paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng
mga kilos at galaw ng katawan . Ang galaw ng katawan , kumpas,
ekspresyong ipinapahiwatig ng mukha ay sumasalamin sa ugali, disposisyon,
pati na ang pandaraya at pagsisinungaling. Ang ekspresyong ipinahiwatig ng
mukha ay sinasabing pinakamadaling sukatan ng emosyon at nadarama ng
tao
(kaligayahan, kabiguan, pangungulila, pagkatakot, pagkainis, pagkagulat,
atb.) Ang ayos ng katawan naman ay nagpapahiwatig din ng iba’t ibang
kahulugan gaya ng paghukot o pagtikas ng balikat. Ang galaw ng mga
kamay, braso at paa ay naghahatid din ng mensahe ng panturo,
pagkukuyom, pagbabagsak, pagbubukas ng palad, atb.
3. Paralanguage. Pagpapahiwatig sa mensahe gamit ang tunog na ating
naririnig, kalidad ng boses, pagtawa, paghikab, volyum (lakas at hina), tono
(taas o baba), bilis na sumasalamin sa personalidad, level ng pinag – aralan,
at pag-uugali.
4. Espasyo ( Proxemics). Ito mensahe sa pamamagitan sa distansya at
ayos ng espasyo, may kinalaman ito sa espasyo ng mga tao sa pang- araw–
araw na interaksyon. Ang espasyo ay nagpakilala sa relasyon ng nagsasalita
sa kaharap o kausap. Ang espasyo ay may iba’t ibang pakahulugan: (a) mga
tiyak na katangian - estruktura ng mga bayan at lungsod, (b) malatiyak
na katangian ng espasyo – patern na naghihiwalay sa mga tao (sociofugal
spaces) o naghahati sa mga tao ( sociopetal spaces); at (c) impormal na
katangian – masalimuot na pagpapalagayang-loob, istatus at pagkukusang
makipaginteraksyon.
5. Haptics. Komumikasyong ginagamit ang paghipo sa
pakikipagkomunikasyon na may kahulugang sa pagpapadama ng iba’t ibang
damdamin sa tulong ng paghawak, sa kausap at sa pagpapahatid ng
mensahe gaya ng paghawak ng kamay, pindot, tapik, pisil, haplos at hipo.
6. Panlabas na kaayuan at kasuotan. Ang kaanyuan at kasuotan ay
makapagbigay ng empresyon hinggil sa isang tao. Ang kulay ay
nagpapahiwatig din ng damdamin gaya ng damit na itim o puti, bandilang
pula, dilaw na tali sa noo, kulat ng traffic lights (berde, dilaw,pula).
7. Simbolo. Ito ay tumutukoy sa mga nakikitang simbolo o icons sa ating
paligid na nagpapahiwatig din ng mensahe na makikita natin gaya ng
pambabae o panlalaki sa pintuan ng palikuran, bawal manigarilyo, may
kapansanan, botelya ng lason, reseta ng doctor, mga tanggapan at iba pa.

31
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Mga sangkap ng komunikasyon
Ang komunikasyon isang proseso at sa prosesong ito ay may mga sangkap.
Naririto ang anim (6) na sangkap sa proseso ng komunikasyon at ang
kakanyahan nito:
1. Ang Nagpapadala ng Mensahe . Maaring isa o pangkat ng mga tao na
pinagmulan ng mensahe o tagapagbukas ng usapan. Sa kanya nagmula ang
laman ng usapan maaaring siya’y bumabati, nagpakilala, nagpapaliwanag,
naglalarawan, nagkukuwento atbp.
2. Mensahe. Ito ay ang kaisipan o ideya na ibinigay ng dalawang panig na
kasangkot sa pag-uusap. Maaari itong berbal o di-berbal na mensahe upang
mas mabigyan ng diin ang paghahatid ng mensahe ay sinasamahan ito ng
paggamit ng mga kumpas ng kamay ekspresyon ng mukha at ibang senyales
bukod sa paggamit ng wika.
3. Tagatanggap ng Mensahe. Tumutukoy ito sa taong binibigyan o
pinapadalhan ng nasabing mensahe. Sa madaling salita siya ang magde-
decode —ang pagpapakahulugan. Nakasalalay sa pag-unawa ang tugon sa
kanyang natanggap na mensahe ayon sa kanyang layunin sa pagtanggap
nito at ang kanyang kaalaman sa naturang mensahe.
4. Daluyan ng Mensahe o Tsanel. May dalawang kategoriya ng mga
daluyan ng mensahe — ay ang daluyang sensori ito ay ang paggamit ng
paningin, pandinig, pang-amoy, pandama at panlasa bilang paraan sa
paghahatid ng mensahe, at daluyang institusyunal ay tumutukoy sa mga
bagay gaya ng papel bilang sulatant, telegram, mga kagamitang pang
elektroniko katulad ng kompyuter, cellphone, e-mail, fax machine atpb.
(Bernales,2009,162)
5. Tugon . Ang ganting mensahe mula sa tagatanggap.
Ito rin ay ang panibagong mensahe. Ang tugon ay maaring
tuwiran, di-tuwiran at naantala. Ang iba’t ibang tsanel ay basehan kung
anong uring tugon ang mangyari. ang tuwirang tugon ito ay nangyayari
kung kailan nagaganap ang pag-uusap ginagamitan ito ng mga salita o
mga pahayag o ideya patungkol sa paksang pinag-uusapan, dito napapaloob
ang berbal na komunikasyon. Ikalawa ay di – tuwirang tugon,ginagamitan
naman ito ng kumpas ng kamay,pagtango,pagtaas ng
kilay, pag-iling, pagkaway ng kamay at ekspresyon ng mukha. Hindi
ito maaaring mabisa kompara sa tuwirang tugon
dahil maaaring magkaroon ng iba’t ibang enterpretasyon ang taong
hinahatiran nito. Ang ikatlo ay ang naantalang tugon may mga tugon na
nangangailangan ng mataas na panahon o sandali upang maibigay ito
katulad ng pagpapadala ng sulat, resulta ng isang pasulit o pagsusuri
6. Mga Potensyal na Sagabal. Naiimpluwensyahan ng mga bagay o
sitwasyon ang pakikipagkomumnikasyon at ito rin ay magdulto ng mga
sagabal. Nauuri sa apat ang mga potensyal na sagabal:
1. Pisikal na Sagabal – kabilang dito ang ingay ng mga sasakyan, mga taong
nagsisigawan sa loob ng palengke. Maaaring mga
sitwasyon na dulot ng kalikasan gaya ng maalinsangang
panahon,masyadong malamig na temperatura, hindi komportable
sa kina-uupuan o kinatatayuan, masyadong maliwanag o madilim na
lugar.Ang lahat ng ito ay maaaring nakapagdudulot ng sagabal sa
komunikasyon.
2. Sikolohikal na Sagabal – ito ay mga bagay na nakakaapekto sa gawi at
pagiisip sa tagapagpapadala at tagatanggap ng mensahe katulad ng
kinalakhang lipunan, pinag-aralan, mga nakagawiang
paniniwala o kultura na nakapagdudulot ng biases sa
pakikipag-usap.
3. Pisyolohikal na Sagabal. Ito’y mga sagabal na matatagpuan sa katauhan
ng dalawang panig na kasangkot sa pakikipagkomunikasyon ang
tagapagpapadala ng mensahe o sa tagatanggap ng mensahe. Ang kondisyon

32
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ng kanyang pangangatawan katulad ng suliranin sa paningin,pandinig o sa
pagsasalita at ang mga iniindang sakit ay maaari ding makakasagabal.
4. Semantikang Sagabal. Ito ay matatagpuan sa mga pahayag o
pangungusap na ginagawa ang pagpapakahulugan sa mga ito ay maaaring
makapagbigay sagabal. Sa pagbuo ng mga pangungusap ay maaaring
magtaglay ito ng tuwiran at di-tuwirang kahulugan. Ang hindi pagkakaunawa
ng mensahe na dulot sa kakulangan sa bokabularyo ay semantikang sagabal.
Ang katagumpayan ng komunikasyon ay nakasalalay sa daluyan na pinili may
angkop na daluyan na maaaring gamitin depende sa pag-uusap katulad na
lamang sa isang seminar hindi puweding gamitan lamang ng boses ang
nasabing pag-uusap gayong maraming nakikinig kailangan itong gamitan ng
mikropono upang maging malinaw ang mensahing darating sa tainga ng
tagapakinig kung pagsasabi naman ng isang sekreto kailangan lamang ang
gumamit mahinang boses upang mapanatili ang nasabing mensahe. MGA
KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON

