0% found this document useful (0 votes)
713 views27 pages

Esp6 - q2 - Mod6 - Pamamaraan NG Paggalang Sa Suhestiyon NG Iba

module 6

Uploaded by

Phenny Mendoza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
713 views27 pages

Esp6 - q2 - Mod6 - Pamamaraan NG Paggalang Sa Suhestiyon NG Iba

module 6

Uploaded by

Phenny Mendoza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 27

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Pamamaraan ng Paggalang sa
Suhestiyon ng Iba
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Rica E. Obispo


Co-Author - Content Editor : Cris V. Regala
Co-Author - Language Reviewer : Maria Fe B. Visda
Co-Author - Illustrator : Jeffrey R. Cordova
Co-Author - Layout Artist : Lanie D. Lalic

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Marlon D. Paguio
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Pamamaraan ng Paggalang sa
Suhestiyon ng Iba
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-


Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pamamaraan ng Paggalang sa Suhestiyon ng Iba!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
impormasyon tungkol sa pagbibigay ng
pamamaraan sa paggalang sa suhestiyon
ng iba. Unawaing mabuti ang aralin upang
masagutan ng maayos at tama ang mga
pagsasanay.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pamamaraan ng
Paggalang sa Suhestiyon ng Iba.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang mga hakbang na makatutulong sa iyo na


makapagbigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba. Marami tayong
hinaharap at pinagdadaanan sa araw-araw na pamumuhay. At sa bawat araw na ito
ay kailangan mo ng tulong ng iba, lalong-lalo na sa isang batang tulad mo na
limitado pa ang maaaring gawin upang makapagbigay ng wastong pamamaraan ng
paggalang sa suhestiyon. Sa paggawa mo ng isang wastong pamamaraan ng
paggalang sa suhestiyon ng iba ay mararanasan mo ang iba’t ibang reaksiyon ng
iyong kapwa ayon sa resulta nito. Minsan ay positibo o masaya, minsan din naman
ay negatibo o malungkot, nakaiinis o nakababahala. Nararapat na alam mo kung
sino ang dapat lapitan sa panahon na kailangan mo ang tulong, opinyon o ideya ng
iba upang makagawa ka ng wastong pamamaraan.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang tanong: Bakit


mahalagang makapagbigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba?

Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa (EsP6P-IId-i-31)

- Naibabahagi ang mga paraan ng pagiging responsable sa kapwa, at

- Nakapagbibigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba

Sa modyul na ito inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, pag-unawa at paglalapat.

Handa ka na ba? Tara na, simulan na natin ang pagtalakay sa aralin!

1
Subukin

Paano ka ba makapagbibigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba?


Nagpamalas ka na ba ng kahusayan sa ganitong sitwasyon?

Halina at subukin natin kung sapat na ang iyong kaalaman sa mga tatalakaying
aralin.

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

1. Nagalit si Mae nang hindi sinunod ng mga kagrupo niya ang kaniyang
suhestiyon.
2. Nagkaroon ng palitan ng ideya ang mga pamunuan ng barangay bago
nagsagawa ng wastong proyekto.
3. Nagtanong ng ilang suhestiyon si Linda mula sa mga nakatatanda sa kanilang
tahanan ukol sa kanyang gagawing proyekto.
4. Sumama ang loob ni Agnes nang hindi isinama ang kaniyang suhestiyon sa
gaganaping palaro sa paaralan.
5. Ang buong klase ay nagpulong at nagtulong-tulong upang makabuo ng
proyektong naaayon sa darating na pasko.
6. Hindi na nakisalamuha si Edna sa mga kaibigan na nagbigay puna sa
kaniyang suhestiyon.
7. Kasabay ng pagbibigay ko ng aking ideya ay ang malakas na tawanan at
bulungan ng aking mga kamag-aral.
8. Galit na galit si Ron nang mabatid na sinabi ni Ric sa mga kamag-aral na mali
ang kaniyang ideya.
9. Pinakinggang mabuti ng pangulo ng klase ang bawat suhestiyon ng mga
kamag-aral para sa darating na gawain sa klase ni Bb. Dizon.
10. Tinanggap nang maluwag sa kalooban ni Ben ang sinabi ng lider ng kanilang
grupo na hindi maisasama ang kaniyang suhestiyon para sa kanilang gawain.

Nasagutan mo ba nang tama ang unang pagsasanay? Mahusay! Dagdagan pa ang


iyong kaalaman. Ikaw ay magpapatuloy sa aralin.

