0% found this document useful (0 votes)
145 views31 pages

Passed 5080-13-21MELCS Baguio Panahon Pagbibinata. Corrected Edt

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
145 views31 pages

Passed 5080-13-21MELCS Baguio Panahon Pagbibinata. Corrected Edt

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 31

5

Mga Pagbabagong
Nagaganap sa Panahon
ng Pagbibinata at
Pagdadalaga
Modyul ng Magaaral sa Health 5
Ikalawang Markahan ● Module 1

JONNALYN T. NARCISO
Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: _____________________________ ISKOR: ____________________


GURO: ____________________ BAITANG AND SEKSYON: _________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
# 82 Military Cut-off, Baguio City

Published by:
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang materyal na ito ay ginawa para sa implementasyon ng programang K-12


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong paramihin or
replikahin para sa layuning pang edukasyon at ang panggagalingan ay dapat masuri
at makilala. Maaari itong i-edit tulad ng pagpapahusay ng bersyon ng modyul na ito
ngunit dapat ay pinayagan ito at lahat ng orihinal na trabaho ay kilalanin. Dapat din
na ang karapatang-sipi ay maiparatang. Ang modyul na ito ay hindi maaaring
gamiting pang komersyo at pagkakitaan nang sinuman.

ii
PANIMULA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular dito ang Learning Resource Management and Development Unit,
Department of Education, Schools Division ng CAR sa pagresponde sa
imlementasyon ng K to 12 Curriculum.

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Department of Education- CID, Schools


Division of CAR. Ang layunin nito ay mapabuti ang kaalaman ng mga mag-aaral
partikular sa Health o Kalusugan.

Date of Development : May 6, 2020


Resource Location : DepEd Schools Division of Baguio City
Learning Area : Health
Grade Level :5
Learning Resource Type : Module
Language : Filipino
Quarter/Week : Q2
Learning Competency/Code :
1. Recognizes changes during puberty as a
normal part of growth and development H5GD-
Iab-1
2. Describes common health issues during
puberty H5GD-Icd-3
3. Accepts that most of these concerns are
normal consequences of bodily changes during
puberty but one can learn to manage them
H5GD-Ief-6
4. Assesses common misconceptions related to
puberty in terms of scientific basis and
probable effects on health H5GD-Iab-2
5. Discusses the negative health impact and ways
of preventing major issues such as early and
unwanted pregnancy H5GD-Igh-8

iii
PAGKILALA

Nais kong pasalamatan si G. Jackson T. Caya-os na nagpasimunong isipin


ang pagbibigay ng training at seminar sa amin nitong Oktubre hinggil sa
asignaturang paggawa ng modyul, at ganoon din sa walang sawang suporta na
kanyang ibinibigay sa aming mga kailangan para mapalawak ang aming kaalaman
hinggil dito.
Nais ko ring pasalamatan si Bb. Lolit A. Manzano sa kanyang walang sawang
suporta at panghihikayat sa amin upang gumawa ng modyul.
Sa aking pamilya na nagsisilbing inspirasyon sa akin upang lalo kong
pagbutihan ang aking pagiging guro, maraming salamat.
Higit sa lahat, taos-puso rin akong nagpapasalamat sa ating Maykapal sa
lahat ng mga biyayang ibinigay at ibinibigay sa akin.
Nawa’y makatutulong ang modyul na ito sa mga mag-aaral.

Development Team
Developer: Jonnalyn T. Narciso
Layout Artist: Jennifer C. Pinlac

School Learning Resources Management Committee


Jackson T. Caya-os School Head / Principal
Teresita A. Aviaro Subject / Learning Area Specialist
Maria Magdalena C. Balao School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Lolit A. Manzano EPS – MAPEH
Leonard N. Dawaton PSDS – District

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Admin. Assistant

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor – CID
CHRISTOPHER C. BENIGNO, PhD
Asst. Schools Division Superintendent
MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V
Schools Division Superintendent
TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Pahinang Panakip i

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ii

Panimula iii

Pagkilala iv

Talaan ng Nilalaman v

Pahinang Pamagat 1

Paunang Salita 2

Alamin at Mga Bahagi ng Modyul 3

Subukin 4

Balikan 5

Tuklasin 6

Suriin 8

Pagyamanin 13

Isaisip 17

Isagawa 18

Tayahin 18

Mga Karagdagang Gawain 20

Susi sa Pagwawasto 22

Sanggunian 23

v
Mga Pagbabagong
Nagaganap sa Panahon
ng Pagbibinata at
Pagdadalaga
Modyul ng Magaaral sa Health 5
Ikalawang Markahan ● Module 1

JONNALYN T. NARCISO
Tagapaglinang
1
Paunang Salita

Ang modyul na ito ay idinisenyo upang matulungan ka sa pagpapalawak ng


iyong kaalaman tungkol sa mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

1. Mga Inaasahang Matutunan—Ito ay tumutukoy sa mga bagay na


inaasahang matutunan mo pagkatapos sagutan ang modyul.

2. Paunang Pagtataya—Ito ang susukat sa iyong mga paunang kaalaman sa


paksang tatalakayin.

3. Mga Mahahalagang Konsepto—Ito ay mga mahahalagang konseptong


dapat mong tandaan at basahing maigi.

4. Pagsusuri sa Sarili—Ito ay mga gawaing idinisenyo upang linangin ang mga


kaalamang iyong natutunan sa modyul.

5. Pangwakas na Pagtataya—Ito ang susukat ng pangkalahatang natutunan


mo sa modyul na ito.