1. Pakikinig
Ang pakikinig ay katumbas ng listening, samantala ang pandinig ay
katumbas din ng hearing. Likas na kakayahan ang pandinig dahil ang tainga
natin bilang bahagi ng ating katawan ay palaging nakabukas hangga’t wala
itong problema. Nang binhiin ang sanggol at unti-unti tumutubo ang bawat
bahagi ng katawan hanggang nakompleto ang bahaging tainga, umpisa na
itong may kakayahang pandinig. Sinasabi ring ang sinumang namamatay ay
may kakayahan pang makikinig. Ganoon na lamang ang kabuluhan ng
pakinig. Sa ganitong pagkakataon, ang pakikinig ay isang susi sa pagkakatuto
at dapat itong linangin. Isang mahalagang kakayahan upang matamo ang
pang-akademikong kasanayan sa paggamit ng ng wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng ating tainga na may auditory nerves na siyang
nagdadala ng mga senyales patungo sa utak ay maipo-proseso ang anumang
mga tunog na siyang bigyang kahulugan ng ating pag-iisip gamit ang ating
natutunan. Sa ganitong proseso, ang pakikinig ay hindi mangyari kapag
walang tainga na siyang dahilan sa kakayahang pandinig. Ang anumang
nakasanayan nating gawain araw-araw at kung anumang urang kapaligiran
ang ginagalawan, ito ang nagsisilbing humubog sa ating gawi at kakayahan
sa pakikinig. Dahil sa hindi lahat na mga sitwasyon ay kaaya-aya sa pakikinig
at hindi lahat mapakingkan ay kapaki-pakinabang sa ating katauhan, ang
ating pakikinig ay nangangailanga ng disiplina. Ito ay ang sumasaklaw sa
disiplinang pisikal at pangkaisipan. At upang matamo ito, kailangan ding pag-
ingatan ang ating mga tainga.
Matiyak natin ang isang tao kung talagang nakikinig sa anumang mga
impormasyon o mahalagang kaganapan sa paligid sa maraming paraan. Sa
pakikipagkomunikasyon, ang isang tao ay nakikinig kung kaya niyang masabi
uli ang sinasabi ng kausap, kaya niyang mahulaan ang mga nawawalang mga
salita o kaisipan, kaya niyang mabubuo uli ang mga kaisipang nauunawaan at
masabi ito uli sa kausap. O kaya naman, kung talagang nakikinig ang tao,
kaya niyang magampanan ang kinakailangang tugon.
Sa paaalan, kailangan ang pakikinig ng mga diskusyon at mga tagubilin
hinggil sa kalakarang pagtamo sa mga pangangailangag akademiko. Sa
ganitong kalagayan, inaasahan na ang bawat estudyante ay may kakayahang
makinig at magtanda. Ang pagtanda ay isa sa mga yugto sa proseso ng
pakiking. Sa Mangahis et al(2005) ang proseso sa pakikinig ay:

33
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Ang pakikinig ay ang prosesong may malaking impluwensiya sa pag-unawa at
pagtugon. Ang pakikinig ay isang dahilan kung bakit kailangan ang
komunikasyong pasalita—upang makuha ng tagapagsalita ang atensyon ng
mga tagapakinig. Halimbawa nito sa pagpupulong, seminar, forum,
argumento, at mga talakayan sa silid-aralan. Ito ang kaganapang prosesong
transaksyunal sa pakikinig. Sa ganitong prosesong ay magaganap ang
mismong pagtugon sa paraang pasalita o tugong di-berbal. Sa uring
prosesong ito, kailangan ang disiplinang pangkaisipan o komprehensyon.
Ang pakikinig ay prosesong interpretasyon. Mula sa tunog na napakinggan,
kailangan itong bigyang interpretasyon. Sa kasong tunog ng wika o
pagsasalita, ang interpretasyon nito ay may iba’t ibang uri—interpretasyon sa
intonasyon ng pagsasalita, interpretasyon ng mensahe, at interpretasyon sa
imosyonal na katangian ng tagapagsalita. Bilang proseso, ang pakikinig ay
hindi magaganap kung walang tagapagsalita. Ang prosesong ito ay puwedeng
matingnan bilang magkakabit na proseso—pagsasalita at pakikinig. Ito ang
tinatawag na oracy. Ang prosesong ito ay nagmula sa tagapagsalita patungo
sa tagapakinig na pabalik-balik.

Mga Salik sa Pakikinig

Maraming manunulat ang naglalahad na ang , lugar, oras, tsanel, edad,

kasarian, kultura, kaalaman, at gawi ng tagapagsalita ay mga salik sa
pakikinig. Sa Bernales et al(2002), ang mga ito ay nakaimpluwesiya at mga
sagabal sa pakikinig. Ang pag-alam sa mga ito ay nakakatulong upang
mapabisa ang pakikipagkumunukasyon at mapanatili ang mga kalakasan sa
pagkikinig.
1.Lugar. Ang lugar ay puwedeng tahimik, malalawak at kaaya-aya. Sa
sitwasyong ito ang sinuman ay magkakaroong ng positibong kondisyon sa
pakikinig.
2. Oras. May mga oras na ganadong-ganado ang isang tao at may kapasidad
sa pagkikipag-interaksyon. Kapag nasa tamang oras ang pakikinig tiyak ,
kapakipakinabang ito at magbunga ng magandang pangyayari.
2.Tsanel. Maaring nakaaapekto ang kaparaanan sa pagpapadala ng mensahe
na maaaring may kinalaman sa tagapagsalita o kaya’y mga bagay na
ginagamit sa pagsasalita. Kapag aktwal na nagsasalita ang pinakinggan na
may katamtaman boses madali itong mauunawaan, at sa parehong
kalagayan ang sinumang gumagamit ng mikropono na may mabuting kalidad
ay malinaw pakinggan. Ang mikropono ay halimbawang tsanel.
3.Edad. Magkaibang interes ang mga taong may agwat sa edad. Ang bata at
ang matanda ay hindi magkakaroon na katulad ang kapasidad sa pag-iisip.
Ang bata pa ay hindi masyadong makaunawa sa mga komplikadong kaisipan
kaysa matanda na. Nagtataglay din ng mataas na EQ ang nasa katamtamang
edad kaysa bata pa.
4.Kasarian. Ang babae at lalaki ay magkaiba ng iteres. Maaring ang tungkol
sa larong boxing,, paglalaro ng basketball, at iba pang mapuwersang
gawainay mahuhumalingan ng mga lalaki kaysa babae. Ang tungkol naman
emosyon, kagandahan, pag-ibig ay maaring lalong kahuhumalingan ng mga
babae. Ang tungkol naman sa mga kaguwapuhan at pagtatanghal ay maaring
lalong nagbigay kawilihan ng mga bakla. Magkaiba ang hilig ng lalaking-lalaki
at ang lalaking bakla.
5.Kultura. Kahit iisang bansa lamang napapabilang ang mga Pilipino, may
ibaiba pa rin kulturang kinagisnan. Sa pakikinig, ang kulturang may
kinalaman sa wika at intonasyon sa pagsasalita ay may malaking dulot sa

34
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
komunikasyon. Ang kultura ay dahilan kung bakit magkaiba ang pag-unawa
at gawing maipapakita sa pakikinig.
6.Kaalaman. Dito masusukat ang karunungang taglay ng bawat isa dala nito
sa iba’t ibang pag-aaral at karanasan. Ang anumang kaalaman ay naghahatid
sa madaliang pag-unawa sa mga napakinggan sa mga aspektong
pangimpormasyon. Ang nakapag-aral ng pormal ay tiyak maraming napag-
alaman, at updated rin sa kaalaman at pagbabago ang taong expose sa iba’t
ibang sitwasyon at transaksyon.
7.Gawi ng tagapagsalita. Sa anumang kaganapang nangangailangan ng
pakikinig, may malaking kinalaman ang sinumang nagsasalita. Ang may
malinaw na boses, ang tuloy-tuloy magsalita, at ang magtatalakay ng mga
impormasyon tumutugon sa kapakanan at kawilihan ng nakararami ay
siyempre makakuha ng atensyon ng tagapakinig. Isang kapangyarihan ang
boses na nakakaenganyo at maganda sa pandinig at nagtataglay ng unique
na katangian. Si Jessica Sojo, Kara David, Korina Sanchez at iba pang mga
batid sa pamamahayag ay may taglay nito.
At, ano nga ba ang iyong pansariling gawi sa pakikinig?