2
Aralin
Pamamaraan ng Paggalang
1 sa Suhestiyon ng iba
Ano ang dapat mong gawin kapag nagbigay ng isang suhestiyon ang iba? Mahalaga
na maging modelo ka sa pagiging magalang sa suhestiyon ng iba, sapagkat ang
pagiging magalang sa suhestiyon ng iba ay nagpapakita rin ng pagbibigay respeto sa
kanilang opinyon. Sa araling ito ay mabibigyan ka ng sapat na kaalaman na sa
pamamagitan ng wastong pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba ay
magkakaroon ng maayos na samahan sa kapwa.

Ngunit bago tayo magpatuloy ay balikan natin ang nakaraang aralin.

Balikan

Meron o Wala. Pumili sa dalawa, kung ang pangungusap ay nagbibigay ng paggalang


sa suhestiyon ng kapwa, isulat ang salitang Meron sa iyong sagutang papel at
salitang Wala naman kung hindi nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng iba.

1. Kinontra ni Roy ang suhestiyon ko kaya nagalit ako at umalis ng walang


paalam.
2. Nagkaisa ang grupo ni Joan na gumawa nang tahimik sa loob ng klase upang
hindi maka-abala sa iba.
3. Nagngingitngit ang kalooban ni Jose nang hindi pinansin ang kaniyang
saloobin tungkol sa proyekto.
4. Tahimik na nakinig si Lala sa ideyang ibinahagi ni Lea.
5. Payapang natapos ang pulong dahil bawat isa ay taimtim na pinakinggan ang
bawat suhestiyon na makabubuti sa buong pamayanan.
6. Naglalaan ako ng oras upang makinig sa suhestiyon ng iba.
7. Pinipili ko lamang ang taong aking papakinggan para hindi ako masyadong
naaabala.
8. Nasisiyahan si Paula kapag humihingi ng payo sa kaniya ang kaniyang mga
kaibigan.
9. Taliwas sa opinyon ni Mario ang opinyon ni Lucas kaya nag-away silang
dalawa.
10. Tinanggap ni Lisa ang payo ni G. Cruz.

Kumusta ang naging talakayan sa nagdaang aralin? Sana ay nagustuhan mo ang


aralin na tinalakay.

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makapagbigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng
iba. Bilang guro, katungkulan mo na siguraduhin na
masusubaybayan ang mag-aaral sa kaniyang gawain sa tulong ng
mga nakatatandang kasama sa bahay, mga kamag-anak at
maging ng mga malalapit na kapitbahay.

Tuklasin

Magandang araw! Kumusta ka na? Nasasabik ka na bang magkaroon muli ng mga


gawain? Halika at simulan na natin.

Pagmasdan mong mabuti ang larawan sa ibaba. Ano ang iyong masasabi?

4
Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga nasa larawan?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Halina at basahin moa ng aking inihandang kuwento tungkol dito. Maaari mong
gawin ito sa harap ng kahit sinong miyembro ng iyong pamilya o kasama sa inyong
tahanan.

“Pagkakaisa Para sa Lahat”

Nagpatawag ng pulong si Gng. Mendez upang talakayin ang


pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.
Kabilang sa mga nakatatandang dumalo sa pulong ay si Mang Kanor.
Ang layo ng bawat dumalo ay isang metro ang pagitan sa bawat isa,
dahilan ito upang hindi maiwasan ang magpalitan ng kani-kaniyang
kuro-kuro, na naging sanhi ng ingay.
“Isang mapagpalang hapon po sa lahat”, wika ni Gng. Mendez.
“Ang pulong po ay naglalayong talakayin ang pamamaraan ng
pagkatuto ng ating mga mahal sa buhay sa pamamaraang hindi sila
mapapahamak lalo na ang kanilang kalusugan”, patuloy ng guro.

“Mga kasama, maaari tayong magbigay ng ating mga saloobin


upang ito ay mapag-usapan”, wika naman ni Mang Kanor. “Tayong
lahat ay naglalayong magkaroon ng mainam na solusyon para sa
ikabubuti ng lahat, kaya’t magbigayan tayo sa pagbabahagi ng
suhestiyon kung ano ang mapagkaisahan ay iyon ang ating susundin”.
“Tama po si Mang Kanor, magkaka-unawaan po tayo kung
bibigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa na magpahayag at
magsabi ng kani-kanilang opinyon. Alinman ang makabubuti ay siya
nating gagawin para masiguro natin ang kaligtasan ng bawat isa”, wika
ni Gng. Mendez.