Sana ay makatutulong ang modyul na ito sa pagpapalawak ng iyong


kaalaman hinggil sa mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.

2
Alamin

Maligayang araw aking minamahal na mag-aaral. Pinauuna ko na ang aking


pagbati dahil nagsisikap kang matuto.
Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang lubusan mong maunawaan
kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga at pati na rin ang mga konseptong kaagapay nito.
Narito ang iba’t ibang bahagi ng modyul upang pahapyaw mong makita ang
kabuuan nito:

MGA BAHAGI NG MODYUL

Narito ang mga bahagi ng modyul upang pahapyaw mong makita ang kabuuan
nito:
1. Alamin – Ito ang mga inaasahang kompetensi na dapat mong matutunan.

2. Subukin – Ang bahaging ito ang susukat kung gaano na kalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin sa modyul.

3. Yugto ng Pagkatuto – Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at


talakayan tungkol sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. Malilinang
dito ang iyong kaalaman at kasanayan sa pagkatuto. Ito ay may limang
bahagi:

A. Balikan: Iuugnay sa bahaging ito kung ano ang alam mo na sa paksang


tatalakayin.
B. Tuklasin: Ipakikilala sa bahaging ito ang bagong aralin na dapat
matutunan.
C. Suriin: Tatayahin dito kung gaano kalawak ang natuklasan at naunawaan
mo sa paksa.
D. Maikling Talakayan: Tatalakyin dito nang pahapyaw ang bagong aralin
upang lalo mong maunawaan ang paksa.
E. Pagyamanin: Hahamunin ka rito na gamitin ang lahat ng natutunan mo
upang maisagawa ang pamantayang pagganap.

4. Isaisip- Aalamin sa bahaging ito ang kabuuan ng iyong natutunan sa aralin.

5. Isagawa- Aalamin sa bahaging ito kung paano mo ililipat ang iyong


natutunan sa totoong kaganapan at sitwasyon sa buhay.

6. Tayahin – Susukatin sa bahaging ito ang antas ng iyong pagkatuto


pagkatapos ng mga talakayan at mga gawaing humamon sa iyo.

3
Subukin

Ating alamin kung hanggang saan ang iyong kaalaman ukol sa mga
pangkalusugang isyu sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Basahin ang
mga pangungusap sa ibaba at isulat kung tama o mali ang isinasaad nito. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

_____________1. Ang balakang ng babaeng nagdadalaga ay lumalapad at ang


lalaking nagbibinata naman ay nagkakaroon ng mababa at
buong boses.

_____________2. Nagkakaroon ng Adam’s apple ang nagbibinata at ang


nagdadalaga naman ay bahagyang lumalapad ang kanyang
dibdib.

______________3. Dahil sa lumalapad ang balakang at bahagyang lumalaki rin


ang dibdib ng nagdadalaga ay nagkakaroon ng hubog ang
kanyang katawan.

______________4. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay nagkakaproblema sa


tagiyawat dahil sobra ang nagagawang “sebum” ng kanilang
“sebaceous glands”

______________5. Dahil sa pagnanais magkaroon ng sariling desisyon ukol sa


mga bagay-bagay, nag-uumpisa ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan sa pamilya.

______________6. Dahil sa pagbabago ng iyong hormones sa katawan ay


nagkakaroon ka ng pabago-bagong pakiramdam.

______________7. Ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata


at pagdadalaga ay abnormal at kailangang ikabahala.

______________8. Kumain ng masustansyang pagkain at iwasan ang fatty foods


upang maiwasan ang pagdami ng tagiyawat.

4
______________9. Ang pag-aalaga sa emosyonal at sosyal na aspeto sa panahon
ng pagbibinata at pagdadalaga ay mahalaga rin upang maging
malusog ang iyong buong katauhan.

______________10. Kapag may buwanang dalaw ay huwag maligo upang


maiwasang magkasakit.

______________11. Huwag kumain ng maaasim na pagkain tuwing may


buwanang dalaw upang maiwasang sumakit ang puson.

______________12.Ang mga maling paniniwala ukol sa pagbibinata at


pagdadalaga ay dapat iwasan dahil wala itong mga
siyentipikong basehan.

______________13. Laging makinig sa payo ng iyong mga magulang at mga guro


na mag-aral nang mabuti bago makipag-nobyo.

______________14. Kung ang iyong mga magulang ay maagang nagkaroon ng


anak, ibig sabihin ay pwede mo ring gawin ito.

______________15. Ang paglilibang at pakikisalamuha sa kapwa ay isang paraan


upang maiwasan ang makipagsapalaran nang maaga.

Nasagot mo ba nang tama ang Subukin? Kapag nakakuha ng 15 puntos ay


hindi mo na kailangang ipagpatuloy ang modyul na ito. Kapag nakakuha ng 14 na
puntos pababa ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagbabasa at pagsasagot ng
mga gawain sa modyul na ito.

Balikan

Napag-aralan mo na ang tungkol sa kalusugang pansarili sa mga


naunang modyul. Napag-aralan mo rin kung ano ang mga maaari mong gawin
upang maalagaan nang mabuti ang iyong pangkalusugang mental at emosyonal.
Napagtanto mo na ang buong katauhan ng isang batang tulad mo ay may tatlong
aspeto. Ito ay ang iyong pangkalusugang pisikal, emosyonal, at sosyal.

Ngayong natapos mo na ang tungkol sa mga ito, maaari mo nang pag-aralan


ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata at
mga konseptong kaagapay nito.

