100% found this document useful (2 votes)
1K views363 pages

Island Trap-WPS Office

A novel by Ventrecanard.

Uploaded by

Rodel Montes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
1K views363 pages

Island Trap-WPS Office

A novel by Ventrecanard.

Uploaded by

Rodel Montes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 363

Island Trap

Chapter 1 -

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the
products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons,
living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or
mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system,
without written permission from the author.

Plagiarism is a crime

This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and
whatsoever errors. If you're looking for a perfect story, don't continue reading this. Thanks!

Hi! Salamat po sa mga votes at comments. But please, kahit wag na lang po magcomment kung about sa
ibang story at ibang character ang sasabihin nyo. Just be a silent reader :) Highly appreciated.

Nagsulat po ako ng story na walang binabastos na reader, please do the same. Magbasa po tayo na
walang binabastos na author. Maraming salamat po! Happy reading!

Nagmu-mute po ako ng readers.


There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk.

Chapter 2 - Prologue

Prologue

The people behind the camera couldn't help but gape with their mouths hanging open, some of them
left their chairs with their eyes fixed on me, and others tried to stop themselves from clapping their
hands.

The intense spotlight was beaming. The artificial rain continued to pour, the hustle of the wind with the
leaves lingered, and my hair dripping wet moves with my emotion.

I kneeled under the rain with my clasped hands on my chests.

"All I want is someone who would appreciate me for who I am. Someone that would love me
wholeheartedly..." I begged the rain.

When I lost my balance, I used both of my hands to support myself from the tragic fall. Nakatungo na
ako at hindi na makatitig sa madilim na kalangitan na sinasabayan ng pagpipighati ko.

Ano ang kulang sa akin? Everyone calls me pretty, intelligent, lucky, and very successful, but why
couldn't you give me one that will appreciate me beyond those qualities?

Isang lalaking mamahalin ako hindi lamang sa pagiging babaeng hinahangaan ng lahat.
"Lalaking pakikinggan ako kahit hindi na niya ako maintindihan... lalaking tatanggapin ang lahat sa akin.
Bakit hindi iyon ang ibigay mo sa akin? Why are you giving me trashes!?"

Until I finally lost the last thread of my strength. I fell on the grown, still with the pouring cold rain.
Humalo ang luha ko sa walang tigil na buhos ng ulan.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng tubig, hinayaan kong gumawa ng guhit ang aking kanang braso na
parang may magagawa iyon para marinig ako ng tadhana.

"Someone that would listen... someone that would love me..."

Nang mas humagulhol ako, isang malakas na boses ang nakapagpatigil sa akin.

"CUT!"

Malakas na palakpakan ang sumalubong sa akin. Agad na may tumakbong crew sa akin para tulungan
akong makabangon.

A pink towel covered my whole body as I elegantly waved my long hair. Mas malakas at mabagal na
palakpak ang narinig ko. It was from our director.

"Ano nga ba ang aasahan natin sa isa pinakasikat na artista ngayon?" mas tumaas ang aking noo.

"Sidra Everleigh Rosilla!"

"Thanks, direk..."
Nais pa sana ni direk pahabain ang usapan ngunit gumawa na ako ng alibi. I badly want rest for now.
Hindi na rin ako nagtagal sa set at nagpasunod na ako sa driver ko.

That performance? Of course, it will always be effective. Lalo na't may pagkakapareho kami ng bida.

Yes, sa mundo ng showbiz kilala ang pangalan ko, pero mas kilala pa rin iyong may ka-love team. Walang
lalaking mag-click sa akin. I had one before, but because of a damn issue, napasama ako at nawala iyong
bango ng tambalan namin. Pity.

I tried to look so in love with him... but you couldn't just fool the world with your deceiving eyes. Iba ang
pag-arte at iba ang pagmamahal. I can't have that yet. Career is what I love the most.

At kung may totoong may magmamahal sa akin. I want him to love me for whole I am as a whole... at
hindi itong pangalan at imahe kong hinahangad ng nakararami.

He'll always listen to me... listen... listen...and then love.

Napatingin akong muli sa labas ng bintana ng sasakyan. "Wow..."

Is that a shooting star? Napataas ang kilay ko. I guess you heard my wish, then.

But that night... I didn't expect that it would start something new in my life, thrilling, funny, and... yes...
adventures.

The night, a shooting star, a wish, an invitation... a party, and then an accident.

I woke up with the sun blasting on my beautiful face, white sand as my bed, sea waves as my alarm
clock, wind whistling, and a human body sitting beside me.
Agad akong napabangon at pilit umatras papalayo sa kanya. He lazily turned his eyes on me but seems
like he immediately lost his interest and went back on sea sighting again.

"H-How dare you!?"

He's unresponsive.

"Where are we? How about the others? Did you save me?"

Lumingon lang siya sa akin, pero ibinalik niya muli ang mata niya sa dagat.

"Can't you fucking talk?!"

Muli siyang lumingon. "No... talk." Umiling siya.

"W-What?"

Hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin ang pangyayari at kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Of
course, he wouldn't understand me!

He's a Japanese!

Napatingin ako sa kalangitan at pinagdaop ko ang aking mga kamay.


"Binabawi ko na! What I mean is... he will listen to me... kahit hindi niya ako naiintindihan is... he'll have
a long patience! Even if I'll become irrational, he'll listen to me because he loves me! Hindi po literal na
makikinig sa akin at hindi ako maiintindihan! Oh no!"

Nang lumingon ako sa lalaki nakikinig nga lang siya sa akin at nasisiguro kong hindi niya ako
naiintindihan. "Oh, my goodness!" itinuro ko siya habang nakatingin ako sa langit. "Wrong wish! Hindi
kami magkakaintindihan nito!"

Napahilamos na ako sa aking sarili. "I should be careful with my wish from now on..."

Muli ko siyang sinulyapan. Prente siyang nakaupo sa buhangin at nang nagtama ang tingin namin siya
ang unang nag-iwas. Pero narinig kong nagsalita siya.

"Kureiji..."

Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 1

Fall

"Come on, Eve, you need a break. This is just once in a lifetime!" Akio repeated for the nth time. I tried
to reject him the first time that he invited me, but he's too persistent!

Ano ba ang gagawin ko sa party na iyon? Some of them didn't even know me. Lalo na't puro mga hapon
ang mga guests doon.

I waved my hand in dismissal before I hold my straw and sipped my strawberry shake. Mabuti sana kung
may malalandi akong sikat na lalaki roon na mas magpapabango ng pangalan ko sa industriya ng
showbiz, pero nasisiguro ko na puro matatandang businessman lang ang makikita ko.
Baka matipuhan pa nila ako. Like duh?

"Sidra Everleigh, please? Kahit ngayon lang. I don't have someone with me." My brows creased.

"Bakit kailangan ba ay may muse ka? Hindi ba't business event naman iyon?" Ang kulit talaga nitong si
Akio.

"Please, Everleigh. Tell me how will I convince you." Biglang natigil ang dapat kong paghigop nang
marinig iyon.

He sighed in defeat. "Damn it. Hindi ka talaga makuha ng libre, noh? Kahit pinsan may bayad."

"Of course, Akio." Tinapik ko ang pisngi niya. "Bawasan naman natin iyang yaman mo."

"Look who's talking!"

At a very young age, he already made his name in the business world. He's one of the best assets of their
company, that's why in every big event his presence is needed. I couldn't help but be proud of him.
Parang dati ay sabay lang kaming pumasok noong highschool, madalas niya akong pakupyahin kapag
may assignment sa math at lagi naman siyang nagpapagawa sa akin ng essay. Give and take, ganoon
talaga kaming magpinsan.

I am just wondering... bakit kaya wala pa akong nababalitaan girlfriend nito? Hindi ko naman maamoy
na bakla siya.

"Tell me what do you want."


"Just a designer bag. I'll send you the picture." Umawang ang bibig niya sa sinabi ko.

"Kahit kailan talaga, Everleigh!"

I shrugged. "Mahal ang talent fee ko."

Nang mag-send na ako sa kanya ng picture ng bag na gusto ko, napatitig siya ng ilang minuto roon na
parang nag-aalinlangan pa siya kung isasama niya pa ba ako o hindi.

"Well?"

"I'll send this right after the party."

Ngumisi ako sa kanya. I leaned across the table and kissed his right cheek. "Best cousin ever."

He rolled his eyes. Ipinaliwanag na niya sa akin kung kailan ang party, hindi na rin naman ako nagtaka
kung bakit sa ilang palit ni Akio ng trabaho ay puro Japanese company ang napapasukan.

He told me that he preferred Japanese companies, dahil bukod sa kalahi niya (Filipino-Japanese), gusto
niya rin ang magandang pamamalakad at sistema ng mga iyon. I just nodded at him. Wala rin naman ako
masasabi.

"Pwede ba akong lumandi roon kapag may gwapo?"

"Kaya ka naba-bash ng mga tao, Eve! Stop that!"

I playfully laughed. "That will be so boring! Wala talagang kasing-edad natin doon?"
Mas nanliit ang chinitong mata ng pinsan ko. "Eve, umayos ka."

"Alright. Pero kapag may nakita talaga ako gwapo roon..."

"Crazy girl. You can't flirt with them. Hindi sila masyadong marunong mag-english. Hindi ka nila
maiintindihan."

"Huh? It's business world. Hindi ba iyon requirement?"

Napailing siya sa akin. "Marami ka pang hindi nalalaman sa mundo, Eve. Just do what I say and don't
create a scene, alright?"

Tuluyan ko nang inubos iyong strawberry shake. "Alright, Daddy."

**

Nang sandaling lumabas ako ng mansion, una kong nakita si Akio na nakasuot ng tux. Looking hot,
cousin, huh?

Hindi rin nagtagal ay naagaw ko rin ang pansin ng pinsan ko na nakasandal sa kanyang mamahaling
sasakyan habang nakatungo sa kanyang phone.

Halos lumuwa ang mata niya nang tuluyang tumambad ang kabuuan ko sa kanya at ilang beses pa siyang
naubo.

"Holy fucking shit, Sidra Everleigh! Pagpipiyestahan ka ng mga hapon sa suot mong iyan!"
I grinned. "Hindi naman masyado... ang kapal nga ng tela nito. Feeling ko maiinitan ako rito..."

Mas lalong naglaki iyong maliit niyang mata. "Change it."

"Kapag pinabalik mo ako sa loob, hindi na ako sasama sa 'yo." Halos sabunutan ni Akio ang kanyang
sarili.

"Eve! Can't you see yourself?"

"Yes. I looked in front of the mirror. Dalagang Pilipina."

I am just wearing a gold v-neck silk slip dress, paired it with a gold necklace with a pendant reaching my
exposed cleavage, a bangle earring, a fur scarf, golden pouch and my long red nails. Hinayaan ko rin
nakalugay ang mahaba kong buhok.

Dahil kailanman ay hindi nanalo sa akin si Akio, wala siyang ibang nagawa kundi mas ipulupot sa akin
iyong maliit na fur scarf na dala ko.

"Just don't remove that."

"Yes, Daddy."

Nang sandaling makababa na kami mula sa sasakyan niya, hindi ko na nabilang ang wow na nasabi ko.
Because my damn cousin just board me on a private jet!

What the hell? Kaya ba desperado siya talaga isama ako? Pang malakasang party ba talaga ang
pupuntahan namin?
Ilang hapon lang iyong nakausap namin dahil may sinusunod yata silang oras, nag-usap naman sila ng
pinsan ko pero hindi ko naman nasundan dahil ibang lengguwahe.

"Kirei ne..." ani ng isang hapon nang sumulyap sa akin.

"Watashi no Jumei..." sagot ni Akio na may kasamang pag ngiti.

"Tumango ka, Eve." Bulong niya sa akin.

"Makikita boobs ko."

"Tango lang, 'wag yuko."

"Ayoko. Ano ba sinasabi mo?"

Halos lumabas iyong ugat ni Akio sa noo niya kahit nakangiti siya roon sa hapon. Sa huli nagpaalam na
rin yata sa amin ang hapon at naiwan kami ni Akio.

He irritatingly glared at me. "That's an action of politeness, idiot."

Halos dalawang oras lang iyong naging biyahe namin sa ere dahil sa bilis ng private jet. Inalalayan ako ni
Akio sa pagbaba at marami nang sasakyan iyong nakaabang sa amin.

"Sobrang VIP mo naman pala. Should I double the bag, then? Isang beses ko pa lang nasuot ang damit na
'to."
"Shut up, Rosilla."

Nang makasakay na kami sa itim na sasakyan, abala na iyong pinsan ko sa pagkausap sa hapon sa
kabilang linya ng kanyang phone. Nasa Japan na ba talaga kami?

That fast! Akala ko ay sa loob lang ng Pilipinas ang party, hindi ko akalain na ilalabas niya ako ng bansa! I
just thought that we'll be encountering Japanese!

Akala ko ay wala na akong ihahanga pa sa pinsan ko. How great are you, Akio?

Kung sabagay, simula pa lang ng mga bata pa kami ay nakikita na ang abilidad at kasipagan sa kanya. If
he's a true genius, well, I am a certified maarte, kaya nga ito ang pinasok ko, showbiz.

Kalahating oras lang yata ang naging biyahe namin bago ako nagsimulang makarinig ng malakas na alon
ng dagat.

"Where are we, Akio?"

"Japan."

I rolled my eyes. "I mean which part?"

Hindi na ako sinagot ng pinsan ko dahil ay tumawag na naman sa kanya. Nauna siyang lumabas ng
sasakyan, pero kahit abala siya ay hindi niya pa rin nakalimutan ilahad ang kamay sa akin.

See? Who's the gentleman here?


Kukulitin ko pa sana siya nang sinalubong ako ng napakaganda at eleganteng cruise ship na akala ko ay
makikita ko lang sa mga litrato. Of course, being one of the successful actresses in showbiz industry
would give you a lot of privileges in life. I can travel, buy everything I wanted, amazing invitations, fame,
and beauty.

Nakasakay na rin naman ako sa isang cruise ship noon, but this one is awesomely amazing!

"J-Just what are you?"

Mas tumaas ang kilay ng pinsan ko. "Just a half Filipino-Japanese boy."

Ngumuso ako at kinurot siya sa braso. "Ang hot!"

"Of course! Now, let's go, my lady."

Inilahad niya ang kanyang braso sa akin na agad kong tinanggap. Pagpasok pa lang namin magpinsan,
halos umagaw na kami ng atensyon. We've been partners since we were kids, ilang beses na rin kaming
na-invite nung college sa mga fashion show. Hindi naman gusto ni Akio, but he can't say no to me, kaya
wala siyang napapagpilian hanggang sa nasanay na rin siyang sumabay sa mga entrada ko.

Hindi iilang beses na na-issue rin kaming magpinsan dahil sa sobrang closeness namin, pero tinatawanan
lamang namin iyon.

"I love you, Eve, but you're not my type. Hindi ako maghahanap ng babaeng katulad mo. Sobrang
gastos."

"Me too. I will not ask cupid to find someone like you! Like duh? Kuripot talaga kayong mga hapon,
noh?"
"Chinese. Not us."

Iyon lagi ang batuhan ng salita naming magpinsan. Hindi pa man nagtatagal ng ilang minuto ang
pagpasok namin ni Akio, sinalubong na kami ng mga hapon.

Nag-fliptop-an na sila ng pinsan ko. Gusto ko nang hawakan iyong ilong ko, parang dudugo na yata.
Nagkunwari na lang ako nakikinig, pangiti-ngiti kahit wala akong naiintindihan, at least, maganda naman
ako.

I was about to appreciate the beauty of the cruise ship, from the small details until to the biggest when I
felt the nature's whisper. I need to empty my damn bladder.

Marahan akong humilig kay Akio. "I need to pee, Daddy." Saglit siyang lumingon sa akin na may
nakakunot na noo.

"Akio..."

Iyong pilit niyang ngiti sa harap ng hapon ay unti-unting nawawala. "Tiisin mo muna, may kausap pa
ako."

"Tell me where, you idiot."

"I'll come with you."

"Y-You what—?"

Hindi niya na ako muling sinagot at pinagpatuloy niya iyong pakikipag fliptop-an sa mga hapon. Iritado
akong napapadyak sa ilalim ng lamesa at wala sa sarili akong lumingon sa paligid.
Mabuti sana kung may gwapo akong nakikita. But Akio is the handsomest guy in here! Wala man lang
akong nakikita na magpapaganda ng gabi ko. Hindi talaga masyadong maganda ang lahi ng mga hapon.
Puro payat pa, wala bang hot man lang dito?

I tugged Akio's tux. "Akio..."

"Sumimasen!" inangat ni Akio ang kamay niya sa ere. Nang gawin niya iyon ay may lumapit na crew sa
kanya.

Nagfliptop-an na naman sila. Ilang beses tumango si Akio sa kanya bago siya lumingon sa akin.
"Arigatou."

"Walk straight, then left, after that left again."

"Ang daming kaliwa..."

"Bilisan mo."

"Alright, Daddy."

"Excuse me, gentlemen." Sabi ko na may kasamang tipid na pagyuko. Maybe Akio translated my words
because the Japanese responded at me.

Ako na yata ang pinakamagandang babaeng pupunta sa comfort room. I walked like a fashion model on
her most awaited ramp event. Isang beses ko pang hinawi ang buhok ko habang mas nabibigyan ng
pansin ang magandang hubog ng katawan ko sa bawat hakbang ko.
Hindi iilang mata ang nagdalawang tingin sa akin, ang iba pa nga ay nakasunod pa ang tingin sa akin,
kaya mas binagalan ko ang paglalakad kahit ihing-ihi na ako.

Of course, minsan lang sila makakita ng magandang babaeng katulad ko. Ipagkakait ko pa ba iyon sa
kanila?

Bago ako makarating doon sa lilikuan ko, may nakita na rin ako sa wakas na mga hapon na mukhang
hindi nalalayo sa edad ko. They are five, I think. Puro payat, ano ba iyon? Ano ba ang kinakain ng mga
hapon dito?

Napansin ko na patuloy ang pagsuko ng naka-gray na tux doon sa lalaking nakatalikod at nakayuko, ilang
beses pa nga niyang tinabig ang kamay na parang ayaw maabala.

Mr. Tamaguchi o kung sino ka man, you will miss the most amazing part of your life. Pero dahil mukhang
good ang friendship niya, hindi siya tumigil sa pagkulit doon sa hapon na nakatalikod. Kaya sapilitan na
niya iyong pinaharap sa direksyon ko.

Our eyes suddenly locked. I arched my brows at him, feeling so proud and beautiful. Isa na namang
hapon na nabigyan ng pagkakataong makasaksi ng totoong kagandahan.

Akala ko ay ako ang unang mag-iiwas ng mga mata sa kanya, ngunit mas mabilis siya. Inasahan kong
matutulala rin siya o kaya'y hahabol ng tingin sa akin, but he's too emotionless! Tinabig niya lamang
iyong kamay ng kasama niya at muli siyang tumungo at ano ba ang ginagawa ng gagong iyon?

"Wow!"

Nang makarating ako sa comfort room parang nawala iyong ihi ko dahil sa pagkahiya. "Ang kapal mo
naman, Mr. Tamaguchi!"

I tilted my face, and looked for a flaw. Wala naman. "Bulag ba ang gagong iyon?!"
Pero nawala rin iyong galit ko nang palitan ko iyon ng ngisi. Ilang beses akong napatango-tango. Maybe
that is his way to catch my attention, huh?

Pa hard to get, 'di naman ka-gwapuhan!

When I exited the comfort room, isa lang ang nasa isip ko. Ang magpapansin kay Mr. Tamaguchi. Luckily,
he's already away from his last spot.

Nasaan na kaya iyon?

Sinulyapan ko ang pinsan ko, abala pa rin naman siya roon sa mga hapon niyang kausap, kaya inabala ko
muna ang sarili ko sa paghahanap kay Tamaguchi. Hindi ko alam kung may koneksyon na ba agad
kaming dalawa, dahil mabilis ko siyang nahapan.

He's there. Nasa dulong parte ng deck, nakasandal sa railing habang nakayuko sa phone niya. Napangiwi
ako. Is he playing? Ilang taon na ba iyan? Baka teenager pa 'tong target ko.

Well? Come to Mommy Eve, then.

Mas ginandahan ko iyong lakad ko patungo sa kanya, mukhang matalas naman ang pakiramdam niya
dahil nag-angat siya ng tingin sa akin. He looked at me again, just a second. Uninterested.

"Wow!" I said, offended for the second time.

Magsasalita pa sana ako nang biglang lumakas ang alon, dahilan kung bakit saglit na napatagilid iyong
cruise ship. Dahil sa pagkabigla ko, hindi ko na nasuportahan ang sarili ko at natumba ako sa harapan
niya.
"Ouch!"

Natigil sa pagpindot iyong si Tamaguchi at nang nag-angat akong muli ng tingin sa kanya, mabilis siyang
nag-iwas.

"Are you going to help me here?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, ibinulsa niya ang phone niya at nagmadali siyang iwan ako.

"What the hell?!" sigaw ko.

Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 2

Single

Umuusok ang maganda at matangos kong ilong nang bumalik ako sa tabi ni Akio. I elegantly crossed my
sexy, white, and flawless legs as I crossed my arms irritably, that gesture pushed my boobs upward that
made me look more seductive even with my creased brows.

Yes. I know. Ako na ang pinakamagandang babae nakakunot ang noo habang nakakrus ang braso. Tang
ina ng hapon na iyon. Nasaan ba iyon? Gago siya!

Pansin ko na natigilan ang fliptop-an sa paligid ng lamesa kaya naagaw rin ang atensyon ko. Nakataas
ang kilay ko at isa-isa kong pinagmasdan ang mga hapon na ngayon ay nakatingin sa akin.

"What's wrong?" humarap ako kay Akio na kunot na kunot ang noo.
"Ayusin mo ang pag-upo mo, hija."

I rolled my eyes. "Alright, Daddy."

Nagpatuloy ang pag-uusap nila, pero paminsan ay inilalapit ni Akio ang kanyang sarili sa akin para
bumulong. "Ang tagal mo. Naligaw ka ba?"

"I saw someone."

"Come on. Hindi kayo magkakaintindihan..."

"I don't care."

I tried to look around to find Mr. Tamaguchi, and my blood boiled in instant when I saw him on his
phone again. Busy. Nakatungo na naman. Bakit umattend pa rito ang gagong iyon kung puro phone ang
atupag?

"Him."

"Who?"

I pointed Mr. Tamaguchi using my lips. "Who is he?"

"Where?"

"Iyong nakatungo... sa pinakasulok na table. Maraming young Japanese."


"Oh... Mr. Matsumoto's son."

"Matsumoto? Hindi Tamaguchi?" ngumiwi si Akio.

"Saan naman nanggaling iyon? You like him? He isn't your type, right?" He looked at me weirdly.

Hindi ko rin naman type ang hapon na iyon. Naasar lang ako na hindi niya ako pinapansin. Like duh? Ano
ba ang vision niya? Can't he see how beautiful and sexy I am? Halos lahat ng napapasulyap sa akin dito
ay napapadalawang beses ang tingin. Tapos siya tatakbo lang na parang tinakot ko?

My boobs aren't scary!

"Ano ba ang standards ng mga hapon sa magaganda? Something is wrong with them—no! Something is
wrong with him."

Tumaas na ang kilay ni Akio. "Did you—"

"Hell no! Bakit naman ako lalapit sa kanya? Aksidente lang na nadaanan ko. Okay?"

"Oh... 'di ka pinansin?"

"Fuck off, Akio."

"Baka may girlfriend na. Hindi sa lahat ng pagkakataon papansin ka ng lalaki. Be a good girl there,
cousin."
Bumalik muli siya sa pakikipag-usap doon sa mga hapon, pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili kong
sumulyap sa pwesto ni Tamaguchi—I mean ni Matsumoto.

He's not really my type. Seriously.

Aside from he's not hot. Sobrang payat niya at maputla dahil sa kulay niya na hindi yata nagpapaaraw.
Well, he looked fine with his tux and his disheveled hair. Kailan naging bagay ang ganoong buhok sa tux?
Parang hindi siya nagsuklay o baka hindi naligo? Araw-araw ba naliligo ang mga hapon? Eww.

"What? Seriously?" kumento ko sa naiisip ko.

But what I've noticed was his damn eyes. He's so chinito. Iba kasi iyong pagka-chinito niya kumpara sa
mga half-chinese na nakikilala ko. Even Akio's eyes are different. Akio can make it intimidating and too
powerful, but when I locked eyes with Matsumoto... it was pure.

"W-Wait? What?!"

Napalingon sa akin si Akio. "What the hell is wrong with you?"

"His eyes..."

"What?"

"Sadya bang gano'n ang mga mata ng hapon? Too small... na parang inaantok at tinatamad..."

Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin. "Look at my eyes. Hindi ito tinatamad, Eve, naiirita na 'to."
Umirap ako sa kanya at hinayaan kong manatiling nakakunot ang noo ko. Hindi ako papayag na uuwi
kami ni Akio na hindi ako makakabawi sa hapon na iyon. Pagsisihan niya ang hindi pagpansin sa akin.
Gago siya!

Nang medyo humupa ang usapan ni Akio at iyong mga kafliptop-an niyang hapon, kinulbit ko siya.

"Question."

"What?"

"Ilang taon na si Matsumoto?"

Mariin napapikit si Akio na parang mawawalan na siya ng pasensiya sa akin. "Behave. Hindi pumapatol
sa Pinay iyan."

"Even with large boobs?"

"Anong tingin mo sa aming mga hapon? Habol boobs?"

"Half-breed ka lang naman, ah?"

Nag-angat na iyong dalawang kamay ni Akio. Gusto na niya akong sakalin. "Bahala ka nga sa buhay mo.
Kapag ipinatapon tayong dalawa sa dagat dahil hinaharas mo iyong tao, iiwan kita."

"I can swim."

"Oh?"
"Oh, yes. So, ilang taon na nga siya? Baka teen pa siya tapos haharasin ko." I started to crack my
knuckles under the table.

"He just turned twenty-six yata... I heard there was a celebration. He's actually new. Nito lang siya
inilabas ng ama niya sa international business affairs."

Napanguso ako. But he doesn't look a business type talaga. Para siyang teenager na addict lang sa
computer games at napilitang sumama sa party dahil wala siyang kakainin maghapon.

"Are you sure about it? Baka he's younger than me. It's okay naman na twenties din siya. Okay lang
naman na mas matanda ako sa kanya."

"What's with the comparing age, Eve?"

"Wala lang. Just trying to weigh our genre... gusto ko kasi may mature scenes kami kaso ang male lead
ko pang teen fiction ang mukha at pormahan. Pasakay-sakay lang kami sa bike at nakayakap ako sa
likod? That's ugh... boring..."

Nanlaki ang mga mata Akio. "Everleigh! We are not in front of a fucking camera! Stop the actress vibe of
yours."

"Well, I am born for it."

Bumuntong hininga ako at parang nanlamya. I should be happy knowing that he's even older than me,
but well... he's... bahala na nga. I have my whole night playing with him.
Sisiguraduhin ko na hindi niya ako makakalimutan matapos ang gabing ito. I should at least try to device
a plan on how to get near him. At isa lang ang kilala kong makakatulong sa akin, my cousin, Akio, who is
actually against with this flirtation.

Hindi naman siguro ako machi-chismis, wala naman ditong ibang Pinoy o kaya ay paparazzi na sisira na
naman ng buhay ko.

Nakailang dasal ako na sana mangalay ang bibig ng mga hapon na kausap ni Akio para naman masolo ko
ang pinsan ko, at ilang minuto nga lang ang lumipas nadinig ang panalangin ko. Nagpaalam na ang mga
hapon.

Sa wakas!

"Akio, I need your help."

"Bribe me."

"Tell me how..." I said frustratingly. Parang nabaliktad ang sitwasyon namin ni Akio.

"No bags."

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What? No! Unfair!"

"I am a businessman, Eve." He said with a shrug.

"Iba na lang! Nauna na natin iyong usapan."


"Ano ba kasi ang gusto mo sa hapon na iyon? Is it your ego? You can still boost it from others. Huwag
mong pilitin ang ayaw. I told you...maybe he already has a girlfriend."

"No. Matigas ang paniniwala kong wala. And I am not aiming for that place. I just want to play a little..."

He frowned. "Seriously..."

"Sige na..."

"The bag."

Napakagat ang labi ko. "Wala na akong bag, Akio. Umaasa na lang ako sa buy one take one. Hindi na ako
kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Can't you see my lipstick? I used this for the fourth time! I
looked terribly poor right now. How are you--"

"Wow. Terribly poor, pero puro gold. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mong iyan, Eve."

Magsisimula na sana akong umiyak nang maalala ko ang eyeliner ko na may konting gold lining. Kaya
itinigil ko agad. Humawak na lang ako sa dibdib ko na parang hindi ako makahinga.

"You are a terrible cousin... this is a love sick. Can't you see? I think this is love at first sight... mahal ko
na yata si Matsumoto sa unang tingin ko pa lang. I felt like we've been lovers in our past life... isa siyang
hapon na mananakop na sinubukang sunugin ang tahanan ng lahi natin pero dahil nagandahan siya sa
akin hindi niya tinuloy kaya siya ang binaril kapwa niya hapon. That was really tragic..."

"Ay, tang ina. Tumayo ka na riyan! Pumunta na tayo sa lamesa nila. You're one hell of a cringy cousin!"

"Alright. Madali akong kausap." I recovered easily.


I stood elegantly with my cousin. Inilagad ko na iyong braso ko sa kanya at kapwa kami nakatuon doon
sa direksyon ng mga hapon. Dahil fans ko na yata iyong friends ni Matsumoto, agad namin nakuha ang
atensyon nila.

Parang ganoon din ang nangyari kanina. His friends tried to get his attention, but he's just too busy on
his phone. Hindi ko na rin naman ini-expect na lilingon siya kaya halos hilahin ko na rin si Akio para lang
makarating kami.

Sinabi ni Akio na kaibigan daw niya ang isa sa nasa lamesa kaya magagawa niyang makalapit. Matangkad
na lalaki iyong unang tumango kay Akio. Nagpalitan sila ng mga salita na hindi ko talaga mahabol.

"Kono seki wa suite imas?" ani ni Akio.

"Ie..." inilahad nang matangkad na lalaki iyong kamay niya. Tumango si Akio at sumenyas siya sa akin na
pwede na raw. Pero ang buong atensyon ko ay na kay Matsumoto na nakatungo pa rin doon sa phone
niya.

Akio played gentleman again, he pulled the chair for me and waited for me to be comfortably seated
before he sat beside me.

Iyong apat na hapon nasa akin lahat ang atensyon, pero si Matsumoto wala talaga siyang pake. Wala ba
siyang pakiramdam na may bagong dating lamesa nila?!

Dahil mukhang napapansin ng isa sa kanila na medyo naiinis ako, siniko na niya si Matsumoto. He
glanced!

I almost took my breath away, but after locking our eyes in just a second, he lazily looked away and
returned back on his phone. The fucking rude guy here!
Sa sulok ng aking mata nakikita kong natatawa na si Akio. Of course, he knew who was my real target.
Pero hindi talaga interesado sa akin. My goodness! Ano klaseng hangin ang nilalanghap nito sa Japan at
hindi talaga maapektuhan?

Bato ka boy?

Akio tried to start a conversation by introducing me in front of the gentlemen, except Matsumoto. He's
not a gentleman!

"Watashi no Jumei... Namae wa Si da ra E bu ru lei... yu mei joyu..." napangiwi ako sa paraan ng


pagpapakilala niya sa akin. I hate my Japanese name.

"Sugoi ne..." humahangang sabi ng matangkad na lalaki.

Humilig ako kay Akio. "Ano ba sinabi mo? I only understand my name."

"I told them that you're my cousin and a very famous actress." Ngumisi ako sa sinabi niya.

Si Akio ay sinimulang ipakilala ang mga hapon na nasa lamesa. Akala ko ay isa lang talaga ang kilala niya
sa lima, but it turned out that he's really a big liar just to stop me with my kaartehan.

"Ryuu – san..." pakilala niya sa matangkad.

"Hisato – san..."

"Ichiro – san..."
I can still remember what he'd told me a long time ago about the Japanese, it's very rare if they'll use
their first name to call each other, unless they are... close...

When realization hits me... my eyes burned on him a second. Isa siyang malaking sinungaling! He's close
with them! The idiot!

"Tatsuo – san..."

Talagang hinuli niya si Matsumoto!

"And... Seiji-san..."

Nag-angat muli si Matsumoto at tipid siyang tumango sa akin. Nagsalita si Ryuu na parang
nagpapaliwanag sa attitude ng friend nilang may something yata sa utak.

"He said... he's really a shy type. Hindi mahilig magsalita sa hindi kilala."

"Oh, tell him it's okay. Don't be afraid, I'll be gentle."

Iyong mata ni Akio, bumubuga na ng mura sa akin. Of course, he wouldn't translate it for me.

Sa huli, lalo lang uminit ang ulo ko dahil nagkaroon lang kami ng usapan at hindi sumasali si Seiji. Minsan
ay nakikita ko naman siyang nag-aangat ng tingin at sumusulyap sa akin, but it was different this time.
Dahil nang unang nagtama iyong mata namin, mabilis siyang nag-iwas, but right now he moved his head
slower and he wasn't really bothered when I caught him in the act.

Or maybe he's just emotionless? Sa sobrang bagal ng pag-iwas ng mata niya at pagyuko niya parang
inaantok siya na tinatamad. Ano ba problema ng taong 'to?!
"Akio, ask Seiji if may girlfriend na siya, please?"

"No."

"Sige na..."

"Ako magtatanong!"

He chuckled. "How?"

Umirap ako kay Akio at ngumiti ako kay Ryuu-san na siyang pinakamasigla at madaldal sa kanila.
Madalas din kasi siyang magtanong sa akin at pinapa-translate niya kay Akio.

"Ryuu-san... excuse me?"

He blinked twice. "Sumimasen?"

Itinuro ko si Seiji. "Does he have a girlfriend?"

Apat na hapon ang tumitig sa akin. Loading sila. Narinig kong nagpipigil ng tawa si Akio. "Seiji girlfriend
have?" ulit ko.

Ilang beses napatango si Ryuu. "Garufurendo? Seiji?" itinuro niya si Seiji na unti-unting nag-angat ng
tingin.

"Nai... Seiji wa dokushin..." sagot ni Ryuu.


Pero napansin kong namula ang tenga ni Seiji bago muli tumango. "Urusai..." mahinang sabi niya sa mga
kasamahan niya.

Nagtawanan na iyong mga hapon na ilang beses siniko si Seiji.

"Ano sabi?"

"Dokushin means single." Sagot ni Akio.

Lumapad ang ngisi ko. "Dokushin, me too!" itinuro ko ang sarili ko.

Nang muling nag-angat ng tingin sa akin si Seiji, nakita kong tipid siyang ngumiti bago muli yumuko. Mas
lalong napuno ng sikuhan ang buong lamesa.

Napangalumbaba na lamang ako sa harapan niya. What a cinnamon roll...

Hays, payag na nga akong teen fiction. He's too pure for spg, pero pwede naman ipilit... I grinned with
my thoughts.

Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 3

Fell

I am now starting to like the twist of our story.


Humilig ako sa balikat ni Seiji at nagkunwaring marami nang nainom. But that didn't work on him,
because he immediately stood and look for a place to escape. Namumula ang mukha niya habang
lumilingon siya sa direksyon kung saan ba dapat siya pumunta.

"Where are you going?"

Hindi siya sumagot sa akin, sa halip ay umalis na siya sa lamesa, kulang na nga lang ay tumakbo siya.

Naningkit iyong mga mata ko habang nakahabol ng tingin sa kanya. Ah, hindi kita titigilin bago ako
umuwing Pilipinas.

Tumatawa lang iyong apat na hapon habang si Akio kanina pang umuusok ang ilong. Pero wala siyang
nagawa nang tumabi ako kanina kay Seiji.

Pumangalumbaba muli ako sa lamesa.

It was all that happened when the Japanese started to invade the Philippines. Ilang taon na ang lumipas
at ngayong nagkrus nang muli ang aming landas ni Seiji... well, my reincarnation is quite good pa rin
naman dahil nasisiguro ko na sexy ako noon at ngayon. But in case of Seiji... his reincarnation is accurate
rin, for sure. Hindi naman siya mababaril agad kundi siya payat at parang isang hampas ng tubo sa ulo.

May naudlot nga siguro kaming pag-iibigan. Itutuloy namin...

He's too head over heels on me, that he forgot his own mission. Babarilin niya na dapat ang buong
pamilya ko, pero dahil nakita niya ako, nabitawan niya iyong baril niya.

It was a love at first sight. Kaya ganito siguro ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Matagal na kaming
nagmamahalan simula pa lang ng panahon ng pananakop ng mga hapon. Pero dahil sobrang payat niya
rin at hindi masyadong magaling bumaril, nabaril siya sa likuran. That ended our tragic love story.
Kaya rin siguro puro gun games iyong nilalaro niya, dahil sundalo siya ng panahon ng mga hapon. Kaso
lagi siyang talo nung sinisilip ko nilalaro niya. Kaya hindi na nga ako magtataka na madali siyang nabaril
nang panahong unang nahulog siya sa alindog ko.

Oh gosh...

Halos mapatalon ako sa aking upuan habang tinatapik ang dalawang pisngi ko. This is so exciting!

Sinasabi ko na. Kung hindi ako maganda at sexy na artista ngayon, isa akong historian o kaya ay writer.

Hindi man lang siya nakahalik sa akin noong unang panahon. That's why I'll allow him to kiss me this
time.

Muli akong sumulyap sa likuran niya na unti-unting nang nawawala dahil sa pagtatago. "He's just shy...
and too overwhelmed that we met again after so many years..."

I looked at my pinky. I could see our red thread connected to each other.

"Akio... believe me. We are lovers in our past life. Si Seiji iyong sundalo na tumigil sa pagbaril sa atin,
because he fell in love with me."

Umawang ang bibig ni Akio at halos hindi maipinta ang mukha niya. "A-Are you drunk? Ano pinagsasabi
mo?"

"No way." Umirap ako sa kanya.


Lumingon ako sa mga kaibigan ni Seiji at naningkit ang mga mata ko sa kanila. "I know... isa sa kanila ang
bumaril kay Seiji, because they are also interested with me!"

Humarap si Ryuu kay Akio at may sinabing hindi ko naiintindihan.

"Gomen... Omo... ikimashou..." sabi ni Akio na tumayo na at hinawakan ang braso ko.

The Japanese boys nodded at him, ngumiti pa nga sila sa akin. Umirap ako. Hindi ko man maalala, alam
kong isa sa kanila ang bumaril kay Seiji!

"Where are we going, Akio? Hindi pa bumabalik si Seiji..."

"Shut up, Rosilla! Nagkakalat ka na."

"As if they can understand me..." bulong ko.

Halos pumutok na iyong ugat sa noo ni Akio nang makalayo kami sa mga hapon. He picked a table which
was a little bit far from the crowd. Kapag sumusulyap ako sa kanya habang nakakrus iyong braso at hita
niya, nagngingitngit na iyong bagang niya.

Hindi na ako magugulat kapag bigla niya akong itinapon sa dagat. "This is a fucking wrong move!"

"Inaano naman kita riyan?"

He sarcastically glared at me. Nakataas na ang siya niyang kilay habang iyong mga daliri ng kamay niya
ay nagpipigil nang sakalin ako.
"Alam ko naman ng hindi mo type ang hapon na iyon! I've seen all your flings at hindi man lang
pumantay ang isang iyon. But please, stop playing. Can't you see? Tinatakot mo iyong tao. Hindi naman
interesado sa 'yo. Hanggang mamaya pa tayo rito, Eve. I need to do something else, at hindi alagaan ka."

Umirap ako sa kanya. Ako naman ngayon ang nagkrus ng braso sa harapan niya. It was him who forced
me to come here, ano ang gusto niyang gawin ko? This place is so boring and I find Seiji interesting...

Hindi ko naman sinabi sa kanya na alagaan niya ako. I can handle myself.

"Ano ba ang kasalanan ko? I was just being friendly."

Nanlaki ang chinito niyang mata. "Huh? Friendly! You are harassing him! Mabuti na lang at iyon ang
natipuhan mo. If you picked a wrong—"

"That's why I picked him."

He sighed exasperatedly. "Can't you stop this childish act? Can't you see? Kaya ka nagkakaroon ng
problema sa showbiz."

My brows creased. "Don't bring it up, Akio."

Alam niyang sensitibo ako sa usaping ngayon. Nito pa lang ako nakakabawi sa nasira kong pangalan sa
showbiz, hindi ko pa nga alam kung tatangkilin ang sunod kong pelikula.

I am hated for being bitch, and a cheater. Iyon ang tingin ng lahat ng tao sa akin kahit hindi nila alam ang
totoong kwento. Yes, I agreed to my leading man. But it turned out that our fake relationship ruined my
life.
I told him to end it, hindi ko na kayang magpanggap sa likod na camera, tama na iyong mga pelikula at
teleserye namin na magkasama kami. I just want to breathe. Pero bigla na lang akong nagising sa isang
napakalaking eskandalo.

I cheated. Pinaniniwalaan iyon ng lahat.

Naiwang luhaan ang leading man ko. I was bashed, threatened and compared to a trash. Lahat ng
masasakit na salita ay natanggap ko mula sa mga taong hindi ako lubusang kilala. The downfall of my
life. Habangbuhay na lamat na iyon sa mata ng lahat.

Sa mata ng nakararami, sumikat man ako at lubos na makilala, hindi ko na muling makakamit ang
kasikatan at tagumpay na mayroon ako noon. Ang manggagamit na katulad ko'y walang tagumpay. And
yes, that's my horrible life. It's just odd that no matter how terrible the world in showbiz is, I couldn't
just leave it because I know by heart that I am born for it -- to be an actress.

Tonight... gusto ko rin naman maramdaman na maging ibang tao. Hindi si Everleigh na sikat na aktres,
hindi si Sidra na nagsisimula muli sa umpisa... hindi si Sidra Everleigh na lihim na nasasaktan.

Nang malaman ko na walang camera sa paligid, na simpleng babae lang ako at maganda, sexy, and yes...
with larger boobs. I suddenly got happy!

Kasalanan ko bang gusto kong maging masaya kahit saglit man lang? Away from pressure... gusto kong
tumakbo pero alam ko sa sandaling iwan ko ang showbiz hindi na ako magiging kumpleto.

The only thing I can do is to take everything as a challenge. It is me that defines myself, and not those
deceptive people who don't know the whole me.

Bumuntong hininga siya. "I am sorry, Eve."

"It's fine. I am sorry too. Yes, you can have your job right now. I'll behave now. I won't bother Seiji."
Ngumiti si Akio. "Thanks, Eve." He leaned on me and kissed my left cheek.

"May kakausapin lang ako. I'll be back."

"Sure."

Binuksan ko na lang ang pouch ko at nagsimulang gamitin ang phone ko. Hinintay ko lamang maging
abala si Akio roon sa mga kausap niya hanggang sa tumalikod na siya sa akin at hindi na niya ako makita
sa pwesto ko. Ibinalik ko ang phone ko sa pouch at gumala ang mata ko sa paligid.

Duh? Bakit ako titigil?

Mas naging mahirap pa nga iyong pagmamahalan namin ni Seiji ng panahon ng pananakop ng mga
hapon. Tumayo na ako at sinimulan ko na siyang hanapin ulit.

Wala siya roon sa mga kaibigan niya. Saan na naman kaya iyon nagtatago?

My eyes quickly scanned the crowd. It's odd that I could easily identify his body built. Wala siya.

Kahit maraming hapon ang payat dito, agad ko pa rin malalaman na siya iyong payat, isama pa iyong
buhok niya na parang nakalimutan niyang i-shampoo.

How can it look so freezy but soft when you touch it? Hinawakan ko kasi kanina ang buhok niya, muntik
na siyang mahulog sa upuan. Isa pa, ang bagal maglakad ni Seiji, kahit pagtakbo niya at paglingon ang
hinhin.

"Where are you, baby boy?"


Habang palakad-lakad ako ramdam ko na parang may nakatitig sa akin, pero kapag lumilingon naman
ako kung saan wala akong mahuling nakatingin sa akin.

Everyone was busy with their colleagues!

"Hmm..."

I felt like a beautiful, elegant and golden swan in a middle of huge music box filled with other white
swans with their partners. "Where are you?"

Si Seiji iyong tipo na hindi pipiliin pumunta sa gitna, kaya ano ba ginagawa ko rito? I left the middle of
the crowd and started to search at the corners of the deck. Saan pa ba iyon magtatago? Sa madidilim na
lugar.

Nag-aalala tuloy ako. Baka sa sobrang gulo ng buhok niya ay pamahayan ng mga lamok, gusto pa naman
niyang laging nasa sulok.

Humihingal na ako at nagpupunas na ako ng pawis sa aking noo. I even fanned myself with my hand
irritatingly. "Buwiset na hapon—"

Natigil ang pagrereklamo ko nang makita ko sa ikatlong sulok ng deck ang lalaking hinahanap ko. Halos
hindi ko na nga siya makita kundi lang sa phone niyang naiilawan ang mukha niya.

But what made me stop and stare on him was his unusual posture. Sa mga teleserye, movie o maging sa
mga nababasa ko... halos iisa lang ang description ng lalaki. They're all looking hot with their tux,
expensive shoes and watch, stood formidably with power and arrogance, firm jaw, stubbles, and
piercing eyes that would undress any female specie. The hot male lead will make the woman knee's
wobble in an instant. And when their eyes crossed, a sudden firework will light on the dark sky and both
of their eyes will glitter love and affection.
The wind will whistle... and the rhythm of their heart is one.

But Seiji and I were different. He didn't give me the presence of the usual babe in the cinema... he didn't
even look sexy.

Unti-unting binabasag ng hapon na nasa harapan ko ang nabuo kong paniniwala sa mga lalaking
magpapakilig sa akin.

Seiji Matsumoto, leaning his upper body on the railing with his arms supporting him, while standing
lazily in one leg crossed, his disheveled freezy yet soft hair playing in the wind, his elegant fingers
tapping on the screen, and his pursed lips.

Oh gosh... magpapasakop na yata talaga ako... kahit matagal na tapos ang panahon ng mga hapon.

Bakit hindi na matapos-tapos ang bagong gising look niya?!

"H-Hi...?"

Even his simple movement was too slow! Bago pa siya mag-angat ng tingin sa akin, isang minuto yata.
He's always loading din.

Iyong mata niya parang anumang oras pipikit na. Mukha rin siyang laging antok na antok. Nagkatitigan
siguro kami ng mga dalawang minuto bago rumehistro sa alaala niya ang hitsura ko.

Dahil nasa sulok siya, wala na siyang maatrasan.

"N-Nande...?"
"What? Anong nande?"

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ko ng mga braso ko ang dibdib ko.

Gusto niyang dumede...?

"That fast? Babe, naman! Nahihiya ako!" napapadyak ako sa pwesto ko bago ako humakbang at lumapit
sa kanya para hampasin ang braos niya.

Mas lalong kumunot ang noo niya at ilang beses niyang hinaplos iyong hinampas kong braso niya na
parang masakit iyong ginawa ko.

I curled some locks of my hair with my forefinger playfully. "Sa legs muna, baby... ikaw naman. Akala ko
ba for teens lang tayo?" muli akong napapadyak sa puwesto ko.

I heard him gasps. "K-Kureiji..."

Hindi na siya magkaintindihan kung saan tititig, lingon siya ng lingon sa iba't ibang direksyon. Hindi na
ako magugulat kapag sumigaw siya at humingi ng tulong.

Inaano ko ba siya?

"Seiji... friends muna..." itinuro ko ang sarili ko.

Tumitig lang talaga siya sa akin na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. Simple lang naman iyon, ah?
Can't he understand that?

Paano kung naging kami at sabihin ko sa kanya na gusto kong hawakan niya ako sa legs... baka sa tenga
niya lang ako hawakan.

Napahawak ako sa noo ko. Bigla akong nahilo sa isiping iyon. That is so terrible...

"I want legs, not on my ears...ikaw gusto mo agad sa taas tumikim..."

"Na ni?"

"EVERLEIGH!" halos mapatalon ako sa boses ni Akio.

I was about to look back at him, when a sudden explosion interrupted the party. Napayuko ako at
napahawak sa aking ulo.

"W-What's going on?"

Pero nasundan pa iyon ng sunud-sunod na pagsabog. Nagsimula nang magkagulo ang lahat at namayani
ang sigawan ng mga tao. Ingay ng mga lamesa at kung anu-ano na nagsisimula ng matumba dahil sa
biglang pagtagilid ng cruise ship.

"Eve!"

Si Akio na natumba ay lakad at takbong patungo sa akin, ngunit ang sunod na pagsabog ang siyang
tuluyang nagpahiwalay sa akin at sa pinsan ko. May bumagsak sa pagitan namin.
"Eve!"

"I am okay!" lumingon ako kay Seiji. Tulala pa rin siya sa nangyayari. I held my hand on him. "Let's go!"

I was about to touch him when he slapped my hand. Umawang ang bibig ko at sa unang pagkakataon ay
nakaramdam ako ng galit sa kanya.

"Eve!"

Hahakbang na sana ako patungo kay Akio nang muli akong lumingon kay Seiji. Tumaas ang kilay ko sa
kanya. Akala mo gwapo ka, boy? No way!

Dahil sa sobrang irita ko sa kanya, biglang pumasok sa alaala ko iyong paborito kong eksena nang naging
kontrabida ako ng isang fantasy movie.

Marahas kong itinaas iyong dalawang kamay ko sa ere, eksaktong biglang umulan kasabay ng malakas na
hangin, gumewang ang barko dahil sa biglang pag-alon, halos matumba ako pero pinilit kong makatayo
ng maayos habang nakaharap sa kanya.

Para na talaga akong magandang kontrabida sa harapan niya. Sinabayan pa ng ginto at basa kong damit,
lumilipad na buhok at well... big boobs.

"I was just playing with you! You're not even handsome for me!"

Mas itinaas ko ang kamay ko sa ere na parang kumukuha ako ng masamang enerhiya sa ere.

"Isinusumpa ko! Ng magandang si Everleigh sa gitna ng kalangitan at dagat ng Japan! Ang hapon na nasa
harapan ko ay mahuhulog ka sa karagatan! Oo! Mahuhulog pero hindi naman malulunod (mabait pa rin
ako). Mata-trap siya sa isang isla na may amazonang hindi siya titigilan! Mwahahaha" tumawa ako nang
napakalakas habang nakatitig sa kanya. I even covered my lips elegantly.

Perfect pa rin talaga sa akin ang role na iyon.

Kunot na kunot ang noo niya sa akin habang nakayakap siya sa railing.

"Your hair is awful! Hindi bagay sa 'yo! I'm coming, Akio! Let's go back to the Philippines mas maraming
papable dun! Nagsusuklay pa!"

Pero ang inakala kong sumpang iyon at mga salitang sana'y huling salita ko sa kanya'y simula pa lamang.
Dahil muling nagkaroon ng pagsabog at mas tumagilid ang barko.

That made my whole body swift into a dangerous motion.

"Oh my gosh!"

Sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakahawak sa railing pero anumang oras ay makakabitaw
na ako. Mahuhulog ako sa dagat! With fucking huge waves right now!

"I'll die! Akio!"

Pinilit kong silipin ang pinsan ko. But he's already unconscious! May tumama sa ulo niya. "No... way..."

Nagsisigaw na ako habang nakasabit sa railing, pero natigil din ako nang marinig ko ang pamilyar na
boses ni Seiji. Nakasabit din siya sa railing.
He's chanting. "Urusai... urusai... urusai..."

"Help me!" sinubukan ko siyang sipain habang nakasabit. He just glared at me with those sleepy eyes.
Baka matakot ako.

Lalapit na sana siya sa akin para tulungan yata ako nang biglang may sumabog muli.

And that was the end of our flirtation on the cruise ship, Seiji and I both fell under the cold water of the
fortunate sea (well, the sea has my beautiful body, of course. Very fortunate.)

All I remembered was frail arms that looped around my body.

Chapter 6 - Chapter 4

Dedicated to: Liana Marie Chici Gampong

Chapter 4

Smile

"Kureiji..."

My brows creased. It was the same word he'd told me when we were still on the cruise ship. What does
that word mean?

But instead of cracking his alien word, I chose to focus on things that happened last night. Was that a
dream?
Baka naman nasa set lang ako at itong hapon na nasa harap ko iyong bagong extra sa movie namin?

I tried to look around to search for the hidden cameras and crews, but I failed to find one. "Oh, no! This
can't be happening... mangingitim ako rito. Oh my gosh, my skin!"

I massaged my temple and tried to remember what really happened. I bit my lower lip, and tears started
to sting on my eyes.

"A-Akio... what happened to him?"

I stood up, and I started to pace from left to right and vice versa. Napahawak na ang ilang daliri ko sa
mga labi ko habang nagsisimulang maglinaw sa akin ang lahat.

It's not really a dream! Akio asked me to be his muse for a business party, and we had a few deals. We
flew in Japan using a private jet plane, met a lot of Japanese that I failed to understand, but what caught
my attention was the unusual Japanese...

Natigil ako sa paglalakad at unti-unti akong lumingon sa hapon na ngayon ay malayo pa rin ang tanaw sa
dagat.

I huffed.

Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito!

"Y-You!" I pointed him.

He lazily looked at me again. He sighed. Mabagal siyang tumayo, pinagpagan ang tux niya at nagsimula
siyang maglakad papalayo sa akin.
Umawang ang bibig ko. Namaywang ako habang habol ang tingin ko sa kanya.

"W-Wow! Wow naman! Sobrang gwapo mo naman po!" sigaw ko sa kanya.

He didn't mind me. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang masiguro niya na hindi na niya ako makikita o
maririnig ang boses ko, bumalik siya sa pag-upo sa buhangin at pagtanaw sa dagat.

Napahilamos na ako sa sarili ko. Naiiyak na ako! I am fucking worried about Akio. I saw him before the
tragedy. May tama siya sa ulo.

I hope he didn't fall off the water. Dahil kung nangyari iyon, hindi niya magagawang iligtas ang sarili niya.
He was unconscious!

"Akio... I am sorry..." usal ko.

Naupo na rin ako sa buhangin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na rin alam kung saang
parte na ba ako ng Japan!

"This is a nightmare!" ilang beses kong tinapik ang pisngi ko para magising na ako sa masamang
panaginip na ito, pero hindi pa rin ako nagigising.

Napahikbi na ako.

"This is wrong..."

I unconsciously hugged my legs and hid my face behind my knees as my eyes followed the movement of
the waves.
Bakit kailangan kong ma-trap sa isla kasama ang hapon na iyon na wala namang pakialam? Bakit sa dami
ng pwedeng mahulog at—

Natigil ang pagrereklamo ko sa aking isipan at muli akong sumulyap sa hapon na kasama ko sa isla.

I suddenly remembered that scene...

"Isinusumpa ko! Ng magandang si Everleigh sa gitna ng kalangitan at dagat ng Japan! Ang hapon na nasa
harapan ko ay mahuhulog ka sa karagatan! Oo! Mahuhulog pero hindi naman malulunod. Mata-trap siya
sa isang isla na may amazonang hindi siya titigilan! Mwahahaha!"

Mariin akong napapikit at halos sabunutan ko ang sarili ko. The curse...

Iritado akong tumingin sa kalangitan. Nag-iinit na iyong mga mata ko dahil sa tindi ng galit.

"Sabi ko amazona! Hindi diyosa! Bakit ako ang kasama ng hapon na 'to rito?!" iritado kong itinuro si Seiji
Matsumoto sa malayo.

Marahas akong tumayo sa pwesto ko at malalaki ang hakbang ko patungo sa kanya. Humarap ako sa
kanya at hinarangan ko ang pagtulala niya roon sa dagat.

"This is all your fault!"

Maybe he reversed the curse or he did something that would drag me into this. It was clear! Sabi ko
amazona ang gugulo sa buhay niya rito, pero bakit ako ang dinala?!
Tumayo siya ulit at tamad na naglakad papalayo sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ko at parang
umakyat na sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan ko.

Naha-high blood na yata ako sa kanya!

Ilang beses ko siyang sinubukang lapitan pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya at ang tamad
at mabagal niyang pagkilos.

I was gasping for an air to breathe when I reached his place for the nth time. Nagpupunas na ako ng
pawis habang siya ay hinahayaan niya na lamang.

