0% found this document useful (0 votes)
540 views11 pages

HGP Grade 4 Module 1

This module is designed to help students learn more about themselves. It has activities that can help discover abilities, interests, strengths, weaknesses and changes experienced while growing up. Students will also learn how to overcome weaknesses. The module has six activities to be completed in two weeks.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
540 views11 pages

HGP Grade 4 Module 1

This module is designed to help students learn more about themselves. It has activities that can help discover abilities, interests, strengths, weaknesses and changes experienced while growing up. Students will also learn how to overcome weaknesses. The module has six activities to be completed in two weeks.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

4

Homeroom Guidance
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Tunay na Ako
Homeroom Guidan – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan– Modyul 1 : Ang Tunay na Ako
Unang Edisyon, 2021
The Intellectual Property Code of the Philippines states that “No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.”
Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other
copyrightable, patentable contents) included in this learning resource are owned by their
respective copyright and intellectual property right holders. Where applicable, DepEd has
sought permission from these owners specifically for the development and printing of this
learning resource. As such, using these materials in any form other than agreed framework
requires another permission and/or licensing.
No part of this material, including its original and borrowed contents, may be reproduced in any form
without written permission from the Department of Education.
Recommended Entry
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 4 Self-learning Modyul 1: Ang Tunay
na Ako Manila: Department of Education Central Office, 2021.
Published by the Department of Education, Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio, Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Development Team Mga Bumubuo ng Nakontekstwal na Modyul
Writer: Vigiline A. De Vera San Isidrota Cruz (Annex) Elementary School
Ma. Concepcion M. De Rueda Manunulat: Irma Liza B. Pangilinan
Carlo M. Puno Angelica V. Sunga
Grade Level Coordinator: Jermia D. Bonifacio
Cleopatra Daisy T. Aguinaldo
Amor A. Banal
Editors: Mark Anthony Bercando, Laila C. Aniciete
Jona Valdez, Paul John P. Macasa
Kirsten Melynda Tagalapat: Angelica V. Sunga
Andres Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Illustrator: Cathyrine B. Charito N. Bustos
Homecillo, Lito Y. Angelica V.Sunga
Bayani, George P. Tagasuri ng Wika: JayJay Y. Navarro
Gamboa, Jeremy P. Angelica V. Sunga
Daos, Raymart Q.
Orianza Masantol North District
Layout Artist: Cathyrine B. Homecillo, Tagalapat:
Jejomar C. Alda Arnel Q. Mendoza
Layout Artist: Cathyrine B. Homecillo Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Grade Level Coordinator: Lourdes C. Fajardo
Carlo M. Puno Tagasuri ng Wika:
Editors: Mark Anthony V. Bercando, Michael Q. Manansala
Jona Kristen Valdez Tagapamahala:
Melynda Andres Renato B. Canilao
Public Schools District Supervisor
Language Editor: Rowena M. Duero
Monica C. Banal Jerome N. Manansala
P-I, Sta Lucia Elementary School
Management Team:
Ma. Theresa Q. Saclao
- Bureau of Curriculum
P-III, Masantol Elementary School
Development: Jocelyn DR. Andaya,
Lourdes C. Fajardo
Director IV, Ma. Isabel A.
MT-II, HGP Coordinator
Victorino, CSDD Chief, Mark
Anthony V. Bercando, Supervising
EPS, Jona Kristen
Valdez, Senior EPS Melynda
Andres, Senior EPS
- Bureau of Learning Resource
Homeroom Guidance – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Tunay na Ako

Gabay sa Magulang/ Tagapag-alaga

Isinulat ang modyul na ito upang gabayan ang inyong anak o alaga
na linangin ang kaniyang aspetong pansarili at pakikipagkapuwa,
akademiko at karera. Dinisenyo ito para sa distance learning o
alternatibong pamamaraan ng pagkatuto na hindi nangangailangan ng
pisikal na presensya sa paaralan, bilang tugon sa pagkansela ng
harapang klase dulot ng pandemyang COVID-19.