Layunin ng Pakikinig

Sa Bernales et al(2002:147), at Mangahis et al (2005:179) inilalahad ang

antas at uri ng pakikinig na nagpapahiwatig tungkol sa layunin ng pakikinig.
Ang uri ng pakikinig na may mga layunin ay itatalakay sa aklat na ito, at
ito ang mga sumusunod:
Sa layuning pang-aliw, pinagtuunan dito ang paghanga, at pagdama sa
kagandahan ng anumang kaisipan upang magkakaroon ng matugunan ang
pangkasiyahang pangangailangan. Halimbawa nito ang pakikinig ng
paboritong musika, pakikinig ng drama at iba pa.
At, ang pakikinig ng balita, pakikinig ng mga diskusyon tungkol sa mga
kaganapang panlipunan, at pakikinig ng talakayan sa klase at iba pang
pangakademikong pagtitipon ay halimbawa sa layuning pangkaalamang
mapakinabangan. Ito ay isang uring kritikal na pakikinig kung saan ang
mga kaalamang natutunan ay naglalarawan sa mga penoma sa kapaligiran.
May mga pakikinig na mapanuri naman na naglalayuning ang pangtuklas
ng mga kaisipan na maaaring hindi pa lingid sa iba. May mga panahong
masusuri ang mga impormasyon—totoo ba o hindi, ano ang impact nito sa
mga natatamaan, suriin kung gaano ka balido ang mga argumento at mga
katibayan, ano ang mga pinagbabatayan sa paglalahad ng mga kaisipan, o
makatuwiran ba ang mga pahayag.
Samantala, ang layuning makabuo ng bagong konsepto ay ang pakikinig
na makapagbuo ng implikasyon—-ibig sabihin upang direktang maiaplay ito
sa sariling sitwasyon. Isa iton uring paggamit sa mga kaalamang natutunan.
Mahalaga ang uring pakikinig na ito dahil makikita palagi ng tagapakinig ang
sariling katayuan mula sa mga ideyang napag-alaman, natuklasan,
nahahangaan at iba pa.
Ngunit, sa anumang uring pakikinig hindi pa rin maiiwasan ang paggamit nito
para sa sariling pag-unawa—-ito ay ang layuning pangsikolohikal.
Pinagtuunan nitong pansin ang anumang mga sitwasyon at kaisipang
maaring hindi madaling maibahagi sa iba. Maaring sa pakikinig nito ay
maunawaan nang mabuti ang sariling ikinikilos, ang sariling pag-unawa, at
sariling kakayahan sa pagkikisalamuha at lalong lalo ang pakikipagrelasyon
ng tao sa kanyang Tagapaglikha, at isa mga dasal ni St. Francis of Asisi “God,
speak to my heart and I will listen”.
Sa kabilang banda, kakaibang layunin ang pampalipas-oras, dahil sa mga
pagkakataong nagbibiyahe at hinihintay kung kailan aabot sa destinasyon
talagang mangyayari ito. Sa ganitong uring pakikinig binibigyang tuon ang

35
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
pagkakontento ng sarili upang hindi mababagot lalo sa mga hindi mapakali
kung walang gagawin. Sa ganitong paraan ay mapalagay ang sinuman sa
mabawas ang pagkakaroon ng axiety. Ito ay pakikinig na impormal. Mga
kaaya-ayang Gawi Bilang Isang Tagapakinig

Isang tatak ng pagka-Pilipino ang pagiging mapipitagan ito ay nakakatulong

upang matugunan natin ang likas na kagustuhan ng tao na mapakinggan.
May mahiwagang hatid ang mapakinggan ang kaiispan ng bawat isa. Maaring
magbibigay ito ng isang malaking kasiyahan at mapanatag ang sarili. Ang
pakikinig ay isang susi sa kapayapaan. Hindi lamang ito pang-akademikong
kakayahan. Halaw sa Tumangan Sr. (2000: 76), naririto ang mga kaaya-ayang
gawi sa bilang tagapakinig sa harap-harapang sitwasyon:
1. Kilalanin ang mga salita upang matiyak ang pagpapakahulugan nito
2. Makipagtulungan sa kausap sa paglilinaw ng mga mensaheng nais ipaabot.
3. Unawain muna ang kabuuang impormasyon bago maghahatol o
magpapasya
4. Kontrolin ang sarili tungo sa mga tugong pang-emosyunal
5. Lalong pagtuunan ang mensahe
6. Unawain ang estruktua ng mensahe
7. Hintaying matapos ang tagapagsalita bago magbigay tugon.
Sa tahanan, sa trabaho, sa simbahan at saanmang lugar at sitwasyon
mahalaga ang pakikinig. Sa tahanan, ang pakikinig ay susi sa pagkaiintindiha.
Sa trabaho naman, ang pakikinig ay iwas sa mga kamalian at gabay sa
maayos at epektibong pangkalahatang kakayahan. Sa simbahan, ang
pakikinig ay susi sa pag-alam ng mga mabubuting gawi at kaasalan tungo sa
tao at pagpapatibay sa pananampalataya, at sa paaralan, ang pakikinig ay
isang paraan upang makakuha ng mataas na marka sa class standing at higit
sa lahat umaani ng pagkakatuto. At, sa komunikasyong akademikong Filipino,
ang pakikinig ay susi upang lumalawak ang kaalaman tungkol sa paggamit ng
wikang Filipino upang matamo ang tama at mabisang komunikasyon.
2. Pagsasalita
Ang pagsasalita ay kilos o paraan ng pagbikas ng salita at pangungusap at
pagbigkas ng talumpati (UP Diksyonaryo 2010) at ito ay sa layuning
mapakinggan. Sa akademiko, isang matinding layunin ang mahubog ang mga
estudyante tungo sa kritikal na tagapagsalita. Ang pag-uulat, ang
pagtatanghal at iba pang gawaing pagkakatutuo ay mga paraan upang
matamo ng bawat estudyante ang kasanayan upang sa darating na araw
maging epektibo sa transaksyonal at interaksyonal na komunikasyong berbal.
Ang mga pormal na gawaing pangkomunikasyon ay sukatan sa mabisang
pagsasalita gaya ng seminar, forum, panayam at iba pa. Upang hindi
malayong makamit ang pagiging mahusay na tagapagsalita ay kailangang
magsanay at palakasin ang mga angking kasangkapan sa pagsasalitang
transaksyonal at interaskyonal. Pantay-pantay ang lahat na taong walang
kapansanan sa kasangkapan ng pagsasalita ang tinig, tindig, galaw, at
kumpas ng kamay upang lalong mapabisa ang pagsasalita. Ang tinig ay
nakakaenganyo sa mga tagapakinig. Maaring dahil sa tinig lalong
mabibigyang diin ang mga mahalagang kaisipan at magtataglay ng
kakintalan. Kailangan ding kontrolin ang tinig na naaayon sa dami at
katangiang ng tagapakinig. Sa tindig naman ay maipakilala ang kapita-
pitagan, at ibang makaagaw pansin tungo sa mga tagapakinig. Magsisilbi
itong koneksyon upang ipagpatuloy ang pakikinig—kaya nakasalalay din sa
tindig ang tamang postura at angkop na pananamit. Ito ay kailanganin sa
pormal na pagsasalita. Magawang makalikha ng imahen sa isipan ang mga
tagapakinig kung ang pagsasalita ay sinasabayan ng galaw. Ang anumang
damdamin ay puwedeng maisalarawan sa galaw na maaring makikita sa
pagpapagalaw ng mata at kabuuang ekspresyon ng mukha. Hanggat kaaya-
aya ang anumang paggalaw ay makatutulong sa pagsasalita. May mga

36
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
konseptong kayang ipahayag sa kumpas. Ang bawat kumpas ay maaring
sumasagisag sa mga mensaheng nais ihahatid sa pagsasalita. Sa Marquez, Jr.
at Garcia (2010) ang kasangkapan ng mabisang pagsasalita ay ang
kaalaman, tiwala sa sarili, at kasanayan. Sa mga bagay na ito, ang bawat
isa ay may kanya-kanya nang kakayahan. Ito na ang kadahilan kung bakit
ang mga pahayag ni Abraham Licoln noong March 4, 1861 ay walang
kamatayan. Dinala rin si Franklin Roosevelt sa tugatog ng politika dahil sa
kahusayan at kagalingan sa pagtatalumpati. Sa klasikal na panahon,
nasungkit din ni Demosthenes ang korona sa pananalumpati kahit pautal
siyang magsalita dahil sa palaging pagsasanay, at ipinamalas din ni John F.
Kennedy ang kahusayan sa pagtatalumpati na tumalo kay Nixon. Ang mga
kuwentong ito ay totoong naglalarawan na ang bawat isa ay may potensyal
sa pagsasalita at mahalaga ang pagsasanay. Ang kaalaman ay susi tungo sa
pagiging kritikal na tagapagsalita. Ang sinumang nanalo sa debate, ang
sinumang nagsasalita na nakapupukaw sa mga kaisipan ng mga tagapakinig
ay ang kritikal na tagapagsalita. Kung paano pinapalakpakan ang
sinumang nagsasalita ay iyon ang tatak ng kritikal na tagapagslita. Lalong-
lalo na kung ang tagapagsalita ay nagbibigay-diin sa mga kaisipang may
kinalaman sa pangkasalukuyang kaganapan at hindi lamang sa mga teorya.
Nahahasa ang kakayahan sa pagsasalita ng isang tao kung siya ay
nakakaranas ng mga gawaing pagsasalita tulad ng: pagtatalumpati,
pagdebate, pakikipag-usap, pakikipag-usap, pakikipanayam , at
pangkatang talakayan.