Naiiling na siya nang nagsisimula na siyang tumayo at magpagpag ulit ng buhangin sa tux niya.

"Wait! Aren't you tired of this? You'll stand and then sit again, and then once that I'd reach you... you'll
look for somewhere to sit again... tapos magpapagpag ka ulit ng buhangin! Paulit-ulit na lang!"
napapadyak na ako sa harapan niya. Too frustrated!

"Para na tayong tangang dalawa rito! Napapagod na akong humabol sa 'yo!"

Of course, the Japanese, Seiji Matsumoto didn't understand my words. Hindi niya pa rin ako pinansin at
naglakad na siya papalayo.

Hindi na ako magtataka kung naikot na namin ang buong isla.

"Grrr...." Nahila ko na ang sarili kong buhok dahil sa tindi ng pagkainis sa kanya.

"Seiji! Wait!
Sa pagkakataong iyon hindi na siya umupo sa buhangin, hindi na siya tumigil sa paglalakad habang habol
ako nang habol sa kanya.

"Kureiji... kureiji..." paulit-ulit na sabi niya.

Ang mabagal niyang palalakad ay unti-unting napalitan ng malalaking hakbang hanggang sa tumakbo na
siyang tuluyan.

"Aba't gago!"

Hindi ako tumigil at pinilit ko siyang habulin. "Seiji! Ano ba?!"

"Seiji!"

Nakailang sigaw ako ng pangalan niya habang lumiliit iyong pigura niya sa mga mata ko. "Sei--" hindi ko
na natuloy pa ang sasabihin ko nang matapilok ako.

Halos sumubsob ang mukha ko sa buhangin dahil sa pagtumba ko. "Fuck!"

I frustratingly shouted at the top of my lungs. Hindi ba nakikilala ng hapon na iyon kung sino ako? Bulag
ba talaga siya o may kulang na turnilyo sa utak niya?

I am Sidra Everleigh Rosilla! One of the most hailed actresses in the Philippines, envied by many, wished
by thousands of men, loved by some...

Maraming magkakandarapa sa atensyon ko, tapos siya na hapon na hindi yata nagsha-shampoo
tinatakbuhan lang ako?!
Nang tanawin ko siya, natigil na rin ang pagtakbo niya. Saglit lang siyang sumulyap sa akin na parang
hindi niya nakita na natumba ako.

Wow! That's the second time! Hindi ba alam ng hapon na 'to ang salitang gentleman?

Sa huli napagod na rin ako. Hindi ko na siya hinabol at naupo na akong muli sa buhangin. Ang laki ng
distansya namin sa isa't isa.

Bigla na lang akong sisigaw sa dagat dahil sa sobrang pagkainis. Paano ako makakaalis sa islang ito?

How about my hygiene? Paano kung tumagal pa ako ng linggo rito? How about my skin? Magkakagulo
ang buong Pilipinas sa sandaling pumutok ang balitang nawawala ako.

Naiiyak na ako.

Wala sa sarili akong lumingon sa bandang kanan ko. I wasn't expecting that I'd see something that would
motivate me, but I caught off guard.

Nakalingon ang hapon sa akin.

I thought he would look guilty of getting caught. Pero ibinalik niya lang ang atensyon niya sa dagat sa
mabagal na paraan. Something like he didn't care about what I'd think about him.

I rolled my eyes.

I convinced myself not to mind him from now on. I'll just wait for a rescue and pretend that he doesn't
exist. Alam kong hindi rin magtatagal ay may darating para tumulong sa akin. Akio will not stop looking
for me. My family, the showbiz and my loyal fans. Maraming maghahanap sa akin.
Konting tiis lang, Eve.

Akio will save you away from this island and that Japanese idiot!

Maghapon akong hindi kumain at uminom ng tubig. I felt so tired and drained. But that didn't give me
hope to wait.

Hanggang sa magsimula nang dumilim at lumamig sa paligid. Halos yakapin ko na ang sarili ko pero wala
man lang iyon nagawa. The island was worst during the daytime, for it offers sunlight that would burn
my delicate skin, but it's also damn worst at night! Idagdag pa ang suot ko na hindi naman akma sa isla.

Like duh? A golden silk sexy dress in an island?

"I'm cold..." usal ko.

I hugged my legs and hit my face behind my knees, but that didn't give me comfort at all. Nanunuot na
iyong tindi ng lamig sa balat ko.

I am afraid that I might catch a cold tomorrow. Kanina ay halos matunaw ako sa sobrang init, tapos
ngayon ay halos manigas na ako sa lamig.

"Akio... faster, please..." fresh tears fell on my cheeks.

Dalawang palad ko na ang gamit ko para punasan iyon. What have I done wrong? Bakit kailangang
parusahan ako?
I've watched familiar movies like this situation. Na may babae at lalaking mata-trap sa isang isla. It will
always be romantic and adventurous. He was hot, caring, and yummy...

He'll be topless in front of me with beading sweats on his handsome face...and those sweats will prickle
down from his face to his adams' apple, to his broad chests until to his six-pack abs.

"Are you cold, Eve?" and he will ask me seductively.

Pero ano naman itong ibinigay sa akin?

I bit my lower lip.

Seiji Matsumoto wasn't topless. He's fully covered with his tux! Kahit tirik na tirik ang araw kanina at
halos maligo na siya sa sarili niyang pawis, hindi man lang siya ngumiwi at sumubok hubarin iyong tux
niya.

He's not handsome dahil mukha siyang puyat! Broad chests? Six-pack abs? No way! Maiinsulto ang
calvin klein kapag sinubukan niyang magsuot ng boxers nila!

Gosh! Nasaan na iyong romantic scenes sa ganitong uri ng palabas sa mga movie?

He's not even hot! Caring? What the hell?! And yummy? Buto-buto nga siya.

"Akio..."

My teeth started to clatter. Ilang beses ko na rin hinipan ang mga palad ko para makaramdam ng init
pero wala man lang itong nagawa.
Sinulyapan kong muli sa posisyon ni Seiji, hindi ko na siya masyadong makita dahil madilim na talaga.
"You're not my type... assuming ka masyado." Bulong ko.

Ang sama ng ugali niya. Siya nga itong may makapal na damit hindi niya naman inalok sa akin. Grabe.

My eyes were about to get close when I heard a sudden thump on my side. Were those woods?

Nang nag-angat ako ng mata at halos himatayin ako sa hindi pagkapaniwala.

"Samui..." usal niya.

Yumuko siya at nagsimulang ayusin iyong maliliit na kahoy. I saw stones on his hands, and he tried to
make a fire from it. Hindi na ako umaasa na magagawa niya iyong pag-apuyin dahil wala naman sa
hitsura niya, pero ilang beses akong napakurap nang makita kong unti-unti niyang napagningas iyong
mga kahoy hanggang sa magkaroon na nga ng apoy.

"May alam ka palang ganyan. Hindi halata..."

He didn't respond.

Hinayaan kong manatili ang katahimikan sa pagitan namin.

We let the sound of the flicking fire, the waves of the sea, the hustle of the wind, and the noise of the
island forest overwhelmed our first night together—in this island.

Habang nakayakap ang mga braso ko sa aking mga binti, bahagya akong lumingon sa kanya.
Is he always this emotionless?   

Nakatuwid na iyong mga binti niya sa buhangin habang nasa likuran ang dalawa niyang kamay bilang
kanyang suporta. He slowly looked up the night sky, and my eyes followed him.

The stars were visible, and twinkling happily as it witnessed our struggle together.

"Kirei ne..." tipid na sabi niya.

I heard those words before. Pinilit kong alalahanin kung saan ko iyon narinig hanggang sa maalala kong
iyon ang sinabi ng hapon na kausap ni Akio nang sandaling tumingin sa akin.

Was that beautiful?

So... he's admiring the beauty of the stars.

I knew that he's aware of my eyes on him. Pero pinili niya akong hindi pansinin at ibigay ang atensyon sa
kalangitan.

"Thank you..." mahinang sabi ko sa kanya.

Akala ko ay pababayaan niya na akong manigas sa lamig dito. But he braved himself to come near me
and made a fire to share it with me.

Lumingon siya sa akin.


The fire between our eyes danced slowly, the thread of smoke continued to linger, and the sound of the
wood cracking suddenly became a music.

He was about to utter a word, but he chose to return his attention in front of him—the sea.

Hindi ko na siya pinilit kausapin ng gabing iyon. Labag man sa loob ko na humiga sa buhangin, wala rin
akong pinagpilian. Itinagilid ko ang katawan ko at piniling italikod ang sarili ko sa kanya bago ko ipinikit
ang mga mata ko.

I was half-asleep when I heard his soft voice. Probably he sleeps talk. "Oyasumi..."

***

When I opened my eyes, I knew that my annoyance would double the moment I'd witness his
emotionless face.

But it seemed like the evening air that night made him a little bit of a human. The familiar tux was now
covering my body. It glided down on my waist as I struggled to get up.

I grinned. Hinawakan ko ang tux niya na amoy langis na dahil sa tindi ng pawis nang pinanindigan niya
itong hindi hubarin kahapon.

Niyakap niya na lang dapat ako! Pa-cover cover pa siya ng tux niya!

Hinanap ng mga mata ko iyong pamilyar niyang sabog na buhok na parang hindi na-shampoo, and there!
I saw Seiji Matsumoto with his white long sleeves. Sobrang payat talaga.

He stood near the sea, throwing pebbles into the water while watching it skip for his satisfaction.   
Okay lang na walang abs, caring naman pala kapag hindi ako nakatingin.

"Seiji!" sigaw ko sa kanya.

Natigil siya sa pagbato ng bato sa dagat at lumingon siya sa akin. "Ohayo..." bati ko. Alam ko naman ang
good morning.

Saglit siyang natigilan bago siya mabagal na humarap muli sa dagat at ipinagpatuloy ang pagbato. But
what made my smile widened was a small movement of his lips.

Seiji Matsumoto tried to suppress his smile.

Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 5

First Act

I thought everything would be okay after that tux incident, but I was wrong.    Dahil nakikita niya pa lang
akong naglalakad papalapit sa kanya, nagmadali na agad siyang maglakad papalayo sa akin.

Gagong hapon na 'to! Gwapo ka? Gwapo?

Halos ibato ko sa kanya iyong tux niyang amoy langis habang nakikita ko ang likuran niyang
nagmamadaling makalayo sa akin.
Can't he realize how lucky he is? Being trapped on this island with a very beautiful girl like me is a
blessing for him.

Kahit amoy langis iyong tux niya tanggap na tanggap ko pa rin siya. Kahit mukhang sabog at walang
shampoo ng ilang buwan ang buhok niya, tanggap ko pa rin siya at kahit gano'n ang katawan niya na
isang ubo na lang sobrang tanggap ko pa rin siya!

"Seiji!" sigaw ko sa kanya.

Lakad pa rin siya nang lakad at hindi lumilingon sa akin. Ganito na lang ba kami tuwing may araw?
Ganito ba talaga 'to katakot sa babae?

Am I scary?!

I gasped. Natigil ako sa paghabol sa kanya at namaywang ako.

"How dare you!"

Gaano na ba kalabo ang mata ng hapon na 'to? This idiot Japanese is killing my beautiful patience!

"Right! Bahala ka sa buhay mo! Hinding-hindi na kita hahabulin! You think you're too handsome?! No!
You are not! Hindi ka man lang tumapat sa hotness ng mga manliligaw ko! Amoy langis! Hmmp!"    I
stomped my foot and immediately turned back away from him.

I looked for a perfect spot to sit until I saw a shade under an unfamiliar tree. This island will ruin my
million-dollar skin!

And I heard my stomach growls.


Ako na yata ang pinakamagandang babaeng nagugutom.

"I hate this life! Minsan na nga lang ako humiling sa bulalakaw, mali pa ang pagkakaintindi sa akin! What
I mean is someone that will listen to me... even if he can't understand is... hindi literal!" I wiped my
imaginary tears from my cheeks.

"What I mean is he will still listen to me even if I am being irrational... kasi maiintindihan niya pa rin ako
dahil kilala at mahal niya ako... I want that kind of man." I dramatically cupped my face.

"Why him? Bakit literal akong hindi naiintindihan?!"

When I glanced at Seiji, he's already sitting below the next tree. Tatlo hanggang apat na dipa iyong
agwat niya sa akin, alam kong naririnig niya ang pinagsasabi ko pero nanatili siyang tuwid na nakatingin
sa dagat.

Wala talaga siyang pake.

"And then... I was damn offended that night! He insulted my beauty! Kaya nagawa ko siyang isumpa sa
sobrang asar ko! Sabi ko amazona!" halos sabunutan ko na ang sarili ko. "Bakit naman ako sa kasama ng
hapon na 'yan rito?!"

I exaggeratedly wiped my imaginary tears on my cheeks. "I think I'm dying... this is the end of me..."

I placed the back of my right hand on my forehead like I was somewhat under the spotlight, a heroine
losing her only hope for survival...

"Almost two days without skin care, hair spa, massage, milk bath, manicure... this is a tragedy... I am
losing my hope..."
I was elegantly sitting under the shades of a tree, with my silk dress, ruined yet sexy hair, delicate skin
with grains of sand, glittering sweats when I something whispered to me.

Yes, I am dizzy.

With my award-winning performance, I tragically dropped my whole body on the sand, looking weak,
helpless, and hopeless, yet still beautiful.

"I think... I can't make it anymore..." inangat ko ang isa kong kamay na parang inaabot ko iyong araw.
Pero dahil hinang-hina iyong braso ko, bigla lang iyong bumagsak muli sa mga buhangin.

I emotionally cried. "I can't see the light anymore..."

I was about to continue my speech and rehearsal when I heard quick footsteps and heavy breathing
until I couldn't see the sunlight anymore but the shinning thin frame of Seiji Matsumoto.

I frowned. Unfair. I can't see him well. Against the light ka naman, baby e!

"K-Kureiji..."

He dropped to his knees, but his hands were hesitant to touch me. I tried my best to look weak and
helpless.

I am enjoying this.

"Daijobou?"
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya pero alam ko naman na tatanungin niya ako kung
okay lang ako sa ganitong sitwasyon, 'di ba?

So, I shook my head. Patay ka sa aking hapon ka. If I can't catch you by running, an actress like me has
her way.

I cried in front of him.

"I want to go home, Seiji... I'll die here..."

Inangat ko ulit ang isa kong kamay, sinadya ko iyong pangatalin para makita niyang hinang-hina na ako.

I pulled a part of his white sleeves, tugged it gently to catch more of his attention. Tipid lang ang
pagkakahawak ko para hindi muna siya makahalata. Hanggang sa unti-unti rin akong bumangon, at
inalalayan niya ako!

I lowered my head to hide my evil grin, but I continued with my shaking shoulders. I dropped both of my
hands on my thighs and let my tears professionally flowed on it.     

Kitang-kita iyon lahat ni Seiji.

"Kureiji... gomen..."

Kureiji na ba ang tawag niya sa akin? Ano ba ang kureiji? Honey? Pretty? Sexy? My love?

Muli kong iniling ang ulo ko. Mas mabagal dahilan kung bakit mas lalong tumulo ang mga luha ko. And
when I slowly faced him and met his eyes, his lips suddenly parted. He looked so worried.
Oh well, that was just the beginning of the beautiful Everleigh's performance.

Dahil mabilis kong itinapon ang sarili ko sa kanya. I buried my face on his chest. Both of my hands were
tightly clutching on his long sleeves as I continue with my fake tears.   

He stiffened. Hindi talaga siya makagalaw. Pero narinig ko ang bulong niya sa akin na hanggang ngayon
ay hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin.

"K-Kureiji..."

I felt... I felt... his ribcage! Lalo akong naiyak. Bakit naman ang payat ng hapon na 'to? Kapag sinagot ko
na siya... kailangan niyang kainin lahat ng papakain ko sa kanya.

Say, ah... baby Seiji. Mommy Eve will always make you full.

I grinned with my wicked thoughts. Teen fiction nga lang ang baby ko, e!

In romantic films, when the female lead buried her face on her leading man, she'll feel that strong chest,
possessive arms will wrap around her, and a gentle whisper will soothe her pain. She will calm down,
and when her emotions subsided, the male lead will gently remove his arms to see her crying face, he
will tilt her face slowly to meet her eyes, until their lips meet under the beautiful sunlight.

But here I was, buried on my leading man's chest, as stiff as a stone. Hindi talaga gumagalaw iyong braso
niya sa tagiliran niya! But I could feel his heavy breathing!

Of course, he should be affected! A sexy woman crying on his chest?


He should feel privilege! Tanggap ko siya kahit amoy langis siya at puro rib cage siya. Habang patuloy ako
sa pag-iyak sa dibdib niya mas naamoy ko na talaga siya.

He didn't smell so manly and hot na nababasa sa mga libro kapag nagkakadikit mga bidang babae at
lalaki. Wala naman kasing gano'n, halos dalawang araw na walang ligo? Babad sa araw? Mabango pa
rin?

But... but he smells like...

"Oh my gosh, baby..." marahas akong humiwalay sa kanya, madrama akong nag-angat ng tingin sa kanya
habang nakakuyom pa rin ang dalawang kamay ko sa damit niya na malapit sa dibdib niya.

Hindi ko na maipinta ang mukha niya. Parang gusto niya nang tumakbo at nag-aalangan na siyang
tumingin sa akin.

He smells like...virgin coconut oil!

Does it mean...

I bit my lower lip. Hindi ko na napigilan na hampasin iyong isang braso niya. Saglit nanlaki iyong mata
niya bago niya hinimas iyong braso niyang hinampas ko.

"Itai..."

"You waited for me! You preserve it for me, babe... I am so happy!" madrama kong itinapon muli ang
sarili ko sa kanya. But this time I didn't bury my face on his chest. I looped my arms around his nape, and
since it was unexpected, we both stumbled on the sand.

"Ouch!" I complained, still lying on his frail body.


"Itai... itai..." he's chanting.

Bawat galaw ko sa ibabaw ng payat niyang katawan, paulit-ulit siya sa pagsasabi ng hindi ko
maintindihang salita.

Itinuon ko ang dalawa kong kamay sa buhangin at sinalubong ko ang mga mata niya habang nakangisi.

"Gotcha!"

Mas lalong naningkit iyong singkit niyang mga mata sa akin. I almost collapsed on his chest again.
Kinikilig ako sa hapon na amoy virgin coconut oil!

Siya na yata ang pinakagwapong lalaking amoy virgin coconut oil! I am fine even if he's not manly! Even
if he doesn't have broad muscles or abs! Amoy virgin coconut oil naman siya! And those eyes... kahit
hindi intimidating! Kahit mukhang inaantok lang siya at kulang sa tulog! It's fucking okay with me!

I am already screaming on my mind.

Ang hirap titigan ni Seiji sa malapitan. His small gestures, expressions, soft voice is damn melting my
heart. Sobrang hinhin ng bawat galaw niya. Ramdam na ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko.
Halos hindi ako makahinga ng maayos habang pinagmamasdan ko siya.

He's like an innocent pale white rabbit trapped by a big yellow cat.   

With his freezy looking hair yet soft when spreading on the white sands, his averting eyes, his pale skin
with the sunlight, his arms flopped on his sides, dancing shadows of trees on his face... and those lips na
minsan lang bumuka.
Tang ina... gwapo talaga... gwapo talaga. Help me...

He isn't my ideal type, and I never imagined that I would admire someone like him... but... this boy is
killing me softly.   

It's okay if this island didn't bless me a man... but a gentle boy, a soft boy on the sand... ipipilit ko na lang
ang steamy scenes namin! Yes! Ipipilit ko na lang! Kahit himatayin siya bigla, gigisingin ko na lang ulit!

"Feiku..." he said with his prodded lips. Nag-iwas siya ng tingin.

Halos mapatili ako. Ngumuso si Seiji!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nanghina na talaga ang braso ko sa kilig sa kanya. I landed on his chest
again. He tried to push me, but I forced myself on him.

Nakahilig iyong mukha ko sa dibdib niya habang pilit niya akong itinutulak, pero mas pinag-igi ko ang
pagyakap sa kanya. Minsan lang ako makalapit sa kanya, tatakbo na naman siya kapag nakawala siya sa
akin.

So, I played my forefinger on his chest, made a tiny circle on it while calling him with our baby names.
Syempre, ilang beses niyang tinatabig iyong daliri ko sa dibdib niya, mga sampung beses niyang iyong
ginawa hanggang sa napagod siya.

He sighed in defeat.

Nakabuka na ang mga braso niya sa buhangin habang nakatanaw siya sa kalangitan. Pinabayaan na niya
ako dahil alam niyang wala na siyang magagawa.

Gusto rin naman kasi... pabebe lang.


"Kureiji..."

I continued with my forefinger, doing circles on his chest. Kahit medyo bothered na ako, nati-trace ko na
iyong rib cage niya talaga!

"How do we call each other na? Should I call you baby? Babe? Honey? My loves?"

"Kureiji... kureiji..." tinabig niya ulit ang daliri ko.

When I looked at him, hindi siya pwedeng pang-babe or honey. Baby is too common, my loves is weird...
how about sweetheart? Napangiwi ako, baka mapulupot pa ang dila niya.

"Bebe na lang..."

Tumigil ako sa paglalaro sa dibdib niya. Inilagay ko ang braso ko sa dibdib niya at pinagkrus ko iyon para
suportahan ang bigat ko.

I saw him grimace. Mabigat na ba talaga ako o talagang mangangalas na ang rib cage niya?

"From now on, we bebe each other, alright?"

Hindi siya sumasagot. Sobrang salubong na iyong kilay niya sa akin. Lumawak lang ang ngisi ko sa kanya.

He panicked when he saw how I slowly lowered my head on him. He tilted his face on the right side to
avoid me, but I stopped when our faces were inches away. The tip of my nose can feel his cheek.       
"Bebe..." I whispered.

Only his eyes moved to look at me. "Bebe..." ulit ko.

I don't know if he can understand my word or it was because of my flirting way. But I could see how Seiji
Matsumoto's face turned crimson.

My bebe is blushing!

Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 6

First laughter

I wasn't expecting a sweet scene after the assault I made on him a while ago. Kahit siguro himatayin
akong tunay rito sa pwesto ko, hindi na siya tatakbo para lumapit sa akin.

Ang laki ng galit sa akin ni Seiji, na sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, lilingon siya sa ibang
direksyon habang kung anu-ano ang sinasabi. Of course, I couldn't understand that!

But he was blushing, 'di ba?

Gano'n siguro talaga kapag hapon ka at amoy virgin coconut oil. Nasa in denial stage pa rin siguro siya,
or maybe he is still not aware of our past. But I am sure about it!

I hugged my legs and dreamily placed my face on my knees. Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig
kay Seiji na nakaupo sa malayo. Nililipad ng hangin iyong buhok niya na takot sa shampoo.
Siya talaga iyong sundalong hapon na may hawak ng mahabang baril na biglang pumasok sa mansion
naming mga Rosilla.

He was holding that ruthless gun with a long metal spear on its nose, he was determined to follow his
superiors' command, but right after his eyes laid on my beautiful face, his thoughts rattled.

Iba na ang gusto niyang ibaril sa akin.

"Oh gosh, bebe naman!"

Napatili ako sa pwesto ko at halos mapapadyak ako sa pagkakaupo ko habang kinikilig.

He glanced at me. He shook his head disapprovingly. Alam kong nagkukunwari lang siya sa mga oras na
'to! He's still thinking of me and his fantasies towards me.     

"Si bebe talaga! Ang wild na simula pa lang ng panahon ng mga hapon!" napahawak ako sa magkabilang
pisngi ko.

Our first love bloomed during the Japanese colonization. Naudlot nga lang dahil malamya siyang
sundalo.

My stomach growled. Nagugutom na talaga ako. Mahina naman akong kumain at matagal pa talaga ako
bago magutom, but it's almost two days! Tama ba bilang ko?

I sighed. Mamaya ko na lang siguro siya uulit kukulitin, mga after forty-seven minutes.   

I need to find food. But how?


Nang lumingon ako sa kanya, nagsimula na rin akong magtaka. Hindi ba siya nagugutom?

Alam kong hindi na rin siya maniniwala sa acting skills ko. But well... I have other ways of acting, hindi
lang naman pagkahimatay ang kaya kong gawin. Pero kailangan ko muna sigurong palamigin ang ulo
niya.

But we really need. Hindi ko alam kung paano maghanap ng pagkain dito sa isla na 'to.

How can I approach him, then?

Kung apat na dipa ang layo namin kanina, ngayon ay anim o pitong dipa na yata.

"S-Seiji..."

Hindi siya lumingon.

"Seiji!" mas malakas na sigaw ko. Hindi pa rin siya lumilingon.

"Bebe!"

Tinakpan na niya ang tenga niya. Wala nang tigil sa pag-iingay ang tiyan ko. This is so unladylike! Kaya
tumayo na ako at sinubukang humakbang ng dahan-dahan patungo kay Seiji. Bigla agad siyang tumayo
at parang handa na namang tumakbo mula sa akin.

"Gosh!"
Bakit wala man lang character development ang male lead ko na 'to?

Dapat ngayon ay naghahabulan na kami sa tabing dagat. Seiji Matsumoto, with his chinito eyes and
small laughter while chasing me. And the beautiful and sexy, Sidra Everleigh, giggling while running away
from him.

"Bebe, stop chasing me... enough! Maaga pa! It tickles... you know... oh my gosh..."

And then, he'd trap me on the sand with his hands tightly gripping on my wrist. He would caress the
strands of my hair on my face, his eyes will wander down on my lips, and he will softly whisper his love
for me.   

I bit my lower lip. Iritado akong napapadyak sa buhangin dahil sobrang layo ng nangyayari ngayon sa
gusto ko. Dahil ang lalaking dapat hahabol sa akin, lagi nang tumatakbo kapag lumalapit ako.

I carefully extended my arms and made a few steps. I wanted to show that I was not as aggressive as
before. Gutom na talaga kasi ako.

"Bebe, I am hungry..." itinuro ko ang tiyan ko.

Kumunot noo niya. "Hungry... we need to eat. I just realized that we're not going to survive if we landi
each other lang..."

I gave him an action na parang kumakain ako. "Eat..."

"Tabetai?"

Gago 'to. Hindi ko nga siya maintindihan, e! Gutom na nga ako!


"Eat! Food! Hungry!"

Nang makita niya siguro na parang mababaliw na ako sa pagpapaintindi sa kanya, bigla na siyang
tumayo. Tinalikuran niya ako at nagsimula siyang maglakad.

Umawang ang bibig ko. Hindi niya talaga ako papansinin dito? Hindi niya talaga na-gets? Nagugutom na
'ko! I am not familiar with the Japanese trees, plants! Baka lason makain ko!

Nakatayo lang ako sa pwesto ko, para na akong maiiyak habang nakatitig sa kanya.

I was about to wipe my fake tears when he suddenly looked back at me. "Huh? Kureiji, ikimashou..."

"W-What?"

And then, Seiji Matsumoto, for the first time, made an action for me. He lifted his hand and waved it
towards him. Pinapasunod niya ako sa kanya!

Halos mapatalon ako sa tuwa.

Nang medyo malapit na ako sa kanya, inangat niyang muli ako kamay niya sa harap ko. "Sutoppu."

"Sutoppu?" ulit ko. Nagkatitigan kami saglit habang nakaangat pa rin ang kamay niya. Until I finally got
his message. Ilang beses akong tumango. Gusto pala ng distansya ng hapon.

I sweetly smiled at him. "Alright, bebe!"


Pansin ko na saglit siya natigilan sa reaksyon ko. Akala niya siguro magpupumilit ako. He slowly turned
his back again and returned walking ahead of me.

Pero sobrang bagal talaga ni Seiji kumilos. Mas mahinhin pa siya sa akin talaga.

Habang naglalakad siya, pinagmamasdan kong maigi ang likuran niya. Alright, he's not sobrang payat
naman talaga. Nasanay lang talaga ako sa mga lalaking umaaligid sa akin na may flexing muscles at abs.
Na kapag pinawisan, ulam na talaga.

Si Seiji kasi kapag pinapawisan, parang inosenteng gwapong lalaki na naiwan lang ang towel sa bahay.
He's not hot, but super cute! Parang siyang basang sisiw na sobrang gwapo. Isa pa sa kanya, he's not
conscious. Wala talaga siyang pakialam sa iniisip ko sa kanya kahit sabog buhok niya, amoy langis siya at
parang basahan na iyong damit niya.   

Inaamin ko na exaggerated na 'ko sa rib cage niya! Nakakaasar na kasi siya minsan, so iyon na lang ang
pampalubag loob ko.

Nang lumingon na siya sa kagubatan ng isla, bigla akong kinabahan. Sigurado pa siya na may distance pa
kami?

"S-Seiji... I am scared. Can I come near you na lang? I promise, I will not assault you. I'll be gentle."

Lumingon siya sa akin pabalik. Of course, hindi na naman ako naintindihan. Itinuro ko ang gubat ng isla,
niyakap ko ang sarili ko at ilang beses akong umiling. I tried my best to look scared.

"Scared, afraid... what else? Gosh!"

"Kowai?"
"Malay ko sa kowai na 'yan! Peste ka!"

We both looked conflicted. It's so frustrating. We can't understand each other. "Natatakot talaga ako,
Seiji. Scared!" mas niyakap ko ang sarili ko at kumunot ang noo roon sa gubat.

"Hai... wakatta..."

Seiji Matsumoto is quite improving. Nagsasalita na siya sa akin, iyon nga lang, hindi ko talaga
maintindihan. Ngayon ako nagsisi na hindi ako nagpaturo kay Akio.

My lips pursed. Akio... I hope he's well.

Nanlaki ang mga mata ko nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. "Oh my gosh, holding hands?"

Bago pa magbago ang ihip ng hangin, nagmadali na akong tumakbo papalapit sa kanya. I was about to
reach his hand, when he moved it away. "Damn you."

Pinalapit lang pala ako!

As if naman may magagawa ang payat niyang katawan kapag may amazona riyan sa loob! Mas malakas
pa nga ako sa kanya, e!

Pero hindi ko mapigilan humawak sa long sleeves niyang amoy langis. Maliit nga lang ang pagkakahawak
ko roon dahil baka bigla siyang tumakbo. Nag-alangan pa nga ako dahil tumingin siya roon ng isang
minuto.

Loading talaga 'tong si Seiji.


At nang sandaling pumasok na nga kami sa gubat, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang maliit na hawak
ko, iniyakap ko na sa braso niya. "Dapat hindi na talaga ako sumama! Sumasayad sa skin ko yung
grasses! My gosh, my million-dollar skin, bebe!" iritado kong inihahampas ang kamay ko sa matataas na
halaman.

"Eww, may natapakan ako bebe. Ouch! Oh my gosh, this forest will kill me! Bebe, my skin!" umiiyak na
ako habang mariin nakayakap sa braso niya.

"Kureiji, urusai!"

Napatili ako nang makaramdam ako ng hapdi sa likod ko. "Ouch! My back, bebe!" Feeling ko,
hihimatayin na talaga ako.

Bigla akong kumalas ng yakap sa kanya at tumalikod ako sa kanya. "Bebe, my back! Look! Did something
bite on it? Ouch, bebe... save me..." pawisang sabi ko.

Nagtataasan ang balahibo ko. Halos mangisay ang sa sobrang diri, baka magkaroon ako ng pilat. Oh no...

Sidra Everleigh minus 0.003% of her beauty.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Seiji habang nakasilip ako sa kanya at itinuturo ang likod ko.

Dahil nakatitig lang siya sa akin, hinampas ko na ang braso niya na agad niyang hinimas. "Look nga kasi!"
pilit kong itinuro ang likod ko.

"Doko?"

Itinaas niya iyong kanang kamay niya sa pinakamabagal na paraan. His fingers were hesitant to point my
back. Ilang beses na akong napapadyak sa sobrang bagal niya.
Hindi niya ba nakikita na stress na stress na ako?!

"Bebe, here! I can't reach it! Look if the scratch is one inch? One centimeter? Two centimeters? Gosh,
I'm dying..."

Nagtuturuan kami ni Seiji sa aking likuran nang kapwa kami may marinig na hindi tama. Halos sabay
yumuko ang mga ulo namin sa baba at kusa nang bumaba ang mga kamay namin.

Nanlamig ang buong katawan ko. My teeth suddenly cluttered. Ramdam kong humawak sa magkabilang
braso ko si Seiji nang dahan-dahan.

He started to whisper something on me, gusto kong maiyak at kiligin dahil sobrang lambot niyon para
kumalma ako. Pero hindi ko talaga maintindihan.

"Kureiji... yukkuri..." sabay kaming humakbang ni Seiji paatras habang unti-unting gumagapang ang ahas
papalapit sa amin.

Ramdam ko rin iyong lamig ng kamay niya sa akin. Damn, this soft boy has the softest hands! "S-Seiji..."

Nakadalawang hakbang kaming dalawa ni Seiji paatras habang nakaalalay siya sa likuran ko, pero nang
sandaling may marinig kaming isa pang ingay mula sa kanan, hindi ko na napigilan ang pagtili ko.

"Ayoko na!"

"Kureiji!"
Bigla na akong tumalon sa kanya, nabulahaw ang dalawang ahas kaya mas bumilis ang paggapang nila
patungo sa amin. Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ang payat na katawan ni Seiji, pero nagawa
niya akong saluhin at buhatin.

Ang mabagal na si Seiji Matsumoto, sa unang pagkakataon ay nakita kong desperadong tumakbo, hindi
papalayo sa akin kundi sa dalawang malaking ahas.

He carried me in a bridal position. Wala akong tigil sa pagsigaw habang iba't ibang klase ng halaman ang
tumatama sa katawan namin.

"Kureiji! Kureiji!" paulit-ulit niyang sigaw habang tumatakbo.

Ilang beses pa rin siyang halos maubo dahil sa mahigpit na yakap ko sa leeg niya. "Bebe, faster! Oh...
ah..." sabi ko habang may tumatamang mga halaman sa katawan namin.

"Urusai!"

Nang kapwa na kami nakakita ng liwanag mula sa labas ng gubat, ramdam ko na mas bumilis ang takbo
niya. He panicked as well!

At nang sandaling abot kamay na namin ang liwanag, doon na bumigay ang binti ni Seiji, napaggulong-
gulong kaming dalawa sa buhangin.

"Shit! Ouch..."

Gusto ko sanang magkayakap pa kami sa buhanginan dahil sa bagsak na iyon, pero magkahiwalay na
kami. Kapwa kami nakalugmok sa buhangin, humihingal at nakatulala sa kalangitan.
Wala sa sarili akong lumingon kay Seiji na nakatanaw pa rin sa langit. His chest was heaving heavily.
Hindi ko na hinintay na lumingon siya sa akin dahil siguradong kukunot lang ang noo niya sa akin.

He will blame me for sure! Pero masisisi niya ba ako? Alangan naman na hindi ako magulat. Ahas iyon!
Dalawa pa! Gago siya.

I bit my lower lip. Pero gutom na gutom na talaga ako. We need food, hindi namin maitutuloy ang
magandang pag-iibigan namin kapag namatay kami sa gutom.

Flirting is not nakakabusog din naman kasi...

Nanlalamya akong lumingon kay Seiji. Nanatili kaming nakahiga sa buhangin, pagod na pagod ako kahit
buhat niya lang ako. Pero alam kong mas pagod siya, sa katawan niya ba namang iyan?

But he should exercise for our future! Para ma-push ang mature scenes namin. Yes!

Wala akong pakialam kahit ramdam niyang nakatitig ako sa kanya. Hindi rin naman siya lilingon... pero
saglit akong napasinghap nang mapansin ko na mabagal niyang iginalaw ang kanyang ulo.

When our eyes locked, as our hearts continued to pound heavily, sweats glistening to our faces, birds
chirping above us, and waves witnessing our adventures...

Seiji Matsumoto and I laughed together.

And suddenly, I couldn't hear anything but the warm sounds of his laugher...

Chapter 9 - Chapter 7

AN/ I copied a link for Eve and Seiji's theme song. You may hear it! Haha
Chapter 7

Tent

Before I finally entertain the tingling sensation I had felt when I heard his soft laughter, I immediately
shook myself. I got up from the sand and tried to look for something to divert my attention.

Seiji's existence here on this island is my biggest diversion away from loneliness, na halip na sobra kong
balutin ang sarili ko sa kalungkutan at sa sunud-sunod na kamalasang nararanasan ko, pinipilit kong
maging masaya at humanap ng bagay na hindi magpapabigat sa dibdib ko.

I might be happy in front of everyone, pero hindi nila alam na pagod na pagod na pagod na akong
gumalaw sa mundong punung-puno ng panghuhusga.

Ang hirap maging sikat. Ang hirap magkamali... ang hirap maging dapat perpekto, katangian na hinihiling
ng lahat.

But no one's perfect, right? Artista lang ako. Nagkakamali... pero iyon ang pilit gustong makita ng lahat
sa akin.

Maybe... maybe in this island... maybe in this tragedy I can breathe for a while. Na ang trahedyang ito na
sa halip magdagdag ng sama ng loob sa akin— ay magdala ng magandang alaala.

Hindi ko man sabihin kay Akio noon, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako
nakakaahon sa nakaraang dagok sa karera ko. I wasn't really happy. But I am trying and doing my best to
make myself happy.

Sidra Everleigh Rosilla, a beautiful girl who's always looking at the bright side.
At si Seiji... maybe he's the bright side in this island. Hindi ko man maintindihan ang lengguwahe niya.

"Kureiji..."

"Yes, be?"

Lumingon ako sa kanya. May itinuturo ang hapon sa akin at nang sandaling tumingin ako roon, nanlaki
ang mga mata ko. A tent!

Nagmadali na akong tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Halos magtatalon-talon pa ako sa pagsunod sa paglalakad niya. Namamalikmata ba kami? Totoo ba ang
nakikita ko?

Kapwa kami tumigil sa tent na hindi na maayos ang pagkakatayo, pansin ko na rin punung-puno na iyon
na alikabok.

Mariin akong napapikit. Matagal na ang tent na ito rito. Pero bakit iniwan na lang basta?

Si Seiji ay mas lumapit tent hanggang sa sumilip na siya sa loob. Hindi ko alam kung bakit bigla akong
kinabahan habang palinga-linga ako sa paligid. Bakit may mag-iiwan ng tent dito ng basta na lang?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at kusa kong nayakap ang sarili, biglang nagtaasan ang lahat ng
balahibo ko. Kaya nagmadali na rin akong pumasok sa loob ng tent.

"Seiji! I think there's something wrong in here..." agad kong iniyakap ang braso ko sa kanya habang
nakatitig ako sa labas ng tent.
Paano kung ang may-ari ng tent na 'to ay napatay ng mga cannibal? Oh my gosh.

"Kureiji!" marahas niyang inagaw ang braso niya sa akin. Nang lumingon ako sa kanya ay may hawak na
siyang itim na bag.

Napasinghap ako. Even the bags! The owners left their bags! Hindi nila iyon sasadyain! There is really
something in wrong in this island!

"S-Seiji... I am scared..." I tugged his almost brown long sleeve.

Dalawang itim na bag ang nasa loob ng tent at halatang matagal na rin ang mga iyon dito dahil
napupuno na rin ng alikabok.

"Kore..." inabot niya sa akin ang isang bag. Itinuro niya ang zipper at inikot niya sa ere ang isang daliri
niya.

Nag-sign language na sa akin ang hapon. "Got it." Tumango ako na rin ako.

Kapwa na kami nagbukas ng bag at tiningnan ang laman niyon. At nagliwanag ang mga mata ko nang
may makita akong mga de lata.

"Gosh, Seiji..." isa-isa kong inilabas iyong mga de lata. Tumigil siya sa pagtingin sa bag na hawak niya at
tiningnan niya isa-isa ang mga iyon.

Akala ko ay flavor ng tuna ang tinitingnan niya, pero nang silipin ko ang tinitingnan niya, expiration date
pala.
"Okay." Ani niya. He made a circle shape through his thumb and forefinger. Muli akong tumango. Gano'n
pala ang okay ng mga hapon? Thumbs up kasi ang alam ko.

Pero ang galing niya, ah? Tanda niya pa ang date ngayon?

Nawala sandali ang takot at pagtataka ko dahil sa pagbubukas namin ni Seiji ng bag. May tig-tatlong bote
pa ng mineral water, mayroon din silang water filter at ilang damit. Even toiletries! Mukhang hindi lang
ilang araw ang dapat itatagal ng mga taong may-ari ng mga gamit na ito.

But what happened to them?

Pansin ko na mukhang baliktad ang bag na hawak namin ni Seiji, dahil damit ng lalaki ang nasa akin at
iyong sa babae ang sa kanya. Mag-jowa yata ang magka-camping dapat dito.

Tuloy-tuloy pa sana ang pagbuklat ni Seiji sa bag nang may mahila siyang hindi dapat. Natulala bigla ang
inosenteng hapon sa hawak niyang itim na nighties. Mukhang dito pa sana magho-honeymoon iyong
mga may-ari ng tent.

Agad ko iyong hinablot sa kanya. "I'll use this! Thanks, be..." I gave him a smack kiss on air.

Wala siyang reaksyon. Bumalik siya sa paghahanap sa bag. "Suplado..."

Ako naman ang nakakita ng damit panlalaki, pero sobrang laki para sa kanya. I shrugged. Kaysa naman
wala siyang pamalit doon sa putim niyang long sleeves.

Bulsa ng itim na bag ang kinapa ko, hanggang sa may makapa akong sachet. Akala ko noong una ay
shampoo, pero nang hugutin ko iyon at tumama sa aking mga mata ang hitsura niyon, lumawak ang ngisi
ko, bago ko sulyapan ang likuran ni Seiji.
Tumigil ako sa paghahalwat sa aking bag. I kneeled, placed my palms on the tent's floor and slowly
crawled towards him. Tumigil ako nang gahibla na ang labi ko sa likuran ng tenga niya.

"Be-be..." he stiffened. Mga isang minuto siyang hindi gumalaw bago niya ibinalik ang atensyon sa bag
na hawak niya.

"Seiji, I found something interesting..." he waved his hand. Para lang siyang nagtataboy ng langaw. Gago
'tong hapon na 'to, ah!

Bago pa niya ako tuluyang hindi pansinin, bigla kong iniharap sa kanya ang ilang condom na nakita ko.
Hindi ko man maintindihan ang sulat doon, alam ko kung ano ang nasa loob.

"I found this..."

Natulala na naman si Seiji habang nakatitig doon. Hinintay ko muna siyang mag-loading ng dalawang
minuto bago mag-sink in sa utak niya na nilalandi ko lang naman siya.

Suminghap siya at hinawi niya ang kamay ko. "K-Kureiji!"

Itinulak ko nga siya. "Puro ka na Kureiji! Kureiji! Itatago ko 'to! Alam kong bibigay ka rin sa akin! Pabebe
masyado!" I rolled my eyes. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang paghahalwat.

Nang matapos kami sa mga bag, pinalabas na rin ako ni Seiji sa tent at sinimulan niya iyong ayusin.
Gusto ko sanang tumulong sa kanya, pero lalo lang naniningkit iyong mata niya sa akin, kaya nanuod na
lang ako.

Hinintay ko siyang lumabas habang nakaupo ako sa labas. Nagulat pa ako nang tumabi siya sa akin at
nag-abot siya ng de lata. Tuna. Binigyan niya rin ako ng chopsticks na nakita namin kanina.
"Tabemashou..." he moved his chopsticks and raised his canned food. Pinanuod ko siyang buksan iyon.
Gumaya naman ako pero hindi ko mahila talaga iyong bukasan, ang hina ng pulso ko.

Inilagay niya sa kandungan niya iyong kinakain niya at inagaw niya ang sa akin. Seiji Matsumoto, ang
supladong hapon, hindi kilala ang shampoo at mukhang kureiji is pinagbuksan ako ng de lata.

"Thank you..."

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ulit ang kinakain niya at nagtuloy siya sa pagkain. But I have another
problem...

"Be... I don't know how to use chopsticks..." iniharap ko sa kanya ang chopsticks at umiling ako sa kanya.

"Dekinai?"

Umiling lang ulit ako. "You subo me na lang, bebe..." napasinghap ako sa sinabi ko at hindi ko napigilan
ang sarili kong hampasin ang braso niya. Kung wala siyang hawak na chopstick at de lata, siguradong
hinimas na naman niya ang braso niyang himpas ko.

Napahawak ako sa aking pisngi. "Kahit naman wild ako, bebe... I don't like subo... gosh..."

"N-Nani?"

Ipinatong ko sa kandungan ko iyong de lata at chopstick. Yumuko ako habang nilalaro ang dalawang dulo
ng hintuturo ko. "Seiji... I am still innocent. Maybe I dressed like this, a party girl and open minded...
pero I am still..." hinampas ko ulit ang braso niya.

"Bebe naman, I don't want to talk about this, nanliligaw ka pa lang sa akin... gusto mo isubo ko agad..."
"Kureiji..."

"Pero kung mapilit ka... kanina mo pa akong pinipilit, eh! Sige na... you subo me na lang—" agad
nagsalubong ang kilay ko nang tahimik nang kumakain si Seiji.

Hindi na nakikinig ang gago sa akin!

"Seiji!"

Sa pagkainis ko sa kanya, nalaglag na iyong chopstick ko sa buhangin. Kapwa kami napatitig doon ni Seiji,
napabuntong hininga siya bago niya ginamit iyong chopstick niya para kumuha ng tuna sa akin.

He pushed his chopstick in front of me. "Urusai... saisho ni taberu."

"Huh?"

Hindi na ako nakapagsalita nang subuan na nga niya ako. And yes, we silently eat our tuna together with
his chopsticks. Binigyan niya rin ako ng bote ng mineral water nang matapos kaming kumain. Doon ko
lang naramdaman na gutom na gutom na pala talaga ako.

"Thank you, Seiji..."

Bago pa man siya malayo sa tabi ko, mabilis na akong humalik sa pisngi niya. It was just a smack, but it
was like I assaulted him. Dahil nakaupo na nga siya, natumba pa siya.

I pouted my lips. Pulang-pula si Seiji habang tulala sa akin.


"Nakaka-offend ka na, ah? But I'll let it slide. Sinubuan mo naman ako." When I kissed him on air,
nagmadali na siyang tumayo at lumayo sa akin.

I smirked at him. Iyong akala ko okay na kami at pwede ko na siyang lambingin, lagi pa rin siyang
nagmamadaling tumakbo.

Hindi na ako lumayo sa may tent hanggang abutin ako ng hapon. It's good that the tent was placed on a
nice spot, sa umaga man o sa gabi.

Nagsisimula nang lumubog ang araw nang makita ko si Seiji na pabalik na. Nahimasmasan na yata sa
paghalik ko sa pisngi.

"Bebe, let's ligo together!"

Of course, hindi niya na naman ako naintindihan, so I gave him an action. Una nag-swimming ako,
umiling siya, nagkuskus ako ng braso, umiling ulit siya, at parang nagsha-shower, umiling na naman.

"Kaya ganyan ang peste mong buhok, eh! Di ka naman yata naliligo!" padabog akong pumasok sa tent at
kinuha ko iyong damit ng babae.

"I'll take a bath! Don't silip me!"

Naglakad ako ng sobrang layo bago ako naging kampante at maghubad ng mamahalin kong dress.
Kumbinsido rin naman akong hindi maninilip ang pesteng hapon na iyon.

I don't know if I'll consider that tent a threat or a blessing. Sobrang nakakapagtaka na may ganoon sa
islang ito... hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot.
What really happened to them?

Dahil sa takot, mabilis na lang akong naligo sa dagat. I used an oversize shirt, lacy panty na nando'n sa
bag, hindi na ako nag-bra. Mas malaki ang dibdib ko sa may-ari ng bag.

Nang makabalik ako sa tent, may siga na ng apoy si Seiji, hinanap ko ang magaling na hapon, hayun,
naliligo na rin.

When he saw me, natigil siya saglit sa pagkuskos ng braso niya at tumalikod pa sa akin. Umirap ako.

Wala man lang kalandi-landi sa katawan ang hayop na pesteng hapon na 'to! Sa halip na pumasok agad
sa tent, pinili kong umupo sa may siga ng apoy at hantaran akong nanuod sa panliligo niya.

Well, it's my first time to see him topless. Sa halip na kiligin ako at uhawin sa nakikita ko, nagdadasal ako
na sana matapos na siya sa panliligo, baka ubuhin pa siya riyan sa sobrang payat niya.

Kinikilig na ako sa kanya kanina, eh. Sinubuan niya ako! Sinubuan... kahit ayaw ko, nagpapilit talaga ako
sa kanya dahil nakakahiya naman. I just gave him a smack, my gosh!

Napasipa na ako sa pagkakaupo ko. Naasar na talaga ako sa kanya!

The trap in this island should be like this...

Beautiful Sidra Everleigh with her half-opened mouth, staring at the hottest man... with dripping drops
of water on his broad chests, throat drying v-line started to tease her eyes as the male lead slowly
walked away from the ocean...

Biglang tutunog ang theme song namin dalawa. I see red.


I suddenly felt like Laura... and he is my Massimo of 365 days. Sa pag-ahon niya sa dagat, bigla niyang
hahawiin patalikod ang basa niyang buhok habang may mariing mga mata sa akin.

"Eve..." he will call my name huskily.

"Oh, Seiji..."

Hindi na namin kailangan ng yate! Sa tent na lang! Sa tent na lang! I was about to open my arms for him,
when reality hits at me.

Biglang umahon si Seiji Matsumoto sa dagat. Yes, it was a slow motion, dahil mabagal naman talaga
siyang kumilos, peste siya! Walang hawi-hawi ng buhok kahit natatakpan na ang mata niya, wala siyang
pake.

Sa halip na I see red of tumunog sa tenga ko, na bagay na bagay sa hotness ko at ka-sexyhan ko, iba ang
narinig ko.

Kimi no Toriko. Kimi no Toriko. Kimi no Toriko. Teen fiction nga lang pala ang bebe ko.

Napahampas na ako sa aking noo.

At hayun na nga, natalisod pa ang leading man ko sa pag-ahon sa dagat.

I was annoyed of him, but I can't help but smile. I can't deny the fact that Seiji Matsumoto is the cutest
and softest boy I've ever met.

Chapter 10 - Chapter 8
AN/ You may hear the other version. It's cute! Haha

Chapter 8

Dream

I tried my best to stay in my comfortable seat, near the fire to keep myself warm. But after watching
Seiji and his awesome exit from the sea, I suddenly found myself standing and about to run towards
him.

Nagdasal ako na nga ako na sana hindi siya ubuhin dahil sa panliligo niyang halos gabi na, lalo na't
ganyan pa ang katawan niya, kaso hayun na nga, natalisod naman siya dahil sa alon.

My baby... I mean my bebe is so fragile talaga.

Bakit naman kasi laging slow motion ítong si Seiji? But well... he's pinakagwapo na loading, and
pinakagwapo na natalisod, well... bebe ko lang naman siya.

Pero dahil hindi ako marupok, bumalik ako sa pagkakaupo ko at nagkunwari akong hindi affected at
worried. Kahit muli na akong nagdadasal na umalis na siya roon sa tabing dagat, baka umalon pa at
mahagip pa siya.

Pa-simple akong nanunuod sa kanya. Lamig na lamig na iyong hapon dahil yakap na niya ang kanyang
sarili habang naglalakad patungo sa tent.

I want him to be my Massimo, looking hot and rugged in my eyes. Tututog iyong them song namin at
well... we'll play together on the sand. Pero sa tuwing tumatama ang mata ko rito kay Seiji puro Kimi no
Toriko na kanta iyong tumutugtog sa utak ko.
Gosh, basag na basag ang imagination ko kay Seiji Matsumoto!

Akala ko ay tutulog na siya at hindi na magpapakita sa akin, pero agad ng tumaas ang kilay ko nang
lumabas siya.

I expected his fresh look. Gano'n naman dapat 'di ba? Pero nang nakita ko si Seiji, hindi ko alam kung
manlalamya ako o bigla ko siyang susugurin sa cuteness niya at pagiging walang pake talaga. Paano
magmukhang bagong gising kahit kaliligo mo lang? Well, that is Seiji Matsumoto for you.

Kung iyong oversize shirt ko, mas lalong nakadagdag ng ganda at ka-sexyhan ko. Iyong si Seiji para kaunti
na lang lilipad na. Saang bansa kaya 'to makakarating?

I waved my hair elegantly with the wind. I dramatically stretched my legs on the sand, it glittered with
silkiness and smoothness as the fire's shadows danced with it. If I were in photoshoot, tulala na naman
ang buong crew sa kagandahan ko.

I am the most desired actress of this generation, na kahit anong isuot sa akin nagagawa kong dalhin ng
walang kahirap-hirap. Even rags would look elegant with my perfect body.

Muli kong sinulyapan si Seiji mas lalo siyang tumangkad at pumayat sa suot niya. Iyong buhok niya na
ayaw na ayaw niya talaga hawakan, hinayaan niyang kapit na kapit. Ano ba 'tong hapon na 'to?

May hawak na ulit siyang de lata. Mabilis na nagtama iyong mga mata namin. Siya ang unang nag-iwas,
pero sa pinakamabagal na paraan. Wala pa rin naman siyang reaksyon.

He's always emotionless. Tulala o kaya ay parang wala sa sarili, lipad ang utak sa ibang planeta o kaya'y
may sarili talaga siyang mundo.

Lumapit siya sa akin at inabot niya sa akin ang panibagong tuna. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako
nakakaramdam ng gutom, baka nalipasan na naman ako.
Hindi ko gustong kumain pero alam kong kailangan ko kaya tinanggap ko iyon. Nang nasa kamay ko na
iyong de lata, dumistansya na ulit siya sa akin.

We let the sound of the cracking firewood overwhelmed us. Pansin ko na nagsisimula na siyang kumain,
habang nanatili akong nakatitig doon sa de lata na hindi ko alam kung paano ko kakainin.

Can't he remember that I can't use chopsticks?

When he noticed that I wasn't eating with him, he stared at me for about two-three minutes. Hinayaan
ko muna siyang mag-loading hanggang sa maalala niya na hindi ako marunong gumamit ng chopsticks.

He looked conflicted. Hindi niya alam kung lalapit pa ba siya sa akin, magsasalita o kaya ay magsa-sign
language na lang para magkaintindihan kami.

I pretended to be cold. Mamaya ako babawi pagpasok namin sa tent. Patay ka sa aking hapon ka.
Mahirapan ka ngayon sa akin kausapin ako.

You don't want us to ligo together? Ha! We will sleep together tonight, baby, wala kang kawala. Mommy
Eve will sleep with her baby... I mean bebe.

Since I am always the award-winning actress, I gave my whole attention at the canned goods. I
dramatically tried to open the can, since I am just pretty and sexy, but weak I failed to open the can. I
exaggeratedly sighed. I bit my lower lip while looking at the can. Syempre mukha na akong magandang
nagugutom.

I tactically glanced at Seiji and made myself looked hesitant na parang labag sa loob ko na sumulyap sa
kanya, mukha na rin siyang nahihirapan sa sitwasyon ko. Nadadala na nang unti-unti ang baby ni
Mommy ni Eve.
Ibaba ko na sana iyong canned good nang bigla nang tumayo si Seiji, medyo bumilis ng konti ang
paglalakad niya papunta sa akin at naupo na siya sa tabi ko, pero may distansya pa rin.

Itinaas niya iyong chopstick at hinarap sa akin.

"Ashita... hashi..." iginalaw niya ang chopstick sa harapan ko. "Hashi." Ulit niya.

Tumango ako. Alright, I got it. Hashi ang tawag sa chopstick. "Renshu..." dagdag niya. Ngumiwi ako at
umiling sa kanya. Bigla tuloy akong nagutom.

Pesteng language barrier 'to!

Gusto ko lang naman ay subuan niya na ako! Bigla ba naman akong hinapon?!

"Anong renshu gago ka?"

Hirap din siya kasi hindi niya ako maintindihan. Pinag-loading ko muna siya habang nag-iisip siya ng
mababaw na salita. Kahit gaano pa kababaw ang gamitin niya wala akong maiintindihan, malay ko ba sa
lengguwahe nila.

"T-Teach..." itinuro niya ang kanyang sarili. "Hashi." Itinaas niya ang chopstick. "Anata..." itinuro niya
ako.

"Oh... tuturuan mo ako? You'll teach me?" itinuro ko ang sarili ko. He nodded.

Gosh, hinihingal ako sa usapan namin dalawa. "Now?"