Makatutulong ang araling ito upang mas makilala ng mag-aaral ang


kaniyang sarili tungo sa paghubog ng kaniyang pagkatao. Kahit wala siya
sa paaralan dulot ng krisis na ating kinahaharap, maaari pa rin niyang
mapalago ang kaniyang mga katangian o kakayahan at mapangibabawan
ang kaniyang mga kahinaan. Malaki ang gampanin ng mga magulang
upang mapagtagumpayan ang mga gawaing nakalatag dito.
Kakailanganin ng mag-aaral ang inyong patnubay at gabay. Maaaring
may mga pagkakataong humingi ng tulong ang mag-aaral sa pagsunod sa
mga tagubilin at pagsagot sa mga tanong sa bawat bahagi ng mga gawain.
Hinihiling ng kagawaran ang inyong suporta at pakikiisa upang
matagumpay niyang maisakatuparan ang bawat bahagi tulad ng mga
sumusunod:

1. Maaaring gawin ng mag-aaral sa loob ng dalawang linggo ang


mga gawaing nakapaloob dito.
2. Nangangailangan ng panulat at papel sa bawat bahagi ng
modyul na ito upang masagutan ang mga gawain at
katanungan sa “Pamprosesong Katanungan.”
3. Tiyaking sasagutin niya ang bawat bahagi nang tapat. May
limang gawain at dalawang set ng “Pamprosesong
Katanungan” ang modyul na ito.
4. Pagsama-samahin sa isang folder na may fastener ang mga
gawaing isinulat niya sa papel. Ito ang magsisilbi niyang
portfolio sa kaniyang Homeroom Guidance Activities.
5. Siguraduhing maipapasa niya ang kaniyang portfolio sa
petsang itinakda ng kaniyang gurong-tagapayo.
Paunang Salita

Para sa mga Mag-aaral:

And modyul na ito ay dinisenyo para tulungan ka na higit mong


makilala ang iyong sarili. May mga gawain dito ay makatutulong na
matuklasan ang iyong mga kakayahan, interes, kalakasan, kahinaan at
mga pagbabago sa sarili na iyong nararanasan. Matututunan mo rin kung
papaano mapagtagumpayan ang iyong mga kahinaan. Maaring hindi ka
marunong kumanta o sumayaw sa mga oras na ito, pero tandan mo na
ikaw ay mahuhubog para sa iyong ikauunlad. Kahit na ikaw ay nasa
bahay lamang, maaari mong matuklasan ang mga bagay tungkol sa iyong
sarili. Kilalanin mo muna ito at pagkatapos ay panatilihin ang pagsasanay.

Inaasahang matatapos mo ang modyul na ito sa loob ng dalawang


linggo. Mayroong anim na gawaing ibinigay sa iyo para pagsanayan at
kumpletuhin, ito ay ang mga sumusunod:

Subukin Natin – ito ay makatutulong na maihanda ang sarili sa


pagkatuto;
Tuklasin Natin – ito ay isang gabay tungo sa mga dapat mong
matutuhan;
Itanim sa Isip– ito ay mga araling dapat mong matutuhan at
maintindihan;
Kaya Mo – ito ay ang paggamit ng mga natutuhan sa pang-araw-
araw na gawain;
Mga Natutuhan Ko – ito ay ang pagsusuri at pagsukat sa mga
natutuhan;
Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin – ito ay ang pagpapahayag
ng saloobin, opinyon at damdamin.

Basahin, isipin, sundin at mawili sa mga gawaing dapat maisakatuparan.


MODYUL
ANG TUNAY NA AKO
1
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. natutukoy ang mga pagbabago na iyong nararanasan;
2. nalalaman ang pagkakaiba ng angkop at di-angkop na pag-
uugali sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at
paniniwala ; at
3. napahahalagahan ang mga pagbabago sa sarili bilang bahagi
ng paglaki.

Takdang panahon: Una at Ikalawang Linggo ng Unang Markahan


Mungkahing oras na nakalaan: 120 minuto

Mga kailangang kagamitan: papel, bolpen/lapis

Panimula

Napapansin mo ba ang mga pagbabago sa iyong katawan?


