0% found this document useful (1 vote)
2K views29 pages

Aralingpanlipunan2 q4 Mod5-6 Natatalakayangmgapaglilingkodserbisyongmgakasapingkomunidad. v1

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (1 vote)
2K views29 pages

Aralingpanlipunan2 q4 Mod5-6 Natatalakayangmgapaglilingkodserbisyongmgakasapingkomunidad. v1

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 29

Mga Paglilingkod o Serbisyo

sa Komunidad
Modyul sa Araling Panlipunan 2
Ikaapat na Markahan- Ikalima at Ikaanim na Linggo

FENICAR D. BALBI
Debeloper

Department of Education Cordillera Administrative Region


Southern Pinukpuk District
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the

Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and
the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an
edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all
original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.

ii
PAUNANG SALITA
This Learning Resource is a project of the Learning Resource Management
and Development Unit, Curriculum Implementation Division, Schools Division of
Kalinga. This material is in response to the implementation of the K to 12 Curriculum.

Date of Development : March2021


Resource Location : Schools Division of Kalinga
Southern Pinukpuk District
Sagsag Elementary School
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level : 2
LR Type : Module
Language : Filipino
Quarter/Week : Ikalima at ikaanim na Linggo
Competencies : Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng
mga kasapi ng komunidad.

iii
PASASALAMAT

Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na tumulong


sa kanya:

Ang pinakamahalaga sa lahat, ang modyul na ito ay buong puso kong iniaalay
sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng lakas, talino at kakayahan upang mabuo
ang modyul na ito

Sa aking pamilya, na nagsilbing inspirasiyon at ang kanilang pang-unawa


habang isinasagawa ang kagamitang ito.

Sa lahat ng mga kapwa ko guro ng Sagsag Elementary School na


pinamumunuan ng punong gurong si Gng. Jovelyn B. Dugayon sa kanilang moral na
suporta;

Kay Gng. Romana D. Parizal, PSDS at Ginoong Jenner D. Lingayo, AP


Supervisor sa mga suporta at pagbibigay ng hamon sa mga guro upang gumawa ng
mga kagamitang pang- interbensiyon para sa mga mag-aaral.

DIVISION LRMDS STAFF:

MARILOU A. BALINSAT SHARON ROSE S. BOGUEN


Librarian II PDO II

EVELYN C. GANOTICE
EPS/LR Manager

CONSULTANTS:

ROMULO A. GALNAWAN
Chief, Curriculum Implementation

JERRY C. YMSON
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

AMADOR D. GARCIA, SR. PhD


OIC- Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Copyright Notice …………………………………………………………………………….ii


Paunang Salita ……………………………………………………………………………...iii
Pasasalamat ………………………………………………………………………………..iv
Talaan Ng Nilalaman ……………………………………………………………………….v
Pamagat ……………………………………………………………………………………..1
Panimulang Mensahe ………………………………………………………………………2
Alamin ………………………………………………………………………………………..3
Subukin (Paunang Pagsusulit) ………………………………………………………….…4
Balikan ……………………………………………………………………………………….5
Tuklasin ………………………………………………………………………………………6
Suriin …………………………………………………………………………………………8
Pagyamanin
Gawain A …………………………………………………………………………….…..12
Gawain B ………………………………………………………………………………...13
Gawain C …………………………………………………………………………….......13
Gawain D ………………………………………………………………………………...14
Gawain E …………………………………………………………………………………14
Gawain F …………………………………………………………………………………15
Isaisip ……………………………………………………………………………………….16
Isagawa …………………………………………………………………………………….17
Tayahin ……………………………………………………………………………………..18
Karagdagang Gawain …………………………………………………………………….21
Susi ng Pagwawasto ……………………………………………………………………...22
Mga Sanggunian …………………………………………………………………………..23

v
Mga Paglilingkod o Serbisyo
sa Komunidad
Modyul sa Araling Panlipunan 2
Ikaapat na Markahan- Ikalima at Ikaanim na Linggo

