LAKBAY
SANAYSAY
FILIPINO SA PILING LARANGAN-AKADEMIK
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO
Natitiyak ang mga elemento ng pinanood
na programang pampaglalakbay.
(CS_FA11/12PD-0m-o-89)
LAYUNIN:
nabibigyang-kahulugan ang mga katangian, anyo at
elemento ng lakbaysanaysay;
nakikilala ang lakbay-sanaysay bilang isang sulating
pang-Akademiko at ang mga katangian nito; at
nakapagbabahagi ng kahalagahan ng lakbay-sanaysay at
mga katangian nito na makatutulong sa pag-unlad ng
kasanayan sa pagsulat ng sulating pang-akademiko.
Nasusuri ang maayos na pagsulat ng lakbay-sanaysay
ayon sa ibibigay na rubric; at
Nakabubuo ng lakbay-sanaysay batay sa sariling
karanasan.
Ang paglalakbay ay isang
paraan upang mangalap
ng mga alaala na kay
sarap ibahagi sa iba.
Ano ang lakbay
sanaysay?
Mga Katanungan tungkol sa Paglalakbay:
Ano-anong lugar sa ating
bansa ang iyo nang
napuntahan ?
Nasubukan mo na bang
maglakbay o pumunta sa ibang
“Ang Aking
bansa? Saan ito?
Paglalakbay”
Mga Katanungan tungkol sa Paglalakbay:
Ano ang iyong pinakamasayang
alaala sa paglalakbay?
Ano ang natatandaan mong hindi
magandang alaala sa iyong
paglalakbay?
Bakit masaya ang maglakbay sa “Ang Aking
iba’t ibang lugar? Paglalakbay”
Mga Katanungan tungkol sa Paglalakbay:
Ano ang iyong mas gusto,
maglakbay mag-isa o kasama ang
iyong barkada?
Ano naman ang tatlong lugar sa
ating bansa na hindi mo pa
napupuntahan at ninanais mong “Ang Aking
marating?
Paglalakbay”
Mga Katanungan tungkol sa Paglalakbay:
Anong bansang ang
pinakainaasam mong marating?
Sa iyong palagay, ano ang
mahahalagang bagay na
natutuhan mula sa mga
paglalakbay? “Ang Aking
Paglalakbay”
Mga Katanungan tungkol sa Paglalakbay:
Anong bansang ang
pinakainaasam mong marating?
Sa iyong palagay, ano ang
mahahalagang bagay na
natutuhan mula sa mga
paglalakbay? “Ang Aking
Paglalakbay”
Sa papaanong
paraan naiiba ang
lakbay sanaysay sa
tradisyonal na
sanaysay?
Ayon kay Alain de Botton,
masusukat ang kritikal na pag-
iisip ng mga mambabasa
kaugnay sa sanaysay kung
nag-iiwan ito ng imahen sa
kanilang isipan.
Sanaysay Lakbay Sanaysay
Ayon kay Alejandro G.
Abadilla, ang sanaysay ay Tinatawag itong travel essay
“ang salaysay ng isang sa Ingles. Tinawag din itong
sanay.” Ibig sabihin, ito ang sanaylakbay ni Nonon
pagsasalaysay ng isang Carandang na binubuo ng
taong sanay at punong-puno tatlong konsepto: ang
sanaysay, sanay at lakbay.
ng karanasan sa isang
bagay.
Lakbay Sanaysay
Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating
tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ngunit hindi
lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao.
Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng
manunulat tungkol sa kanyang sarili at sa lugar na
pinuntahan niya. Kung gayon, ang pagsulat ng lakbay-
sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa sarili.
Lakbay Sanaysay
Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay
makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol
sa isang destinasyon. Sa ganitong uri ng pagsulat, kailangang
mahikayat ang mga mambabasa na danasin at bisitahin din ang
lugar na iyong sinusulat. Marami na ring kurso sa pagsulat tungkol
sa paglalakbay na magbibigay sa iyo ng malalim na pag-unawa
kung paanong bumuo ng mga ideya at propesyonal na artikulo at
kung paano ito ibebenta sa merkado. Bisitahin din ang lugar na
iyong isinusulat.
Ano-ano ang mga kilalang
destinasyon dito?
Ang lakbay-
sanaysay ay tungkol Nagpunta ka ba sa mga di-gaanong
sa isang lugar. pinupuntahan ng mga turista?
Nagandahan ka ba sa arkitektura at
pampublikong eskultura?
