0% found this document useful (0 votes)
327 views2 pages

Ang Mahiwagang Biyulin

Maikling Kwento
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
327 views2 pages

Ang Mahiwagang Biyulin

Maikling Kwento
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

ANG MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG: ANG MAHIWAGANG BIYULIN

Ang kwento natin ngayon ay pinamagatang “Ang Mahiwagang Biyulin” mula sa Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ni
Severino Reyes, muling isinalaysay ni Christine S. Bellen at babasahin nina Peanuts Valerio, Ivy Baggao, Lulu
Quijano, at Top Benedicto.

Noong unang panahon, mayroon isang anak na nais makatulong sa kanyang mahirap na magulang. Rodrigo ang
pangalan ng binata. Pumasok siyang utusan sa isang mayamang negosyanteng si Ahab.

“Tunan ang sweldo ng ng mga tauhan ko,” mabagsik sa sabi ni Ahab.

“Hindi po bale, para makaipon ako ng malaki,” sagot ni Rodrigo.

Masipag sa trabaho si Rodrigo. Maliksi sa bawat pinag uutos sa kanya ng amo. Maaga sa pagbukas ng tindahan at
maaga sa pagbubuhat ng mga kalakal. Makalipas ang isang taon, hinihingi na ni Rodrigo ang kanyang sweldo kay
Ahab.

“Gusto ko po sanang umuwi muna sa amin para maibigay ang sweldo ko sa aking mga magulang,” mahinahong
paalam ni Rodrigo.

“Sa susunod na taon mo na kunin ang iyong sweldo para mas malaki,” pandidilat ni Ahab sa binata.

Pumayag si Rodrigo dahil iniisip niyang maiipon ang kanyang sweldo.

“Mas malaking pera ang maiuuwi ko sa amin susunod na taon,” bulong ni Rodrigo sa sarili.

Makalipas ang ikalawang taon, hiningi muli ni Rodrigo ang kanyang sweldo kay Ahab.

“Wala akong maibibigay sa’yo dahil hindi mabuti ang iyong trabaho!” busangot na sigaw ni Ahab.

“Hindi po totoo ‘yan. Pinagbubuti ko ang aking trabaho!” galit na sagot ni Rodrigo.

“Kung gayon, heto ang dalawang piso. Bayad kana sa dalawang taong serbisyo mo. Makakaalis ka na!” sabay talikod
ng malupit na amo.

Walang nagawa si Rodrigo. Umalis siyang dala ang dalawang piso. Sa ‘di kalayuan, may nakita siyang isang
matandang babaeng pulubi. Hinang-hina ito sa gutom.

“Tatlong araw na akong hindi kumakain,” halos pabulong na sabi nito nang matapat sa kanya si Rodrigo.

Naawa si Rodrigo. Ibinili niyang pagkain ang matanda at ibinigay pa rito ang natirang barya mula sa sakim na amo.
Natuwa ang matanda sa kabutihan ng binata. Ngunit naawa siya rito nang ikuwento niya ang masaklap na kapalaran
sa among si Ahab. May inabot ang matanda kay Rodrigo.

“Mahiwaga ang biyulin na ito. Sasayaw ang lahat kapag tinugtog mo ito. Bumalik ka kay Ahab at singilin ang dapat na
sa iyo,”bilin ng matanda.

Bumalik si Rodrigo kay Ahab. Tinugtog niya ang biyulin. Sayaw ng sayaw si Ahab. Paikut-ikot at pakendeng-kendeng
pa.

“Parang awa mo na, itigil mo ang pagtugtog. Babayaran na kita,” hingal ni Ahab.

Tumigil si Rodrigo sa pagtugtog. Ibinigay ni Ahab ang supot ng pera. Ngunit hindi pa nakakalayo si Rodrigo ay hinuli
na siya ng mga sundalo.

“Ayan ang magnanakaw, hulihin n’yo at ikulong!” galit na galit si Ahab.

Nahatulang bitayin si Rodrigo sa gitna ng plaza. Sa araw ng pagbitay, nagsalita ang hukom.

“May nais ka bang hilingin bago ka mamatay?” sabi ng hukom.

“Gusto ko pong matugtog ang aking biyulin sa huling pagkakataon,” sagot ni Rodrigo.

Namutla si Ahab. Tinugtog ng binata ang biyulin at sumayaw ang buong bayan. Lumundag-lundag pa ang berdugo at
nabitawan ang taling pambitay kay Rodrigo. Humihingal ang lahat ng tao.

“Tumigil ka na! Magsasabi na ako ng totoo!” hiyaw ni Ahab habang sumasayaw.

Inamin niya sa buong bayan ang ginawa kay Rodrigo. Nahatulan siya ng hukom na makulong. Binayaran niya rin si
Rodrigo sa dalawang taon nitong pagtatrabaho. Ano kaya ang ginawa ni Rodrigo?

Umuwi siya sa kanyang mga magulang dala ang sweldo niya ng dalawang taon at ang mahiwagang biyulin.
Gawain 1: Mga Komprehensibong Tanong
Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kwento? Ano ang tagpuan ng kwento?
2. Ano ang kinalaman ng biyulin sa buhay ng pangunahing tauhan?
3. Ano ang naging katapusan ng kwento? Ano ang iyong opinion sa pagtatapos nito?
4. Ano ang pangunahing mensahe ng kwento?
5. Nakatulong ba ang kwento sa iyo upang magkaroon ng bagong pananaw o kuro – kuro?

Gawain 2:Isip-Pa!
Panuto: Bukod sa biyulin, anong instrumento pa ang maaari mong mabigyan ng pakahulugan
batay sa kaugnayan nito sa iyong buhay.

Hal.: Biyulin

Gawain 3: Iguhit Mo
Panuto: Lumikha ng isang poster tungkol sa kinapapaloobang aral mula sa kwentong binasa.
Pamantayan sa Pagmamarka:

Orihinalidad 10
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 30

You might also like