0% found this document useful (0 votes)
443 views40 pages

Q2 G3 Science M1

module

Uploaded by

Maricar Atienza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
443 views40 pages

Q2 G3 Science M1

module

Uploaded by

Maricar Atienza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Science– Grade 3

Alternative Delivery Mode


Quarter 2– Module 1-8: LIVING THINGS & ENVIRONMENT
First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:

Development Team of the Module


Authors: Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu, Helen T. Sanidad,
Erlinda L. Añonuevo, Gladys T. Avila, Jonathan Yap, Carmela C. Casas
Shiela R. Dela Cerna, Fe M. Manigao, Peachy Jocson, Wennie G. Norella

Editor: Maria Virginia T. Dequito

Content Evaluator : Dr. Minerva C. Bilaos

Illustrators : Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu, Helen T. Sanidad,


Erlinda L. Añonuevo, Gladys T. Avila, Jonathan Yap, Carmela C. Casas
Shiela R. Dela Cerna, Fe M. Manigao, Peachy Jocson, Wennie G. Norella

Layout Artist: Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu, Helen T. Sanidad,


Erlinda L. Añonuevo, Gladys T. Avila, Jonathan Yap, Carmela C. Casas
Shiela R. Dela Cerna, Fe M. Manigao, Peachy Jocson, Wennie G. Norella

Management Team: Jennifer C. Tubello, Elaine Margarett U. Baguio, Ana Montanez

Printed in the Philippines by Schools Division Las Piñas

Department of Education – Las Piñas, Elementary Science Department

Office Address: Gabaldon Bldg. Brgy. Elias Aldana


Padre Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Telefax: (02) 8-8359030 (02) 8- 822-3840
E-mail Address: [Link]@[Link]
3

Science 3
Quarter 2- Module
LIVING THINGS and
ENVIRONMENT

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at
action@[Link].

We value your feedback and recommendations.

Department of Education • Republic of the Philippines


Pambungad na Mensahe

Para sa mga Magulang:

Ang modyul na ito ay nilikha para sa inyong mga anak upang


makatulong sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa Agham.
Ang nilalaman at tinatalakay ng modyul na ito ay tungkol sa kanilang aralin
para sa Ikalawang Kwarter. Inaasahan namin na kayo ay magiging gabay at
katuwang ng inyong mga anak sa paglalakbay sa kanilang mga aralin tungo
sa kanilang pagkatuto.
Maraming salamat po!

Para sa mga Mag- aaral:

Ang modyul na ito ay nilikha para sa iyo upang makatulong sa


pagpapalawak ng iyong kaalaman at kasanayan sa Agham. Ang nilalaman at
tinatalakay ng modyul na ito ay tungkol sa Ikalawang Kuwarter. Ito ay hango
sa Most Essential Learning Competency (MELC) ng K – 12 Kurikulum para sa
Ikatlong Baitang sa Ikalawang Kuwarter. Ang modyul na ito ay magagamit
mo at makatutulong sa iyo upang mapag-aaralan mo ang mga aralin at mga
gawain na nakapaloob dito.
Masisiyahan ka na pag- aralan at tapusin ang mga gawaing nakapaloob
dito. Pakiusap lamang namin na ingatan mo ito at huwag sisirain upang
magamit pa ng ibang mga susunod na mag-aaral. Maaari kang gumamit ng
papel o kwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito.
Maligayang pag- aaral!

Mga May Akda

4
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda at dinisenyo upang mapalawak at
matiyak ang iyong kaalaman tungkol sa living things at sa kapaligiran. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay gagabay at tutulong sa iyo upang matapos ang
inilaang aralin para sa iyo.

Ang modyul na ito ay nahahati sa walong aralin:

• Aralin 1 – Mga Mata, Tainga at Ilong


• Aralin 2 – Dila at Balat
• Aralin 3 – Mga Hayop sa Kapaligiran
• Aralin 4 – Katangian at Kahalagahan ng mga Hayop
• Aralin 5 – Mga Halaman
• Aralin 6 – Living Things at Non – Living Things
• Aralin 7 – Mga Pangunahing Pangangailangan
• Aralin 8 - Pangangalaga at Pag-iingat sa Kapaligiran

Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na


matutunan mo ang mga sumusunod na layunin:
1. nailalarawan ang mga bahagi ng mata, tainga at ilong at mga tungkulin
ng mga ito;
2. nailalarawan ang mga bahagi ng dila at balat at mga tungkulin ng mga
ito;
3. nakikilala ang mga hayop sa kapaligiran, mga bahagi ng katawan at
tirahan;
4. napapangkat ang mga hayop ayon sa kanilang paggalaw at balot ng
katawan at natutukoy ang kahalagahan ng mga ito;
5. nailalarawan ang iba’t-ibang bahagi at uri ng halaman at natutukoy
ang kahalagahan ng mga ito;
6. naipapaliwanag ang mga katangian ng living things at non – living
things at nakikilala ang mga katangiang namamana ng anak sa
kanilang magulang;
7. natutukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, halaman at
hayop tulad ng hangin, pagkain, tubig tirahan at iba pa;
8. nakikilala ang mga wastong paraan ng pangangalaga at pag-iingat sa
kapaligiran.

5
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang bahagi ng katawan ang nakatutulong sa atin upang malasahan ang
pagkain?
A. mata B. dila C. balat D. tainga
2. Aling pangkat ng mga hayop ang nakatira lamang sa lupa?
A. whale, sea horse, eel C. buwaya, pagong, ibon
B. alimasag, paruparo, isda D. pusa, kuneho, aso
3. Ano – ano ang naibibigay at naitutulong ng mga hayop sa mga tao?
A. nagsisilbing pagkain C. katulong sa hanapbuhay
B. gamit sa transportasyon [Link] ng nabanggit
[Link] bahagi ng halaman nagaganap ang photosynthesis?
A. ugat B. sanga C. dahon D. bulaklak
5. Ito ay ang mga bagay na humihinga, gumagalaw at dumarami.
A. Non – living things C. Living things
B. Reproduction D. Heredity

Lesson
Mga Mata, Tainga at Ilong
1
Ang mga tao, halaman at hayop sa paligid mo ay mga may buhay.
Maaari mo bang obserbahan kung paano sila lumalaki at naninirahan sa
kapaligiran? Ano ang mga pandama na iyong ginamit upang masuri ang
mga ito?

Balikan

Sa unang kwarter ay napag-aralan mo ang tungkol sa matter? Ano ang


matter? Ano ang katangian ng matter?

6
Tuklasin
Gawain 1: Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Ilista ang mga
pangalan ng bahagi ng katawan na ginagamit sa pandama at ang gawain o
tungkulin nito.

Pandama Pangalan/Katawagan Gawain/Tungkulin

1.

2.

3.

Suriin
Ang ating pandama ay tumutulong upang maobserbahan ang ating
paligid. Mayroon tayong limang pandama, ang mata, tainga, ilong, dila, at
ang balat.
Mga Bahagi ng Mata at mga Tungkulin Nito
Ang ating mga mata ay ginagamit upang tayo ay makakita. Nasasabi
natin ang sukat, kulay at hugis ng mga bagay sa ating paligid dahil dito.
Ang mga bahagi ng mata ay ang cornea parang malinaw na salamin na
tumatakip sa unahan ng ating mata. Ang iris naman ang bahaging may kulay
na kumokontrol ng liwanag na pumapasok sa ating mata. Ang pupil ay hugis
bilog kung saan pumapasok ang liwanag. Kasunod nito ay ang lens ang
gitnang bahagi ng mata na nagbibigay ng larawan o bagay na nakikita sa
retina. Ang retina ay nagsisilbing pansala sa sobrang taas ng liwanag upang
makabuo ng imahe at magkaroon ng pokus sa mga bagay na ating nakikita.
Ang optic nerve ay nagsisilbing tagapag-ugnay ng mensahe ng mata sa utak.
tungkol sa bagay na nakikita na.

Figure 1. Mga Bahagi ng Mata

7
Mga Wastong Pangangalaga ng Mata

a. Paggamit ng goggles kapag lumalangoy sa dagat o swimming pool.


b. Pagsusuot ng shades/sunglasses kung mainit ang panahon.
c. Huwag magbasa sa madilim na silid o sa tumatakbong sasakyan.
d. Huwag manonood ng telebisyon nang sobrang lapit.

