83% found this document useful (6 votes)
10K views15 pages

Pagbabasa at Pagsusuri11 q3 m5 Tekstong Argumentatibo v3

Pagbabasa at Pagsusuri11 q3 m5 Tekstong Argumentatibo v3
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
83% found this document useful (6 votes)
10K views15 pages

Pagbabasa at Pagsusuri11 q3 m5 Tekstong Argumentatibo v3

Pagbabasa at Pagsusuri11 q3 m5 Tekstong Argumentatibo v3
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 15

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – 11

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Kwarter – Modyul 5: Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e.,songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:

Development Team of the Module

Author: Veronica S. Acedo


Development Team of the Module:

Editor:
Author: Veronica S. Acedo
Layout Artist: Janice E. Calapis
Reviewer:
llustrator: Jay Michael A. Calipusan
Illustrator:
Management Team:
Lay-out Artist: Janice
Chairperson: E. Calapis Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Management Team:
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio M. Maribao
Printed in the Philippines by: DepEd, Region X
EPS, Filipino
Department of Education – Bureau of Learning Resources
Office Address: Zone 1, DepEd Building Mastersons Ave., Upper Balulang,
Cagayan de
Printed in the Philippines by:Oro City, 9000of Education – Regional Office 10
Department
Telefax:Office Address:(088)
Zone880 7072 Balulang Cagayan de Oro City 9000
1, Upper
Telefax: (088) 880-7071,
E-mail Address (088) 880-7072
[email protected]
E-mail Address: [email protected]
11

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Tekstong Argumentatibo

This instructional materials was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Mga Nilalaman Pahina

Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------ 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 1
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 1
Paunang Pasulit ------------------------------------------------- 2
Aralin ------------------------------------------------- 4
Mga Gawain ------------------------------------------------- 6
Buod at Paglalahat ------------------------------------------------- 7
Panghuling Pasulit ------------------------------------------------- 8
Referenses ------------------------------------------------- 9
PANGKALAHATANG IDEYA

Ang tekstong argumentatibo ay pinahahalagahan ang


paglalahad ng katotohanan mula sa balidong datos na nakuha
o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang ating kaalaman, ngunit isang paraan
upang makakuha ng sapat na impormasyon hinggil dito ay pumili ng mga babasahin
na may kaugnayan sa paksa. Huwag din kalimutan isaalang-alang ang kredibilidad
ng awtor kung malinaw ba nailahad ang kanyang pananaw at maaaring
mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.

NILALAMAN NG MODYUL
Mahalagang malaman ng mambabasa ang pagkuha ng balidong
datos na magagamit sa pakikipagtalo o debate lalong – lalo na sa
tekstong kanyang isinulat. Inaasahang magsilbing gabay ang
mdyul na ito para sa dagdag kaalaman hinggil sa pagbuo ng tekstong argumentatibo
na naglalayong makumbinsi ang mambabasa na sumang-ayon sa opinion na
kanyang inihayag batay sa sa datos na inilantad.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nakasusulat ng halimbawa ng uri ng tekstong


tinalakay ( F11PU-IIIb-89)
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ang mga
sumusunod:
 matutukoy ang kahulugan ng tekstong argumentatibo;
 makasusuri sa mga teksto hinggil sa paraan tungo sa maayos na pangangatwiran

1
PANGKALAHATANG PANUTO

Basahin at unawain ang nilalaman ng modyul na ito upang lalong maunawaan


at mapadali ang pagsagot sa mga gawaing ibinigay.Inaasahang magkaroon ka ng
makabuluhang karanasan sa iyong pagtatapos ng pagsagot sa modyul na ito.

PAUNANG PASULIT

PANUTO: Alin sa mga pahayag ang nagsasaad sa katotohanan


o lohikal na pangangatwiran? Lagyan lamang ng (/)tsek ang
mga bilang na may katotohanan o lohikal na pahayag.

_____1. Ang programang K to 12 ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education,


Junior High School, at Senior High School.

_____2.Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mahina ang bintahan ng ating
produkto.

_____3. Isa sa mga pangunahing pinagkakikitaan ng ating bansa ay ang turismo.

_____4. Si Artista A ay matapat. Si Artista B ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Artista


C ay matalino kung kaya’t dapat nating iboto ang mga artista!

