Pumunta sa nilalaman

Yang di-Pertuan Agong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yang di-Pertuan Agong ng Malaysia
Pederal
Nanunungkulan
Ibrahim
since 31 Enero 2024
Sultan ng Johor
Detalye
EstiloKaniyang Kamahalan
Unang monarkoTuanku Abdul Rahman
ng Negeri Sembilan
ItinatagAgosto 31, 1957
TahananIstana Negara, Kuala Lumpur
Websitewww.parlimen.gov.my/agong

Ang Yang di-Pertuan Agong (Jawi: يڠ دڤرتوان اݢوڠ‎) ay ang puno ng estado (hari) ng Malaysia. Itinatag ang tanggapan noong 1957 nang matamo ng Pederasyon ng Malaya (ngayo'y Malaysia) ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom. Ang Malaysia ay isang monarkiyang konstitusyonal na may halal na monarko bilang puno ng estado. Ang Yang di-Pertuan Agong ay isa sa iilan lamang halal na monarko sa buong mundo. Ang konsorte ng Yang di-Pertuan Agong ay tinatawag na Raja Permaisuri Agong.

Sa Malaysia, binibigyan ng malawak na kapangyarihan ng konstitusyon ang Yang di-Pertuan Agong. Tinutukoy sa konstitusyon, na ang kapangyarihang tagapagpaganap ng pamahalaang pederal ay nakasalalay sa Yang di-Pertuan Agong na kaniya namang ginagampanan sa payo ng pederal na Council of Ministers. Pinamumunuan ang sanggunian ng Punong Ministro na hinihirang ng Yang di-Pertuan Agong mula sa mga halal na kagawad ng Parlamento. May diskresyonaryong kapangyarihan ang Yang di-Pertuan Agong na pumili ng Punong Ministro na kaniyang napupusuan at hindi siya nakatali sa desisyon ng bababang punong ministro kung walang partidong makakakuha ng mayoryang boto (Artikulo 40). Gayumpaman, wala siyang kapangyarihang tanggalin ang isang punong ministro. Maaari din niyang isantabi o di-pagbigyan ang kahilingan na buwagin ang Parlamento (Artikulo 40).[1] Maaari niyang ipatigil o buwagin ang Parlamento (Artikulo 55), ngunit ang pagbubuwag ng Parlamento ay maaari lang niyang maisagawa kung ito'y hinihiling ng Punong Ministro (Artikulo 43). Maaari niyang tanggihan ang ano mang bagong batas o mga susog sa mga dati nang batas, subalit kung hindi pa rin niya ipagkakaloob ang kaniyang pahintulot, magiging batas na ito 30 araw makaraang ihain ito sa kaniya (Artikulo 66).[2]

Ang ika-14 at kasalukuyang Yang di-Pertuan Agong ay si Sultan Abdul Halim ng Kedah. Nagsimula ang kaniyang paghahari mula Disyembre 13, 2011 matapos mahalal ng Conference of Rulers. Siya ang kauna-unahang pinunong dalawang ulit na nahalal sa katungkulan. Una na siyang naging Yang di-Pertuan Agong mula 1970 hanggang 1975, at pinakamatandang nahalal sa katungkulan sa gulang na 83.[3] Isinagawa ang pagluklok sa bagong Yang di-Pertuan Agong noong Abril 11, 2012 sa bagong Istana Negara at Jalan Duta.

Ang buong titulo sa Malay ng Yang di-Pertuan Agong ay Kebawah Duli Yang Maha Mulia Seri Paduka Baginda Yang di-Pertuan Agong (transliterasyon: "Ang Kaniyang Kamahalan, Siyang ginawang Kataas-taasang Panginoon (ng Pederasyon)".

Opisyal na ginagamit ng pamahalaan ng Malaysia ang titulong "Ang Kataas-taasang Puno ng Malaysia" bilang pagtukoy sa puno ng estado ng bansa.