Tumitig ulit siya sa akin. Iniisip niya kung anoo ang ibig sabihin ng now. "Today?"

Paano ba isa-sign language ang today?! Halos sabunutan ko ang sarili ko. Can we just kiss? Gosh.

"Ashita..." usal niya. Ano ba ang ashita na iyan?! Hirap din siya kung paano isa-sign language iyon.

"Ano bang ashita gago ka?!"

Ibinigay niya sa akin ang chopstick at kumuha siya ng maliit na kahoy sa buhangin. Nagsimula na siyang
magdrawing ng bilog-bilog doon.

Tatlong bilog.

"Kino. Kyo. Ashita." Sunud-sunod niyang itinuro ang bilog. Kino ang una, kyo ang pangalawa, ashita ang
pangatlo.

Hindi ko ma-gets!

"Kyo." Itinuro niya ang baba.

Naiirita na ako. "Tao ba 'to? Bagay? Hayop? Pagkain? Hapon? Ano gutom na ako ngayon mo pa naisipan
magturo?!"

"K-Kyo..." loading siya ulit. Saglit na nanlaki ang mata niya at nagliwanag ang mukha niya. "Hai.. hai..
kyo... now."
"N-Now?" ulit ko. Hanggang sa unti-unti ko nang naiintindihan ang drawing niya. "Today! Peste!"
tumingin ako sa ibaba.

"Kino is yesterday, kyo is today and ashita is tomorrow. So tomorrow you'll teach me how to use
chopstick!" nasapo ko na ang noo ko. Sumakit ulo ko sa usapan namin dalawa.

Can we just landi na lang?

Ngumiti ako sa kanya. "Alright, be..."

Tumango na rin siya sa akin. Kinuha na niya ang chopstick at sinubuan niya na ako sa pagkain ko. Hindi
ko muna siya nilandi dahil gutom na talaga ako, bigla pa siyang tumakbo na hindi pa ako nabubusog.

Naubos ko iyong buong tuna. I never thought that I'd appreciate canned goods this much. "Arigatou,
be..."

Tumango muli. Nauna na siyang tumayo at naglakad na siya papalayo sa akin. I pursed my lips before I
called him.

"Bebe..."

Lumingon siya. Hindi ko na napigilan ang ngisi ko. Kilala na niya kung sino ang bebe ko. Lumilingon na
ang magaling na hapon. Dati ay hindi siya lumilingon kung hindi Seiji ang tawag ko.

Nang mapansin niya ang ngisi ko, mabagal siyang naglihis ng mata at muling bumalik sa paglalakad.

I giggled. Tumayo na rin ako at hinabol ko siya.


"Are we going to sleep na?"

Hindi siya sumagot. Pumasok na siya sa tent matapos niyang itabi sa lagayan ng mga latang ubos na
iyong pinagkainan ko. Hindi ako pumasok sa tent at sinilip ko lang siya. Kumuha pala siya ng bottled
water. Inabot niya sa akin.

Ngumisi na naman ako. "Ang sweet naman ng bebe ko, eh!"

Sa sobrang bagal ng mata niyang gumalaw para na siyang umiirap sa akin sa tuwing naglilihis siyang
mata. Uminom muna ako ng tubig, pumasok na rin ako sa tent at kinuha ko iyong mouth wash na nakita
ko sa bag ng babae.

Humiga na si Seiji sa dulo ng tent. Nakatagilid pa nga ako katawan niya at nakatalikod sa gilid. Siksik na
siksik siya roon na parang nagdadasal na walang mangyaring aberya sa pagtulog niya.

Nagmadali na akong magmumog sa labas.

Since my baby subo me with his tuna, Mommy Eve will padede him. I giggled and stomped my foot on
the sand. Pinunasan ko ang labi ko bago ko sabay na hinawi ang mahaba kong buhok.

Hindi kita patutuluging hapon ka. We didn't ligo together, huh?

I hastily zipped the tent. Sobrang sagad iyong pagkakasarado ko sa tent. Pero hinayaan kong bukas ang
second layer para may pumasok pa rin liwanag mula sa buwan.

I want to see Seiji pa rin naman. We can kapa each other naman, pero it's too early for us pa. Light's on
muna!
I glanced at him. Alam kong gising pa siya lalo nan ang mas sumiksik siya sa gilid nang maramdaman
niyang pumasok na ako.

Minsan napapaisip na rin talaga ako. Para kasing kasisilang na bata pa lang nitong si Seiji. Well, Akio told
me that he's already twenty-six, pero kung kumilos siya para siyang kalalabas lang sa mundo. Ilang taon
din ang tanda niya sa akin, pero kung pagmamasdan, para lang talaga siyang teenager.

I envied the air here in Japan. Nakaka-young looking. But Seiji's different, may mga hapon na rin naman
ipinakilala sa akin si Akio, pero hindi naman sila kasing bagal, pino at hinhing kumilos katulad ni Seiji.

His every action is too innocent!

"Bebe...?"

Hindi na siya gumagalaw.

Nagsimula na akong gumapang. I crawled on my palms and knees, as I slowly approached him in his fetal
position.

"Magpapadede na si Mommy Eve sa baby niya... I mean bebe..."

Habang mas lumalapit ako sa kanya mas lalong sumisiksik sa gilid si Seiji, pikit na pikit iyong mata niya at
alam kong gusto na niyang takpan ang kanyang tenga.

Pero bago pa man ako makalapit sa kanya, naupo siya agad at iniharang niya ang isang kamay niya. "K-
Kureiji! Sutoppu!"

I laughed. "Sorry, I am just kidding." Hinila ko iyong iisang kumot na nakita namin sa loob ng tent.
Humiga na ako habang nakaupo pa rin siya.
"Share?" inalok ko ang kumot. Umiling siya at sumiksik ulit sa dulo. Tinalikuran niya ako. May
ibinubulong pa siya hindi ko naman maintindihan.

Hinayaan ko muna siyang makahinga ng ilang minuto bago ako umusod sa tabi niya. Bago pa siya
makagalaw, naglagay na ako ng kumot sa katawan niya. Isiniksik ko rin ang sarili ko sa likuran niya kaya
walang siyang ibang pinagpilian kundi hindi gumalaw sa gilid.

"Kureiji..."

"What is Kureiji? My loves? Beautiful? Sexy?"

Unti-unti kong iniyakap ang braso ko sa kanya, hanggang sa ipatong ko ang legs ko sa kanya. Naggagalaw
siya pero mas humigpit ang yakap ko.

"Bebe... let's sleep na lang. It's cold. This is body heat."

Idinikit ko ang mukha ko sa likuran niya. Buti na lang at hindi spinal cord ang nararamdaman ko. Mas
idinikit ko pa ang tungki ng ilong ko sa kanya.

Hindi na siya amoy virgin coconut oil. Amoy tubig dagat na si bebe...

"Bebe, you want me to apply you oil?"

Hindi ba nilalagyan ng oil sa dibdib o kaya likuran ang mga baby kapag bagong ligo para hindi ubuhin?

"Mommy Eve will apply you oil if you want..."


I giggled. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. "Basta sa likod lang at dibdib, bebe, ah? Teen fiction ka
lang, eh... bawal sa ibang parte..."

Ramdam ko na tinatanggal na niya ang braso ko. "Bebe..."

"Kureiji!"

Itinulak niya na talaga ako. Tawa ako nang tawa habang nagmamadali siyang lumabas ng tent. Alam ko
naman na hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ko, but the fact that my whole sexiness was on his
back...

Nagbibinata pa rin talaga ang baby ko...

Hindi na bumalik si Seiji sa loob ng tent hanggang sa makatulog na ako. Hindi na nawala ang ngisi sa labi
ko, mabuti na lang talaga at hindi nagkatotoo ang sumpa ko sa kanya.

What will happen to my bebe if a real amazona will feast on him here? Mabuti na lang talaga at ako ang
kasama niya.

When I woke up beautifully in the morning, my smile widened immediately when I turned my head.
Nasa dulo na ulit si Seiji, stressfully sleeping, yet looking so innocent.

Tipid akong gumalaw at mas inilapit ko ang sarili ko sa kanya. Ilang mura ang kumawala sa isip ko. Tang
ina... sobrang gwapo talaga.

I almost took my breath away when he pouted his lips, and whispered something unexpected with his
eyes closed.
"Kureiji kirei...ie kureiji..."

I blinked at lot of times. Habang titig na titig sa kanya. Nagising ba siya? Nagising ko ba siya? Halos
mapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at nanatili akong pinagmamasdan siya. But he's still peacefully asleep!

Pilit kong pinigilan ang sarili kong halikan siya sa mga oras na iyon. Dahil alam ko ang ibig sabihin ng
salitang iyon. He mentioned it when he's gazing the stars, the Japanese businessmen told it when they
saw me...

Seiji Matsumoto is dreaming of me... with the word kirei left from his lips.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. I planted a soft kiss on his forehead. "Ohayo, be..."

I bit my lower lip. Bago ko pa talaga siya magising, dumistansya na ako sa kanya. Baka manggigil pa ako!

I left him peacefully asleep inside our tent with my blushing face welcoming the beautiful sunrise.

I've been receiving endless compliments since I started my career in showbiz, but I never experienced
this kind of aftershock because of one single word.

Sumulyap ulit ako sa tent at tumaas ang sulok ng labi ko. "Marunong ka naman pala tumingin ng
maganda..."

Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 9
Kirei

"What a beautiful morning for the beautiful, sexy, flawless, and lovable woman like me!" I opened my
arms widely as I welcomed the morning sea breeze with the warmth of the sunrise.

I felt like I had received an offer of another endorsement project right after I heard Seiji's dreaming
whisper.

Pabebeng hapon na 'yon! Pinanaginipan naman pala ako!

Halos mapatalon ako sa posisyon ko habang sapo ko iyong magkabilang pisngi ko. I don't know if it was
because of the sunlight, but my face was really on heat. I suddenly felt like a teenager who got noticed
by her super handsome crush.

Bago pa man magising si Seiji nagmadali na akong ayusin ang sarili ko. Alam kong maganda na ako, pero
mas mabuti kung mas maganda, 'di ba?

Mabuti na nga lang at kumpleto iyong mga gamit sa bag ng babae na nakaiwan sa tent. Well, the tent
and the loots inside it was still unknown to us, pero pahihirapan ko pa bang isipin kung ano ang nangyari
sa mga may-ari? Tatakutin ko pa ba ang sarili ko o kaya'y pasasakitin ang ulo ko kung pwede na lumandi
na lang ako?

While I am here inside this I don't know where island, I vowed to myself not to feel down or sad. I'll
make myself the happiest woman inside the arms of her bebe...

While waiting for the rescue, Seiji and the beautiful Eve will landi each other. Tuturuan niya akong
gumamit ng hashi? I'll turo him too! Mommy Eve will turo her bebe how to landi...
I am so excited! Lalo na nang malaman kong in-denial na lang siya. Like duh? Sino ba ang hindi
mahuhulog sa kamandag ko? Kahit lalaking amoy virgin coconut oil with greasy hair and mahinhin na
kumilos is bibigay rin sa akin.

The power of Mommy Eve!

Nang sandaling marinig ko iyong ingay sa pagbubukas ng tent, halos mapatalon ako sa tuwa. Gising na!

Malawak ang ngiti kong lumingon sa kalalabas na hapon. Just like the usual, Seiji, my bebe and his
symbolic messy and oily hair... sobrang pogi!

"Be!"

Tawag ko pa lang sa kanya halos mawalan na siya ng balanse.

Hindi ko na siya hinayaan pang mag-iwas ng tingin sa akin, halos tumakbo na ako patungo sa kanya, huli
na bago siya makaalis sa posisyon niya, agad kong itinapon ang sarili ko sa kanya at mabilis kumawit ang
mga braso ko sa batok niya. Dahil sa tangkad niya, hindi na lumapat ang mga paa ko sa buhangin,
nakasabit tuloy ako sa kanya.

Muntik na kaming matumbang dalawa pero mabilis din niyang naalalayan ang sarili niya. Improving na si
Bebe Seiji sa pagsalo sa akin!

Pero nanatiling hindi gumagalaw ang mga kamay niya. Frozen as usual.

I smiled sweetly at him. He's poker face na naman! Hindi siya nakatingin sa akin, nakatagilid ang mukha
niya. "Hayai ne... kureiji..."
Hinabol ko ang mga mata niya. I tilted my head to meet his gaze, and he immediately moved his head on
the other side. Halos sampung beses kaming naghabulan ng galaw ng ulo hanggang sa mapagod rin siya
at sinalubong na nga niya ang mata ko.

"Na.Ni?" gigil na yata.

"Ohayo, my Seiji Massimo! Oh... I mean Matsumoto..."

"Ohayo." Sinimulan niyang tanggalin iyong braso ko sa kanya. Nang matanggal niya iyon, mas idinikit ko
ang sarili ko sa kanya para hindi siya makawala. Muli kong inangat ang mga kamay ko para sapuhin ang
mukha niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "K-Kureiji!" hindi pa rin naman siya makawala sa akin.

Halos tumiyad ako para lang maabot siya. I tilted his head side by side like I was keenly scanning an
important experiment. Until I finally bit my lower lip because of super kilig.

Halos mapapadyak na naman ako sa buhangin habang madiin ko siyang pinagmamasdan.

"Kaya pala nalito ako, bebe, e! Kaunti na lang ang difference n'yo ni Massimo! Nakakalito na kayo,
baby..." sabi na! Kaya pala parang pamilyar ang hitsura ni Seiji... ako si Laura at siya si Massimo...

His lips prodded. Mas naging desperado siyang makawala sa akin. "Hayai... K-Kureiji..."

Dahil parang hirap-hirap na talaga siya, mabilis lang akong tumalon patungo sa kanya. I gave him a peak
on his cheeks. Kasabay ng paghiwalay ko sa kanya ay pagtumba niya sa buhangin.

He gasped while looking at me. Hawak niya iyong pisngi niya. "K-Kureiji!"
Ngumisi lang ako sa kanya at inilagay ko ang dalawang palad ko sa ilalim ng mukha ko. I want to
emphasize my beautiful face.

"But kirei... right?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin sa pinakamabagal na paraan. Para talaga siyang umiirap sa akin kapag
ginagawa niya iyon. Nagmadali na siyang tumayo mula sa buhangin at mabilis na naglakad papalayo sa
akin.

Hinayaan ko munang huminga ng ilang minuto si Seiji matapos siyang maghilamos sa dagat. I saw him
gargled his mouth wash din. Pero hindi niya talaga ginalaw iyong buhok niya. Minsan napapaisip ako na
baka mapahayan na iyon ng mga ibon.

He told me that he's going to teach me how to use hashi raw, kaso dahil hinaras ko na naman siya ng
agang-aga, mukhang mahihirapan na naman akong lumapit sa kanya. Lalo na sa tuwing nagtatama ang
mga mata namin, kahit sa malayo kitang-kita ko ang pagsama ng timpla ng mukha niya at pabulong-
bulong.

Kahit isigaw pa niya, hindi ko maiintindihan!

"Bebe Seiji... hungry! Tabetai!" gusto kong palakpakan ang sarili ko. May natandaan na akong word.
Masyadong madaya lang itong si Seiji, bakit kailangan na ako ang mag-adjust?

Sumama lang ang tingin niya sa akin. Isa lang ang hawak niyang de lata at wala na siyang pake sa akin
kahit magutom ako.

"Wow! If I know you're not just kissing me in your dreams!"


Nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi pagpansin sa akin. Nakailang mura ako sa isip ko. My gosh...
wala ba talagang landi sa katawan ang hapon na 'to?

Sobrang in denial naman niya!

Nang mapansin niya na gumagalaw na ako sa pwesto ko, mas naging alerto siya at nagsimula na rin
siyang tumayo. Halos sabunutan ko ang sarili ko nang humarap ako sa kanya.

"Seiji naman, e! I am hungry! You told me that you're going to teach me hashi..." hinawakan ko ang tiyan
ko na parang mamamatay na ako sa gutom.

Inilapag niya sa may malaking bato iyong de lata at chopstick, pagkatapos ay itinuro sa akin. "But I don't
know how to use it!" I said frustratingly.

Nagmatigas siya at nag-iwas lang ng tingin sa akin. Wow! Just for a peak? Dapat matuwa siya dahil
hinalikan ko siya!

"Fine! I will not eat!"

I used one of my favorite scenes before. Dahil biglang humangin mas lalong nagkaroon ng background
effect iyong pag-arte ko. I dramatically covered my eyes with my right arm and ran away from him with
my hair swirling with the wind.

"Matte... Kurei—" hindi ko na natapos marinig iyong paghahapon niya dahil sa pagtakbo ko.

Pinili kong iyong posisyon na malayo pero nakikita niya pa rin ako. Sinapo ko ang mukha ko at hinayaan
kong yumugyog ang balikat ko para makita niya kahit malaki ang distansya namin na umiiyak ako, kahit
hindi naman talaga.
I didn't wait for that long when I heard his hesitant footsteps. Isa sa dahilan kung bakit attracted rin ako
sa kanya ay dahil sa ugali niya.

Seiji Matsumoto isn't just a soft, cute and innocent one, he's also so kind...

"K-Kureiji..."

Iniharang ko iyong kamay ko sa pwesto niya habang hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. "Don't mind
me. I will never bother you anymore. Tabetai no..." umiling na lang ako para makuha niya ang ibig
sabihin ko na hindi na ako kakain.

"G-Gomen..."

Hinahapon na niya na naman ako. Mas lalo talaga akong nagugutom!

"Kureiji... gomen..."

Sorry ba iyon? Nakaka-stress talaga ang language barrier namin! Kung nagkakaintindihan lang siguro
kami, mas madali itong paglandi ko sa kanya!

"Kureiji..."

"Alright! Fine!"

Umusod ako sa inuupuan kong bato at tinapik ko iyon ng dalawang beses. Of course, he's hesitant again,
pero nag tapikin ko ulit iyon, tumabi na siya sa akin. May dala na pala siyang mineral water at de lata.
Hindi ko talaga siya nilandi habang sinusubuan niya ako, nakakunot ang noo ko at hindi ko siya
tinitingnan kapag nagsusubo siya. But he looked so guilty!

So cute...

Nang matapos akong kumain, ako ang unang tumayo at tinalikuran ko siya. Well, acting cold is not for
me talaga... pero syempre kailangan may maiba sa relasyon namin dalawa.

Hindi pwedeng ako lagi ang humahabol at sumusuyo. Medyo nakailang hakbang na ako papalayo sa
kanya nang maisipan kong sumulyap sa kanya.

And there, my bebe, still seated on our rock while scratching his messy hair. He's like a wounded puppy
who was just left behind by his master.

I bit my lower lip. Kawawa naman ang bebe ko...

So, I ran back at him and embraced tightly embraced him. Natumba muli kaming dalawa sa buhangin at
nabitawan niya iyong chopsticks at lata.

Para naman siyang nabaril habang nakahilata iyong dalawang braso niya sa buhangin, plus my sexy body
above him.

"You're forgiven, bebe..." nag-iwas siya ng tingin sa akin, pero pansin ko ang pagpipilit niyang hindi
ngumiti lalo na't mas sumingkit iyong mata niya. Gosh!

I buried my face on his chest because of my super kilig.

"Feiku..."
Ngumisi lang ako sa kanya. Hinayaan kong nakapatong ang dalawang braso ko sa dibdib niya habang feel
na feel ko ang paghilata sa payat niyang katawan. I even swayed my legs on air as I freely gazed at his
innocent face.

"You are so cute for me, you know that..."

Iginalaw ko ang ilang daliri ko para maglandas iyon sa mahahaba niyang pilik mata. Ilang beses siyang
kumurap. Gustong-gusto ko na siyang halikan, French kiss, deeper and passionate... pero pinigilan ko
ang sarili ko dahil baka himatayin siya.

Lalo na't teen fiction nga lang siya.

But what I really noticed was his non-resistant. Dahil hinahayaan niya lang akong manatiling nakapatong
sa kanya habang pinaglalandas ang mga daliri sa mukha niya.

When I looked at his eyes, I saw innocence of admiration, na parang ngayon niya lang ako napagmasdan.
He's like an innocent baby who saw a beautiful angel with wings.

I felt a sudden warmth on my chest while looking at his innocent eyes. I've been receiving different
praises from words, claps, and even intense gazes. Pero karamihan sa mga titig at salitang natatanggap
ko ay paghangang uhaw at pagnanasa dahil sa gandang mayroon ako.

I admit, in this society and the way I dressed and even my actions... I've been a subject of lust and
unworldly attention of men. I want to be free and wild. I want to be myself, na kahit hindi ko naman
talaga gustong umabot sa higit sa paghanga ang maramdaman ng kalalakihan sa akin ay iyon ang
napapabot ko sa kanila.

I have the body of sin. Iyon ang minsan kong narinig patungkol sa akin. Pero kasalanan ko ba na
biniyayaan ako ng kagandahan ng mukha at katawan?
Should I limit myself from the dress I want to wear to avoid the hideous truth of the society? Should
women forever adjust to those lowly minds?

Hindi ako gano'n at kailanman ay hindi ko nilimitahan ang sarili ko sa pananamit at bawat kilos ko. I am
the wild and carefree, Everleigh.

Kaya siguro nasanay na ako sa mga matang halos pagsamantalahan na akong kabbuuan ko sa tuwing
pinagmamasdan ako. Pero nang sandaling ang mga mata ni Seiji ang humanga sa akin...

Parang matutunaw ang puso ko... gusto kong maiyak. I am so happy that the innocence on his eyes
could radiate innocence of admiration.

Nangatal iyong ilang daliri ko habang pinaglalandas ko iyon sa mahabang pilik niya. "I am pretty, right?"

I slowly traced the tip of my forefinger on his pointed nose. "Tangos ilong ng bebe ko..." I bit my lower
lip when my fingertips glided down on his soft lips.

I suddenly felt like the time just stopped. My heart hammered intensely fast, and the island seemed to
have a hidden volcano, that made me steam because of this unusual heat.

Halos hindi na ako makahinga sa paraan ng malambot at inosenteng pagtitig sa akin ni Seiji Matsumoto.

Until my heart finally exploded of happiness, when he slowly raised his right hand, and his fingertips
tried to play with the strands of my hair on my face.

"H-Hai... kirei..."
A silly tear glided down on my cheek, because for the very first time... I received an innocent admiration.

Chapter 12 - Chapter 10

Chapter 10

Jealous

I blamed the hidden volcano on the island, maybe the intense morning sunlight, the moisty sea breeze,
or the heat coming from the bed of sands. I could feel the continuous warmth inside my body, the silly
butterflies on my stomach, my drumming heart, and the unusual tear rolling down my cheeks.

I should scream or continuously ram my hand on his chest because of his tiny gesture, my expected
reaction right after that heart wrecking simple words from him.

I've been receiving numbers of praises and appreciation, that every flowery word does not bring much
effect on me, but Seiji and his few words made my world rattle like chaos... a beautiful chaos from his
innocence and cuteness.

Na sa halip na gumulong-gulong ako sa kilig, magsisigaw, tumalon at maghahampas sa kanya, bigla na


lang akong napaiyak sa tuwa.

I bit my lower lip as his fingertips continued to play with the strands of my hair. I don't know if he's
actually in a trance right now, or he's utterly hypnotized at last by my beauty, but I should enjoy this. I
shouldn't spoil the romantic scene.

Habang hindi pa siya natatauhan...

I suddenly want to ravish him and his innocence right at this moment. Have you seen a baby inside a crib
with his little fingers trying to play his colorful hanging toys? He's very like my Seiji right now.
The baby can't talk yet, barely can giggle, but his eyes scream of fascination.

Seiji Matsumoto is so pure, innocent, kind, soft, and everything about white marshmallows on the sand.
Siya iyong literal na nakapanghihina sa isang babae na walang kahirap-hirap. How could a soft boy can
do this effortlessly?

He doesn't need freaking abs, too big Adam's apple, tight jaws, piercing eyes, strong arms, masculine
scent, sexy v-line, rough possessive attitude, and fucking foul mouth to look attractive! He's the
complete opposite!

He's too skinny, pale, softy, cutie, with sleepy and averting eyes, frail and shaky arms, virgin coconut oil
scent, non-shampoo hair, bamboo tall, shy, and can't even talk!

Basag na basag ang imahe ng lalaking dati ay pinapangarap ko ng dahil sa hapon na 'to!

Maybe the tuna he had eaten was expired? The hypnotism in his system seemed like has an effect of
more than a minute. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatauhan sa posisyon namin at sa
ginagawa niya sa hibla ng buhok ko.

Gusto ko siyang hayaan sa ginagawa niya. I want to last this for an hour, but I would regret this later if I'd
never dare to follow the whisper of my heart.

I'll be gentle, bebe...

I slowly leaned my face on him. Until I finally felt the tip of his nose with mine. I initiated the small
movement, but it was me who could feel the deep effect from it, like a sudden flicker of fire in a tiny
matchbox.
From a small fire to a huge one that can burn me, or us, hopefully...

I gently closed my eyes as I carefully played the tip of my nose into his. I did it four times at the slowest
pace since my baby was quite delicate, soft, and sensitive.

His fingers were no longer moving, and his arms were both lied back on the sand. Para na naman siyang
nabaril at tulala. Isama pa ang magulo niyang buhok na baka bigyan ng interes ng mga langgam at
biglang pamahayan.

The strands of my hair started to drift on his face like curtains of waterfalls, glimpses of sunrays were
able to kiss our faces as our eyes locked with one other.

"Be-be..." I softly uttered.

Nanatili siyang tulala sa akin. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko.

"Be..." ulit ko.

He blinked. Tatlong beses siyang kumurap. Hinintay ko na lang na itulak niya ako dahil alam kong
nagsisimula na siyang matauhan, pero nang sandaling ibuka niya ang labi niya... para na akong
mababaliw sa kanya.

"B-Be... be..."

I bit my lower lip to suppress my inner scream. "Y-Yes. Bebe... me..."

"B-Bebe na ni?" he asked.


Ako naman ang kumurap ng ilang beses. Gising na ba si Seiji? Bakit hindi pa siya tumatakbo? Bakit hindi
niya pa ako itinutulak? Baka ako lang ang nanaginip?

"Bebe means... baby, my love, sweetheart, darling, honey, sweetie, husband, boyfriend..."

Pansin ko ang pagkunot ng noo niya. Wala ba siyang naintindihan sa sinabi ko? Pero may natatandaan
akong salita na itinanong ko kay Akio bago pa man niya ako yayain sa party bago kami ma-trap sa islang
ito.

Muli kong ibinaba ang sarili ko sa kanya at marahan kong inilapit ang labi ko sa tenga niya.

"Watashi no..."

It means, mine.

Nang sandaling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya, nanlalaki na ang inaantok niyang mga mata. But
Seiji Matsumoto, the soft boy is extremely blushing.

"K-Kureiji!"

Hayun, natauhan na siya sa sitwasyon namin. Itinulak na niya ako at nagmadali na siyang bumangon
mula sa buhangin, ilang beses pa siyang muntik na tumumba sa kanyang pagmamadali.

Hindi ko na siya hinabol at hinayaan ko na siyang makahinga muna. Still, I am so happy. Nagagandahan
talaga siya sa akin. He's just in denial.

Nanatili akong nakaupo sa buhangin. I straightened my legs and stretched my arms. Nakakangalay rin
pala ang paglandi. Hinayaan ko ang sarili kong pagmasdan ang banayad na pag-alon ng dagat. I let my
hair swirled with the wind, my smile didn't waver and my heartbeat couldn't slow its pace. Ang layo na
namin ni Seiji sa isa't isa pero ramdam ko pa rin ang epekto niya sa akin.

What is happening to me?

I admired lots of men before. I admit that I had a fair share of flings, kisses, and even silly touches. I am
not the purest girl in town, wild, carefree, and vulgar. I grew up liberated, but I always knew my
limitation.

Kung iba man ang tingin sa akin ng mga tao, alam ko sa sarili kong kaya kong mapanatili ang sarili kong
malinis hanggang sa dumating ang lalaking para talaga sa akin.

People might look at me in disapproval, but the hell I care... it's my man's eyes that matter the most.
Siya pa rin ang makakaalam kung sino talaga ako, and also the people I care about, my family.

Muli akong sumulyap kay Seiji. Tulala na naman siya na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari
kanina. He's so cute. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya, halos mapatalon siya sa
kinauupuan niya.

Napailing na ako.

Ibinalik ko nang muli ang mga mata ko sa dagat. I hugged my legs and hid my face behind my knees, and
I let my eyes veered continuously at the calm waves of the sea.   

Flirtation and few touches weren't new to me. Sanay na nga ako dahil sa mundong nakasanayan ko.
Pero nang hawakan ni Seiji ang dulo ng hibla ng buhok ko para na akong sasabog. That was just a simple,
little and innocent gesture, pero hindi ko na magawang kontrolin ang sarili ko.

Ibang-iba si Seiji Matsumoto sa lahat ng lalaking nakilala ko. And he's slowly melting me with his soft
gestures...
"Bebe, you're so adorable naman..."

Wala sa sarili kong isinulat ang pangalan niya sa buhangin. Hindi ko man nakikita ang sarili ko, alam kong
namumula na ako.

Who wouldn't fall for his innocent eyes? His eyes glimmered with touching admiration, like an innocent
baby watching his guardian angel. Kailanman ay walang lalaking tumitig sa akin ng ganoon.

Siya lang... ang hapon na iyon lang.

Hindi ko maiwasang kiligin habang paulit-ulit kong inaalala iyong hitsura niya kanina. Lalo na nang
sandaling aminin niya sa akin na sobrang ganda ko.

Wala sa sarili kong hinawakan ang ilang hibla ng buhok ko. I bit my lower lip. Napahampas na ako sa
buhangin sa sobrang kilig.

"Letcheng hapon na 'yon!"

Partida pa iyan, hindi na nga siya nagsasalita at hindi kami magkaintindihan pero ganito na ang
nagagawa niya sa akin.

The power of his non-shampoo hair!

Since I knew that my bebe needs a recharge, I didn't bother him for at least an hour. Pero hindi ko
pinigilan ang sarili ko na lumapit sa tent at maupo roon na may apat hanggang limang dipa ang distansya
mula sa kanya.
Sa bawat paglipas ng oras, unti-unti akong gumagalaw papalapit sa kanya. I knew that he's aware of my
movement, but he never bothered to move his face to confirm his silent mind. Instead, he tried his best
to move his eyes to check me every minute.

Sobra niyang pinahihirapan ang kanyang sarili para hindi ko lang makita na tumitingin siya sa akin. Alam
ko na naman.

"Hays... bebe..." pumangalumbaba na ako.

Hantaran na akong humarap sa kanya. He stiffened. Pinanindigan niya talaga ang hindi paglingon sa akin,
pero nang sandaling makita ko na gumalaw talaga ang itim ng kanyang mga mata para silipin ulit ako,
hindi ko na mapigilan ang pagtawa.

Hindi kaya siya nahihilo sa kasisilip sa akin?

"I thought you're going to teach me using a hashi?" tanong ko sa kanya. He's unresponsive.

"Seiji, you teach hashi to me, right?" mas pinababa ko ang sinabi ko para mas maintindihan niya. I
noticed that he can understand some English words naman, hindi lang talaga siya matiyagang mag-
adjust ng English words sa akin.

Gusto niya ako lagi ang mag-adjust sa relasyon namin, huh?

"Seiji... hashi..." ulit ko.

Inangat niya ang isang kamay niya. "M-Matte..."

Ngumiwi ako. Ano kaya ang Matte?"


Pero dahil nakaangat ang kamay niya na parang ayaw niya na naman akong lumapit, hindi na ako
nagpumilit. I am still happy pa naman.

Siguro mga isang oras munang nagtalo si Seiji sa kanyang isipan bago siya pumasok sa tent at kunin
iyong chopstick. Lumingon siya sa akin, nagkunwari akong hindi siya napapansin. Gusto kong tawagin
niya ako.

Nag-loading muna siya ng mga limang minuto, sulyap muna sa akin at sa hawak niyang chopstick.
Ganoon siya, paulit-ulit bago niya nakumbinsi ang sarili niya.

"K-Kureiji..."

Halleluiah! Nakapag-decide na ang magaling na hapon.

"Yes, bebe?"

"Renshu..." itinaas na niya ang chopstick.

Patalon-talon pa ako sa paglakad sa paglapit sa kanya. At nang malapit na ako sa kanya, nagkunwari
akong natalisod dahilan kung bakit halos tumilapon na naman ang katawan ko sa kanya.

My palms landed on his ribcage. "Ops, I am sorry, bebe... I am so clumsy na siguro talaga..."

Umiling lamang siya. May hawak siyang maliliit na puting buhay na bato yata ang tawag sa palad niya.

"Mite..." he said.
Alam kong pinapababaw na niya ang paghahapon niya dahil hindi naman talaga gano'n makipag-usap
ang mga hapon, kapag nagbibiruan kami ni Akio at bigla niya akong hinahapon, hindi lang iisang word.

Seiji's trying his best to make his Japanese words simple, pero kahit gaano niya naman pababawin iyong
Nihonggo niya ay wala akong maintindihan. Paano? Hindi ko naman pinapansin ang paghahapon ni Akio
noon.

Mabagal niyang iginalaw ang chopstick niya at isa-isa niyang inangat iyong maliliit na bato. "Yasui..."

Ngumingiwi na naman ako. Naghahapon na naman siya! "Bebe, can you speak a little English?"

"Ingurisshu? Wakaranai." Umiiling na sabi niya.

Hindi ko naintindihan ang second word niya, pero nainitindihan ko ang pag-iling niya. Napabuntong-
hininga na ako.

"But you can... sometimes you can understand me. Konti nga lang din..."

Inabot na niya sa akin ang chopsticks. Inilahad niya sa akin ang palad niya para subukan ko. "Renshu..."

Nakanguso ako habang sinusubukan iyong chopsticks. Tulad ng inaasahan, sablay ako sa unang subok.
Minsan nga ay nabibitawan ko na ang chopstick, nangangatal ang kamay ko at nahuhulog ang bato.

But Seiji is so patient and so kind dahil hindi ko man lang mapansin sa kanya ang pagkainis habang
tinuturuan niya ako.
And when I heard him chuckle when another stone fell, I couldn't help but stare at him. Lalo na nang
mas lumiit iyong mapupungay niyang mata.

"Poging hapon naman ng bebe ko..." I whispered.

He blushed in an instant when he heard the word bebe. Muli siyang umiling. "B-bebe... ie..."

"Ie...?" I asked.

He lowered his gaze. "Ie, nani, Seiji?" gosh, natututo na yata akong maghapon!

"N-No..."

See? He knew the simple No. May nalalaman talaga siyang English words!

"But you are my bebe, Seiji. You hate it?"

Hindi siya sumagot. Pansin ko na napapakamot siya sa magulo niyang buhok.

"Hmm..." muli ko siyang sinilip habang iniisip ang pangalan ng mga kasama niyang hapon sa barko. Ano
ba pangalan ng mga iyon?

"So, should I find a new bebe? Watashi no bebe is Ryuu-san, Hisato-san or Ichiro- san?"

For the very first time, he quickly looked back at me with his fastest ever reply. "Ie..."
I grinned as I curled the tips of my hair. I think... he's a little bit jealous.

Chapter 13 - Chapter 11

Dedicated to Haezel Luiwee Flores

Chapter 11

Realization

Words are always powerful, and the first weapon a person could possess. As we grow with the time
passing, the people we stumbled upon, the experiences we surpassed, perceptions that we commit, and
the realizations that lightened our path, there are always these words...    words that sink in our mind,
heart, and soul. Words that will complete us a person.

Whether it is a word of appreciation, admiration, criticism, judgments, sharing, happiness, or even


hatred...

Every word to a person counts. Na kahit ang hindi mo inaakalang pinaka-simpleng salita ay mayroon na
palang malaking epekto sa isang tao. That's how important the words, communication, and language.

So, in the name of love, does the language barrier ends the happiness of the two persons extremely
loving each other?

Magiging hadlang ba ito sa naudlot naming pag-iibigan ni Seiji Matsumoto na nagsimula noong panahon
ng pananakop ng hapon?

Love has no language barrier, because love has its own language.
Ituturo ko iyon kay Seiji Matsumoto. Though, I'll teach him slowly and softly. Baka kasi ayaw niya ng
faster and harder... I bit my lower lip.   

"Ie...?" I asked him. Alam ko na ang ibig sabihin ng salitang ito at ang biglaan niyang pagbilis sa pagsagot.

He's jealous!

Buong akala ko'y wala nang kakayahan magselos ang katulad niyang hapon na walang shampoo, puro
ribcage, spinal cord at amoy virgin coconut oil, but it was clear! He's super jealous! Pinipigilan niya lang
ang kanyang sariling huwag magmakaawa sa akin at lumuhod para hindi ako tumingin sa iba.

Ilang minuto kaming nagkatitigan. Until the realization hits him. Ilang beses siyang kumurap at mabagal
na nag-iwas ng tingin sa akin na parang inirapan na naman ako.

Humiwalay na siya sa akin at iniwan niya akong hindi natutong gumamit ng chopsticks.

Seiji Matsumoto is not a good teacher, but he is a good bebe. Alright, let me rephrase it. Seiji
Matsumoto is a good and patient teacher. It is just that I am a silly student.

Bakit ko naman kasi kailangang matutong mag-chopsticks kung pwede niya akong subuan?

Hindi ko muna siya ulit kinulit hanggang sa umabot ang hapon. Nang makaramdam na ako ng sobrang
panlalagkit ng katawan ko, pinagpasyahan ko nang maligo.   

So, I went inside our tent and look for my bag. Luckily, the set of clothes inside it was good for three
days yata. Though, hindi ko talaga sinusuot iyong mga bra kahit mukhang bago pa, hinayaan ko na lang
na braless ko.
And Seiji does not mind naman. Though, I know that he could feel it every time that I threw myself on
him. Sa halip na maakit siya, para siyang batang nahihiya.

Para siyang saranggola, kapag nagkamali ng hila sa tali or napabigla, sumisirok o kaya dahon ng
makahiya, mahawakan lang ng konti, tumitiklop kaagad.

Ganoon siguro talaga kapag puro rib cage at walang shampoo ang buhok.

Yakap ko iyong panibagong oversize shirt nang humarap ako kay Seiji. Gusto ko ulit sumubok.

"Seiji, let's ligo together."

Nakaupo na ulit siya sa buhangin. Mukha na naman siyang may sariling mundo at malayo ang iniisip.
Saglit lang siyang sumulyap sa akin. Poker face na naman ang magaling na hapon. I stomped my foot in
front of him.

"Sige na, be... kanina nang nag-nose to nose tayo, amoy langis ka na naman... I mean virgin coconut oil."
My lips pursed.

Hinayaan kong iyong isang braso ko lang ang nag-iipit ng oversize shirt ko sa tiyan ko, habang nilalaro ng
mga daliri sa aking kanang kamay ang dulo ng buhok ko.

"Not that I hate your smell, I actually liked the uniqueness of it. Pero syempre... gusto ko rin iyong sea
scent mo. Para amoy dagat tayo pareho..."

Umiling siya sa akin. "Wakaranai..."


Of course, I get it. Hindi niya raw ako maintindihan. So, I gave him some action. Una itinaas ko iyong isa
kong kamay na parang nagsa-shower ako at ang ikalawa ay ang dalawa kong braso na parang nagsu-
swimming ako.

But that action made me...well... stop for some funny reason.

Natigil sa paglangoy sa hangin ang mga braso ko nang may lumaglag mula sa oversize shirt na itinago ko
nang tiklupin ko iyon.

It landed on the sand. Kapwa kami napatingin doon ni Seiji Matsumoto. My black lacy favorite thing, na
may tag pa nga.   

Halos mapatalon ako sa pagkakatayo ko. "Ops! My panty!"

I giggled with excitement. "Don't look, bebe! I am shy na..."

Umawang ang bibig ni Seiji habang pinupulot ko iyong itim kong panty sa buhangin. Hanggang sa marinig
ko siyang suminghap at nang sandaling tumuwid na ako ng pagkakatayo at tingnan ko siya, nakasubsob
na siya sa mga tuhod niya.

He's chanting again. "Kureiji... kureiji... kureiji..." namumula ang dalawa niyang tenga. Hindi na virgin ang
mata ng baby ni Mommy Eve.

I laughed. "Ligo lang ako, Seiji."

Mabilis akong lumapit sa kanya at humalik sa ibabaw ng ulo niya habang nanatili siyang nakasubsob sa
tuhod niya at nahihiya.

I went straight to the sea, happily humming and jumping.


Hantaran na akong nabubad kahit hindi na ako malayo kay Seiji, alam kong hindi man lang siya
magtatangkang sumilip man lang sa akin. Ilang beses ko pa nga siyang tinawag habang nagtatampisaw
ako, pero hindi talaga siyang nag-angat ng tingin sa pagkakasubsob niyang iyon.

Nakakahinga pa ba ang hapon na iyon?

Siguro halos isang oras ko rin ibinabad ang sarili ko sa dagat. I used the toiletries provided by my
miraculous bag of essentials. Kaya nang sandaling umahon ako sa dagat, fresh na fresh na ulit ako.

I confidently wore my elegant silk dress as I dried my hair with a small towel. Umasa pa nga akong may
hair dryer sa bag, pero naalala ko na wala nga pala kaming kuryente.

Nang sulyapan ko si Seiji, nakasubsob pa rin siya sa tuhod niya. Nakatulog na ba siya?

I walked towards him. I tapped his shoulder. "Be, you okay?"

Iniwas niya iyong balikat niya mula sa akin kahit nakayuko pa rin siya. Pawis na pawis na siya sa
pagkakasubsob niya sa tuhod niya. Kawawang hapon.

Sa pagkakatanda ko, nilalandi ko siya, hindi inaapi. I mentally slapped my head.

"You take a bath na rin, bebe. Don't worry, I will not silip... konti lang..." I giggled. Iniwan ko na siya sa
pwesto niya at pumasok muna ako sa tent.

Hindi ako marunong maglaba sa totoo lang, pero kailangan kong pilitin. I don't have enough resources or
let's say damit. Paano kung hindi lang linggo ang itagal ko rito?
I used the liquid soap na pangkatawan nang labhan ko ang silk dress ko, ganoon din sa oversize shirt na
suot ko kanina. Basta kunwari kusot tapos pinabula ko lang, and then, perfect! Pwede na akong mag-
asawa ng hapon kasi marunong na akong maglaba.

Humiga muna ako sa loob ng tent habang nagpagulong-gulong. Hinayaan ko muna si Seiji makahinga at
umalis na sa pwesto niya roon.

Nakakita lang siya ng black lacy panty, parang na-trauma na, paano pa kung...

Marahas akong napabangon. "Gosh!" Halos sabunutan ko ang basa kong buhok. Paano na ang
pinapangarap kong scene? Shit.

Humihikbi na ako sa problema ko nang sandaling mabuksan ang tent. Seiji didn't bother to glance at me.
Diretso lang siya roon sa bag niya at nagmadali niya iyong kunin, para siyang nasa isang survival reality
show sa sobrang bilis at nagmamadali. Saglit kong nakalimutan na mabagal at mahinhin siyang kumilos.

Umismid ako at humiga ulit. At least, he's going to take a bath na rin. Though, gusto ko siyang silipan
pero pinigilan ko na talaga ang sarili ko. Paano kung sa sobrang pagkataranta niya ay mawalan siya ng
balanse at bigla siyang maanod ng alon?

Nagdasal na lang ako, sa ngalan ng rib cage at spinal cord niya na huwag siyang ubuhin sa panliligo niya. I
am still a concerned girlfriend.

Si Seiji at ang paraan ko ng pagpapapansin sa kanya ang siyang nakatulugan ko sa tent. Naalimpungatan
lang ako nang marinig kong nagsisiga na ulit siya ng apoy sa labas. Nasa loob na ulit ng tent ang bag niya.

So, he probably saw me in my beautiful sleeping state. I pursed my lips. Nagnakaw siguro siya sa akin ng
halik!
Marahan kong isinungaw ang ulo ko sa tent. Kasalukuyang naglalagay ng kahoy si Seiji para mas
pagliyabin iyon. Saglit siyang natigilan nang mapansin niyang gising na ako.

Sobrang dilim na. Gabi na naman.

"Tabetai?" he asked.

Ngumiti ako. Para na siyang asawa na nag-aalok ng pagkain sa misis niya!

"Ie... you're so sweet na talaga, bebe..."

Hindi niya ako pinansin. Nanatili pa rin akong nakasilip sa tent. Nakaluhod ako habang nakaalalay iyong
mga palad ko. I feel cold na rin talaga. I suddenly regretted wearing this silk dress.

Pansin ko na iba na rin ang suot ni Seiji, though, mukha pa rin siya lilipad dahil mas malaki pa rin sa
kanya ang mga suot niya, sobrang gwapo niya pa rin!

Simula nang habulin kaming dalawa ng ahas, hindi niya na rin ako isinama sa loob ng kagubatan. Siya na
lang mag-isa na napasok doon para kumuha ng maliliit na kahoy at prutas dahil well... literal na pabigat
lang ako sa kanya dahil mas gugustuhin ko na buhatin niya ako.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano niya ako nabuhat ng ganoon katagal na may
kasama pang pagtakbo. Well, iba naman talaga kasi ang nadadala ng adrenaline rush.

Nang lumabas na ako sa tent at makita niya ang kabuuan ko, saglit umawang ang bibig niya hanggang
marinig ko siyang bumulong ng kureiji.
Magkahiwalay kaming naupo sa dalawang malaking kahoy na putol at kapwa kami tumitig doon sa
nagliliyab na apoy. Sa unang pagkakataon, walang nagtulak sa akin na landiin agad siya sa mga oras na
iyon.

Maybe because of the cracking sounds of the fire, the calm waves, or the sea breezes wrapping around
my body that made me feel so lonely. Nagsisimula na akong mapaisip.

Hanggang kailan kami rito?

Our supplies will run out. Our health will decline in this environment, pareho kaming hindi sanay sa
paraan ng ganitong pamumuhay. And I am still a woman... living in this island isn't hygienic.

Paano kung...

Mariin kong ipinilig ang ulo ko. Seiji and I shouldn't stay here longer than a month. What if this island is
one of those horrific islands? Na may panahon na tataas ang tubig at bigla na lang itong lulubog at
maglalaho?

Kahit dumating na ang panahon na gusto na rin ako sakupin ni Seiji kahit matagal nang tapos ang
kanilang pananakop, ano ang magagawa no'n kung kapwa kami lulubog kasama ang islang 'to?

Akio told me that Seiji isn't just a normal Japanese. He's the son of one of the well-known businessmen
in Japan. How come no one from his men or even in his intelligence team looked on this island?

Ganoon na ba ka-imposible na rito mapapadpad ang isang tao?

Hinahanap pa ba kami? We're almost six days in this island!


Natatakot na akong isipin kung gaano na ka-seryoso ang sitwasyon namin dalawa. Hindi ko rin alam kung
dapat ko pa bang ipagpasalamat ang mga nakita naming gamit dito ni Seiji.

If this island isn't one of those disappearing islands since we still have the remnants of the previous
campers in here, then what made them disappear?

Or is it possible that everything was a set-up? Na may mga tao sa likuran nito at pinapanuod lang kami ni
Seiji kung paano kami magmumuhay sa lugar na ito?

Will Akio allow it? Will Seiji's father agree with it?

Kung iisipin, ano ang mapapala sa sandaling makulong kaming dalawa rito?

Kapwa kami may pangalan at responsibilidad na iniingatan ni Seiji sa magkaiba naming mundo... I will be
so happy if rescuers will find us sooner...

Muli akong lumingon kay Seiji. Nabitawan niya iyong kahoy na hawak niya nang mahuli ko siyang
nakatitig sa akin.

When the rescuers find us, that means we'll part ways. Will he be so happy getting rid of me?

I smiled bitterly. I averted his eyes and looked at the stars.

Kung sabagay... pinahiram lang naman sa amin ng bulalakaw ang mga oras na ito. No matter how I tried
to flirt at him or I'll try to make everything deeper than a joke and distraction, kahit pagbali-baliktarin pa
rin ang mundo, hindi kami pwede.
Since it's not just the language barrier, but also our status. He's the son of one of the well-known
businessmen in Japan, and I am just a famous actress... with tarnished reputation. Na kahit ilang beses
kong tabunan ng tagumpay ko, paulit-ulit mauungkat.

He's too pure and perfect and I am... well... scandalous.

I shouldn't entertain the little fire inside me... na nagsisimula na rin lumiyab sa tuwing pinagmamasdan
niya ako. Those innocent eyes who looked at me with pure admiration... kasi masasaktan lang ako sa
huli, dahil hindi siya magiging akin.

Maybe the fate just allowed me to experience this, that someone out there can still look at me beyond
my beauty and fame... that I am a funny and carefree girl named Sidra or Kureiji...

Pinunasan ko ang takas na luha sa aking mata. I told myself not to think too much!

"K-Kureiji..."

Umiling ako sa kanya habang sabay ko nang pinupunasan ng dalawang kamay ko ang mga luha ko.

"Feiku..." sabi ko sa kanya. "Feiku, Seiji..." I said with my forced smile.

He's still looking at me. "Ie..."

I bit my lower lip. Bigla na lang akong tumayo at inilahad ko ang isang braso sa kanya.

"Let's dance, bebe! I'll teach you!" I said cheerfully to hide my tears and unexpected pain.
"Dansu?"

"Y-Yes, dance...'

I expected that he'd immediately reject me, or he'll look somewhere to avoid me, but to my surprise,
Seiji's hand clasped mine without hesitation. With me, still standing in front of him, and he was still
seated on the old wood.

I don't know if how many times did it happen, but time seemed to stop every time that Seiji Matsumoto
shows small gestures toward me...

Nanatili lang magkahawak ang mga kamay namin habang makatitig ang aming mga mata.

The wind blew, my silk dress fluttered, my heart drummed fast, and my hair swirled-- under the
twinkling stars above and the sparks of the dancing fire.     

Unti-unti siyang tumayo habang hawak pa rin ang kamay ko. "Dansu, jouzo ja nai..." he said. Nag-iwas
siya ng tingin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero napatulala ako sa bigla niyang pagpayag. "Watashi..."
itinuro niya ang kanyang sarili. "Danzu."

Tapos itinuro niya ako. "Anata..."

Itinuro niya ang ilalim ng mata niya, nakukuha ko ang ibig sabihin niya. My tears.

"No..." usal niya.


Unti-unting nawala iyong totoong luha ko at napalitan iyon ng tipid na ngiti. He'll dance with me if I'll
stop crying.

Kusang bumitaw ang kamay ko sa kanya at tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko. Napayuko na ako
at hindi ko na talaga mapigilan ang pag-iyak ko.

I am so happy... at nagsisimula na rin akong matakot. I thought everything would remain as a joke, a
diversion... a play. Doon kasi ako magaling...

But what's happening now? Hindi ko ito inaasahan.

This might be so fast but the feeling was so surreal na natatakot na ako na panaginip lang si Seiji at hindi
totoo ang nangyayaring ito...

"N-Nahuhulog na yata talaga ako sa 'yo, Seiji..."

Chapter 14 - Chapter 12

AN/ Please hear the theme song in this chapter. Baby don't know why by Ms.OOJA

Dedicated to Rhian Claire Yamsuan

Chapter 12

Dance

My tears continued to glide down on my cheeks. I convinced myself not to be more emotional in this
disaster, and always think of happy thoughts because that would make me survive.
"K-Kureiji..."

I bit my lower lip. Naririnig ko ang mahina niyang boses. I could feel his presence. I am not alone in this
island. Seiji Matsumoto is here with me.

I took a deep breath. Slowly, my eyes lock with Seiji's beautiful eyes, with traces of tears still lingering on
my cheeks. I smiled at him and made a few steps to come near him until I tiptoed and cupped his face
with hesitation for the first time.

I could feel his warm cheeks. I could see how his eyes reflected worry, confliction, and... what is this?

But he didn't flinch with my palms on his face. His eyes didn't avert mine, his feet didn't step back, and
his hands didn't push me.   

I chuckled. Nasanay na yata talaga ako na tinatakbuhan niya ako at ang gawin niya ito sa harapan ko,
parang hindi ako makapaniwala. I am so happy-- that my heart could even burst at any moment.

Ano ba ang ginawa sa akin ng hapon na 'to?

He didn't make any huge effort, I couldn't even understand his single word, he used to run away from
me, his eyes were always hesitant to look at me, and he seemed so uninterested with me, but his small
gestures made my world twirl so fast.

Na hindi ko akalain na ang pino at tipid na galaw ay may kakayahan palang makapagpatunaw ng isang
babae. Madalas man siyang mag-iwas ng tingin sa akin, pero sa sandaling makumbinsi niya ang sarili
niyang tumitig pabalik sa akin, tapos na ang laban.
Because Seiji's Matsumoto's eyes were always different, not to undress women through admiration, but
would make you feel clothed with fluffy white dresses. He would make you feel like you're an angel, and
a goddess with raining feathers as a background.

Most men would always undress beautiful women the way they stare, fantasize them as their own, and
even make face gestures that would make us uncomfortable. That's the reality of life--in this cruel
society, still, people believed that women were born for men, a craft that would make them happy, but
women are beyond that.

And for the very first time, someone made me feel that I deserve an innocent admiration...

Iyong titig ni Seiji, walang halong malisya at paninimbang...

Kaya bigla akong natakot na sa sandaling matapos ito, hindi na ako muli makakilala ng taong katulad
niya.

The universe, the comet, the sea, the wind, the forest, or sands just lent him to me. Kasi katulad ng
unang panahon... sa panahon ng pananakop ng mga hapon, pinasilay lang siya sa akin.

Mas dumiin ang mga palad ko sa mukha niya. Ramdam ko na sa kabila ng distansya sa pagitan namin, na
may napakataas na pader na nakaharang sa amin.

Language barrier, status, dreams, culture, family... a lot.    But I am now determined to crash all of those
barriers, and I will make him fall in love with me, na sa sandaling may dumating na tulong sa amin, he
will look back at me and claim me.

Dahil alam kong mahihirapan na akong makakita ng katulad niya... he is my answered prayers, and I will
not let him slip away.

"K-Kureiji..."
I forced another smile in front of him. "Feiku..." ulit ko. Pansin ko sa mga mata niya ang hindi pagsang-
ayon sa sinabi ko.

How could this adorable and fluffy Japanese easily identify if I was lying or not in just our few days
together?

"You're worried! Lalo na akong nai-inlove sa 'yo, bebe!" I hung my arms around his nape. Halos isabot ko
ang buong katawan ko sa kanya kaya para na naman siyang matutumba.

"But we'll dance! I will not cry na!" I wiped the traces of tears on my cheeks using his oversize shirt.
Though, hindi na naman gumagalaw iyong dalawa niyang kamay na matigas na namang nasa tagiliran
niya.

Nang nag-angat ako ng tingin habang nakayakap pa rin sa kanya, bahagya siyang nakayuko habang
nakasilip sa akin.

The wind was blowing his hair.

Isa talaga sa gusto ko bukod sa maliit niyang mata ay iyong buhok niya na takot sa shampoo! Bihira lang
ang ganoong lalaki na gwapo pa rin, kahit puro ribcage, spinal cord at isang ubo na lang.

Isa pa he really looked lazy!

Sa sobrang hinhin at bagal niyang gumalaw, para talaga siyang tamad na tamad sa buhay. But Akio told
me that the Japanese are a hardworking person. Na sa sobrang sipag nila nakakalimutan na nilang
maligo. That's ewww, really. Mabuti na lang na sa tuwing naliligo ako ay naliligo rin si Seiji.

Pero pwede rin naman na ako magpaligo sa kanya kung tinatamad siya!
Isinubsob ko ang sarili ko sa ribcage niya at halos mapalundag ako sa kilig.

"Bebe naman! Saan ba kita paliliguan? Sa bathtub or shower!? I am shy na!" inihilig ko ang mukha ko sa
kalahati ng ribcage niya. Yumakap na sa may bewang niya iyong isang braso ko habang iyong isang
kamay ko ay abala sa paggawa ng bilog-bilog na guhit sa dibdib niya na puro buto.

"Should I pikit na lang? Kapain ko na lang! Promise, bebe! I won't pisil you! I'll be gentle! Kahit I am
super shy..."