Mga Bahagi ng Tainga at mga Tungkulin Nito


Ang mga tainga ay ginagamit upang tayo ay makarinig ng iba’t ibang
tunog sa ating paligid. Maaaring mahihina o malalakas ang mga tunog na ito.
Ang mga bahagi ng tainga ay pinna ang panlabas na bahagi ng ating
tainga na iyong nakikita. Ito ang sumasagap ng tunog na dinadala nito sa ear
canal. Ear canal isang tubo na tuloy-tuloy na naghahatid ng tunog sa
eardrum. Eardrum isang manipis na balat, kapag ang tunog ay umabot na
dito, ito ay gumagalaw at nagba-vibrate. Ang auditory ossicles ay tatlong
maliliit na buto na magkakaugnay sa likod ng eardrum. Ito ay ang hammer,
anvil, at stirrup. Kapag ang eardrum ay gumalaw, ang maliliit na butong ito
ay gumagalaw rin. Cochlea - Ang cochlea ay hugis suso na may lamang likido.
Kapag ang likido na nasa loob ay gumalaw, naghahatid ito ng mensahe sa
utak sa pamamagitan ng auditory nerve. Auditory nerve - Ang auditory
nerve ay nagpapadala ng mensahe sa ating utak kaugnay sa tunog na narinig
at ang utak ang tumutukoy kung anong uri ng tunog ang narinig.

Figure 2. Mga Bahagi ng Tainga

Mga Wastong Pangangalaga ng Tainga


a. Iwasan ang pakikinig sa malalakas na musika.
b. Huwag ipasok ang mga matutulis na bagay sa tainga.
c. Gumamit ng malinis na damit o tela sa paglinis ng tainga.
d. Kung may pumasok na bagay sa loob ng tainga, magpatingin agad
sa doktor.

8
Mga Bahagi ng Ilong at mga Tungkulin Nito

Ang ilong ay ginagamit natin upang tayo ay makaamoy at makahinga.


Ang mga bahagi ng ilong ay Ang nostrils ay ang dalawang butas ng ating
ilong. Sa loob nito ay may mga buhok na nagsisilbing pansala sa mga dumi.
Kapag lumalanghap ng hangin, pumapasok ito sa nostril at dumadaan sa
nasal canal papuntang nasal cavity. Ang nasal cavity ay isang bahagi sa likod
ng ilong na nasa gitna ng iyong mukha. Ito ay malimit na basa, mainit, at
natatabunan ng uhog, isang malagkit na likido. Ito ay tumutulong sa pagsala
ng alikabok, dumi o germs na pumasok mula sa butas ng ilong na hindi
tuluyang naharang ng mga buhok sa ilong. Sa loob ng nasal cavity ay
nakarugtong ang mga nerves na kumukuha ng amoy na dala ng hangin. Ang
mga ugat ang nagsisilbing tagapagugnay sa nasal cavity na patungo sa utak
na nagbibigay ng kahulugan kung ano ang naamoy.

Figure 2. Mga Bahagi ng Ilong

Mga Wastong Pangangalaga ng Ilong


a. Iwasang gumamit ng matalas na bagay sa paglilinis ng ilong.
b. Takpan ang ilong kapag dumadaan sa maalikabok na daan o lugar.
c. Gumamit ng malinis na damit o tela sa paglilinis ng ilong
d. Kapag nakakaramdam ng sakit sa ilong, magpatingin sa doktor.

Pagyamanin

Gawain 2: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng tamang kaisipan at ekis ( X ) naman kung mali.
_______1. Ang pupil ay ang pinakagitnang bahagi ng mata kung saan
pumapasok ang liwanag.
_______2. Ang pinna ay nasa pinakaloob na bahagi ng ating tainga.
_______3. Ang ating ilong ay may mga maliliit na buhok na sumasala sa mga
dumi na kasama ng hangin.
_______4. Ang auditory nerve ay nasa loob ng ating ilong.
_______5. Ang cornea ay malinaw na salamin na tumatakip sa unahan ng ating
mga mata.

9
Isaisip
1. Ang mata, tainga, at ilong ay mahalagang bahagi ng ating katawan. Ito ay
ginagamit na pandama.
2. Ang mga mata ay tumutulong upang tayo ay makakita. May mga iba’t
ibang bahagi ito tulad ng cornea, iris, pupil, lens, retina, at optic nerve.
3. Ang ating tainga ay tumutulong upang tayo ay makarinig. Mayroon itong
iba’t ibang bahagi (pinna, ear canal, eardrum, hammer, anvil, stirrup,
cochlea at auditory nerve) at may iba’t iba ding tungkulin.
4. Ang ilong ang ating pangunahing gamit sa pag-amoy ng mga bagay sa
paligid. Ginagamit din ito sa paghinga. Ang ilong ay binubuo ng mga
nostrils, nasal cavity at olfactory nerve.
5. Ang bawat bahagi ng ating katawan ay dapat nating mapangalagaan.

