0% found this document useful (0 votes)
501 views

Document

The document discusses the history and establishment of the First Philippine Assembly from 1907-1916. Key events include: 1) The 1907 inauguration of the First Philippine Assembly, which allowed greater Filipino involvement in politics and paved the way for independence from the US. 2) The 1902 Philippine Act established the framework for the Assembly, requiring elections of a lower house of at least 50 but no more than 100 representatives. 3) The first national election was held on July 30, 1907, with the Nacionalista Party winning the most seats but no single party gaining a majority. Sergio Osmeña and Manuel Quezon assumed leadership positions.

Uploaded by

Jerome Encinares
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as RTF, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
501 views

Document

The document discusses the history and establishment of the First Philippine Assembly from 1907-1916. Key events include: 1) The 1907 inauguration of the First Philippine Assembly, which allowed greater Filipino involvement in politics and paved the way for independence from the US. 2) The 1902 Philippine Act established the framework for the Assembly, requiring elections of a lower house of at least 50 but no more than 100 representatives. 3) The first national election was held on July 30, 1907, with the Nacionalista Party winning the most seats but no single party gaining a majority. Sergio Osmeña and Manuel Quezon assumed leadership positions.

Uploaded by

Jerome Encinares
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as RTF, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 18

HE HISTORY OF THE FIRST PHILIPPINE ASSEMBLY (1907-1916)

It was the inauguration of the First Philippine Assembly in 1907 that paved the way for the country’s
independence from American rule as it provided the Filipino legislators to have hands-on in the local
political affairs. This event was very significant in the history of Philippine politics while this event also
witnessed the first national election in our country through popular votes. The Filipinos’ aspirations for
greater political participation and their thirst for self-rule were realized in the establishment of the
Philippine legislature. This glorious victory of the Filipinos was accompanied with enormous
responsibilities because they have to prove to the U.S Congress, the international community, and to the
Filipino nation that the Filipinos could govern themselves properly and dutifully.

In consonance to the benevolent assimilation policy by President McKinley was the American
provisional government in the Philippines which were manifested by the establishment of both military
government and civil government whose objective was to prepare the Filipino for self-government in the
ways of democracy once they proved their worthiness for independence. Thus President McKinley
stated: “The Philippines is ours, not to exploit but develop, to civilize, to educate, to train in the science
of self-government.”

Creation of the Philippine Assembly

To limit Filipinos’ involvement in the legislative procedure exclusively in the Philippine Commission is
against the American policy. This nonetheless led to the campaign for political empowerment of the
Filipinos by widening their sphere of influence in the legislation. The creation of Philippine Assembly was
credited to William Howard Taft who zealously propagated what he believed would deeply improve the
relations between the U.S and the Philippines. He pointed out that America should involve more Filipinos
in the task of law if she would like to win the support of the Filipinos. In order to make this possible, he
suggested that an assembly be comprise of and elected by Filipinos. Just one month after he arrived in
the country, he commissioned Secretary of War Elihu Root to make amendments in the manner by which
laws were made for the Philippines. He facilitated the creation of a legislature made up of the Philippine
Commission as the upper house and his proposed Filipino assembly as the lower house

The campaign for the formation of Filipino assembly was backed in the United States Congress by
Henry Allen Cooper, the chairman of the House Committee on Insular Affairs. Congressman Cooper
campaigned for the creation of a popularly elected Filipino assembly to share legislative power with the
Philippine Commission. Thus, he came up with his Philippine Bill but it had three conditions. First, there
should be prevalence of general and complete peace in the country and that all those territories not
inhabited by Muslims and other non-Christian tribes recognize the authority. Second, the Philippine
Commission must conduct a census of the population and have the results be published. Third, peace
must be sustained for two years after the census had been taken and its results published. The president
of the United States was empowered by the bill to command the Philippine Commission to call for a
general election to elect delegates to the popular assembly which would then be known as the
Philippine Assembly.

The first law passed by the U.S Congress concerning the government of the Philippines was the
Cooper Act, better known as the Philippine Act of 1902. It was passed by Congress on July 1, 1902. The
Bill provided that the membership of the assembly should not be less than 50 but not more than 100 to
be equitably apportioned by the Philippine Commission among the provinces according to population.
More specifically, it provided each province to have at least one delegate. In contrast, province with large
populations could have more than one delegate.