Nang nag-angat na ako ng tingin sa kanya, inakala kong nakakunot na ang noo niya o kaya parang
naguguluhan na siya sa pinagsasabi ko. Lagi naman kasi siyang ganoon, pero nang sandaling nagtama
ang mata namin pansin ko na nagpipigil ng ngisi ang magaling na hapon.

Gosh! Iyong mata niya ba naman na nagsisimula na naman magtago.

He softly chuckled. "Kureiji... okay." He said with his hand gesture of okay sign. Iyong way nilang mga
hapon.

"Of course, I am okay! Thanks for worrying about me, bebe. I am so touched." I tiptoed again, and
cupped his face.   

Nanlaki iyong maliit niyang mata when I tried to play the tips of our nose. "K-Kureiji..." he whispered.

"Arigatou..." I softly said between our lips.   

Ibinaba ko iyong mga mata ko sa labi niya. I licked my lips in front of his eyes to let him know my
anticipation. Kahit hirap na hirap na akong tumingkayad dahil sa tangkad niya, talagang pinanindigan ko.
Nang sandaling mas ilalapit ko na ang mga labi ko sa kanya, unti-unti kong itinaas ang isa kong kilay. Muli
kong nilaro ang tungki ng mga ilong namin bago ako natawa sa harapan niya.

"I will not initiate our first kiss, bebe... you will kiss me one of these days... I'll make you kiss me."

You will kiss me because you want it... you want my lips... me...

Kahit gustung-gusto na kitang halikan. Sobra...

Binitawan ko ang magkabilang pisngi niya, hindi na ako tumingkayad at hinawakan ko ang mga kamay
niya.

"So, shall we dance?"

He blinked twice while looking at me. "K-Kissu..." bulong niya.

Hindi ko alam kung naintindihan niya iyong sinabi ko, pero alam kong alam niya na may salitang kiss
doon.

Ngumisi ako sa kanya at nag-iwas siya ng tingin sa akin, pero hindi niya inaalis ang kamay ko sa kanya.
Sobrang lambot ng kamay ng hapon! Ano ba ang ginagawa nito sa kanila?

"Bebe, are you lazy? You lazy?"

Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam ang word na lazy. Hinampas ko ang braso niya dahilan kung bakit
hinimas niya na naman iyon.
"Don't worry! If you're tinatamad, be... pwede naman na ako na lang ang gumalaw! Ako lang ang
gagalaw, and I'll let you say ah... relax. Of course!" I giggled.

Kumakamot na siya sa ulo niya. "Wakaranai, kureiji..."

I laughed. "Bebe! Let's dance na lang! Stop it! I am super shy na talaga!" hinawakan ko na ulit ang
nanlalamig niyang kamay.

"Watashi." Itinuro ko sarili ko. "Good dancer! I am so talented! You're so lucky! Tatalunin natin sina
Massimo at Laura sa dance floor, Seiji!"

Isang kamay lang iyong inihawak ko sa kanya, dumistansya ako sa katawan niya dahilan kung bakit
kapwa nakabuka iyong isang braso namin. Maganda dapat ang introduction ng sayaw namin dalawa.

Hanggang sa umikot ako papalapit sa kanya at sabay pumulupot ang braso namin habang papalapit ako
sa ribcage niya, tuluyan nang dumikit ang katawan ko sa kanya habang nakapulupot ang isang braso niya
sa akin.

Agad kong inangat ang ulo ko na may kasamang pitik na parang nasa dancefloor talaga ako, kaso si Seiji
Matsumoto, biglang nawala sa focus yata dahil sa biglang paglakas ng alon sa dagat, ang masaklap pa,
para talaga siyang poste na tamad na tamad na nakatayo, isang braso na basta na lang nakatuwid sa
kabila habang nakatingin siya sa dagat.

"Bebe..." inangat ko ang isa kong kamay at madrama kong dinala ang mukha niya patungo sa akin upang
magtama ang aming mga mata.

Pang international dance competition iyong pitik ng ulo ko, may emotion din ang mga mata ko, hilig na
hilig ang katawan ko sa kanya, tinatangay pa ng hangin ang mahaba kong buhok. Perfect performance
from Sidra Everleigh Rosilla, everyone!
But Seiji Matsumoto with his sleepy chinito eyes and lazy gestures ruined my performance! Parang bigla
niyang nakalimutan na nagsasayaw pala siya dahil lang umalon ng malakas ang dagat.

"Ano ba iyan, bebe!? Emotions!" humiwalay ako sa kanya at napapadyak ako sa buhangin.

"Oh... gomen... moukkai..." inilahad niyang muli ang dalawa niyang kamay.

"Anong moukkai, gago ka?" Kahit hindi ko naman naiintindihan ang salita niya, nakuha ko naman ang
ibig sabihin no'n. Ulitin na lang daw namin.

Hinawakan ko ulit ang dalawa niyang kamay. "Ibang intro na lang..."

Inilagay ko ang isa niyang kamay sa bewang ko. Nahiya pa siya dahil tinatanggal niya iyon. Limang beses
kong ibinalik sa bewang ko ang kamay niya bago siya tumigil sa pagtanggal doon.

"Bebe!" pinanlakihan ko na siya ng mata.

"Kureiji..." bulong niya. Nag-iwas pa siya ng tingin sa akin, ramdam ko na nangangatal ang kamay niya sa
bewang ko.

"After that you will bend me and your other hand will caress my legs, alright? Like this." Nang sandaling
bahagya kong ibaba ang katawan ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa batok niya at
humahaplos ang likuran ng isang kamay ko sa mukha niya, nangangatal iyong isang kamay niya sa
bewang ko, pansin ko ang alarma niya. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at ituturo ko sana na ihaplos
ng likuran niyon ang legs ko nang mapamura ako.

Dahil nabitawan niya ako. Bagsak ako sa buhanginan mula sa braso niya.

"SEIJI!" sigaw ko sa kanya.


"G-Gomen... k-kureiji!" but he didn't look so guilty! Dahil nagpipigil siyang hindi matawa sa akin!

"Y-You! Nabuhat mo naman ako nang habulin tayo ng ahas, e!" sinimulan niya akong alalayan sa
pagbangon habang natatawa talaga siya.

Hinampas ko nga ang dibdib niyang puro ribcage. "Gomen..." ngumuso ako at umirap sa kanya. I crossed
my arms and looked away from him.

"Moukkai..." inilahad niya na naman ang mga kamay niya sa akin.

"Ayoko na! Binibitawan mo naman ako! Hindi mo ako sinasalo..."

"Gomen..." umirap ako ulit sa kanya. But it seemed like my bebe learned something from me as days
passed by...

Dahil kusa nang gumagalaw ang kamay niya para tanggalin ang buhangin sa buhok ko. Nakakainis, dahil
sa ganoon lang ay kinilig na ako sa kanya.

"Sige na nga!"

Inilahad ko ang isa kong kamay. Tumitig muna siya roon ng ilang minuto, syempre, hinayaan ko muna
siyang mag-loading bago siya tumayo at inalalayan akong tumayo rin.

I landed on his broad chest... este fragile ribcage. Mabuti na lang at hindi siya inuubo kapag biglaan kong
tinatapon ang sarili ko sa kanya.
"Let's repeat! You should caress my legs, okay? Don't let me fall! I will get mad!" itinuro ko ang legs ko sa
kanya at ipinakita ko sa kanya kung paano haplusin iyon.

Napasapo siya sa mukha niya at ilang beses siyang umiling sa akin. Napangiwi ako.

"Seiji! Hindi mo naman ako huhubaran! It's part of the dance introduction natin! Kapag naka-survive
tayo rito, we'll dance in front of everyone!"

"Kureiji..." iling siya ng iling sa akin.

Lumapit ulit ako sa kanya. I cupped his face. "I will break-up with you... sige ka, Seiji..."

"Wakaranai, Kureiji..."

"Yes. I know. Ayaw mo akong pakawalan... alam kong mahal na mahal mo ako. Okay lang naman sa akin
na hawakan mo ang legs ko. You're not taking advantage of me! I trust you."

"Zenzen wakaranai..." umiiling na sabi niya.

"Yes. I know. You just want to touch my fingertips. But this is just part of our dance performance! It's
okay! I know you still value our upcoming wedding night...but I trust you! Alam kong hindi mo ako
pagsasamantalahan..."

Hindi na siya nagsasalita. Napapakamot na siya sa kanyang ulo. "Alright, let's repeat!"

I snaked one of my arms around his nape again. Inilagay ko ang isang kamay niya sa bewang ko habang
ang isa'y ibinababa ko habang maraan kong inaangat ang legs ko para lumilis ang silk dress ko at ipakita
ang ganda at kinis ng legs ko.
Nangangatal na naman ang mga braso ni Seiji, pati yata ang tuhod, sa lakas ng hangin pansin ko ang
pagpapawis niya. "Do it, bebe... slowly..."

Both of our bodies were half-inclined. May pag-aalinlangan iyong kamay niya habang ilalapit na niya sa
legs ko.

And for the second time around, the annoying Japanese failed our dance introduction. I was expecting
that I would land again on the sand because his frail arms slipped away from my waist, but seemed like
he knew when to use his fast agility.   

In a twirl, our positioned switched in an instant. Mabilis niya akong kinabig sa dibdib niya habang kapwa
kami pabagsak. His arms wrapped protectively around me as his body landed on the sand.

May narinig yata akong pumutok na buto or was it just my imagination? Sana...

I saw pain in his eyes as I looked at him with my wide eyes. Sa bagal niyang iyon, agad niyang nabago
ang posisyon namin?

"K-Kureiji... okay?" he asked.

Ako naman ang napakurap sa kanya habang nakapatong ako sa katawan niya na bugbog sarado na yata
simula nang makilala ako.

"Sinalo mo 'ko... you caught me, bebe..."

Umiling siya sa akin ng ilang beses habang may naniningkit na mata. "Dansu...no... no..."
And we laughed together.

Chapter 15 - Chapter 13

Dedicated to Stassy Nor

Chapter 13

Bebe

Isang linggo na ang lumipas at narito pa rin kami ni Seiji Matsumoto sa isla. Araw-araw akong nagdadasal
na kapag na-rescue kami, hindi naman ako maging kasing payat niya.

I am Sidra Everleigh with a very fit and sexy body! Kahit naman puro tuna at prutas lang ang kinakain ko
rito, hindi naman siguro masisira ang figure ko, plus, hindi ko rin naman nakakalimutan ang mag-
exercise. Minsan nga niyayaya ko si Seiji sa umaga mag-jogging or work-out pero hindi naman pala siya
morning person at tsaka ano pa ang kailangan niyang i-work out sa katawan niya?

Hindi ko siya gugustuhing mangalas.

Nauuna pa akong gumising sa kanya. Mas maaga lang siya gumising sa akin noon dahil nasa habulan
stage pa kami, ngayon medyo hindi na siya mailap sa akin. Kinikilig ako!

Tumutugon na rin siya sa akin kapag bebe talaga ang tawag ko at nagpapahawak na rin siya sa akin.
Hindi na rin kami literal na naghahabulan katulad ng mga unang araw namin. Hindi na rin siya nag-
aalinlangang tumawa sa akin!

And he's talking with me na rin! Dati hindi talaga siya marunong mag-adjust para sa akin at hinahapon
niya lang talaga ako, pero ngayon may mga English words na rin siyang ginagamit para mas
magkaintindihan na kami.
Ang baby ni Mommy Eve, nagbibinata na! Ganoon siguro talaga kapag pinadedede kapag gabi... ay
imagination ko lang pala ang pagpapadede. He's still shy pa rin.

Hinihintay ko na lang siya magising. Nakaupo ako ngayon sa buhangin habang nakapangalumbaba sa
harap ng dagat.

Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon?

I told myself that I'll make him kiss me. Hindi na nga siya tumatakbo mula sa akin, hindi na rin naman
siya ganoon kailap, but he's still Seiji Matsumoto, the shy and fluffy boy. What will make him aggressive
na bigla niya akong hahalikan?

Halos sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung paano ko ba iyon gagawin. Sobrang baby niya pa rin kasi kahit
medyo nagbibinata na.

Wala sa sarili akong sumulyap sa tent at eksaktong palabas na roon ang magaling na hapon. I smiled at
him. Pero hindi pa rin siya masanay sa biglaan kong pagsalubong ng ngiti sa kanya sa umaga.

"Ohayo, be..."

Tumango lang siya bago niya tamad na hinawi ang tent. Diretso ang lakad niya sa dagat habang may dala
na mouth wash. I watched him clean himself.

Antok na antok pa ang baby ko, hindi ko naman siya nilandi masyado kagabi. Siguro hindi siya nakatulog
agad dahil tinitigan niya muna ako habang natutulog ako.

I giggled. Hinawi ko ang mahaba kong buhok. Ang ganda ko talaga!


Bumalik siya sa tabi ng tent namin at doon siya naupo. Pinili niyang uminom ng tubig at tumitig din sa
dagat. At dahil kanina ko pa talaga siyang hinihintay magising, tumayo na ako sa pwesto ko. Pinagpagan
ko ang sarili ko dahil sa buhangin at maganda na naman ang lakad ko patungo sa kanya.

My sexy waist swayed elegantly as I walked towards him. "Bebe!"

Kung dati, hindi pa man ako nakakatayo sa pwesto ko ay tumatakbo na siya, ngayon ay nananatili na
siyang nakaupo, nakatitig lang siya sa akin na parang tinatamad na naman siya at inaantok.

I kneeled on his left side as my palms supported my weight on the sand. Nanatiling nakatingin ang mata
niya sa dagat kahit ramdam niya na nagsisimula na naman akong lumandi sa kanya.

"Bebe ko na amoy virgin coconut oil..."

Of course, hinawi na niya na naman ako na parang nagbubugaw siya ng langaw sa balikat niya.

"Seiji naman... landiin back mo naman ako. 'Wag puro tulog ako! Alam kong kaya ka lagi puyat! You're
just waiting for me to sleep... so you could well..."

"Kureiji, hayai ne..." sagot niya sa akin.

Isang linggo na niya akong tinatawag na kureiji pero kailanman hindi pa pumasok sa isip ko na nalamin
talaga ang ibig sabihin no'n.

"Kureiji na ni, Seiji?" tanong ko.

Pansin ko na ilang beses siyang napakurap. He hesitantly glanced at me. Iyong paglingon niya sobrang
bagal at iyong mata niya parang inirapan na naman ako sa sobrang bagal din ng paggalaw.
Hindi siya sumagot.

"Kureiji, na ni?" ulit ko.

Pero mukhang wala siyang balak sumagot sa akin. Maybe because he's shy? He's shy to admit that he's
been calling me pretty, sexy, my love, mine, my girlfriend or wife?

Ngumuso ako. Naupo na rin ako sa tabi niya. I hugged my legs, but I allowed myself to lean on his
shoulders. Hindi ko muna siya ulit kinausap at hinayaan kong manatili ang katahimikan sa pagitan namin.

Minsan nakakapagod rin naman kasing lumandi sa umaga.

Pero hindi ko talaga maiwasang isipin ang ibig sabihin ng kureiji.

"Kureiji... kureiji..." bulong ko sa sarili ko. "If sutoppu is stop, dansu is dance, kissu is kiss...hmm..." muli
akong sumulyap kay Seiji.

Nang nag-angat ako ng tingin, nakatingin na rin siya sa akin. Iyong mata niya parang naghihintay ng
bagay na ayaw niyang...

"Kureiji..." ulit ko.

I should notice its pronunciation. "Kureiji..." pang-ilang ulit ko.

"T-Tabetai?" biglang tanong ni Seiji Matsumoto sa akin.


I blinked at him. Ayaw niya talagang malaman ko ang ibig sabihin no'n. Inangat ko ang kamay ko sa
kanya. "Wait, be... allow me to figure it out."

Napalagay ako ng isang kamay sa baba ko habang inuulit-ulit sa isip ko ang salitang kureiji.

"Ku... rei..." hindi ko na natapos ang salita. Marahas akong napasinghap at napatingin na ako agad kay
Seiji. Nag-iwas siya agad sa akin ng tingin, he looked so fucking guilty!

"Crazy! You've been calling me crazy?! Y-You! Y-You! Gago kang hapon ka!"

"G-Gome—"

Marahas na akong tumayo at dumistansya sa kanya. "How dare you! I've been calling you with sweet
endearments! Tapos ako? Look at me! Do I look crazy?!"

"Kurei—" hindi niya tinuloy ang pagtawag sa akin. Umawang ang bibig ko sa kanya.

"Do you even know my name, Seiji?"

Tumayo na siya. I could see the panic in his eyes, lalo na nang makita niya na seryoso akong nagagalit sa
kanya. I've been sweet to him, pero iyong ganoong tawag niya sa akin?

Mukha ba akong baliw? Gago siya!

"I want to end this, Seiji! Nagsasawa na ako sa relasyon nating ito! Ayoko na! Pagod na ako!" marahas
kong itinulak ang dibdib niya dahilan kung bakit siya ilang beses napaatras.
I let the tears rolled down on my cheeks as I turned my back on him. Nakita kong umawang ang bibig
niya at mukhang gulat na gulat talaga siya sa reaksyon ko.

Nagmadali na akong pumasok sa tent, pero hindi pa man lumilipas ang isang minuto narinig ko na rin
ang nagmamadaling yabag ni Seiji Matsumoto. Hinawi niya ang tent at pumasok na rin siya.

Pinagpatuloy ko ang pag-empake ng mga damit ko. My silk satin dress and few oversize shirts. Mas
humagulhol ako sa harapan niya habang nagmamadaling mag-empake ng tatlong damit.

"G-Gomen..."

Marahas akong humarap sa kanya at halos ihampas ko na ang oversize shirt ko sa bag ko na wala naman
talagang laman.

"I am tired of this, Seiji! I am tired of this relationship na ako na lang ang kumakapit! Halos ibigay ko sa
'yo ang lahat... Seiji! Ibinigay ko na sa 'yo ng buong-buo ang pagkatao ko na halos wala na akong itira!" I
cupped my face and cried harder.

"Buong puso't kaluluwa ko... ibinigay ko na sa 'yo, Seiji..." punung-puno na ng luha ang mukha ko. Sabog
na rin ang buhok ko at mukha na talaga akong misis na nahuling nangabit si mister. Kahit ayoko lang
talaga ng tawag niya sa akin, gago talaga siya.

Madrama kong hinaplos ang leeg ko pababa sa buong katawan ko. "Pagkatapos mong simsimin ang
lahat ng bango ko, Seiji! Babae na naman! Babae na naman! Saan ba ako nagkulang sa 'yo?! Ibinigay ko
naman sa 'yo lahat! Iba't ibang posisyon! Saan ako nagkulang gagong hapon ka!"

Pinaghahampas ko ang mangangalas niyang dibdib habang iyak pa rin ako nang iyak. "Ibinigay ko sa 'yo
ang lahat sabihin mo sa akin ang kulang!"

"W-Wakaranai... gomen..."
Marahas ko siyang itinulak.

"Ayoko na, Seiji! Sawang-sawa na ako sa patawad mo. Ubos na ubos na ako sa 'yo, hindi ko na makita
ang sarili ko... ikaw na lang lagi. Let's end this... I am going to file a divorce. Maghiwalay na tayo!"

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko nang makita niya na iyak pa rin ako ng iyak at mukhang galit na
galit sa kanya.

Bakit ba? Gusto kong mag-practice kapag nambabae siya. Pero ramdam ko na totong bigla akong na-
highblood, ang kapal naman ng mukha ng gagong hapon na 'to na walang shampoo kapag nambabae pa
sa akin?

"G-Gomen..." agad kong sinalag ang mga kamay niya sa akin at pinagpatuloy ko ang pag-empake ng
tatlong damit ko na inilalabas at pasok ko para kunwari madami.

"Let's see each other in court! Sa akin ang mga bata! Dahil ako ang ina!"

Nang makapag-empake na ako sa wakas, madrama ko siyang tinabig at nagmadali na akong lumabas ng
tent. Bigla kong naalala na wala nga pala kaming mga anak na gaganap.

Lumabas na rin si Seiji, malayo na ang nalalakad ko mula sa tent nang bigla akong bumalik. Nagkamali
ako ng sinabi.

"I am pregnant! And I will never let you see our child! Itatago ko siya sa 'yo at hinding-hindi ko siya
hahayaang kilalanin kang ama! Magsama kayo ng letche mong babae! At huwag mo akong hahabulin
dahil hindi ako marupok!"
Tinalikuran ko na ulit siya habang dala-dala ang bag ko. Narinig ko na sinubukan niya naman akong
habulin, pero hindi ko talaga siya narinig na tawagin ang pangalan ko.

I know... this is just my cup of tea. My acting skills. Dahil mamaya babalik din ako sa kanya at
makikipaglandian ulit. But there's another side of me na umaasa na alam niya naman talaga ang
pangalan ko.

Yes, I know, ako lang naman talaga ang totoong apektado sa kanya, ako ang nagpapapansin at
gumagawa ng paraan para higit kaming mapalapit sa isa't isa, pero mas matutuwa talaga ako kapag alam
niya ang pangalan ko.

Not that kureiji...

Nagpahid ako ng luha... totoong luha. Nakakatampo naman siya. I liked him so much... na ang bawat
pino niyang kilos at pagpansin sa akin, naapektuhan talaga ako. Pero nang malaman ko iyon, nasaktan
ko... not too much, pero may kirot talaga.

Umabot ang hapon na hindi na talaga lumapit sa akin si Seiji. Of course, aasa pa ba ako na susuyuin ako
ng pesteng hapon na iyon? Wala naman yata talaga iyong pakiramdam.

Malamig na ang simoy ng hangin na yakap ko na rin ang bag ko. Gusto ko nang bumalik sa tent at
matulog, hindi ko na nga naramdaman ang gutom dahil sa tindi ng sama ng loob ko sa kanya.

"Gago! Ayoko na sa 'yo!" malakas na sigaw ko.

Nagpahid ulit ako ng luha. "Akio... sunduin mo na ako rito, ayoko na sa hapon... he doesn't care much
about my feelings. His gesture might be some illusion... akala ko nagsisimula na siyang mapalapit sa akin
o kaya mahulog..."
Pagak akong tumawa sa harap ng dagat. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko. Nakanguso
ako habang sinusulat ang sarili kong pangalan.

Hindi ko akalain na darating ang araw na kikirot ang dibdib ko dahil sa lalaki. I used to ignore men talaga,
dahil alam ko naman ang gusto nila sa akin, but I didn't expect that it has really a reason... because I was
destined to meet a soft boy instead. Sa kanya ako sobrang maapektuhan na simpleng tawag niya sa akin
ay importante sa akin.

Pero nakakatampo naman talaga iyon... ang sweet ng mga tawag ko sa kanya, tapos ako crazy?

Isusubsob ko na sana ang mukha ko sa likuran ng bag ko nang maramdaman ko ang yabag ni Seiji sa
likuran ko.

"Samui... ikimashou..."

"Go away!" sigaw ko sa kanya.

"Gomen... ikimashou..."

"Go away, Seiji! I hate you! Why did you stop now? Where is that kureiji now?" sagot ko na hindi pa rin
lumilingon sa kanya.

"Gomen..."

Tinakpan ko na ang mga tenga ko. "Go away, Seiji! I hate you! Go away!"

"Ibu... gomen..."
Awtomatiko akong napalingon sa kanya. Did he just call my name in Japanese way? He called me Eve.

"What?"

Yumuko siya, napakamot siya sa kanyang magulong buhok. "S-Sorry...Ibu..."

He called my name. He knew my name! This idiot Japanese! Kureiji siya nang kureiji! Alam naman pala
ang pangalan ko.

But I will not make this easy for him.

"I still hate you! I don't like your pronunciation!" tinakpan ko ulit ang tenga ko. "Go away! I hate you! I
will still file a divorce! You will never see our child. Lalaki siyang walang ama at sisiguraduhin ko na
magsha-shampoo siya araw-araw at malusog na hindi isang ubo lang!"

Hindi siya sumagot. Of course, bukod sa hindi niya naman talaga ako naiintindihan, loading din siya kung
ano ba talaga gagawin niya.

Hanggang sa maramdaman ko na mas lumapit ang yabag niya patungo sa akin. I felt his warm presence
beside me. Umupo sa tabi ko ang magaling na hapon. Nanatili pa rin akong nakatakip ang mga kamay sa
aking tenga habang nakatingin sa dagat.

Until the idiot Japanese glanced at me innocently. Iyong parang inosenteng bata na sinisilip ang mukha
mo? Hindi siya gumagalaw sa pagkakaupo niya, pero iyong kalahati ng katawan niya sobrang effort sa
pagliko para silipin ang mukha ko.

Our eyes locked while I was still covering my ears. Though, nakakarinig naman talaga ako. I could see his
usual hesitation, but it seemed like the sunset made him blush or was it... me? Lalong sumingkit ang
mga mata niya habang nakatitig siya sa akin. He scratched his messy hair.
"B-Be...be... gomen..."

Chapter 16 - Chapter 14

Dedicated to CJ Villan

Theme song: Hana ni Bourei

Chapter 14

Whisper

"B-Be...be... gomen..."

Maybe the blasting sunset went more intense, or someone had invented a different kind of fireworks
that brightens up the sky even still with the presence of the sun, or was it because of the glistening
beads of jewels reflecting the sea right now?

I suddenly felt like everything went brighter and warmer, that I couldn't suppress the smile on my lips.
Pero pinipilit ko pa rin itago iyon sa abot ng aking makakaya.

Hindi ako marupok, kailangan kong hindi bumigay ng ganoon kadali at kailangan ay pahirapan ko siya.
He should feel the hardship of chasing, dahil iyon ang ipinaramdam niya sa akin simula nang magkakilala
kami.

He should chase me the way I chased him.


Nasisigurado kong hindi ako nanaginip, at narinig ko mismo iyon mula sa bibig niya. And I could see his
facial expression, the hesitation, shyness, and the suppressing smile as well. Lalo na iyong singkit niyang
mga mata niya na hindi makatingin sa akin ng diretso!

Iyong dalawa kong kamay na nakatakip sa tenga ko ay unti-unting bumaba sa mga buhangin. My fists
balled on the sand as I stared at him in disbelief.

I just wanted to cry right at this moment. Kung kanina ay galit na galit ako sa kanya at sobrang ang
tampo at inis ko, na inisip ko na maging pangalan ko ay hindi niya alam.

But when I heard how he struggle to mention my name and our endearment...

Handa na akong muling ipasimsim sa kanya ang lahat ng bango ko!

"Bebe na ni, Seiji?" mabilis kong tanong sa kanya. Pinilit ko ang sarili kong magmukhang seryoso sa
kanya.

I just want to confirm it. Natatandaan ko na ipinaliwanag ko na sa kanya ang ibig sabihin niyon at ilang
beses siyang umiling sa akin sa tuwing tinatawag ko siya, but right now that he tried to use it to call me, I
really want to have a confirmation na alam niya ang sinasabi niya sa akin.

Iyong maliit niyang mata ay biglang nanlaki at yumuko siya para iwasan ang mata ko. He scratched his
messy hair again with his ears turning red.

"B-Be...be na ni..." inulit niya ang tanong ko, saglit siyang sumulyap sa akin habang ako naman ang
nakasilip sa mukha niya habang nakayuko siya.

Pinataray ko ang hitsura ko habang nakataas ang aking isang kilay.


"D-Darin..." napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Yes, darling.

"Na ni?" pagmamaang-maangan ko.

Muli niyang kinamot ang magulo niyang buhok, sumulyap siya sa akin at mabagal na nag-iwas ng tingin
na parang iniirapan na naman ako.

"W-Watashi no..." means mine.

Putangina...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinapon ko na ang sarili ko sa kanya. And as expected we landed on
the white sand as he complained about his aching back again.

"Itai..." ani niya.

Pero hindi ko na magawang igalaw ang sarili ko sa ibabaw niya. I buried my face on his healthy ribcage.

Tangina niya... bumigay na ang hapon... bumigay na. Sinasagot na niya ako!

Para na naman siyang nabaril dahil sa dalawa niyang braso na nakahilata na naman sa mga buhangin.

Napangiwi siya nang gumalaw ako sa ibabaw niya at itinuon ko ang dalawang braso ko sa dibdib niya.
Inangat ko pa ang dalawa kong binti at magpalaro ko iyong ginagalaw-galaw habang nasa ere.

"Yes. I am yours, bebe. Only yours... we watashi no each other na. We bebe each other officially na!"
Ngumuso lamang siya at hindi sinagot ang mga mata ko.

Mas lalo akong ngumiti sa harapan niya dahil hindi siya umiling! Hindi talaga siya umiiling!

"Look at me! Panindigan mo 'ko!" I cupped his face to look straight into my eyes.

"Do you like me, Seiji?" I asked him.

Gusto kong palakpakan si Seiji dahil nagagawa niyang mag-iwas ng tingin sa akin kahit hawak ko na ang
pisngi niya. He knew the meaning of like! Nakikita ko sa reaksyon niya.

"Seiji! I will get mad again! Makikipaghiwalay ako ulit sa 'yo! We'll get a divorce! Our baby will never see
you... ayusin mo ang pagsuyo sa akin, gago ka."

"Itai... ibu..."

Mariin akong napapikit. "It's EVE... walang U. Bakit ganyang pronunciation n'yong mga gagong hapon
kayo?"

"Copy me, bebe... Ib..."

Nakaiwas pa rin ang mata niya sa akin. "Seiji! I said copy me..." itinuro ko ang labi ko. "Ib..."

"I...bu..."

"Gag—sabi nang walang U! Ano ba iyan? Kakagatin ko na ang dila mo sige ka..." I giggled.
"Again, Ib... bebe, patigasin mo letter b mo. Kasi sa susunod dahil we bebe each other na... iba na ituturo
ni Mommy Eve na patitigasin mo... gosh!" ipinilig ko ang ulo ko at isinubsob ko muna ulit ang mukha ko
sa ribcage niya para tanggalin iyong iniisip ko.

"Itai..." tinatapik na niya balikat ko.

"No! We're not gonna move without you pronouncing my name properly. Alright, again! Ib!"

Pinagpapawisan na siya sa posisyon namin. Pero dapat masanay na rin siya na nasa ibabaw ako, dahil sa
maraming bagay-bagay. Ngumisi ako habang hinihintay siyang magsalita ulit.

"I-bu..."

Umiling ako. "Kakagatin ko na talaga dila mo, Seiji! Isa pa! One more time. Don't put air, bebe... Eve,
pronounce it faster."

Paulit-ulit kong sinabi ang pangalan ko sa harapan niya na halos mabingi na siya sa akin. "It's okay if your
tongue is super pilipit... kasi gusto ko pumilipit iyan kapag well gusto mag-explore inside... but not with
my name, bebe! Saka na lang iyon kapag handa na ako... let's not talk about it muna, bebe... nahihiya
ako!" pinaglaruan na naman ng dulo ng daliri ko iyong ribcage niya.

"Again..."

"Ib—" bigla kong tinakpan labi niya. "That's it, bebe! Stop it right there. Don't put U! Again..."

"Ib..." nakakagat ko na ang pang-ibabang labi ko.


How could he look so cute and ravishing lying innocently on the sand? Napapamura na lang ako sa
ribcage, spinal cord, at sa buhok niyang palyado sa shampoo... dahil kahit gano'n siya, sobrang gandang
lalaki ng bebe ko!

Paulit-ulit ko siyang pinabanggit ng pangalan ko hanggang sa tumama na at gumanda nang pakinggan.

"Eve." He said finally.

Kusa nang naubos ang lakas ko at inihilig ko nang muli ang mukha ko sa dibdib niya, nakailang ubo na rin
siya simula kanina.

Iyong mga kamay ko ay marahang humawak sa dibdib niya. Gusto ko nang mag-angat ng tingin sa kanya
at halikan siya nang paulit-ulit na halos mawalan na kami ng hangin sa katawan.

Wala man lang ginagawa sa akin si Seiji. He just called me bebe. He allowed me to assault him, and he
just tried to pronounce my name properly, but I could feel that any minute I might melt in his arms. Na
hindi naman siya iyong tipo ng lalaki na nakakapanlambot ng tuhod, wala siyang mga salitang may pang-
aangkin na tipikal na lumalabas sa bibig ng mga lalaki para maramdaman ng mga babae iyong matinding
pagkagusto nila at higit sa lahat lagi siyang hiyang-hiya na takot na takot akong hawakan.

But he made me feel so beyond happy and contented even in the midst of this disaster...

"I like you so much, Seiji. I like you so much..." halos bulong na sabi ko sa kanya habang nakasubsob pa
rin ako sa dibdib niya.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasabi ako kay Seiji na gusto ko siya, may parte sa akin na
napapaiyak o kaya'y may kirot sa dibdib ko. Kasi natatakot ako na hanggang dito ko lang sa isla
mararamdaman ito, na sa sandaling may makatagpo na sa amin, pipilitin ko na lang kalimutan ang lahat
ng ito para hindi ako masaktan.
Because he might turn his back on me...

Sana panindigan mo ako sa sandaling umalis na tayo rito sa isla... sana hindi ka lang napipilitan, sana sa
sandaling makilala mo ako sa labas ng islang ito at hindi mo ako tingnan sa paraan ng tingin nila sa akin.

I hope you'll look at me the way you look at me right now. A beautiful angel with wings...

"I like you so much, bebe..." ulit ko. Ipinahid ko ang luha ko sa malaki niyang damit.

"O-Onaji..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I blinked twice. "Na ni?"

Umiling siya. "Itai..."

Natawa na ako at pinunasan ko ang luha ko bago ako bumangon mula sa katawan niya. Hinintay ko
siyang makabangon at matapos sa pagpagpag ng kanyang damit bago ako ngumiti ulit sa kanya.

Akala ko ay yayayain na niya ako pero naglakad siya at nilampasan ako, nang lumingon ako ay mabagal
niyang kinuha ang dala kong bag na may lamang tatlong damit.

Halos mapapadyak na ako sa buhangin habang kagat ang pang-ibabang labi ko. Sinusundo na talaga ako
ng mister ko!

Isinakbat niya ang bag ko sa isang balikat niya bago siya nag-aalangang sumulyap sa akin. Lakad takbo
ako patungo sa kanya habang sa iyakap ko ang braso ko sa ibabaw ng batok niya.
"You are forgiven, Seiji..."

Dahil ang tangkad niya talaga, tiniis ko na naman ang tumingkayad para magtama ang mata namin, pero
nakatingala pa rin ako habang nakayuko siyang parang inaantok na naman.

"Kailan mo 'ko hahalikan, Seiji? Halikan mo na 'ko..."

Umiling siya. "Wakaranai..."

"I said... kiss me... we bebe each other na naman, e!"

Saglit nanlaki ang mata niya. He looked away. Nanghaba na naman ang nguso niya. "K-Kureiji..."

Mas isiniksik ko ang katawan ko sa kanya. "Sige na, Seiji... kiss me..." I cupped his face as I closed my
eyes in front of him. Marahan kong inilapit ang labi ko sa kanya habang hinihintay ko ang paghalik niya
sa akin.

I expected a sweet and a smack from him. Hindi na ako umasa ng French kiss mula sa kanya. But what I
felt was different...

A sudden kiss on my forehead.

Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya. Sa sobrang bilis at gaan niyon, parang biglang
sumabog ang puso ko habang nakatitig sa singkit niyang mata na hindi makatingin sa akin.

"S-Seiji..."
"Ikimashou..."

Wala sa sarili akong yumakap sa braso niya habang kapwa kami sa pabalik sa tent habang sakbat na niya
iyong bag na dala ko. Ramdam niya na hindi mawala iyong titig ko sa kanya habang naglalakad kami pero
hindi na siyang lumilingon pabalik sa akin. Napapakamot na nga siya sa buhok niyang sabog at
lumilingon siya sa kaliwang direksyon para lang makatago sa mga mata ko.

Pulang-pula ang tenga niya!

Habang naglalakad kami pabalik ni Seiji patungo sa tent, para akong naglalakad sa ulap... para akong
lumilipad.

Sobrang saya ko.

"Sobrang saya ko, Seiji... hindi man tayo masyadong magkaintindihan, sobrang saya ko..."

Alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ko pero nang nag-angat na ako ng tingin sa kanya, nasa
akin na ang atensyon niya.

"G-Gomen..." ani niya.

Naiinis ako sa sarili ko, dahil sa tuwing kikiligin ako kay Seiji bigla akong makakaramdam ng kirot at takot.
Kasi alam ko... madali lang siyang maagaw sa akin.

He's an important Japanese, and I am just a tarnished actress. Siguradong walang matinong magulang
ang papayag na mapalapit ang kanilang anak sa akin. Lalo na kung katulad nitong si Seiji...

Naaasar ako!
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilagay ko iyon sa pisngi ko. "Patahanin mo 'ko, Seiji! Naiiyak
ako! I should be happy now, you called me bebe at last... pero natatakot ako... kukunin ka nila sa akin
pag-alis natin sa islang 'to... ilalayo ka nila sa akin..."

I saw panicked in his eyes when he saw my sudden changed of mood. Sabi ko sa sarili ko, happy lang ako
dapat, hindi ako iiyak ng tunay katulad nito pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong panghahawakan sa sandaling maghiwalay kami sa islang ito. His
family will never like me once that they dig into my identity. Dapat inisip ko muna ang mangyayari sa
akin bago ako lumandi at hinayaan ang sariling mahulog sa kanya.

I'll just let my heart left broken by this Japanese! Tapos landing-landi pa ako at hindi mapigilan ang sarili.

"I am happy and scared right now, Seiji..."

Siya lang ang nagparamdam sa akin nito. The tenderness, his genuine eyes, his simple care, and even his
silly shyness that made me fall hard just in a short time.

Maraming sumubok sa akin na kunin ang loob ko, they tried to impress me and flex everything that
they've got just to get my interest, but Seiji Matsumoto is so different from them.

Because everything he showed me doesn't have any meaning, but his mere innocent nature... na siyang
nagpahulog sa akin nang ganito.

Sa huli naramdaman kong ang mga palad niya na mismo ang gumagalaw sa pisngi ko upang tanggalin
ang luha ko. "S-Seiji... do something about this... please... sobrang saya ko na nasasaktan at natatakot
ako..."
He looked troubled and frustrated.

Until he finally decided on what to do.

For the very first time, Seiji Matsumoto pulled me closer to him, and his arms wrapped protectively
around me.

And he tenderly patted my head, with whispers I couldn't understand. "Anata o rikai shitai..."

Chapter 17 - Chapter 15

Dedicated to Lyshia Silvia

Chapter 15

Reasons

The cloak of the night had been witnessing our magical love story that started from the Japanese
colonization.

Sinong mag-aakala na ang malamyang sundalo na nahulog sa aking alindog noong unang panahon ay
muling mahuhulog sa akin ngayong kasalukuyan?

Hindi nagawang itago ng magandang abaniko ang aking kagandahan ng panahong iyon, at hindi niya
nagawang itutok ang baril na dapat ay siyang kikitil sa akin.

Malamya na si Seiji noong unang panahon at wala pa rin siyang pinagbago ngayon, sobrang lamya niya
pa rin. I couldn't help but imagine him in his old brown soldier uniform.
Dahil sobrang loading talaga siya, sa halip na small ang size ng uniform na dapat kukunin niya, large ang
nauwi niya. Kaya nang sandaling magkita kami sa mansyon ng mga Rosilla, para siyang sundalong hapon
na hindi nakakain ng ilang buwan.

Hindi nakapagtatakang mabilis siyang nabaril nang nauna kaming nagkita.

Napadasal at nagpasalamat ako sa kalangitan na hindi na sa panahon ng pananakop ang muli naming
pagkikita.

Huli na nang mapansin ko na malayo na pala talaga ang naabot ng utak ko. Ikaw ba naman ang hapunin
ng bebe mo, 'di ba? Iyong tipong hindi mo naman naiintindihan ang mga sinasabi niya. Lilipad talaga ang
utak mo kung saan...

I slapped his ribcage as I stomped my foot on the sand.

Pinili ko na lang kiligin sa sinabi niya kahit hindi ko naman iyon naintindihan.

My own translation says that, You are beautiful, my love...

Inubo siya dahil sa hampas kong iyon.

Mas lalo akong kinilig! Saan ka hahanap ng lalaki na gwapo kahit umubo? Si Seiji Matsumoto lang iyon!
Gosh.

"Bebe naman! Huwag mo nga akong hinahapon! Hindi kita maintindihan! I am okay now, wala na akong
tears." Mabilis kong pinahid ang pisngi, nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng matamis sa
kanya.
I looped my arms around his nape as we stared at each other. Tuwang-tuwa akong habang hinahabol
iyong mata niya na hindi makatingin lagi sa akin ng diretso.

"Bebe, niyakap mo na ako kanina. Ano na naman ginagawa ng kamay na iyan? Bakit tuwid na naman?"
tinanggal ko muna ang kamay ko sa batok niya at agad kong dinala sa bewang ko.

"This is better!"

Ngumuso ako sa harapan niya habang naninigkit ang mga mata ko sa kanya. Paano niya ako nayakap
kanina lang, tapos ngayon nangangatal na naman ang kamay niyang hawakan ako?

Ang landi nitong si Seiji may expiration.

"So, what are we going to do next na, Seiji? We hugged, kissed..." though hindi niya pa inaamin sa akin
na mahal na mahal na mahal niya ako at hindi na niya kayang mabuhay ng wala ako. It's fine!

Alam kong nahihiya lang siyang aminin sa akin na katulad ko'y nararamdaman niya rin ang matindi
naming koneksyon.

Sobrang laking bagay na kay Matsumoto ang yumakap at humalik ng kusa! Hintayin ko na lang na mag-
renew ulit ang paglandi niyang may expiration.

Dahil nag-iiwas na naman siya ng tingin sa akin, naghahabulan na naman ang ulo namin dalawa.

"How about honeymoon?" I asked him.

Ano kaya sa mga English words ko ang talagang naiintindihan niya? Kung titingnan naman kasi si Seiji
para talaga siyang walang naiintindihan sa akin. Sa tuwing nagsasalita ako para siyang nasa ibang
mundo, wala sa sarili o kaya loading na hindi na natapos.
Madalas din siyang umiling, pero magugulat na lang ako kapag bigla siyang magsasalita ng ilang English
words.

Paano kaya kung nakakaintindi talaga siya?

I glanced at him awkwardly. I bit my lower lip. Baka isipin niya pinagsasamantalahan ko siya at ang
kahinaan niya...

I value our wedding night pa naman.

At tsaka we bebe each other na, ano pa ang masama sa pagpatong sa kanya ng ilang beses? Unless
maging dalawang ubo na siya. Medyo nasasanay na rin naman siya kapag basta ko na lang itinatapon
ang sarili ko sa kanya.

"Hmm..."

I should well... limit myself na lang kaya? Baka isipin ng hapon na 'to easy to get ako! Sa kanya lang
naman ako bumigay ng ganito. Bigay na bigay na nga ako sa kanya, siya naman itong laging nag-
aalinlangan at diskumpiyado!

Siguro ay napapansin na ni Seiji ang malalim kong pag-iisip dahil nasa akin na ulit ang mga mata niya. But
he doesn't look curious at all, he utterly looked threatened!

Akala naman ng hapon na 'to may masama na naman akong binabalak sa kanya!

"Bakit ganyan ka na naman makatingin, Seiji!" hinampas ko ang kanang braso niya.
Ngumuso siya at hinimas iyon. "Itai..."

"Mamaya na tayo matulog, ah? We landi each other muna near the fire..." sabay kong hinawakan ang
kamay niya at hinila ko siya malapit sa apoy.

I pointed a good spot. "Sit."

Ayaw niya, kaya tumalon na lang ulit ako sa payat niyang katawan kaya sabay kaming natumba. Tawa
ako nang tawa habang nagrereklamo siyang may masakit na naman sa katawan niya.

Nakaupo na siya sa buhangin habang nakatukod sa likuran niya ang dalawa niyang kamay. I placed
myself between his legs, as I kneeled with my palms and knees while grinning in front of his face.

Nag-iwas na naman siya ng tingin sa akin. Sobrang bagal na parang umiirap na naman.

"I am so happy today, kahit pinaiyak mo 'ko! Pero okay na, you called me bebe, you kissed me on my
forehead... and you hugged me."

Sinabi ko sa sarili ko na dapat si Seiji ang unang hahalik pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

He's so cute! Mababaliw ako kapag hindi ako nakahalik man lang sa kanya.

So... I kissed the tips of his nose.

Pero ano ang mas nakapagpasabog sa puso ko? Pumikit siya na parang baby... hindi dahil ginusto niya
pero dahil nagulat siya.
"Bebe ko na amoy virgin coconut oil..." I whispered near his lips.

Parang umirap na naman siya sa akin, pero nakanguso. "K-Kureiji..."

Ako ang umirap sa kanya bago ako tumalikod at sumandal sa ribcage niya. "When are you going to
confess to me? Ako nakailang sabi na sa 'yo... umupo ka nang maayos, Seiji."

Kinuha ko ang braso niya at iniyakap ko iyon sa akin.

"See? Not samui anymore..." sabi ko nang lumingon ako sa kanya.

"Kureiji."

Sa halip na mainis ako sa sinabi niyang iyon, hinayaan ko na lang. Mabilis naman kasing mawala ang
tampo ko, lalo na't nakakailan na siya sa akin simula kanina. He's super forgiven!

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. Gusto kong makipag-usap sa kanya, tungkol sa
pamilya, trabaho niya, mga kaibigan, kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya, anong brand ng
shampoo niya kung meron at ano ang paborito niyang pagkain.

Kung tutuusin sa tagal namin magkasama rito sa isla, dapat marami na kaming napag-usapan at mas
nakilala na namin ang isa't isa. But we have this language barrier between us.

"What is your favorite food, Seiji? I will cook it for you..." though hindi talaga ako marunong sa kusina.
Pero para kay Seiji, mag-aaral ako. Ganoon kasi raw ang gusto ng mga hapon, babaeng marunong sa
kusina.

Kabaliktaran ko. At least, maganda naman ako! At bebe niya na 'ko!


"Or palit na lang tayo, Seiji? Ikaw na lang ang house husband, ako na lang ang magtatrabaho para sa
ating dalawa. I'll avoid kissing scene and bed scenes na lang, kasi ikaw selos." I giggled. Syempre sa amin
lang dapat dalawa iyon.

"Wakaranai, Eve..."

Lagi niya iyong sinasabi habang umiiling. Ibig sabihin siguro no'n ay wala siyang maintindihan sa
pinagsasabi ko. Pero kinilig ako! Tuwid na dila niya sa pangalan ko.

Mas isinandal ko ang sarili ko sa kanya at mas iniyakap ko ang mga braso niya sa akin. Wala sa sarili
akong tumingin sa kalangitan.

It was like a giant black cloak with scattered diamonds. Nang huli akong tumanaw sa madilim na
kalangitan noon, may dumaang bulalakaw. I wished for something I knew that was impossible.

Kasi inakala ko noon na hindi na talaga ako makakaramdam ng totoong kasiyahan. It's just ironic that in
the midst of this tragedy, I saw something glinting with hope... Seiji. Na sa halip na mapadpad ako rito
mag-isa sa isla, hinayaan ako ng bulalakaw makulong kasama siya.

A man I thought was impossible.

A soft boy...

Na hindi kailanman ako tiningnan dahil lang sa ganda ko. Seiji Matsumoto was the first one who ever
dared to reject me, his eyes never tried to molest me, he is always hesitant to touch me, and he never
took advantage of my intense interest towards him.

Si Seiji ang isa sa iilang lalaki na nagpakita ng respeto sa akin.


Humiling ako sa bulalakaw na sana ay may makilala akong lalaki na pakikinggan ako kahit anuman ang
sabihin ko. He'll always listen to me no matter how irrational am I... kahit hindi niya ako maintindihan,
makikinig at makikinig siya sa akin dahil mahal niya ako.

And then, I found him, sitting near me, lazily looking at the sea, and he seemed uninterested with me,
even with my almost naked body.

Literal man niyang hindi naiintindihan ang mga sinasabi ko, ibinigay pa rin ng bulalakaw iyong lalaking
hinihiling ko.

A man who will look at me with respect...

Hindi ko man masabi na gusto talaga ako ni Seiji o baka wala na talaga siyang mapagpilian dahil sa
paulit-ulit na pagpilit ko sa kanya, at least, ipinaranas sa akin na may mga tao pa rin palang katulad niya.

Hindi lang si Akio, ang ilang mga kamag-anak ko o kaya'y ang ilang kaibigan ko.

Gusto kong sabihin kay Seiji ang lahat... I want to share him everything, but he wouldn't understand me.
And I might upset him, kapag bigla niya akong napansin na naiiyak na naman.

I tried to avoid or divert my attention to something else, kapag nasasagi sa aking isipan ang bagay na pilit
tinatabunan ni Akio noon pa man, pero parang nakakabit na talaga iyon talaga sa akin.

"You know why I tend to make myself super happy as always, Seiji? Because I am the saddest..."
panimula ko.
Huminga ako nang malalim. Kapwa namin iniiwasan ni Akio na balikan ang aking nakaraan, pero hindi ko
alam kung bakit bigla ko itong nais sabihin kay Seiji kahit sa kaalamang wala naman siyang maiintindihan
sa akin.

"Do you still remember our first meeting? When Akio introduced me to you? Yes, I was a famous
actress... at nito ko lang ulit nababawi ang pangalan ko."

Hindi ako lumilingon kay Seiji pero mahigpit kong iniyayakap sa akin ang mga braso niya.

"I had a boyfriend... I mean, he's not my actual boyfriend. It was a cover-up to spice the people, to make
us in trend... kasi ganoon talaga sa Pilipinas, sikat ka kapag may ka-love team ka at karelasyon mo sa
totoong buhay. I like fame, attention... kasi noon ang tingin ko sa bagay na iyon pagmamahal. Mahal ako
ng maraming tao, maraming humahanga sa akin... masaya na ako sa ganoon... but..."

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang mukha ng dati kong leading man.

"But I was wrong, Seiji. Fame isn't happiness... attention isn't satisfaction... dahil ang paniniwalang iyon
ang siyang humila sa akin pababa... ang paghahangad ko ng labis na atensyon ang unti-unting sumira sa
akin...My leading man, the pretend boyfriend that I used for fame moved beyond the line... he t-tried to
force himself to me..." nangatal ang buong katawan ko nang maalala ko iyon.

Ilang beses nang sinabi sa akin ni Akio na huwag ko nang paulit-uliting isipin iyon, dati ay halos hindi ko
nga magawang ikwento o kaya'y isipin muli ang pangyayaring iyon pero hindi ko alam kung bakit
nagkaroon na ako ng lakas ng loob ngayon.

"Of course, I didn't agree. I struggled against him... I used something that could help me. I grabbed a
vase and I forcefully threw it at him. He was hit, but still conscious... pero hindi na siya lumapit sa akin.
But he called me in different names... slut...whore... gano'n lang niya kadali nabato sa akin ang mga
salitang iyon, gayong hindi niya naman ako kilala. Yes, I am wild, carefree, and liberated... but I always
knew my limitation. Kahit ganito ako... ang bibig ko at ang paraan ng pananamit ko, nirerespeto ko pa rin
ang sarili ko, Seiji..."
Ito iyong matinding kinatatakutan ko. What will happen once that Seiji discovered my background? My
history... my life... sobrang layo ko sa kanya. We're totally opposite. He's too pure for me.

Wala akong narinig na sagot mula kay Seiji kaya nagpatuloy ako.

"Hindi ko na pinalaki ang gulo. I just told my manager that I want to spread the news that we broke up...
pero ibang balita ang bumungad sa akin, Seiji..." nasapo ko na ang bibig ko.

Muling nangatal ang buong katawan ko, sa galit, sama ng loob, lungkot at takot. Because it was not just
a simple rumor that I cheated, may kumalat...

"A... s-sex video blown-up the numbers of social media sites...at itinuturo nilang ako iyong babae... it's
not me, Seiji... trust me. Nirerespeto ko ang sarili ko at hindi ko iyon gagawin sa sarili ko..."

Mas hinigpitan ko ang yakap niya sa akin, ngunit alam kong ramdam ni Seiji ang pangangatal ng buong
katawan ko.

"Please... don't turn your back on me once that you discovered my history...ang paninira nila sa akin...
kasi konti na lang ang naniniwala sa akin... even some of my family walked away from me..."

Ilang beses ko man patunayan na hindi ako ang babaeng nasa video, hindi pa rin niyon tuluyang
makukumbinsi ang mga taong naabot ng balita.

"I am so scared that your pure and innocent eyes might change the moment we left this island...
masasaktan ako, Seiji..."

Chapter 18 - Chapter 16

Dedicated to Liana Marie Chico


Chapter 16

Cousin

Our last conversation was heavy, or should I say that the one I shared was heavy? Alam ko naman kasi
na hindi ako naiintindihan ni Seiji. That is the most frustrating part of our set-up; no matter what I do or
what I say to him, he'll never completely understand because of our language barrier. We'll never have
this deep conversation, dahil kapwa lang sasakit ang ulo namin. Isa pa, we have limited sign languages,
kaya hindi rin talaga kami magkakaintindihan.

But what I loved about Seiji Matsumoto, aside from his nest-like hair, ribcage, spinal cord, and sleepy
eyes is his instinct. Masyadong matalas ang pakiramdam niya sa akin, na agad na niyang nalalaman kung
umaarte ako o hindi.

He could easily know if I am actually hurting or not.    At habang ikinukwento ko sa kanya ang naging
nakaraan ko, pinili niyang makinig, manatiling tahimik (though he's always silent) at ipadama sa akin na
nasa tabi ko siya. Maybe there's a language barrier between us, but he made me feel that I am secured
and safe in his fragile arms.

Fragile arms, but secure? Ganoon naman siguro talaga ang kayang ipadama ng mga braso ng mga dating
sundalo ng mga hapon.

Hinintay lang namin ni Seiji na maubos iyong siga ng apoy bago kami pumasok sa tent para matulog.

I was so excited! Of course, I was expecting that he'd comfort me. At papayag na siya sa wakas na
magkayakap na kaming matulog, because we already bebe each other na, pero nang sandaling pumasok
na kami sa tent, binigyan niya ako agad ng distansya at nagsumiksik na naman siya sa dulo.

He turned his back on me. "Oyasumi...Ibu..."


"S-Seiji!" sigaw ko.

Bigla agad uminit ang ulo ko sa kanya. Hindi ba't tinuruan ko na siya ng tamang pronunciation?! Gagong
hapon na 'to!

"Oyasumi... Eve..." ulit niya sa akin habang nanatiling nakahigang nakatalikod sa akin.

Hindi pa rin ako humihiga, nakaupo ako at nakapamaywang nakatitig sa kanya. I knew that he could feel
my intense stares at him.

"But I want to cuddle with you, bebe!"

Hindi na siya nagsalita o gumalaw man lang, so I poked him. "Seiji... bebe..."

Parang biglang nakuryente ang kawawang hapon nang kulbitin ko lang naman ang likuran niya.

"K-Kureiji!" sigaw niya sa akin pero nakatalikod pa rin siya.

"Please? Let's cuddle muna... or patulugin mo muna ako..."

"Suripu, Ibu... suripu..." sabi niya nang paulit-ulit.

"Anong suripu na naman gagong hapon ka!"

"Urusai... urusai..." tinakpan na niya ang tenga niya at hindi niya na rin pinansin ang pagkulbit ko sa
kanya.
Kaya padabog na akong humiga at dumistansya na rin ako sa kanya. Iyong akala ko ay tuluy-tuloy na ang
landian namin? Pero ito si Seiji Matsumoto, natatauhan o kaya biglang tinatamaan ng expiration sa
paglandi.

Akala ko ay makakatulog na rin ako, pero iyong tampo ko kasi sa kanya tumatagal lang ng seven
minutes, unti-unti rin akong lumapit sa kanya. Not because I want to insist our landian, of course, I am
just a concern girlfriend. Kapag naririnig mo na iyong mga buto ng boyfriend mo na nangangatog na sa
lamig, even if you're super conservative, kakalimutan mo na iyon, kasi nga concern ka sa boyfriend mo
na nilalamig. Lalo na sa katawan nitong si Seiji! Alam kong hindi rin tatalab ang maraming dasal na sana
ay huwag siyang ubuhin, kung pababayaan ko siya.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya at kapwa na kami nakasiksik sa kanang dulo ng tent kahit
dalawang dipa pa ang space sa pinanggalingan ko, hinayaan ko na lang. Ako na mismo ang nagkumot sa
nakatagilid na katawan ni Seiji Matsumoto.