FENICAR D. BALBI
Debeloper
PANIMULANG MENSAHE
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan.Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
ALAMIN

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain at


aktibidad upang maunawaan ang mga paglilingkod/serbisyo ng
mga kasapi ng komunidad.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa


iyo ang mga sumusunod na layunin:

a. Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga


kasapi ng komunidad.

b. Natutukoy ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga


kasapi ng komunidad.

c. Napahahalagahan ang mga paglilingkod/serbisyo ng


mga kasapi ng komunidad.

d. Nakasusulat ng mga paglilingkod/serbisyo ng mga


kasapi ng komunidad.

3
SUBUKIN

Panuto: Ihanay ang tagapaglingkod sa Hanay A sa angkop na


paglilingkod/serbisyo sa komunidad sa Hanay B. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____1. Karpintero A. Tumutulong sa mga doktor sa


pagpapalaganap ng kalusugan
sa komunidad.

____2. Barangay Health B. Tumutulong sa Punong


Worker Barangay at mga Kagawad sa
pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan ng barangay.

____3. Guro C. Gumagawa ng mga bahay at


mga gusali.

____4. Barangay Tanod D. Tagapaglinis ng mga kalsada


at kanal upang mapanatili ang
kaligtasan ng komunidad.

____5. Kaminero E. Nagtuturo sa mga mag-aaral


upang matuto sa iba-ibang
asignatura at kagandahang
asal.

4
BALIKAN

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na tungkulin ng


isang bata sa bawat larawan. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

A. Tungkulin ng bata namag-aral ng mabuti.


B. Tungkulin ng bata na mahalin at igalang ang kanyang
mga magulang.
C. Tungkulin ng bata na isagawa ang mga aral ng relihiyon
na kaniyang kinabibilangan.
D. Tungkulin ng bata na alagaan ang mga kagamitan sa
pook libangan o parke.
E. Tungkulin ng bata na alagaan ang kanyang sarili.

1. 2.

3. 4.

5.

(Gambol and Edillo 2013)

5
TUKLASIN

Panuto:Basahin ang kuwento tungkol kay Tata Igsot at sagutin


ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel

Si Tata Igsot
Si Tata Igsot ay isang magaling, masipag, at mabait
na guro. Paggising niya sa umaga ay inihahanda niya ang
kanyang mga kagamitan sa pagtuturo. Maagang siyang
pumapasok sa paaralan para ihanda niya ang kanyang
silid-aralan upang maayos tignan at laging ligtas ang mga
mag-aaral. Lagi niyang inaayos ang kanyang silid-aralan
bago umuwi sa hapon. Dahil sa sipag at tiyaga,
pinarangalan si Tata Igsot bilang Best Teacher sa kanilang
paaralan.

___1. Ano ang hanapbuhay ni Tata Igsot?

A. guro B. doktor C. magsasaka

___2. Anong paglilingkod/serbisyo ang naibibigay ni Tata Igsot


sa kanyang komunidad?

A. Nagtuturo sa mga bata na magsulat at magbasa.


B. Nanggagamot sa mga taong may sakit.
C. Nagtatanim ng mga palay, prutas, at gulay.

6
___3. Ano ang mga inihahanda ni Tata Igsot tuwing umaga?

A. Ang mga halaman na itatanim niya sa kanilang


paaralan.
B. Mga pagkain na ipamimigay sa mga bata.
C. Ang kanyang kagamitan sa pagtuturo.

___4. Bakit pinarangalan siya bilang Best Teacher sa kanilang


paaralan?

A. Dahil siya ay magaling, masipag, at mabait na guro.


B. Dahil siya ay nangagamot nang mga may sakit sa
kanilang komunidad.
C. Dahil siya ay magaling magtanim ng mga gulay at
prutas.