Maaari mo bang ikumpara kung paano ka kumilos sa isang
sitwasyon noong ikaw ay nasa unang baitang pa lamang at
ngayong ikaw ay nasa ikaapat na baitang na? Ito ay mga
pagbabago na iyong nararanasan habang ikaw ay lumalaki.
Ngunit, kailangan mong matutuhan kung papaano pangasiwaan
ang iyong sarili habang ikaw ay dumaraan sa mga pagbabagong
ito. Tandaan, mayroon kang panahon at paraan upang
matuklasan mo ang TUNAY NA IKAW! Ipagmalaki mo kung ano ka
at kung ano ang kaya mong marating.

Subukin Natin

Mungkahing oras na nakalaan: 20 minuto


Paglalakbay sa Panahon
1. Sa malinis na papel, kopyahin ang talahanayan na nasa
ibaba.

Pagbabagong Kakayahan Interes


Pisikal
Grade 1
Grade 2
Grade 3
Grade 4

2. Alalahanin mo noong ikaw ay nasa unang baitang, ikalawang


baitang at ikatlong baitang.
3. Kumpletuhin ang talahanayan. Ilista ang mga pagbabagong
pisikal, kakayahang natutuhan at interes o hilig mo mula
noon hanggang sa kasalukuyan.

Pamprosesong Katanungan:
Isulat sa malinis na papel ang iyong sagot sa mga katanungang
nasa ibaba.

1. Ano ang masasabi mo sa gawain?


2. Anong mga pagbabago ang iyong nakita simula noong
ikaw ay nasa unang baitang pa lamang at ngayong ikaw
ay nasa ikaapat na baitang na?
3. Ano ang mga naramdaman mo sa mga pagbabagong ito?
Tuklasin Natin
Mungkahing oras na nakalaan: 20 minuto

Ako Ito

1. Gumamit ng panibagong papel at lagyan ito ng bilang mula


isa hanggang sampu.
2. Basahin ang mga sumusunod na pahayag, lagyan ng tsek na
marka (√) ang bilang kung sa tingin mo ay tumutugma ang
paglalarawan sa iyo at ekis na marka (x) naman kung hindi.

Mga Pahayag:
1. Natuto akong maligong mag-isa noong ako ay walong taong
gulang.
2. Kailangan pa akong paalalahanan sa pagsesepilyo ng ngipin
bago matulog sa gabi.
3. Nagwawalis ako ng sahig tuwing umaga.
4. Tinutulungan ko ang aking nanay sa paghahanda ng
pagkain.
5. Natutunan ko ang pagtali ng sintas ng aking sapatos noong
ako ay limang taong gulang.
6. Umiiyak ako nang malakas sa loob ng tindahan ng mga
laruan upang mapilitan ang aking magulang na bilhin ang
gusto ko.
7. Iniiwan ko pa rin ang mga madudumi kong damit kahit saan.
8. Natuto akong magdasal bago kumain noong ako ay limang
taong gulang.
9. Tinatapos ko muna ang mga gawaing pampaaralan bago
makipaglaro sa aking mga kaibigan.
10. Lagi akong may tirang pagkain noong ako ay nasa Unang
Baitang.
Mga Katanungan sa Pagkatuto:
Isulat ang iyong mga sagot sa mga katanungan sa parehong papel
na ginamit upang sagutan ang naunang gawain.
1. Nasiyahan ka ba sa gawaing ito? Bakit o bakit hindi?
2. Pumili ng dalawang pahayag na nagsasabi ng mga pagbabago
sa iyo.
3. Pumili ng dalawang pahayag tungkol sa angkop at hindi
angkop na pag-uugali ng isang mag-aaral na nasa ikaapat na
baitang.
4. Bakit mo nasabi na ang mga ito ay angkop at hindi angkop
na pag-uugali?