3. Pagbasa
Ang pagbasa ay hagdanan sa pagkatuto sa anumang wika, at ang pag-aaral
sa pagbasa sa antas ponolohiya ay lalong nagdudulot sa pagkakaunawa sa
kalikasan ng wika. Maaring paiba-iba ang antas sa pagbasa ng unang
wika((L1) at sa pangalawang wika (L2). Ngunit sa kaso ng pagkakatuto ng
pagbasa sa wikang Filipino, hindi ito malaking suliranin dahil ang wikang
Filipino ay madaling matutunan. Upang lalong maunawaan ang kalikasan ng
naririto ang iba’t ibang pananaw tungkol sa pagbasa:
1. Ayon kay Frankt Smith, 1973 (sa Buendicho, 2007), ang pagbasa ay
prosesong komunikasyon sa paghahatid ng impormasyon sa
pamamagitan ng isang midyum patungo sa tagatanggap. Ito ay
pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang panig, ang manunulat at
ang mambabasa.
2. Ayon naman kay Ken Goodman, 1976 (sa Badayos, 1999), ang pagbasa
ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan ang mambabasa
ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binasa. Ang gawaing ito ay ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na
prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula,
pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, at iba pang pagpapakahulugan.
3. Sa elaborasyon ni Coady (1967, 1971, 1976) sa kahulugan ni Goodman,
tinatampok niya ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya
sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at
kasanayan sa pagbuo sa pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto . Ang dating kaalaman ay may malaking tulong sa
mabilisang pag-unawa sa binasa.
4. Simple at madaling maintindihan ang kaisipan ni Urquhart at Weir (1998),
na nagsabing “ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at
paginterpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa
pamamagitan ng nilimbag na midyum “ (sa Arrogante et al,2007).
5. Samantala, sa pagpapakahulugan ni Tumangan, Sr.(1997), ang pagbasa
ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
Sa puntong ito, matitiyak na ang pagbasa ay isang gawaing nangangailangan

37
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
ng talas ng paningin at kaalaman sa mga simbolong pangwika bilang midyum
sa komunikasyon.
Kapwa nababanggit ang mga katawagang interpretasyon o
pagpapakahulugan sa mga nilalahad na mga kahulugan sa itaas, ito ay
tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan
dahil ginagamit ng mambabasa ang pag-uunawa, at hindi naman
nababanggit ang tungkol sa pagbasa ng teksto na nakasulat sa ibang wika
bukod sa pagbasa gamit ang unang wika, kaya masasabi dito na ang pagbasa
ay dumaan sa prosesong pagsasalin bago mangyayari ang papapakahulugan
kung ang teksto ay nailalahad sa ibang wika. At, mula sa mga kahulugang
inilalahad sa itaas, ito’y tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay ang gawaing
pagkilala sa mga simbolong pangwika, pagsasalin nito at pagkuha sa mga
mensaheng napapaloob sa pahayag na ang pangunahing layunin ay upang
maunawaan ang buong teksto. Ito ay nagsasaad ng isang komplikadong
gawaing pangkaisipan sapagkat sangasangang mga kasanayan ang mga
kinakailangan nito gaya na lamang sa kasanayang pangwika at semantikang
kaalaman.

Komplikadong gawain ito dahil sangkot dito ang maraming kasanayan sa

panig ng mambabasa mula sa pisikal patungong sikolohikal at iba pang mga
aspekto. Bilang isang komplikadong gawain, ito ay isang mahalagang
kakayahang pangakademiko na dapat maunawaan at linangin ng mga
estudyante, at sa paglilinang nito, dapat munang maunawan ng sinuman ang
kanyang sariling kakayahan sa pagbasa.

Sa pag-unawa sa binasa bilang prosesong pangkaisipan, maraming mga

paliwanag ang nakakatulong upang lalong mapapamahalaan ng bawat isa ang
sarili kung paano unawain ang binasa. Ayon kay William Gray (Arrogante, et
al, 2007 at Pangkalinawan et al, 2004), ang pagbasa ay pagkuha ng ideya
sa nakalimbag na simbolo, at ito ay isang prosesong pag-iisip na may
apat(4) na hakbang sa pag-unawa—-persepsyon, komprehensyon,
aplikasyon at integrasyon o asimilasyon. Sumuporta dito ang pahayag ni
Thorndike (sa Buendicho, 2010), na “reading is reasoning”. Sa pahayag na
ito, malinaw na nagsasaad na ang pagbasa ay sumusukat sa pag-iisip at pag-
unawa ng mambabasa gamit ang kanyang iba pang mga kakayahan.
Hindi lamang sa pangkarunungang aspekto makikita ang kahalagahan
ng pagbasa, ngunit ito ay makikita sa kabuuang aspekto sa paghubog ng
buhay. Sa aklat na Filipino 2-Kalatas ni Garcia et al(2008:3-4) tinatalakay
ang halaga ng pagbasa tungo sa isang tao batay sa kaisipan ni Lord
Chesterfield, “ na nagsasaad “ang isang taong nagbabasa ay isang
taong nangunguna”. Walang alinlangang ito’y totoo saanmang disiplina
ang pag-uusapan. Lagi nang nakakalamang ang mga tao kapag nagsasalita
kung may batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito’y nailimbag
na at tinatanggap na ng higit na nakararami. Madaling makapag-isip ang tao
kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at para sa
mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na
asignatura kapag magbabasa lamang. Madaling makapag-isip ang tao kapag
siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at pag-iisip na ito,
hindi malayong masasala ng tao ang mga mahahalagang kaalaman na
magagamit sa praktikal sa buhay, at para sa mga estudyante walang puwang
ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang.
Ayon panulat ni Crus, et al(2002) mahalaga ang pagbasa sa buhay ng tao
lalong higit sa pagharap natin sa hamon ng globalisasyon.
Mga Uri ng Pagbasa Ayon sa Layunin
Bilang pangangailangan ang pagbasa ay mauuri sa dalawa, ang pagbasang
malakas at pagbasang tahimik. Ang pagbasang malakas ay kaugnay sa

