Pumunta sa nilalaman

Biyola

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Biyola na ipinakikita sa harapan at tagiliran

Ang biyola[1] (mula sa Ingles na viola /viˈlə/ vee-OH-lə,[2] Italyano: [ˈvjɔːla, viˈɔːla]) ay isang uri ng instrumentong pangtugtog na mas malaki ang sukat kaysa isang biyulin. Pinapatugtog ito gamit ang hilis (bow), o kaya'y kinakalabit sa iba't ibang pamamaraan. Mayroon itong mas mababa at mas malalim na tunog kaysa biyolin.

Karaniwang tinotono ang apat na kuwerdas ng biyola sa mga ikalima: ang pinakamababang kuwerdas ay C (isang oktabo sa ibaba ng gitnang C), na may G, D, at A sa taas nito. Eksaktong isang ikalima ang pagtotonong ito sa ibaba ng biyolin,[3] para mayroon silang tatlong kuwerdas na karaniwan—G, D, at A—at isang oktabo sa itaas ng biyolonselo.

Mga tagapagtanghal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga dakilang kompositor, may ilan ang ginusto ang biyola kaysa biyolin kapag nagpapatugtog sa mga ensemble o grupo,[4] ang mga pinakakilala sa mga kompositor na ito sina Ludwig van Beethoven, Johann Sebastian Bach[5] at Wolfgang Amadeus Mozart. Kabilang pa sa ibang kompositor na ginusto ang pagtugtog ng biyola sa ensemble sina Joseph Haydn, Franz Schubert, Felix Mendelssohn, Antonín Dvořák, at Benjamin Britten. Ilan sa mga parehong biyolista at kompositor ay sina Rebecca Clarke at Paul Hindemith. Nakasulat ang mga kontemporaryong kompositor at biyolistang sina Kenji Bunch, Scott Slapin, at Lev Zhurbin ng ilang gawa para sa biyola.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Viola - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "viola". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
  3. "5 Differences Between Violas and Violins". consordini.com (sa wikang Ingles). 13 Marso 2017. Nakuha noong 28 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Groves Dictionary" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-15. Nakuha noong 2009-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Forkel, Johann Nikolaus. Über Johann Sebastian Bachs Leben, Kunst und Kunstwerke. Herausgegeben und eingeleitet von Claudia Maria Knispel (sa wikang Aleman). Berlin: Henschel Verlag.