5
Ano nga ba ang mga konseptong iyong matututuhan sa modyul na ito?
Halina at iyong tuklasin.

Tuklasin
Ang Kuwento ni Marie
ni Jonnalyn T. Narciso

Labing isang taon ako noon at nasa ikalimang baitang. Habang ako ay
nagkaklase, may naramdaman akong lumabas sa aking ari. Noong una, hindi ko ito
pinansin ngunit nang naramdaman ko ulit ako ay nabahala. Pumunta ako sa banyo
at doon ko nakita na may dugo ang aking pang-ibabang kasuotan. “Hala! Anong
nangyayari sa akin?”, nag-aalalang nasambit ko. Natakot ako ngunit hindi ko ito
pinagsabi sa iba sa aming paaralan. Tinakpan ko na lamang ng dyaket ang aking
palda. Ilang minuto na rin lamang ay uwian na kaya minabuti kong ilihim ang lahat.
Nang ako’y sinundo ng aking mga magulang sa paaralan ay agad-agad
akong sumakay sa aming kotse. Napansin ng aking mga magulang ang aking
pagkabalisa, kaya tinanong nila ako kung may problema. Nasabi ko sa kanila na
may dugo na lumalabas sa aking ari habang ako ay lumuluha. Doon nila sinabi na
normal lamang iyon dahil ako raw ay nagdadalaga na. “Nagdadalaga?”, tanong ko
sa aking isipan.
Pag-uwi namin, ipinaliwanag ng aking nanay ang aking sitwasyon at sinabihan ako
na huwag matakot. Tinuruan niya ako kung papaano ko haharapin ang panahong
ito. Sinabi rin niya sa akin kung ano pa ang aking mga aasahan habang ako ay
nagdadalaga, tulad na lamang ng paghubog ng aking katawan, paglapad ng aking
balakang, paglaki ng aking dibdib, at posibilidad na magkaroon ng tagiyawat na ito
ang numero unong maaaring maging problema sa aking pagdadalaga. Ganoon pa
man ay sinabihan niya ako na maaari kong maiwasan ang pagkakaroon ng
maraming tagiyawat sa pamamagitan nang pag-iwas sa fatty foods at maaari rin
kaming pumunta sa doktor kung kinakailangan. Naginhawaan ang aking
pakiramdam dahil sa paliwanag at tulong ng aking ina.
Sinabihan din niya ako sa mga maling paniniwala tungkol sa pagdadalaga
na wala namang siyentipikong basehan. Ang mga halimbawa ng mga ito ay ang
paniniwalang huwag maligo kapag mayroon kang dalaw dahil sa magkakasakit ka
at huwag kumain ng maaasim na pagkain upang maiwasan ang pagsakit ng puson.
Kaagapay din ng pagdadalaga ay ang pag-iingat kaya pinayuhan ako ng
aking ina na mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigang aking pakikisamahan. Sinabi
rin niya na huwag akong basta-basta sumasama sa bahay ng mga kaklase lalo pa
kung may lalaking kasama at iwasang makipag-inuman. At ang pinaka importante
ay ang makinig lagi sa kanilang payo dahil alam nila ang makabubuti sa akin

6
habang ako ay nagdadalaga. Ang mga payong ito ay upang maiwasan ko ang
maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis.
Sa mga nasabi ng aking ina ay naglaho ang aking takot at napalitan ito nang
pananabik. Alam kong hindi ako pababayaan ng aking mga magulang kaya hindi
ako matatakot harapin ang yugto ng aking pagdadalaga.

Panuto: Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang mga sumusunod.

Gawain 1: Isulat sa patlang ang mga nabanggit na pagbabagong maaaring


maranasan ni Marie sa panahon ng pagdadalaga.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2: Ano ang nabanggit sa kwento na posibleng maging problema ni Marie sa


kanyang pagdadalaga at ano-ano ang maaari niyang gawin upang
maiwasan ito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 3: Bilugan ang mga nabanggit na maling paniniwala sa panahon ng


pagbibinata at pagdadalaga.

a. Huwag maligo kapag may buwanang dalaw.


b. Kumain ng matatamis na pagkain upang hindi sumakit ang puson.
c. Huwag kumain ng maaasim na pagkain tuwing may buwanang
dalaw.
d. Tumalon ng tatlong beses upang tatlong araw lang ang bilang ng
buwanang dalaw.

Gawain 4: Bilugan ang mga payong ibinigay ng nanay ni Marie sa kanya upang
maiwasan ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis.

a. Piliin ang mga kaibigang pakikisamahan.


b. Makinig sa mga guro.
c. Huwag basta-basta sumama sa bahay ng mga kaklase lalo pa kung
may lalaking kasama.
d. Maniwala sa mga kaibigan kaysa sa magulang.
e. Makinig lagi sa kanilang payo dahil alam nila ang makabubuti.

7
Suriin

Ang Mga Pisikal, Emosyonal, at Sosyal na Pagbabago sa


Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay may malaking marka sa buhay ng isang


batang tulad mo. Ito rin ang panahon kung saan marami kang magiging
katanungan sa mga nangyayaring pagbabago sa iyong sarili. Dito na nangyayari
ang pagkukumpara mo sa iyong sarili sa iba.