Talaan ng mga Yang di-Pertuan Agong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay ang mga nanungkulan at kasalukuyang Yang di-Pertuan Agong:

Blg. Pangalan Estado Paghahari Kapanganakan Kamatayan
1 Tuanku Abdul Rahman Negeri Sembilan Negeri Sembilan Agosto 31, 1957 – Abril 1, 1960 Agosto 24, 1895 Abril 1, 1960 (edad 64)
2 Sultan Hisamuddin Alam Shah Selangor Selangor Abril 14, 1960 – Setyembre 1, 1960 Mayo 13, 1898 Setyembre 1, 1960 (edad 62)
3 Rajah Syed Putra Perlis Perlis Setyembre 21, 1960 – Setyembre 20, 1965 Nobyembre 25, 1920 Abril 16, 2000 (edad 79)
4 Sultan Ismail Nasiruddin Shah Terengganu Terengganu Setyembre 21, 1965 – Setyembre 20, 1970 Enero 24, 1907 Setyembre 20, 1979 (edad 72)
5 Tuanku Abdul Halim Muadzam Shah Kedah Kedah Setyembre 21, 1970  – Setyembre 20, 1975 (1927-11-28) 28 Nobyembre 1927 (edad 97)
6 Sultan Yahya Petra Kelantan Kelantan Setyembre 21, 1975 – Marso 29, 1979 Disyembre 10, 1917 Marso 29, 1979 (edad 61)
7 Sultan Haji Ahmad Shah Al-Mustain Billah Pahang Pahang Abril 26, 1979 – Abril 25, 1984 (1930-10-24) 24 Oktubre 1930 (edad 94)
8 Sultan Iskandar Johor Johor Abril 26, 1984 – Abril 25, 1989 Abril 8, 1932 Enero 22, 2010 (edad 77)
9 Sultan Azlan Muhibbuddin Shah Perak Perak Abril 26, 1989 – Abril 25, 1994 Abril 19, 1928 Mayo 28, 2014 (edad 86)
10 Tuanku Jaafar Negeri Sembilan Negeri Sembilan Abril 26, 1994 – Abril 25, 1999 Hulyo 19, 1922 Disyembre 27, 2008 (edad 86)
11 Sultan Salahuddin Abdul Aziz Shah Selangor Selangor Abril 26, 1999 – Nobyembre 21, 2001 Marso 8, 1926 Nobyembre 21, 2001 (edad 75)
12 Rajah Syed Sirajuddin Perlis Perlis Disyembre 13, 2001 – Disyembre 12, 2006 (1943-05-17) 17 Mayo 1943 (edad 81)
13 Sultan Mizan Zainal Abidin Terengganu Terengganu Disyembre 13, 2006 – Disyembre 12, 2011 (1962-01-22) 22 Enero 1962 (edad 62)
14 Tuanku Abdul Halim Muadzam Shah Kedah Kedah Disyembre 13, 2011 – Disyembre 12, 2016 28 Nobyembre 1927(1927-11-28) 11 Setyembre 2017(2017-09-11) (edad 89)
15 Muhammad V ng Kelantan  Kelantan Disyembre 13, 2016 – Enero 6, 2019 (1969-10-06) 6 Oktubre 1969 (edad 55)
16 Al-Sultan Abdullah  Pahang Enero 31, 2019 – Enero 30, 2024 (1959-10-06) 6 Oktubre 1959 (edad 65)
17 Sultan Ibrahim Iskandar  Johor Enero 31, 2024 – Kasalukuyan (1958-10-06) 6 Oktubre 1958 (edad 66)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Powers of the King" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-19. Nakuha noong 2015-11-25.
  2. "Constitutional Crisis, Crisis of 1983" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-16. Nakuha noong 2015-11-25.
  3. "Sultan of Kedah to be next Yang di-Pertuan Agong, for second time". The Malaysian Insider (sa wikang Ingles). Oktubre 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-14. Nakuha noong Oktubre 14, 2011.