0% found this document useful (0 votes)
43 views5 pages

Prelim Attachment BSED

Retorika
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
43 views5 pages

Prelim Attachment BSED

Retorika
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

Kahulugang Klasikal at Kontemporanyo

Simulan natin ang pagkilala sa retorika sa klasikal nitong kahulugan. Mahalaga ang kasanayan sa
pagtatalumpati sa Athens, 510 BCE. Ang grupo ng mga guro/ pilosopong tinawag na Sophists ay nagsikap na
gawing mahusay na tagapagsalita ang kanilang mga mamamayan na ang tuntunin ay ang kasiningan ng
pahayag. Dito nagkahugis ang salitang retorika.

Ang retorika bilang agham ay isinulong ni Corax ng Syracuse. Ito ay binigyan ng kahulugang
pagsasagawa ng paghikayat na may pag-apila sa damdamin.

Paniwala naman ni Isocrates, mahusay na guro sa pagtatalumpati sa panahon ding iyon, ang sining ng
retorika ay pinalawak upang maging bahagi ng pag-aaral sa kultura, isang pilosopiya na may praktikal na
layunin.

Kaiba kay Corax, naniwala si Plato na ito ay sining ng paghikayat.

Dagdag pa sa kasiningan ng retorika ang mga gawa ni Aristotle na nagsabing ito’y hindi lamang
paghikayat kundi pagtuklas sa lahat ng mga paraan ng pangungumbinse.

Narito ang mga paraan ng paghikayat na ayon kay Aristotle.

 Ethos: Naimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga


tagapakinig.
 Pathos: Ito ay pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig.
 Logos: Ito ay pag-apila sa isip.

Binigyang-tuon ni Aristotle ang pagbuo ng argumentong pag-apila sa isip bilang paghikayat para sa
katotohanan sa halip na paniwalain ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-apila sa kanilang damdamin.
Sa ganitong kalagayan, naging mabigat ang pagtiyak niya sa retorika bilang kadikit ng lohika o paggamit ng
logos.

Tinutukoy rin ni Aristotle sa kanyang panahon ang mga sumusunod na uri ng retorika: forensic o
hudisyal, na pagtukoy sa katotohanan o hindi ng isang pagtatanggol, deliberative o political, na pagtukoy sa
isang aksyon o gawain kung ipatutupad o hindi sa hinaharap tulad ng pagtatalumpati sa harap ng publiko
bilang paghikayat at pagpigil, at epideictic o panseremonya, na pagtukoy sa mga pagpapahalagang nagpakita
ng kagandahan ng isang kaganapan tulad ng pagtatalumpati sa mga seremonya at okasyon.

Ang mga kontemporanyong pag-aaral sa retorika ay nagbigay- daan sa pagbabagong-anyo nito.


Sinasabi ng mga makabagong iskolarna limitado ang klasikong anyo ng retorika. Nakadikit lamang iyon sa
paghikayat para sa layuning makipagtalastasan o makapagpahayag. Ayon pa sa kanila, kung babaliktarin
naman ang proseso, nakadepende ang ikatatagumpay ng pagpapahayag o komunikasyon sa kahulugan. Dapat
na isaalang-alang ang kahulugan, kaisipan, o diwa ng ipinababatid sa retorika.

Sa klasikong larawan ng retorika ni Aristotle at mga kasamang pilosopo, nakakulong lamang iyon sa
pampublikong legal at political na diskurso o talumpatian. Binuksan ng mga bagong pag-aaral ang pinto ng
kontemporanyong retorikang ginagamit sa mga larang ng humanidades, relihiyon, agham-panlipunan, agham,
pamamahayag/ peryodismo, merkado, advertising, kasaysayan, panitikan, arkitektura, akademiks, at iba pa.
Mas malawak na.
Nagdagdag-bihis ang retorika sa diskursong pasalita at pasulat.

Narito ang mga sumusunod na kahulugan ng retorika na produkto ng klasikal at kontemporanyong


pag-aaral.

Mula sa dictionary.com:

1. ang sining o agham ng paggamit ng wika at mga tayutay sa mga pampanitikang akda, prosa, at patula
2. ang pag-aaral sa epektibong paggamit ng wika, pasulat, o pasalita
3. ang paggamit ng wika sa epektibong paraan
4. ang sining ng pagbuo ng mapanghikayat na talumpati

Mula sa Merriam-webster online dictionary:

1. ang sining ng epektibong pagsasalita o pagsulat


2. ang pa-aaral sa pagsulat o pagsasalita para sa layuning makapagpahayag at makapanghikayat

Bilang pagpapatibay, ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika
sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito ang maitawid ang tunay na kahulugan
ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig o mambabasa.

Elemento sa Pagbuo ng Masining na Pahayag (Pasulat at Pasalita)

1. Paksa

Itinuturing itong pinakakaluluwa ng isang pahayag. Sa tulong nito, nakatayo ang pahayag, may pinag-
uusapan, at may isinusulat. Maaari ito maging lantad. Maaari ring maging tago ito sa ilang mga pahayag na
bumubuo lamang ng pigura sa isip ng nakikinig at nagbabasa.