Mga Pisikal na Pagbabago sa Lalaking Nagbibinata:

1. Paglabas ng lalagukan o “adams apple”..


2. Pagbabago ng boses.
3. Pagkakaroon ng buhok sa ari- Ang buhok ay
nagsisilbing proteksyon.
4. Pagbabago sa hubog ng katawan- mas lumalaki ang
kalamnan o “muscles” sa katawan at nagkakaroon ng
“growth spurt” o biglang pagtangkad. Lumalawak o
lumalapad din ang iyong balikat at dibdib.
5. Nocturnal emission- Nangyayari ang tinatawag nating nocturnal emission o
“wet dreams” tuwing naglalabas ka ng iyong “semen” o semilya sa iyong
pagtulog. Ang medikal na tawag sa “wet dreams” ay nocturnal emission.
6. Pagtubo ng bigote at balahibo sa binti at kili-kili.
7. Pagkakroon ng balbas.
8. Pagkakaroon ng tagiyawat sa mukha o sa likuran.
Nagkakaroon ng tagiyawat ang mga nagbibinata
dahil sa nagkakaroon ng mga pagbabago sa
kanyang hormones. Kapag sobra ang nagawang
“sebum” ng “sebaceous glands” ay nagkakaroon ng
tagiyawat dahil natatakpan nito ang “pores” o butas ng katawan.

Mga Pisikal na Pagbabago sa Babaeng Nagdadalaga:

8
1. Bahagyang paglaki ng dibdib.
2. Paglapad ng balakang. Mapapansin mo na ang iyong balakang ay
lumalapad kaya ang iyong mga damit pang ibaba ay unti-unting nagiging
masikip. Ang paglapad ng iyong balakang ay upang ihanda ka sa iyong
pagbubuntis sa tamang panahon.
3. Pagkakaroon ng buwanang regla. Ang buwanang dalaw ay importante dahil
dito nangyayari ang pag-alis ng mga dumi sa katawan. Ang unang pagdating
ng dalaw o regla ay tinatawag na “menarche”.
4. Pagkakaroon ng hubog ang katawan. Dahil sa lumalapad ang iyong
balakang at bahagyang lumalaki rin ang iyong dibdib ay nagkakaroon ng
hubog ang iyong katawan.
5. Pagtubo ng balahibo sa kilikili at sa ibabaw ng ari.
6. Pagkakaroon ng laman o “fats” sa puwitan o pigi, tiyan, at binti.
Nagkakalaman ang mga parteng ito kaya lalong nagkakaroon ng hubog ang
iyong katawan habang ikaw ay nagdadalaga.
7. Tulad din ng mga lalaking nagbibinata, maaari kang magkaroon ng
tagiyawat.
8. Nagkakaroon ka rin ng “growth spurt” o biglaang pagtangkad na naka-
agapay sa iyong “genes” o hene at sa iyong pag-aalaga sa nutrisyon ng
iyong katawan.

Mga Emosyonal at Sosyal na Pagbabago sa Panahon


ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Ang pagbabagong nagaganap sa iyong emosyonal at sosyal na aspeto ay


pahiwatig na ikaw ay nagkakaroon ng malaya at sariling katauhan sa pag-aaral
kung paano maging mas may alam sa buhay.
Narito ang ilan sa mga maaaring maganap sa isang batang nagdadalaga at
nagbibinata.
1. Hinahanap ang katauhan- Unti-unti mong
madidiskubre ang iyong mga kagustuhan
habang ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata.
2. Naghahanap ng kalayaan- Nais mong
magkaroon ng sariling desisyon ukol sa mga
bagay-bagay tulad na lamang sa iyong
kasuotan o magiging mga libangan. Hindi mo
nais na napapakialaman lahat ng iyong mga
desisyon.
3. Naghahanap ng mas malalim na responsibilidad- Nais mong magkaroon ng
responsibilidad sa bahay at paaralan dahil naniniwala ka na kaya mo ang
mga ito at hindi ka na bata.
4. Naghahangad ng bagong mga karanasan- Nais mong tumuklas pa ng iba
pang mga karanasan kaya sumasali ka sa mga “out-of-town trips”. Kung dati

9
ay takot kang umalis na hindi kasama ang iyong mga magulang, ngayon ay
mas gusto mong hindi sila kasama.
5. Nalalaman kung ano ang tama sa mali- Ngayong ikaw ay nasa estado ng
pagdadalaga o pagbibinata ay mas alam mo na kung ano ang tama at mali.
Iniiwasan mong gumawa ng mga bagay na alam mong makasasama sa iyo.
6. Naiimpluwensiyahan ng mga kaibigan- Naiimpluwensiyahan ka ng iyong
mga kaibigan lalo na pagdating sa paggawa ng desisyon para sa sarili, pati
na rin sa pananamit, pananalita, at kung minsan ay pati na rin sa paniniwala.
7. Nag-uumpisang magkaroon ng atraksyon sa ibang tao-
Maaaring dito mag-umpisang mahulog ang iyong loob
sa isang taong iyong hinahangaan.
8. Nagiging moody- Dahil sa pagbabago ng iyong
hormones sa katawan ay nagkakaroon ka ng pabago-
bagong pakiramdam. Sa mga babae, tuwing malapit na
ang kanilang kabuwanan o regla, madali silang mairita.
9. Mas nag-aalala sa kanyang pisikal na itsura- Sinisiguro
mong maayos at malinis ang iyong panlabas na anyo
bago humarap sa ibang tao.
10. Mas nagkakaroon ng argumento o hindi pagkakaintindihan- Dahil sa
mayroon ka ng sariling pananaw at nais mong maging mas malaya,
nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan sa inyong pamilya tuwing
mayroon kayong hindi napagkakasunduan.