Ang tuon dito Buhay na buhay ba ang lungsod?
ay ang lugar Masarap ba ang mga pagkain?
na pinuntahan. Kumain ka ba ng kakaibang putahe?
Kumusta ang mga tao sa iyong
pinuntahan?
Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan
mo sa kanila?
Ang lakbay- Katulad ba sila ng mga Pilipinong palangiti,
sanaysay ay tungkol magalang at magiliw sa mga panauhin?
sa ibang tao. Ano ang katangi-tangi sa kanila?
Anong karanasan mo na kasama sila ang
hindi mo malilimutan?
Sino-sino ang mga nakasama mo sa
paglalakbay?
• Paano ka kumilos sa lugar na iyong
pinuntahan?
Ang lakbay- • Ano ang natuklasan mo sa sarili?
sanaysay ay • Paano ka nabago ng iyong paglalakbay?
tungkol sa sarili. • Ano-ano ang mga bagay na ginawa mo na
karaniwan mong hindi ginagawa?
• Ano ang mga natutuhan mo sa pagpunta sa
luagr na hindi ka pamilya?
• Ano ang mga nakaimpluwensya sa iyong
paglalakbay at pananaw sa buhay?
1. travel blog
Mga Halimbawa ng
2. travel show
Lakbay Sanaysay
3. travel guide
Uri ng sanaysay
Pormal na Sanaysay Di-Pormal na Sanaysay
- Ito ay sanaysay na - Palakaibigan ang tono ng
kadalasang nagbibigay sanaysay na ito sapagkat ang
impormasyon tungkol sa isang
paksa ay tumatalakay sa
tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Seryoso ang tono ng personal na karanasan at
ganitong uri ng sanaysay at ito pang-araw-araw na kasiya-siya
rin ay nangangailangan ng o mapang-aliw para sa mga
masusing pananaliksik tungkol mambabasa.
sa paksa.
Ayon kay Dinty W. Moore, ang
lakbay-sanaysay ay madali
lamang isulat dahil ang
paglalakbay ay may natural na
kuwentong pakurba.
Bahagi ng sanaysay
Simula/Panimula
- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng
sanaysay sapagkat ito ang magiging
daan upang makuha ang atensiyon ng
mga mambabasa.
Bahagi ng sanaysay
Gitna/ Katawan
- Ang bahaging ito ay naglalaman ng
mga sumusuportang detalye tungkol sa
paksa kaya naman naipaliliwanag nang
mabuti ang paksa.
Bahagi ng sanaysay
Wakas
- Ito ang naglalaman ng kabuuang
kongklusyon tungkol sa mga detalyeng
binanggit sa katawan, at tila
nanghahamon ito sa mga mambabasa
kaugnay ng pagsasakatuparan o
pagsang-ayon sa paksa.
Katangian, Anyo at
Elemento ng
Lakbay-Sanaysay
Ang Katangian ng Lakbay-Sanaysay
“It’s more fun in the Philippines.” Ito ang
islogang isinusulong ng ating bansa, sa
pangunguna ng Kagawaran ng Turismo,
bilang pagmamalaki sa ating turismo.
Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong
“The Art of the Travel Essay,” ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon
kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng
sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t
hindi pa nila ito napupuntahan.
Ilan sa mga katangian nito ay ang sumusunod:
1) Ito ay personal at kalimitang
nakapang-aakit sa mambabasa.
2) Higit na marami ang
teksto sa halip na larawan.
3) Naglalaman ng mga larawan
at paksa tungkol sa larawang
inilapat.
4) May makatotohanang
paglalarawan sa lugar at
larawan.
Anyo ng Lakbay-sanaysay
Pormal Di-Pormal
- Ang tinatalakay sa anyong ito ay Tinatalakay naman nito ang
mga seryosong paksa. Nagtataglay ito mga paksang karaniwan, personal
nang masusi at masuring pananaliksik at pang-araw-araw na kasiya-siya o
ng taong sumusulat. Ito ay kadalasang mapang-aliw para sa mga
nagbibigay ng impormasyon ukol sa mambabasa. Ito rin ay nagbibigay-
isang tao, hayop, bagay, lugar, o diin sa mga bagay-bagay at
pangyayari. karanasan ng akda ayon sa
Halimbawa, mga editoryal sa anomang paksa.
pahayagan.
Elemento ng Lakbay-sanaysay
1) Tema at Nilalaman. Anuman ang nilalaman
ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil
sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang
ibinahagi.
2) Anyo at Istruktura. Maayos na pagkakasunod-
sunod ng ideya o pangyayari.