Isagawa

Panuto: Basahin ang katanungan at isulat ang iyong sagot sa isang papel.

1. Kung ikaw ay manunuod ng telebisyon paano mo mapag-iingatan ang


iyong mga mata at tainga?
2. Kung bigla kang napadaan sa isang tambakan ng basura, paano
mapoprotektahan ang iyong ilong?

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakikinig ng musika si Elena habang siya ay nagpapahinga. Anong


pandama ang kanyang ginagamit?
A. mata B. ilong C. tainga D. balat

2. Ano ang tawag sa dalawang butas ng ilong?


A. nasal cavity B. nerve C. nostrils D. pinna

10
3. Ano ang iyong ginagamit upang makita ang mga bagay sa paligid?
A. Balat B. Mata C. Dila D. Tainga
4. Ang tunog ay pumapasok sa ating pinna at dadaan sa iba pang bahagi ng
ating tainga hanggang makarating sa ating utak. Aling bahagi ng tainga
ang nagkakaroon ng vibration?
A. ear canal B. ear drum C. utak D. nerve

5. Ang mga sumusunod ay tamang pangangalaga sa iba’t ibang pandama ng


katawan maliban sa isa. Alin ito?
A. Paggamit ng goggles kapag lumalangoy sa dagat.
B. Paggamit ng malinis na damit sa paglilinis ng tainga.
C. Paggamit ng toothpick na panlinis sa ilong.
D. Pagpapatingin sa doktor kung ang iyong tainga ay masakit.

Mga Karagdagang Gawain

Subukang suriin ang iyong sarili. Paano nakatutulong ang mga


pandama upang maisagawa ang iba’t ibang gawain? Ilista ang lahat sa isang
hiwalay na papel.

Lesson
Ang Dila at Balat
2
Ang dila at balat ay ilan lamang sa mga mahahalagang bahagi ng ating
katawan bilang pandama. Ano-ano ang mga bahagi ng ating dila at balat na
siyang nakakatulong sa atin? Paano mo ito mapapangalagaan bilang isang
mag-aaral?

Balikan

Sa unang module ay napag-aralan natin ang tatlong pandama?


Tukuyin mo nga ang mga ito at ang mga bahagi nito.

11
Tuklasin

Gawain 1: Panuto: Sa tulong ng inyong magulang, ihanda ang mga bagay


na sumusunod: toyo, suka, asukal, kape at asin. Suriin ang mga ito gamit ang
inyong panlasa. Isulat ang iyong obserbasyon sa talaan sa ibaba.

Bagay na Susuriin Obserbasyon


1. toyo
2. suka
3. asukal
4. kape
5. asin

Suriin

Ang ating mga pandama ay nakakatulong sa atin upang maobserbahan


ang mga bagay na nasa ating kapaligiran. Ilang sa mga ito ay ang ating dila at
balat.

Mga Bahagi ng Dila at mga Tungkulin Nito

Figure 1. Mga Bahagi ng Dila

Ang dila ay isang uri ng pandama na tumutulong upang malasahan ang


mga bagay na inilalagay sa ating bibig. Ang lasa ng pagkain ay dumadaan sa
taste buds, at dulo ng ugat. Ang mga ugat ang nagdadala ng mensahe sa utak
na nagbibigay kahulugan sa lasa ng pagkain. Ang ating mga panlasa ay
maaaring matamis, maalat, maasim, at mapait.

12
Mga Wastong Pangangalaga sa Ating Dila
1. Iwasang kumain ng napakainit at napakalamig na pagkain.
2. Sepilyuhin ang dila.
3. Iwasang makagat ang dila.
4. Huwag ipasok sa bibig ang mga matutulis na bagay.
5. Iwasan ang mga pagkain ng makukulay o may halong food coloring.
6. Uminom ng maraming tubig.
7. Regular na magpatingin sa inyong dentista.