"Samui, bebe..." I whispered. Sinadya kong ilapat ang mukha ko sa spinal cord niya... I mean sa likuran
niya.

Though, I knew that he's still awake, hindi ko na siya pinahirapan pa. Basta yumakap ako sa kanya, with
my arms and legs around him. "Oyasumi, bebe..."

***

Dahil hindi na nga siya sobrang tumatakbo sa akin at medyo komportable na rin siya sa akin, hindi na
siya nagpapakahirap gumising ng umaga para lang iwasan niya ako. Ilang beses na akong nauunang
magising sa kanya.

I was expecting that he'd bring me back to my original position with a huge space between us, ganoon
naman kasi ang ginagawa niya kapag nakakatulog na ako. But something happened that made my grin
wider this morning.
"Oh my gosh... oh my gosh..." pinilit ko ang sarili kong hindi tumili sa kilig.

Yes, our position changed. But! I like this better! Dahil si Seiji na ang nakayakap sa akin!

"Oh my gosh..."

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na mas kabigin siya nang mahigpit at yakapin nang sobra-sobra dahil sa
sobrang pagka-cute niya.

"Oh my gosh..."

Ano ba ang gustong gawin nitong si Seiji sa akin? Papatayin niya ako sa kilig!

Well, in most of the romantic scenes, the female lead will always open her eyes in the morning with
arms wrapped around her protectively, and her face buried on her leading man's firm chest who's
heaving comfortably.

But Seiji Matsumoto's way is different!

Dahil sa halip na ako ang nasa baba at nakakulong sa bisig niya... it was him. I bit my lower lip to
suppress my inner scream, because Seiji Matsumoto looked so innocent and pure while sleeping.

Magaan lang ang pagkakayakap niya sa akin, habang nakayakap din sa ulo niya ang isang braso ko na
ginagawa niyang unan, kaunting kabig na lang dikit na dikit na siya sa akin. Oh my goodness...

At bahagyang nakalapat ang tungki ng ilong niya sa... oh my gosh!


Gusto ko na siyang kabigin at isubsob siya roon. I want him to feel my softness. But well... that's bad.
Baby pa kasi ang bebe ko... at tsaka baka hindi siya makahinga.

Sayang naman.

Nagkunwari na lang akong natutulog ulit habang ramdam ko ang unti-unti kong pagkatunaw. Ipinikit ko
na lang ang mga mata ko habang pilit pinakakalma ang sarili ko.

I'm afraid that my heartbeats might wake him up. Pero hindi ko talaga kinaya, nagmulat na ako ng mga
mata at pinagmasdan ko ang natutulog na si Seiji.

Nakakaramdam din naman pala ng lamig 'tong hapon na 'to! Gusto rin mainitan ng bebe ko.

Kusa nang gumalaw ang ilang daliri ko at marahan kong hinaplos ang buhok niyang parang pugad.
Inasahan ko nang sasabit iyong daliri ko dahil matigas talagang tingnan, but surprisingly, wala namang
sumabit.

"I...bu..."

Tang ina... tang ina... putang ina...

"B-bebe?"

Halos mangisay na ako sa kilig sa isipan ko dahil nananatiling tulog si Seiji! Pinananaginipan niya na
naman ako!

Dahil sa sobrang kilig ko, naubos na ang natitirang pisi ng pagpigil ko sa sarili ko. Mas niyakap ko siya
nang mahigpit at nakabig ko siya papalapit sa akin, dahilan kung bakit napasubsob na nga siya sa akin...
doon... well, para naman talaga iyon sa bebe ko, simula pa ng panahon ng mga hapon.
As expected, nagising siya, kas inga hindi na siya makahinga. At inubo pa ang magaling na hapon ng ilang
beses.

"I...bu! Ibu!" itinulak niya ako.

Dali-dali siyang umupo sa sulok ng tent namin na may namumulang mukha at sobrang sabog na buhok.
Halos masira ang tent sa pag-iwas niya sa akin.

Napangiwi ako sa kanya sa hitsura niya. Para siyang inano ko, ah? Siya kaya itong nakayakap na sa akin.

"Kureiji! Hayai!"

"Ohayo, bebe ko..." ngising sagot ko sa kanya.

He looked at me frustratingly. "Didn't you enjoy, my love? You hugged me first. It's your own will,
instinct..."

"Kureiji! Kureiji!" paulit-ulit niya iyong sinabi sa akin habang lumalabas siya ng tent.

Tawa ako nang tawa sa kanya. Hindi muna ako lumabas ng tent ng mga ilang minuto bago ako masayang
sumalubong sa sinag ng araw.

"Good morning, Isla Japan!"

Nakabuka ang mga braso ko nang lumingon ako kay Seiji na nakaupo na ulit sa buhangin, sabog ang
buhok at mas naniningkit ang mga mata sa akin. It was him who first averted his eyes.
He snorted at me. Wow!

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako nagsimulang lumapit sa aking boyfriend na nilamig kagabi.

"Tabetai, bebe..." I said.

Doon sa may putol na kahoy ay may itinuro na siyang prutas na nakalagay sa dahon.

"Ang sweet naman ng mister ko!"

Kumuha muna ako ng isa bago ako tumabi sa kanya. "Ohayo..." bati ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at tamad ulit tumingin sa dagat. Habang kumakain ako ng prutas nag-iisip na ako
kung paano ko na naman siya lalandiin sa maghapon. Iyon lang naman kasi ang magagawa ko rito sa isla.

Landi sa umaga, tanghali, hapon at gabi.

Nang matapos akong kumain, humilig muna ako sa kanya habang kapwa na kami nakatitig sa dagat.

"What is your plan after they rescue us, bebe?"

"Wakaranai." Mabilis niyang sagot.

"Hmm... ako kasi, pipikutin ka. Sasabihin ko kay Akio na may nangyari sa atin at buntis ako. Wala na
magagawa ang parents mo. What do you think?"
"Wakaranai..." ulit niya.

"But the problem here is... paano sila maniniwala? I am sure that your parents and friends knew you too
well... maybe I'll use my acting skills na lang or dapat talaga may mangyari na sa atin bago tayo ma-
rescue?" bigla akong kinilig at hinampas ko na ang balikat niya.

"Bebe! You're too fast naman! Not that! We value our wedding night, right?!" sinapo ko ang
magkabilang pisngi ko.

"I'm shy na... let's not talk about it muna, Seiji... ikaw kasi, e..."

"Kureiji..." bulong niya na narinig ko naman.

"And kahit naman ganito ako... pipikit talaga ako! Hindi ko talaga titingnan iyong ti..." I bit my lower lip.
Nahampas ko na naman ang braso niya. Ilang beses iyong hinimas ni Seiji habang nakakunot na naman
ang noo sa akin.

"Kureiji... hayai ne..."

"Ano ka ba, Seiji! Tiwala sa sarili! I knew that you'll have that in the future! Malaking tiwala sa sarili!" I
giggled.

I cupped his face, and I sincerely smiled at him.    I suddenly imagined that we're already in front of the
altar and we're confessing our vows in front of the crowd. Iyon nga lang hindi ko maintindihan at ng mga
guests ang sinasabi niya.

Iiyak na lang siguro ako, pinaghalong tears of joy at hindi pagkakaintindi ng mga pangako niya para sa
akin or we might hire a translator na lang kapag ikakasal na kami.
"At tatanggapin ko iyon nang buong-buo, Seiji..." I bit my lower lip to suppress my evil grin. Ang malaki
niyang pag-ibig sa akin ang pinag-uusapan namin dito ni Seiji!

Yes, his big love for me. I love big love...

Bigla kong naalala iyong pesteng kaibigan ni Akio. Well, Akio's mother has a lot of friends, and one of
them was Mrs. Montgomery. She used to visit Akio's mom when we were still kids, and since I was
always in Akio's residence, I did not have a choice but meet those kids. Yes, those kids. Triton is Mrs.
Montgomery's son, and he's always with his best friend, Troy.

Kung anu-ano ang naririnig kong itinuturo nila kay Akio. Sasakit nila sa ulo!

Matagal nang nagpapapansin si Troy sa akin, pero hindi ko talaga siya type. 'Di hamak na mas gwapo
naman sa kanya si Seiji!

And yes, I got some of my words from them. Isang beses ay narinig kong niyayaya niya sa isang grupo si
Akio, hindi talaga ako pumayag dahil baka sobrang mahawa ng pinsan ko.

They're bad influence talaga!

Nang nalaman ko na nag-visit si Akio doon sa balwarte nina Triton at Troy, hindi ko talaga siya pinansin
ng ilang linggo. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag siya sasama sa mga iyon.

"Bebe, promise me that you won't go there, okay? Biglang sumama ang pakiramdam ko. Bakit ko ba
naalala ang mga pesteng iyon?"

"Wakaranai..." umiling siya.


"Basta! You no go to Enamel." He blinked twice.

"Enameru..." ulit niya na parang may naalala siya.

"Enamel." Sabi ko tapos pinagkrus ko ang mga braso ko. "No. Don't go. Your innocence will be at risk."

"Enameru..." pangalawang ulit niya. Tumingin siya sa langit na parang may inaalala siya.

Bigla akong kinabahan. No way. Sa dami ng probinsiya sa Pilipinas, huwag na huwag ang lugar na iyon.

Seiji Matsumoto is currently loading...

Kaya hinintay ko muna siya matapos sa paglo-load. Sa sobrang tagal niya napatingin na rin ako sa langit,
iyong internet connection nitong si Seiji sobrang bagal.

Gusto ko pa naman laging faster...

Nahampas ko na naman siya sa braso niya. "Kureiji!" iritadong sabi niya. Hawak niya na naman ang braso
niya.

"Sorry, bebe..." I giggled.

"Hai, kureiji. Watashi..." itinuro niya ang sarili niya. "Enameru..." I rolled my eyes.

"Enamel... kakagatin ko na talaga dila mo, bebe..."


"Hai... hai Enameru..." bulol talaga siya sa L. Sarap kagatin ang dila niya.

"Wakaru..." napakurap ako sa sinabi niya.

Wakaranai, hindi niya alam, hindi niya maintindihan. But he used wakaru... that means...

"Oh my god..." I cupped my mouth. "Don't tell me, bebe..."

"Tadashi... itoko...Enameru Firipin..."

Chapter 19 - Chapter 17

Dedicated to Aria Francesca

Chapter 17

Rain

If we've been talking about a different topic, I probably might notice how twisted his tongue was. Lalo
na kung paano sumabit ang dila niya sa letter L. Pero dahil tumunog na ang pangalan ng probinsiyang
pilit kong iniiwas kay Akio noon pa man at sa paraan ng reaksyon niya na parang pamilyar siya roon, tila
gumuho ang mundo ko.

Sa Enamel pa talaga, Seiji Matsumoto!


Ilang beses akong umiiling sa harapan niya na parang may nalaman akong kahindik-hindik mula sa
kanya.

Na parang sa halip na sampu iyong magiging babies namin, dalawa na lang.

I cupped his face with my trembling hands. "Bebe... no... you don't know that province... you're
hallucinating... hanggang dalawa lang ang pwedeng baby roon! Two child policy lang doon! Puro intsik sa
Enamel!"

Halos magmakaawa ang mga mata ko sa kanya. But he looked so questioned when he saw my reaction.

"Sinong Tadashi? Hayaan mo na lang siya! He could have his girl there! Bahala siya doon! But I want to
have a lot of babies with you, Seiji! Hanggang two child policy lang sa Enamel!"

I pulled his shirt against me. Dahil malaki ang damit niyang iyon sa akin at masyadong malakas ang
pwersa ko, plus my acting skills, mas nakabig ko si Seiji papalapit sa akin.

I buried my face against his ribcage again. Well, if female leads love to bury their face on their male
leads firm chest, I have my own too! The ribcage is always fine with me.

Pogi naman ang bebe ko...

Pero hindi talaga pwede na alam niya ang Enamel!

"N-Not there, bebe... puro sindikato ang mga tao roon. We can't live there..." pailing-iling ako habang
nakasubsob sa dibdib niya.

"Wakaranai..."
Hayan na naman siya! Gago 'to!

Marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya. Halos maligo na ako sa pawis dahil sa pagsubsob ko sa
kanya. I firmly looked straight into his eyes while my hands were both grasping his loose shirt.

Seiji Matsumoto looked so stressed na naman. Napapakamot na ulit siya roon sa buhok niyang kulang na
lang ay ibon para sabihing pugad.

"K-Kureiji..." bulong niya.

"I am not crazy! Mababa ang sperm count ng mga lalaking naroon sa Enamel! Gagaya ka pa sa kanila?
Gago ka! Two child policy nga roon!"

"Tadashi... itoko.... Onaji Akio..."

Halos sabunutan ko ang sarili ko nang nag-explain sa akin ang hapon. Kahit sobrang pababawin niya ang
paghahapon niya hindi ko pa rin siya maiintindihan!

Sino bang Tadashi iyon?

"Seiji, listen to me..." I said with the most frustrated tone.

Isinandal ko ang noo ko sa ribcage niya at ilang beses kong mahinang sinuntok ang dibdib niya. Para
kaming mag-asawa na hindi na makabayad ng ilaw at tubig.
Sa halip na manatiling nakaupo sa buhangin, I immediately moved and cradled on his lap. I quickly
looped my legs around his waist as he struggled to run away from me. But I already mastered the way of
capturing him, like a vicious anaconda that traps a poor white rabbit.

Gusto ko talagang humalakhak na parang kontrabida o kaya ngumisi at hawiin ang mahaba kong buhok
dahil wala siyang kawala, pero pinigilan ko ang sarili ko. Muntik ko nang makalimutan na mag-asawa nga
pala kami na hindi makabayad ng ilaw at tubig.

Para pigilan ang pagbagsak namin dalawa, walang nagawa si Seiji Matsumoto kundi gawing suporta ang
dalawa niyang kamay at ihawak iyon sa buhangin habang bumubulong na naman siya ng kureiji.

"Tulog na ang mga bata, mahal..."

Hindi na naman siya makatingin sa akin. Kunot na naman ang noo niya at wala na siyang tigil sa kaka-
kureiji!

"Mahal... sabi ko tulog na ang mga bata..." I said with my seductive voice. Kahit tirik na tirik na ang araw
sa isla.

Sa inis ko sa kanya, sinapo ko na ang mukha niya at pwersahan ko na siyang pinaharap sa akin.

"Ano ba Seiji! Sabi nang tulog na ang mga bata!"

"Wakaranai Ibu!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. I looped my arms around
his nape and laughed to my heart extent.
Tawa ako nang tawa habang nanghahaba ang nguso sa inis sa akin. Alam niya na naman kasi na pinagti-
tripan ko na naman siya.

"Seiji, when we survive this island trap, please learn English and Tagalog, okay? Para pwede tayong mag-
role play..." sinubukan kong paglaruan ang dulo ng pugad niyang buhok, pero siya rin ang nagtanggal ng
kamay ko.

"Kureiji..." he said in front of my face.

Improving na ang bebe ko, hindi na natatakot sa akin magsabi ng kureiji. Not that I mind at all, nasanay
na rin naman ako sa kanya.

"But I am serious a while ago, Seiji. I don't want to live in Enamel if you have plans to stay there. Puro
Chinese ang tao roon, and they are implementing two child policy." I carefully cupped his face.

Umiiling ako sa kanya. "I want to have ten babies with you..." I bit my lower lip, lalo na nang mas
mapagmasdan ko ang maliit niyang mata. Those sleepy eyes that made me fall hard.

Imagine to have ten babies with those sleepy eyes... sobrang cute ng family namin ni Seiji.

Nanatiling nakakunot noo niya. I don't have any choice but to make an action for him to understand.

"We..." itinuro ko ang sarili ko at siya. I was a bit hesitant, but yes! Yes! I was grinning, how should I act
this without me getting so embarrassed?

"And we... well... toot... you know that?"

I raised my hands. Nakabilog na ang dalawang daliri ko sa kaliwa at naka- aligned na ang hintuturo ko sa
kanang kamay ko. All I need was to insert it in front of his face, pero natatawa ako.
Gagawin ko na sana pero bago ko ma-shoot, tinabig na niya ang kamay ko. I laughed, lalo na nang
makita ko na nanlalaki na ang maliit niyang mga mata.

"And then, I'll get pregnant..." itinuro ko ang tiyan ko at nag-drawing ako sa hangin ng malaking umbok.
"Ten times..."

Inilahad ko sa kanya ang dalawang palad ko para mabilang niya kung ilan. "Ten babies..." I made an
action na parang may baby ako sa braso ko habang hinehele ko.

"Ten little Eve and Seiji... isn't it beautiful?"

Nakaawang na ang bibig ng kawawang hapon habang nakatulala siya sa akin. He got it at last!

"K-Kureiji!"

"It's okay! Nagmamahalan naman tayo Seiji!" Niyakap ko siyang ulit hanggang sa bumagsak na nga
kaming dalawa sa buhangin.

"I can imagine every time that I'll go home, and you'll greet me welcome home, wife, you wearing an
apron and our little kids clinging unto you."

"Kureiji!"

Dahil pilit niya akong tinatanggal sa ibabaw niya at ayaw ko talaga humiwalay sa kanya, nagpagulung-
gulong na kami sa buhanginan. Itai siya nang itai.
Alam ko naman na hindi talaga ako ginagamitan ni Seiji ng pruwersa. It's either he's concerned about me
or he's just lazy to exert more force.

But I wasn't expecting that he'd dominate me this time! Dahil nagawa niyang pagbaliktarin ang posisyon
namin. Ako na ngayon ang nakahilata sa buhanginan habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa
magkabila ng ulo ko.

"Kureiji... Eve."

I giggled. Instead of feeling intimidated, I snaked my arms around his nape again.

"Kiss me, please..."

In my ideal romantic story, the female lead didn't have to say those words. Dahil kusa nang hahalik iyong
lalaki sa kanya, swerte pa kapag humalik siya hindi lang sa labi kundi pati na rin sa leeg mo.

"Seiji, kiss me..." ulit ko.

Gumalaw ang mata niya sa pinakamabagal na paraan. From my eyes down to my lips. I swear, I called all
the saints I know to grant my wish. Na sana dapuan ng landi ang hapon na nasa harapan ko.

Kung ang ibang babae, tunaw na tunaw na nang sandaling halikan na sila ng lalaking mahal nila, ako
gumagalaw pa lang ang mata ni Seiji, para na akong nauupos na kandila.

How could he look so innocent and kissable at the same time?

Pagkatapos maglakbay ng mata niya sa labi ko, gumalaw iyon patungo sa kanan at kaliwa na parang
naghahanap ng paraan para matanggal siya sa ganoong sitwasyon.
"Seiji..." I whispered.

Tumama muli ang singkit niyang mata sa akin. It was full of hesitation. But he's now steaming red!

"Bebe..." mas malambot na bulong ko sa kanya.

Ramdam kong gumalaw ang isang kamay niya at mas inilapit niya iyon sa akin. Halos mangatal ang
buong pagkatao ko habang unti-unting bumababa ang mukha niya sa akin.

Gosh, this is it...

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang mabagal siyang umiling sa akin. Sobrang bagal pa ng
pagkakailing niya na para siyang isang bata tinanggihan ang inaalok na candy sa kanya.

What the fuck, Seiji Matsumoto?!

Kusang nanlamya ang mga braso kong napulupot sa batok niya. Humiwalay siya agad sa akin at
nagmadali siyang maglakad papalayo.

Iritado akong napabangon sa buhangin. Nasabunutan ko na ang sarili ko habang tanaw ang gagong
hapon na 'yon!

"SEIJI! I HATE YOU!"

Tumayo ako at padabog na pinagpagan ang katawan ko na punung-puno ng buhangin.


"Binabawi ko na! Binabawi ko na! Hindi na ako magpapabuntis sa 'yo! No ten babies! Binabawi ko na!
Nine na lang! Oo! Binabawasan ko na! I hate you!" sigaw ko sa kanya na hindi niya pinapansin. Tinakpan
niya pa nga ang tenga niya.

Nagdiretso na ako sa loob ng tent namin.

I was about to prepare my things. Mag-e-empake na sana ako, pero bigla kong naalala na tapos na pala
kami ni Seiji sa scene na iyon, kaya humiga na lang muna ako at nag-isip ng bagong role namin.

Tutulog na lang sana ulit ako nang maramdaman kong may kakaibang nangyayari sa labas. Lumuhod ako
sa tent at tipid kong isinilip ang sarili ko para makita ang hinala ko.

Napatingin ako sa langit.

"It's raining, bebe!"

Nang lumingon ako kay Seiji, nakaupo lang siya sa buhangin habang nakalahad ang isang palad niya sa
ere na parang masasambot niya ang bawat patak ng ulan.

Ngumuso ako nang hindi niya ako pansinin. Kung maka-react 'tong hapon na 'to siya ba ang
manganganak? Gago siya!

Pero dahil nawala na nang 14 minutes ang tampo ko sa kanya, lumabas na ulit ako ng tent. Nagmadali
akong lumapit sa kanya at inilahad ko ang dalawa kong kamay sa kanya.

"Let's ligo together, bebe..."


Bigla kong naalala ang unang beses na inalok ko siyang maligo kami ng sabay, tinakbuhan niya ako. Pero
ngayon, nagagawa na niyang tumingin sa akin at ngumuso na parang alam niyang wala na rin naman
siyang magagawa sa akin.

Sabay niyang inihawak ang mga kamay niya sa mga palad kong nakalahad sa kanya.

My heart fluttered. Simple lang ang galawan ni Seiji, pero parang laging sasabog ang puso ko sa tuwing
binibigyan niya ako ng tipid at pinong atensyon niya.

Iyong pugad na hair ng bebe ko, kakapit na naman sa mukha niya.

Nang sandaling tumayo siya, agad kong inikot ang sarili ko patungo sa kanya, katulad ng dance move na
na-practice namin nang may nabali yatang buto sa kanya.

But my Seiji knew everything that happened to us for the past few days... dahil nakukuha na niya ang
sunod kong gagawin. When I touched his face and pulled him towards me, and our eyes met, he gave
me his small smiles. Wala na naman siyang mata.

"Perfect, bebe!"

At nang sinadya kong ibagsak ang sarili ko para saluhin niya ang bewang ko, mabilis niya rin iyong
nagawa, dahilan kung bakit kapwa nakayuko ang aming mga katawan.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang malawak sa kanya.

"I love you..." I whispered to him.

Saglit siyang natigilan sa sinabi kong iyon bago kami tumuwid ng pagkakatayo. Kapwa na kami basang-
basa ng ulan.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya, hinila ko na ang isa niyang kamay malapit sa tabing dagat.

My old yet sexy satin dress was dripping wet with my silky hair, our now tanned skin was glistening with
raindrops, but what sparkled the most were eyes staring at each other as we ran our barefoot on the
wet sands.

"Onaji, Eve... onaji..."

My forehead creased when I heard his reply. Nag-hapon na naman siya sa akin! But I brushed it away
and shrugged. All I want is to enjoy this moment with him.

And we happily play with the waves, raindrops, and sands.

Chapter 20 - Chapter 18

Dedicated to Mikaelah Pincaro

Chapter 18

Alone

Seiji Matsumoto didn't have any choice but carry me on his back. May magagawa pa ba siya sa akin
kapag natalon at yakap na ako sa kanya?

"Omotai..." he said as he tried his best to balance my weight on his back.


"Hawak mo akin legs nang maayos, bebe. Sige ka, I might fall and my ovaries might damage. Maybe we'll
have eight babies na lang..." I whispered to him with giggles.

I buried my face on his neck that made him very uncomfortable. Muntik pa nga kaming matumba ng
ilang beses.

"Ibu..."

"Yes, bebe?" I answered him. I playfully peeked on his face like a silly little kid. Ganoon din naman siya sa
akin kapag naasar o naiinis ako sa kanya na may kasamang pag-arte.

Ang hilig sumilip ni Seiji na parang inosenteng bata! So, I tend to copy his cute little gestures. Iyon nga
lang sa halip na maging cute ako, parang lagi akong nang-aakit sa kanya.

He almost choked when I hugged him again. "I-bu..."

"Ops! Sorry, bebe..."

Kapwa na kami basang-basa ng ulan. Dahil nasa legs ko iyong mga kamay niya para alalayan ako sa
likuran niya, hindi na niya nagagawang tabigin ang kamay ko na hinahawakan na ang pugad niyang
buhok na basa na.

"Ang nipis pala ng hair mo, bebe... pero 'di na halata, lagi kasing sabog. Hayan na ang waves, Seiji!"
sigaw ko.

Nagmadali si Seiji lumayo sa dagat para hindi kami maabot pero dahil mabagal nga siya, at dating
malamyang sundalo, naabot pa rin kami kaya nakain kami ng malakas na alon.
Napamura ako sa isipan ko habang nilalamon ako ng hindi kalakihang alon, isama pa na napahiwalay ako
sa katawan ng mister kong hapon.

"Oh, my goodness!" usal ko nang sumungaw ang ulo ko sa tubig.

I noticed that the waves brought me a little bit far. The waves were a bit wilder today, maybe because of
the unexpected rain, but that didn't make me feel nervous or what, since I know how to swim naman.

I looked around to see Seiji, and then I saw him in front of me. Nakatalikod siya sa akin habang walang
tigil sa paglinga-linga ang ulo niya. I was about to call his name when he immediately dived into the
water.

"Seiji!"

Naglangoy na ako papalapit sa posisyon niya kanina. Alam ko naman na hindi niya na maririnig ang boses
ko dahil sa ingay ng ulan at alon pero pinili ko pa rin lumapit sa pinanggalingan niya.

"Sei—"

"Eve."

Tuwid na tawag niya sa pangalan ko. He's already behind me, so I turned around to look back at him
with a smile on my face. But the plastered smile on my face immediately faded when I saw how serious
Seiji's face was.

"Hey, I am fine... I can swim, bebe..."

Mas lumapit ako sa kanya at pumayag siya nang ikawit ko muli ang mga braso ko sa batok niya.
I grinned in front of him. Marupok na talaga ang baby ni Mommy Eve. Konti na lang talaga maka-dede na
sa akin ang baby ko...

I bit my lower lip. Nahampas ko ang balikat ni Seiji. "I am shy na, Seiji..."

Nang muling humampas ang alon, mas dumikit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit na parang
hindi marunong maglangoy.

I forgot to tell him that I had a role before.    I was a beautiful mermaid in one of the famous teleseryes,
kaya professional na talaga ako sa swimming, but now that I am inside his arms, bigla kong nakalimutan
maglangoy.

"Oh my gosh, bebe... I think I am drowning na..."

Naiiling na lang si Seiji habang naglalakad sa dagat. Abot naman kasi ng mga paa namin ang ibaba, pero
dahil mas masaya ang lumandi hindi talaga ako humiwalay sa katawan ni Seiji.

Nakayakap ang mga braso at binti ko kay Seiji habang nagpapakahirap siyang maglakad sa tubig, mas
isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Hindi matanggal iyong ngiti sa mga labi ko.

How could we be so sweet right now? Akala ko hindi na niya talaga ako papansinin sa islang 'to. But I
could feel how he cared for me... kung dati wala talaga siyang pakialam at mukhang walang
nararamdaman sa mga pagpapapansin ko, ngayon ay ramdam na ramdam ko ang lahat.

I want to tell him how I easily fell for him. I want to tell him the endless I love you...
Maybe he knew those words, but it's still foreign for him or unbelievable. There's a possibility that he'd
think that everything for me is still a joke, but I want him to feel that I am now serious for him. Who
wouldn't be?

Saan pa ba ako makakahanap ng lalaking katulad niya?

Pero nag-e-expect lagi ako na bigla siyang sasagot at sasabihin na gano'n din ang nararamdaman niya sa
akin. But he's always no reaction! Yes, maybe I could see a little bit reaction every time I confessed to
him, but I never had a clear answer from him.

Iyong bebe lang...

Hindi naman siguro siya napilitan?

Mas humigpit ang yakap ko sa leeg niya habang papalapit kami sa pangpang. Nagagawa ko ang lahat ng
gusto ko ngayon dahil kami lang dalawa ni Seiji sa isla, wala siyang pagpipilian kundi pakisamahan ako,
pero paano kung magkaroon na kami ng sariling kalayaan sa islang ito?

Will he treat me the same?

Will he forget everything that happened to us?

Did I make him fall for me?

O baka ako lang ang umaasa at masaktan sa huli?

Ngumuso ako at hinayaan kong maramdaman niya ang labi ko sa leeg niya. I could feel the sudden
changes of his breathing.
"Bebe... I love you, I love you... I love you..." paulit-ulit kong sinabi sa kanya.

I said it playfully near his neck. He stiffened for a minute, but I never got a reply from him until we
reached the wet sands.

I felt rejected. Lalo na nang hindi siya tumingin sa mga mata ko nang ibaba niya ako malapit sa tent.

Naiintindihan niya naman iyon, 'di ba?

Kasalanan ko naman siguro. Mukha lang kasi akong naglalaro, how could Seiji take my confession
seriously?

Akala ko okay na kami ni Seiji lalo na nang pumapayag na siyang magpalandi sa akin, pero nang matapos
ang ulan at ilang beses niyang marinig iyong confession ko sa kanya, bigla na naman siyang dumistansya
sa akin. But this one was different, since the distance between us felt so awkward.

Pinauna ako ni Seiji magbihis sa tent bago siya pumasok, eksaktong tapos na ang ulan kaya kusa na
akong lumabas sa tent nang nakatalikod ko at kumukuha ng damit niya sa kanyang bag.

Sanay naman ako na laging nire-reject ni Seiji simula pa lang, but this one didn't hit the same. Because I
could finally feel that he cared for me, he looked at me differently, he adjusted his words for me, and
he's also smiling to me... akala ko ay may ibig sabihin na iyon.

Hindi ko magawang ibalik ang sigla ko katulad ng biglang umulan, hindi ko nga rin magawang tingnan ng
diretso si Seiji.
Nasaktan talaga ako. I confessed to him. Siya lang ang tanging lalaking nagpalabas ng mga salitang iyon
sa labi ko. I never thought that I'd feel that in a very short time. But I am Sidra Everleigh, a
straightforward girl. Hindi ako paligoy-ligoy, lalo na sa mga bagay na alam kong gusto kong angkinin.

I want him. I want to claim Seiji Matsumoto, and I've been trying my best to win him. Akala ko sobrang
lapit na... pero parang ang layo pa rin talaga ni Seiji.

Lumabas na rin siya na may dalang de lata. Sa totoo lang medyo marunong na akong gumamit ng
chopstick, pero dahil gusto kong lagi akong malapit sa kanya, nagpapasubo ako.

But right now, kusa kong kinuha ang isa pang pares ng chopsticks naupo pa rin naman ako sa tabi niya
pero hindi na ako lumingon pabalik sa kanya, kahit ramdam ko ang saglit na paglingon niya sa akin.

We ate our tuna silently.

Naiiyak ako bigla pero pinilit kong hindi maiyak. This is the first time that I felt genuinely embarrassed in
front of him, paano naman kasi ako kikilos ng maayos sa tabi ng lalaking nag-reject sa 'yo?

I told him I love you a lot of times! Wala man lang siyang reaksyon!

Naubos ko ang tuna. Ibinaba ko na ang lata at chopsticks sa tabi niya, uminom na rin ako ng tubig at
nagmadali akong pumasok sa tent para kunin ang mouthwash ko. Hindi talaga ako lumingon kay Seiji!

Gusto ko siyang sigawan na ang sama ng ugali niya!

Nang matapos na ako sa mga dapat kong gawin, bumalik na ulit ako sa tent. I curled myself in the right
side of the tent and covered myself by our not so big blanket.

Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Naiyak na talaga ako. I was rejected!
Sidra Everleigh Rosilla was rejected!

Hindi ako agad nakatulog dahil sa kakaiyak ko at sa reaksyon ni Seiji na parang wala man lang narinig sa
mga sinabi ko. Hindi naman siya tanga o kaya walang alam, he knew those words!

Kahit naman palabiro ako at malandi at kung anu-ano ang pinagsasabi at pinaggagawa sa harapan niya,
naisip niya ba minsan na babae rin ako?

I have a soft heart. Nasasaktan din ako kapag hindi pinapansin, lalo na kung sensitibo na iyong mga
sinasabi ko. It was impossible for him to not understand those words!

Mga kalahating oras pa akong nakasiksik sa sulok ng tent nang maramdaman kong papasok na rin si Seiji.
I tried my best to pretend asleep. I was hoping that he might do something to make me feel better, gaya
ng mga ginagawa ng ibang lalaki kapag nagkakatampuhan sila ng babaeng gusto niya.

Maybe he'll caress my hair or he'll whisper his sorry. Or he could hug me...

But Seiji Matsumoto was so cruel, because that night, he allowed me to sleep with my heavy heart.

***

I could feel the soreness of my eyes when I woke up in the morning. When I looked to the other side,
Seiji wasn't around anymore.

I sighed. Imagination ko lang siguro talaga ang lahat. Maybe all those gestures were just my imagination,
baka hindi pa rin talaga ako pinapansin ni Seiji ngayon, baka hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin siya.
Or maybe everything was just a dream and this is just the second day of us being trapped in this drastic
island.

I buried my face on my palms. "Akio... save me in this island... nasasaktan na talaga ako sa kanya.
Umaasa na yata talaga ako sa wala..."

Gusto ko sanang bumalik sa pagtulog at humiga na lang nang maghapon nang mapansin ko na may
kulang sa loob ng tent. Wala ang bag ni Seiji.

Agad akong naalarma at nagmadali akong lumabas sa tent.

"S-Seiji!"

And when I looked outside, he was nowhere to be found. Where is he?

Bigla akong ginapangan ng kaba. Agad akong bumalik sa sulok ng tent at nagtungo ako sa hinihigaan ni
Seiji, I tried to smell his scent. Wala akong maamoy.

Nangatal ang buo kong katawan.

"No...I am with him..."

Lumabas na ako ng tent at nanginginig ang mga tuhod ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I
looked for his traces.

Ang pinagsigaan ng apoy na lagi niyang ginagawa, ang putol na kahoy na madalas niyang upuan... all
gone.
Bigla na lang nagpatakan ang mga luha ko at tumanaw ako sa dagat.

"I am not alone, right... may kasama ako, hindi ba? I am fine. Okay lang na hindi niya ako mahalin... just
allow me to be trapped here with him..."

Halos walong beses akong nagpabalik-balik sa mga lugar na natatandaan kong naroon siya. Sabunot ko
na ang buhok ko at nahahawakan ko na ang noo ko habang pilit iniisip si Seiji.

He was clear... I am not alone.

I could still remember some of his words, his touch, eyes, smell, and everything about him. Everything
wasn't my imagination!

Para na akong baliw na ilang beses ulit nagpabalik-balik sa tent pero wala na akong makita ni anino ni
Seiji Matsumoto.

Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko at napasalampak ako sa buhangin. Nasapo ko ang aking bibig
habang nag-uumapaw ang luha ko, walang tigil sa pagyugyog ang balikat ko.

"I am alone... he isn't real... I am getting crazy in this island..." umawang ang bibig ko. Hindi lang dibdib
ko ang sumasakit, maging lalamunan ko.

Gusto ko sumigaw, saktan ang sarili ko at tapusin na ang lahat...

"I'll die here... Akio..."

"Ibu..."
When I heard his familiar voice, even with my weak body, I turned to look at him. This time I cried
harder. Halos humagulhol na ako sa harapan niya.

Nawala ang ngiti ni Seiji habang pinapakita ang bag niyang may lamang prutas. I should feel relief and
happiness... dahil hindi nangyari ang kinatatakutan ko.

But I didn't know how my hand automatically flew to his face. I slapped him.

Mas lalong bumuhos ang luha ko habang tulalang nakatitig sa akin si Seiji.

"D-Don't leave me like that, Seiji! I am begging you... I am begging you..."

Saglit lang ako nakatayo dahil muling nabuwal ang tuhod ko, binitawan ni Seiji ang bag niya upang
sambutin ako. "Don't do it again..." usal ko.

At tumilapon sa buhangin ang napakaraming prutas na inuwi niya para sa amin.

Chapter 21 - Chapter 19

Dedicated to Carl Jayvee Rosal

Chapter 19

Superman

I never talked to him right after what happened. I was scared and I felt mad at him, even if it wasn't
really his fault. I knew that he wasn't intended to make me feel that way. Sa katunayan ay gumawa pa
siya ng paraan para patuloy na mabuhay sa islang ito.
But I couldn't help but feel hurt. Hindi ko na itatanggi na kasama pa rin ang ginawa niyang pag-reject sa
akin kagabi na mas lalong nagpalala nang sandaling magmulat ako na wala siya.

For the very first time, I put distance between us. Distansya na walang biro kundi puno ng sama ng loob.

When Seiji Matsumoto tried to come near me, my hand automatically flew on air to stop him from
coming closer. I remained seated on the sand as my left arm hugged my legs, hiding the half of my face. I
didn't even bother glance at him.

"A-Alone... don't come closer, Seiji. Please..." umiling ako sa habang hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

"I...bu... gomen."

"Please, Seiji..."

Nanatili siya roon nakatayo habang nakatitig sa akin. Until I heard him sigh, and his footsteps started to
become muffled to my ears.

Dalawang braso ko na ang iniyakap ko sa aking mga binti. Mas isiniksik ko ang mukha ko sa tuhod ko
habang nakasilip ako sa ngayon ay kalmadong dagat.

I thought everything would be okay, kasi naroon na kami... masaya na kami ni Seiji. Akala ko
napapalambot ko na siya. Umaasa lang pala talaga ako.

Biglang bumalik sa alaala ko ang pagsampal ko sa kanya. I suddenly felt guilty. Kumuha lang naman siya
ng prutas, siya pa iyong nasampal.
But he scared me!

He's the only thing that can make me alive in this blasted island! At iyong pinaranas niya sa akin ang
siyang kinatatakutan ko.

It's fine if he'll continue to reject me, pero huwag naman ganoon. Natakot ako... takot na takot pa rin
ako sa mga oras na ito. Mas humigpit ang yakap ko sa aking sarili at tuluyan na akong sumubsob sa
tuhod ko.

Hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak ko.

Naghahalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Sakit, takot at galit...

Pain, because for the very first time, someone made me feel so rejected. Iyong tao na akala ko ay iba
ang tingin sa akin at naiintindihan ako sa kabila ng pader na nakapagitan sa amin, ay hindi kayang
suklian...

I bit my lower lip. I should accept the reality of life. Hindi lahat ng gugustuhin mo, makukuha mo. And in
my case, it was my Seiji... Seiji Matsumoto. Baka nga napipilitan nga lang siya na pakisamahan ako dahil
ako lang ang nakikita niyang tao rito.

Fear. Seiji Matsumoto made me feel so different among the guys I've met. At nang sandaling saglit lang
siyang nawala sa mga mata ko, halos lamunin na ako ng matinding takot... na baka wala naman talagang
katulad niya, umaasa lang ako at nangangarap na mayroon.

Of course, hatred! Mas yumugyog ang mga balikat ko. Gusto kong saglit na lumayo kay Seiji dahil baka
masampal ko siya ng paulit-ulit, bakit? Ano ba ang kulang sa akin? Gago siyang hayop na hapon! Ang
gandang babae ko naman, ano ba ang ayaw niya sa akin tang inang hayop na gagong hapon iyon?!
Kung dati ay ilang minuto akong naiinis o kaya ay nagtatampo sa kanya, pero sa pagkakataong iyon,
umabot ng gabi ang galit ko sa kanya. Pansin ko rin ang pagkagulat ni Seiji, dahil kahit sulyap ay hindi ko
ginawa sa kanya.

Kumakain na ako mag-isa at hindi man lang ako nagpaalam sa kanya na maliligo ako. Hindi rin ako
ngumiti o kaya'y nagsalita sa kanya. But I heard him say my name in whisper multiple times.

Sa halip na suyuin ako, pinili na rin ni Seiji na manatiling tahimik. Ganoon naman kasi talaga siya, kahit
ramdam ko na ilang beses na siyang nagtangkang lumapit sa akin at kausapin ako, bigla lang siyang
magkakamot sa pugad niyang buhok, yuyuko at bubulong ng pangalan ko.

Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko para sigawan si Seiji Matsumoto at sabihing suyuin niya na ako at
huwag nang mahiya! Gagong hapon talaga!

I want to choke him literally because of my frustration.

Nauna na ulit akong pumasok sa tent. Ilang oras akong nanatiling gising hanggang sa maramdaman ko
pumasok na rin si Seiji, inasahan ko na ang pagsusumiksik niya sa dulo tulad ng lagi niyang ginagawa.

I didn't expect any movement from him, dahil alam kong ako naman lagi ang nagawa ng first move sa
amin, but this time... maybe napasukan ng hangin ang pugad niyang buhok at nanuot sa ulo niya.

He gently pulled the blanket towards him. "I...bu..."

Umirap ako at hindi ko siya pinansin. "Ibu..." ulit niya.

Hindi pa rin ako gumagalaw, paano kung hindi naman talaga niya balak magpapansin sa akin at nilalamig
lang siya kaya niya hinihila ang kumot? Though, he's just gently tugging it to get my attention.
"Ibu..."

Nang gabing iyon, nagbunyi ang diyosa ng hindi pagiging marupok dahil hindi ko nagawang pansinin si
Seiji hanggang sa makatulog ako.

***

Nang sumunod na araw, pinagpatuloy ko ang hindi pagpansin kay Seiji at sa tuwing nagtatama ang
aming mga mata, umiirap ako sa kanya, napapakamot siya sa pugad niyang buhok, napapanguso habang
binubulong ang pangalan ko.

Yes, lover's quarrel kami.

I mean... divorce na kami ni Seiji.

I should move on na! Pagkalabas ko rito sa isla, maghahanap ako ng lalaking may abs, firm chest, clean
hair-cut, manly scent with stubbles at hindi unang himas rib cage at spinal cord!

Hahanap ako ng lalaking faster at hindi laging slow motion! Yes. Mas bagay ang katulad kong maganda
at sexy sa mga ganoon!

Sa dalawang araw kong pagiging malungkot, ngayong umaga lang ulit gumaan ang pakiramdam ko.

I ran towards the sea with my open arms. I greeted the wind as I closed my eyes, my hair dancing, and a
smile forming on my lips.

"Hello, Isla Japan! I am single and ready to mingle again!" itinaas ko ang kamay ko sa kalangitan na
parang nasa isang scene na naman ako ng movie.
A beautiful enchantress trapped inside a mysterious island.

"Sa lahat ng mga diyosa sa islang ito! Please hear me out! Hindi na ako humihiling na lalaking makikinig
sa akin kahit hindi niya ako maiintindihan! Please give me someone that is not isang ubo lang... gusto ko
para siyang si Superman or The Flash! He will save me in this island... and we will fall in love with each
other! He will save me, and will make me forget..." sumulyap ako kay Seiji na nanunuod na naman sa
akin.

When our eyes locked, he slowly averted his gaze and his head. Sobrang bagal niya talaga. "And make
me forget... hindi ko sinasabing medyo sabog ang buhok niya at puro rib cage at spinal cord ang katawan
niya! Yes! My Superman or The Flash will make me forget him..." itinuro ko si Seiji na nakaupo sa
buhangin.

Nang sandaling sumulyap ulit siya sa akin, agad kong tinanggal ang pagkakaturo sa kanya. I heard him
say kureiji.

Sa huli nakita ko siyang tumayo ng mabagal, pinagpagan ang katawan niya at naglakad na pabalik sa tent
namin.

I continued my prayer.

"I want a faster man! Hindi kasing bagal niya! Yes! Yes!"

Nang mas lumakas ang hangin na parang narinig ng buong isla ang sinabi ko, muntik pa akong mabuwal
sa pagkakatayo ko. Sa halip na mapahiya, namaywang ako at tumawa ako ng malakas na parang isa na
namang kontrabida.

It was our lunch time when I came back in our camp site. Patalon-talon at pasipol-sipol pa nga ako,
habang nakakunot ang noo sa akin ni Seiji Matsumoto.
Hindi ko talaga siya pinapansin kasi move on na ako. I knew that my Superman or The Flash will save me
in this island soon.

Ililigtas nila ako sa abusadong hapon na kasama ko. Evil Seiji Matsumoto will be slayed by my prince.

I giggled while eating. Nang lumingon sa akin si Seiji, naiiling na lang siya sa akin. Sumulyap din ako sa
kanya at umirap.

Hindi niya lang kasi matanggap na mabilis na akong naka-move on sa kanya. Sino naman kasi ang
sobrang mai-inlove sa katulad niyang hindi nagsa-shampoo at isang ubo lang?

Nang matapos akong kumain, nagmadali na akong bumalik sa tent at kinuha ko ang silk dress ko. I could
feel that Superman will claim me today, iiwan na namin dito si Seiji Matsumoto, bahala siya sa buhay
niya.

Gwapo siya? Gwapo? Sidra Everleigh Rosilla ni-reject niya? Hindi niya ba alam ang bilang ng
napakaraming Everleinatics sa Pilipinas?

Iyong pinagmamalaki niyang Enameru, ang lahat ng mga lalaki roon ay Everleinatics! May lightstick pa sa
sina Troy at Triton nang minsan silang sumama kay Akio para makita ako ng personal.

I know all them. I rejected Langston Samonte, Leiden and Gilbert Arellano, Troy, Aldus and Sean Ferell!
Even Lonzo and Kaden! I rejected all of them when they tried to get my attention, tapos itong si Seiji
Matsumuto, isang ubo lang? Puro rib cage at spinal cord, ni-reject ako?

Ha!
Buti na lang, mabilis akong mag-move on at hindi ako bitter! Akala niya gwapo talaga siya. Gwapo ka?
Gwapo?

"You are not handsome!" sigaw ko nang makalabas ako sa tent habang suot na ulit ang silk dress ko.

Nabitin sa ere ang pag-inom ni Seiji ng tubig at napatingin na naman siya sa akin.

"Move on na ako sa 'yo! You see me? I am all dressed! May susundo na sa akin ngayon. Good bye, Isla
Japan! Good bye, Seiji Matsumoto!"

Tawa ako nang tawa habang papalayo sa camp site namin ni Seiji, pero hindi ko talaga mapigilan ang
biglang pagpatak ng luha ko.

Shit!

I am trying my best to forget the pain, to bring back my old craziness, pero sa tuwing napapasulyap ako
kay Seiji at naalala ang rejection niya sa akin, nasasaktan pa rin ako.

Because I want him... I want him so bad. Gustung-gusto ko siya at sobrang sakit na hindi niya ako gusto
at parang wala lang sa kanya ang nararamdaman ko. He can't look at me seriously, not that I blame him
about it, dahil ako rin naman kasi ang dahilan kung bakit hindi niya ako magawang seryosohin.

Nagpunas na ako ng luha at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pansin ko na mas lalong lumakas ang ihip
ng hangin, halos hindi ko na nga rin magawang pagsalikupin ang nililipad kong buhok.

Nayakap ko na ang sarili ko habang naglalakad.

"It's cold now, Akio... kasing lamig ng feelings ng hapon na 'yon. Gago talaga siya! Sa sandaling
makalabas ako rito sa Isla, papatulan ko na ang isa sa mga letche mong kaibigan, Akio! Sasagutin ko na si
Langston o kaya si Gilbert Arellano! O kaya pagsasabay-sabayin ko na sila, iba't ibang boyfriend araw-
araw!"

Patuloy ako sa paglalakad habang naiiyak.

Akala ko ay mananatiling ganoon ang ginagawa ko nang biglang mas lumakas ang ihip ng hangin. Halos
mabuwal ako sa kinatatayuan ko.

But what made me so surprised was his unexpected voice behind me...

Mabagal akong napalingon sa kanya.

"EVERLEIGH!" he said in a straight tone with his eyes widening.

Wala sa sarili akong napatingin sa taas. Umawang ang bibig ko. A tree...

Mababagsakan ako.

Dapat tumakbo ako, dapat iligtas ko ang sarili ko dahil maaari akong masaktan o worst... pero nanigas
ang katawan ko at napatulala ako kay Seiji.

But for the very first time, I saw Seiji Matsumoto ran desperately... not because there were snakes
around us, but a big tree that was about to kill me.

I suddenly pictured someone else... no, another version of Seiji Matsumoto, not a soft boy but a
desperate hero who's willing to do everything for his woman.
He's now a man... for his woman... for me.

He pushed me, hugged me tightly, and our bodies fell down on the white sands. Nagpagulung-gulong
kami ng ilang beses hanggang sa matagpuan ko siyang nasa ibabaw ko.

He glanced at me quickly, but he suddenly dropped himself on top of me, he was shaking.

"Kowai..." he whispered.

Napatulala ako sa langit dahil sa bigla niyang reaksyon. "S-Seiji..."

Nanatili siyang nakasiksik sa leeg ko ng ilang minuto at nang sandaling mag-angat siya at muling tumitig
sa mga mata ko, hiniling ko na sana ay habangbuhay nang tumigil ang oras.

Because Seiji Matsumoto slowly closed his eyes and softly kissed me on my lips... "Ai Shiteru...Eve..."

Chapter 22 - Chapter 20

Dedicated to Jodi Marueña

Chapter 20

Ten

I grew up exposed to his language, but I never took an interest in it. My cousin, Akio, is a half-Japanese,
but that didn't motivate me to know more about Nihonggo. Dahil ang katwiran ko, bakit ko naman
kailangang pag-aralan kung hindi ko naman gagamitin?
Hindi ko akalain na darating ang araw na pagsisisihan ko ang katwiran kong iyon. Ngayon na gustung-
gusto kong magsalita ng kakaibang lengguwahe at kausapin ang lalaking nasa harapan ko.

"Ai Shiteru... Eve..." his voice in my head continued to ring endlessly.

I wasn't sure about his words, but I am hoping...

Tulalang-tulala ako sa kanya. I couldn't believe what just happened, and I am silently praying that
everything wasn't just my wild imagination.

Seiji Matsumoto kissed me! Not on my forehead, but my lips. It was him who made the first move.
Ginusto niya akong halikan! I didn't force him or asked him! Nagkusa siya... nagkusa ang bebe ko...

Halos hindi magproseso nang maayos ang utak ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. From his
straight pronunciation of my name, his quick movement, the fear in his eyes when he saw me on my
verge of death, when he pushed himself on my neck with his shaking body, and when he kissed me
without hesitation.

And those words...

Hindi ako makapaniwala. Gusto kong sampalin ang sarili ko at gisingin na sa panibagong panaginip,
natatakot ako na baka umaasa na naman ako at isa na naman ito sa eksenang magpapasakit sa akin.

There is no way that Seiji Matsumoto will initiate a kiss...

I was about to open my mouth to utter another word when Seiji Matsumoto lowered his head again.

I suddenly forgot to breathe, my hearing stopped, and the morning sunlight didn't even bother me.
Seiji Matsumoto gave me another kiss, soft, sweet, long, pure, innocent, and very genuine.

I never knew that there's an innocent kind of kiss. I thought every kiss was the same. Passionate, lust,
fire... but Seiji Matsumoto gave me another version of kiss. Para akong lumulutang sa alapaap.

His lips touched mine like I was a small white cotton candy that he's afraid to finish at all. He wants to
savor me slowly, like an innocent baby that received his first sweet candy.

But what's the most heart melting? Habang nanatiling mulat na mulat ang mga mata ko, nakapikit si
Seiji. Pinilit kong pigilan ang mga braso kong yumakap sa kanya at mas kabigin siya sa akin.

I could easily notice his inexperience in kissing. At first, he just touched his lips with mine with no
movement, but when he tried to make it deeper and moved his lips, he immediately stopped and looked
into my eyes again. I knew right at that moment, Seiji did all his best to convey his feelings even beyond
his limitation.

Sa halip na makulangan ako... halos maramdaman ko ang pagsabog sa dibdib ko.

He gave me too much today. My full name, the fear in his eyes when I was about to get hurt, and the
way he pushed himself on my neck. When his body trembled with fear as he hugged me tightly, when he
kissed me twice, and his last words.

When our eyes locked again, I knew right at that moment that he's mine. Akin na talaga siya. He's
Everleigh's... at hinding-hindi ko na siya pakakawalan.   

I want him, and he wants me.


But that realization didn't wipe away my widened eyes. Oh, my goodness! We really kissed! He kissed
me twice.

When he saw my reaction, his brows creased. Maybe because he noticed my puzzled expression. Who
wouldn't be? Seiji Matsumoto just fucking kissed me twice! Even if he's still a baby in kissing,
pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako.

"Wakaranai?" he asked frustratingly.

Ako naman ang kumunot ang noo sa kanya. Anong sinasabi ng hapon na 'to? Pinilit kong alalahanin ang
ibig sabihin ng salitang iyon, pamilyar na sa akin iyon dahil madalas niyang gamitin.

Wakaranai...

Oh gosh, tinatanong niya ba sa akin kung naintindihan ko ang sinabi niya sa akin kanina?

I wasn't sure about the meaning, but based from his actions...

Umiling ako sa kanya kahit may ideya na ako sa ibig sabihin ng salitang iyon.

"Daisuki, Eve..."

Ramdam ko ang mas nag-iinit kong pisngi. I knew that!

Umiling ulit ako. Mariin napapikit si Seiji Matsumoto habang nag-iisip ng salita para mas maintindihan ko
ang gusto niyang iparating sa akin.   
"Ai Shiteru..." ulit niya sa mas mahinang boses. Pansin ko ang mas pamumula ng pisngi mukha niya.

"Wakaranai..." I said.

I tried my best to suppress my grin while watching him struggling for his words to explain. Nag-iwas siya
ng tingin sa akin at tinakpan ng braso niya ang bibig niya.

"Ai rabu yu, b-be...be..."

I blinked twice. I waited for my brain to process his words. Pilipit ang dila ni Seiji pero...

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at inangat ko na ang katawan ko sa buhangin, I immediately hugged his
nape and pulled him closer to me.

"Yes! Sinasagot na kita, Seiji! You're forgiven! Ten na ulit ang babies natin!"

Hindi ko na hinayaan na siya ang nasa ibabaw ko. Mas gusto ko lagi ako ang nasa ibabaw ni Seiji, so I
tackled him and made myself on top of him.

"Itai..." reklamo niya.

Pinagsalikop ko ulit ang mga braso ko sa mangangalas niyang dibdib, habang masayang nagsasayaw sa
ere ang mga binti ko.

I placed my chin on my arms as I stared at him. "I love you too, Seiji..." hindi ko mapigilan na tumawa at
kiligin. Siya talaga ang unang humalik!
"Let's kiss again, I'll teach you with tongue, bebe..."

Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya. I saw panicked in his eyes, but that made me so turned on. Pero
hindi na niya ako tinutulak katulad ng dati, sa katunayan nakahilata na naman iyong mga braso niya sa
buhangin na parang nabaril na naman siya.

I let my beautiful hair slowly dripped down, hiding our faces, like a waterfall in the morning, with rays of
silly sunlight peeking with our little romance.

For our third kiss, our eyes closed together. I thought Seiji's hands would remain flopped on the sands,
but I felt him slowly touched the back of my head, and another wrapped on my waist.

My brows arched as I parted his lips and started to conquer him with a teasing movement of my tongue,
but I immediately stopped myself in mid-way. Baka bigla na nga niya akong itulak.

I was about to give him a feathery kiss on his neck when I saw him-- streaming red. Sobrang pula na niya
talaga.

At nang sandaling nagtama ulit ang mga mata namin, hindi na yata kinaya ni Seiji, itinulak na nga niya
ako. Nakaupo siyang umaatras papalayo sa akin habang sobrang nakatagilid ang mukha niya na parang
hindi makatingin sa akin.

"Seiji, it's okay. We're lovers... nagmamahalan tayo..." natatawang sabi ko.

"Seiji..."

Para siyang nanigas sa kinauupuan niya nang tawagin ko siya, he was hesitant to look back at me, but
when he did, his red face intensified. Bigla na niyang sinapo ng mga palad niya ang mukha niya at
napayuko.
Hiyang-hiya ang hapon sa ginawa niya.

Hindi na siya makatingin sa akin, isinubsob na niya ang sarili niya sa mga braso niyang nakapatong sa
dalawa niyang tuhod. Pulang-pula na iyong dalawa niyang tenga.

So, I crawled towards him with my mischievous grin.

"Seiji, I am honorable woman. Paninindigan kita..." I whispered to him. Nanatili pa rin siyang nakayuko at
hiyang-hiya.