Mga Pamamaraan Upang Mapanatili ang Pagkakaroon ng Mabuting Kalusugang


Pansarili sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Habang ikaw ay nasa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay mainam na


mapangalagaan nang mabuti ang sarili. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
paraan upang matulungan ka sa panahong ito.

1. Maligo araw-araw at palitan ang kasuotan


upang maiwasang magkaroon ng body
odor sa katawan. Gumamit din ng
deodorant pagkatapos maligo.
2. Ugaliing maghugas ng kamay.
3. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
4. Magkaroon ng sapat na tulog.
5. Kumain ng masustansyang pagkain at
iwasan ang fatty foods upang maiwasan ang pagdami ng tagiyawat.
6. Kapag ikaw ay nalulungkot ay makisalamuha sa kapamilya o kaibigan. Ang
pag-aalaga sa emosyonal at sosyal na aspeto sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga ay mahalaga rin upang maging malusog ang iyong buong
katauhan.

10
7. Tandaan na ang iyong pamilya ang numero unong iintindi at tutulong sa iyo
sapagkat nais nila ang iyong maganda at masaganang kinabukasan. Huwag
mong balewalain ang mga aral at payo na kanilang ibinibigay.
8. Maaaring humingi ng propesyonal na tulong kung kinakailangan upang
matugunan ang iyong problema sa panahong ito.

Mga Maling Paniniwala sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga

May mga maling paniniwala din ang iba sa panahon ng pagbibinata at


pagdadalaga na dapat iwasan dahil walang siyentipikong basehan ang mga ito.
Ang iba sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Kapag may buwanang dalaw ang babae ay


kailangan niyang maupo sa ikatlong baitang ng
hagdan upang tatlong araw lang magtatagal
ang kanyang dalaw- Katulad din ng
paniniwalang tumalon pagsapit ng Bagong
Taon ay ganoon din ang paniniwalang ito na
walang basehan.
2. Kapag may buwanang dalaw ang babae ay
bawal maligo upang maiwasang magkasakit-
Ang hindi pagligo kapag mayroon kang dalaw
ay mas magbibigay sa iyo ng posibleng sakit. Tandaan na dumi ng katawan
ang inilalabas tuwing ikaw ay magkakaroon ng buwanang dalaw kaya mas
mainam ang maligo araw-araw.
3. Kapag may buwanang dalaw ay huwag kumain ng maaasim na pagkain
upang hindi sumakit ang puson- Karamihan ng mga babaeng malapit ng
magkaroon ng buwanang dalaw o kahit may kasalukuyang dalaw ay mahilig
sa maaasim na pagkain tulad ng mangga at santol. Normal lamang ang
paghahanap ng ganitong pagkain tuwing ikaw ay may dalaw dahil sa
pagbabago ng iyong hormones.
4. Pagkatapos matuli ay panatilihin ang kalinisan upang hindi mangangamatis
ito. Ang pangangamatis ay ang pamamaga ng ari lalo na ang balat na itinahi.
Sinasabing nangangamatis dahil parang balat ng kamatis ang itsura ng ari.
Ang pangangamatis ay maaring mangyari sa tradisyonal o modernong
paraan ng pagtutuli.

Mga Epekto ng Maaga at Hindi Inaasahang Pagbubuntis

Ang isyu nang maaga at hindi inaasahang pagbubuntis ay hindi nawawala


sa ating bansa. Sa panahon ngayon ay parami nang parami ang mga batang ina na
hindi pa handang maging isang ganap na magulang.
Narito ang ilan sa mga epekto nang maaga at hindi inaasahang pagbubuntis:

11
1. Dahil sa ang iyong katawan bilang batang ina ay immature pa o ang ibig
sabihin ay hindi pa hubog upang magdalang-tao, may posibilidad na ikaw ay
magkaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng premature delivery.
2. Maaaring ayaw ka ng tanggapin ng iyong mga magulang dahil sa kahihiyan
na idinulot mo sa inyong pamilya.
3. Maaari kang makaranas ng pagtanggi at pag-iwas ng iyong mga kaibigan
dahil hindi nila tanggap ang iyong sinapit at ayaw nilang madamay sa iyong
problema.
4. Mahirap din para sa iyo na isang batang
ina ang makabalik sa pag-aaral dahil
kailangan mong alagaan ang iyong anak
lalo na kung wala kang ibang maasahang
tutulong sa iyo.
5. Maaaring mahihiya kang lumabas at
makihalubilo dahil sa kahihiyan na iyong
nararamdaman.
6. Maaari kang makaranas ng bullying at panghuhusga ng ibang mga tao.
7. Madalas ang pagkakaroon ng hirap sa pagtulog dahil lagi mong maiisip kung
ano ang maaaring mangyari sa iyong kinabukasan.
8. Pagkatapos manganak ay maaaring makararanas ka ng “baby blues” o ang
hindi maintindihan na pakiramdam ng sobrang takot, lungkot, hirap sa
pagtulog at pagkain, at pagkalumbay.
9. Ang pinakamahirap na epekto ay ang “postpartum depression” o ang
matinding depresyon pagkatapos manganak. Ang pagkakaiba nito sa “baby
blues” ay mas mabilis mawala ito kaysa sa “postpartum depression”.

Mga Paraan Upang Maiwasan ang Maaga at Hindi Inaasahang


Pagbubuntis

Makipagkaibigan sa mga may mabubuting impluwensiya upang ikaw ay


madala sa tamang landas habang ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata.