Pursuant to the Cooper Act of 1902, the Philippine Commission executed the provisions of the law.
The census was completed in 1903 and published on March 27, 1905 and general peace and complete
peace was observed in the country. However, Governor-General Luke Wright issued a proclamation that
it had to reign for two more years before elections for the Philippine Assembly would be called. The
Philippine Commission notified President Roosevelt that there had been two years of general and
complete peace in the territories not inhabited by Muslims and other non-Christian tribes from time that
the census had been published. President Roosevelt in turn, authorized Governor Wright to make a
proclamation calling for such an election.

The national election for the Philippine Assembly was participated by two prominent political parties
in the country- the Partido Nacionalista and the Partido Nacional Progresista. The Nacionalista Party was
the result of the merging on March 12 1907 of two nationalist groups, namely, the Partido Union
Nacionalista whose members included Rafael Palma, Galicano Apacible, Pablo Ocampo, Leon Ma.
Guerero, Rafael del Pan, and Felipe Agoncillo, and the Partido Independista Imediatista, whose members
included Alberto Barretto, Sergio Osmeña, Manuel L. Quezon, Justo Lukban, Fernando Ma. Guerrero,
Jose de la Vina, Francisco Liongson, Macario Adriatico, and Vicente Miranda. The Progresista Party
formerly known as Federalista Party was a pro-American party prior to the election in 1907 but shifted
its ideology to becoming pro-Filipinos by calling for an independent democratic government, was led by
Arsenio Cruz Herrera.

The much awaited first national election for the Philippine Assembly was realized on July 30 1907,
the candidates were all clamoring for a total of 80 seats, as set by the Philippine Commission. There
were in all 104, 996 registered voters, but the number of those who voted was only 98, 251. Qualified to
vote were males, at least 23 years old. The Nacionalista won 31 seats (plus one, Manuel L. Quezon who
chose to run as an independent); the Independientes, 20; the Progresistas, 16; Immediatistas, 7; and
other minor political parties, 5. None of the political parties had a majority in the assembly.

Prominent personalities in the Revolutionary Government held important posts. Among these were
Pedro Paterno, who had been president of the Malolos Congress; Felipe Agoncillo, who had been
Aguinaldo’s diplomat in the U.S; and Leon Ma. Guerero, Aguedo Velarde, and Alberto Barretto who had
held important posts in the Malolos Government. The elections of 1907 indicated that Filipino
electorates had profound confidence for delegates who have background in lawmaking; there were 48
lawyers who occupied seats in the First Philippine Assembly. The rest were landowners; businessmen;
businessmen-landowners; doctors; and a priest.

The Inauguration of the First Philippine Assembly

The date October 16, 1907 was a historical event as the Philippine Assembly was formally
inaugurated at the Grand Opera House, Manila. Secretary of War Taft made a special trip to Manila for
the sole purpose of attending the inaugural ceremony. He and Governor-General Smith addressed the
new legislative body. Bishop Jose Barlin of Naga gave the invocation prayer. After it was convened, the
Philippine Assembly proceeded to organize itself. The 29-year old governor of Cebu, Sergio Osmeña was
chosen Speaker of the Assembly. His friend and former classmate, Manuel L. Quezon, representing the
first district of Tayabas became the majority floor leader, and Vicente Singson, representing the first
district of Ilocos Sur, as minority floor leader. Both Osmeña and Quezon were only 29 years old, but both
of them were experienced politicians because they had served as provincial governors first before they
ran for national seat. After the assembly created 30 standing committees and elected their respective
chairmen that reportedly took 40 minutes, Secretary Taft declared the Philippine Legislature open.

The rules of legislature body were patterned after those of the U.S House of Representatives. The
assembly came up with two changes from the U.S rules: first, it combined the Ways and Means
Committee with the various appropriations committees in the U.S model, creating a powerful single
committee known as the Committee on Ways and Means and Appropriations. Another important change
was that the Speaker does not assume the post of chairman of the Committee on Rules, unlike U.S
practice.
The major contribution of the First Philippine Assembly was its effort to revive the issue of
independence with the cooperation of the Philippine Commission. The Philippine Commission and the
Philippine Assembly approved its first joint resolution of on October 19, 1907 expressing its gratitude to
President of the United States, the Congress and the people of the United States in behalf of the
Philippine Assembly and Filipino citizens for having bestowed upon them the privilege to participate in
the political affairs and make laws that directly govern them.

