0% found this document useful (0 votes)
71 views3 pages

FILIPINO 112-LAS No.7

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng iba't ibang uri at konsepto ng panitikan. Binigyang diin nito ang mga konseptong pampanitikan, ang mga kalagayan na nakakaapekto sa panitikan, ang dalawang pangunahing anyo nito na patula at tuluyan, at ang iba't ibang uri ng bawat anyo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
71 views3 pages

FILIPINO 112-LAS No.7

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng iba't ibang uri at konsepto ng panitikan. Binigyang diin nito ang mga konseptong pampanitikan, ang mga kalagayan na nakakaapekto sa panitikan, ang dalawang pangunahing anyo nito na patula at tuluyan, at ang iba't ibang uri ng bawat anyo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3

JOEL V.

SEVIAL
Filipino Teacher
+639122964177 / [email protected]

LEARNING ACTIVITY # 7
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE&YEAR:__________________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: ________FILIPINO 112___ _______________________ COLLEGE DEPARTMENT

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Skill Demonstration /  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
Exercise / Drill ___________________

PAMAGAT: Diskurso sa Panitikan


LAYUNIN: Matukoy ang mga konseptong pampanitikan
SANGGUNIAN: Sauco, C., Papa., N. & Sta. Ana, N. Panitikang Pilipino

TALA SA KAHON

Ang PANITIKANG FILIPINO ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino


tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

NILALAMAN:
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang
kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o
letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito
nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay
literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN
1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Politika
5. Relihiyon at Edukasyon

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


1. Patula - masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat
at tugma o malayang taludturan.

2. Tuluyan - gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na


pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

MGA URI NG PATULA


1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin - Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito
ng marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng may-akda.
Hal.: Dalit - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay, Ito ay isang uri ng panaghoy
o panangis,
Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao.
Awit - ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.

2. Tulang Pasalaysay - Ito ay tulang may kuwento at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.
JOEL V. SEVIAL
Filipino Teacher
+639122964177 / [email protected]

Hal.: Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga


kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani-paniwala.
Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao
sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may
labindalawang pantig samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.
Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw

3. Tulang Patnigan – pagtatalo sa pagitan ng dalawang panig sa paraang patula.


Hal.: Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran
ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.
Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa
namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
Balagtasan - isapang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula,

4. Tulang Pandulaan - Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.

MGA URI NG TULUYAN


1. Maikling Kuwento - Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa
buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

2. Talambuhay - Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang
tao na isinulat ng iba.

Mga Uri ng Talambuhay


A. Maikli — pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa
lahat ng gagamiting mga pangyayari.
B. Mahaba — lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito ay nagsisimula sa
kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging
hanggang sa kanyang pagpanaw.

3. Dula - Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na
ginaganap sa isang tanghalan.

4. SANAYSAY - Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil


sa anumang paksa.

Mga Uri ng Sanaysay


A. Pormal o maanyo - seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at
lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at
ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.
B. Impormal o personal - nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso
ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na pakikipag-usap lamang ng awtor
sa mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.

Iba pang halimbawa:


5. Editoryal
6. Nobela
7. Dagli
8. Papel Pananaliksik

PAALALA: Isulat lang ang LAS na ito.


JOEL V. SEVIAL
Filipino Teacher
+639122964177 / [email protected]

You might also like