1. Huwag basta-basta sumasama sa bahay ng barkada lalo pa kung may


lalaking kasama at iwasang makipag-inuman.
2. Makinig lagi sa payo ng iyong mga magulang dahil gusto nilang ikaw ay
mapabuti lamang. Alam nila ang mas makabubuti para sa iyo.
3. Huwag sumunod sa mga masasamang gawain ng
iba. Tandaan mo na iba ka sa kanila. Ang
pagdarasal at pagsisimba kasama ang pamilya ay
may malaking epekto sa isip at damdamin.

12
4. Bigyang halaga at respeto ang iyong sarili. Isipin mong ang iyong buong
katauhan at personalidad ay biyaya ng Panginoon kaya huwag itong
sisirain dahil lamang sa panandaliang saya at pag-usisa.
5. Maghanap ng mga gawaing magbibigay interes sa iyo tulad ng isports,
paghahalaman, pagluluto, pagbebake, pananahi, o pagbabasa.

Pagyamanin

GAWAIN 1. Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagbibigay ng tamang


impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga .at lagyan ng (x) kung maling impormasyon .10 puntos

______ 1. Ang babaeng nagdadalaga ay nagkakaroon ng buwanang dalaw o regla


at nahuhubog din ang kanyang katawan sa paglapad ng kanilang dibdib
at balakang.

______ 2. Ang batang nagbibinata at nagdadalaga ay maaaring magkaroon ng


tagiyawat sa kanilang mukha at likuran dahil sa sobrang paggawa ng
sebum ng sebaceous glands.

______ 3. Ang batang nagbibinata ay nagkakaroon din ng buwanang dalaw na


tinatawag na nocturnal emission at ito rin ang dahilan kung bakit
bumababa ang kanilang boses.

______ 4. Ang mga batang nagdadalaga ay nagkakaroon ng malalaking kalamnan


o “muscles”.

______ 5. Ang pagbabagong nagaganap sa iyong emosyonal at sosyal na aspeto


ay pahiwatig na ikaw ay nasa panahong pagdadalaga o pagbibinata.

______ 6. Sa panahon na ikaw ay nagdadalaga at nagbibinata ay mapapansin


mong nagkakaroon ng pagbabago sa iyong pakikitungo sa ibang tao.

______ 7. Nalalaman mo agad kung ano ang iyong nais para sa sarili at mabilis mo
itong makakamtan.

______ 8. Hindi mo nais magkaroon ng responsibilidad sa bahay at paaralan dahil


naniniwala kang mahihirapan ka lamang.

______ 9. Ang mga paniniwala na walang siyentipikong basehan ay dapat iwasang


paniwalaan. Mainam na tumugon sa doktor kung may pag-aalinlangan.

13
______10. Huwag kumain ng maaasim na pagkain tuwing may buwanang dalaw
upang maiwasan ang pagsakit ng puson.

GAWAIN 2. Panuto: Sa kahon ay gumuhit ng limang larawang magpapakita ng


mga mga pamamaraan upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting
kalusugang pansarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. 10 puntos

14
Rubriks:
10 puntos-kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugang pansarili

15
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga; naiintindihan ang mga iginuhit; malinis
ang gawa
8 puntos- kung nakaguhit ng 4-5 larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugang pansarili
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga; naiintindihan ang mga iginuhit; hindi
masyandong malinis ang gawa
6 puntos-kung nakaguhit ng 3-4 larawang nagpapakita ng mga pamamaraan
upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugang pansarili sa panahon
ng pagbibinata at pagdadalaga; hindi masyandong naiintindihan ang mga iginuhit;
hindi masyadong malinis ang gawa
4 puntos- kung nakaguhit ng 2-3 larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugang pansarili
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga; hindi masyadong naiintindihan ang
mga iginuhit; hindi masyadong malinis ang gawa
2 puntos- kung nakaguhit ng 2-3 larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang mapanatili ang pagkakaroon ng mabuting kalusugang pansarili
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga; hindi naiintindihan ang mga iginuhit;
hindi malinis ang gawa

GAWAIN 3. Panuto: Sa loob ng kahon ay gumuhit ng 5 mga pamamaraaang


maaaring gawin upang maiwasan ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis. 10
puntos.

16
Rubriks:
10 puntos-kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang maiwasang ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis;
naiintindihan ang mga iginuhit; malinis ang gawa

17
8 puntos- kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang maiwasang ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis;
naiintindihan ang mga iginuhit; hindi masyandong malinis ang gawa
6 puntos- kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang maiwasang ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis; hindi
masyandong naiintindihan ang mga iginuhit; hindi masyadong malinis ang gawa
4 puntos- kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang maiwasang ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis; hindi
masyadong naiintindihan ang mga iginuhit; hindi masyadong malinis ang gawa
2 puntos- kung nakaguhit ng limang larawang nagpapakita ng mga
pamamaraan upang maiwasang ang maaga at ‘di inaasahang pagbubuntis; hindi
naiintindihan ang mga iginuhit; hindi malinis ang gawa

Isaisip
Panuto: Sagutin ang bawat katanungan sa abot ng iyong makakaya upang
malaman kung ano ang iyong natutunan sa modyul na ito. Sagutin gamit ang
kumpletong pangungusap.

1. Kung ikaw ay papipiliin, gugustuhin mo bang magbinata o magdalaga kahit


na may mga pagbabago kang mararanasan sa panahong ito? Bakit? Bakit
hindi? Ilahad. 5 puntos
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga mensaheng iyong napag-aralan sa modyul na ito? Paano


nabago ang iyong pananaw ukol sa pakikipag-nobyo? 5 puntos
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isagawa
18
a.