Itanim Sa Isip

Mungkahing oras na nakalaan: 20 minuto


Pagbabago sa paglaki. Ito ay isang uri ng proseso ng pagbabago
sa isang tao habang siya ay lumalaki. Ang mga ito ay pagbabago
sa pisikal na anyo ng katawan, pagkatuto ng bagong kasanayan,
pagpapaunlad ng kakayahan, at pagtagumpay sa mga kahinaan,
at iba pa.
Kasanayan. Ito ay ang mga kakayahang gawin nang mahusay ang
isang bagay. Halimbawa nito ay ang pagbabasa, pakikipag-usap,
pagsusulat, pakikinig at paglutas ng mga Math problem.
Interes. Ito ay ang mga bagay na gusto mong taglayin, gawin o
matutuhan. Halimbawa nito ay ang pagtakbo, pagtatanim,
paglilinis, pagkain o paghuhugas.
Kalakasan. Ito ay ang mga magagandang katangian na mayroon
ka na maaari mong magamit sa isang sitwasyon. Halimbawa nito
ay ang pagiging matapat, pagiging maagap, malinis, masunurin,
marespeto at magandang boses sa pagkanta.
Kahinaan. Ito ay ang mga katangian na dapat mong
mapagtagumpayan. Halimbawa nito ay ang pagiging madaldal sa
klase, pagpasok nang huli sa klase, pagiging malungkutin,
mahiyahin, maiksi ang pasensya, at pabago-bago ang isip.
Tandaan na dapat sanayin ang sarili na magkaroon ng mabuti at
positibong pag-uugali sa pakikitungo sa iba upang magkaroon ng
mabuting relasyon sa mga ito. Kasama na rito ang pagkakaroon
ng wastong kaisipan, damdamin at paniniwala.
Angkop na gawi o pag-uugali. Ito ay ang tamang paraan kung
paano ka tumutugon sa isang sitwasyon.
Di-angkop na gawi o pag-uugali. Ito ay tumutukoy sa hindi tama
o maling pagtugon sa isang sitwasyon.
Halimbawa ng sitwasyon: Ang iyong kaklase ay nakakuha ng
pinakamataas na marka sa pagsusulit.
Angkop na Gawi o Di-Angkop na Gawi o
Pag-uugali Pag-uugali
Iniisip Nag-aral siya nang mabuti. Nandaya siya sa
pagsusulit.
Nararamdama Masaya ako para sa kanya. Naiinggit ako sa kanya
n
Paniniwala Siya ay matalino. Sinuswerte lamang
siya.
Pag-uugali Mag-aaral ako nang mabuti Iba-bash ko siya sa
gaya niya. facebook.

Kaya Mo Ito!

Mungkahing oras na nakalaan: 25 minuto


Ang Aking Planong Gawin
1. Gumamit ng isa pang papel.
2. Isipin mo ang isa sa iyong mga kahinaan at kung paano mo ito
tutugunan.
3. Planuhin ang iyong gagawin upang mapagtagumpayan ang iyong
kahinaan. Kailangan mong sundin ang template na nasa ibaba.
4. Isulat ang mga angkop na pag-uugali na dapat mayroon ka.
Mga Natutuhan Ko

Mungkahing oras na nakalaan: 25 minuto

Ito Ako
1. Subukan mong iguhit ang iyong sarili sa isang papel.
2. Sa ibaba ng iyong iginuhit, isulat mo ang mga pagbabago sa
iyong katawan, kakayahan at interes na masaya kang
nagkaroon.
3. Kulayan ang iyong iginuhit at ibahagi ang iyong ginawa sa
iyong mga magulang o tagapatnubay. Sabihin mo sa kanila
ang tungkol dito.

Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin

Mungkahing oras na nakalaan: 20 Minuto


Subukin mong alalahanin ang mga gawain na ginawa mo sa
modyul na ito. Pagkatapos, sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong. Isulat sa isang papel ang mga sagot.
1. Ano ang pinakapaborito mong bahagi o gawain sa modyul na
ito? Bakit?
2. Ano ang mga natutuhan mo na maari mong ipagmalaki?
3. Paano mo magagamit ang iyong mga kalakasan para
mapaunlad ang iyong kakayahan?
===================

Reference

Tomonari, Rachelle Feiler Dana. “Stages of Growth Child Development.”


StateUniversity.com Education Encyclopedia. Accessed August 25, 2020
https://education.stateuniversity.com/pages/1826/Child-Development-
StagesGrowth.html.

===================

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Office Address: Ground Floor, Bonifacio building, DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1074 o 634-1054; 631-4985
E-mail Address: [email protected] *[email protected]

You might also like