38
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
pasalitang gawain. Mangyari ito sa lipunan gaya ng mga seminar,
pagpupulong at iba pa. Layunin ditong mapakinggan ang mga mahalagang
impormasyon na sumasagot sa kapakanan sa mga kinasasaklawang
indibidwal. Ayon kay Badayos(1999)“kaya nga, kung ang pagklase ay
nakapokus sa pagbabasa nang malakas, mananaig sa isipan ng ilang mag-
aaral na ang pagbasa ay pasalita. Ang pagsabang tahimik naman ay
mangyari personal. Dito na makilala ang iba’t ibang mga layunin. Sa tunay na
buhay, ang sinuman ay nagbasa dahil makalikom ng impormasyon at ang
mga impormasyon ay may iba’t ibang paggagamitan.
Sa pangkalahatan, batay sa mga karanasan ng tao, ang pagbasa ay may
layuning (a) pang-kaalaman tungo sa karunungan (b) pangkaalaman
tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin, at (c) pangkaalaman
upang malilibang o maaaliw.
Pangkaalaman tungo sa karunungan. Ang ginagawa ng mga estudyante
na pagbasa sa mga batayang aklat, ang pagbasa ng guro ng iba’t iban
sanggunian, ang pagbasa ng abogado ng isang batas at kaso, at iba pa ay
mga halimbawa nito. Ganundin ang mga pasyente ay magbasa nang
magbasa tungkol sa mga uring sakit na maaring ipinapaliwanag ng doktor.
Sa pagkakataong ang sinuman ay nagbabasa ng pahayagan, diksyonaryo,
encyclopedia, Bibliya, Koran at iba pang mga banal na kasulatan ay isa ring
dagdag kaalaman at nagbibigay karunungan. Kailangan ding magbasa ng
mga tagubilin o paalala sa madla, direksyon, panuto at iba pang mga
patnubay upang lalong magkakaroon ng kaalaman na kinakailangan bilang
isang mamamayan at may karapatan at paninindigan. Dahil sa uring layunin
sa pagbasang ito, ang tao ay madaling makikisalamuha sa iba at matatawag
siyang maalam.
Gaya na lamang ng isang taong nagtataglay ng isang tanong sa isipan kung
ano raw ang madarama ilang minuto pagkatapos mabawian ng buhay—kaya
ang taong ito ay naghanap nang naghanap ng aklat tungkol dito hanggang
nakabili siya ng aklat na may pamagat na “One Minute After You Die” ni Erwin
W. Lutzer. Kaya sa ganitong pagkakataon nasagot na ang kanyang mga
katanungan.
Sa uring pagbasa na ito ay mangyari ang pagbasang kritikal, pagbasang
paunlad, pagbasangmapanuri, at pagbasang makalikom ng impormasyon o
pagbasang pananaliksik.
Pangkaalaman tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin.
Naging epekto ang kasabihan ni Kuya Kim sa ABS-CBN na “ang buhay ay
weather weather lang”. Maaaring ang kahulugan nito ayon kay Kim Atienza
ay tungkol sa panahon—-ngunit ito ay isang uring makahulugan na pahayag
na may kinalaman sa mga suliraning maaring kahaharapin ng sinuman. Ang
mga suliranin sa buhay ay tiyak may mga solusyon. Maaring hindi ito
makikita agad o maririnig agad sa mga payong kaibigan ngunit kung
magbasa maaaring maliliwanagan ang sinuman. Maraming nagbabasa upang
makakuha na impormasyon na magagamit sa pang-araw-araw na sitwasyon.
Ang pagbabasa ng mga kaalamang maiaplay sa pagpapanatili sa kalusugan,
paglusot sa batas, paghahanap ng katarungan, pag-aasenso sa buhay, pag-
alam sa mga sagot sa katanungan ( kailangan sa pagsali ng mga quiz event),
pagpapataas ng moralidad, pagpapatibay sa paniniwala at sa
pagkikipagkapwa-tao. Maaring isa sa mga ito ang hinahanap ng mga tao.
Isang halimbawa nito ang isang ina na may anak na may leukemia—ang
kalagayang ito ay isang matinding suliranin. Kaya siya ay nagbasa nang
nagbasa hanggang sa internet at sa wakas nahahanap niya ang tungkol sa
Stem Cell at napag-alaman niya na sa pamamagitan ng cord blood ay
magagamot na ang kanyang anak—ang ginagawa na lamang niya ay
naghihintay kailan manganganak upang magagamit ang stem cell mula sa
inunan na i-transplant sa kanyang anak na may leukemia.
Pangkaalaman upang malibang o maaliw. Ang pagbabasa ng comics,
kuwento, at iba pang mga lathain o materyales bilang pampalipas oras ay

39
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
napapabilang nito. Maaring mga nakakaaliw na babasahin na patok sa
panlasang pinoy lalong lalo na ang mga katatawanan o hanggang bumusog
ito sa interes ng mambabasa, nakapagpaganyak sa paglalakbay-diwa,
nakakatupad sa mga ninanais sa buhay at iba pa dahil kung mangyayari ito
dito na matamo ang layuning paglilibang o pang-aliw. Minsan may mga
babasahin na nangangailangan ng mataas na antas ng pag-unawa upang
maunawaan hanggang magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang
may layuning maaliw o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang
malalalim. Ang kaisipang pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na
magiging paksa sa binasa ay kailangan ng sapat na impormasyon upang
magdulot ng katatawanan—sa layunin ding ito mahahanap ang mga
materyales na mapanghamon. Kaya dahil walang magawa ang mambabasa
ay maghanap ng mga babasahin na dahil walang magawa “at least” nahahasa
pa rin ang pagiisip.

Nasa mataas na antas ng pag-unawa upang maunawaan hanggang

magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang may layuning maaliw
o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang malalalim. Ang kaisipang
pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na magiging paksa sa binasa ay
kailangan ng sapat na impormasyon upang magdulot ng katatawanan—sa
layunin ding ito mahahanap ang mga materyales na mapanghamon. Kaya
dahil walang magawa ang mambabasa ay maghanap ng mga babasahin na
dahil walang magawa “at least” nahahasa pa rin ang pag-iisip bukod sa
paglalakbay-isip.
Bilang paglibang sa sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, maaring
magbabasa ng kuwento, mga balita at iba pang tungkol sa pangkabuhayan,
pangekonomiya, pangmoralidad, at mga akdang likhang isip. Mga
Estratehiya sa Pagbasa Tungo sa Pagbasang Analitikal

Hindi simpleng gawain ang pagbasa dahil hindi lamang ito hanggang makilala
ang mga simbolong pangwika ngunit ang pinakalayunin nito ay makuha ang
mensaheng hatid ng manunulat— nangangahulugang mahalaga ang
pagunawa:
Reading is a complex act for humans (Dechant, 1991) outlines, it is very
visual process that begins one’s ability to use one vision to interpret graphic
symbols. Reading requires a great visual acuity. To read one must be able to
visually distinguish each letter, have a visual memory for each letter, and
recode those letters so that one can recreate the letters, pronounce the
letter, or associate sounds with letters… This is the essence of reading
comprehension (Stephanie Macceca, 2007: 4)
At, para maging magaan ang sinumang mambabasa ay may pansariling
paraan din upang matamo ang mga layunin sa pagbasa na dagdag pa ni
Macceca,
2007: 4):
Good readers are strategic readers who actively construct meaning as they
read; they monitor their own comprehension by questioning, reviewing,
revising, ang rereading to enhance their overall comprehension.
Kung anumang paraan ng isang mambabasa upang matuklasan ang bawat
kahulugan ng mga salita ayon sa paggamit ng manunulat ay ang tinatawag
na pagbasang analitikal, at ang bawat estudyante ay inaasahang magtamo
sa uring gawi na ito sa pagbasa. At, naririto ang iba’t ibang kaparaanan sa
pagbasa na siyang magagamit sa mga estudyante sa pag-aaral sa iba’t ibang
asignatura at upang makamit ang hinahangad na matataas na marka nang sa
ganun kahimut-an sa mga taong nagsusubaybay sa kanya. Naririto ang mga
kaparaanan o teknik na angkop sa pagbasa ng mga tekstong pang-agham na
hango sa iminumungkahi ni Wiriyachitra(1982) sa panulat ni Dr. Buendicho
(2007:4-5):

40
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
1.) ISKIMING. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o materyal ayon sa
pangangailangan. Sa kaparaanang ito ay mangyayari ang previewing., ang
mambabasa ay magtangkang mag-alam kung ang nilalaman ng aklat o
impormasyon ng isang materyal ay nagtataglay ba ng mga impormasyong
hinahanap; overviewing., alamin ng mambabasa ang layunin at saklaw ng
babasahin kung ito ba ay ayon sa kanyang kawilihan o interest ; at, survey,
alamin lamang ng mambabasa ang panlahat na kaisipan ng isang aklat o
materyal sa pamamagitan ng mga iilang impormasyon ng aklat na mababasa
sa likod na pabalat. Kung sa isang tiyak na materyal naman mababasa ito sa
bahaging konklusyon o pangwakas na bahagi.
2.) ISKANING. Mabilis na galaw ng mata, matamo ito sa pamamagitan ng
pagsipat sa bawat pahina ayon sa hinahanap na mga tiyak na impormasyon
tulad ng pangalan ng tao, petsa, katawagan at iba pa. Kailangan alam ng
mambabasa ang mga susing kaisipan at basahin lamang ang mga tiyak na
talata o bahagi.
3.) KOMPREHENSIBO. Masaklaw at , mapamigang pag-iisip at nakakapagod
dahil maraming hiwalay na gawain ang pwedeng mangyari tulad na lamang
ng pagsusuri, pagpupuna, pagpapahalaga, pagbibigay reaksyon o
anupamang mga pagtataya sa binabasa. Kailangang isa-isahing basahin ang
mga detalye hanggang maintindihan itong mabuti. Sa kaparaanang ito ay
masisiguro na lubos na maunawaan ang mga aralin ( Arrogante, et al, 2007:
52-54). 4.) KRITIKAL. Ang ebidensiya at kawastuan ang pinagtuunan sa
pagbasang ito. Mangyari ang pagsasanib ang sariling mga kaisipan o
konsepto , sa buong pagkatao upang magamit ito sa karunungan, asal, gawi
at maisasabuhay nang may pananagutan at naglalayuning makalikha at
makatuklas ng mga panibagong konsepto na kakaibang anyo na maisasanib
sa kapaligirang sosyal at kultural.
5.) MULING-BASA. May mga babasahing nagtataglay ng maraming
kaisipan, kaya nga ang pagbabasang muli ay mangyari, dahil may mga
babasahin o teksto na sa unang pagbasa ay hindi agad maintindihan, kapag
pauli-ulit ang pagbasa ay lilitaw na ang mga natatagong kaisipan. Kailangang
paulit-ulit upang matuklasan ang hindi pa natanto. Isa itong mahalagang
kaparaanan sa pagsasagawa ng pananaliksik at sa mga klasikal na
materyales. Sa pagbasa ng mga teknikal na teksto at pampanitikan ay
kailangan ang muling basa.