_____5. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal kung kaya’t halos buong taon
nakararanas tayo ng tag-ulan.

2
ARALIN

Ang tekstong argumentatibo ay


naglalayong kumbinsihin ang mambabasa
ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o
damdamin ng manunulat, batay sa datos o
impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong
paraan ng pangungumbinsi-ethos, pathos, at
logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mambabasa,
inilalahad ng may-akda ang mga argument,
katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng
kanyang posisyon o punto.

Nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang


posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang ebidensya
mula sa personal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-
aaral, ebidensyang pangkasaysayan at resulta ng empirikal na
pananaliksik.

Empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa


pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperementasyon.

Bernales, Rolando A. 2002. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang TekstoTungo sa


Pananaliksik pp. 31 -35.

3
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O
PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Paraan Kahulugan Halimbawa

1.Pabuod  Paglalahad muna ng 1. Tumulong kami sa


mga halimbawa o maliliit paglilinis sa kapaligiran at
na ideyang tumatayong pagsasabit sa mga palamuti
pangsuportang kaisipan sa entablado bilang
at nagtatapos sa isang paghahanda sa kapistahan
pangunahing kaisipan. ng aming barangay.

2.Pasaklaw  Kabaliktaran ng pabuod. 2. Ang Train Law o Tax


Nagsisimula sa Reform for Acceleration and
paglalahad ng Inclusion ay isang batas na
pangunahing kaisipan na nagbabago sa sistema ng
sinusundan ng mga ating buwis. Napapaloob dito
pantulong na kaisipang ay ang dagdag
sumusuporta sa sahod,pagtaas ng presyo ng
naunang kaisipan. langis at asukal kasunod sa
iba pang bilihin.
3.Lohikal  Naayon sa mga
risonableng inaasahan 3.Sa kalikasan natugunan
kaugnay sa mga ang pangangailangan ng tao
espisipikong sitwasyon o na nagbibigay sa kanya ng
kaganapan at ang lohikal kasiyahan sa buhay.
na pag-iisip ay isang tao
na may maayos na pag-
iisip at consistent.
4. Silohismo
 Binubuo ng tatlong
mahahalagang bahagi
Pangunahing Premis: Lahat
a. Pangunahing Premis
ng Katoliko ay Kristiyano.
b. Pangalawang Premis Pangalawang Premis: Si
c. Kongklusyon Juan ay Katoliko.

Kongklusyon: Si Juan ay
Kristiyano.
5. Sanhi at Bunga  Pagtalakay sa mga
kadahilanan ng isang
bagay o pangyayari at
mga epekto nito

4
GAWAIN: 1

PANUTO: Isulat sa patlang kung tama o mali ang pahayag


sa bawat bilang.
______1. Katotohanan ang nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa
pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.

______2. Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang ebidensyang


pangkasaysayan.

______3. Ang pamanahonang papel at Tesis ay halimbawa sa empirikal na


pananaliksik.

______4. Layunin ng tekstong argumentatibo ay hikayatin ang mga mambabasa


na tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.

______5. Pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na


kailangan na may kaugnay sa paksang tinalakay.

______6. Naglalahad ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay.

______7. Pakikipagdebate sa pasulat na paraan.

______8. Kinapupulutan ng mga kabutihang asal, mahalagang aral, at mga


pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging
mabuti at tapat.

______9. Nakapokus ang teksto sa paglalarawan ng isang bagay, tao, o lugar.

______10.Inilahad ang posisyon ng may-akda na suportado ng ebidensiya.

5
GAWAIN: 2

PANUTO:Gumuhit tungkol sa kalagayang pang-turismo ng ating


bansa. Ipaliwanag ang nilalaman at kumbinsihin ang mga mambabasa kung bakit
natin tangkilikin ang sariling atin gamit ang rubric na nakasulat sa ibaba bilang
iyong gabay sa paggawa.