Ang Asembleya Filipina

Ang Batas Pilipinas 1902 o Batas Cooper ay nagtakda ng probisyon tungkol sa

pagtatatag ng Asembleya Filipina kaya noong Hulyo 30, 1907 ay naganap ang isang

halalan ng mga kagawad ng Asembleya Filipina. Ito ay pinasinayaan noong Oktubre 16,

22

1907 sa Manila Grand Opera House. Nahalal si Sergio Osmeña Sr. bilang ispiker at si

Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.

Maliban sa pagkakaroon ng Asembleya Filipina, marami pang napatunayan ang

mga Pilipino sa kanilang kahusayan sa pamamahala. Ilan dito ay ang pagkahirang kay

Gregorio Araneta bilang Kalihim ng Pananalapi at Katarungan at kay Cayetano

Arellano bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Lumawak din ang pakikibahagi

ng mga Pilipino sa Pamahalaang Lokal at Serbisyo Sibil. Noong 1918, tinatayang 4% o

apat na porsyento na lamang ng mga posisyon sa pamahalaan ang hawak ng mga

Amerikano.

Maraming Batas na nagawa ang Asembleya. Ang Batas Gabaldon 1907 ay

tungkol sa pagtatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas. Napagtibay din ang mga

batas tungkol sa pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.


Kasama din ang batas tungkol sa sakahan tulad ng patubig at bangkong pansakahan.

Sa kabila ng pagsisikap ng mga Pilipino sa Mababang Kapulungan na

patunayang may kakayahan sila sa pamamahala ay may pagsalungat din ang mga

Amerikano na nasa Komisyon ng Pilipinas bilang Mataas na Kapulungan. Ilan dito ay

ang pagpapawalang-bisa sa Batas Sedisyon noong 1901 na nagpaparusa sa sinumang

may papahayag at masusulat ng anumang laban sa pamahalaan ng Estado Unidos.

Gayon din ang Batas Panunulisan (Brigandage Act) noong 1902 na nagpaparusa ng

pagkabilanggo o bubuo ng sandatahang pangkat upang maiwasan ang paglaban sa

kapangyarihan ng Estados Unidos at mayroon ding Batas sa Bandila noong 1907 na

nagbabawal sa paggamit ng anumang sagisag o bandila lalo na ang mga sagisag ng

Himagsikan ngunit ito ay pinawalang bisa noong 1919. Maging ang paggamit ng

wikang lokal o dayalekto sa pagtuturo ay hinadlangan ng Komisyon ng Pilipinas.

Ngunit ang mga pagsasalungatang ito ay natapos din noong 1916, nang

pagtibayin ang Batas Jones na nagtatadhana sa pagkakaroon ng Senado bilang

Mataas na Kapulungan na siyang papalit sa Komisyon ng Pilipinas.

23

Ang Batas Jones

Noong 1916, napagtibay ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino sa

pagkakamit ng kalayaan kung mapapatunayan nilang may kakayahan na sila sa

pagsasarili. Sa pamamagitan ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia ay


nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ang batas noong Agosto 29, 1916.

Ayon sa Batas Jones, kailangang masanay ang mga Pilipino sa kanilang sariling

pamamahala lalo na sa paggawa ng batas. Subalit nanatiling Amerikano pa rin ang may

hawak ng Sangay Tagapagpaganap at sila pa rin ang tutukoy sa kahandaan ng mga

Pilipino. Samakatuwid, walang katiyakan ang kalayaan sa ilalim ng Batas Jones.

Paligsahan ng Pamunuan

Sa gitna ng pagsisikap ng mga Pilipino ay umigting din ang labanang pulitikal sa

pagitan ng mga Pilipino. Noong 1916, kinilalang lider ng Partido Nacionalista si Sergio

Osmeña ngunit hindi matanggap ni Quezon dahil siya ang Pangulo ng Senado o ang

Mataas na Kapulungan. Nagtatag naman si Teodoro Sandico ng hiwalay na Partido

Democrata Nacional, na ikinatuwa naman ng mga Progresista, kaya nagsanib ang

dalawang Partido sa ilalim ng Partido Democrata na pinamunuan nina Claro M. Recto,

Pio Valenzuela at Jose Alejandro. Sila ang naging oposisyon ng Partido Nacionalista.