I shrugged my shoulders. Naupo na lang din ako sa tabi niya at inihilig ko ang sarili ko habang hinihintay
kong humupaw ang hiya niya.

Minsan sinisilip ko siya gaya ng kung paano niya ako silipin kapag nagtatampo ako sa kanya, pero
pinanindigan niya ang pagsubsob doon sa braso niya kahit pawis na pawis siya.

Nang mapagod na ako sa paghihintay sa kanya, sinimulan ko na ulit siyang landiin. Hinihipan ko na ang
tenga niya.

"Bebe kong amoy virgin coconut oil..."

Syempre, hinawi na naman niya ako na parang nagbubugaw siya ng langaw sa tenga niya.

"Bebe..." bulong ko sa kabilang tenga niya.

"Seiji Matsumoto!"
Iniyakap ko na ang sarili ko mula sa likuran niya, halos matumba pa nga kami habang nakasubsob pa rin
siya. Pero hindi pa rin umaalis ang mga braso ko sa kanya.

Pabalik-balik ang ulo ko sa kanan at kaliwa niya habang paulit-ulit akong bumubulong sa kanya. "Should
we start the ten babies, Seiji?

Biglang bumalik sa alaala ko iyong hiniling ko kanina. I asked for The Flash or Superman, someone that
would save my life, tuwid ang dila at mamahalin ako...

"I knew it was you, Seiji! Hindi talaga kita ni-trash talk kanina! Alam ko talagang ikaw iyong magliligtas sa
buhay ko! Kaya stop being shy na mahal ko... dapat masanay ka na... kasi..." I played with his hair.

Iyon yata ang pinaka-ayaw ni Seiji dahil bigla na siyang umalis sa pagkakasubsob sa braso niya. Ganda
hair mo, bebe? Ganda hairstyle?

"Ibu..."

Sa halip na maasar ako dahil sa kunot niyang noo, mas kinilig ako at niyakap ulit siya. If we're in anime,
maybe the island is already full of hearts.

Sa sobrang gigil ko kay Seiji, pinaulanan ko siya ng halik sa pisngi niya at sa iba't ibang parte ng mukha
niya. At wala siyang nagawa sa akin kundi mamula na parang kamatis.

"Do you love me, Seiji?" I asked him with a grin.

Nakayakap ang dalawa kong braso sa kanya habang walang tigil sa pagtulak ang katawan ko sa likuran
niya. Pauga-uga kaming dalawa, napapaisip nga ako, parang nabubugbog ko na si Seiji sa pinaggagawa
ko sa kanya.
"Seiji!"

Yumuko siya, tapos sumulyap saglit sa akin na mata lang talaga ang gumagalaw, ngumuso at tumango.

"I love you too, kahit pilipit ang dila mo!" I gave him a smack on the side of his lips.

"Do you love me, Seiji?" I asked him again.

Tumango ulit siya.

"Am I beautiful?" itinuro ko ang sarili ko. "Kirei?"

Muli siyang sumulyap sa akin at mas may ipupula pa pala ang mukha niya. He hid his face with his palms
again. "H-Hai... Ibu, kirei..."

I giggled.

"You too, Seiji. You're handsome..."

Umiling siya. Nanlaki ang mga mata ko. "Who told you? You're super handsome, Seiji! Buhok mo palang,
pamatay na!"

"Hansamu..." tapos umiling siya.

Kumunot ang noo ko. Sinong nagsabi sa bebe ko na hindi siya gwapo?!
"You are handsome, Seiji! We have good genes, we will make a lot of babies! Don't believe them! You're
the handsomest Japanese I've evet met!"

"Wakaranai, Ibu..."

Sa halip na mainis dahil wala na naman siyang maintindihan, I continued to rock my body against my
back. So, pauga-uga kaming dalawa kahit alam kong naasar na rin siya sa posisyon namin, baka nga
masakit na naman ang likod ni Seiji.

"So, we will have ten babies?" inilahad ko sa kanya ang dalawa kong kamay.

"We will have ten. Okay?"

Umiling siya. "T-Takusan, Ibu..."

"Ano na naman ang takusan? Higher? Oh, my goodness, bebe!" bigla kong hinampas ang balikat niya.

"Alright! Let's make it twelve..."

Nanlaki ang mga mata niya at inangat niya ang hintuturo niya. "One..."

"Oh, my goodness, Seiji Matsumoto! Ikaw manganganak? Wala pera? I thought you're rich? It's okay, I'll
be the bread winner, bebe... after ko manganak, I'll work again. Ikaw na bahala mag-alaga sa mga bata."
Besides, I don't like to be a house wife talaga.

Seiji will make me pregnant, manganganak ako, tapos magtatrabaho na lang ulit, then pregnant again.
Pwede naman yearly or every other year? May lahi kayang kambal ang hapon na 'to? Or triplets?
Pero mas kinikilig ako kasi sumasakay na siya sa usapan namin na katulad nito.

"Nine." I said.

Umiling siya. "Two..."

"Eight?" sabi ko.

Umiling na naman siya. "Two, Eve..."

Nahampas ko ang isa pa niyang balikat. "Seiji! It's better to have lots of babies! Look at us, we're pretty
and handsome! Kailangan natin magpalaganap ng magagandang bata sa mundo."

Iling siya nang iling. "T-Takusan..." sabi niya na parang takot na takot.

Umalis na ako sa likuran niya at hinarap ko siya.

"I thought you love me? You should give me ten babies, Seiji..." I said frustratingly. Iniyakap ko na ang
sarili ko sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Para na naman kaming mag-asawang hindi makabayad ng ilaw at tubig.

"Sige na, Seiji... do you love me?" I asked him again.

Tumango siya.
"Then you should give me ten!" naiiyak na sabi ko habang nakaangat ang dalawa kong kamay.

He sighed in defeat. "H-Hai... wakatta..."

Ngumisi ako sa kanya. "I love you, Seiji Matsumoto!"

And for the very first time, I already understood that familiar word. "Onaji, Eve..."

Chapter 23 - Chapter 21

Dedicated to Eizel Ann

Chapter 21

Preparation

Hindi na ulit kami divorce ni Seiji.

Nakangiti akong ngumunguya ng tuna na katatapos niya lang sa aking isubo. Bakit ba? Bigla ko na
namang nakalimutang gumamit ng chopsticks. Habang si Seiji sa tuwing matatapos akong subuan, mag-
iiwas ng tingin sa akin na parang nahihiya na naman.

Doon ako mismo kinilig sa kanya! Iyong pag-iwas at mabagal na pagkilos ng mata niya!

If we're in animated version, there were lots of hearts everywhere, like a smoke emitting from a
chimney.
Para na kaming mag-asawang nakabayad na ng ilaw at tubig.

"Seiji, me too! Gusto rin kitang subuan!"

Of course, he didn't understand me. Pero hindi na ako nag-explain sa kanya, inagaw ko na sa kanya ang
chopsticks at ako na mismo ang kumuha ng tuna.

"Bebe! Say ah!"

Nasapo ng isa kong palad ang pisngi ko. Kinilig talaga ako! Para kaming nagsusubuan sa wedding
reception namin. Sumulyap ako sa likuran ni Seiji, I immediately saw our tent.

Oh, my goodness! Tapos honeymoon na mamaya...

"Say ah..." ulit ko.

Umiling si Seiji Matsumoto, kaya pinanlakihan ko siya ng mata bago ako matamis na ngumiti ulit sa
kanya. Wala siyang pinagpilian kundi isubo nga iyong tuna.

Saglit lang siyang ngumuya na nakatingin sa akin bago siya naglihis ng mata at tumingin na lang sa dagat.
Narinig ko pa siyang bumulong ng salitang kureiji.

Natagalan kami bago maubos iyong tuna. Ito kasing si Seiji, sinamahan ng landi...

"I'll ready first, Seiji!" agad kong sabi sa kanya.


I gave him a swift kiss on his lips. Mabilis akong tumayo at halos tumakbo na ako papunta sa tent para
ayusin ang sarili ko.

Para akong nasa isang sikat na survival reality show sa bilis ko sa paghalwat ng loob ng bag ko. I need to
change my panty!

I need to brush my teeth, mouth wash, lotion, oh my gosh! Naiiyak ako. I should have soaked my whole
body in a milk bath before this...

Napahawak ako sa buhok ko na dry na rin. Halos gumulong ako sa loob ng tent, nakagat ko ang pang-
ibabang labi ko. Paano kung paglandasin ni Seiji ang mga daliri niya sa buhok ko? May sabit!

My dream steamy scenes with him is...

Napamasahe ako sa aking noo at halos hindi na ako makahinga nang maayos sa reyalisasyon.

Lumabas ako sa tent na yakap iyong pinakamanipis na oversize shirt sa bag at ilang mga toiletries na
pinakatatago ko. Sumulyap ako kay Seiji na hindi pa rin umaalis doon sa pwesto niya, nakatingin din siya
sa akin.

Sobrang considerate talaga ng mister ko! Hinahayaan niya muna akong mag-prepare.

Lakad takbo ako papalayo sa tent para maglinis ng katawan sa dagat. I raised my arm to see my armpit,
napadasal ako sa lahat ng diyosa ng kagandahan.

I'd like to thank Dr. Mirano, one of the best dermatologists in the Philippines! Well, it's just the lacer.

Habang tumatakbo ako, unti-unting ako bumagal hanggang sa natigil na nga ako sa paglalakad. Wala sa
sarili akong napatingin sa ibaba ko.
H-How about my...

I had my Brazilian wax before I attended the party, and I am not a hairy type of a woman. Wala pa
naman siguro...

Of course, wala pa!

I went back on my pace. Habang hindi pa ako nakakarating sa medyo malayong lugar para hindi makita
ni Seiji ang pag-aayos ko, may bigla na namang pumasok sa isip ko.

Muling natigil ang mga paa ko at wala sa sarili kong hinila iyong satin dress ko to see my body. Nanlaki
ang mga mata ko nang may makita akong mapula.

A small pimple on my upper left breast.

Parang gumuho ang mundo ko, nanlambot ang mga tuhod ko, nabitawan ko lahat ng dala ko at
inalalayan ko na lang ang sarili ko para hindi ako sobrang masaktan sa pagbagsak ko sa buhangin.

"No way..."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. "This is the end of me... why? Why now?"

Baka hindi ako mabuntis. Kapag nakita ni Seiji na may pimple ako sa upper left breast ko, baka hindi na
siya ma-motivate sa akin.

My flawless skin is not perfect anymore!


"Pesteng isla na 'to!"

Sigurado akong malaki na rin ang initim ng balat ko. Nasapo ko na ng mga palad ko ang mukha ko. Baka
hindi na ako matanggap ni Seiji, baka lumiit na iyong bilang ng Everleinatics kapag nalaman nilang may
small pimple ako sa upper left breast ko.

Seiji will not dede me anymore...

Para na akong misis na naubusan ng mantika sa bahay habang naiiyak na nakahilata sa buhangin. Bigla
akong nanlamyang mag-ayos sa sarili dahil sa small pimple on my upper left breast.

"Kureiji, daijoubo?"

Tinanggal ko ang mga palad ko sa mukha ko. I saw Seiji Matsumoto standing near my head.
Magkabaliktad ang tingin namin sa isa't isa.

Agad akong napabangon at sinalubong siya ng yakap. I faked my tears and my shaking shoulders when I
buried my face on his rib cage.

"H-huwag mo 'kong iwan, Seiji... I promise, it will heal. Huwag kang maghanap ng iba... mawawala rin
ang small pimple ko on my upper left breast... huwag mo akong iwan, Seiji... it will not affect my fertility.
I can still bear ten babies..."

"Wakaranai, Ibu..."

Umiling ako sa kanya. Kumuyom ang mga kamay ko sa malaki niyang damit at sinalubong ko ang mga
mata niya na punung-puno ng luha.
"Huwag kang manlamig sa akin, Seiji... paiinitin ko, bebe... papainitin ko..." I said with my most
frustrated way.

Para na kaming mag-asawang naubusan na ng bigas.

Napapakamot na siya sa pugad niyang buhok. "Ibu... wakaranai...." Umiiling na rin siya sa akin.

"Hihimasin ko para mag-init, bebe..." I bit my lower lip to suppress my grin.

Kunot na naman ang noo niya. "Ibu..."

Naningkit na ang mga mata ko at nahampas ko ang dibdib niya. Inubo siya, syempre. "Ikaw, ha!
Hihimasin ko... iyong rib cage at spinal cord... bebe! Kung anu-ano iniisip!"

Ngumuso siya. "Kureiji..."

I giggled. "Sige na! Bumalik ka na roon! I'll still prepare myself! Super excited mo naman, bebe!"

Dahil hindi niya pa rin ako maintindihan, ako na mismo ang nagtulak sa kanya paharap sa tent namin.
"Go back, bebe... I'll just take a shower."

Bumalik na ulit ang sigla ko at naglakad na ulit ako papalayo kay Seiji, nang makakita na ako ng
magandang pwesto. Sobra ko talagang nilinis ang buong katawan ko.

Nang masiguro ko na sobrang linis ko na, nagsimula na akong umahon sa dagat.


I imagined myself as a beautiful water goddess, na mabagal na naglalakad mula sa dagat sa kanyang
pinakamagandang katawan. I immediately brushed the thought that I still have that small pimple on the
upper part of my left breast.

I was fully naked when I left the seawater. I dramatically positioned myself in a model way as I raked my
hands on my hair to emphasize the beauty of my face.

Gusto ko sana ay sasalubungin ako ni Seiji habang may hawak siyang malaking bath towel, he will wrap it
around my whole body as he tried to give me kisses on my shoulders. But of course, it was just my
imagination.

Para namang may alam na ganoon si Seiji Matsumoto. He' not even aware of tongue kissing, but I liked
the way he kissed me. Halos mapatalon ako sa kilig nang maalala ko na naman kung paano niya ako
hinalikan kanina.

I was about to bend my body to get my towel and things when I heard a sudden thud nearby. And there,
my bebe in flesh, looking so stricken. Nabitawan niya iyong hawak niyang towel at tulalang-tulala siya sa
akin.

Even in the moonlight, I could see his ashened face.   

Wala sa sarili akong napatingin sa dapat hahawakan ko. It wasn't a towel, but another shirt—his shirt.

Opsy! Nagkamali ako ng kuha.

"Thanks, bebe—"

Napaatras siya nang sandaling humakbang ako papalapit sa kanya, and the realization hits me. I am
naked in front of his eyes!
"G-Gomen..." he said, and then he immediately turned his back.

And for the third time, Seiji Matsumoto ran desperately. Not because of the snakes, or a big tree that
might hurt me, but because he saw me naked.

Apat na beses na natalisod at isang beses nadapa si Seiji hanggang sa hindi ko na makita ang anino niya.

I shrugged my shoulders. He's my mister naman, so it's okay for me. Lalong nadagdagan ang rason para
pakasalan niya ako. Kailangan niyang panindigan ang nakita niya.

I will tell this to Akio!

Isinuot ko pa rin ang pinakamanipis kong white shirt na bakat ang buong katawan ko. Pinulot ko na iyong
ibang mga gamit ko. Hindi pala towel iyong nadala ko, napagkamalan ko tuloy. Ang laki naman kasi ng
damit ni Seiji, napagkakamalan ko nang towel.

Pasipol-sipol na ako pabalik sa tent. Gusto ko pa sanang mag-lotion habang hinihintay si Seiji sa loob,
pero nang hawiin ko ang tent naroon na nga si Seiji.

Napangiwi ako nang makita kong nakabaluktot na naman siya sa sulok at balot na balot ng kumot.

"Bebe..." I called him sweetly, pero parang isa iyong nakakatakot na tawag sa kanya, dahil kitang-kita ko
ang pangangtal ang buong katawan niya.

"Gomen... gomen, Ibu..." paulit-ulit na bulong niya sa loob ng kumot niya.

He's like a little puppy that's afraid to get scolded by his owner.
Niyakap ko iyong malaking cocoon niya at nakangisi kong inihilig ang buong katawan ko sa kanya. "It's
okay, bebe... paninindigan mo naman ako, 'di ba? You're an honorable man, right?"

"Gomen, ibu..." ulit niya.

Sobrang guilty talaga si Seiji. Niyugyog ko ang cocoon niya. "It's fine, Seiji! Alam ko naman na hindi mo
sinasadya. You're not that kind of man... I know you."

"Gomen... gomen..."

Kumunot na ang noo ko. "It's fine nga sabi! Remove that blanket! Hindi ito ang gusto kong mangyari, e!"

So, we started to pull the blanket. Naghihilahan na kami ni Seiji, ako na nasa labas at siya na
pinanindigan ang pagbaluktot doon sa loob.

"Seiji!"

"Suripu, Ibu..."

"No! We're not going to sleep! Hindi mo ba alam ang hirap ko sa pag-aayos!" hila-hila ko pa rin ang
kumot. Pero matatag talaga si Seiji dahil hindi ko siya magawang maharas ngayon. Masyadong
determinado ang hapon!

"You should be honorable, Seiji! Panindigan mo ako!"

"Suripu..."
"I don't want to sleep pa, Seiji! Let's cuddle na lang, okay? Remove that blankets, you idiot!"

Para na kaming mag-asawang pinasok ng lamok sa loob ng kulambo namin.

Hinintay kong lumabas si Seiji sa ilalim ng kumot pero ayaw niya talaga, naiinis akong pinaghahampas
siya.

"Itai... itai! Ibu!"

"Sabihin mo sa akin! Nanlalamig ka na ba sa akin? Tumitikim ka na ba ng ibang putahe? May sinumpaan


tayo sa isa't isa, Seiji... you are making me feel so ugly... Why? Because you saw it? You saw my flaw? It's
just a small pimple! Pero kung ipagtulakan mo ako sobra-sobra na... nasasaktan na ako..."

Hindi pa rin siya gumagalaw sa kumot niya. Mas lumakas ang iyong hampas ko sa kanya.

"Itai! Itai... Eve!"

"Tanggap naman kita kahit ganyan ang buhok mo! I accepted you even with your virgin coconut scent! I
accepted your twisted tongue and even your loading and slow motion! I accepted all your flaws! But
you... nakita mo lang na may small pimple ako sa upper left breast ko..." nasapo ko na ng mga palad ko
ang mukha ko.

I sobbed dramatically. Isang minuto akong nag-iiyak ng kunwari nang mapansin ko na gumagalaw na ng
kusa iyong kumot si Seiji.

He slowly peeked at me, still with a blanket covering half of his face. Iyong chinito niya lang mata na
mukhang antok na antok na ang nakikita ko. When he saw my award-winning drama, he rolled his eyes.
I could see his reaction like, here we go again.

Isang minuto yata kaming magkatitigan. Siya na nakatago pa rin sa kumot at mata lang ang kita at ako na
nakasubsob sa mga palad ko pero nakasilip naman talaga sa kanya.

He sighed and opened the blanket for me. Ngumisi ako at mabilis na humiga. This time, I positioned
myself lower than him. Inunan ko ang braso niyang payat at wala akong pake kahit mamanhid iyon.

"Gomen..." ulit niya.

Mas lumawak lang ang ngisi ko sa kanya. "You're forgiven...ipapakita ko rin naman sa 'yo, bebe... ikaw
super shy pa..." I gave him a smack on his lips. It's now my favorite habit, lalo na kapag bigla siyang
mamumula at saglit na mag-iiwas ng mata sa tuwing ginagawa ko iyon.

Inangat ko ulit ang mukha ko at inilaro ko ang tungki ng ilong ko sa kanya. Super tangos ng ilong ng bebe
ko. Pansin ko na nagpipigil siyang ngumiti sa ginagawa ko.

"Good night, bebe..." I whispered.

And he didn't reply, but he kissed my forehead.

Chapter 24 - Chapter 22

Dedicated to Brigit Joy M. Napay

Chapter 22
Him

Now I could finally say that, "May forever sa Isla Japan! Hooray!"

Basag lahat ng may abs sa pamatay na buhok ni Seiji Matsumoto. Walang sinabi iyong mainit na
paninitig ng mga sikat na lalaki sa mga mata ng bebe ko na parang laging kulang sa tulog at higit sa lahat
walang makakatalo sa pangmalakasang ribcage at spinal cord niya! Plus, the natural virgin coconut oil
scent.

My bebe is super hansamu, kahit siya always shy...

I giggled with my silly thoughts.

Maganda ang gising ko, habang si Seiji ay parang puyat na naman. But I don't care!

Holding hands while walking kami ng bebe ko near the seashore. Sa sobrang bagal namin sa paglalakad,
para kaming nasa luneta.

Everytime that I glanced at him, I couldn't help but giggle. Para akong teenager na pinansin na ni crush
sa wakas. Well, hindi lang basta pinansin, he kissed, hugged and confessed to me.

Hindi lang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa sa mga oras na ito, dahil pinakamasaya na
rin!

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, binitawan ko na ang kamay ni Seiji at iniyakap ko na ang dalawa kong
braso sa kanya at mas inihilig ko ang katawan ko sa kanya, dahilan kung bakit mas lalong bumagal ang
paglalakad namin.
"Am I pretty, Seiji? Kirei?" simula nang naglakad kami hindi ko na mabilang kung ilang beses ko iyong
tinanong sa kanya. Kung kanina, tumatango pa siya sa akin, ngayon ay hindi na niya ako pinapansin.

Ngumuso ako. "Suplado!"

"Na ni, suparado?" he asked.

Kung hindi ko lang siya love, hinila ko na ang dila niyang bulol sa L. Bakit ko naman kasi hihilahin? Pwede
ko namang kagatin...

Nahampas ko iyong braso niya dahil sa iniisip ko. Kaya iyon at hinihimas na naman niya habang
nakakunot ang noo sa akin.

Gosh! Simula nang nakilala ko si Seiji, nawawala na iyong pagiging inosente ko. Siya kasi, masyadong
wild...

I grinned and lied to him. "Hansamu..."

Ilang segundo siyang tumitig sa akin na parang nalalaman niya kapag nagsisinungaling ako sa kanya.
"Feiku..." aniya.

I laughed. My bebe knew me very well.

"Ano gagawin natin ngayon, Seiji? Ayaw mo naman kasi mag-make love, e..."

We're road to three weeks here in this island. Minsan napapaisip na rin ako kung nasa Japan pa ba
talaga kami. Bakit hindi ko man lang maramdaman na may naghahanap sa amin?
Did they give up already? Hindi man lang ba pumasok sa isip nila na baka napadpad kami sa isang isla?

If I tried to think deeply, Seiji and I have influential names in our own countries. Hindi man lang ba iyon
nagtulak na mas hanapin kaming dalawa?

Paano nga kung tumigil na talaga sila sa paghahanap sa amin? Magiging taong isla na lang ba kami ni
Seiji habangbuhay?

Mariin akong napapikit.

"Paano ako manganganak niyan? There's no doctors here, Seiji!"

Umiling siya sa akin. "Wakaranai, Ibu..." tamad na sagot niya sa akin habang nagsisimula ko problemahin
ang future namin.

Alam ko sa sarili ko na hindi na ako maaaring magtagal dito ng hanggang apat na linggo. I am still a
woman with monthly period.

Gosh, ano na lang ang mangyayari sa akin dito? I searched for help when I first saw our bags, pero wala
talaga akong makita na magagamit ko kapag dinalaw na ako.

That will be gross, right?

Unless Seiji and I make a remedy for it? But my bebe is an honorable man. Pahirapan na nga bago ako
makatanggap ng halik at yakap sa kanya, tapos hihiling ako ng mas well...

Baka lagnatin masyado si Seiji Matsumoto.


Nakailang hikab na si Seiji habang naglalakad kami. Of course, maaga ko lang naman siyang ginising para
maaga rin namin masimulan ang paglalandian namin.

Ilang beses na akong sumusulyap sa kanya at hindi mawala iyong ngiti ko. Hindi ko talaga akalain na
darating ang oras na ito. I thought he'd stay cold and awkward with me.

But now... we're definitely loving each other na. Isa pa, gusto niya rin naman na nilalambing ko siya. My
bebe is always shy lang talaga.

Napalambot ko rin sa wakas ang hapon na 'to!

"Na ni?" he asked when he noticed my deep stare at him.

I smiled widely at him. "I love you, bebe!"

Mabilis namula ang mukha ni Seiji, nag-iwas siya ng tingin at saglit humaba ang nguso. Napakamot na
lang siya sa magulo niyang buhok.

I didn't expect a reply. Mas inihilig ko na lang ang sarili ko sa payat niyang braso habang mabagal kaming
naglalakad.

Si Seiji kasi iyong tipo na tipid lang talagang magsalita, hindi dahil hindi kami magkaintindihan, kundi
iyon talaga ang ugali niya, ang mga kaibigan niya rin mismo at Akio ang nagsabi na hindi siya mahilig
magsalita.

It's okay. Kapag nagsasalita naman siya, alam kong sulit. And I could see in his every reaction that he
likes my sweetness towards him. Mahiyain lang talaga.
Halos isang oras din kaming naglakad bago ako magyayang bumalik sa camp site namin. Hinayaan ko na
munang matulog si Seiji ulit dahil mukhang tutumba na siya sa sobrang antok niya, kaya kahit hindi
naman ako inaantok, humiga na rin ako at yumakap sa kanya.

Mabuti na lang at may mga anino ng punong tumatakip sa tent namin, kaya hindi kami direktang
natatamaan ng sinag ng araw, isa pa, medyo malamig na rin talaga ang panahon.

Hindi nakapalag si Seiji sa akin nang iyakap ko ang isang hita at braso ko sa kanya.

"Alright, let's sleep."

"Ibu... itai..." ginagalaw niya ang binti niya. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya at ngumuso ako.

"No, Seiji... it's cold, you know?"

"Feiku..."

"It's not fake, bebe... it's samui..."

Simula nang ma-trap kami sa Isla Japan, marami na rin akong nalaman na Japanese words, na hindi ko
man lang pinapansin noon kapag si Akio ang nagsasabi.

I bit my lower lip when I remembered my cousin Akio. My last memory with him wasn't good, but I am
sure that he survived. We're cousins and both fighters, alam kong katulad ko ay buhay siya.

Nag-angat ako ng tingin sa mukha ni Seiji, hindi ko pa rin talaga inaalis ang hita at braso ko sa kanya.
Nakamulat pa rin siya at tulala sa taas ng tent namin.
"I thought you're going to sleep, bebe? Suripu..." ginaya ko iyong lagi niyang sinasabi.

"Omoi... itai, Ibu..." ginalaw niya ulit ang hita niya.

Ngumuso ako at umiling sa kanya. "But I want to hug you... no..."

He sighed.

"Do you want me to sing? You know bebe, I am not just a good artist, but I am also a beautiful girl with
talents, singing, and dancing..."

He remained silent.

"Hmm... or maybe later na lang? Would like me to share something na lang? You just pretend that you
can understand me..."

Hindi pa rin siya nagsasalita, nang nag-angat ako ng tingin, nakapikit na si Seiji Matsumoto.

Inaantok na talaga ang baby ni Mommy Eve. Hinawakan ko iyong braso niyang ginawa ko nang unan,
sobrang lamig na. Wala na yatang dumadaloy na dugo, kaya sa awa ko sa kanya ibinaba ko na ang ulo ko,
hindi ko na rin iniyakap ang binti ko sa kanya, iyong braso ko na lang ang hinayaan kong nakayakap sa
kanya. Pero nagsumiksik pa rin ako sa katawan niya.

"Promise me, Seiji, okay? You will learn English and Tagalog for me, and then I'll study your language
too. So, wala na tayong barrier. I really want to speak with you, to know you more... your childhood,
family, favorite sports if meron... everything about you." Nilaro ko ang ilang daliri ko sa dibdib niya.

I made feathery circles on his healthy ribcage. Nakapagtataka na hindi niya sinasalag ang mga daliri ko.
When I looked at him again, he's already peacefully sleeping.
Mas idinikit ko ang tungki ng ilong ko sa katawan niya. I sniffed his virgin coconut oil scent, amoy baby
talaga si Seiji Matsumoto!

"When we have ten babies, Seiji. I want them to call me Mama or Mommy... and then you, they will call
you Tatay!" saglit akong natawa.

Si Seiji ang taong bahay, magluluto, maglilinis ng bahay, maglalaba at magsasampay. While me? I'll work
as an actress, kung hindi na ako ang female lead, mas gugustuhin kong maging kontrabida.

Dahil stress na ako sa work, si Seiji na ang magpapaligo sa akin! Syempre papatulugin niya muna ang ten
babies namin!

I giggled with excitement.

"I can't wait..."

I am so excited to see my ten little babies with Seiji's eyes. Nang muli akong sumulyap kay Seiji, hindi na
ako nagdalawang isip pa. I immediately kissed him on his lips.

"Sleep well, my love..."

Akala ko ay hindi na ako makakatulog at pagmamasdan ko na lang si Seiji Matsumoto hanggang sa


magising siya, pero naalimpungatan na lamang ako nang marinig kong nagsisiga na ulit ng apoy si Seiji.

Mag-isa na lang ako sa loob ng tent. Isinilip ko lang ang ulo ko sa tent para tingnan si Seiji.

"Good evening, be..."


"Ibu, tabetai?"

Agad akong napangiti. Ang sweet talaga ng mister ko! Nagsasanay na talaga siyang maging house
husband.

"No. Not yet, be... I am still full." Sinamahan ko iyon ng pag-iling.

"Wakatta."

Lumabas na ako ng tent. Napayakap ako sa sarili ko, sobrang lamig na talaga. Tumabi ako sa inuupuan ni
Seiji, mabagal siyang lumingon sa akin at tumagal ng ilang segundo ang tingin niya sa akin.

"Samui."

Tumayo siya at bumalik siya sa tent, pansin ko na nagmamadali siya kahit parang ang bagal pa rin niya.
Akala ko ay may kung ano siyang nakalimutan, pero napansin ko iyong coat niya ang hawak niya.

Agad nag-init ang pisngi ko nang ibalot niya iyon sa akin.

"Arigatou..." mahinang sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya. Parang dati, nakailang mura na ako sa isipan ko dahil hindi man lang siya nag-alok sa
akin ng coat niya nang nilalamig na ako.

But now... ang layo na rin pala ng narating ng paglandi ko sa kanya...


Hinayaan niya akong humilig sa braso niya habang tahimik kaming pinagmamasdan ang hampas ng alon.

Ilang gabi na kaming magkasama ni Seiji. Ano na lang ang mangyayari kung wala siya sa tabi ko? Baka
nagpakalunod na ako sa mga unang araw ko pa lang.

"Arigatou..."

Nawala ang pagkakahilig ko kay Seiji at napatitig ako sa kanya. I blinked a lot of times; did I hear him
right?

Umiling ako sa kanya. "Seiji, it's me... ako ang dapat magpasalamat sa 'yo. To your long patience... and
all. Thank you for being kind to me, thank you for being considerate..."

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. I want to tell him everything, my frustrations, happiness and all
about my life, pero sa bawat tulak ko sa sarili kong ibahagi sa kanya ang ilang parte ko, hindi ko pa rin
mapigilan iyong kirot sa dibdib ko. We have barriers. A lot.

Natatakot ako na paglabas namin sa islang ito, ako lang iyong nais gumiba ng mataas na pader na
nakapagitan sa amin.

Aside from kissing and hugging him, one of my favorite gestures that I will never get tired of doing is
cupping his face, with our faces are inches apart and eyes locked together; because it was his eyes that
made me fall hard on him.

His innocent eyes that always looked at me differently.

"Thank you, Seiji... thank you..." ulit ko.


My heartbeats hammered fast when Seiji placed his palms on the back of my hands, still cupping his
face. He smiled at me.

Tipid lang pero halos mawala na naman iyong mga mata niya.

I swear... right at this moment, I suddenly want to cry and wish for something impossible. I hope nothing
will hinder us after this island trap, that fate or destiny will allow us to be together.

I never desperately asked for something before. I thought everything would be easy for my grasps. I
have the money, fame, looks, and everything that a woman could ask...

I never take a man seriously... dahil alam kong madali lang silang palitan, madali lang akong makapili. I
am beautiful, and they'll die chasing for me...

Yes, I did ask for a man before, when I saw a silly shooting star, but I wished it as a whim or something
that would divert my attention from my previous issues...

Naghangad ako hindi dahil ginusto ko kundi naghangad ako para lang mapatunayan ko sa lahat na kaya
kong makahanap ng iba, lalaking mahal na mahal ako...

I always cared about what people might think of me, and this island trap made me realize a lot of things,
that life isn't all about the people around you, because your life is all about you and how you look
forward on your way.

Life is like an empty island and it's your choice if you'll see the waves around it as a threat or a nature's
music, a matter of perspective...

Buong buhay ko humihiling ako para sa mga taong nasa paligid ko. Everything that will look good for
everyone's eyes... kahit hindi ko naman lubusang gusto.
But right now... for the very first time, Sidra Everleigh Rosilla asked for something that she desperately
wants...

Hindi para sa mga mata ng mga tao, kundi para sa sarili niya.

It's him. Seiji Matsumoto.

Chapter 25 - Chapter 23

Dedicated to Yvone JaDine Alamag

Chapter 23

Third

Before this beautiful tragedy with Seji Matsumoto, the only light that I appreciated the most was the
spotlight, from the flashes of the cameras, the glimmer of my gowns, pieces of jewelry, the golden
plaques of my awards.

I like everything that shine with the symbolism of fame. For me, the thing that shines the most were the
thousands of eyes that look at you admiringly. Kahit sa likuran ng mga matang iyon ay hindi purong
admirasyon, kundi inggit, panlalait at iba't ibang uri ng panghuhusga.

Doon ako nabubuhay noon, sa inaakala kong magpapasaya sa akin na hindi ko na napansin na unti-unti
na rin pumapatay sa akin.

I allowed showbiz, fame, and my atrocious thought that happiness was all like that, fame, and people's
opinion. But right now, this island trap made me realize a lot of things. Seiji Matsumoto taught me to
look at the other things that shine.
He made me feel so happy about small things. I laughed, cried, got scared, got excited, embarrassed,
and even made me hope and wish desperately. I thought I had enough, everything...

But he made me ask for more. No, not more but him.

Siguro kung iisipin ng iba, napaka-imposibleng mahulog sa isang tao na ilang araw pa lang nagkakasama.
Isama pa ang napakataas na pader na nakapagitan sa amin.

But can they blame me?

Even with our language barrier, it wasn't hard to fall for him.

I thought everything was just a simple game. I was just bored at siya lang ang nakikita ko sa isla. Maybe
making fun of him will cast away the sadness of our tragedy, but I just made my own trap.

Ako itong sobrang nahuhulog, natatakot at umaasa... that after this island trap, he'll be mine. Alam kong
habang narito kami sa isla, madali ko siyang mahahawakan at masasabing akin, but when the reality will
start to wave at us at ipakita sa amin na mas malaki pa rito sa islang kinalalagyan namin ang bawat
mundong pinanggalingan namin, my dreams with him will start to shatter into pieces.

This time it was me who kissed him tenderly on his forehead. He didn't falter. Instead, he whispered my
name. "Ibu..."

I smiled at him widely.

Hindi pa rin sanay si Seiji kapag bigla akong kikilos ng ganito sa kanya. He loves it when I act widely and
silly at him. He loves it when I smile and laugh, but when he noticed that I suddenly became sweet,
gentle with my hands cupping his face, he knew that I am worried, scared, and a little bit sad.
"Promise me, Seiji... you will choose me."

I raised my pinky. Kung hindi ako nagkakamali ay galing sa Japan ang paraan ng pangakong ganito.

I hesitantly glanced at him with my pinky, ready to tie a promise with him. "You..." itinuro ko siya. "Will
always choose me, no matter what happens..."

Mas itinaas ko ang daliri ko sa harapan niya. He looked at me intently. I was really hoping that he could
understand me.

Saglit na kumunot ang noo niya, I knew right at that moment that he didn't understand what I'd said,
pero wala siyang pag-aalinlangang inilabas ang pinakamaliit niyang daliri.

We made a pinky promise.

My smiled widened and hugged him tightly. "I do, Seiji!"

Hindi na ako umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya habang nakayakap ako sa kanya. Paiwas-iwas na
naman iyong ulo niya sa akin habang habol na naman ako ng habol sa kanya.

"Seiji, don't be shy na kasi! Nagmamahalan naman tayo... ikaw always shy pa rin."

Tinanggal ko na iyong braso kong nakayakap sa kanya at sinapo ko muli ang mukha niya. I forced him to
look at me before I kissed every part of his face except his lips.
I giggled between my kisses with him. Masyado ko nang pinanggigilan si Seiji na wala namang magawa
sa akin, kundi magpahalik na lang. It was just a series of smacks everywhere on his face. Para na naman
siyang hinog na hinog na kamatis.

"Ibu... kissu... kissu, takusan..." ngusong sabi niya. Nagrereklamo na ang hapon habang pinapunasan
iyong mukha niya.

"You don't like it, bebe?" I asked him, still cupping his face. But Seiji's talent is to avert his eyes, kahit
sobrang lapit na ng mukha namin. Paano niya kaya iyon nagagawa? Hindi kaya siya nahihirapan?

"But I like to kiss you, takusan!"

Inulit ko ang paghalik sa kanya. I kissed his forehead, his eyes, the tip of his nose, his cheeks, side of his
lips, everywhere but not the lips, because I want him to kiss me first if we're going to kiss on our lips.

Muli kong iniyakap ang mga braso ko sa batok niya habang marahan kong isinu-sway iyong katawan
namin.

Wala sa sarili akong napatingin sa kalangitan, kaya ganoon din ang ginawa ni Seiji. Since I was on his lap,
my face was a bit higher than him, I shivered when I felt his soft breathing against my neck.

Pero sa halip na landiin siya, hindi ko alam kung bakit bigla akong nagandahan sa mga bituin ngayon.

Well, it was because of him. Seiji taught me to appreciate other things that shine, the stars, fire, fireflies,
and the sea that always glisten with the moon...

He made me realize that it isn't just the fortune and fame that shines-- sometimes it's the small things
that can make you happy. Magniningning ang isang bagay sa paraan ng pagtingin mo rito.
"Kirei, right?" I asked him, still gazing at the stars. Natatandaan kong mga bituin at dagat lang iyong
pinapansin niya noon ng mga noong araw anim.

He loves star, the waves... everything natural in this island.

"Hai, totemo..."

But this time, he was no longer looking at the stars because his eyes were on me, and that made me so
genuinely happy.

As I gently touched my forehead into his, I slowly closed my eyes. I allowed myself to feel him right now,
with his delicate arms around me, the serene music of the waves around us, the cracking whisper of fire,
the sea breeze kissing our skin, the fireflies glinting with our dancing shadows...

The feeling was so magical with him.

Halos ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago ko maramdaman na siya mismo ang naggalaw ng
tungki ng ilong niya sa akin at marahan niya iyong inilaro, gaya ng kung paano ko iyon gawin sa kanya
bago kami matulog.

"Ai shiteru..." he whispered.

And my heart suddenly had its own warm orchestra. "Onaji, Seiji..."

***

Mas maaga akong nagising kay Seiji, isa pa maaga na rin akong nakatulog ng gabing iyon. Hindi ko na nga
rin siya nakulit masyado dahil mabilis akong nakatulog.
So, I am all fired up today!

Lalo na't hindi ko pa nakakalimutan ang dapat gagawin ko. I should show Seiji Matsumoto, my future
house husband about my talents! Hindi lang ako magaling umarte, I am also a dancer and a singer!

Well, I already showed him my dancing skills, but he should also discover the other part of me.

"Ohayo, Seiji! My loves... bebe ko..." malakas na bati ko sa kanya kahahawi niya pa lang ng tent.

"Hayai, Ibu."

"Tabetai?" agad kong tanong sa kanya nang makalapit na ako. Umiling siya.

Hinayaan ko munang mawala iyong hang-over ni Seiji mula sa mahabang tulog bago ako nangulit sa
kanya. Pinili kong pumunta na naman sa likuran niya habang nakasabit ang katawan ko sa kanya.

I've been pushing myself to him, rocking our bodies with his bones cracking na yata. But I don't care!

"Happy three weeks, bebe! And I have a surprise for you!"

My initial plan was to strip tease him, pero sigurado akong tatakbuhan niya lang ako kapag sinimulan ko
na iyon sa harapan niya. So, I prepared something sweet and memorable for us...

I don't know why, but I could feel that any moment... may mga makikita na akong papalapit dito sa isla.
Our saviors. I should feel happy and excited, dahil iyon naman talaga ang matagal na naming hinihintay
ni Seiji, pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot.
Seiji and I will part ways no matter how tight I hold his hand.

Humiwalay na ako sa kanya at humarap akong muli, inilahad ko ang dalawa kong kamay sa kanya. He
didn't look hesitant when he placed his hands with me. At nang sandaling hilahin ko na siya para
tumayo, hindi na rin ako nahirapan.

When he's already on his foot, I gently released his hands, and I grabbed the small chop of wood that
would look like a microphone. Nanatili lang nakatitig sa akin si Seiji, wala naman talaga siyang reaksyon
pero alam kong pinapanuod niya ang bawat galaw ko.

Saglit akong tumalikod sa kanya at humarap ako sa dagat na parang nasa harap ako ng mga tao. Like I
was some sort of my own concert.

"Ladies and gentlemen! Sidra Everleigh Rosilla! I am super back, Everleinatics!"

I imagined my thousands of fans waving all their light sticks. I am not just an actress, but all an artist with
wholesome talents. Lahat ay pinasok ko sa mundo ng showbiz, acting, singing, dancing and hosting! All
of them, halos ginapang ko ang lahat ng nakuha kong posisyon... that's the reason why I had my trouble
bringing back my real confidence and genuine happiness.

Nasa tuktok na ako, inakala kong mananatili ako roon pero sa isang iglap lang halos malibing ako ng
buhay sa lupa.

But now! I promise... sa sandaling makalabas ako sa islang ito, muli kong iaangat ang sarili ko. Hindi para
sa mata ng nakararaming tao, kundi para sa sarili kong kasiyahan. I'll enjoy everything around me...

With him by my side.


Inangat ko na ang maliit na kahoy na parang microphone, huminga ako nang malalim bago ko ibinuka
ang mga labi ko.

I still hear your voice when you sleep next to me

I still feel your touch in my dream (In my dream)

Forgive me, my weakness, but I don't know why

Without you, it's hard to survive

Unti-unti akong lumingon kay Seiji, umihip ang hangin dahilan kung bakit hinawakan ko ang aking
mahabang buhok gamit ang isa kong kamay, pero hindi niyon inalis ang mga mata ko sa hapon na nasa
harapan ko.

This song is dedicated to him, every lyric... all I could remember is him.

Mabagal ang hakbang ko habang papalapit sa kanya, pinagpatuloy ko iyong pagkanta habang kumikislap
ang mga mata ko sa kanya.

And every time we kiss, I swear I could fly

Can't you feel my heart beat fast? I want this to last

Need you by my side

'Cause every time we touch, I feel the static

And every time we kiss, I reach for the sky

Can't you hear my heart beat so? I can't let you go

Want you in my life


Hindi ako tumigil sa harapan niya, sa halip hinayaan kong maglandas ang dulo ng daliri ko sa dibdib niya,
sa balikat niya, sa likuran niya, habang patuloy akong mabagal na umiikot at kumakanta sa kanya.

He's just there, awkwardly standing in front of me. Hindi na naman gumagalaw iyong ulo niya, pero
iyong itim ng mata niya ay nananatiling nakasunod sa akin.

Your arms are my castle, your heart is my sky

They wipe away tears that I cry (That I cry)

The good and the bad times, we've been through them all

You make me rise when I fall

Hinawakan ko na ang isa niyang kamay at inikot ko ang sarili ko sa braso niya hanggang sa makulong ako
sa isa niyang braso. I continued my song as my eyes were still gazing at him. Bahagyang nakatagilid ang
katawan ko at nakaagat ang ulo ko sa kanya. He's looking down at me.

'Cause every time we touch, I get this feeling

And every time we kiss, I swear I could fly

Can't you feel my heart beat fast? I want this to last

Need you by my side

I sang the lyrics near his lips. Sa halip na siya iyong matunaw, parang bumabalik iyong mga salita sa akin
sa paraan ng pagninitig ng inosente niyang mga mata sa akin.

I thought he'd remain expressionless, but Seiji Matsumoto's been suppressing his smile.    "Ibu..."

"Can't you feel my heart beat fast? I want this to last..." I whispered to his lips again.
For the third time around, Seiji Matsumoto initiated our soft yet sweetest kiss.

He pulled my fake microphone and dropped it on the sands. My soft boy cupped my face and planted a
long kiss on my lips.

Chapter 26 - Chapter 24

Dedicated to Elisha Suribas

Chapter 24

Claps

I enjoyed the whole day with Seiji. Dahil alam ko naman na na-e-expire iyong paglandi niya sa akin, ako
na lang ang nagtuloy buong maghapon.   

All he did was to stand or sit while my whole body was constantly clinging unto him. Maghapon siyang
bumuntong hininga at napapailing sa pinaggagawa ko sa kanya.

He can't just stop me? I want to flirt him all day! Habang kaming dalawa pa lang ang nasa isla na 'to,
sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na tatantanan si Seiji Matsumoto.

I'll shower him my silliness, beauty and my different types of presence, na sa sandaling mawalay lang
siya sa akin saglit, magkukumahog siyang bumalik sa akin.

I told myself that I'll make him addicted to me. Na mararamdaman niya ang kakulangan niya sa
sandaling malayo na kami sa isa't isa.
Kung hindi ako kumakandong sa kanya, lagi akong nakayakap sa likuran niya habang nakaupo siya sa
buhangin at nakaluhod ako. I'll always rock our bodies, hanggang sa magreklamo siya sa akin ng
pamatay niyang itai.

"Bebe ko..." I whispered to his left ear.

"Bebe ko..." I repeated it to his right ear.

Paulit-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa lumingon na siya sa akin na may naniningkit na mga mata.
"Hansamu, bebe..." and then I'd play the tip of my forefinger on his pointed nose.

Marahan ko iyong pinaglalandas mula sa gitna ng mga kilay niya, hanggang sa tungki ng ilong niya.

Sa tuwing sinasabi ko na gwapo siya, lagi siyang umiiling sa akin. He needs more confidence! Boyfriend
kaya siya ng isang napakagandang Sidra Everleigh! Pipili ba ako ng pangit?

He's super handsome!

Pinagpatuloy ko ang iba't ibang style ng paglandi sa kanya.

But everything was okay with him. Minsan ay nahuhuli ko rin naman siyang nagpipilit hindi mangiti,
madali lang naman kasing mapansin iyon dahil lumiliit iyong inaantok niyang mga mata.

Bukod sa biglang pagtapon ng sarili ko sa kanya at pagyakap, isa na rin sa madalas kong gawin ay iyong
sunud-sunod na paghalik sa iba't ibang parte ng mukha niya, habang naasar na siya.

He's like an annoyed baby! Ngunguso, magrereklamo pero pulang-pula naman. Gusto ko sana na
maubos na lang ang oras namin ni Seiji sa paglalambingan, pero parang siya iyong sobrang napapagod sa
amin dalawa. Samantalang ako, full powers pa ako buong maghapon.
"Bebe, I think we should do something new again."

He's no reaction again. Nakatitig na lang siya sa akin. "Hmm... if I am done with singing and dancing..."
muli akong sumulyap kay Seiji.

He sighed before looking back at the sea. "Lagi na naman akong umaarte sa 'yo. What should we do
next?"

Humilig muna ako sa braso niya at nag-isip ng pwede naming gawin, hanggang sa biglang nagliwanag
ang mukha ko.

Ilang beses lang namin nagawa iyon ni Seiji, why can't we try other scenes kaya? Lagi kasing mag-asawa
ang setting namin.

"Bebe, I have an idea!" masiglang sabi ko sa kanya.

So, I explained everything to him in the simplest way, and of course, he shook his head.    "Wakaranai,
Ibu..."

Pero sa halip na ma-badtrip ako sa kanya, ngumisi lang ako at hinampas ang braso niya. Hinamas niya
ulit iyon. "Itai..."

"Hai!    I love you too, Seiji! Let's go!"

Tumayo na ako at excited na hinila iyong kamay niya para tumayo na rin. Dahil sanay na siya hindi lang
sa biglang pagyakap ko kundi pati na rin sa paghila ko sa kanya, hindi na ganoon kabagal ang pagtayo
niya.
I giggled with excitement.

I started to run on the bed of white sands with our hands clasped together, barefooted, gentle sunlight
as our cameras, the wind blowing my hair, and Seiji's eyes sparkling as he allowed himself to be pulled
by me.

Hindi ko maiwasang sobrang kiligin sa tuwing lumilingon ako pabalik kay Seiji. He's like an innocent baby,
who's being taken by his guardian angel to play inside a paradise.

Para siyang wala sa sariling nagpapatangay lang sa bawat hila ko sa kanya, habang wala akong tigil sa
pagngiti at pagtawa sa tuwing hinihila siya para habulin ako.

"Faster, bebe! Malapit na tayo..."

"Doko?"

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin kasi naintindihan kung ano na naman sinasabi niya. Pinagpatuloy ko
ang paghila sa kanya hanggang sa makarating kami sa lugar na gusto kong pangyarihan ng gagawin
namin.

Pinakawalan ko ang kamay niya at namaywang ako sa harapan ng lugar na gusto kong ipakita sa kanya.

"You ready?" I asked him with a grin.

His brow creased. "Wakaranai, Ibu..."

"No, Seiji! We need to do this. Para sa kinabukasan natin dalawa! Sa buong pamilya natin. Marami
tayong gagatasan! Ten!"
Kunut na kunot ang noo niya sa akin. Humakbang akong muli papalapit sa kanya. My hands tightly
gripped his shirt as I laid my forehead on his ribcage.

Para kaming mag-asawang nagbabalak umutang ng bigas sa kapitbahay. "I'll be the breadwinner, Seiji,
but to maintain that, I shouldn't waste my time here. We can still flirt while I practice, right?"

"Wakaranai, Ibu..." he said frustratingly.

Napapadyak ako sa buhangin. "Why? Aasa ka na lang ba sa breastfeeding, Seiji? Bibili rin naman tayo ng
gatas! Huwag lahat sa akin! Besides..." I curled the tips of my hair with my fingers.

"It's not just the babies... their Tatay too..."

Pag-iling lang ang ginagawa ni Seiji Matsumoto. Nahampas ko ulit ang braso niya at nasapo ko ang mga
pisngi ko dahil bigla na naman iyong nag-init.

"Si Seiji talaga! Don't flirt me here! Nasa set na tayo!"

Napapakamot na siya sa magulo niyang buhok. "Let's go, Seiji!"

And we started our little game.

***

My forehead continued to bead sweats. I glanced at my digital wristwatch and my heartbeats turned
into a somersault. We're running out of time.
I gripped my handgun firmly as I adjusted my earpiece to hear the accurate location of our enemies. But
it seemed like something bad happened at the main headquarters because I couldn't hear any updates
from my monitor partner.

Nakaramdam ako ng kulbit sa balikat ko. "Ibu..."

"Agent Seiji, focus!" ani ko na hindi lumilingon sa kanya.

Sumilip ako mula sa pinagtataguan namin para makita kung may paparating na kalaban. Mas humigpit
ang hawak ko sab aril na hawak ko.

"Ibu..." muling bulong sa akin ni Agent Seiji sa tenga ko.

I shivered. Hindi ko na napigilan ang lumingon sa kanya. "Bebe... ano ka ba! Don't whisper like that—"
bigla kong naalala na nasa set pala kami. Agad kong binago ang ekspresyon ko at kumunot ang noo ko sa
kanya.

"Agent Seiji, I know this is your first mission. But don't worry! I am here to cover for you. After all, you're
my apprentice." Tinapik ko ng ilang beses ang balikat niya. Napalingon siya doon sa kamay ko at pansin
ko na kanina pa siyang nagpipigil ng tawa.

Nang mas isandal ko iyong likuran ko sa bato dahil biglang may dadaang mga kalaban at mapansin ko na
hindi gumagalaw si Agent Seiji, agad kong inikot ang katawan ko. I pinned him against the big rock to
hide our bodies.

"Si Agent Seiji, tsansing ka naman sa akin, e!" bigla kong sabi, pero agad ko rin pinilig ang ulo ko nang
maalala ko na nasa set nga pala kami.
Bago pa ako samantalahin ni Agent Seiji at makarating na kami sa kissing scene, kahit malayo pa naman,
humiwalay na ako sa kanya.

"Cover for me, Agent Seiji!"

I used my award-winning action star stunts. Bukod sa biglang pagyuko, mabilis akong gumulong sa
buhanginan habang itinututok iyong baril ko kung saan-saan na parang may binabaril talaga ako.

I even had my amazing tumbling. Humihingal ako nang makarating ako sa isang malaking bato, habang si
Agent Matsumoto ay nabitawan na iyong hawak niyang baril at nakatulala na sa pwesto niya.
Nakaawang pa nga iyong bibig niya sa sobrang pagkamangha sa akin.

I waved at him to follow me. Kaya tumingin siya sa baba at pinulot niya iyong nalaglag na kahoy. Sobrang
effort ko talaga sa paglipat sa pinagtataguan ko pero si Seiji Matsumoto, siguradong nabaril na, head
shot pa sa paraan niya ng pagpunta sa akin.

Ano na, Agent Matsumoto? Earthquake drill ba tayo? Dahil sobrang bagal ni Seiji sa pagtakbo niya
habang nakaharang iyong dalawa niyang kamay sa ulo niya na parang mababagsakan siya ng niyog.

Kaya hindi na nga ako magtataka na madali siyang nabaril noong panahon ng pananakop ng mga hapon.

Nakayuko siya at nakikita ko na kagat na niya ang labi niya para pigilan ang pagtawa niya. Dahil sisirain
lang ni Seiji iyong pamatay kong acting skills kanina, I made another dramatic scene.

"Agent Seiji!"

Kunwari tumingin ako sa taas at may kalaban doon, kaya mabagal na napatingin si Seiji sa langit na
parang may dumaang eroplano. I jumped at him and overwhelmed his whole body.
Dahil sanay na akong gumugulong ang katawan namin dalawa sa buhangin, hindi na naging mahirap sa
akin ang scene na iyon, habang si Seiji, itai pa rin nang itai.

"You okay, Agent Seiji?" humihingal na tanong ko.

"Itai..."

"We're nearer." Usal ko. Mabilis na akong tumayo at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Eksaktong
katatayo pa lang niya, agad akong sumandal sa likuran niya. Ibinuka ko na iyong dalawa kong kamay na
parang may hawak iyon ng baril.

Pinalilibutan na kami ni Agent Matsumoto!

Wala sa sariling napatingin sa paligid si Seiji, nag-aalangan pa siya kung saan itututok iyong kahoy niya,
ilang beses siyang napapayuko, hanggang sa mapansin ko na yumuyugyog na nga ang balikat niya.

Siniko ko siya. Kaya pinilit niya ang sarili niyang itutok ulit iyong baril sa hangin. Gusto ko talaga sobrang
cool namin ni Seiji na partners, pero sobrang lamya niya talaga. Bakit gano'n?

When I started to move and turned around, halos itulak ko si Seiji para gayanin ang ginagawa ko. That is
my favorite part in action movies, iyong maco-corner na iyong mga bida ng mga kalaban.

"This isn't the end! Our comrades are now all around you!" malakas na sabi ko habang umiikot kami ni
Seiji. My arms were all stretched and ready to pull the trigger, habang iyong partner ko, hindi alam kung
hahakbang na ba at kung saan itututok ang baril.

"Agent Seiji!" itinulak ko si Seiji para maghiwalay kami. Pagkakataon ko na iyon para ilang beses mag-
tumbling at biglang luluhod habang itinututok ang baril sa iba't ibang direksyon.
Like a skilled action star in her most awaited movie of the year. My every movement was accurate and
clean, na kahit ilang beses akong sinaktan at pilit na pinagbagsak sa mundong ito at sa ilalim ng liwanag
ng camera, dito pa rin ako patuloy na babalik.

I am cut here. To be an amazing actress in different genre. At ilang beses man nila akong hilahin pababa,
siraan at pilit na pantayan, patuloy akong babangon.

Because you can't just defeat a woman moving with her passion, a woman who knows what will make
the best in her, and a woman with endless dreams with movement.   

I used all my stunts that I should have used before the issue had exploded. Nagawa man akong
maapektuhan ng eskandalong iyon, hindi niyon kayang tabunan ang talento at abilidad ko bilang aktres.