Panuto: Sumulat ng isang kabutihang naidudulot ng pagbibinata o pagdadalaga.


Kasabay nito ay sumulat din ng kaagapay nitong responsibilidad. 5 puntos
__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay totoo at MALI naman
kapag ito ay hindi nagsasabi ng katotohanan.

______________1. Ang balakang ng babaeng nagdadalaga ay lumalapad at ang


lalaking nagbibinata naman ay nagkakaroon ng mababa at
buong boses.

______________2. Nagkakaroon ng Adam’s apple ang nagbibinata at ang


nagdadalaga naman ay bahagyang lumalapad ang kanyang
dibdib.

______________3. Dahil sa lumalapad ang balakang at bahagyang lumalaki rin


ang dibdib ng nagdadalaga ay nagkakaroon ng hubog ang
kanyang katawan.

______________4. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay nagkakaproblema sa


tagiyawat dahil sobra ang nagagawang “sebum” ng
kanilang“sebaceous glands”

______________5. Dahil sa pagnanais magkaroon ng sariling desisyon ukol sa


mga bagay-bagay, nag-uumpisa ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan sa pamilya.
19
______________6. Dahil sa pagbabago ng iyong hormones sa katawan ay
nagkakaroon ka ng pabago-bagong pakiramdam.

______________7. Ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata


at pagdadalaga ay normal lamang at hindi kailangang
ikabahala.

______________8. Kumain ng masustansyang pagkain at iwasan ang fatty foods


upang maiwasan ang pagdami ng tagiyawat.

______________9. Ang pag-aalaga sa emosyonal at sosyal na aspeto sa panahon


ng pagbibinata at pagdadalaga ay mahalaga rin upang maging
malusog ang iyong buong katauhan.

______________10. Kapag may buwanang dalaw ay huwag maligo upang


maiwasang magkasakit.

______________11. Huwag kumain ng maaasim na pagkain tuwing may


buwanang dalaw upang maiwasang sumakit ang puson.

______________12. Ang mga maling paniniwala ukol sa pagbibinata at


pagdadalaga ay dapat iwasan dahil wala itong mga
siyentipikong basehan.

______________13. Laging makinig sa payo ng iyong mga magulang at mga guro


na mag-aral nang mabuti bago makipag-nobyo.

______________14. Kung ang iyong mga magulang ay maagang nagkaroon ng


anak, ibig sabihin ay pwede mo ring gawin ito.

______________15. Ang paglilibang at pakikisalamuha sa kapwa ay isang paraan


upang maiwasan ang makipagsapalaran nang maaga.

20
Mga Karagdagang Gawain
Gawain 1: Magdikit ng iyong larawan noong ikaw ay mas bata pa at sa tabi nito ay
idikit ang iyong pangkasalukuyang larawan. Sa natirang espasyo ay isulat kung
anong mga pagbabago ang nagaganap sa iyong pagbibinata o pagdadalaga. 10
puntos

Rubriks:
10 puntos 8 puntos 5 puntos
Nakapagdikit ng Nakapagdikit ng naaayon Nakapagdikit ng naaayon
naaayon na larawan; na larawan; nakasulat ng na larawan ngunit hindi
nakasulat ng mga mga pagbabagong nakasulat ng mga
pagbabagong kanyang kanyang nararanasan pagbabagong kanyang
nararanasan; malinis ngunit hindi malinis ang nararanasan at hindi rin
ang gawa gawa malinis ang gawa

21
Gawain 2: Sa loob ng kahon, sumulat ng tatlong mga pangakong iyong tutuparin
para sa iyong sarili ukol sa iyong napag-aralan. 3 puntos

Rubriks:
3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nakasulat ng tatlong Naaayon ang mga Hindi naaayon ang
pangako; naaayon ang pangakong isinulat; ngunit mga isinulat o iisa
mga pangakong isinulat hindi nakumpleto ang lamang ang isinulat.
tatlong pangako

22
23
TUKLASIN
Gawain 1: paghubog ng katawan, paglapad ng balakang, paglaki ng dibdib, at posibilidad na magkaroon
ng tagiyawat
Gawain 2: posibilidad na magkaroon ng tagiyawat na siyang numero unong maaaring maging problema
sa kanyang pagdadalaga. Maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng madaming tagiyawat sa
pamamagitan nang pag-iwas sa fatty foods at maaari ring tumugon sa doktor kung
kinakailangan.
Gawain 3: a,c
Gawain 4: a,c,e
SUBUKIN
1. Tama 9. Tama
2. Tama 10. Mali
3. Tama 11. Mali
4. Tama 12. Tama
5. Tama 13. Tama
6. Tama 14. Mali
7. Mali 15. Tama
8. Tama
PAGYAMANIN
GAWAIN 1
1. / 6 ./
2. / 7. /
3. X 8. X
4. X 9. /
5. / 10. X
ISAISIP AT ISAGAWA: Tanggapin ang sagot ng mga bata basta naaayon ito sa napag-aralan sa
modyul. Bawasan ng isang puntos ang overall score kung hindi malinis ang gawain.
TAYAHIN
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Mali
11. Mali
12. Tama
13. Tama
14. Mali
15. Tama
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN
Halinang Umawit at Gumuhit, H.P. Copiaco at E.S. Jacinto, 2016. Pahina 4-20

https://kidshealth.org/en/kids/puberty.html

https://www.healthline.com/health/parenting/stages-of-puberty#tanner-stage-5

https://rynasaut.home.blog/2019/01/09/paano-maiiwasan-ang-maagang
pagbubuntis/

http://ailynrada.blogspot.com/2017/01/paraaan-upang-maiwasan-ang-
pagaasawa.html

https://www.healthline.com/health/pregnancy/teenage-pregnancy-effects#research

https://www.healthychildren.org/English/agesstages/gradeschool/puberty/Pages/
Physical-Development-of-School-Age-Children.aspx