Mga Bahagi ng Balat at mga Tungkulin Nito

Figure 2. Mga Bahagi ng Balat

Ang balat ay ang panlabas na bahagi na bumabalot sa ating


katawan. Ito ang ating pananggalang sa pagkaubos ng sobrang tubig, pinsala,
at impeksyon. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng temperatura ng katawan
at pandama sa paligid.
Binubuo ng dalawang bahagi ang balat. Ang epidermis ang unang
bahagi ng balat kung saan makikita ang dead skin cells. Ito ang bahagi na
ating nakikita at nadarama. Ang dermis ang ilalim na bahagi ng balat na
sumasaklaw sa blood vessels, nerves, sweat glands, at oil glands. Ang
blood vessels ay ang nagpapanatili ng nutrisyon at temperatura sa ating
balat. Ang sweat glands ang kumukontrol sa temperatura sa ating balat at
naglalabas ng pawis. Ang oil glands naman ang naglalabas ng langis sa ating
balat upang mapanatili nito ang moist at maiwasan ang impeksyon. At ang
nerves naman ay nagtataglay ng receptors na siyang tumutugon sa
pandama na siyang naghahatid ng impormasyon sa ating utak.

Mga Wastong Pangangalaga sa Ating Balat


1. Protektahan ang sarili mula sa sikat ng araw.
2. Gumamit ng payong, sombrero, at sunblock kapag maglalakad sa
ilalim ng sikat ng araw.
13
3. Maligo araw-araw. Maging mas banayad sa pangangalaga ng balat.
4. Kumain ng mga pagkaing mabuti sa balat.
5. Bawasan ang pagiging stress.

Pagyamanin

Gawain 2 – Tukuyin Mo!


Tukuyin ang mga bahagi ng dila at balat na inilalarawan sa bawat
bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang
papel.
taste buds epidermis sweat glands
oil glands blood vessels nerves

1. Kumokontrol sa temperatura sa ating balat at naglalabas ng pawis.


2. Bahagi ng dila na dinadaanan ng lasa ng pagkain.
3. Naglalabas ng langis sa ating balat na nagpapanatili ng moist nito.
4. Ito ay ang unang bahagi ng ating balat na siyang nakikita at nadarama.
5. Ito ay ang nagtataglay ng receptors na siyang tumutugon sa pandama at
naghahatid ng mensahe sa utak.

Isaisip
1. Ang dila at balat ay mahalagang bahagi ng ating katawan. Ito ay ginagamit
na pandama.
2. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na ginagamit bilang panlasa. Ang
ating mga panlasa ay maaaring matamis, maalat, maasim, at mapait.
3. Ang balat ay bumabalot sa ating katawan na nakatutulong upang tayo ay
makadama. Ito ay binubuo ng epidermis, dermis, sweat glands, oil
glands, blood vessels, at nerves.
4. Ang dila at balat ay dapat alagaan sapagkat ang mga ito ay may iba’t ibang
gawain o tungkulin na ginagamit na pandama.

14
Isagawa
Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
wastong pangangalaga sa ating dila at balat, at M kung hindi.
_____ 1. Kumain ng mga pagkaing masusustansya.
_____ 2. Uminom ng mga inuming sobrang init o sobrang lamig.
_____ 3. Ang pag-inom ng maraming tubig ay hindi nakakatulong sa ating balat
_____ 4. Gumamit ng payong o sombrero kapag maglalakad sa ilalim ng init ng
araw.
_____ 5. Panatilihing malinis ang katawan sa pamamagitan ng pagligo araw
araw.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang bahagi ng katawan nakakatulong sa atin upang malasahan ang
pagkain?
A. mata B. dila C. balat D. tainga

2. Anong bahagi ng dila ang dinadaanan ng lasa ng pagkain?


A. taste buds B. epidermis C. nerves D. dermis

3. Anong bahagi ng balat ang nagpapanatili ng moist nito?


A. dermis B. sweat glands C. oil glands D. epidermis

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa


ating dila?
A. Kumain ng mga pagkain na sobrang init o lamig.
B. Palaging kumain ng mga pagkaing makukulay o may food coloring.
C. Linisin o sepilyuhin ang dila.
D. Ipasok sa bibig ang matutulis na bagay.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong


pangangalaga sa ating balat?
A. Gumamit ng payong o sombrero kapag maglalakad sa ilalim ng sikat
ng araw.
B. Maligo ng dalawang beses sa isang linggo.
C. Kumain ng mga masusustansyang pagkain.
D. Maging banayad sa pagkuskos ng balat.
15
Mga Karagdagang Gawain
Suriin ang iyong dila at balat. Paano mo mapangangalagaan ang mga
ito? Iguhit ang wastong pangangalaga sa mga ito. Ipaliwanag ang inyong
iginuhit.