___5. Bilang isang bata, tutularan mo ba si Tata Igsot?

A. Oo, dahil siya ay magaling na magtanim ng mga


halaman.
B. Oo, dahil siya ay mabait at masipag na guro.
C. Hindi, dahil siya ay walang malasakit sa mga ibang tao.

7
SURIIN

May mga taong nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo sa


ating komunidad na nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga naninirahan dito. Kilalanin sila.

Magsasaka
Ang nagtatrabaho upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan
sa pagkain. Kabilang dito ang bigas,
gulay, prutas at pagkaing ugat. Sila ang
nagtatanim at nag-aani ng mga ito na
nabibili sa mga pamilihan.

Mangingisda
Ang nanghuhuli ng isda at iba
pang mga hayop mula sa isang anyong
tubig sa komunidad.

Guro
Mahalagang serbisyo ng mga guro
ang turuan ang mga batang magbasa,
magsulat, at magkuwenta. Tinuturuan
din ng mga guro ang mga bata na
maging mabuting mamamayan at
lumaking may magandang asal.

8
Doktor, Nars, at Dentista
Gawain ng mga doctor at nars ang
pangangalaga sa kalusugan at
panggagamot sa mga may sakit. Ang
dentista naman ang nangangalaga sa
ngipin ng mga mamamayan.

Pulis
Tumutulong ang mga pulis
upang maging ligtas sa panganib ang
mga tao. Pinangangalagaan nila ang
katahimikan, kaayusan , at kaligtasan
ng pamayanan. Sila ang humuhuli sa
mga taong hindi sumusunod sa batas.

Bumbero
Serbisyo naman ng mga bumbero
ang magsagip ng mga bahay at gusali
sa sunog. Buhay ang puhunan ng mga
bumbero.

Kaminero at basurero
Magkatulong ang kaminero at
tagahakot ng basura sa pagpapanatili
ng kalinisan at kaayusan ng
pamayanan. Sa tulong nila, naiiwasan
ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng
maruming paligid.

9
Tsuper
Ang pagmamaneho ng dyip, bus,
at traysikel ang serbisyong ibinibigay
ng mga tsuper. Sa tulong nila,
nakakarating nang ligtas sa iba’t ibang
lugar ang mga mamamayan.

Karpintero
Pangunahing gawain ng mga
karpintero ang pagtatayo ng mga
bahay at iba pang mga gusali.
Kinukumpuni rin nila ang mga sirang
muwebles.

Tubero
Ang pagkukumpuni ng sirang gripo
ay serbisyo ng mga tubero. Sila ang
katulong ng pamayanan sa pagkakaroon
ng malinis na tubig sa kabahayan.

Barangay Health Worker


Umiikot sa komunidad upang
ipaalam ang mga impormasyong
pangkalusugan. Tumutulo ng sa
Barangay Health Center.

10
Kapitan ng Barangay
Namumuno sa kapakanan,
kaayusan, kaunlaran at kapayapaan ng
nasasakupang komunidad.

Barangay Tanod
Tumutulong sa Kapitan ng Barangay
sa pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa komunidad.

Panadero
Ang paggawa naman ng tinapay at
iba pang produktong gawa sa harina gaya
ng cake, biskuwit, at cookies ang
serbisyo na naibibigay ng panadero

(Anda 2010)

11
PAGYAMANIN
Gawain A
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan ng mga kasapi ng
komunidad sa naibibigay nitong paglilingkod o serbisyo sa
hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1.
A. Nanggagamot sa mga
taong may sakit

2. B. Nangangalaga sa ngipin
ng mga tao

3.
C. Nagtuturo sa mga bata
na magbasa at magsulat

4. D. Nanghuhuli ng mga
taong magnanakaw

5.
E. Tumutulong sa mga
doktor sa panggagamot
ng mga taong may sakit

(CHIKATH26 2015)

12
Gawain B
Panuto: Suriin ang pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto
ang isinasaad at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
________1. Sinisiguro ng mga kaminero na malinis ang
kapaligiran ng komunidad.
________2. Mabilis ang mga pulis sa pagpatay ng sunog.
________3. Tinutulungan ng nars ang doktor sa pangangalaga
sa mga may sakit.
________4. Ang magsasaka ang nagtatrabaho upang
matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan sa pagkain.
________5. Ang pangunahing gawain ng karpintero ay ang
pagpapatayo ng mga bahay at gusali.