Natapos ang pulong ng maayos at may pagkakaisa. Salamat


sa respeto at paggalang na ibinahagi ng lahat.

5
Naunawaan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Magkaroon tayo ng talakayan
tungkol dito. Sagutin mo ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang gurong nagpatawag ng pulong?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___

2. Tungkol saan ang ginanap na pulong?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Sino naman ang nakatatandang nagbigay ng suhestiyon sa grupo upang


lubos silang magka-unawaan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Naging maayos ba ang kinalabasan ng pulong?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Paano ipinakita ang pamamaraan ng paggalang ng bawat isa sa suhestiyon


ni Mang Kanor?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
Ang pagpapahayag ng saloobin ay isang pamamaraan upang magka-unawaan.
Dapat ipahayag ito sa mahinahon na pamamaraan. Kailangan ang bawat isa ay
marunong gumalang at rumespeto sa saloobin ng iba at maging bukas sa mga
suhestiyon. Pag-aralan ang mga ito upang magkaroon ng tama at nararapat na
aksiyon.

Ang lahat ay magkaka-unawaan kung may respeto at paggalang sa suhestiyon ng


kapwa. Ang pagkakaroon ng pagkakaunawaan ay nagpapakita ng pagmamahalan
na nagbibigay sa bawat isa ng maayos na samahan.

Nakapagpamalas ka na ba ng paggalang at respeto sa iyong kapwa at mga kaibigan?

Magaling kung ang iyong sagot ay oo, kung hindi naman, maaari mo ng simulan ang
pagbibigay paggalang at respeto sa suhestiyon ng iyong mga kaibigan at kapwa.

Naunawaan mo ba? Tara ipagpatuloy pa natin.

7
Suriin

Basahin mo at unawaing mabuti ang talata sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
kasunod nito.

Naatasan ang grupo nila Ruel na gumawa ng isang


proyekto na maaaring pagkakitaan. Ang kikitain sa
proyekto ay ilalaan para sa “Give a gift project” ng kanilang
klase sa darating na kapaskuhan. “Alam ko na”, wika ni
Ruel. “Gumawa tayo ng parol at ibenta natin sa mga
magulang natin”. “Tama!”, dagli namang wika ni Sonia,
“Maaari din tayong mag-alok sa mga kapitbahay natin,
malay natin mayroong bumili ng marami”. “Ano sa palagay
ninyo mga kasama?”, tanong muli ni Ruel sa mga kagrupo.
“Sang-ayon kami!”, sabay-sabay na wika ng lahat.

1. Sino ang lider sa talatang iyong binasa?


_______________________________________________________________________
2. Ano ang suliranin sa talata?
_______________________________________________________________________
3. Ano ang proyektong napagkaisahang gawin ng grupo?
_______________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, paano nagkaroon ng iisang proyekto ang grupo nila Ruel?
_______________________________________________________________________
5. Nagkaroon ka na rin ba ng parehong sitwasyon tulad nila?
_______________________________________________________________________

8
Sa bawat sitwasyon ay kailangan ng solusyon,
Pumili at igalang ang bawat suhestiyon
Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon,
Makinig, pag-aralang mabuti ang mainam na solusyon.

Pagyamanin

Unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat mo sa iyong sagutang


papel ang isinasaad ng bawat pangungusap.

1. Mahinahon ka ba sa pagtanggap ng mga suhestiyong ibinibigay sa iyo?


Gumuhit ng hugis puso at isulat sa loob ng puso ang iyong sagot.

2. Nakikinig ka bang mabuti sa suhestiyon ng iba? Isulat ang iyong sagot sa


ilalim ng isang kahon.

3. Iginagalang mo ba ang ideya na ibinibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan?

4. Sa pagkakataong hindi sinang-ayunan ang iyong opinyon, inirerespeto mo ba


ito? Bakit?

5. Sino ang iyong nilalapitan kapag kailangan mong mamili sa iba’t ibang
suhestiyon? Isulat ang iyong sagot at guhitan ng puso ang tabi nito.

9
6. Pinakinggang mabuti ni Rodel ang ibinigay na payo ng kaniyang ate. Tama ba
ang ginawa ni Rodel?

7. Magalang na tinanggihan ni Luisa ang suhestiyon ni Anna para sa nalalapit


na paligsahan? Kung tama isulat ang Tumpak, kung mali isulat ang Ligwak.

8. Naging mahinahon sa pagsagot si Joyce nang lapitan siya ng galit na galit na


matanda sa pag-aakalang siya ang nakasira ng payong nito. Tama o Mali.