Elemento ng Lakbay-sanaysay
3) Kaisipan. Mga ideyang nabanggit na
kaugnay o magbibigay-linaw sa tema.
4) Wika at Estilo. Mainam na gumamit
ng simple, natural, at matapat na mga
pahayag.
Elemento ng Lakbay-sanaysay
5) Larawan ng Buhay. inilalarawan ang
buhay sa isang makatotohanang
salaysay. Masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang may-
akda.
PANGKATANG-
GAWAIN
Gawain 1: Bayan mo, Ipagmalaki mo!
Panuto: Sumulat ng islogan halaw sa banner na
ginagamit ng Departamento ng Turismo na “ It’s
more fun in the Philippines” upang ipagmalaki ang
iyong bayang pinagmulan. Maging malikhain sa
paggamit ng mga salita upang mahikayat mo ang
ibang tao na bisitahin ang iyong lugar. Isulat ito sa
malinis na papel
Gawain 2: Arat na! Guhit na!
Panuto: Gamit ang nabuong islogan mula
sa Gawain 1, iguhit ang isang magandang
lugar na kilalang – kilalang sa inyong
bayan o probinsya. Iguhit ito sa malinis na
papel.
PAGSASANAY
Indibidwal na Gawain
PAGSASANAY BLG. 1
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Bilugan ang
titik ng salita o pariralang bubuo sa bawat pahayag.
1. Isinusulat sa lakbay-sanaysay ang mga karanasan upang ilahad
sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa __________
gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy,
at pandinig.
a. paggalugad c. paglalakbay
b. pagsusuri d. paghahanap
2. Kadalasang pumapaksa sa
magagandang __________, tagpo, at iba
pang mga karanasan sa paglalakbay ang
lakbay-sanaysay.
a. larawan c. lugar
b. tanawin d. pasyalan
3. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y ____________ sa
mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng
isang lugar bagama’t hindi pa nila ito
napupuntahan.
a. nakapagbibigay c. nakapagdudulot
b. nakapagsasanhi d. naglalarawan
4. Ang lakbay-sanaysay ay maaaring
pumaksa sa tao o ___________ ng lugar.
a. mamamayan c. gawi
b. larawan d. pamumuhay
5. Anuman ang nilalaman ng isang
sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sa pagkakasulat nito at __________
ibinahagi.
a. kaisipan c. kasanayan
b. karanasan d. damdamin
PAGSASANAY BLG. 2
Panuto: Isulat ang PAK kung ang
pahayag ay tama at GANERN naman
kung ang pahayag ay mali. Isulat ang
sagot sa linyang nakalaan sa bawat
bilang.
__________1. Binibigyang-pansin sa pagsulat ng
lakbay sanaysay ang gawi, katangian, ugali, o
tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular
na komunidad.
__________2. Ang lakbay-sanaysay ay may
katangiang dapat na mayroong makatotohanang
paglalarawan sa lugar at larawan.
___________3. Ang di-pormal na anyo ng lakbay-
sanaysay ay nagtatalakay na may seryosong
paksa.
___________ 4. Ang pormal na anyo ng lakbay-
sanaysay ay nagbibigay-diin sa mga bagaybagay at
karanasan ng may-akda ayon sa anomang paksa.
___________ 5. Isa sa mga halimbawa ng anyong
di-pormal na sanaysay ay editoryal.
PAGSASANAY BLG. 2
Panuto: Piliin sa HANAY B ang salita o pariralang
inilalarawan sa pahayag ng HANAY A. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa linyang inilaan sa bawat
bilang.
A. Pormal
_____ 1. Anuman ang nilalaman
B. Di-pormal
ng isang sanaysay ay itinuturing
C. Larawan at buhay
na paksa dahil sa layunin sa
pagkakasulat nito at kaisipang D. Tema at nilalaman
ibinahagi. E. Wika at estilo
F. Anyo at istruktura
_____ 2. Inilalarawan ang G. Kaisipan
buhay sa isang H. Nilalaman
makatotohanang salaysay. I. Impormal
J. Damdamin
A. Pormal
_____ 3. Masining na paglalahad
B. Di-pormal
na gumagamit ng sariling himig
C. Larawan at buhay
ang may-akda.