3. Pagsulat
Matingnan ang mga maykrong kasanayan sa pagsulat mula sa kabuuan ng
pisikal na katauhan. Mula sa mga daliring may kakayahang humawak ng mga
kagamitang panulat o maaring pumindot ng keyboard ng computer o sa
typewriter hanggang sa paggamit ng paningin upang masuri kung ang mga
simbolong inililimbag ay tumpak ba sa daloy ng kaisipan ng manunulat, at
hanggang maganap ang iba’t ibang dimension sa pag-iisip tungo sa iba’t
ibang aspeto tulad na kaalamang ng kaalamang lingguwistika, Kakayahang
sa paggamit ng mga estratehiyal, kasanayan sa pagpapakahulugan ng mga
salita, kaalamang sosyo-lingguwistika, kakayahang diskorsal at kaalamang
pansemateka. At, sa aklat nina Alcantara, et al(2003:169), inilalahad nila ang
sumusunod:
According to Peck and Buckingham(1976) , writing is an extension of
language and the experience that the learner already has or that which he
acquired through his listening, speaking, and reading activities and
experiences .
Malinaw na inilalahad nina Peck at Buckingham na ang pagsulat ay isang
produkto ng mga karanasan at mga natutunan, ang maging madaling
maglalahad ng mga kaisipan kapag may mga natutunan at nararanasan mula
sa napakinggan, pakikisalamuha; at pagbasa at panonood.

41
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Ang pagsulat ay isang prosesong pagtatala ng mga karakter sa isang midyum
na may layuning makabuo ng mga salita (Alejo , et al (2008: 128). Sa
pahayag na ito, nangangahulugang sa pagsulat ay makikita ang anyo ng wika
mula sa mga salita tungo sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa mga
talata dahil sa pagdaan ng panahon, ang iba’t ibang sibilisasyon ay may iba’t
ibang sistema sa pagsulat. Iba’t ibang kakanyahan sa pagbuo ng kaisipan
gamit ang simbolong nakasanayan. Pinangimbabaw naman ni Bernales, et
al,2001(sa Bernales, 2009:60) ang kaisipang inilipat sa anumang kagamitang
pagsulat sa kanyang pahayag na ang pagsulat ay pagsalin sa papel sa
anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Samantala, tinutukoy ni
Mangahis et al(2005) na ang pagsulat ay isang artikulasyon ng mga ideya,
konsepto, paniniwala, at nararamdaman na ipinapahayag sa paraang
pagsulat, limbag, at elektroniko. Ang pagsulat ay binubuo ng dalawang yugto
—-ang yugtong pag-iisip at yugtong nahuhulma . Magkakambal ang
dalawang yugto na ito.
Ang pagsulat ay nangangailangan ng puspusang disiplinang mental at
konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales et
al 200). Ang tinuturing ditong disiplinang mental ay ang pag-iisip at
pagoorganisa ng mga dalumat upang magkakaroon ng ugnayan sa bawat isa
at paggamit ng mga tiyak na salita upang matamo ang mabisang
pagpapahayag. Hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng diksyonaryo at
mga alituntuning panggramatika ngunit kailangan pa ang konsiderasyong
sosyo-lingguwistika at iba pa. Sa mga estudyante, isang mahalagang gawain
ang pagsulat dahil, isa itong paglinang sa kaisipan upang lalong matalos sa
darating na panahon. Dito masusukat ang kakayahan ng isang estudyante
tungkol sa kaalaman ng mga asignaturang pinag-aralan. Ito’y
nangangahulugang isang kailangan, at bukod pa rito, ang anumang
napagtagumpayan sa pagsulat ay magdudulot ng kaligayahan.
Sa pangkalahatan, maramingmagangandang bagay ang matatamo gaya na
lamang sa mga sumusunod gaya ng nagpapalawak at nagpapalaganap ng
mga impormasyon, nagpapalawig sa kultura at kabihasnan, nagpapadali sa
mga transaksyong panlipunan, nagpapatibay ng batas at lagda,
nagpapalawak sa kalamang agham at teknolohiya; at nagbibigay lunas sa
mga suliranin. Napatunayan sa pag-aaral ni Baquial(2012) sa mga
komposisyon ng kanyang mga estudyante na maraming kalakasan ng
pagsulat kaysa kahinaan, at ang kahinaan ay tumatampok sa mga aspektong
mekaniks, at estruktura ang elemento nito.

42
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO

Paglinang sa Kasanayang Pagsulat

Ang pagsulat ay nangangailangang ng panahon upang matapos, ang

kakayahan sa pagsulat din ay nangangailangan ng pagsasanay upang
matamo ang tiyak na gawing kailanganin sa gawaing pagsulat. Sa kasong
Filipino, kailangang matutunan ang mga iilang alituntunin upang
magkakaroon ng mga mabisang pagpapahayag sa pasulat na paraan bilang
isang kaparaanan na matuklasan ang sariling kakayahan sa aspektong

43
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
pakikigpag-ugnayang sosyal at kakayahang pang-akademiko na
maisasagawa ang analitikal at kritikal na pagsulat. Sa pagsasagawa nito
ay nangangailang makasunod ng mga pamantayan sa pagsulat na may
kinalaman sa kakayahang lingguwistika, kakayahang estratehikal,
kakayahang sosyo-lingguwistika at kakayahang diskurso.
Batay sa mga karanasang pagtuturo ng mga may-akda ng aklat na ito, ang
mga sumusunod ay maaaring gawing tandaan upang matamo ang analitikal
at kritikal na pagsulat:
· May kapaki-pakinabang na tema, layunin at paksa
· Lohikal na pagkasunod-sunod ng mga kaisipan
· Malinaw ang mga kaisipan ng bawat pangungusap
· May kaisahan ang bawat talata
· Tamang gamit at pili ng mga salita
· Nagagamit ang tumpak na ortograpiyang
Filipino · Wastong paggamit ng mga bantas
· May kompletong bahagi ang tekstong hinuhulma
· May kakintalang nabuo sa pangwakas na bahagi
Ang paglinang ng isang sulatin ay nangangailangan ng materyales mula sa
iba pang mga karanasan at kaalaman ang mga sumusunod ay makakalinang
sa kakayahang pagsulat bilang estudyante:
1. Sikaping gumamit ng diksyonaryo upang matiyak ang gamit ng mga salita,
lalo na ang mga bagong pamantayan sa ortograpiyang Filipino
2. Gamitin ang mga kaalaman sa nababasa, napapanood, napakinggan,
palitang-kuro at mga pahayag sa iba na may katotohanan at sariling
karanasan upang bilang pagpapahayag ng mga kaisipan.
3. Sikaping tumpak ang mga impormasyon mailalahad sa pagsulat
4. Itala ang mga anumang nasa isipan
5. Kailangan limitahin ang paksa na may kinalaman sa kasalukuyan

44
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO

5. Panonood

Ang panonood ay isang paraan upang malinang ang visual literacy.