I even threw the fake guns from my arms to two different directions like two opponents were about to
overwhelm me. Until I reached my final scene, I'd give the enemy a big high kick. So, before I jumped in
the air, I put all the pressure on my legs before I gave my last blow of the action.

Halos maligo na ako sa sarili kong pawis, ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko na parang nasa
mismong set na talaga ako, at saglit kong naipikit ang mga mata ko.

I imagined that I am back in front of the cameras with Akio watching me, the whole team, and of course,
now with someone else waiting for me – Seiji Matsumoto.   

May hawak siyang tubig at siya ang unang sasalubong sa akin, mawawala ang pagod ko at hahalikan niya
ako kahit maraming nakatingin sa amin. Akio will purposely clear his throat, pero wala akong pake.

I'll tell director that I suddenly feel sick at iuuwi muna ako ng mister ko. But in the end, he'll just bring
me to one of the most expensive hotels in the country, and we'll make love dahil patapos na ang
ginagawa kong movie at pwede na ulit akong mabuntis.
Until I remembered that... this isn't the last scene.

I was about to look at Agent Matsumoto and tell him that we're in the ending when I immediately
widened my eyes out of surprise. Napahawak ako sa tiyan ko na parang nabaril ako.

Seiji Matsumoto was slowly clapping his hands when he suddenly stopped. Pabagsak na iyong katawan
ko nang mabilis siyang tumakbo patungo sa akin, hindi ko nagawang maramdam ang buhangin nang
sambutin ako ng mga bisig niya.

He looked so scared.

"Ibu..."

I gently slapped his face. "Feiku... Seiji!"

He sighed. Pero idinikit niya ang noo niya sa noo ko, he smiled a bit.

And for the very first time, he praised my acting skills. "Sugoi ne, bebe..." and his eyes were twinkling at
me.

Chapter 27 - Chapter 25

Dedicated to Caryl Steele

Chapter 25

Rescue
I was expecting a beautiful morning after that series of wonderful landi days with Seiji Matsumoto but I
noticed that something was off with my prince charming.   

Natatandaan ko pa na magkayap kami ni Seiji nang matulog kami, alam kong sapilitan ko siyang
pinayakap sa akin, pero nang magmulat na ako ng mata, naroon na naman siya sa sulok ng tent.

My brows automatically creased.

Hindi na naman ganoon kalamig, mainit na nga ang panahon dahil tanghali na yata akong nagising, pero
bakit balot na balot ng kumot itong bebe ko?

"Bebe, are you alright?"

Nasobrahan ba siya ng landi nitong mga nakaraang araw?

I started to crawl nearer at him and wake him up sweetly. I gently embraced my arms around his
cocoon, but I instantly put a distance between us, and I stared at him with my mouth hanging open.

H-he's shaking...

Nilalamig talaga siya.

"Seiji?"

I immediately embraced his cocoon again and forced to pull it to place my palm on his forehead.

I gasped when I felt the unusual heat on his forehead. Nilalagnat ang bebe ko!
Hindi ko alam kung maaawa o maiinis ako sa kanya. Bakit siya nilagnat? Matagal na kami rito sa isla, we
had experienced different types of cold. Hindi pa nga kami magkayakap noon, tapos ngayon lang siya
nilagnat? Ngayon na nagsisimula na siyang pumayag matulog na magkayap kami?

Right after he confessed and kissed me? Nilagnat ang hapon?

Hindi agad ako nakapagsalita at napatitig lang ako kay Seiji. But I should take this seriously, we don't
have any medicine and I don't have any idea about medicinal herbs!

I bit my lower lip and brushed my silly thoughts. Nagsimula na akong gapangan ng kaba.

"Bebe... daijoubo?" I asked him.

"S-Samui..." usal niya habang nangangatal.

Halos mapahikbi ko nang maging ang boses niya ay nangangatal na rin.

Napamasahe ako sa aking noo at pinilit kong alalahanin ang nangyari kahapon, wala akong matandaan
na maaaring maging dahilan ng lagnat niya. Unless...

Muli akong napatingin sa cocoon ni Seiji. Paano kung may nakakagat sa kanya? Gusto ko sanang tingnan
ang katawan niya, pero naaawa akong tanggalin iyong kumot sa kanya.

"Tabetai?" tanong ko.

Umiling siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko habang nakatitig sa kanya.

"Bebe, tell me what to do..." marahan kong hinawakan ang cocoon niya.

Natatakot na ako. Paano kung lumala ang lagnat niya?

Kinuha ko na iyong dalawang bag namin at sinimulan ko na naman ang mga iyong halwatin, umaasa ako
na baka mayroon silang itinagong gamot o kahit ano na maaaring makatulong sa aming dalawa.

Mariin akong napapikit nang mahawakan ko iyong pinakatatago kong mga condom. Ngayon lang yata
ako napamura ng makita iyon, bakit condom sa halip na paracetamol ang dalhin nila?!

Ilang beses ko nang nabuksan ang bag ko at alam ko sa sarili kong kahit isang beses ay wala akong nakita
roon, kaya sa bag lang ni Seiji ako umaasa na sana ay may nakatago man lang.

Sobrang gulo na ng loob ng tent namin ni Seiji habang ipinapagpag ko na iyong bag niya. Halos
makasampung pagpag na ako nang manlaki ang mga mata ko.

Tatlong klase ng gamot ang lumaglag. Nangangatal pa ang dalawa kong kamay para kunin iyon, but to
my dismay, I couldn't even read the damn descriptions!

"Bebe!"

Marahan akong yumakap sa kanya at malambing akong bumulong sa kanya. "Open your eyes, read this
for me, please..."
Natatakot ako na baka kung anong klase ng gamot ang ipainom ko sa kanya. What if pampalakas lang ng
stamina sa ano 'to...

Oh gosh! That isn't possible, kung iisipin this tent was supposed to be a honeymoon site, bigla lang
nawala iyong talagang gagamit.

"Ibu... itai..."

Halos mapaiyak ako sa sinabi niyang iyon. "Where? Saan masakit, bebe ko?"

Nayakap ko na si Seiji at isinubsob ko ang mukha ko sa cocoon niya. "Where, bebe? Kung maaari lang
ibigay mo sa akin ang lahat ng sakit... tatanggapin ko, mahal ko..."

"Itai. Omoi... anata..." inilabas ni Seiji ang isang kamay niya at para na naman siyang nagbubugaw ng
langaw.

Napangiwi ako at kusa kong tinanggal iyong katawan kong nakayakap sa kanya. Edi wow! Akala ko
naman kung ano ang masakit.

"Read this!"

Muli ko siyang niyakap at iniharap ko sa kanya iyong isang gamot. "Chigau!" mabilis na sagot niya sa akin
at tinabig niya pa kamay ko.

Napanguso ko at napatitig sa gamot. Ang bilis ng sagot niya, ah? Ano kaya 'to?

Hindi ko naintindihan ang chigau pero dahil sa reaksyon niya, nasisiguro ko na hindi iyon ang tamang
gamot.
"How about this one?"

Umiling siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napausal ako ng dasal sa huling gamot. I even
kissed it with prayers, kahit naman suplado at maarte itong si Seiji, hindi ko rin naman gusto na lagnatin
at magbaluktot siya ng ganito.

We'll never enjoy the rest of this island trap if he'll remain sick. Isa pa... we can't kiss.

"Bebe, this?"

Hindi sumagot si Seiji kaya sinilip ko muna mukha niya. Nakapikit na ulit siya. "Bebe! Last... please."
Niyugyog ko ang balikat niya.

"Ibu, itai..."

"Medicine, bebe... you need it."

Pinabasa ko sa kanya iyong gamot at napahinga ako ng maluwag nang marahan siyang tumango.
"Alright! You need to eat first, bebe. I'll be right back."

Nagmadali na akong lumabas ng tent at pumunta ako doon sa pinaglalagyan namin ng maraming prutas
na pinangunguha ni Seiji sa gubat. Hinugasan ko muna iyon bago ako bumalik sa loob ng tent.

Hindi na mawala iyong matinding pag-alala ko, lalo na nang mas mapagmasdan ko ang pangangatal niya.

"Did something bite you, Seiji?"


Iyon lang naman kasi ang maaaring mangyari. Hindi naman siya nilagnat nang minsan kaming maligo sa
ulan. Madalas ay halos gabi na siyang maligo pero hindi naman siya inubo at papalit-palit ang
temperatura dito, wala naman akong napapansin na pag-ubo o sipon niya.

Hindi ako sinagot ni Seiji.

"You should eat first, bebe. Food..."

Umiling siya.

"Seiji!"

Hindi siya nagpatinag at nanatili siyang nakabaluktot sa sulok. But this isn't just one of our childish push
and pull. Seryoso ako sa mga oras na ito at hindi na ako mapakali habang nakikita siyang ganyan.

Huminga ako nang malalim at marahan kong hinawakan ang cocoon niya.

"Please, bebe... a little will do."

"Ibu..." umiling na naman siya.

Alam kong mahirap kumain kapag masama talaga ang pakiramdam. But I couldn't just shove the
medicine to his mouth without any food inside his stomach.

"Please... Seiji."
Alam kong minsan lang ni Seiji marinig iyong boses ko sa seryosong paraan. I always tend to make it
sounds playful, sweet, childish, annoying, and everything that will get his full attention, but if he's health
is at stake, I am willing to treat him like this.

A serious type of Eve. A scared girlfriend for her boyfriend. I mean, fiancé. Because I knew that he's
about to propose to me today, but he got sick, so he postponed it.

Inalalayan ko siyang umupo, dahil matangkad siya bahagyang nakayuko ang ulo niya. Nakayakap pa rin
sa buong katawan niya iyong kumot, nanatili ako sa harapan niya habang sinusubuan ko na siya ng
prutas.

Nakakatatlong subo palang ako sa kanya ay umiiling na siya sa akin. I bit my lips.

"Bebe, just one more, okay?" malambot na sabi ko.

"Ibu..." umiiling na siya.

"Please, bebe..."

Bumuntong hininga siya at pikit-mata niyang ibinuka ang bibig niya. I smiled gently at him. "Thank
you..." I said.

Saglit siyang tumitig sa akin at kumunot ang noo niya. Hindi man niya masabi sa akin dahil alam kong
iniisip niya na hindi ko rin naman maiintindiihan. His eyes were screaming of why?

Na dapat siya naman itong magpasalamat sa akin.

But no, I want to give him endless thanks. That no matter how pushy I am to him, he's always had this
long patience for me.
Nasa akto na akong kukunin iyong bottled mineral water nang saglit na akong matigilan. Isang bote na
lang. Mawawalan na kami ng tubig.

Siguro ay napansin ni Seiji ang saglit na pagtigil ko dahil hindi pa man ako nakakalingon pabalik sa kanya
ay narinig ko siyang nagsalita.

"Mizu, no..."

"Bebe, what?"

Itinuro niya ang mineral water ko at umiling siya sa akin. I frowned at him. "But you need water..."

Tinanggal ko na sa lalagyan iyong gamot at inilagay ko iyon sa palad ko. I held the bottled mineral water
on my other hand.

"Drink this, and don't worry. It's big! I can share it with you."

Umiling na naman siya, pero kinuha niya ang gamot at mabilis niya iyong isinubo. Nagmali na muli siyang
humiga at ibalot ang kumot sa buong katawan niya.

"Seiji! You should drink water!"

Alam kong ayaw niyang uminom doon dahil natatakot siya nab aka mahawa ako kapag ako naman ang
uminom doon.

Niyugyog ko ang balikat niya. "Seiji! You need water! The medicine will not—" hinila niya ang kumot at
humarap siya sa akin.
He slightly opened his mouth to show me that he already swallowed his medicine. Kung sa ibang
pagkakataon, baka bigla ko pa siyang halikan at kagat-kagatin iyang labi niya. He's so cute, adorable and
too innocent like a baby!

Pero nag-aalala na talaga ako sa kanya.

Unti-unti rin niyang itinikom ang bibig niya nang makita niyang nagsisimula na akong umiyak sa harapan
niya.

"I am worried..."

Yumuko ako habang iyong dalawa kong kamay ay nakahawak sa mineral water na nakapatong sa mga
hita ko. "I am scared... you need to be healthy, Seiji. Ayokong ganyan ka... gusto ko malakas tayong
dalawa sa sandaling umalis tayo sa islang 'to!"

Hindi ko magawang punasan ang luha ko. Pinanatili ko lang ang sarili kong nakayuko na parang may
magagawa iyon para hindi niya mapansin ang pangamba ko.

Yes, I am so upset!

Si Seiji na lang iyong buhay ko rito sa isla, siya na lang ang nagpapasaya sa akin, tapos bigla siyang
magkakasakit at tatamlay? I still want to cuddle, play, kiss, flirt, hug, take a bath, eat or even make love
to him...

Paano mangyayari ang lahat ng iyon kung bigla siyang magkakasakit ng ganyan? Payat na nga siya, tapos
lalo pa siyang papayat?

"Ibu..."
"Please, Seiji... I want you well. We can't kiss if you're like that... yes, I can still kiss you, but I doubt you."

Nasisiguro kong gagawin ni Seiji ang lahat, huwag lang akong mahawa sa lagnat niya.

"G-Gomen, bebe..."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Pinahid ko na ng dalawang braso ko iyong mga luha ko, habang si
Seiji ay kinuha na ang mineral water at uminom na siya ng tubig.

I know he's waiting for me to grin or laugh so that he can freely say the word feiku... but there's nothing
fake with my tears right now.

Hindi ko gusto na may sakit siya.

Halos maghapon kaming hindi lumabas ng tent. Gusto ko sana siyang yakapin para mas lalo siyang
makaramdam ng init sa katawan, pero hindi ko na siya mapilit.

He's determined to keep our distance. Kaya ang nangyari habang nangangatal siyang nakahigang
nakatalikod sa akin, tahimik akong umiiyak habang nakatitig sa kanya.

Sa buong maghapon, ilang beses kong sinipat ang noo niya pero parang walang nangyayari. Hindi yata
tumalab ang gamot sa kanya.

Halos paduguin ko na iyong labi ko sa pagkagat para lang pigilan ang boses kong kumawala. Hindi ko
gustong malaman ni Seiji na umiiyak na naman ako.

I am scared...
Gusto ko siyang yakapin pero pinili ko na lamang lumabas ng tent. Para akong baliw na tumitingin sa
iba't ibang parte ng isla at naghahanap kung anong bagay na maaaring kumuha sa atensyon ng mga
taong maaaring malapit sa amin.

In our long time here on this island, for the first time, I felt the desperation to ask for help, wishing that
someone could save us right now.

Wala na akong pakealam kung hindi pa ganoong kalalim ang pagtingin sa akin ni Seiji. I am now
desperate to let go of him... we need help right now. He needs help.

Halos sabunutan ko ang sarili ko at palakad-lakad ako sa buhanginan. Think... think...

Napapahilamos na ako sa sarili ko, naghalo na ang pawis at luha ko at hindi na mapakali ang mga mata
ko kung titingin sa dagat, sa tent kung nasaan si Seiji o sa kagubatan...

I desperately run back inside our tent. I glanced at Seiji for a while before I picked up all our things. I'll
make a fire. A big fire. An island full of fire.

Naiiyak akong napatingin sa mga gamit namin ni Seiji. I really want to keep it. Our memories together
with this island... but I need to do this for us, for him.

Tinuruan na ako ni Seiji gumawa ng apoy at ang tanging kailangan ko lang gawin ay palawakin ito sa
buong isla. Maybe I can make fire on the cluster of tresses...

Bahala na...

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang umiiyak akong pinagkikiskis iyong dalawang bato. I should make a
fire.
Kailangan kong bilisan... Seiji's not doing well.

Siguro ay kalahating oras na ay hindi pa rin ako nakakagawa ng apoy. Halos maihagis ko na iyong
dalawang bato, pero hindi ako tumigil kahit nangangatal na iyong dalawang kamay ko.

"Ibu..."

Natigil ako sa pagkikiskis ng bato nang makita ko si Seiji na sumilip sa tent.

"Be..."

Saglit siyang sumulyap sa mga batong hawak ko at sa nagkalat naming mga gamit sa buhangin.

"Seiji, stay there—"

Natigil ako sa pagtayo at kapwa kami napatingin sa dagat ni Seiji. A speedboat!

Kusa kong nabitawan iyong mga bato at sa unang pagkakataon, desperada akong sumigaw nang
napakalakas.

"HELP!"

Chapter 28 - Chapter 26

Dedicated to Fatimah Wazeera Ameril


Chapter 26

Good byes

I didn't stop waving and shouting at them to get their attention. I jumped and waved our shirts
desperately. Thankfully, I got their attention, or should I say they were actually going here.

I was gasping for air when a woman and a man rode off from the speed boat, and both of them had
questioned expressions. Who wouldn't be? A messed woman in a silk dress and a man in a cocoon.

"T-That is our tent..." the woman said.

My mouth hung open as I stared at them in disbelief. After three weeks, I finally met the owners!

And... the woman can speak in English!

I was hesitant to step towards them at first, but when I realized our real situation and Seiji's state right
now, it made me continue to walk straight to these strangers.

I noticed that the guy was Japanese.

Tumigil lang ako sa paglapit sa kanila nang kaunting distansya na lang ang nakapagitan sa amin.

"We need help."


"W-What..." usal ng babae. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Seiji na nakadungaw pa rin sa
tent.

"It's hard to explain this..." hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan, lalo na't hindi ko rin naman alam
ang nangyari sa cruise ship na sinakyan namin ni Seiji.

"Any news about the cruise ship that..."

The woman gasped in disbelief and the man immediately pulled his phone from his pocket.

"S-Survivors!" marahas siyang lumingon ang babae sa kasama niya, hindi na sila nagsalita pa at tumango
na sa kanya ang lalaki.

Napahinga ako nang maluwag, hindi ko alam kung bakit at ano ang biglang nangyari sa katawan ko, pero
kusa na iyong bumigay, mabilis dumalo sa akin ang babae para alalayan akong makaupo sa buhangin.

"Eve..."

Narinig kong nagpumilit lumabas ni Seiji sa loob ng tent.

"Bring him first..." ani ko.

Sumulyap ako sa speed boat nila. Alam kong pangdalawang tao lang iyon, but Seiji's thin...

"What?"
"Please, bring him first. I know...help will soon come. I can wait.... but him..." hindi man sabihin sa akin
ni Seiji, malakas ang kutob ko na may nakakagat nga sa kanya.

Maybe it happened when he was looking for our food...

Maraming ahas sa kagubatan at anumang klase ng insekto na hindi pamilyar sa akin. Every minute
counts.

"Ibu..." mas malapit na ang boses ni Seiji sa akin.

Nang lumingon ako sa kanya ay wala na ang balot sa katawan niya. But what caught my deep attention
was his pale appearance right now. Hindi lang ako ang saglit na napatulala sa kanya, dahil ang babaeng
nasa harapan ko ay hindi na rin maipinta ang mukha nang makita si Seiji.

Nangangatal akong binitawan ng babae at halos takbuhin niya iyong lalaking ngayon ay may kausap sa
phone niya.

Lumuhod na si Seiji at sinapo niya ang mukha ko. "Daijoubo?"

Tumango ako sa kanya. "H-Hai..."

Saglit siyang lumingon sa babae at lalaking tumutulong sa amin. Tipid akong ngumiti kay Seiji. "Help...
they will help us." I bit my lower lip.

Biglang bumalik sa isip ko iyong sinabi ng babae. Survivors.

Sobrang lamig ng kamay ni Seiji sa pisngi ko, pero sa halip na pansinin ang lamig niyon, inihawak ko na
lang rin ang kamay ko sa likuran ng kamay niya para maramdaman niya ang init ko.
"I love you..." I whispered to him.

He blinked.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong sumagot sa akin si Seiji Matsumoto nang nagmamadaling bumalik
ang babae at lalaki.

"About half an hour..."

Saglit kaming naghiwalay ni Seiji. Kapwa na nakaangat ang mga mata namin sa dalawa. I could see panic
in her eyes when she glanced again at Seiji, kahit iyong hapon na kasama niya ay dalawang beses
napatingin kay Seiji.

I know... kahit ako, nakikita ko ang hitsura ni Seiji ang matinding pamumutla. Para na siyang walang
dugo, ang lamig ng kamay niya at alam kong pinipilit niya na lang gumalaw.

Marahan akong tumango. "Please..." ani ko sa babae.

She nodded at me.

Dahan-dahan kong tinanggal iyong kamay ni Seiji sa akin. Lakad takbo ako para kunin iyong kumot na
nahulog na sa buhangin, bumalik ako sa tabi ni Seiji at ibinalot ko ulit iyon sa kanya.

"Ibu...?"

"Come with them muna, bebe... susunod naman ako." I glanced at the woman and the Japanese man
beside her. "Help, please..."
Nag-alangan pa sila nang umpisa pero sa huli ay lumapit na rin sila sa amin para alalayan nila si Seiji.

"Ibu..."

"You come with them, Seiji. I will wait here. The rescue will come soon, you need to go first..."

"Honey..." rinig kong sabi ng babae.

"Alright." Sabi ng lalaki. He can also speak in English. Siya na mismo ang nagpaliwanag kay Seiji kung ano
iyong gusto kong mangyari.

"Ie..." umiiling na sabi ni Seiji.

Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. "Seiji! It's just thirty minutes! Please... you're not well."

"Please, bring him." Halos itulak ko na si Seiji sa babae at lalaki.

Umiiling siya at pilit bumabalik sa akin. Dapat hindi ganito ang eksena namin dalawa, dapat masaya
kaming aalis sa islang ito pero bakit ganito?

It's just thirty fucking minutes! Pero natatakot ako... ayaw kong humiwalay sa kanya, gusto ko sabay
kami... pero mahalaga ang bawat minuto.

"Eve, Seiji sutei..."


He cupped my face, like a poor little boy begging for something. Tinanggal ko ang kamay niya. "Seiji!
Thirty minutes lang! This is so dramatic for us! Nakakahiya na sa kanila!"

I pushed him again. "Go with them!" ilang beses ko pa siyang itinulak.

"Please..." ani ko sa babae at lalaki.

Inalalayan na nila si Seiji habang hindi niya tinatanggal ang mga mata sa akin.

"Eve..."

"Go! I'll follow you..."

Akala ko ay sasama na siya talaga sa kanila pero nagsalita siya doon sa lalaki. Humakbang na naman siya
pabalik sa akin.

"He says that he will wait with you. He doesn't want to leave you alone here." Mariin akong napapikit.

"Tell him to go with you. Tell him that he needs to go with you! I am fine alone! Because once that the
rescue team arrives, that means it has media! My image will get ruin again! He will ruin my image! I
don't want the media, the world, and the damn showbiz discovers or even take a single picture of us
together on this island! Another man again... the showbiz will bury me alive..."

Alam kong hindi ako naintindihan ni Seiji pero nakita kong natigilan siya. Maybe because he saw my
desperate expression. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin sa mga oras na ito.

I want him gone in this island. Halos hindi ko na nga siya magawang tingnan dahil sa hitsura niya, he
looked dead.
"Do you want me to translate—"

"Tell him. All." I said.

Hindi natatanggal ang mga mata namin sa isa't isa. Hindi man lang ako kumurap habang sinisimulan na
ng lalaking sabihin kay Seiji ang lahat ng sinabi ko.

Gusto kong umiyak sa harap niya. This shouldn't be emotional, ilang minuto lang naman ang pagitan ng
pag-alis namin, pero hindi ganitong pag-alis ang siyang inaasahan namin.

"H-Hai... wakatta..." tipid na sagot ni Seiji na mas kumirot sa dibdib ko.

"Go..."

Hinawakan na ng babae at lalaki ang braso ni Seiji, ako ang siyang unang nagtanggal ng titig namin sa
isa't isa hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod sa akin kasabay ng babae at lalaki.

I saw how he pulled the blanket around him. It's cold. I know, baby...

I'll see you later. I hope...

Unang sumakay sa speed boat iyong lalaki, sumunod si Seiji na inalalayan ng babae at sa huli iyong
babae. Kailangan nilang igitna si Seiji dahil baka mahulog ang mahal ko.

Akala ko ay hindi na lilingon sa akin si Seiji, alam kong masama ang loob niya sa sinabi ko. Pero iyon lang
ang natitirang paraan para makumbinsi ko siyang mauna na sa akin.
He stared at me. Ganoon din ako sa kanya. Balot na balot siya ng kumot at kitang-kita ko ang
pangangatal ng katawan niya.

I stayed standing on the sands with my hair and satin dress flowing with the sea breeze.

Kung sa ibang pagkakataon baka matawa ako. We're like Jack and Rose. Iyon nga lang, hindi life boat ang
sinasakyan ni Seiji kundi speed boat, at siya itong nakasakay, nilalamig at balot na balot. Hindi ako.

Well, everything is always opposite when it comes to us.

The Japanese guy was about to start the speed boat, and I was about to wave my good bye at Seiji when
he suddenly jumped from it and ran towards me.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sinalubong ko siya. I was crying when my arms wrapped around
his nape. Sobrang higpit din ng yakap niya sa akin na parang ayaw niya na akong pakawalan.

"Ibu... Seiji sutei..." ulit niya sa akin.

"No... I will follow you, bebe. Promise."

And then, I tiptoed and kissed him. It was a different type of kiss, not just a smack or not even a teasing
like I always did, but a slow rhythm of possessiveness with a mixture of longing.

Mas pinalalim ko ang bawat halik ko sa kanya na halos lunurin ko na si Seiji at hindi na siya hayaang
huminga pa. But my baby... he tried his best to kiss me back and made me feel how he desperately want
me to stay by his side.
Kapwa kami humihingal habang magkadikit ang aming mga noo.

"Go..." I whispered.

"Ibu..." umiiling na naman siya.

"Go..." mas malambot na bulong ko sa kanya.

"Ibu..."

I tiptoed and pulled him again. This time I showered him kisses on different parts of his face. Iyong lagi
kong ginagawa sa tuwing nanggigigil ako sa kanya.

"Mahal kita, bebe..."

"Ibu..."

Muli ko na siyang itinulak. Ilang beses man siyang umiling sa akin, alam kong nakikita niya na buo na ang
desisyon ko.

I am willing to stay here. Habang siya ay dinadala na sa hospital. It's just few minutes away.

I'll come after him. Ipapakilala niya ako sa family niya at sasabihin ko kay Akio na may boyfriend na
akong hapon!

Everything will be okay after this island trap.


"Hindi kita mapapatawad kapag bumaba ang sperm count mo dahil hindi ka agad pumunta ng hospital!
Sayang iyong ten babies natin, Seiji!" I pushed him harder.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti habang itinutulak siya pabalik sa speed boat.

"Go..." ulit ko.

Nakababa na ulit iyong babae at hinihintay na niya lang si Seiji na sumakay ulit. Akala ko ay susunod na
siya sa gusto ko, pero bumalik na naman sa akin si Seiji, this time he initiated the kiss.

But I didn't kiss back. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaan kong damhin iyong malambot niyang
labi at malamig na kamay sa pisngi ko.

"Aishiteru, Eve..."

Ngumiti ako sa kanya. "Onaji, Seiji..."

"Now, go..."

Hindi ko alam kung bakit ganito iyong nararamdaman ko at nasisiguro ko na maging si Seiji ay ganito na
rin, dahil halos pareho kami ng ekspresyon. Maybe because we're really attached to each other, and the
idea that we'll part ways even in just a few minutes, triggered us.

Biglang bumalik ang lahat ng pinagdaanan namin ni Seiji sa loob ng tatlong linggo. Simula nang una
kaming magkita sa cruise ship, sa unang beses na paghabol ko sa kanya, sa pagmulat ng mga mata ko at
siya ang una kong nakita at sa lahat ng mga tawa at pangungulit ko sa kanya.

The kisses, confessions, laughter...


Ang sarap balik-balikan, na hindi ko magawang isipin na sa kabila ng trahedyang nasapit namin,
nagkaroon kami ng sandalan—ang isa't isa.

Hindi ko pagsisisihan na nahulog ako sa kanya, anuman ang mangyari sa pagitan namin sa sandaling
kapwa na kami makalabas ng islang ito.

"We need to go." Ani ng babae.

Pansin ko ang saglit na pagbuka ng bibig ni Seiji pero agad niya rin iyong tinikom. Ngumiti lang ako sa
kanya at marahan kong itinaas ang kamay ko.

I waved at him with a bitter smile on my face.

"See you later, bebe ko..." malambing na sabi ko.

Then the speed boat rescued my Seiji Matsumoto away from the island, leaving me behind full of tears,
and I didn't know why...

But maybe I have this strong gut feeling that everything will end here...

Dahil matapos ang gabing iyon at nang sandaling ianunsyo sa mundong siyang ginagalawan ko ang
kontrobersyal kong pagkabuhay mula sa trahedyang gumimbal sa lahat...

Hindi ko na muli nakita si Seiji Matsumoto.

Chapter 29 - Chapter 27
Dedicated to Caryl Faith Gonzales

Chapter 27

News

As the speed boat left bubbles of track on the seawater, my eyes couldn't help but water. And I silently
thanked the cloak of the night for hiding my tears as Seiji Matsumoto, my love, fixed his eyes with me
until all we could only see were each other's silhouettes.

I didn't know why emotion felt so intense right now. Maybe because after those weeks that we were
together -- this feeling was so unrealistic.

Parang ang bilis... biglaan ang lahat ng pangyayari.

But isn't everything that happened to us were unexpected? Walang pinaghandaan at lalong
pinagplanuhan.

That maybe, this was just a dream... that we're still going to wake up tomorrow morning with each
other's arms wrapped together.

Too ironic, right? Our life on the island should be the one I considered as a dream, but here I am asking
for this rescue to be a dream...

Wishing that my dream with my Japanese prince will last longer...

I wiped the tears rolling down my cheeks. Dalawang braso ko iyong halinhinan kong ginamit para
punasan ang walang katapusang luha ko.
I told him that we're just minutes apart. Alam ko naman na may darating na rin tulong sa akin, pero
bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nasasaktan ako.

Because from the very beginning I already knew our ending. Hanggang dito lang kami ni Seiji Matsumoto
sa islang ito. Our happiness together, my dreams with him, laughter, kisses and endless I love you...

Komplikado ang sitwasyon namin.

When I pushed him away, it wasn't because of my tarnished name, but because I cared about his...
natatakot ako na baka makaapekto ang presensiya ko sa pangalang mayroon siya.

Tama nang sa islang ito ko lang siya ginulo, tama nang hanggang dito na lang ang lahat.

Seiji Matsumoto made me realize that there are still lots of genuine people, and he's one of them.

Naupo na ako sa buhangin. I wrapped my arms around my legs and hid my face behind my knees. I
stared blankly at the serene waves of the sea.

I didn't wait long when I heard series of noises from the engines of different water vehicles. Napatingin
na rin ako sa himpapawid nang may tumamang liwanag sa buong katawan ko. Even a chopper!

Napatayo na ako. Marahan kong iniharang ang aking braso sa may tapat ng noo ko para hindi ako
tuluyang masilaw sa tama ng iba't ibang liwanag mula sa iba't ibang sasakyan.
The wind continued to blow my hair and my iconic satin dress—the same dress I wore during the night
of the tragedy. Numerous radios were all ringing with a familiar language but unrecognizable words,
and shadows of hurried people continuously jumping off the boat, running towards my direction.

I already expected rescuers, but a sudden relief crept into my face when I recognized the first person...

Another batch of tears rolled down on my cheeks. "A-Akio!"

"E-Everleigh..." he uttered my voice with mixture of pain, happiness and relief.

Hindi ko na nagawang hintayin pa si Akio na makarating sa akin dahil tumakbo na ako at mahigpit siyang
niyakap at ganoon din siya sa akin. Kung kanina ay pinipilit ko ang sarili kong huwag umiyak, ngayon ay
hinayaan ko ang sarili kong humagulhol ng napakalakas.

"I am sorry, Eve. I shouldn't have—" agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Mabilis kong inilagay ang
dalawa kong kamay sa labi niya para patigilin siya sa anumang sasabihin niya.

"No... please. Let's not talk about this... I want to forget everything."

"Eve..."

May lumapit na rin sa aming ilang mga Japanese rescuers, si Akio na mismo ang nakipag-usap sa kanila.
Si Akio na rin ang naglagay ng makapal na towel sa balikat ko at hindi na niya ako binitawan hanggang sa
makasakay na kami sa rescue boat.

Buong biyahe namin sa dagat nanatili akong tahimik. Hinayaan lang ako ni Akio na humilig sa braso niya
habang tulala ako sa kalawakan ng dagat.

I heard him sigh before I finally closed my eyes, wishing that after I opened it again, I'll forget everything.
***

Akio respected my silence. He never asked anything that happened on the island, and he made sure that
my security's tight enough to guard me against the media.

"D-Do you want me to call your psychologist, Eve?" nag-aalangang tanong sa akin ni Akio.

Halos tatlong beses sa isang araw dumalaw sa condo ko si Akio. At alam kong kapag sinabi ko sa kanya
na huwag na siyang magtrabaho at bantayan niya na lang ako, sigurado akong hindi siya magdadalawang
isip gawin iyon.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala siya sa tabi ko.

I looked at him. "Why? Do I look unstable again?"

He just stared at me. Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin ang sagot niya.

Isinandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama at pinagdaop ko iyong dalawang kamay ko habang
mariing akong nakatingin doon.

"I think I should start working again..."

"W-What?"

"That will help me to recover soon..."


"No."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napabuntong hininga.

Hiniling ko kay Akio na umuwi na rin kami agad nang gabing ma-rescue ako, hindi ko man naipit na sa
mismong araw din iyon ang pag-uwi namin, kinabukasan ay sinigurado na ni Akio na maibibigay niya ang
kahilingan ko.

Simula nang dumating ako rito, wala pa kaming napag-uusapan na kahit ano. From our family, career...

Blanko ako sa lahat ng bagay. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob magtanong sa kanya.

"What else should I do, Akio?"

Lumapit na sa akin si Akio at naupo na siya sa kama ko. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

"I am so sorry, Eve. Dapat hindi na kita pinilit—"

"It already happened, Akio. Stop apologizing, please. Ang mahalaga ay ligtas ka at ako."

"But I made things worst. Nagsisimula ka nang maka—"

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at ako na mismo ang humawak sa kamay niya.

"I am not blaming you, Akio. You're the only thing that I got... ikaw lang ang piniling manatili sa tabi ko
habang sila ay isa-isang tumalikod sa akin. Why would I blame you? You invited me to that party to
divert my attention—"
"But—"

Umiling ako sa kanya. "I am fine, Akio."

"Then tell me what to do, Eve? Tell me something..."

"I just want to work."

"But you need to rest first, Eve. Hindi biro ang inilagi mo sa isla. You lose weight. You don't look fine.
You're not ready for work yet." Mas madiing sabi niya.

Alam kong hindi ako mananalo kay Akio ngayon kaya inilahad ko na lamang ang palad ko sa kanya.

"Give me a phone, then. I want to see the news."

Saglit na napatitig sa akin si Akio. He looked so hesitant. Pero wala na siyang mapagpipilian, kung
pumayag na ako sa gusto niya, dapat ay pagbigyan niya na ako rito.

"For?"

I rolled my eyes.

"Akio, I am a top celebrity. Gusto kong malaman ang nangyari sa buong bansa nang sandaling pumutok
ang balitang nalunod ako, namatay or whatever fake news na kumalat habang hindi pa ako nakikita..."
Bago pa ibinigay sa akin ni Akio ang phone niya, may sinabi na siya sa akin na hindi na nakapagpagulat sa
akin.

"You were announced missing, but the social media already mourned for you. I swear, Eve, during that
day—" tipid na akong natawa dahil naglalabasan na naman iyong ugat ni Akio sa kanyang noo.

I could imagine his short temper during this crisis.

"It's okay, Akio. Ganoon naman talaga sa social media..."

I first looked at my twitter account. I am now trending.

#SidraEverleighisAlive #TheShowbizGoddessisAlive

I grinned. Dapat magpa-concert na ako sa come back ko.

Dahil hindi naman ang balita ngayon ang gusto kong malaman, I checked the previous posts of the
netizens, and I gasped in disbelief.

Napasulyap ako kay Akio na bahagyang napakibit balikat.

"H-How did they discover this?"

Muling napakibit balikat si Akio. I bit my lower lip and continued to scroll down the posts about me. Lalo
na iyong pinakatinatago-tago ko. Paano iyon naungkat ng mga taong ito?

"That's the reality of life, Eve, isn't it?"


I bitterly smiled at him. Biglang nanghina ang kamay ko na nakahawak sa phone niya at mas binigyan ko
siya ng pansin.

"Yes. People will start to look at you in a bright side when you're no longer existing in this world..."

Very ironic, right? Instead of appreciating someone while he is still breathing, people tend to give more
credits when he's already dead.

"Kapag buhay ka, pilit silang hahanap ng butas para hilahin ka pababa. Pilit silang hahanap ng mali para
siraan ka... pero sa sandaling mabalitaan nilang wala ka na. They will start to appreciate you, even to
your smallest effort..." naiiling na sabi ko.

Dahil nang sandaling kumalat na sa social media na patay na ako. Biglang naglabasan ang lahat ng
pagtulong ko sa likod ng camera. I was sure that I made my every help discreet, nakiusap ako sa iba't
ibang foundation na tinulungan ko na huwag nang banggitin ang pangalan ko, and all the donations I'd
made was anonymous. Pero ngayon ay halos alam na ng buong Pilipinas kung ilang taon na akong
tumutulong sa likuran ng camera.

Kumalat na rin ang katotohanan sa nakaraang eskandalo na nasangkot ang pangalan ko. It was a
different woman. At paulit-ulit napatunayan na hindi ako ang babaeng nasa video.

Hindi ko masyadong binasa ang parteng iyon. I am still a woman, and I couldn't be happy and relieved
when another woman would be bearing the same pain and hatred that I'd felt before... kahit na siya
talaga iyong babaeng nasa video.

I want to help her and put someone into his/her rightful place for spreading that damn video.

Hanggang sa hindi ko na magawang pigilan ang sarili kong basahin ang napakaraming mensahe ng mga
tao para sa akin. Nasapo ko na ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.
I thought that island trap would pull me down again... it was a tragedy at maraming buhay ang nadamay
at kailanman ay hindi ko iyon ipagpapasalamat, ngunit hindi ko akalain na hindi lang si Seiji Matsumoto
ang makikita kong liwanag sa pangyayaring iyon.

It wasn't just my realization, but also to those thousands, or millions of judgment eyes...

Na hindi lang ako iyong kilalang artista, sikat at pinagpapantasyahan ng lahat. There is still a lot of
version of me... na pinili kong itago at hindi na kailangan pang ipagmalaki.

I am already satisfied with helping people discreetly.

Because I believe that...

The real essence of helping is not all about the clicks and the flashes of the camera.

The essence of it is when you suddenly felt a warm touch on your heart the moment you extended your
hand to help because nothing could beat a recorded help from genuine memories than a photograph or
videos.

Mas masarap balik-balikan sa isipan iyong mga bagay na ginawa mo ng kusang loob at walang
inaabangan kapalit at papuri. At ngayong nakikita ko na iyong pilit kong itinago sa lahat, ay naungkat
pala at paulit-ulit na binibigyan ng pasasalamat ng napakaraming tao...

Hindi ko akalain na masarap din pala sa pakiramdam.

Ang tagal din simula nang makabasa o kaya'y makakita ako ng mga mensahe patungo sa akin na punung-
puno ng sinceridad.
"The posts were from the charities, Eve... sa lahat ng mga tinulungan mo, pinsan. They wanted to
scream to the world how wonderful you are... na mali ang tingin nilang lahat sa 'yo."

Muling nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Akio. Magkahalong saya at lungkot ang siyang
nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"You are a wonderful woman, Everleigh. Always remember that... you are beautiful inside and out."
Nakangiting sabi ni Akio sa akin.

Halos manghina ako sa sinabi niya.

"Thank you..."

Sa unang pagkakataon simula nang makalabas ako sa isla, nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako sa
bintana at muli kong inalala ang imahe ng lalaking unang nagparamdam sa akin, na hindi lang ako
maganda.

"Yes, I am always beautiful."

When I blinked his image suddenly disappeared. Pero buo na ang desisyon ko at alam kong kailanman ay
hindi ako magiging masaya kung hindi ako susubok.

I want to see him again. Gusto kong sumugal at subukang gibain ang pader na nakapagitan sa amin.

Huminga ako nang malalim at muling hinarap si Akio.

"I have a favor to ask, Akio..."

Ngumiti siya sa akin. "Sure. All for you, Eve."


"I want to meet Seiji Matsumoto. Siya ang kasama ko sa buong pananatili ko sa isla."

Akio's brow automatically creased. "What?"

"I am in love with him, Akio..."

Umawang ang bibig ni Akio na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Of course! Alam niya kasing
nagbibiro lang ako noon sa kanya.

"Akio, please—"

"But Seiji didn't make it, Eve. His body was found the day of the tragedy."

Chapter 30 - Chapter 28

Chapter 28

Truth

Mas lalong nag-init ang mga mata ko habang nakatitig ako kay Akio. Nagsisinungaling siya sa akin,
magkasama lang kami ni Seiji, may sumundo sa amin, sila iyong tumawag sa mga rescuers!

What the fuck is wrong with him?


Marahas kong itinuro ang pintuan ng kwarto ko.

"Leave."

Sa halip na sundin ang gusto ko ay mas lumapit sa akin si Akio, akma niya sanang hahawakan muli ang
kamay ko nang mabilis ko iyong iniwas sa kanya.

"I said leave me alone!"

Umiling lang siya sa akin. "Eve, you do really need to talk to your psychologist. I can understand you, this
tragedy didn't make you—"

"Shut up!" agad kong tinakpan ang tenga ko.

Hindi ko na gustong marinig ang mga sinasabi ni Akio. Natatakot ako na baka mangyari na naman ang
kinatatakutan ko. Baka mapunta na naman ako sa sitwasyong, halos hindi ko na malaman ang reyalidad
o ilusyon.

"Please, leave..."

"I can't. You need me here."

"Then stop ruining my mind! I want to see Seiji Matsumoto! He's with me! Nangako ako sa kanya na
magkikita kami ulit! How dare you announced him like that? I thought you are friends with him?"

"Eve..."
"I want to see him, Akio. Nangako ako sa kanya... hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa islang iyon
kung wala siya sa tabi ko. I survived because of him... please..."

Halos hindi ko maipinta ang mukha ni Akio habang pinagmamasdan ako. I could see pity and sadness on
his eyes.

"Alright." He said shortly.

Mas lumapit siya sa akin at hinayaan niya akong yumakap ng mahigpit sa kanya.

"H-How about them?" nag-aalangang tanong ko.

Nag-alala ba ang pamilya ko o kaya'y nagluksa nang pumutok ang balitang patay na ako? Hindi man lang
ako makakita ng anino mula sa kanila.

Ganoon na ba talaga ang galit nila sa akin?

FLASHBACK

"Please, Ate Eve! I want to come too!" I sighed and looked down at my little brother. He's been pulling
my dress to get my attention.

"Sideon, you can't. Don't worry, Mommy and Daddy will be here soon. Nandyan naman si Yaya, ask her
anything to eat if you want."

"But I want to come with you! You promised! You told me that you'll buy me toys and ice cream!"
"Of course, but not now. I am in a hurry, Sideon. Ate has her taping pa bukas. Maybe next time..."

I forgot my script in my condo, and I needed to get it. Balak ko lang kunin iyon at bumalik na rito sa
bahay dahil dito na ako matutulog. Besides, Friday night is our family dinner night.

Magagalit sina Mommy at Daddy kapag hindi agad ako nakabalik.

Pero sadyang Rosilla talaga si Sideon dahil hind siya nagpatalo sa akin. Hinabol niya ako hanggang sa
makarating ako sa kotse.

"Please, Ate! I want to come with you! Yaya is boring! I love to spend time with you..."

Ngumuso ako. "My baby brother wants to play super baby with her ate..." siya naman ang ngumuso
habang pinaglalaruan iyong dalawa niyang kamay.

"Alright. Hop in."

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Sideon nang isama ko siya papunta sa condo ko. Dumaan din kami sa
ice cream parlor at pinapili ko siya ng ice cream na gusto niya. We also went to his favorite toy store,
and I allowed him to pick everything he wanted.

Buhat-buhat ko si Sideon habang hindi siya magkaintindihan kung paano niya hahawakan iyong mga
toys niya. He was giggling as I showered him kisses.

"Love love ka ni ate... always be a good boy, okay? I will always give you toys! Kapag super sikat na si
ate, ibibili rin kita ng maraming cars!"
"Wow! I love you, Ate!"

"I love you too, Sideon..."

I wish I could turn back time. I should have left him inside our house, safe, happy, and making everyone
happy.

Maybe... maybe... he's still alive.

Because that was my little brother's last kiss on me.   

We had a car accident, and it was me that survived.

Malakas na sunud-sunod na sampal ang natanggap ko mula kay Mommy. My father's eyes were filled of
hatred. Halos lahat ng kamag-anak ko ay ganoon ang tingin sa akin.

Sideon is our little angel. Mahal na mahal namin siyang lahat, buong pamilya ng Rosilla'y halos ibigay ang
lahat sa kapatid ko. He's our light, clown, happiness... lahat ng magagandang salitang maaaring ibigay sa
kanya.

He's my precious little brother. At mahal na mahal na mahal ko siya. If I could just switch our lives,
gagawin ko... walang pag-aalinlangan.

"Aksidente po ang nangyari! Eve didn't want this to happen! Iyong nakabanggaan ang may inom at siya
ang dapat nating—"

"Tumahimik ka Akio!"
Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Akio habang pinauulanan na ako ng iba't ibang klase ng mura
ng buong angkan ko. Humahagulhol na ako sa pag-iyak. Halos hindi ko na makaya ang tindi ng kirot ng
dibdib ko, ang sakit na ng lalamunan ko at maging ang mga mata ko.

I don't want to defend myself. Dahil maging ako'y paulit-ulit na sinisisi ang aking sarili. Kasalanan ko ito.
Ako ang dahilan ng lahat ng ito... kung hindi ako pumayag, kung hinayaan ko na lang si Sideon dito sa
bahay, sana'y buhay siya, naglalaro at pinatatawa kaming lahat sa mga oras na ito.

Nangangatal na ang buong katawan ko at pinadama sa akin ni Akio na nasa tabi ko siya, habang ang
lahat ay galit ang nais ibuga sa akin. Nawalan din ako, nasasaktan din ako...

"Simula ngayon isa na lang ang nabubuhay kong apo." Ani ni Lolo na sumulyap kay Akio.

"I don't have a daughter anymore."

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Mommy, walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang isa-isang
tumatalikod ang lahat ng kamag-anak ko sa akin.

Sila iyong inaasahan kong mananatili sa tabi ko sa ganitong klase ng sitwasyon, sila ang dapat
magpapatatag sa akin, sa halip ay sila mismo ang nagtutulak sa akin sa bangin na tila dapat na rin akong
mamatay.

Walang nagawa si Akio ng gabing iyon kundi manatili sa tabi ko at maawa sa aking sitwayon.

***

"Eve..."

Ngumiti ako kay Akio habang abala ako sa pagbubukas ng mga paperbag na pinamili ko.
"Help me... I told him to hide inside my room first. I'll surprise him."

Isa-isa kong inilabas ang mga toys na pinamili ko kanina. I had my first salary from my first drama series.
Hindi pa naman ang ang bida, marami ng mga tao ang siyang naagaw ko ang atensyon.

"Eve..."

Napaluhod na sa akin si Akio habang nanatili akong nakaupo sa sahig at tuwang-tuwa sa ibinili ko sa
kapatid ko.

"Look! I bought a remote-control car! This one too! A chopper! It's a limited edition!"

"Eve..." usal ni Akio.

"Yes? Sabi rin pala ni Sideon gusto rin niyang makipaglaro sa 'yo."

I hummed happily as I unboxed all of my brother's new toys. I am so excited to show him this all, he'll
kiss my cheeks and we'll play together.

He'll tell me that, "You're the best ate in the world!"

"How about this one, Akio?"

Nang muli akong lumingon sa pinsan ko, halos hindi na maipinta ang hitsura niya. Unti-unting nawala
iyong ngiti ko, pero muli ko pa rin ibinalik ang atensyon ko sa mga laruan.
"M-May mali pa sa nabili ko..."

Ramdam ko ang biglang pangangatal ng kamay ko. Nagpapatakan na naman ang mga luha ko.

"He'll like this. Lahat ng mga binibili ko para sa kanya. Sideon! Come out, na-unbox na lahat ni Ate!"
habang sinasabi ko iyon, nangangatal na rin ang boses ko, kumikirot na naman ang dibdib ko at mas
lalong tumindi ang patakan ng luha ko.

"Eve... tama na. Mas sinasaktan mo ang sarili mo..."

"What are you talking about, Akio?" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa may pintuan.

"Sideon! Baby brother, come out..."

"Eve..."

"Kuya Akio is here too! He'll teach you how to play this remote—"

Naramdaman ko ang mga braso ni Akio na unti-unting bumalot sa akin. "Tama na, Eve..."

Kusang bumitaw ang mga kamay ko sa laruan at humagulhol muli ako nang napakalakas.

"I miss him so much, Akio... sana ako na lang. Sana ako na lang iyong—"

"No..."
"But my brother deserves to live. He didn't even have the opportunity to enjoy life... pinagkait ko agad
sa kanya, Akio. Inagaw ko sa kanya..."

"No..."

That was when Akio convinced me to see a doctor for help. Sometimes, my imagination is a help, but
there were times that it gets me worst. My imagination is a friend and a foe.

Hindi na rin ako nawalan ng agapay ng doktor, simula nang mawala ang kapatid ko hanggang sa harapin
ko ang problema sa showbiz. I tend to look happier, free from stress, and almost perfect in front of
everyone's eyes.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, halos araw-araw akong lumalaban. I am fighting with my own demons
—na hindi ko alam kung paano ko pa ba tatalunin.

It's happy to imagine—it so happy to imagine the endless happiness. Pero sa sandaling muli mong
imumulat ang iyong mga mata, iyong hiram na kaligayahan ay agad mawawala.

Reality hurts, big time. Na kahit gaano kaganda ang mga pangyayaring nabuo sa utak ko, darating ang
oras na imumulat mo ang iyong mga mata sa totoong kasalukuyan.

Na iyong mga taong nais mong makapiling ay madadama mo lang sa pagpikit ng iyong mga mata—
panaginip. Pangarap na hindi na makakamtan.

END OF FLASHBACK

***
I refused to meet my doctor. Ngunit nangako ako kay Akio na bago matapos ang buwan ay makikipagkita
na ako at hahayaan ang sariling muling magpatuloy.

Abala ako sa pagsusulat sa isang papel. Lahat ng salitang gusto kong i-translate sa Nihonggo.

I will ask Akio to translate it. Dahil sa sandaling magkita na kaming muli ni Seiji, alam ko na kung paano
gamitin ang mga salitang iyon.

I was grinning with my silly thoughts as I wrote my words. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Seiji sa
sandaling marinig niya ang mga salitang ito?

I bit my lower lip. Magiging pulang kamatis na naman ang bebe ko, yuyuko at hindi na naman makatingin
sa akin.

Gosh, how I miss his virgin coconut oil scent, tousled hair, ribcage and spinal cord!

Kinalimutan ko na iyong sinabi sa akin ni Akio. Siguro ay nagkamali lang siya sa akin ng sinabi, maraming
Matsumoto sa barkong iyon, kasama ko si Seiji at alam kong dinala siya sa hospital.

His sperm count is still safe and we're now going to fight for our love. Lalo na ngayong malinis na ang
pangalan ko at may mukha na akong ihaharap sa mga magulang niya.

Pinagpatuloy ko iyong pagsusulat ng mga words na ipapa-translate ko kay Akio. He'll never notice naman
siguro. I tapped my forefinger on the table as I scanned my words, may kulang pa kaya?

Harder, faster, slower, gently, lower, pull, push, massage, squeeze, touch, couch, sofa, bed, bathroom,
sink, pool...

What else?
Hindi ko mapigilan mapatawa habang iniisip ang inosenteng mukha ni Seiji kapag narinig niyang sinabi
ko iyon. He'll shower me his endless kureiji.

Nagpa-deliver na ako ng pagkain at hinihintay ko na lang si Akio, he told me that he'll bring someone
with him. Biglang pumasok sa isip ko na baka nga si Seiji na iyon.

I could still remember how Seiji insisted to stay with me. Pero alam kong mahalaga sa oras na iyon ang
sitwasyon niya.

Our future...

Nag-ayos na rin ako ng aking sarili. I was humming in front of the mirror when my phone vibrated. Halos
mapatalon ako sa excitement. It was Akio.

Sinabi niya na nasa baba na raw siya ng condo at kasama na niya ang sinasabi niyang kaibigan niya. I
didn't wait for long when the doorbell rang.

Hindi ko na pinadalawang tunog iyon, mabilis ko na iyong binuksan. At ang ngiting isinalubong ko sa
kanila ay unti-unting nang napawi.

My doctor.

"Eve..."

My brows furrowed. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo na—"


Hindi ko na magawang tumingin ng diretso sa doktor ko. Dahil iyong presensiya niya ay nagsusumigaw
ng reyalisasyong kinatatakutan ko...

"No... please, he's alive. He's not just part of my imagination! I felt him... lahat lahat..." napapaatras na
ako papalayo sa kanila.

"Miss Rosilla." Pormal na tawag ng aking doktor. It was her same composed tone when she tried to
speak with me when I was still suffering from my brother's accident.

Umiiling ako sa kanya. "He's real..."

"Stop it, Eve. You're breaking yourself..."

Muli akong humarap kay Akio, sa pagkakataong iyon, mas matindi ang galit ng mga mata ko sa kanya at
kumukuyom ang mga kamao ko.

"HE IS REAL! IT WAS NOT HIS BODY! Hindi kanya iyon! B-Because..." I bit my lower lip. Bumigay na ang
mga tuhod ko at nasapo ko na ang bibig ko.

Bumalik ang pangyayaring pilit kong tinakpan dahil sa pangako ko sa kanya.

"H-He died in my arms... and I promised him that I'll think about the happy thoughts while waiting for
the rescue... happy thoughts, happy thoughts... endless happy thoughts with him... happy thoughts with
Seiji Matsumoto."

Chapter 31 - Chapter 29

Chapter 29
Rose

He cupped my face as he weakly pushed himself to open his eyes. I couldn't even see him clearly
because of my endless tears rolling down my cheeks.

Gustong-gusto ko nang patigilin ang mga luha ko at bigyan ang sarili ko ng mahabang panahon upang
higit siyang magpagmasdan.

This isn't happening...

Hanggang sa tuluyan nang nagpatakan ang mga luha ko sa napaka-amo niyang mukha.

"P-Promise me. You'll think about endless happy thoughts. Promise me, b-beautiful Eve..." he said in his
hoarse voice.

My whole body trembled. I want to pull him closer. I want to embrace him tight, but he's too fragile and
about to break. Natatakot ako na sa kaunting galaw ko'y higit ko siyang masaktan at mahirapan.

"S-Seiji, no..." marahan kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Umiiling ako habang
nakatungo sa kanya.

I don't want to let him go.

"You will survive. You will wait for them. You'll grow as a better actress. You'll be successful."

"No. We're going to leave this island together, Seiji. You're fighting..."
"E-Eve... wait for the rescue..."

Mariin akong napapikit at ilang beses kong hinampas ang noo ko. Pero hindi rin ako hinayaan ni Akio at
mahigpit niya akong inawat at pinigilang saktan pa ang sarili ko.

I promised him that I'd think about happiness. Only happiness. Nangako ako sa kanya...

"So, it's true..." narinig kong usal ni Akio.

Nang mapansin ko na mag-aakmang lalapit sa akin ang doktor, agad naramdaman ni Akio ang
pangangatal at pagpupumiglas ko. Siya na mismo ang nag-angat ng kanyang kamay at umiling sa aking
doktor.

"I know you're more capable of doing this, but I am sorry—"

Tipid na tumango ang doktor ko at hindi na hinintay pang makatapos si Akio. "It's okay. I can give you
time."

Napahinga nang maluwag si Akio habang nanatiling nakadikit ang mukha ko sa dibdib niya at ang mga
mata ko'y nakatitig sa aking doktor.

She's always emotionless and composed even in this kind of situation. It's her profession after all. Pero
nasisiguro kong hindi siya ang kailangan ko sa mga oras na ito.

Not yet...

