Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
CECILIA NATIONAL HIGH SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024
FILIPINO 12
Pangalan: _____________________________________________________Petsa:____________
Guro:_________________________________________________________Iskor:____________
Test I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Piliin ang angkop na sagot na hinihingi sa bawat bilang.
1. Isang uri ng sulating napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa
propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga
dayagram.
a. Akademikong Sulatin c. Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
b. Sanaysay d. Teknikal
2. Maliban sa pagbabahagi ng impormasyon, ano pa ang isa sa layunin ng teknikal na
sulatin?
a. maglarawan c. maglahad
b. mangatuwiran d. manghikayat
3. Ito ay isa sa mga importanteng elemento ng isang sulating teknikal-bokasyunal.
a. pahina c. proposal
b. teknikal na lathalain d. pagsulat
4. Ito ang isinasaalang alang sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin.
a. uri ng mambabasa c. antas
b. estado sa buhay d. edad
5. Ano ang kasingkahulugan ng layunin sa nilalaman ng teknikal bokasyunal na sulatin?
a. nais c. intensyon
b. halaga d. kilos
6. Alin sa mga sulating teknikal ang may layunin na kunin ang atensyon ng mga mambabasa,
kumbinsihin, at humingi ng interbiyu?
a. Flyer b. Feasibility study
c. Liham pangnegosyo d. Deskripsyon ng produkto
7. Isa sa layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay magpaliwanag ng mga implikasyon sa
pangyayari, alin sa sumusunod ang tinutukoy ng layuning ito?
a. magturo c. magsuri
b. manghikayat d. maghanap
8. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng teknikal bokasyunal na sulatin, maliban sa______.
a. Youtube Vlog c. Dayagram
b. Ulat Panglaboratoryo d. Mga Panuto
Para sa bilang 9-12 : Tukuyin ang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal na ginamit sa bawat
sitwasyon.
A. Sulating ukol sa Pagkain
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
D. Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
9. Ang San Jose Aquino Shopping Mall ay magkakaroon ng isang pangmalawakang sale kaya
sila ay namahagi ng mga flyers upang ipabatid ito sa mga mamimili.
10. Magkakaroon ng isang pagpupulong para sa pagpaplano sa nalalapit na anibersaryo ng
kumpanya at ipinaalam ito sa pamamagitan ng isang memorandum.
11. Magkakaroon ng isang malaking handaan para sa kaarawan ng kaniyang mahal na ama.
Gaganapin ito sa sa isang kilalang restawrant kung saan siya ay pipili na ngayon ng iba’t
ibang masasarap na putahe na makikita sa menu ng pagkain.
12. Sa sobrang init ng panahon napabili ng bagong aircon si tatay ngunit naguguluhan siya
kung paano ito maikakabit kaya tiningnan niya ang manwal ng aircon upang magamit na
ito.
13. Mababasa sa bahaging ito ang mga pamamaraan at gabay sa paggamit ng manwal.
a. Talaan ng Nilalaman c. Apendise
b. Pamagat d. Nilalaman
14. Makikita sa bahaging ito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal gaya ng
impormasyon sa paraan ng paggamit at iba pang tala.
a. Apendise c. Pamagat
b. Pambungad d. Nilalaman
15. Nakatala sa bahaging ito ang sistematikong pagkakahati-hati ng mga paksa sa inaasahang
nilalaman ng manwal at angkop na pahina kung saan ito matatagpuan.
a. Pamagat c. Talaan ng Nilalaman
b. Apendise d. Pambungad
16. Isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon sa paraan ng paggamit
gayundin ang proseso at iba pang detalye.
a. Manwal c. Pormal na Pormularyo
b. Liham-Pangnegosyo d. Handbook
17. Ano ang isa sa katangian ng liham pangnegosyo ang dapat taglayin sa pagsulat nito?
a. magalang c. maikli
b. masining d. buo
18. Anong bahagi ng liham pangnegosyo matatagpuan ang pangalan, lugar ng taong sumulat,
at taon kung kailan ito ipinadala?
a. katawan ng liham c. patunguhan
b. ulong sulat d. pamuhatan
19. Anong uri ng liham pangnegosyo ang nagpapabatid ng pasasalamat sa isang tao,
kompanya o institusyon sa taong natulungan nito?
a. Liham Kairingan c. Liham Subskripsyon
b. Liham Pasasalamat d. Liham Katanungan
20. Anong uri ng liham ang tumutukoy sa negatibong komento ng isang tao tungkol sa
serbisyo, patakaran, at produkto ng isang kompanya o institusyon?
a. Liham Kahilingan c. Liham Pasasalamat
b. Liham Kairingan d. Liham Aplikasyon
Test II. Pagkukumpleto ng Pangungusap
Panuto: Punan ng angkop na salita upang mabuo ang isinasaad ng talata. Piliin sa loob ng
kahon at isulat sa patlang ang sagot.
at na pa ay ang kayarian teknikal
walang bantas bokabularyo tumpak hangarin panuto tao
komunikasyon kumpleto
Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay (21) __________ pasulat sa larangang may
espesyalisadong (22) ________ tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya, (23) _____ agham
pangkalusugan. Karamihan sa mga (24) ________ na pagsulat ay tiyak at (25) _________ lalo na
sa pagbibigay ng (26) _________. Ito ay payak dahil ang (27) ______ nito ay makalikha ng teksto
(28) _______ mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang (29) _________. Mahalaga na ang
bawat hakbang (30) ________ mailarawan nang malinaw, maunawaan at (31) ________ ang
ibinibigay na impormasyon. Dagdag (32) ________ rito, mahalaga rin ang katumpakan, (33)
________ kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa (34) ________ at may angkop na
pamantayang (35) ________. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng
impormasyon at manghihikayat sa mambabasa.
Test III. Enumerasyon
Panuto: Ibigay ang isinasaad sa bilang.
36-50. 5 Uri ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
“Make the excitement of winning greater than the fear of losing. “
-Robert Kiyosaki, author of Rich Dad Poor Dad