45
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Ang panonood ay may malaking ginagampanan sa pagkakatuto lalo
na kung pag-usapan ang panonood ng telebisyon sa bawat tahanan
at saan man at lalong lalo na ang anumang mga kaisipang inilalahad
sa pamamagitan ng multi-media. Ang telebisyon ay siyang
naghahatid ng tinatawag na mass education ay nagtataglay ng
kapangyarihan upang mahubog ang kaisipan ng isang bata
samantala, ang multi-media na nalilikha at pinapagana sa computer
na nababahagi nang malaking panahon sa mga nahuhumaling nito ay
nagdadala ng malaking epekto sa pagkakatuto. Ang kasalukuyan na
binasagang “panahon ng digital images” sa aspektong
pangteknolohiya ay nagdadala ng isang makabuluhang kaganapan
ng bawat panonood sa buhay ng isang estudyante. Halaw sa website
na Viewing Skill Presentation Transcript, ang panonood ay isang
proseso nakakatulong sa kasanayang pakikinig-pagsasalita (oracy)
at pagbasa-pagsulat( literacy,) at kalakip sa programang
integratibong sining ng wika.
Ang panonood ay ang pag-unawa sa biswal na mga imahe (visual images) at
pag-uugnay nito kasabay sa pasalita o pasulat na salita. Ito ay gawaing
kinasasangkutan sa pag-iinterpret ng mga imahe kung ano ang pakahulugan
nito kaugnay sa mga imahe sa video, computer programs, at mga websites.
Nalilinang sa panonood ang kasanayang pakikinig kung pinagtutuunan ang
mga komunikasyong di-berbal, mga elementong biswal sa bawat kagawian,
video, telebisyon, film, at multimedia na inilalahad. Nalilinang din dito ang
kasanayang pagbasa sa pagkatataong pinagtutuunan ang mga simbolong
pantulong sa pag-unawa(gaya ng tsart, diagram, at ilustrasyon), tiyak na
teknik at presentasyon ng kabuuang teksto(lay-out, kulay, at iba pang mga
disenyo), at ang kalidad at baryedad ng isang “media”(larawan, animation, at
video). Sa panonood na may kinalaman sa computer at ibang mga media
material, ang sinuman ay matutong umunawa ng mga larawan, mga
diyagram, mga talahanayan, at tsart. Ang kasanayang ito ay
nangangahulugang dagdag impormasyon tungo sa anumang materyal na
natutunghayan. Madaling matutunan ang anumang mga paliwanag at
diskusyon dahil mga grapikal na presentasyon. Ito ang tinatawag na
formatting information with word processiong program. Kahit hindi kusang
itinuturo, ang sinumang nanonood ay may kakayahang matuto, maunawaan,
at mabigyang interpretasyon ang bawat biswal na imahe ang mensahe nito,
at ang matukoy ang kahulugan mga nito. Sa panonood inaasahan na ang
mga mag-aaral ay matutong magmamasid, magbigay interpretasyon,
paghihimay at pagsusuri sa anumang biswal na imahe, makilala ang
mensahe at ang mga kahulugan nito. Kung matamo ito, ang panonood ay
mag-iwan ng makabuluhang pagkakatuto.
Sa disiplinang pangkaisipan, ang manonood ay palaging gumagamit ng
kanyang dating kaalaman upang mabuo ang pagpapakahulugan sa mga
biswal na na imahe. Nangangailan ito ng kasanayang pagtanda at
sekwensyal na pagiisip. Batay sa website na nababangit, ang kakayahang
maunawaan at mainterpret ang napapanood na biswal na imahe, at
kakayahang lumikha ng mga biswal na imahe na nakatatawag pansin ng iba
ay tinatawag na visual literacy ayon kina Gorgis(1999), Valmont(2003) at
Heinich(1999). Ang visual literacy ay magsimula nang ang bata ay matuto
makakakita at magkakaroon ng atensyon sa isang larawan. Kaya mahalagang
itanong sa mga bata kung tungkol saan ba ang larawang nakikita.

Ang mga sumusunod ay mga rekomendadong gawi upang magkakaroon ng

produktibong panonood:
1.Maging mapagmasid at magbibigay interpretasyon sa pamamagitan ng
pagbibigay suportang ebidensyang imahe.

46
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
2. Suriin kung ang mga bagong impormasyon kung nagkatugma ba sa
sariling interpretasyon.
3. Ibuod ang pagkasunod-sunod ng kaisipan— sa ganitong pagkakataon
magagamit ang sariling kakayahang bumuo ng mga mga kaisipang pasalita o
pasulat hango sa mga icon o simbolong nakikita—dito rin magagamit ang
mga sariling bokabularyo at pag-ugnay nito sa mga dating kaalaman.
4. Magkakaroon ng layunin sa panonood at maghahanda ng mga
katanungan nais masagot.
5. Kilalanin ang pangunahing kaisipan sa napapanood. Magsasagawa ng
pagtatala upang hindi makaligtaan ang mga mahalagang biswal na imahe,
kaisipan, o pangyayari.
6. Kilalanin ang mga makatotohanang kaisipan at ang tinataglay na
mensahe nito sa pagitan ng biswal na mensahe tungo sa pagiging totoo o
likhang imahe lamang.
7. Alamin at kilalanin ang mga teknik sa pagkalikha ng mga biswal na imahe
— bumuo ng sariling pagpapakahulugan at ikumpirma ito sa iba’t ibang
sanggunian.
8. Balikan ang kabuuang napapanood at lagumin ang mga mahalagang
kaisipan at mga teknik na ginamit at iugnay sa mga sariling karanasan.
Kilalanin ang pangkalahatang kakintalan batay sa tiyak na mga pamantayan.
Maaring gumawa ng rebyu at maghugot ng kongklusyon.
9. Ilahad ang personal na mga reaksyon at opinyon tungkol sa napanood at
kilalanin ang tiyak na estratehiya na nakakaenganyo sa mga tagapanoond.

Ang Kritikal na Panonood

Ito ay panonood na nagbibigay tuon sa mga mahalaga at makatotohanang
impormasyon, kaugnayan, hinuha at kritikal na pagsusuri. Ang kritikal na
manonood ay matutong umunawa at magsasagawa ng ebalwasyon sa mga
impormasyong hango sa telebisyon, video recording, at ano-ano pang visual
media. Ang directed seeing-thinking activities (DSTAs) isang paraan upang
malilinang ang sinuman sa kritikal na panonood. Ang DSTAs ay ang
pagbibigay gabay na katanungan sa panonood, ang gabay na ito ay bilang
pagsukat sa pag-unawa at paglalahad nito sa pasalita o pasulat na paraan.
May iba’t ibang mga kaisipang nagbibigay linaw kung paano naging bahagi sa
ating buhay ang panonood gaya ng panonood ng telebisyon, sa artikulo ni
Stowell (1992)ang sobrang panonood ng telebisyon sa murang edad ay
nakapaghahatid ng comprehension apprehension. Ibig sabihin nito na
nagdudulot ng mabilisang pag-iisip kung sa murang edad pa ay nakasanayan
na ang panonood. Sa mga karaniwang manonood, tinatayang ang
kadahilanan sa panonood ng telebisyon ay upang magpapalipas ng oras at sa
layuning pangkasiyahan, at upang makakalap ng impormasyon (Rubin, 2009).
Kritikal Panonood at Mga Kasanayan sa Kritikal na Pag-iisip
Salin at halaw sa artikulo ni David Considine
Napatunayan sa pananaliksik na kung tuturuan natin ang mga bata na
maging kritikal na manonood(critical viewers) ay higit pang nabibigyan
sila ng kakayahang sumuri sa pagkabuo ng isang hindi pa nakilalang biswal
na imahe, nabibigyan din sila ng pagkakataong mag-isip sa kritikal na paraan
tungkol sa sangkap ng mga larawan—-na lumilinang sa kanilang kakayahang
maunawaan ang mga simbolong tekstwal at ang daigdig. Sabay na
napakinabangan tungko sa pangkaalaman ang pagpapahalaga sa panonood
ng telebisyon, at hanggang tinitingala ang hatid ng video age upang
malilinang ang bagong antas ng literasiya habang patuloy ang disiplinang
tradisyonal na literasiya. Inulat sa 1990 isyu ng The Harvard Education Letter,
na ang video screen ay nakakatulong sa paglinang ng mga bata sa bagong uri
ng literasiya— ito ang visual literacy. Ang literasiya ito ay kakailangan nila
sa pagharap ng isang uring teknolohikal na daigdig. Sa telebisyon at pelikula,
ang manonood ay kailangang matutong umuugnay sa iba’t ibang mga
eksenang kuha sa kamera upang makabuo ng pangkalahatang bagong