9. Padabog na iniwan ni Joan ang mga kaklase nang hindi isinama ang kaniyang
suhestiyon sa kanilang gawain. Ipagpatuloy kung tama o Huwag ng ulitin kung
mali.

10. Bagsak ang balikat ni Ron nang lumabas sa silid dahil hindi sinang-ayunan
ng guro ang kaniyang suhestiyon. Paano mo ipaliliwanag kay Ron ang sitwasyon
upang hindi na siya magtampo?

Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagsasanay.

10
Isaisip

Lagi mong tatandaan.

• Ang pagkakaroon ng bukas na


isipan sa opinyon ng ating kapwa ay nag-
papahiwatig ng ating paggalang sa kanila.

• Kung may pagkakataon na hindi mo


nagustuhan ang ibinigay na suhestiyon,
ugaliin ang pagiging mahinahon at isaalang-
alang ang damdamin ng taong nagbigay nito.

• Iwasan ang makasakit ng damdamin


ng iba.

• Tanggapin ang suhestiyon ng iba kung


Ito ay mas makabubuti para sa nakararami.

• Hingin ang saloobin ng lahat at


timbangin.

11
Isagawa

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
iyong sagot.

1. Nagkamali sa paggawa ng report si Juana, humingi siya ng paumanhin sa


klase at nagsabing pagbubutihin niya sa susunod.
a. Pagtatawanan si Juana dahil nagkamali siya.
b. Bibigyan ng pagkakataon si Juana na makabawi sa mga susunod na
Gawain.
c. Iiwasan at hindi na papansinin si Juana.

2. Nagkaisa ang klase ni Bb. Reyes na maghanda ng natatanging bilang para sa


darating na Araw ng mga Guro, taliwas ito sa suhestiyon mo.
a. Huwag na lamang dumalo.
b. Magalit sa mga kamag-aral.
c. Igalang ang napagkasunduan ng lahat.

3. Maganda ang ibinigay na suhestiyon ni Elsa ngunit mas pakikinabangan ng


nakararami ang suhestiyon ni Lina. Ano ang gagawin mo bilang pangulo ng
inyong klase?
a. Kakausapin ko si Elsa na dapat isaalang-alang ang nakararami.
b. Hahayaan ko na lang magalit si Lina kasi maganda ang suhestiyon ni Elsa.
c. Ipipilit ko ang suhestiyon ni Elsa, ako naman ang pangulo.

4. Mahilig si Anjo sa ulam na karne, ngunit lagi naman niluluto ng nakatatanda


niyang kasama sa bahay ay gulay dahil bukod sa mas mura ang gulay ay
maganda pa ito sa katawan.
a. Dapat magalit si Anjo.
b. Dapat ay unawain ni Anjo na ang gulay ay nakapagpapalusog ng katawan.
c. Dapat lumayas si Anjo at tumira na lamang sa kaibigan na laging karne
ang ulam.

5. Kinausap ng nakatatandang kasama sa bahay ang magkaibigan na nag-away.


Inalam niya ang naging sanhi ng kanilang alitan at saka niya sila pinayuhan.
a. Tama
b. Mali
c. Hindi ko alam kung tama o mali.

12
6. Ginawa kang lider ng inyong grupo. Nagkaroon ng suliranin ang isa mong
kagrupo. Ano ang gagawin mo?
a. Aalamin ko ang dahilan at tutulungan ang aking kagrupo upang bigyan
ito ng solusyon.
b. Bibigyan ko siya ng kendi para hindi na siya malungkot.
c. Aalisin ko na siya sa grupo para mawalan na ng suliranin ang grupo
namin.

7. Araw ng pagsusulit ngayon, nagkaisa ang mga kamag-aral mo na


magkopyahan upang ang lahat ay matanggap ng mataas na marka. Ano ang
nararapat mong gawin?
a. Makikiisa dahil ito ang pasya ng nakararami.
b. Hindi sasang-ayon dahil ito ay maling gawain.
c. Magsasawalang-kibo na lamang upang hindi mapag-initan.

8. Magkakaroon ng Lakbay Aral ang inyong paaralan. Medyo mahal ang bayad
kaya isa lamang ang maaaring sumama sa inyo ng iyong kuya Ben. Ang iyong
kuya Ben ay nasa Ikaanim na baitang na kaya nagpasiya ang inyong mga
nakatatandang kasama sa bahay na siya muna ang pasamahin at ikaw ay sa
susunod na taon naman. Ano ang gagawin mo?
a. Magtatampo ako at maglalayas
b. Iiyak ako ng iiyak hanggang sa mapapayag ko sila na pasamahin ako.
c. Igagalang ko ang desisyon nila at sa susunod na lang sasama sa Lakbay
Aral.