D. Tema at nilalaman
E. Wika at estilo
F. Anyo at istruktura
_____ 4. Mainam na gumamit G. Kaisipan
ng simple, natural at matapat H. Nilalaman
na mga pahayag. I. Impormal
J. Damdamin
A. Pormal
_____ 5. Maayos na pagkakasunod- B. Di-pormal
sunod ng ideya o pangyayari. C. Larawan at buhay
D. Tema at nilalaman
E. Wika at estilo
_____ 6. Mga ideyang nabanggit F. Anyo at istruktura
na kaugnay o magbibigay-linaw G. Kaisipan
sa tema. H. Nilalaman
I. Impormal
J. Damdamin
A. Pormal
_____ 7. Nagbibigay-diin sa mga
bagay-bagay at karanasan ng may- B. Di-pormal
akda ayon sa anomang C. Larawan at buhay
paksa. D. Tema at nilalaman
E. Wika at estilo
_____ 8. Tinatalakay naman nito F. Anyo at istruktura
ang mga paksang karaniwan, G. Kaisipan
personal at pang-araw-araw na H. Nilalaman
kasiya-siya o mapang-aliw para I. Impormal
sa mga mambabasa. J. Damdamin
A. Pormal
_____ 9. Nagtataglay ito ng
B. Di-pormal
masusi at masuring pananaliksik
C. Larawan at buhay
ng taong sumulat.
D. Tema at nilalaman
E. Wika at estilo
____ 10. Ito ay kadalasang F. Anyo at istruktura
nagbibigay ng impormasyon G. Kaisipan
ukol sa isang tao, hayop, bagay, H. Nilalaman
lugar, o pangyayari. I. Impormal
J. Damdamin
Ikalawang-Araw
Mga Mungkahing
Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Magsaliksik o magbasa tungkol sa
kasaysayan ng lugar bago magtungo sa
lugar na balak mong puntahan. Pag-
aralan ang kultura, tradisyon, at relihiyon.
Ang sistemang politikal at ekonimikal ng
lugar ay nararapat ding bigyang-pansin.
Mahalagang pag-aralan din ang
lengguwahe na ginagamit sa lugar na
iyon.
Buksan ang isip at damdamin sa
paglalakbay, lawakan ang naaabot ng
paningin, talasan ang isip, palakasin
ang internal at external na pandama at
pang-amoy, sensitibong lasahan ang
pagkain.
Magdala ng talaan at ilista ang
mahahalagang datos na dapat isulat.
Huwag gumamit ng kathang-isip kung
susulat ng isang lakbay-sanaysay.
Importanteng isulat ang katotohanan
sapagkat higit na madali itong bigyang-
paliwanag gamit ang malikhaing
elemento.
Gamitin ang unang panauhang punto de
bista at isaalang-alang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga
ideyang isusulat.
Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan
ng mambabasa sa susulating lakbay-
sanaysay.
Layunin
sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Maitaguyod at maipagmalaki ang
isang lugar na pinupuntahan ng isang
manlalakbay.
Gumawa ng isang gabay para sa
susunod na maaaring manlalakbay na
tutungo sa nasabing lugar. Halimbawa
nito ay ang daan, transportasyon at
kilalang mga destinasyon.
Pagtatala ng personal at sariling
karanasan sa paglalakbay kabilang na
ang espiritwalidad, paghihilom o
pagtuklas sa sarili.
Pagdodokumento at pagtuklas ng
kasaysayan, kultura, tradisyon, at
heograpiya ng isang lugar sa malikhaing
pamamaraan.
PANGKATANG-
GAWAIN
Gawain sa Pagkatuto 1: Biyahe ni Drew
Panoorin ang isang video ng isang manlalakbay na si Drew
Arellano sa kanyang palabas na “Biyahe ni Drew” at sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.
a. Anong lugar ang pinuntahan ni Drew? Ilarawan ang naturang
lugar.
b. Anong kultura ng lugar na pinuntahan ni Drew na may
pagkakahawig sa inyong kultura?
c. Anong natutuhan mo sa bidyong napanood?
https://www.youtube.com/watch?v=811F8iH6Lgo
PAGTATAYA
Gawain sa Pagkatuto 2: Say Mo, Lakbay Mo!
Pumili ng isang magandang lugar sa ating
bansa na napuntahan na at gawan ito ng
lakbay-sanaysay na may -200 hanggang 350
na salita na may temang “Piliin mo ang
Pilipinas”. Tatayain ang iyong sanaysay batay
sa rubriks na ipapakita ng guro.
TAKDANG-ARALIN
Pagkikritik ng
Lakbay-Sanaysay
SURIIN
MAY DALAWANG ANAK NA
BADING SI RIO ALMA SA
JAKARTA!
MARSO 27, 2015 ni JOHN IREMIL
TEODORO
Maraming
Salmat!
www.reallygreatsite.com