Instrumentong may bagting
Itsura
Ang Instrumentong de-kuwerdas, instrumentong may kuwerdas, instrumentong de-bagting, o instrumentong may bagting (Ingles: stringed instrument, string instrument) ay isang uri ng instrumentong pangmusika na naglalabas ng tunog sa pamamagitan ng umuug-og na kuwerdas. Sa iskemang Hornbostel-Sachs ng paguuri ng instrumentong pangmusika na ginagamit sa organolohiya, ito ay tinatawag na kordopono. Ilan sa mga pangkaraniwang instrumentong de-kuwerdas ay ang gitara, biyolin, biyola, tselo, doble baho, banjo, mandolin, ukulele, at harpa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.