9. Sumunod ka sa pasiya ng inyong grupo pero nakasimangot ka.


a. Tama
b. Mali
c. Walang pagpipilian

10. Masayang natapos ang paligsahan. Napagkaisahan ng grupo nila Julio na


kumain sa labas ngunit hindi siya nakapagpaalam sa kanilang bahay. Ano
ang nararapat na gawin ni Julio?
a. Sasama sa grupo kahit hindi nakapagpaalam
b. Sasabihin sa mga kasama na magpapaalam muna sa bahay.
c. Hindi na magdadalawang –isip pa at sasama sa grupo.

Magaling! Halika sagutin mo naman ngayon ang susunod na pagsasanay.

13
Tayahin

A. Punan ng wastong salita ang bawat salungguhit. Piliin ang iyong


sagot sa ibaba.
1. Ang pagiging bukas ang isip ay makatutulong sa isang
____________________________________.

2. _____________ mabuti ang bawat suhestiyon kung ito ba ay


makabubuti o makasasama.

3. ______________ ang puna ng iba lalo na kung ito ay makabubuti sa


nakararami.

4. Maging _____________ sa lahat ng pagkakataon upang makapag-isip


ng maayos.

5. Iwasang magbigay ng mungkahi na makasasakit sa ______________


ng iba.

6. Igalang o _______________ ang suhestiyon ng iba.

7. Hingin ang gabay o payo ng ______________ upang maging mas


malinaw ang gagawing konklusyon.

8. _________________ ng maluwag sa kalooban ang suhestiyon ng iba.

9. Huwag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda kung


mayroong __________________ nagawa ang kapwa.

10.Magkakaiba man tayo ng paniniwala, laging piliin ang pagtanggap


sa ________________ at ikabubuti ng nakararami.

14
pagkakamaling
nakatatanda

mahinahon kagustuhan

damdamin Timbanging

Tanggapin irespeto

bukas na
Igalang
komunikasyon

15
B. Sumulat ng limang (5) pamamaraan upang maipakita ang wastong paggalang
sa suhestiyon ng iba.

1.

2.

3.

4.

5.

16
Karagdagang Gawain

A. Ngayon naman para sa iyong susunod na gawain, sumulat ng isang slogan


tungkol sa pamamaraan kung paano mo igagalang ang suhestiyon ng iba.

Halimbawa:

Suhestiyon ng iba ay igalang natin,

Ating samahan ay patuloy na patatagin.

17
B. Gumuhit ng hugis puso sa iyong sagutang papel at isulat sa loob ang
pangungusap na nasa ibaba.

Suhestiyon Mo,
Igagalang Ko!

18
19
Pagyamanin:
1. Depende sa
Tayahin: sagot ng bata
2. Depende sa
A.
1. bukas na sagot ng bata
komunikasyon 3. Depende sa
2. Timbanging Isagawa: sagot ng bata
3. Igalang 4. Depende sa
1. a sagot ng bata
4. mahinahon
5. damdamin 2. c 5. Depende sa
6. irespeto 3. a sagot ng bata
Karagdagang 4. b
7. nakatatanda 6. Depende sa
Gawain 5. a
8. Tanggapin sagot ng bata
-depende sa sagot 9. Pagkakamaling 6. a 7. Depende sa
ng bata 10. Kagustuhan 7. b sagot ng bata
B. –depende sa 8. c 8. Depende sa
sagot ng bata 9. b sagot ng bata
10. b 9. Depende sa
sagot ng bata
10. Depende sa
Suriin: sagot ng bata
Tuklasin:
1. Si Ruel
1. Gng. Mendez Balikan:
2. Depende sa Subukin:
2. Depende sa
sagot ng bata 1. Wala
sagot ng bata 1. Mali
3. parol 2. Meron
4. Depende sa 3. Mang Kanor 2. Tama
3. Wala
sagot ng bata 4. Depende sa 3. Tama
4. Meron
5. Depende sa sagot ng bata 5. Meron 4. Mali
sagot ng bata 5. Depende sa 6. Meron 5. Tama
sagot ng bata 7. Wala 6. Mali
8. Meron 7. Mali
9. Wala 8. Mali
10. Meron 9. Tama
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon. Quezon City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf.

ESP 6 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st ed.


https://drive.google.com/file/d/16guz__kV4NV-BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.


Ebook.
https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDevelopers/permalink
/1449809441876507/.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like