Gawain C
Panuto: Ihanay ang mga sumusunod na sitwasyon sa Hanay A
sa angkop na tagapaglingkod sa Hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
___1. Sumasakit ang tiyan mo. A.tsuper
___2. May nasusunog sa tabi ng bahay
ninyo. B. doktor
___3. Malayo ang iyong paaralan sa C. pulis
iyong bahay.
D. bomber
___4. Gusto mong matutong magsulat,
magbasa, at magbilang. E. guro
___5. May nakawan na nangyayari sa
inyong barangay.

13
Gawain D
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pahayag at ekis (X)
naman kung mali. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

___1. Ang doktor ay nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot


sa mga taong maysakit.
___2. Ang tubero ang tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa
mga nasusunog na bahayan, gusali at iba pa.
___3. Ang Kapitan ng Barangay ay siyang namumuno sa
kapakanan, kaayusan, kaunlaran at kapayapaan ng
nasasakupang komunidad.
___4. Ang basurero ay namamahala sa pagkuha at pagtapon
ng basura.
___5. Ang tubero ang nag-aayos at nagkukumpuni ng linya ng
tubo ng tubig patungo sa mga tahanan at iba pang gusali.

Gawain E
Panuto: Kompletuhin ang pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang (guro, dentista) ang nangangalaga sa ngipin ng mga


mamamayan.
2. Ang (bumbero, tubero) ay ang sumasagip sa mga bahay
at gusali na nasusunog.
3. Ang (Kapitan ng Barangay, Barangay Tanod) ay
namumuno sa kapakanan, kaayusan,kaunlaran at
kapayapaan ng nasasakupangkomunidad.

14
4. Ang (Barangay Health Worker, dentista) ay umiikot sa
komunidad upang ipaalam ang mga impormasyong
pangkalusugan at tumutulong sa Barangay Health Center.
5. Ang mga (magsasaka, mangingisda) ay ang nagtatanim
ng mga palay, gulay, at prutas.

Gawain F
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng bawat
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

Barangay Tanod Basurero Guro


Tsuper Barangay Health Worker

1. Sa tulong nila, nakakarating nang ligtas sa ibat’t ibang


lugar ang mga tao o mamamayan.

2. Sila ang tumutulong sa Punong Barangay sa


pagpapanatili ng kaligtasan ng mga tao sa komunidad.

3. Sila ang tumutulong sa Barangay Health Center.

4. Sa tulong nila, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit na


dulot ng maruming paligid.

5. Sila ang nagtuturo sa mga bata na magbasa, magsuat, at


magkuwenta.

15
ISAISIP

Panuto: Kompletuhin ang pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng


panaklong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang (bumbero, pulis) ay tumutulong sa pagsugpo ng


apoy sa mga nasusunog na gusali at kabahayan.
2. Ang (Barangay Health Worker, Barangay Tanod) ay
umiikot sa komunidad upang ipaalam ang mga
impormasyong pangkalusugan.
3. Ang (pulis, kaminero) ay nagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan ng komunidad.
4. Ang (Kapitan ng Barangay, basurero) ay namumuno sa
kapakanan at kaunlaran ng nasasakupang komunidad.
5. Ang (kaminero, guro) ay naglilinis ng kalsada upang
mapanatili ang kalinisan ng komunidad.
6. Ang (doctor, guro) ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang
matutong magbasa, magsulat, at magbilang.
7. Ang (nars, tubero) ay tumutulong sa doktor sa
pangangalaga ng mga maysakit.
8. Ang (mangingisda, magsasaka) ay nagtatanim ng mga
halaman upang pagkunan ng pagkain.
9. Ang (karpintero, kaminero) ay gumagawa ng mga
bahay, gusali at iba pang tirahan ng mga tao.
10. Ang (mangingisda, magsasaka) ay ang nanghuhuli
ng mga isda, alimango, hipon, at iba pa.