Rubrik sa paggawa ng pagsasanay:

1. Orihinal ang disenyo at konsepto (15 puntos)


2. Malikhain at mapagkumbinsi (10 puntos)
3. Malinaw ang isinulat at pagpapakahulugan (25 puntos)
KABUUAN (50 puntos)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
GAWAIN:3

II. PANUTO: Suriin at kilalanin kung alin sa mga paraan sa


pangangatwiran ang ipinahahayag sa bawat teksto. Nasa loob ng kahon ang
pagpipilian,titik lamang ang isulat sa patlang na nakalaan.

A. Pabuod D. Pasaklaw

B. Lohikal E. Sanhi at bunga

C. Silohismo

______1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa


buhay na kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at
kaunlaran.
______2. Ang edukasyon ang ating sandata upang mapaganda ang ating
kinabukasan, hindi lamang sa sarili kung hindi para sa bayan.
______3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at prutas, at tamang
ehersisyo ay ilan lamang sa mga dapat gawin upang mapanatili ang
kalusugan sa ating katawan.
______4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy. Si Lito ay isda.
______5. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ng
National Economic and Development Authority (NEDA), mas malaki
pasana ang ilalago ng ekonomiya kung hindi lang dahil sa inflation o
ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
______6. Si Alex na yata ang pinakamabait sa aming magpinsan. Siya ay
mapagbigay , maalalahanin, matapat at higit sa lahat may malawak
na pag-iisip.
______7. Sa kultura nasasalamin ang kaisahan at sariling pagkakakilanlan ng
isang mamamayan.
______8. Lubos ang pagkalagak ni inay sa pagdating ni kuya na matagal na
hindi namin nakapiling.
______9. Mahirap ang buhay sa Jolo kung kaya’t masasabing mahirap ang
buhay sa buong Mindanao.
______10. Ang palagiang pagbaha ay nakakaapekto sa pang-araw-araw na
gawain ng tao.

7
PANGHULING PAGTATAYA:

PANUTO: Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa tekstong


argumentatibo? Lagyan lamang ng (/) tsek ang
mga bilang.
_____1. Ang programang K to 12 ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education,
Junior High School, at Senior High School.
_____2.Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mahina ang bintahan ng ating
produkto.
_____3. Isa sa mga pangunahing pinagkakikitaan ng ating bansa ay ang turismo.
_____4. Si Artista A ay matapat. Si Artista B ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Artista
C ay matalino kung kaya’t dapat nating iboto ang mga artista!
_____5. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal kung kaya’t halos buong taon
nakararanas tayo ng tag-ulan.

PAGLALAHAT

Ngayon sana nakatulong sa iyo ang nilalaman ng tekstong


argumentatibo na mahalaga ang mga nakalap na datos para sa
pagpapatibay ng mga kaalaman na nais mong ibahagi.Mula sa mga gabay
na nakasaad sa modyul na ito na may kaugnayan sa mga paraan ng
pangangatwiran tungo sa maayos na pagsulat at pagbuo ng tekstong
argumentatibo.Iniugnay rin ang iyong katapatan sa pagsasabi ng
katotohanan sa lahat ng bagay at sa kahit anumang sitwasyon na ikaw ay
napapalagay upang paniwalaan at magkaroon ng kredibilidad ang iyong
mga sulatin na halaw sa iyong karanasan.Para sa panghuling paalala
lagging isaisip na sa tekstong ito ay ay naglalayong kumbinsihin ang
mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng
manunulat, batay sa datos o impormasyong inilatag ng
manunulat.Maraming salamat…..

Magaling! Ikinagagalak ko ang iyong tagumpay. Maaari mo nang gawin ang


susunod na modyul.

“Maging matapat dahil ito ang dapat”


8
Referenses

Dayag, Alma.. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng


Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing,
2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:


Mutya Publishing House, 2011.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing


House, Inc., 2016.
De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

9
Answer Key
PRE - TEST:

1. 2. 3. 4. 5.

GAWAIN: 1 GAWAIN : 3

1. tama 6. mali 1. B 6. D

2. mali 7. tama 2. D 7. B

3. Tama 8. tama 3. A 8. E

4. tama 9. mali 4. C 9. C

5. tama 10. tama 5. E 10. E

POST-TEST:

1. 2. 3. 4.
5.

10

You might also like