Giovanni Boccaccio
Giovanni Boccaccio | |
---|---|
Kapanganakan | 1313 (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 21 Disyembre 1375 (Huliyano)
|
Libingan | Chiesa dei Santi Jacopo e Filippo |
Trabaho | manunulat ng maikling kuwento, makatà,[2] diplomata, tagasalin, biyograpo, manunulat[2] |
Si Giovanni Boccaccio Samsona (1313 – 21 Disyembre 1375)[3] ay isang Italyanong may-akda, makata, mahalagang humanista ng Renasimyento, at awtor ng isang bilang natatanging mga akdang katulad ng Decameron, On Famous Women ("Hinggil sa Tanyag na mga Kababaihan"), at ng kanyang panulaan sa Italyanong bernakular. Partikular na natatangi si Boccaccio[4] dahil sa kanyang diyalogo, na nilalarawang lumalampas sa bersimilitud ng kanyang mga kasabayan, dahil sila ay mga midyibal na manunulat ng panitikan at kadalasang sumusunod sa pormulaikong mga modelo para sa katangian, mga tauhan, at balangkas o takbo ng salaysay. Siya ang itinuturing na "Ama ng Italyanong panitikang tuluyan" o ng literaturang prosa.[4] Kaibigan at kalihaman ni Boccaccio si Francesco Petrarca
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring ipinanganak si Boccaccio sa Certaldo, isang maliit na bayan may 20 milya ang layo mula sa Florencia. Noong 1341, umibig siya sa anak na babae ni Haring Roberto ng Naples, isang binibining pinatanyag ni Boccaccio sa kanyang akda sa ilalim ng pangalang Fiammetta. Isinulat niya ang mga kuwentong nakapaloob sa The Decameron para sa kaaliwan ng dalagang ito at pati na rin ng Hari ng Naples.[4]
Noong 1350, nagbalik si Boccaccio sa Florencia pagkaraan ng dakilang plaga o salot. Pagkaraang manungkulan sa maraming mga matataas na tungkulin sa Florencia, nagretiro siya sa Certaldo, ang lugar ng kanyang kamatayan.[4]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang pangalan ng akdang Decameron mula sa Griyegong may kahulugang "sampung araw". Isang katipunan ito ng 100 mga kuwento, na itinuturing bilang isa sa pinakadakilang mga aklat. Tinatalakay sa pambungad na kabanata nito ang paglalarawan ng dakilang salot.[4]
Hinangaan ni Petrarca ang salaysay ukol kay Griselda ni Boccaccio. Kabilang pa rin sa mga nakakuha ng inspirasyon mula sa mga akda ni Boccaccio ang mga manunulat na sina Geoffrey Chaucer, John Dryden, John Keats, Alfred Tennyson, at Gotthold Ephraim Lessing.[4]
Si Boccaccio rin ang nagsulat ng The Three Rings ("Ang Tatlong Singsing").[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.bartleby.com/library/bios/index2.html.
- ↑ 2.0 2.1 https://cs.isabart.org/person/33721; hinango: 1 Abril 2021.
- ↑ Bartlett, Kenneth R. (1992). The Civilization of the Italian Renaissance. Toronto: D.C. Heath & Company. ISBN 0-669-20900-7 (may malambot na pabalat), pahina 43–44.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Giovanni Boccaccio". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina vi at 327.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Ipinanganak noong 1313
- Namatay noong 1375
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with RSL identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with DBI identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Mga Italyano
- Mga manunulat
- Mga makata