Ngunit sinikap pa rin ng mga Pilipino lalo na nina Quezon at Osmeña na maayos

ang kanilang sigalot. Sa haba ng mga tunggalian nila ay nabuo pa rin ang Consejo

Supremo Nacional upang itaguyod ang kalayaan ng Pilipinas.Pagpapalalim ng Kaalaman

Ngayon at nabasa mo na ang tungkol sa Asembleya Filipina, Batas

Jones 1916, at ang naging kumpetisyon ng mga Pilipino sa pamunuan, marahil ay

handa ka na para sa pagbuo ng isang timeline.

May ilang mahalagang Batas at pangyayari sa ating talaan. Sikaping itapat ang

pangyayari sa tamang taon na nakasulat sa TIMELINE sa ibaba.

TAON MGA BATAS AT PANGYAYARI


24

1901 Ipinatupad ang Batas Sedisyon

1902 Ipinatupad ang Batas Panunulisan

1907 Pagtatatag ng Asembleya Filipina

1907 Pinasinayaan ang Asembleya Filipina

1907 Ipinatupad ang Batas Gabaldon

1907 Ipinatupad ang Batas Bandila

1916 Ipinatupad ang Batas Jones

1918 Paglaki ng bilang ng mga kawani at pinunong Pilipino sa

pamahalaan srbisyo sibilAng Batas Pilipinas 1902 o Batas Cooper ay nagtakda

ng pagtatatag ng Asembleya Fipilina bilang Mababang

Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang

tagapagbatas.

Maraming batas na naipatupad ang Asembleya Filipina para sa

edukasyon, pagsasaka, transportasyon at komunikasyon ngunit may

pagsalungat din ang Komisyon ng Pilipinas bilang Mataas na Kapulungan laban

sa pagsisikap ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan.

Ang Batas Jones 1916 ay nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na

matamo ang kalayaan sa oras na mapatunayan nila na sila ay may kasanayan at

kakayahan na sa pamamahala at pagsasarili.

Ang paligsahan sa pamunuan sa pagitan ng mga Pilipino ay umigting sa


pagkakaroon ng iba’t ibang partido at lider sa pangunguna nina Sergio Osmeña

at Manuel Quezon. Sa dulo ay nagkasundo rin ang mga lider Pilipino upang

itaguyod ang kalayaan ng Pilipinas.Ang Asemblea ng Pilipinas, 1907-1916

Nagsimula ang paghahalal sa Pilipinas ng mga kinatawang Pilipino noong itinatag ng insular na
Pamahalaang Amerika ang Asemblea ng Pilipinas. Sa pamamagitan nito, pinahintulutan ng Amerika ang
mga Pilipinong magkaroon ng bahagi sa pamamahala sa Pilipinas. Tumayo ang Asemblea bilang ang
mababang kapulungan sa lehislatura. Ang lehislatibong kapangyarihan nito ay nanggaling sa Komisyon ng
Pilipinas—na pawang Amerikanong opisyales ang mga kasapi sapagkat kontrolado pa rin ito ng mga
Amerikano. Noong 1907, sakop pa rin ng Amerika ang Pilipinas nang gawin ang pinakaunang
pambansang halalan para sa Asemblea at mula rito ay nagkaroon ng 81 na kinatawang Filipino para sa
kani-kanilang distrito. Sa pag-usad ng mga taon, lumobo ang bilang ng mga distrito mula 85 noong 1910
hanggang sa maging 91 noong 1912.

PANANAKOP NG AMERIKANO

Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang
teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga
tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga
naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang
misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang
sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan
at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.

Sinakop ng mga Amerikano ang Bansang Pilipinas dahil:

1.Mayaman ang Bansang Ito sa mga Likas na Yaman.

2.Gusto nila itong gawing imbakan ng mga materyales.

3.Sentrong Pamilihan.

Noong masakop ng mga Amerikano ang Pilipinas,nag patupad sila ng mga patakaran at batas na may
maganda at hindi magandang dulot sa mga Pilipino.
Unang - unang ipinatupad ng Pangulo ng mga Amerikano na si William Mckinley ang BENEVOLENT
ASSIMILATION na nanagahulugan ng "Mapagpalayang Asimilasyon".

Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Amerikano:

1.PAGSUPIL

-Pamahalaang Militar

-Schurman Commission

-Taft Commission

-Pamahalaang Sibil

2.PAMPULITIKA

-Sedition Law

-Brigandage Act

-Reconcentration Law

-Flag Law

3.PANGKABUHAYAN

-Free Trade Act

-Technology

4.PANLIPUNAN AT PANGKULTURA

-Thomasites

-Pecsionados

-Hospital
-Bahay Ampunan

-Rock

Unang yugto (1898-1935)

Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang
unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo
ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Shurman
(First Philippine Commission o Schurman Commission) noong Enero 20, 1899, na nasundan ng iba pang
mga Komisyon

Unang Komisyon (1899)

Ang Komisyon ni Shurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng
limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey
at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng
Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at
kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng
kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng
isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan
ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong
awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng
walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.[

~Ikalawang Komisyon (1900)

Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft
Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang
gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong Marso 16, 1900. Binigyan ito ng
kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900
hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang
sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng
Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).

BATAS COOPER
Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 (Ingles: Philippine Bill of 1902 o
Philippine Organic Act (2013)) ay isang batas na ipinatupad ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1902.
Ipinagtibay ito noong Hulyo 2, 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang
pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay
sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino
na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados
Unidos.

Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang
halalan at ang pagpapasinaya ay ginnap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker
si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang
din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados
Unidos.

BATAS JONES

Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang
magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag
nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na
batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang
Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan
William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.

MISYONG PANGKALAYAAN

Dahil nais na ng mga pilipino na mag sarili,nag lunsad sila ng mga misyong pangkalayaan:

-Manuel L. Quezon (Unang Misyon 1912)

-Quezon at Osmena (Ikalawang Misyon 1922)

-Manuel Roxas (Ikatatlong misyon 1927)


-Manuel Roxas (Ikaapat na Misyon 1930)

-Lahat ng Misyon na ito ay nabaliwala sa mga amerikano sa katwirang hindi pa handang mag sarili ang
bansang pilipinas ngunit nag lunsad naman sila ng mga misyong pangkalayaan:

1.Hare Hawes cutting - 10 taon na oobserbahan ng mga amerikano ang bansang Pilipinas kung Puwede
na tayong mag sarili at mag karoon ng sariling Saligang Batas.

-sa Misyong ito Hindi Pumayag si Manuel L. Quezon sa katwirang Matagal na obserbasyon.

2.Tydings McDuffie- 3 taon na oobserbahan ang pilipinas at kapag natapos ang 3 taon na ito papayagan
na tayo ng mga amerikano na magkaroon ng sariling Saligang Batas.

-dito sa misyong ito pumayag si Manuel L. Quezon.

Noong natapos ang tatlong taon (1934) nagkaroon na ang Pilipinas ng sariling Saligang Batas (Kalayaan)

-Sept. 17,1935

Bumuo ng Commonwealth sina Osmena at Quezon

Sampamahalaan ng Pilipinas

Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934,
nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.

COMMONWEALTH / KOMONWELT

Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas (Ingles: Commonwealth of the


Philippines; Kastila: Mancomunidad de Filipinas) ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935
hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular
na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong
pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa
Philippine Autonomy Act o Batas Jones.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng
komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito.

MGA BATAS NG COMMONWEALTH / KOMONWELT

(Panlipunan)

-Serbisyo Sibil

-Kooperatiba

-8 Hour Labor Law

-Public Atty.

-Kagawaran ng Paggawa

(Pampulitika)

-Tanggulang Pambansa

-National Defense Act

-Public Defender Act

-Pagboto ng mga Kababaihan

(Pang-Edukasyon)

-Pambansang Wika]

-Code of Ethics

-Libreng Edukasyon
-Edukasyong Bokasyonal

Nabuwag din ang Komonwelt / commonwealth noong 1946 at naging Republika ng Pilipinas.

PANANAKOP NG HAPON

Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942
hanggang 1945,noong ikalawang Digmaanng Pandaigdig, kung saan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang
Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,Binomba ng Hukbo ng mga Hapones sa


pangunguna ng kanilang Heneral na si Masaharu Homa ang Pilipinas noong Dec. 8,1941.Naganap ito
isang araw pagkaraang Bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor,Hawaii.Pagkaraang ng mga ilang
Linggo,umatras sina Heneral Douglas McArthur kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon.