47
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
imahe. Ang telebisyon ay magagamit sa paglinang ng mga kasanayang
pagbasa at mapalawig ang tradisyonal na literasiya, at kailangan lalong
makilala na ang telebisyon ay kakaibang uri ng kagamitan, at upang
mapakinabang ito kailangan maging bihasa tayo sa codes, teknik at mga
katangian ito. Ito ay nangangahulugang pagtanggap at pagkilala sa
kapangyarihan sa imahe at pagtanggap sa katotohanang mapanood na ang
mga hindi kapani-panilawala. Ayon kay Jack Solomon, ang telebisyon ay
nagdadala sa atin sa mga bagay na maging tunay— hindi lahat ng iconic
signs ay totoo. Nang napanood ito, naniniwala tayo, at maaring hindi natin
maiisip, na likha lamang ang mga iyon ayon sa kawilihang mayroon dito. Ang
pagbabagong paniniwala hinggil sa presentasyon media na ito ay
nangangailan isipin na hindi lahat na nakikita ay totoo, ang anumang nakikita
ay siyang matutunan. Ang mahalaga nito ay ang anuman ang ating matamo
sa panonod. Ang proseso sa panonood ng telebisyon ay may mga sumusunod
na mga elemento:
1. Pag-interpret sa Internal na Nilalaman sa Isang Programa.
Mahalagang magagamit ang pasalaysay na analisis o kakayahan sa pagbalik-
tanaw at pagkilala sa mga pangyayari at bakit ito nangyayari mula sa mga
batayan tungo sa pagkilala sa kabuuang uri nito at paglalahad sa kabuuang
naunawaan.
2. Pag-interpret sa internal na kayarian ng eksena.Binibigyang tuon
dito ang anyo at estilo ng media, kabilang na ang disenyo at ang kalidad ng
larawan at imahe at iba pang mga kaparaan sa pagkuha ng shots at
paggamit nito.
3. Pagkilala sa Ekstenal na Layunin at Salik sa Pagbuo ng
Programa . Ang iba’t iban palabas ay naiimpluwensyahan sa mga isyung
panlipunan, kaya tuon dito paglinaw o pagkilala konteksto ng palabas upang
matukoy ang kabuluhan sa pinapanood.
4. Paghahambing at Pagkokontrast sa mga Palabas Tungo sa Tunay
na Pangyayari. Bilang tagapanood kailangang masuri kung ano ang
pinapanood at maihahambing ito sa tunay na buhay. Hindi ito maiiwasan
lalong lalo na kung ang palabas ay nagsasalaysay sa sinaunang panahon,
ngunit paano na lamang kung ang tauhan ay nakasuot na ng damit na
makabago. Mangyari din ang pagsusuri sa mga impormasyon ayon sa tunay
na kalagayan, pati sa mga tunay na paniniwala batay sa iba’t relihiyon at iba
pang basehan.
5. Pagkilala at Pagtugon sa Potensyal na Epekto sa Uri ng Palabas.
Ang kritikal na manonood ay marunong pumili ang mga uring palabas dahil
alam niya kung ano ang makukuha niya. Sa kasong ito, magaganyak ang
gawi ng manonood upang bigyang puna ang programa. Ang MTRCB ay nasa
ganitong tungkulin.
11,196 view0 komento
Hindi minarkahan bilang na-like ang post
Mga Kamakailang Post
Tingnan Lahat

PAGTATALUMPATI AT DEBATE
1,2480

48
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Hindi minarkahan bilang na-like ang post

DISKURSO
5,5000
Hindi minarkahan bilang na-like ang post

ANG PALAUGNAYAN SA FILIPINO : ANG PAGBUO NG PANGUNGUSAP

1110
Hindi minarkahan bilang na-like ang post
Mga Komento

https://mgaaralingfilipino.wixsite.com/akademikongfilipino/post/komunikasy on

49

50

51

52

53

54

55

56

57

58

59

60

61

62

63

64

65

66
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO

5. Panonood

Ang panonood ay isang paraan upang malinang ang visual literacy.

67

68

69

70
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
Hindi minarkahan bilang na-like ang post

DISKURSO
5,5000
Hindi minarkahan bilang na-like ang post

ANG PALAUGNAYAN SA FILIPINO : ANG PAGBUO NG PANGUNGUSAP

1110
Hindi minarkahan bilang na-like ang post
Mga Komento

https://mgaaralingfilipino.wixsite.com/akademikongfilipino/post/komunikasy on

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO (Kakayahang

Lingguwistiko o Gramatikal)
Dell Hathaway Hymes
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
- Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng
guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral
kung malinaw sa kanya ang nais ipagawa ng guro at layunin para sa
Gawain. Huwag mahiyang magtanong kung sakaling may ilang bagay
na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang nauunawaan ng mag-
aaral ang kanyang gagawin ay magiging mas madali na ang pagbuo
nito at maitutuon na niya ang pansin sa mahusay na paghahanda para
sa paksang tatalakayin sa gawin.
ANG PAKSA

71
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
- Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay
ang isang sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay
pinagisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang
matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
- Naririto ang ilang tanong na maari mong itanong sa iyong sarili bago
tuluyang magpasiya sa paksang susulatin: o Interesado ba ako sa
paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at
pagsulat ng ukol dito? o Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang
paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito
sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?
o Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba
itong limitado?
o Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong
ibinigay sa amin?
o Marami kayang sangguniang nasusulat na maari kong pagkunan
ng impormasyon upang mapalawak ang paksang ito?
- Kung OO ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na ang
pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka nang magpatuloy sa
ikalawang hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)

- Kapag napagpasyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag
ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang tanong
na maaaring gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng
pahayag ng tesis.
o Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong
maglahad ng impormasyong magpapatunay sa pinapanigan
kong posisyon?
o Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang
makababasa ng sinulat ko? Sino pa kaya ang makakabasa? Ano
kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa? o
Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May
sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa
pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap
ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

- Kailangan mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong
mga sanggunian. Maari ding makakuha ng impormasyon mula sa
Internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga talang
makukuha sa Internet sapagkat maraming impormasyon mula rito ang
kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan.
- Para sa epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga aklat
at ng Internet. Maraming bagong impormasyon at dokumento ang
posibleng nailalathala sa mga aklat kaya’t hindi ka rin makakaasang
ang lahat ng nilalaman ng aklatan ay napapanahon. Gayundin naman,
hindi lamang dapat umasa sa mga impormasyong dala ng Internet lalo
na kung galing lang ang mga ito sa mga open web dahil sa kawalang
kasiguraduhan ng mga ito kung tama o beripikado. Mahalagang
matiyak na maayos, tama, kompleto, at beripikado ang mga
impormasyong isasama mo sa bubuoing sulating pananaliksik.
- Mula sa iyong nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang
bibliyograpiya. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian

72
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodik, magasin, web site, at
iba pang nalathalang materyal na ginamit. Makatutulong ang
paghahanda ng card ng bibliyograpiya para sa bawat sanggunian. Ito’y
maaaring isang 3” x 5” na index card na kakikitaan ng sumusunod na
mga impormasyon: o Pangalan ng awtor o Pamagat ng kanyang
isinulat o Impormasyon tungkol sa pagkakalathala
 Mga naglimbag
 Lugar at taon ng pagkakalimbag
 Pamagat ng aklat o Ilang mahahalagang tala
ukol sa nilalaman
- Ang inihanda mong ito ay mahalaga at makatutulong sa iyong
makahanap ng maraming impormasyong kakailanganin sa susulatin,
makapagbibigay ng ideya kung gaano karaming sanggunian ang
makukuha o magagamit para sa paksang napili at mga tala o
impormasyong nakalap ay magagamit na sa aktuwal na pagsusulat
nang hindi na kailangang hanapin o balikang muli ang materyal na
pinagmulan.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

- Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang
magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy
kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring
gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging
gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

- Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng
bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa
iyong susulatin. Basahing mabuti at muka sa mga ito ay magtala ng
mahahalaganng impormasyong magagamit sa susulatin.
- Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumagamit
ng index card na mas malaki kaysa ginagamit mo sa bibliyograpiya
para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa
mas malaking card. Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala.
Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring magdagdag pa ng
ibang card.
- Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
o Tuwirang sinipi –kung ang tala ay direktang sinipi mula sa
isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng
sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina
kung saan ito mababasa. o Buod –kung ito’y pinaikling
bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y maikli subalit
nagtataglay ng lahat ng mahalagang kaisipan ng orihinal na
teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng tala.
o Hawig –kung binago lamang ang mga pananalita subalit
nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

- Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak ung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na
balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.

73
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Filipino 11
Inihanda ni: GNG. LEMARY B.
VENTURA AT
GNG.GLADYS U. DIZON
GURO
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
- Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card na tala ay maaari ka
nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang
sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksyon na
kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang
katawan na kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng
iyong balangkas, at ang iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng
buod ng inyong ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
- Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak ngunit
malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika;
pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador

- I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa iyong burador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng
pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maaari nang pumili ng
tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda na rin ang paunang salita,
talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
- Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay
huwag kalilimutang magbigay ng pagkilala sa may-ari o manunulat ng
mga ito sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya. Mahalaga ang
talababa sa pagbibigay kahulugan sa isang bahagi ng sulating
pananaliksik na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.
- Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang mga
sumusunod:
o Pangkat-angkatin ang mga ginamit na sanggunian.
Pagsamasamahin ang mga aklat, pahayagan, web site, at iba pa.
o Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor
gamit ang apelyido bilang basehan.
o Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng
pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay American
Psychological Association (APA), maaaring sundan ang mga
sumusunod na pattern para maisulat ang mga ginamit na
sanggunian.  Para sa mga Aklat
 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Taon ng
Paglimbag) Pamagat, Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
 Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Taon ng
Paglimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng
Pahayagan o Magasin, Paglimbag #, (Isyu #), pahina
#
 Paraan sa mga Kagamitang Mula sa Internet
• Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo
o Dokumento”. Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung
kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address
simula sa http://

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

- Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng guro.

74

You might also like