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4

https://www.healthyfamiliesbc.ca/home/articles/social-and-emotional-changes-
adolescence-teens

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+boys&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwjxvaybm9brAhVGXpQKHe8SCrQQ2-
cCegQIABAA&oq=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+boys&gs_lcp=CgNpbWc
QA1CQpAxYurYMYKe4DGgBcAB4AIABcogB4AaSAQM3LjKYAQCgAQGqA
Qtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=xrdVX_HCCMa80QTvpaigCw&bi
h=657&biw=1366#imgrc=gAYhf_17J356fM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+boys&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwjxvaybm9brAhVGXpQKHe8SCrQQ2-
cCegQIABAA&oq=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+boys&gs_lcp=CgNpbWc
QA1CQpAxYurYMYKe4DGgBcAB4AIABcogB4AaSAQM3LjKYAQCgAQGqA
Qtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=xrdVX_HCCMa80QTvpaigCw&bi
h=657&biw=1366#imgrc=RJrWnT1DinskPM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+emotional+and+s
ocial+changes&tbm=isch&ved=2ahUKEwiw9qONndbrAhXPAqYKHVYWC0wQ2cC
egQIABAA&oq=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+emotional+and+social+chang
es&gs_lcp=CgNpbWcQA1CoxgZYxJ0HYLufB2gBcAB4AYABzQGIAdwikgE
GNDYuMy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=wbl
VX_CRH8FmAXWrKzgBA&bih=657&biw=1366#imgrc=cEI9BCzM0auxIM

24
https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+girls+menstrua
tion&tbm=isch&ved=2ahUKEwi70cPenNbrAhV0I6YKHVY3Ar0Q2cCegQIAB
AA&oq=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+in+girls+menstruation&gs_lcp=CgNpb
WcQA1DqwQVYtO4FYOPwBWgEcAB4AIABvAGIAYMNkgEEMTEuNpgBA
KABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=X7lVX_ulHPTGmAXW
7ojoCw&bih=657&biw=1366#imgrc=ZRZI1xt5AsA1eM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+PUBERTY+attraction&tbm=is
UKEwiw9qONndbrAhXPAqYKHVYWC0wQ2cCegQIABAA&oq=CLIP+ARTS
+ON+PUBERTY+attraction&gs_lcp=CgNpbWcQA1DWwAZY7QGYOTmBm
gAcAB4AIABnQGIAcUWkgEEMjUuNpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwA
EB&sclient=img&ei=wblVX_CRH8FmAXWrKzgBA&bih=657&biw=1366#imgr
c=9ELT_QkSPogRJM&imgdii=lEpaj_Y5Rp1_YM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+hygiene&tbm=isch&ved=2ah
UKEwjt4bHtntbrAhXYAaYKHbF7ATwQ2cCegQIABAA&oq=CLIP+ARTS+ON
+hygiene&gs_lcp=CgNpbWcQA1CAf1ihngFg_Z8BaAFwAHgAgAGBAYgB6x
GSAQQyNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=l7
tVX626HtiDmAWx94XgAw&bih=657&biw=1366#imgrc=lwPZZDq3UV8kjM&i
mgdii=kT0yY2hmMYz7tM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+early+unwanted+pregnancy&t
bm=isch&ved=2ahUKEwikmPL3ntbrAhWDL6YKHdU-DrYQ2
cCegQIABAA&oq=CLIP+ARTS+ON+early+unwanted+pregnancy&gs_lcp=C
gNpbWcQA1DLAxYmKINYO6kDWgCcAB4AIABaogBsBGSAQQyNC4ymAE
AoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=rbtVXSNIIPfmAXV_bi
wCw&bih=657&biw=1366#imgrc=yiLW8aERGfKlMM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+early+pregnancy+bullying&tb
m=isch&ved=2ahUKEwjR1YXRoNbrAhWGApQKHRWCAsEQ2cCegQIABA
A&oq=CLIP+ARTS+ON+early+pregnancy+bullying&gs_lcp=CgNpbWcQA1C
kmihYl6QoYNSrKGgAcAB4AIABgQGIAa4GkgEDNS4zmAEAoAEBqgELZ3d
zLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=dL1VX9HLOIaF0ASVhIqIDA&bih=657
&biw=1366#imgrc=NCHlEt_GvWmynM

https://www.google.com/search?q=CLIP+ARTS+ON+self+respect&tbm=isch&ved=
2ahUKEwj854HPpNbrAhUGUJQKHUkaDhAQ2cCegQIABAA&oq=CLIP+AR
TS+ON+self+respect&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dx1wJY_kCYJf8AmgBcAB4AI
ABgAGIAd8MkgEEMTkuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclien
t=img&ei=osFVX_yOGYag0QTJtLiAAQ&bih=657&biw=1366#imgrc=GY7NQ
hYaMxLwxM&imgdii=W5J9VlJKzye6qM

25
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Cordillera Administrative Region
Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City Telefax: 442-7819
Email Address: [email protected]
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

-1-

You might also like