De. 24,1941,pinasok ng mga Hapones ang Maynila,at napabagsak nila ang Bataan.Desyembre 26,1941
,idineklarang "Op3en City" ang Maynila ngunit sinira parin ito ng mga Hapones.
Ang Bilanggo ay pinaglakad ng mga Hapones (Death March) papunta sa Konsentrasyon sa Capas sa
lalawigan ng Tarlac.

Enero 2,1942,Ganap na nasakop ang Maynila ng mga Hapon.

Nangakong babalik si Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas kaya naman kanya niya itong Tinupad at
Bumalik sya sa Pilipinas.

Bumalik ang mga Amerikano kasama si Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas upang palayain tayo mula
sa mga Hapones.

Napalaya tayo ng mga Hapones noong 1945 .

MGA LARAWAN NG PANANAKOP NG AMERIKANO AT HAPONES

Picture

PANANAKOP NG AMERIKANO

Picture

PAMAHALAAN NG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS

Picture

PADEKLARA SA KOMONWELT

Picture
PANANAKOP NG MGA HAPONES

Picture

PAGPASOK NG MGA HAPON SA MAYNILA

Picture

DEATH MARCH

Picture

PAGBABALIK NI HENERAL DOUGLAS MCARTHUR SA LEYTE

B. Mula sa Komisyon sa Pilipinas hanggang sa Lehislatura ng Pilipinas (1899 – 1935)

Noong 1899, sa kahabaan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, itinalaga ni Pangulo ng Estados Unidos


William McKinley ang Unang Komisyon sa Pilipinas (kilala bilang Komisyong Schurman) para isarbey ang
Pilipinas at suriin ang kondisyon nito. Bilang resulta, ipinadala ng Komisyon ang isang ulat sa lagay ng
Pilipinas sa Pangulo ng Estados Unidos noong Enero 31, 1900. Inirekomenda ng Komisyon ang isang
mabilis na transisyon mula sa isang militar patungo sa gobyernong sibil, ang pagtatatag ng pamahalaang
lokal na pinamumunuan ng mga Pilipino, at libreng edukasyon. Mula roon, ang Komisyon, na kalaunang
napalitan ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas (ang Komisyong Taft), ay nagpadala sa Pangulo ng Estados
Unidos ng taunang ulat para sa taong-piskal, sa pamamagitan ng Kalihim ng Digmaan ng U.S.

Sa pagpapatupad ng Philippine Organic Act of 1902 ng Kongreso ng U.S., opisyal nang napasasailalim ang
opisina ng Gobernador Heneral ng Pilipinas sa Pangulo ng Estados Unidos, at itinakda na rin ang mga
kondisyon para sa isang bikameral na lehislatura, kung saan gagawing mataas na kapulungan ang
Komisyon at pupunuin naman ng mga Pilipino ang Asemblea sa pamamagitan ng botohan. Ipinag-utos
din ng batas sa Komisyon na gumawa ng taunang ulat sa Kalihim ng Digmaan ng lahat ng resibo at
gastusin nito, subalit hindi naglaan ng kahit anong probisyon na mag-ulat ang Gobernador Heneral sa
Lehislatura ng Pilipinas.

Wala mang probisyon, sa parehong taong ding iyon ay pinasimulan ng Gobernador Heneral ang
pagbibigay ng mensahe sa Lehislatura. Ito ang naging taunang pagbibigay-mensahe ng Pangulo kada
simula ng sesyon, tinawag na “Taunang Mensahe ng Gobernador Heneral sa Lehislatura.” Gayumpaman,
hindi ito itinuring na State of the Nation Address dahil hindi ito ipinag-utos ng batas. Pagkatapos ng
mensahe, ipapasa ang badyet sa Kalihim ng Pananalapi, at dedepensahan naman sa Lehislatura.
Sa kauna-unahang sesyon ng Asemblea ng Pilipinas noong Oktubre 16, 1907 sa Marble Hall ng
Ayuntamiento Building, binuksan ni Gobernador Heneral James F. Smith ang asemblea at nagbigay ng
talumpati kung saan inilahad niya ang mga nakaraang gawain ng gobyerno patungo sa pagtatatag ng
Asemblea ng Pilipinas. Sinundan ang mensahe ng Gobernador Heneral ng talumpati ni William Howard
Taft, na nagsisilbi noon bilang Kalihim ng Digmaan ng U.S. at kinatawan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Binalikan ng mahabang talumpati ni Kal. Taft ang naging progreso ng administrasyong Amerikano sa
Pilipinas at idiniin ang mga mithiin ng Amerika para sa Pilipinas. Ang mga pangyayaring ito ang nagbigay-
daan sa tradisyon ng estado na kalaunang naging SONA.