16
ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng mga paglilingkod o serbisyo ng bawat


kasapi ng komunidad. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Paglilingkod/Serbisyo sa
Mga Kasapi ng Komunidad
Komunidad.

1. Guro

2. Doktor

3. Magsasaka

4. Bumbero

5. Pulis

17
TAYAHIN
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Kaninong serbisyo ang kailangan upang matutong


bumasa, sumulat, at magkuwenta ang bata?
A. nars C. guro
B. panadero D.Tsuper
_____2. Sino ang tumutulong sa Punong Barangay at mga
Kagawad sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng
komunidad?
A. kaminero C. Barangay Health Worker
B. Barangay Tanod D. karpintero
_____3. Kung naglilingkod nang mahusay ang isang kasapi ng
komunidad, ano ang magiging bunga nito sa komunidad?
A. Magiging mapayapa ang buong komunidad.
B. Magiging masipag ang mga mamamayan.
C. May pagbabago at kaunlaran sa komunidad.
D. Lahat nang nabanggit
_____4. Sino ang nagtratrabaho upang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan sa pagkain?
A. magsasaka C. guro
B. dentist D. pulis
_____5. Bakit mahalagang linisin ng mga kaminero ang
kalsada at mga kanal?
A. Para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng
pamayanan.
B. Para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

18
C. Para maging maaliwalas tignan ang isang
komunidad.
D. Lahat nang nabanggit
_____6. Sino-sino ang mga nangangalaga sa kalusugan at
panggagamot sa mga may sakit?
A. doktor at nars C. guro at pulis
B. mga magsasaka D. kaminero at basurero
_____7. Kaninong serbisyo o paglilingkod ang kailangan upang
mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan?
A. tubero C. tsuper
B. pulis D. mangingisda
_____8. Kaninong serbisyo ang pagmamaneho ng dyip, bus, at
traysikel para makarating nang ligtas sa iba’t ibang lugar
ang mga mamamayan?
A. tsuper C. Bumbero
B. karpintero D. kaminero
_____9. Alin sa mga sumusunod na paglilingkod o serbisyo
ang HINDI naibibigay ng guro sa komunidad?
A. Turuan ang mga bata na magbasa at magsulat.
B. Nangangalaga sa mga sirang ngipin ng mga bata.
C. Turuan ang mga bata na magbilang.
D. Nagtuturo sa mga bata na maging mabuting
mamamayan.
_____10. Sino sa mga kasapi ng komunidad ang gumagawa
ng mga tinapay at iba pang produkto na gawa sa harina?
A. panadero C. guro
B. pulis D. Kapitan ng Barangay

19
B.Panuto:Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

A.Guro G. Bumbero
B. Nars H. Mananahi
C. Pulis I. Karpintero
D. Tubero J. Magsasaka
E. Doktor K. Mangingisda
F. Dentista

1. Gumagawa ng ating tirahan.


2. Humuhuli sa masasamang tao.
3. Gumagamot sa mga taong may sakit.
4. Nangangalaga sa ating ngipin.
5. Sumusugpo sa sunog sa komunidad.
6. Nagtatanim ng mga palay, gulay, prutas, at mga
halamang-ugat.
7. Nanghuhuli ng mga isda, hipon, at alimango.
8. Nagtuturo sa ating bumasa at sumulat.
9. Nagkukumpuni ng mga sirang tubo.
10. Tumutulong sa doctor sa panggagamot ng mga
taong may sakit.