Mahalagang pumili at magbahagi ng isang paksa o tema. Tumutugon ito sa isa sa tatlong prinsipyo sa
retorika – ang kaisahan/ unity (kaugnayan/ coherence at diin/ emphasis ang dalawa). Tinitiyak sa pagpiling ito
ang lawak at limitasyon ng ibabahaging pahayag.

Tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng aklat na ito ang nabanggit na mga tatlong prinsipyo sa
retorika.

2. Kaanyuan ng mga bahagi

Matagumpay at masining ang pahayag matapos ang maayos na pagkakahanay sa tatlong pangunahing
bahagi niti: panimula katawan, at wakas/ konklusyon.

Layunin ng pagbuo ng panimula na makuha ang atensiyon, maihanda sa paksa, at makapalagayang-


loob ang mga nakikinig at mambabasa. Maaaring gawin ng tagapagpahayag ang mga sumusunod:

1. paglalahad sa kahalagahan ng paksa


2. pagsisimula sa isang malinis na biro
3. pagsasalaysay ng kaugnay na kwento o balitang napapanahon
4. paggamit ng tanong-retorikal at tanong na nakagaganyak pag-isipang sagutin
5. pagbanggit ng sariling paniniwala, interes, damdamin at sentimyento sa pag-aakalang katulad din
iyon ng nararanasan ng mga nakikinig o bumabasa
6. paggamit ng mga bahagi ng tula/ awit, salawikain, kasabihan, at kawikaan
7. paggagad sa mga popular na linya sa telebisyon, komersiyal, at pelikula (kailangang may
kaugnayan sa paksa) o pananalita ng iba’t ibang personalidad
8. pagpansin sa paligid
9. pagpuri sa mga tagapakinig at mambabasa
10. pagsasalaysay ng mga pangyayari sa sariling buhay

Maituturing na kasalanan sa pagbuo ng panimula ang may pagpapaumanhin at pag-amin sa kawalan


ng sustansiya o kakulangan ng pahayag, kilometriko at mabulaklak, walang pagsasalang-alang sa damdamin ng
iba at may paggamit sa mga materyal na walang kaugnayan sa paksa.

Ang bahaging katawan ay bubuo sa pagtalakay sa paksa. Ipinapayong ilahad agad ang pangunahing
puntong pahayag. Ibigay ang mga argumentong laman ng diskusyon gayundin ang mga suportang detalye sa
pagpapaunlad ng paliwanag.

Nilalaman ng wakas o konklusyon ang pangkalahatang impresyong iiwan ng pahayag. Ito ang huling
pagkakataong maitawid ng tagapagpahayag ang layunin niya, maikabit at mapagdugtong ang mga piraso ng
mga inilahad na mga puntoat mapagtibay ang mga paniniwalang inilatag.

Maaaring wakasan ang pahayag sa pamamagita ng mga sumusunod:

1. paglalatag ng isang hamon o apila


2. pagbubuod ng mga mahahalaga at pangunahing punto
3. pag-iiwan ng isang kaugnay na salaysay o sitwasyon
4. pagbibigay ng personal na intensyon ng pahayag
5. maaaring gawin din ang mga nabanggit sa babuo ng panimula

3. Estilo
Ang estilo ay ang paraan kung paano ipinababatid ng bumubuo ng pahayag ang kaniyang mensahe at
kaisipan.
Sa retorika, pinagbabatayan ng tagapagpahayag sa pagbuo niya ng estilo ang paggamit niya sa wika.
Kinikilala ang kakaniyahan niya, ayon sa estilo na kaniyang gamit sa sintaksis diksyon at paggamit ng pigura
(tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng aklat na ito).
Gamit ang sariling estilo, nagkakaroon ng iba’t ibang identidad ang tagapagsalita at manunulat. Dito
nakikilala ng awdyens (audience) ang natalupang bahagi ng pagkatao ng tagapagpahayag.

4. Ugnayan ng tagapagsalita-tagapakinig at manunulat-mambabasa

Bago pa ilatag ng tagapagsalita at manunulat ang kanilang pahayag kailangang isaalang-alang ang
paggalang sa mga awdyens sa pamamagitan ng pag-alam sa kabuuan ng kanilang mga pagkatao. Isaisip lagi
ang pagkakaiba ng bawat indibidwal sa kasarian, edad trabaho antas ng pamumuhay, edukasyon interes
katangian, damdamin paniniwala, at pagtanggap sa kapuwa. Isaalang-alang ang pagiging politically correct ng
pahayag. Tandaang palagi nang may nasasaling na puso ang makapangyarihang wika. May sensitibo. May
konserbatibo. May positibo. May negatibo.