The Philippine Assembly with Governor General James F. Smith and the U.S. Secretary of War William
Howard Taft, on October 16, 1907 during the Assembly’s inaugural session. (Photo courtesy of the
National Library of the Philippines.)

Ang Asemblea ng Pilipinas kasama si Gobernador Heneral James F. Smith at Kalihim ng Digmaan William
Howard Taft, noong Oktubre 16, 1907 sa inagural na sesyon ng Asemblea. (Litrato mula sa Pambansang
Aklatan ng Pilipinas.)

Noong Oktubre 16, 1914, ipinasa ng Lehislatura ang Concurrent Resolution No. 12, na nagmamandato sa
Komisyon at Asemblea na magsagawa ng joint session sa session room ng Asemblea sa Ayuntamiento
para tanggapin ang mensahe ng Punong Ehekutibo ng Kapuluan, ang Gobernador Heneral.

Sa pagpapatupad ng Jones Law noong 1916, ang Gobernador Heneral—hindi na ang Komisyon—ang
kinakailangang magbigay ng opisyal na ulat sa Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos tungkol sa
pamamalakad sa teritoryo, at ipapasa naman nito sa Pangulo ng Estados Unidos. Isusumite naman ng
Pangulo ng Estados Unidos ang ulat sa Kongreso ng Estados Unidos.

Isang hiwalay na tradisyon ang sumibol, kung saan magbibigay ng mensahe ang Gobernador Heneral sa
Lehislatura sa pagbubukas ng taunang sesyon. Gayumpaman, hindi ito mandatoryo. Ang interesante
tungkol dito ay personal na ibinibigay ng Gobernador Heneral ang mensahe. Sa parehong panahon sa
Estados Unidos, hindi ang Pangulo ng Estados Unidos ang personal na nagbibigay ng mensahe. Sisimulan
ni Pangulong Woodrow Wilson noong 1913 ang kasalukuyang tradisyon ng pagbibigay-mensahe sa
Kongreso nang personal.

Nakilala ang tradisyong ito bilang “Governor General’s annual message to the Legislature [Taunang
mensahe ng Gobernador Heneral sa Lehislatura].” Bilang kinatawan ng isang dayuhang kapangyarihan, at
bilang Punong Ehekutibong representante ng Amerika, malinaw na ginawa ang aktibidad na ito para
patibayin ang mga polisiyang Amerikano at hindi upang magsilbing lider ng mga Pilipino. Ang papel
bilang pinuno ng mga mamamayan ay ginampanan ng mga Pilipinong mambabatas na inihalal ng mga
tao.

Governor General Leonard Wood addresses the Legislature at the Marble Hall in Ayuntamiento. Seen in
the rostrum are Senate President Manuel L. Quezon and House Speaker Manuel Roxas. (Photo courtesy
of Library of Congress)

Si Gobernador Heneral Leonard Wood na nagtatalumpati sa Lehislatura sa Marble Hall ng Ayuntamiento.


Makikitang nasa rostrum sina Senate President Manuel L. Quezon at House Speaker Manuel Roxas, circa
1920. (Litrato mula sa Silid-aklatan ng Kongreso)

C. ANG KOMONWELT NG PILIPINAS (1935 – 1941)

Nag-umpisa ang SONA, na kilala natin ngayon bilang isang taunang gawain, noong panahon ng
Komonwelt. Nakasaad sa inamyendahang 1935 Konstitusyon, Artikulo VII, Seksiyon 5 na:

“[T]he President shall from time to time give to the Congress information on the state of the Nation, and
recommend to its consideration such measures as he shall judge necessary and expedient.”

[Ang Pangulo ay kinakailangang regular na mag-ulat sa Kongreso tungkol sa lagay ng bansa, at


magmungkahi rito ng mga hakbang at batas na sa tingin niya ay kinakailangan at makatutulong dito nang
malaki.]

Kung kaya, nakilala ang taunang mensahe sa Lehislatura bilang State of the Nation Address.

You might also like