20
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Isulat ang mga serbisyo o paglilingkod na ipinapakita


ng bawat kasapi ng komunidad sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. 2.

(tnt.abante.com.ph/ 2018) (Happening in the Philippines.com 2020)

3. 4.

(CHIKATH26 2015) (Calvelo 2018)

5.
(Viesca 2013)

(Rivas 2019)

21
SUSI NG PAGWAWASTO

PAGYAMANIN
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN GAWAIN A
1. C 1. C 1. A 1. C
2. A 2. E 2. A 2. D
3. E 3. D 3. A 3. A
4. B 4. A 4. C 4. E
5. D 5. B 5. B 5. B

GAWAIN C

GAWAIN B 1. B GAWAIN D GAWAIN E


1. TAMA 2. D 1. √ 1. dentista
2. MALI 2. x 2. bumbero
3. TAMA 3. A 3. √ 3. Kapitan ng Barangay
4. TAMA 4. √ 4. Barangay Health Worker
4. E
5. TAMA 5. √ 5. magsasaka
5. C

ISAISIP
TAYAHIN A
1. bumbero
GAWAIN F 1. C
2. Barangay Health
2. B
1. Tsuper Worker
3. D
2. Barangay Tanod 3. pulis
4. A
4. Kapitan ng Barangay
3. Barangay Health 5. D
Worker 5. kaminero
6. A
4. Basurero 6. guro
7. B
5. Guro 7. nars
8. A
8. magsasaka
9. A
9. karpintero
10. A
10. mangingisda

TAYAHIN B
KARAGDAGANG
1. I 6. J ISAGAWA
GAWAIN
2. C 7. K
3. E 8. A Maaring iba’t iba ang
Maaring iba’t iba ang
4. F 9. D kasagutan ng mga bata
kasagutan ng mga bata
5. G 10. B

22
MGA SANGGUNIAN

Anda, Menardo O., Makabayan: Katangiang Pilipino 2. Quezon City: LG&M


Corporation, 2010.
Calvelo, George. "Fire Prevention Month". Accessed March 4, 2021.
https://news.abs-cbn.com/list/tag/quirino?page=5.
Gambol, Marcelina A., Genevieve F. Binalay, Victor C. Galla and Analisa A. Edillo. Ti
Komunidad Ko iti Agdama Ken iti Napalabas. Pasig City: Lexicon Press,
2013.
Happening in the Philippines.com. "Kakaibang proteksyon ng mga magsasaka sa
init, Hinangaan sa Social Media" Accessed March 4, 2021.
https://www.happeninginphilippines.com/2020/08/kakaibang-proteksyon-ng-
mga-magsasaka.html.
Los Discipulus. "Ibat Ibang Uri Ng Mga Guro" Accessed March 4, 2021.
https://web.facebook.com/101644067979855/posts/ibat-ibang-uri-ng-mga-
guro-kamusta-na-mga-ka-discipulos-ang-ating-tatalakayin-
ay/130460251764903/?_rdc=1&_rdr.
Rappler.com. "NEDA To Comelec: Exempt Big Infra Projects From Ban" Accessed
March 4, 2021. https://www.rappler.com/business/neda-asks-comelec-
exempt-big-infrastructure-projects-from-ban.
Slideshare.net. "Iba't ibang Hanapbuhay sa Komunidad" Accessed February 2,
2021. https://www.slideshare.net/chikath26/ibat-ibang-hanapbuhay-sa-
komunidad-54765418.
Tnt.abante.com.ph. "Magna Carta, Magkakalag Sa Guro Sa Pagkakautang –
Teachers Coalition" Accessed March 4, 2021.
https://tnt.abante.com.ph/magna-carta-magkakalag-sa-guro-sa-
pagkakautang-teachers-coalition/.
Viesca, Irish C. "Upuan Pinag-aagawan" Accessed March 4, 2021.
https://upuangpinagaagawan2013.wordpress.com/2013/03/03/pulis/.

23
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig


City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like