5. Paglilipat ng mensahe

Sa pagsulat, naililipat ang mensahe sa pamamagitan ng tsanel o daluyang senses (mata) na gamit ng
mambabasa. Bago ito, dumaan muna sa proseso ng pagsulat sa burador at pagrebisa.

Samantala, sa pamamagitan ng daluyang tainga naililipat ang mensahe sa pagsasalita tungo sa


nakikinig. Bago ito, dumaan muna ang tagapagsalita sa serye ng mga pagsasanay at paghahanda. Isinasaalang-
alang ditto ang lakas ng loob sa pagharap sa madla, maayos na tindig, malakas na boses, tamang postura,
angkop na kumpas at galaw, at tamang pagkakahanay ng mga kaisipan.

Katangian ng Retorika
1. Kasiningan sa paglalahad
Nagiging masining ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga transisyonal na
panalita sa retorika tulad ng mga salawikain, kasabihan, kawikaan, sawikain, at tayutay (tatalakayin sa susunod
na mga bahagi ng aklat na ito.

Halimbawa:

Puno man ng tagumpay ang buhay niya, hindi pa rin siya masaya. Tunay nga, ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, di makararating sa paroroonan. (salawikain)

Nawawalan ng halaga ang yaman at iba pa niyang pag-aari. Hindi niya pa rin nasusumpungan ang
tunay na kaligayahan. Isa ang nalalaman niyang dahilan. Kailanman, hindi na niya binalikan ang sariling bayan.
Hindi na niya nais pang balikan ang mahirap na buhay sa Pilipinas. Kapag naaalala niya ang mga pinagdaanan,
mabigat ang kaniyang pakiramdam. Palibhasa, takot siyang habulin ng mga taong nakatulong sa kanya. Iyon ay
sa pag-aakalang hingan siya ng mga taong nabanggit ng bahagi ng kanyang tinatamasa. Iyon ay takot lamang
niya. Hindi naman talagang ganoon. Siya ang gumagawa ng sarili niyang multo kaya mailap ang pagdating ng
kaligayahan sa kaniya (tayutay).

2. Kapangyarihang makapagbigay ng saya o lugod

Ang mga likhang pahayag ng manunulat at tagapagsalita ay nagbibigay-kasiyahan. Makapangyarihan


ang wika sa mga larang na ito. Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa sinumang nalulumbay.

Halimbawa:

Pinapangarap kong makasama noon sa pagtanda ang isang Marian Rivera. Ako ay hamak lamang na
mangingisda. Hindi ako kasing guwapo at kasingkisig ni Dingdong Dantes kaya alam ko sa aking sarili ang dapat
na para sa akin. Hindi man si Marian ang nabingwit ng aking pag-ibig, nariyan naman si Neneng. Hindi man siya
si Marimar, nakatira rin siya sa tabing-dagat. Hindi man siya si Dyesebel, amoy-isda pa rin naman ang aking si
Neneng. Tindera siya ng isda sa palengke. Ganoon man, mahal ko siya. Si Neneng ang reyna – hindi prinsesa –
ng aking banyera.

3. Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika

Kaugnay ng unang katangian, sa ilalim ng mga tayutay, malimit na gawing bahagi ng pahayag ang
personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula realidad patungo sa mapaglarong mundo ng
imahinasyon ng awdyens. Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag. Nakadaragdag pa ito ng kulay
at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.

Halimbawa:

a. Madalas akong dalawin ng kalungkutan kapag nag-iisa. (personipikasyon)


b. Babaha ng luha kapag nagkitang muli ang mga magkakapamilya. (hyperbole)

4. Kasiningan sa tuluyan (prosa) at panulaan (poesiya)

Kaugnay pa rin ng unang bilang, kakikitaan ng mga idyoma at tayutay ang mga retorikang pahayag.
Isang buhay na patotoo nang maituturing na sa likod ng matatagumpay na akdang pampanitikan ay
may malaking bahagi ang suntok at dating na hatid ng mga nabanggit na matalinghagang pahayag. Sumasang-
ayon dito si Fernando Monleon na nagsuri at nagtukoy ng mga tayutay sa Florante at Laura.

5. Kaangkupan at katiyakan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag

Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay nito sa pagbuo ng pahayag ang balarila o grammar.
Hindi lamang sapat na maganda at matalinghaga ang pahayag, mahalagang nauunawaan ang mga salitang
ginamit. Isaalang-alang ang tama at angkop na pagpili ng mga salita para maging matagumpay ang pagtatawid
ng mensahe sa mga mambabasa at tagapakinig.

Halimbawa:
Malapit ang kahulugan ng mga pang-uring mayaman, mabiyaya, at masagana. Kailangang iayon ang
paggamit ng mga salita sa kahulugan ng pahayag.

a. Mayaman ang pamilyang aking nakagisnan.


b. Mabiyaya sa ulan an gaming palayan.
c. Mabiyaya sa pagpapala mula sa Itaas ang baying ito.
d. Masaganang ani ang iaalay sa pista.

You might also like