"I'll call you tomorrow, Dra. Matira."


Saglit akong nakapansin ng hindi pagsang-ayon sa doktor ko, ngunit alam kong wala rin naman siyang
magagawa kung iyon ang kahilingan ng pasyente at kamag-anak nito.

"I am sorry for the trouble..."

"It's okay, Mr. Rosilla." Muli siyang tumango bago nagtungo sa akin ang kanyang mga mata.

"Allow me to help you again, Everleigh."

Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay mas humigpit ang yakap ko kay Akio. Sa huli, hinayaan ko ang
pinsan kong dalhin akong muli sa aking kwarto. We stayed there in silence. Siya na nakatitig lang sa akin,
habang ako'y nakaupo lang sa kama at nakatitig sa mga kamay kong magkadaop.

He knew me too well. Alam niya kung paano ako lumaban sa iba't ibang sakit na nararamdaman ko.

At ito na naman...

Pinunasan ko ang luha ko at hindi ako makatingin sa kanya.

"I know I need professional help. I know that I am not stable again, Akio. But I could not just bring him
up to someone who is not emotionally attached to me... someone who just knew me from my medical
records."

I bit my lower lip. The scenes were starting to flashback, those scenes that I promised to replace into
imaginary happiness.

"H-How did you know that it wasn't his body that was found—"
Mariin muna akong napapikit bago muling sinalubong ang mga mata niya. "He was with me, Akio. He
saved me. Magkasama kami sa isla. But..."

Muli kong nasapo ang bibig ko. "He was heavily wounded. H-He got it while saving me. Seiji Matsumoto
gave my second life, Akio..."

Before the pretty boy named Seiji Matsumoto took his last breath, we had a pinky-swear that I should
wait and think of happy thoughts, and he's still alive, shy, blushing, and falling in love with me.

Because the moment I chased him on the ship...

That was the beginning of my beautiful promise with him. The happy thoughts that kept me alive on the
island...

FLASHBACK

"You alright?" Akio asked me as he handled me a glass of champagne. His coat was already on my
shoulders.

"Yes..."

I thought I'd make myself lively once that we'd already boarded the cruise ship, but I suddenly felt
gloomy. Kahit na sa kaalamang wala naman media mula sa sarili naming bansa na maaaring tuluyang
sumira sa gabi ko.

I took a sip on my wine glass, and when I was about to place it back on the table, I felt strange, like
someone was staring at me. So, I looked around, until my eyes finally landed on that someone with the
most beautiful sleepy eyes.   
My heart leaped for a moment. It seemed like I startled him because he almost jumped on his seat. I was
about to give him my sweetest smile when he looked down on his phone with his face blushing
obviously.

He's cute.

"Who is he, Akio?"

I pointed the cute boy using my lips. Medyo malayo sa amin ang lamesa niya at ng mga kasamahan
niyang hapon, hindi ko rin siya napansin kanina nang dumating kami ni Akio, mas nakadalawang tingin
pa nga ako sa katabi niya, but his reaction and the way he stared at me, intrigued me, big time.

"Ryuu?"

Nasisiguro ko na iyong pinakagwapo sa lamesa ang binanggit ni Akio. But it's not him.

"Iyong nakatungo?"

His brows arched. "Si Seiji?"

"I think I like him."

He clicked his tongue. "I heard he's already engaged. And please, not with the Matsumoto's, mainit sa
gulo ang pamilya nila ngayon."

"Oh, why?"
"Business. Do you want me to explain?" nang-aasar na tanong niya sa akin.

I rolled my eyes. Alam niyang hindi ko gustong pag-usapan ang negosyo.

"It's fine. I give up."

Akio grinned. He glanced at Seiji Matsumoto's table before he shook his head. "Why the sudden change
of preference? Seiji's not your usual—"

"I like his eyes." I answered quickly.

"But we have the same eyes..."

"No. His eyes are screaming of innocence, Akio. I caught him staring at me, but I didn't feel weird at all."

"So, mine is—"

I rolled my eyes again. "Come on, Akio! What I mean is... he looks so pure and innocent. Iba ka kasing
tumitig, not that I felt weird. But your eyes can intimidate someone. Kahit ako... yours are beautifully
sharp, but his are beautiful mellow..."

Ngumuso sa akin si Akio. He even looked at me weirdly, because it's odd for me to describe a man like.

I spent the whole party staying next to Akio while he's busy talking with different Japanese businessmen.
Sometimes, they tend to get my attention and asked something about me, but Akio did not allow it to
extend until two to three questions.
Habang nanatili ako sa tabi ni Akio, hindi ko maiwasang mapasulyap kay Seiji Matsumoto. At hindi iilang
beses na nagtatama ang aming mga mata. I tried to smile at him, but it was him that immediately looked
away with his flustered face.

I couldn't help but giggle. He's really cute. Too bad, he's already engaged. But isn't bad to be friends with
him?

"Akio, I need to powder my nose."

Akio arched his brows. "Alright, my lady..." he bowed at me formally. I grinned at him.

I was about to get straight at the comfort room when I saw him again at the sides of my eye. Seiji
Matsumoto—the intriguing guy with his beautiful sleepy eyes.

Hindi na napansin na kusa nang humakbang ang mga paa ko patungo sa kanya. He's leaning on the
cruise ship's railing in the dark, isolated part of the deck, he's lazily standing in one leg, tousled hair
swirling with the wind, and his lips prodded while he's looking down at his phone.

I cleared my throat to get his attention. And there, he almost dropped his phone.

"Hey..." I smiled at him as I slipped the silly strand of my hair behind my ear.

Nangangatal pa iyong mga kamay niya nang itago niya sa bulsa niya iyong phone niya. His eyes were
hesitant to look back at me. My pace towards him got slower, because I could sense his tension.

He's literally blushing!

"Y-You're Akio's cousin, right?"


"Yes."

I thought he couldn't understand English, but he speaks so fluent and well. Saglit muli siyang sumulyap
sa akin bago agad iniwas ang kanyang mga mata. Dikit na dikit siya sa railing na parang nais na niyang
tumalon doon.

"Y-You're..." he glanced at me again. Pero sa pagkakataong iyon, mas mabilis niyang iniwas ang mga
mata niya sa akin.

He choked and then covered his lips. Hindi ko akalain na mas may ipupula pa ang mukha niya habang
lumalapit ako sa kanya.

"Y-You're beautiful..." he finally said it.

Mariin pa siyang napapikit na parang malalagutan siya ng hininga sa sandaling sabihin niya iyon sa akin.

I stopped walking and smiled at him. "Thank you, Mr. Matsumoto..."

Ilang beses na akong nakarinig ng iba't ibang papuri mula sa iba't ibang klase ng mga tao. From my fans,
fellow showbiz personalities, businessmen, relatives or friends. But his simple and hesitant admiration
for me made me feel so different.

Na parang iyong salitang 'beautiful' ay bago sa aking pandinig.

He's like a breath of fresh air.


Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "I am Sidra Everleigh Rosilla, but you may call me Eve. And you are?"
tanong ko kahit nakikilala ko na siya.

Tumitig siya ng ilang segundo sa kamay ko bago niya iyon abutin sa akin. His hand was so cold. Pero
iyong pamumula ng mukha niya ay hindi pa rin tumitigil.

I think he likes me... but he's already engaged. Agawin ko kaya?

I anticipated that he'd kiss the back of my hand, but he immediately pulled away. "Seiji Matsumoto."

The awkwardness overwhelmed between us. Lalo nan ang nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Alam
kong dapat ako ang magsimulang magsalita, he's a bit shy.

"So, are you enjoying the party?" I asked him.

"Ie..."

"I'm sorry?"

"I mean... yes." May kasama pang iling ang sagot niya. I thought Hai means yes? He's probably lying.

Nagsimula muli akong lumapit sa kanya. Until I reached the railing and I leaned on it. Tumanaw muna
ako sa kalawakan ng dagat at huminga ako nang malalim.

"I think I like you, Mr. Matsumoto..."


He choked. Napansin ko na ilang beses niyang tinapik iyong dibdib niya na parang nasamid siya.
"Kureiji!"

Napalingon ako sa kanya. "I'm sorry?"

Nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa akin. Hindi na yata natatanggal iyong pamumula ng
mukha niya.

I smiled at him again. Hinawi ko ang mahaba kong buhok bago ako muling tumanaw sa kalawakan ng
karagatan.

Umusod siya at nagbigay ng distansya sa pagitan namin, pero katulad ko ay nakatingin na rin siya sa
dagat. "Your eyes..."

I blinked. "My eyes?"

"You're sad..."

I laughed a little. "How could you notice that, Mr. Matsumoto?"

"I don't know."

Nang umusod ako papalapit sa kanya, umusod rin siya papalayo sa akin. Mas lumawak ang ngisi ko. "I
wish we've met sooner. It's a shame, you're already engaged..." I played my hair with my fingertips.

Muli siyang inubo, dahilan kung bakit mas lumawak ang ngisi ko. He's really cute.
"So, where is your fiancé?"

"I don't know." He said in flat tone.

Muling umarko ang kilay ko. I can smell something here...

"Is it arranged?"

He quickly glanced at me. Pinili niyang hindi sagutin ang katanungan ko. "So, it's still being practiced in
business world, then. A marriage in convenience. Too bad, right?"

Hindi pa rin siya sumasagot at nakatingin lang siya sa dagat.

"Arranged marriage is awful, right? Why? Instead of flirting with some sexy famous actress, you would
end up stepping away from her. Instead of sneaking inside one of the rooms here with her, you would
end up stiffly standing near the railing, firmly thinking about that business convenience..."

I said playfully. And when I finally looked back at him again, he's no longer leaning on the railings.
Instead, his hands were tightly gripping around it while looking at me.   

"You're crazy..." naiiling na sinabi niya hanggang sa matawa na kami sa isa't isa. "But so beautiful..."
habol niya na saglit na nagpatigil ng tawa ko.   

And my heart skipped in somersault when he handed me the small rose from his left chest. "D-Dance?"

"My please, Mr. Matsumoto..."


I thought we would end up talking happily together, but it was just the beginning of our blooming story,
like a bud of a rose, that I anticipate growing beautifully.

A bud of a rose—that didn't bloom at all.

Chapter 32 - Chapter 30

Chapter 30

Trapped

Flashback

"Do you think we'll create an issue right after this party, Mr. Matsumoto?" I asked him as he led me on
the dance floor. Numbers of eyes were now on us, with a mixture of confusion and amazement.

Of course, who wouldn't be? The plain-looking Seiji Matsumoto just invited the beautiful Everleigh for a
dance, or maybe the thing that surprised the crowd was the unusual character, even I didn't expect that
he'd given me his rosebud.

I glanced at Akio, looking stunned. I tried my best to hold my laughter. Parang kanina lang ay pinag-
uusapan namin si Seiji Matsumoto.

But now, here he is...

His hands were on my waist and mine on his shoulders. Though, he's still blushing like a fresh red
tomato.

"I don't think so... this place is secured from the media."
"What if your fiancé discovered that you asked a beautiful lady like me for a dance in her absence?" he
averted his eyes.

"Hmm...not a faithful fiancé we got here." I said playfully.

"A friendly dance will not create—" I cut him off.

"What if I get closer, then?" saglit nanlaki ang chinito niyang mga mata nang sa halip na nakahawak lang
sa balikat niya ang mga kamay ko ay ikinawit ko na iyon sa batok niya.

He's still blushing.

Lumawak ang ngisi ko sa kanya habang sinisilip ko ang mukha niya, bahagyang nakayuko ngunit wala sa
akin ang mga mata. Dapat ay malakas ang loob niya gayong siya itong nagyaya sa akin sumayaw. But it
looked like I forced him or something...

"You're cute. Do you want me to steal you away from her?"

Muli niyang ibinalik ang mga mata niya sa akin, saglit lang iyon pero nakita ko ang pagpipigil niyang hindi
mangiti. "Kureiji..."

"If you allowed me..."

Nagpatuloy kaming dalawa sa pagsasayaw sa kabila ng mga matang nakatitig sa amin. "Of course, you
will not agree, right? Your parents will cut off your inheritance, money, and all... typical consequence for
picking another girl."
"Indeed."

I laughed. "But you're not going to pick up just a random girl, Mr. Matsumoto. I am rich, sexy, and very
beautiful. You don't have to work. You can be my house husband..."

Iyong ngiti niya na kanina pang pinipigilan ay napalitan na ng marahang pagtawa. Halos hindi ako
makahinga sa paraan ng pagtawa niya na hindi na magawang ipakita ang kanyang mga mata.

Gosh, this Japanese is melting me...

"House husband..." bulong niya na parang hindi makapaniwala.

"Yes! I am planning to have ten beautiful babies."

Nanlaki muli ang chinito niyang mga mata. Ramdam ko na parang muntik pa siyang mawalan ng
panimbang na parang isa iyong malaking eskandalo sa kanya.

"Takusan..."

"I'm sorry, Mr. Matsumoto?"

"N-Nothing." Napailing siya bago ako nagpatuloy sa pagtitig at pagsasalita sa kanya.

"Ten beautiful babies..." ulit ko. Sinadya kong mas lumapit sa mukha niya, dahilan kung bakit naging
hinog na kamatis na naman siya.

Marahan kong inangat ang isang hintuturo ko. I gently tapped the tip of his nose. "With your eyes..."
Umawang ang bibig niya. Maybe this is the very first time that someone tried to flirt with him...

And his reactions are so pure and innocent. "You're crazy..."

Ngumiti ako sa kanya. "I am."

Akala ko ay tatagal pa ang pagsayaw namin ni Seiji Matsumoto, but Akio interrupted our wonderful
scene.

"May I steal the lady, Mr. Matsumoto?" agaw ni Akio. I rolled my eyes at him. Pinagkrus ko ang mga
braso ko habang saglit silang nag-usap ni Seiji sa lengguwaheng hindi ko maintindihan.

"Gomen..." ani ni Akio.

"Daijobu."    Sagot ni Seiji.

Hindi na niya ako nilingon pabalik at naglakad na siya papalayo sa akin. I sighed. Wala pa kami sa kalahati
ng pag-uusap namin!

Nang humarap na sa akin si Akio, mabilis niyang hinapit ang bewang ko. I awkwardly smiled at him as
the veins on his forehead started to prod in annoyance.

"Hey, Akio my handsome cousin—"

"I warned you. Bakit ang tigas ng ulo mo?"


"Of course, I am your Everleigh. That isn't me if I will just follow your—"

"Idiot."

"But beautiful...?"

"Nah."

"W-What's 'nah'? What?"

Akio chuckled. "Pick someone else. I advise you not to pick a Japanese. Kuripot sila. I swear. He will
never spoil your collections."

Hinampas ko ang balikat niya Akio. "Come on! Matagal ko nang alam. I learned it from you. Kuripot."

"W-What?"

"Yeah..."

Sa huli nakalimutan din ni Akio ang hindi ko pagsunod sa kanya. Ganoon naman kasi ang pinsan ko,
madalas niya akong pagalitan at punahin sa maraming bagay, pero sa huli siya rin naman ang unang
lalambot sa akin.

I love Akio. He's my only family.

Nang bumalik na kami sa lamesa, hindi na muli kami nakapag-usap ng pinsan ko. Another batch of
Japanese businessmen got his attention that made me slip away from him.
This time I literally go straight to the ladies' room. I was inside the cubicle when my phone rang. I
opened my pouch and immediately turned off my phone when I saw that it was my manager. I even
turned it in silent mode.

Ibabalik ko na sana sa pouch ko iyong phone ko nang may narinig akong pumasok. Loud noise of heels
overwhelmed the floor. Dapat hindi ko na naman iyon papansin at lalabas na ako pero tila may nagtulak
sa akin manatili sa pwesto ko.

"He's fucking protected!" the female voice hissed.

Kumunot ang noo ko habang walang tigil sa pag-iingay ang heels niya, ngunit mas lalo akong ginapangan
ng kaba nang may narinig akong click sa pintuan.

Fuck! I am trapped!

Bigla akong nangatal sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. But I could feel the
urgency to hide. Dahil sa sandaling malaman ng babae na may tao rito bukod sa kanya...

I carefully covered the lid of the toilet bowl and gently sat on it. I bit my lower lip as I started to remove
my high heels before I slowly pulled my legs upward to hide my feet from her easy eyes.

Pigil ang hininga ko habang ginagawa ko iyon at pinakikinggan ang mga salita niya. This woman isn't
Japanese, but one of the guests!

And I could recognize her damn heels! Dahil iyon talaga ang napansin ko sa kanya kaysa sa mukha niya.
Siya iyong babaeng matalim ang tingin sa amin ni Seiji kanina!
"Y-Yes! I know! That was a good opportunity but we should stop! That woman? She has a great
influence in media! We can make everything look like an accident, but when the media starts to
meddle...all attentions will be our damn enemy! Damn that Matsumoto and his luck."

Muntik ko nang nabitawan ang mga sapatos ko nang marinig iyon. Someone wanted to hurt him...

That soft and innocent boy... Oh, God.

Biglang bumalik sa alaala ko ang sinabi sa akin ni Akio. Sinabi niyang mainit sa gulo ang mga Matsumoto
ngayon.

"When is the time?" she asked.

Nangangatal kong binuksan ang phone ko. I tried to record all her conversation. Kung hindi man ako
makalabas ngayon sa cubicle na ito, alam kong may kaunti akong nagawa para tumulong.

I could save this to my website... if they're afraid of my influence and then, I'll use it against them. Soon,
Akio will discover it or someone from my team...

"Alright. I know... I know. He's dead before this day ends, and the blame will be on that genius young
businessman, a dear friend that betrayed him. The friend that took his revenge for stealing his girlfriend.
What is his name again? Akio—"

Umawang ang bibig ko. What does it mean?

Seiji's fiancé was Akio's...

That explains how Akio's reactions quite different about Seiji being engaged. Nangatal na ang mga
kamay ko.     
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Hindi lang nila balak patayin si Seiji! They are planning to set this
up for my only family—Akio.

Tuluyan ko nang nabitawan ang phone ko.

"Shit!" narinig kong usal ng babae.

Natigil siya sa pakikipag-usap sa phone niya at nagsimula nang lumapit ang mga takong niya patungo sa
dulong cubicle. Napasiksik ako sa sulok habang hindi alam ang gagawin.

I heard clutters. I bit my lower lip. May kinukuha siya sa loob ng bag niya...

Nakasunod ang mga mata ko sa mga paa niyang papalapit sa akin. I know that she could see my phone
on the floor, with an open screen of voice recording.

"Come out."

Napalunok ako. Hindi ko man nakikita ang kabuuan niya sa likuran ng pintuan, nasisiguro kong may
nakatutok na sa aking baril.

"I said fucking come out!"

Kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagkatok sa pintuan, hanggang sa bigla na lang namatay ang ilaw.

I was scared and desperate, but I still want to live my life. Kaya buong tapang kong marahas na itinulak
ang pintuan ng cubicle, dahilan kung bakit marahas iyong tumama sa katawan ng babae at nagpabalya
sa kanya.
I grabbed my only light—my phone.

Lakad takbo ako para lang makalabas ng banyo, hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Mahina
lang iyon pero alam kong baril iyon! She has a silencer!

I turned off my phone, and I ran as fast as I could in the sea of chaos. Dahil hindi lang ang loob ng banyo
ng babae ang walang ilaw, ang buong cruise ship. May umuusok at nagsisimulang lumaking sunog.

Nagkakagulo na ang mga tao.

Where's Akio?

How about Seiji Matsumoto?

"Y-You bitch!"

Nang sandaling lumingon ako pabalik, nakita ko kung paano nagulat ang babae na ang babeng nais niya
palang patayin ay ang iniiwasan nilang madadamay sa kanilang mga plano.

"Fuck!" usal niya.

Pansin ko ang nahihirapan niyang paghabol sa akin dahil sa paa niya. So, I ran... I ran away from her to
save my life while tightly clutching my phone—the evidence.

Mga taong nagkakagulo, mga lamesa, upuan, iba't ibang dekorasyon ang isa-isang tumatama sa katawan
ko. But I didn't mind... I need to see someone. Kailan na naming umuwi ni Akio... I will save him in this
insanely cruise ship.
Ang kanya-kanyang mundo ang mga tao ngayon dito sa barko. They are all desperate to save their own
lives. Sa barkong nagsisimula nang matupok at lumubog.

Para na akong baliw sa pagtakbo at paglinga sa paligid. Hindi ko makita si Akio... alam kong katulad ko ay
hinahanap niya rin ako.

He will look for me and save me. Katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa sa paglipas ng panahon.

"Akio!" I called him with tears in my eyes.

"Akio..."

Nagtatakbuhan na ang mga tao, nagkakabanggaan na at ang karamihan sa kanila ay nagkakasakitan niya.

All I did was to crawl under the table with my whole body shaking in fear...

Hindi ko alam kung magagawa kong mabuhay sa trahedyang ito, ngunit sisiguraduhin kong magkakaroon
ng katotohan ang lahat magawa man nilang palubugin ang barkong ito.

I saved all the records on my website. I secured it and shared it on my private accounts.    Alam kong
kahit may impluwensiya sila at higit na kakayahan para matanggal ito, sa sandaling isang beses ko lang
itong inilabas, kakampi ko na ang buong media.

A friend or a foe... yes. But I am willing to take the risk. I maybe an actress, a broken lady with her
pasts... but I can always act rational.
Nang muling gumalaw ang barko, kusa nang tumilapon ang lamesa at ang katawan ko. I doubled my
effort and get back on my feet. Ngunit ilang segundo pa lang akong nakakatayo ay nakita ko na naman
ang babaeng humahabol sa akin.

This time she was desperate. Dahil nakalabas na ang baril niya at hantaran niya na akong binabaril.
Siguro dahil alam niyang wala na rin pakialam ang mga tao sa amin.

I ran again... ran... walang tigil, hanggang sa unti-unti akong manghina at maaninaw siya.

Katulad ko'y tumatakbo rin siya habang may nakasunud sa kanya at may hawak ding baril. Seiji
Matsumoto— the soft and innocent prince.

"H-Hey..." sabay naming sambit.

Hindi na namin kailangan pang sundan ang iisang salitang iyon, dahil kapwa tumalon sa tubig habang
habol ng sunud-sunod na putok ng baril.

All I did was to feel his frail arms around me.

End of flashback

***

"Mr. Matsumoto, still there?"

I looked back at the writer in front of me. Should I push this through?
I stared at her beautiful portrait. My beautiful angel with wings in her silk golden satin dress, hair flowing
with the wind, and her smile that took my breath away...

My Ibu...

I unknowingly clutched my chest. It still hurts, bebe...

"Do you want me to write your point of view before you died?"

I smiled. "Yes..."

"Write everything I say..." she nodded.

"You do really love her, Mr. Matsumoto."

"Always... I've been trapped the moment I laid my eyes on her. I wish to be trapped with her again on
that island..."

"But I think you're still trapped, sir..."

"I never wanted an escape... she can trap me forever."

Chapter 33 - Epilogue

Thank you for loving our cute couple! I am planning to have a trilogy for this. LOL. But let's get back to
Gazellian Series muna ulit! Haha! Happy reading!
Epilogue

"Eigo o benkyo shimasu." Otosan o mimashita. Konran shite iru.

"Nande?"

"Firipin no kaisha shibu o kantoku suru."

Chotto tachidomatta. Soshite, watashi wa koi shimashita.

"Hai, wakatta."

***

"Mr. Matsumoto?" the writer smiled at me again. But I could notice that she's starting to get annoyed
with me.

I can't help but continuously pause. Will this work?

"H-Hai, hai... gomen..."


She clicked her pen thrice before she looked down at her notes.

"Let me ask you something, Mr. Matsumoto. I am a bit confused... can you understand English or
Tagalog from the very start of the story?"

"A bit... just Eigo. I mean, English. Before the party my father asked me to study English."

"Oh... so you did understand her?"

"Some? My be—I mean... Ibu talks really fast..."

She arched her brows. "This is interesting... so did you ever get any of her silliness, like—" I cut her off.

"D-Don't mention it." I covered my lips and looked away.

I like Ibu being silly, the way she giggles, purses or bites her lips, rolls her eyes, or even tries to slap my
arms out of nowhere. Even though it always hurts.

I unconsciously massaged my right arms, her favorite spot to hit when she suddenly giggles.

It took me a minute before I finally dared to look back at the writer. I knew that she could clearly see
how my face turned red.

"Alright. This is going to be exciting, Mr. Matsumoto."

"I am counting on you, Miss Hope."


She's about to stand when I extended my hand for a handshake, and she accepted it.   

"D-Do you think it will work?" I asked her hesitantly.

She smiled at me again, but this time it was genuine. "From the story that you've mentioned and up
until now... you really grow a lot, Mr. Matsumoto. I even thought that the Seiji from the story is not
you..."

"I want to grow for her." I quickly answered.

I spent two years away from her, studying two different languages. English and Tagalog. Though I am still
not fluent, I am now far different from before.

"Don't worry. I will try my best. All I need is to surpass her bitter version, right?"

"H-Hai... I mean... yes..." I awkwardly scratch my head.

"If hindi ka pa rin niya binalikan after the book release, I am single, Mr. Matsumoto..."

I blinked. "Na ni?"

"Kidding. Let's see each other after one month."

"Oh... thank you."

And then, the writer exited my office. I scratched my head and looked outside the window. "Ibu..."
There are two different versions of our story, mine and hers. In her version, I died in her arms and
considered everything as her illusion. We never had a happy ending.

I knew that it was her way of healing, forgetting about me and everything that happened on the island. I
hurt her. I made her cry, and I didn't keep my promise.   

That's why she killed me... and made me her illusion.

***

(This is the translated version. Would you like the Japanese one? LOL).

"Isn't she beautiful?" Ryuu-san whisper to Hisato.

"Yes..."

Hisato elbowed my ribcage. I almost dropped my phone. My hero will die. "Seiji, look at her. Akio's
cousin is very—"

"Urusai."

"Come on... just glance at her."

"I am busy."

My fingers continued to tap the screen as the life of my hero's started to die. But Hisato didn't let me
focus on my second game, and he forcibly pulled my head in her direction.
And then our eyes locked.

A-Angel...

I tightly gripped my phone and immediately averted my eyes away from her. I slapped Hisato's hand,
and I unknowingly tapped my fingers without any games viewing on the screen.

I couldn't breathe well. W-why is she looking at me?

"Look! Seiji is damn blushing!" Ryuu-san announced.

"Urusai!"

Since my friends started to tease me, I picked the best place to continue my mobile game. I went to the
darker side of the deck. And just when I am about to hit my victory—I suddenly sensed her presence.

I glanced at her in a second, and my hero died again. Why is she here?

"Wow!" she blurted out. I could feel the annoyance from her voice.

I was about to pretend not to notice her when the wind suddenly blew strongly. A-And she...

"Ouch!"

She fell. I didn't know what to do. She made me feel so anxious.
I stopped faking my attention on my phone, and when our eyes collided again, I immediately averted it.
And I did the thing that could save my life—the thing that allowed me to breathe freely.

I ran away from her.

Why is this angel following me?

I thought everything would end there, but it was just the beginning. My breathing didn't settle the
moment she sat with us clad with her translator cousin, Akio.

"Watashi no Jumei. Namae wa Sidara Iburulei yumei joyu..."

She's a famous actress, that's why...

I pretended on my phone again, but I was all ears in all their conversation.

"And Seiji san..."

I hesitantly looked up at her and nodded shortly. My friends talked with her as Akio translated their
conversation. I tried my best to ignore their presence, but the weird girl made me stop with my mobile
game for a moment.   

"Ryuu san, excuse me?" she said.

"Sumimasen?" Ryuu answered.


"Does he have a girlfriend?"

Garufurendo?

"Seiji, girlfriend have?" she repeated.

For the fourth time, my mobile hero character died. I didn't plan to look back at her again, but I noticed
that Ryuu's pointing at me.

"Nai. Seiji wa dokushin..."

And that didn't hide my embarrassment as I could feel the intense heat on my face. Why...

"Urusai..." I hissed at Ryuu, but he just grinned at me.

When I glanced at her, and she smiled sweetly at me, I diverted my eyes again. I think this weird angel is
making fun of me...

***

When she purposely leaned her head on my shoulder, I immediately stood and look around for a place
to escape. There is no way that I would get her attention. She is just playing...

I calmed myself back on the darker side of the deck, played more mobile games, until I heard another
footstep. It was her again.

The weird angel who wanted to play with me.


"Hi...?"

"N-Nande...?"

"What? Anong nande?"

My brows creased. She started to speak foreign to me with her weird actions, curling the tips of hair
using her forefinger, stomping her foot, and glancing at me with her giggles.

I gasped. "K-Kureiji..."

I tried to look for another escape, but she already trapped me. "Seiji, friends muna. I want legs, not on
my ears... ikaw gusto mo agad sa taas tumikim..."

"Na ni?"

"EVERLEIGH!"

He saved me. Thanks, Akio. When I glanced at her again, I saw the disappointment on her face, but
when she was about to step towards her cousin, an explosion overwhelmed the whole cruise ship.

And suddenly, a ship made of wonders became an instant nightmare.

"Eve!" Akio called her.


She was about to run to her cousin when she looked back at me again and extended her hand. Wrong
move, Miss Angel...

I could feel that this isn't just a simple accident. She can't be with me. I slapped her hand, and I made
her feel so offended. I want her to stay away from me as long as she still has time to save her life.

But the intensity of the explosion made me stumble, which turned me hanging dangerously at the railing
of the deck. I was confident that I'd save myself, but my life wasn't that easy...

Because the weird angel was also hanging in the railing with her consistent blabbering. No way.

"Oh, my gosh! I'll die, Akio!"

When I tried to look at Akio to ask his help, my hands around the railing tightened. He's unconscious.

"Urusai... urusai... urusai..." I chanted as I tried to come near her. She tried to struggle, but the second
explosion of the cruise ship made our grips lose.

And all I did was to secure her safety in my fragile arms.

***

I woke up before her. I hesitantly crawled near her to check on her, and when I realized that she wasn't
breathing, I panicked.

And I did what I should have to do...


I shared my air with her through my lips—CPR.

And when I noticed that she's returning to life, I immediately put distance between us. I pretended to
look at the sea with my heartbeat drumming fast on my ribcage.

It was just a CPR, Seiji. You wanted to save the weird angel...

You shouldn't feel embarrassed.

When she slowly moving and sitting on her place, her gaze turned to look at me. Our eyes met for a
moment because I averted it right away. I will not tell her what I did... she might...

From now on, it's a secret.

"H-How dare you!?"

I didn't answer her. It was English and I can't understand. She talks fast.

"Where are we? How about the others? Did you save me?"

I quickly glanced at her but hastily pulled it back to the sea.

"Can't you fucking talk?!"

I don't have a choice but to force my poor English. I heard the word talk, she's trying to push me to talk
with her.
I shook my head. "No... talk."

That's when she realized that I was the same Japanese on the cruise ship that can't speak with her. I
heard endless blabbering from her that I don't understand.

She looked troubled as she looked at me. There was only one word that escape my lips. "Kureiji..."

That's the beginning of how I started to love the word kureiji, because when I think of that word,
everything flashbacked at me—all her beautiful craziness that made me fall hard for her.

Ibu in her gold dress, Ibu with her long flowing hair, Ibu and her lots of kisses, Ibu and her hugs, Ibu and
her giggles... bebe...

Every night, when she's peacefully asleep, I wake up and sit outside our tent. I keep whispering her full
name, so when she asked me to call her name again, I can give it to her straight without twisting my
tongue.

I held both of my hands, with my fingers spread apart to count the times I had attempted to pronounce
her name.

"Sidara Ibururei..." I shook my head. I folded my left pinky finger.

"Sidara Ibururei..."

"Si da ra..."

"Si dara..."
I shook my head again. "S-Si...dara..."

"S-Si...da...ra..."

Until I reached my ninth finger. "Shi...dra..."

I shook my head for the fourth time. "S-Si...dra!"

I almost jumped on my seat. "Sidra... sidra...sidra..."

I spent two nights to pronounce her first name well, but it took me four days for her second name. I was
happily walking back inside our tent as I continuously utter her full name in a whisper. I laid beside her,
but I kept our distance. She was beautifully sleeping with a soft smile on her lips.

When I first saw her, I thought she was an angel, but as I spent my days with her here on this island, I
just realized that I had a goddess with me. I thought I'd just admire those cute anime characters. I never
took any interest in real-life girls. Female mobile characters, anime, and manga girls are better.

But kureiji... made me want a real-life girl—her.

I crossed the distance between us, and a softly whisper in her beautiful face the reason of my late
morning wake ups. "Sidra Everleigh..."

When I first made her cry, my heart felt so weird—that I wanted to stab it to stop the pain. All I want for
her is to smile, laugh, giggle...

I am always shy, hesitant and no confidence at all. If the world will allow me or even my status, I just
want to spend my life alone, away from the eyes of the people, attention and all. But Ibu made me come
out of my shell...
She made me look in another version of light—her. That I don't need to hide myself too much, distance
myself away from the people, and explore.

I wished that I should have studied English sooner, so I can comfort her when she cries, hurt, scared...

Our language barrier is so frustrating that every time she talks to me with real tears and fake laugher, all
I did was to stare at her—with no words at all.

I also wished for her to understand my beautiful language, so that I can tell her every beautiful word
that suits her.    That me-- Seiji Matsumoto, who hates speaking too much, will dig, discover or invent
lots of Japanese words that will shower her praises...and lots of ways to tell her how much I like her.

I love her, and I am starting to get scared. What if she realized that we aren't really fit together when we
survived the island? What if someone fell in love with her with a good body? What if she realized that
our language barrier is too tough for us? What if she wants a Filipino than a Japanese like me?

What if she wants a man with too much confidence than a shy type like me? What if she realized that I
am not really handsome...?

Because my Ibu... my Ibu is very beautiful for me.

"Itai..." I complained.

She's behind my back again, clinging her body and keeps whispering into my ears with her bebe. I
couldn't help but blush when she did that to me. All I did was to look down.

I am shamefully shy.
"Hansamu bebe ko..."

"Ie..." I shook my head.

"Who told you!? You are handsome!"

"Ie..."

"You are! Hansamu bebe ko... I love you..." Then she will shower me kisses on my face.

I will always force not to smile, but she will notice it right away. I will look down, but she will cup my face
to look straight in her eyes. She will continue to whisper the word bebe...

I will blush and it will make her giggle. And my heart will explode because she's so beautiful when she
did that. She is so beautiful... so beautiful... beautiful... beautiful, bebe...

I averted her eyes, and hid my face behind my knees to cover my embarrassment. I love this girl...
totemo...

I felt her embrace from my face as she continued to play with me with her silly whispers. But little did
she know, I was wishing...

Dearest Kamisama, I have one wish in this lifetime—her.

Let me have this girl, please... I will forever love her.

***
I thought the day would end nicely like yesterday. We laughed together, ate, hugged, and even kissed. I
was really happy, and I think it was really unfair for her that I silently prayed that our days inside this
island would last longer...

The fruits were all packed. I was ready to go when I felt and heard something that made me so nervous.
When I looked down, it was too late for me to run.

My world started to crumble when I felt a sudden stung on my leg. A snake!

And I know how a snake's bite can be fatal, that's why I hid it from Ibu. I don't want her to get worried. I
want her to be always happy and smiling. But I couldn't just hide it easily as the effect started to affect
my whole system...

I felt how scared, sad, and desperate she was, and it's a shame that I made her feel like that. I want to
embrace her and make her feel better, that I can still surpass this, but my whole body was betraying me.

The poison was too strong for me to endure. I could feel my intense weakness. I couldn't even hear her
voice well... it breaks my heart.

We're in trouble.

When Ibu left the tent, I knew that she was crying. I wanted to follow her, lie to her that I was still well,
and everything will be alright by tomorrow. But I couldn't just give her an obvious lie...

This poison might...

Right when I was about to close my eyes, I heard Ibu shouting from the top of her lungs. I pulled the last
strength I had that time to look at her, and a sudden relief crept into me when I saw somebody else.
We're finally saved.

I thought we would exit the island together, but my situation made it worst. Ibu, my bebe... pushed me
and said everything that would convince me to leave her behind.

The man translated all her words. It was like a newly sharped knife. It hurts.

"H-Hai... wakatta..."

"Go..." she whispered to me.

"Ibu..."

"Go..." she softly said.

When she tiptoed and kissed the different parts of my face, I suddenly had an urge to cry. What's with
her kisses right now?

"Mahal kita, bebe... go..."

I followed the couple and allowed them to guide me on their speedboat, but my gaze never left her. And
right after, I was already sitting on the boat— I couldn't help but jump off it and ran towards Ibu and
kissed her desperately.

I want to make her feel that I love her so much, I don't want her to feel abandoned, and the only thing
that convinced me to leave the island behind her was my will to survive.
Dearest Kamisama, you will still give her to me, right? I will survive this poison. I will study English and
Tagalog, and I will do everything for her to only look at me. Even though I was just an outcast Japanese
and she's a super beautiful actress.

"Aishiteru, Eve..."

"Onaji, Seiji... now go."

For the second time, I allowed the couple to guide me back to the speedboat.

"See you later, bebe..." Ibu forced her beautiful smile at me as she waved at me playfully.

And I didn't know that it was her last words for me because that was the last day that I saw her beautiful
smiling back at me.   

***

When I opened my eyes, the first word that came from my mouth was her name. Eve. I immediately sat
down on my bed. My mother and father approached me and even saw some of my friends were
present, sitting perfectly on the couch.

"Okasan..."

She was in tears when she hugged me. "Otosan..." he nodded at me.

"Eve..."
My mother removed her arms around me, she looked at me hesitantly. "Where is she? She's the girl in
the island... she was with me. She allowed me to go—" but my words were cut off when the couple that
saved me entered my hospital room.

I saw how they bowed at my parents in recognition, somewhat like—

"Your people." I said in statement.

I took a deep breath. I may be anti-social, and I only speak when needed, but I am no dumb. My parents,
our family, the power we have is too influential that it was impossible for them not to discover my
whereabouts.

"What happened that night?"

"You were the target, Seiji." I nodded. I wasn't surprised.

"Is it fine now?" I asked but I could see in their faces that we're still in the mess. Ibu...

"So, my trap in the island, the tents... everything..." my parents nodded.

"In Japan, you're already announced dead. We led the enemies to celebrate for their fake success while
we keep you safe on the island." My mother explained.

I had lots of questions to ask but my next question really bothered me.

"Were we filmed?"
I heard Ryuu chuckled. But that didn't make me feel comfortable. I saw Ibu when she was...

"N-No way..." I looked at my mother. She couldn't tell me that everything was filmed. I saw Ibu's...

I blushed in instant. How to say this...?

Ryuu chuckled again.

"Idiot. The camera is inside the tent. This girl cut everything when your girlfriend is trying to change her
dresses... but we saw the other things... such a lucky guy we got here, right? By the way, I was the one
who picked the items."

My eyes burned at him. This idiot...

"My little boy is in love..." my mother said in teary eyes again. I scratched my hair and looked away. My
father tapped my shoulder.

"I thought you'd forever bury yourself with manga girls, son. She's very pretty."

I prodded my lips. "Hai... totemo..."

"You stole her away from me! I want her first, Seiji!"

"Urusai!"
"But you can't have her yet, son. It's not good to involve her with our complex family business right now.
Especially her past and the hardship that she had been through—"

"W-what? Y-You—" my mother held my hand.

"We want the best for you, Seiji. Yes, she's very pretty... but she should be clean and perfect for you, so
we had her background--" I cut her off.

"But I love her. I want her."

All of them were surprised. It was the first time that I looked straight at them and asked something I
wanted. All these years, I exist as their perfect son. I followed all their orders, I did everything that they
wanted and I never gave them a problem. I allowed them to handle my world.

But Ibu made me ask something... made me wish, made me feel the desperation...

"I love her so much... and I don't care about her background." When we were on the island, she shared
something with me. I wasn't really sure about it, but I could feel that it had something from her past,
career... her life.

"C-Calm down, son... we like her for you."

"I want to see her. I want to go to Philippines—"

They shook their heads. "It is still dangerous for you, Seiji... for her."

My mouth hung open. "But I promised her!"


"Seiji, calm down. You know what they are capable of... if they passed the security on that cruise ship,
what more in the Philippines? We don't have people there to protect her if they discovered that she's
your..." he grinned. "Bebe?"

"At least, allow me to contact her."

But even that was impossible because of my parents' initial plan. They don't want to know the world
that Ibu and I had spent our three weeks together on that island. Our people already communicated
with her manager to feed Ibu her crafted story—that she was trapped alone on that island.

"But that would make her feel abandoned—" I tried my best to complain with my parents' initial plan. I
don't want to hurt Eve. But I couldn't just claim her...

I couldn't just announce to the world that we had a beautiful adventure together.

"It's for her safety, son."

I cupped my face as I looked down at my blanket. "When this mess will over? Will it take months, years?
What if she falls in love with someone else..."

I was on the verged of breakdown when the door opened. It was Tadashi Matsumoto, my cousin that
started living in the Philippines.

"She can't. I will help you, Seiji."

***

"A-Are you sure with this, Tadashi?"


In Japan news, I am still missing or, much say, dead. My parents allowed it in the meantime, but that
does not mean that our security around us will weaken. Maybe it wasn't noticeable, but Tadashi and I
were still heavily guarded.

I scratched my right arm. "There is something in their air... it made me uncomfortable."

Tadashi chuckled. "I had my allergy before during my first months here in Philippines. The air here is...
never mind."

"We're going to my hometown, Enamel. I think we need to ask my friends' help." I nodded.

We arrived at his house for a few hours from the airport. I sat awkwardly on his couch as my eyes
wandered around his home, too different from a Japanese design.

The maid prepared for our drinks. "Hala ka! Sobrang pogi rin ng pinsan mo, Tadashi!"

Tadashi nodded. I blinked. "You can understand her?"

"Some words... pogi means handsome."

I forced not to smile. I already heard it from Ibu. "Arigatou..."

It only took half an hour before I heard series of car engines. "They're here..." I stood immediately for
formal greeting.

"Oh, it's okay, Seiji! We don't do bow here."


So, I sat back on my seat. To ease the tension and nervous, I focused myself on the mango juice. It was
nice.

"Alright! Madadagdagan na naman ang samahan ng mga binatang hindi marunong humawak sa hita ng
babae!" someone said happily.

I never turned my head and just patiently waited for them.    And when all the male voices appeared in
front of my eyes, I suddenly felt intimidated. How come Tadashi has these tons of friends?

"Underage na naman ba ang bagong recruit me, Troy?"    someone said while looking at me keenly. I
don't know how to react.

I can't understand them.

"Hi, I am Troy Ferell." The man with a diamond earring held his hand. I accepted it.

"Seiji Matsumoto."

"Tadashi... you told us that he needs a help?" he looked at my cousin.

"Yes. About his girlfriend..."

Tadashi was about to tell them my problem with Ibu when the maid arrived with foods on her tray. The
attention diverted to her.

"Bakit hindi muna kayo kumain mga hijo?"


"Thanks, Manang!" they answered in chorus.

"Let's talk about it later, my friend." Troy tapped my shoulder. Another man held his hand for me.
"Triton."

And then it followed. I couldn't even count them and remember their names.

"Hey, have you heard the news? Sidra Everleigh will have her comeback! I'll attend her concert. I am
Langston Samonte her favorite fan here!"

I heard my bebe's name... maybe Tadashi mentioned her already?

"You sure? Keaton told me that you made advances on her. Rejected ka daw, ah?"

"Fuck off, Aldus!"

"Don't forget my best friend here, Troy asked her for a date. Rejected rin. Saklap. Tinawanan lang siya ni
Akio."

"What the hell, Triton! Hindi ka rin naman pinansin ni Sidra!"

"What? Sidra and I are friends. Nagsimula lang siyang maasar sa akin dahil sa 'yo."

"Don't forget Owen, nagpapansin din iyan kay Sidra. Inirapan lang..."
And then they all laughed. "White and I tried to ask her number, sinabi namin na si pinapakuha ni Belo,
tumawag ng guards! Stalker daw kami."

"Even the Olbes cousins tried to get her attention, 'di rin sila type."

"Si Kairo rin. Nagpadala ng flowers dalawang beses. Hindi rin pinansin."

"Fuck off, Owen!"

"Siguro ibang lahi type no'n, mga half-american na namumutok ang katawan. Iyon ang mga tipo siguro
ng mga sobrang ganda at sexy na katulad niya..." said Troy.

Tadashi's already scratching his head. What's going on?

"Probably. British... Irish, you name it. Foreigner minsan ang nakakatuluyan ng gano'n kagandang
babae... goodness! She's the showbiz goddess after all! Kukuha bai yon ng patpatin? Sa atin nga
nahihinaan pa..."

"Mga Everleinatics..." someone said with his head shaking.

"I got light sticks for her concert. Wanna come, boys?" said Troy.

Tadashi cleared his throat in purpose. "Actually..." he trailed of.

Finally, he got everyone's attention. "You're not familiar with Sidra Everleigh, Tadashi?"
But my cousin awkwardly smiled. "Hmm... actually..." he glanced at me. "Sidra Everleigh is my cousin's
Seiji's girlfriend."

All of their mouths hung open, someone spilled his drinks, widened his eyes, and one was about to
collapse with the news. They were all looked surprised.

I awkwardly sipped my mango juice.

And in an instant, the whole living suddenly filled with loud laughter.

"Everleinatics din pala ang pinsan mo, Tadashi! It's okay! Sidra Everleigh is every man's dream!" Troy
said.

Tadashi grimaced.

"He's interesting... pwede na talaga siya sa samahan. Ganda taste mo sa babae, p're! Everleigh!
Girlfriend!"

"He's funny! I like your cousin already! Pero walang agawan, Seiji! Fanatic na 'ko ni Sidra hindi pa siya
sikat. Ako sasagutin no'n!"

"I like his imagination!"

"Wow! Biruin mo. He looked so innocent, pero ang gusto mga katulad ni Sidra... nice taste you got there,
bro..." someone winked at me.

"Troy, Triton.... Everyone..." Tadashi looked at them seriously.


Slowly, the smile and laughter to their faces started to fade.   

"I am not kidding. Everleigh was not alone on that island. She was with my cousin, Seiji..."

All of the drinks were spilled on the carpet. Someone almost fell off his seat, fanned himself with his
hand, blinked a lot of times, mouth wide opened and eyes full of disbelief.

"Sidra Everleigh chased him until he fell in love with her."

"CHASED HIM!?" they all stood on their seats.

"Yes," Tadashi answered seriously. "My cousin does not have any interest in women, but Everleigh made
desperate moves for him to fall in love."

"DESPERATE MOVES?!"

Someone immediately approached Troy with eyes of disbelief at me.

"Tang ina, gago iyan, Troy! Sinasabi ko na sa 'yo! Ipa-deport na natin iyang mga hapon na iyan sa bansa
nila! Threat ang mga iyan sa atin! Have you heard the rumors? May nagpapansin dyan kay Tadashi na
Miss Universe! Hindi nagsasabi!"

"Oh..." Tadashi lowered his head. He scratched his cheek. He's blushing.

"What the hell..."


The whole group looked at us, scandalized. Tadashi and I awkwardly looked at each other. What's going
on? What's with their reaction?

Tadashi sighed.

"What I am saying... don't try to make advances to Miss Everleigh because she is already my cousin's
girlfriend. The actress is too in love with him aside from that... aasa lang kayo."

"TOO IN LOVE?!"

"Eve... mine." I finally said with my face burning.

I thought everyone would faint by my words.

"Tang ina, gano'n lang salitaan? Tapos Sidra Everleigh girlfriend?! Chased him, desperate moves, too in
love?! Tingnan mo naman ang mga buhok ng mga hapon na iyan, Troy! Hindi mga nag-shampoo! Mga
mukhang underage pero Miss Universe at pinakamagandang artista sa buong Pilipinas? Wow! Wow...
wow..."

"They are threats..."

That was when I've met Tadashi and his funny friends in the Philippines. And they promised that they
will never allow a man come near my Ibu as long as I joined their group, which I happily obliged.

That day I signed as an official member of their group with a long name. Samahan ng mga binatang hindi
marunong humawak sa hita ng babae.

I asked Tadashi the meaning, I just nodded. I don't really hold female's thigh...
But Tadashi shook his head. "It's the opposite. Soon you'll discover. So, everything alright?"

"Hai... arigatou, Tadashi."

"Always, cousin."

***

It took almost two years before my family settled everything. It's too long, but I assured that it's all
worth it. Though we're apart for those years, I never stopped thinking of her and let myself be
motivated with the thought that I'll be with her again.

I studied a lot. Every day.

"Two years is too long, I think... but the problem about the business was already resolved within a year,
right? What stopped you from—"

"I am not confident yet, Tadashi..."

How will I approach her that time with my limited words? I want to meet her again without the barrier
between us, and everything I wanted to say will come out from my lips.

I want her to be proud of me. After that tragedy, her name started to grow again— the attention and
praises she deserved. I don't want her to announce that the beautiful goddess, Sidra Everleigh has a
boyfriend, an heir of a big Japanese company. I only had the name before which was not suited for a
well-accomplished woman like her.
"But look what happened today... she's moving on, Seiji!"

Tadashi threw a book on my table. "You should read it! It was a book inspired by her. The struggles she
had on the island... and made her imagined an innocent Japanese... she stated everything, Seiji or the
writer was too good to add some spice! The book is now phenomenon! Parang magkakaroon na rin ng
movie! You should read the ending..."

And I read it. She changed the beginning and the ending of our story. She killed me. She's now ready to
let me go...

This time it was me who made the desperate move. I hired a good writer in the Philippines and asked
her to writer my version, my real version of our adventure—that I survived, grew for her and now
confident to claim her again.

Her feelings for me might not be the same before, but this time... I'll be the one to chase her and get her
attention.   

"Ang bait ni Seiji. If it's me... I will not hire a writer. I'll just pay people and kidnap Sidra and beg..." Troy
said.

"Mukha ka nang kidnap, Troy." Triton commented.

"Do you think it's better?" I asked hesitantly. All of their heads swirled at me in disbelief.

"Dalawa lang ang pwedeng mangyari, Seiji. If she's still in love with you... you'll receive a kiss from her,
but if she's totally healed from you... kulong tayong lahat. Kami na ki-kidnap! Boys! Let's do it!"

Tadashi looked at me in disbelief. "Y-You can't be serious, Seiji... this isn't you..."
"You too... the moment I entered this country, you're too different..."

"That's because... you're in love, boys! It's okay."

Troy Ferell hanged his arms on my shoulder and Tadashi's. "And you got our backs! Para saan ang
pagiging miyembro n'yo kung hindi tayo magtutulungan! Boys! Be ready, ngayon natin dadalhin si Sidra
kay Seiji!"

Then suddenly we had a circular formation—like a basketball team with our arms on each other's
shoulder and heads fixed on the middle.

"Hmm... may laro ba tayo?" I asked.

"Tagalog is better! Pwede nang ikasal si Seiji sa Pilipina!"

And they shouted cheerfully in chorus. This group is really funny.

***

The group was already on the move. Naiwan kami ni Tadashi na naghihintay.

"Have you sent her your version?"

I nodded. "Do you think she'll know that it's from you?"

"She will... but I am too nervous..."


"You should! You agreed with their plan! Laging sablay si Troy—"

"But White, Nero, Triton, and Keaton told me that..."

"Oh, never mind."

I waited. Pakiramdam ko ay biglang bumagal iyong oras. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

What if she rejects me? What if she sues us?

Right when I was about to drink my fifth glass of mango juice, I heard the car engines. They're here. I
nervously stood from my seat. Ganoon din si Tadashi.

Unang pumasok si Triton na pawis na pawis.

"S-She's here... hirap pilitin. But she's here. Be ready."

Nauna na rin pumasok iyong ibang Ferell. Si Owen iyong unang lumapit sa akin.

"Troy told me that you should act as the leader... the commanding one..."

"What?"

Hanggang sa dumating na rin ang iba. I awkwardly looked at them when they all stood behind me, like
my parents' guards on the watch. Kapwa nakakrus ang mga braso at bahagyang nakabuka ang mga binti.
"W-What's going on?" I scratched my head.

"Iyong buhok ni Seiji! Aldus!"

"Alright!"

Lumapit sa akin si Aldus at kumuha siya ng suklay sa likuran ng bulsa niya. He styled my hair. "Alright!"
sigawan silang lahat.

Bumalik siya sa likuran at sa kanina niyang posisyon. Some of the boys were trying not to laugh, but
they're still eager to help me. Naiiling na lang si Tadashi, but he also looked so happy for me.   

"A-Arigatou..." I lowered my gaze.

Lumapit din sa akin si Owen. He fixed my bow tie.

"Oh, my gosh! Let me go... who are you? Please... don't hurt me..." silenced overwhelmed the whole
room when Ibu entered with Troy behind her.

Troy winked at me.

Ibu... my beautiful ibu...

"Good luck..." Troy tapped my shoulder. But my eyes were already gazing at her, sitting nervously with
her blind folds.

"Tell me! How much do you want from me?! I can give you any amount!"
"G-Gomen..."

And that stopped her voice in an instant. "G-Gomen, Ibu..."

"S-Sei..."

And I pulled her blindfolds. I saw disbelief in her eyes and her mouth hung open.

"Seiji..." tears started to roll on her cheeks.

"I am sorry, bebe..."

Agad siyang nakatayo at mabilis niyang pinaghahampas ang dibdib ko sa kabila ng nakatali niyang
kamay.

"H-How dare you! How dare you sent me that book! How dare you! Pagkatapos ng halos dalawang taon
mong hindi pagpaparamdam sa akin! Bigla kang—"

"You've read the book... I got reasons..."

Napaatras siya at tulalang-tulala siya sa akin. "Y-You can..."

"I studied... for you..."

Marahas niyang inilahad sa akin ang mga kamay niya. "Untie me!"
"A-Alright..."

Nangangatal pa ang kamay ko habang tinatanggal ko iyong tali sa kanya. "Faster, Seiji!"

"H-Hai... the rope is too tight. I might hurt you..."

I heard chuckles behind my back. Hanggang sa sumilip na rin sila sa pagtatanggal ko ng tali. "Anong oras
na, Seiji?" Troy commented.

Nakapalibot na iyong grupo habang nagtatanggal ako ng tali.

I prodded my lips. But I could feel Ibu's gaze at me. She was smiling...

"Kapag may killer, nasaksak na si Seiji."

And when I finally freed Ibu, she immediately jumped on me, hanged her arms around my nape, and
kissed me in front of everyone's eyes.

I heard groans all around us.

"H-Hayai...Ibu..."

"Nawala na iyong English at Tagalog ni Seiji!" nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Troy.

I couldn't look at her that well... Eve always made me feel this way with her. My heart beats so fast...
"You're forgiven, bebe ko..."

"That fast?"

"Yes. I've read the book. It's fine with me. I don't want complications anymore, Seiji... time is gold." Bigla
niyang inilahad sa akin iyong isang kamay niya.

"You will propose to me, right?" she smiled sweetly at me.

I blinked at her. I was about to tell her that it wasn't part of my plan today, but I heard someone cleared
his throat.

"Iyong singsing, boys! Our boss will propose."

I looked at them. "I will propose?"

Eve cupped my face and turned it to look at her again. Her eyes widened at me. Napatango agad ako sa
kanya.

"O-Of course, I will propose today."

May nagbigay sa akin ng singsing, Ibu happily gave me her hand. My lips prodded again. I planned to
give her romantic proposal... but my Ibu is extraordinary....

"I do, Seiji..." she whispered as I started to put the ring on her finger.
My face burned. I couldn't look at her. "Aishiteru...takusan..."

She smiled. "Onaji..."

And then she kissed me again. I almost cupped my face from embarrassment when she whispered
something silly to me. "How's my bebe's sperm count?"

"Kureiji..."

She's still hanging into my body, waiting for my answer. "Bebe...?"

I glanced at the people around. I was surprised that everyone's gone. Eve cupped my face again. "Seiji..."

"Fine. I have it checked--"

And she laughed—the music to my ears. "I love you, Seiji Matsumoto! Give me ten babies, alright?"

I tried to lower my head to hide my tears. I am so happy. I love her so much...

She kissed my tears as I blushed like an idiot in front of her. "Still my soft innocent boy... I missed you."

"B-Bebe..." I whispered. She sweetly smiled at me that took my breath away.

I silently thanked my dearest kamisama for giving her to me, my only wish— to be trapped with her
again.

You might also like