Pumunta sa nilalaman

Bibi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang itik-itik.

Bíbi
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subfamilies

Dendrocygninae
Oxyurinae
Anatinae
Aythyinae
Merginae

Tatlong domestikadong Bibi
Tatlong natural na Bibi

Ang bibe, bibi, itik, o pato (Ingles: duck) ay isang uri ng ibon. Karaniwang tinatawag na bibi o bibe ang mga uring may mapuputing balahibo, samantalang itik naman ang may mga kayumanggi o itim na kulay. Ito ay ibong lumalangoy (waterfowl) na kamag-anak ng gansa at sisne.[1] Ang likás na ninuno ng karamihan sa domestikadong itik ay ang tinatawag na Mallard (Anas platyrhynchos) na mas maliit, mas magaan at may kakayahang lumipad. Ang mga laláking Mallard ay may luntiang ulo at kulay-abong katawan; ang mga inahin ay batik-batik na kayumanggi at itim.

Isang moskobitong itik na nag-uunat.

Ang pangalawang uri ng domestikadong itik ay ang mas malaking moskobito o Muscovy duck sa Ingles (Cairina moschata). Ang mga ito ay may balahibong puti, itim o batik-batik na puti at itim. Bukod sa pagiging mas malaki kaysa mga ibang itik, ang mga ito ay may taglay na mga pulang palong at mala-maskarang balat sa paligid ng mga mata at tuka. Sa mga ibong maygulang lang ito makikita; ang mga bibi nito ay mukhang pangkaraniwang bibi rin.

Ang mga itik ay siyang pinagkukunan ng itlog na balut at penoy, at gayundin ang karne nito ay karaniwang matitikman sa mga lutong Intsik at Timog-Silangan Asyano.

Ang salitang "bibi/bibe" at "itik" ay katutubong Pilipino (katumbas ng Indo-Malay: bebek at itik[2]); ang "bibi/bibe" ay maaari ding tumukoy sa sisiw o inakay ng ibong ito. Ang salitang "pato"[3] ay mula sa Kastila.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. http://translate.google.com/#en%7Cid%7Cduck%0A
  3. http://buscon.rae.es/draeI/SrvltConsulta?TIPO_BUS=3&LEMA=pato