Lesson
Mga Hayop sa Kapaligiran
3
Ang mga hayop ay may buhay kung kaya’t ang mga ito ay
mahahalagang nilalang. Maaari mo bang ibigay ang pangalan ng ilan sa mga
hayop na alam mo? Saan naman kaya natin matatagpuan ang mga ito?

Balikan

Napag- aralan natin sa huling aralin ang ating iba’t ibang pandama.
Natatandaan mo pa ba ang ating limang pandama, ano- ano ang mga ito?
Mahalaga ba ang ating mga pandama? Paano mo ito mapangangalagaan?

Paalaala sa mga Magulang


Gabayan at paalalahanan ang inyong mga anak na iwasang humawak at laruin ang
mga hayop na makikita niya sa paligid lalo na at hindi ninyo ito alaga. Maaring may
dalang mga sakit ang mga ito at magdudulot ng karamdaman o kapahamakan.

16
Tuklasin
Gawain 1: “Magbugtungan Tayo”
Panuto: Basahin ang mga bugtong at isulat ang sagot sa iyong kwaderno o
sagutang papel.
1. Pag ako ay wala, mga daga ay tuwang tuwa.
2. Pagsikat ng araw siya ay nag-iingay upang magsabing, “Kaibigan,
ikaw ay bumangon at gumising!”
3. Sa bahay ay bantay, sa mga magnanakaw ay kaaway.
4. Ibon kong kay daldal – daldal, ginagaya lang ang inuusal.
5. Pambansang hayop ang taguri dito. Malakas, malaki at matatag sa
pag- aararo.

Suriin
Habitat o tirahan ang tawag sa lugar kung saan nakatira at
nabubuhay ang mga hayop. Dito nakakukuha ng pagkain, tubig, hangin at
matutulugan o pahingahan ang mga hayop.
May mga hayop na naninirahan sa lupa tulad ng sa bukid,
kabundukan, kagubatan o disyerto. May ilan ding hayop na kasama ng mga
tao sa kanilang tahanan. Tinatawag na Terrestial animals ang mga hayop
na nakatira sa lupa. Ang ilan sa mga halimbawa ay ang baka, baboy, aso,
pusa, manok, kabayo, kambing at iba pa.
Ang mga hayop na naninirahan sa iba’t ibang anyo ng tubig tulad ng
karagatan, dagat, ilog at sapa ay tinatawag na Aquatic animals. Kabilang sa
mga ito ang iba’t ibang uri ng mga isda, pusit, hipon, pugita, pating, jelly fish,
sea horse at iba pa.
May mga hayop din na maaring matagpuan sa parehong lupa at tubig
nananatili o nagpapabalik – balik lamang ang mga hayop na ito sa dalawang
lugar. Ang mga halimbawa ng hayop na maaaring manatili sa lupa at tubig ay
ang mga palaka, pato, alimango, buwaya at ilang uri ng salamander.
May mga hayop din na nanatili sa matataas na lugar tulad ng sa itaas
ng puno o itaas ng mga halaman o lumilipad sa himpapawid. Tinatawag
namang Aerial animals ang mga ito. Ang mga halimbawa ay ang mga ibon,
agila, paru-paro at mga tutubi. Mayroon din namang nasa itaas lang ng mga
puno at hindi nakakalipad tulad ng mga unggoy, tarsier, at ibang uri ng mga
ahas.
17
Ang mga bahagi ng katawan ng mga ito ay ginagamit nila sa pagkilos
at pagkuha ng pagkain. Ang ibang bahagi ng kanilang katawan ay ginagamit
nilang proteksyon laban sa mga kaaway.
Karaniwang bahagi ng katawan ng mga hayop ay ulo kasama ang
mata, tenga, ilong at bunganga, katawan, mga paa, leeg at buntot.
Magkakaiba din ang mga bahagi ng katawan ng mga hayop. May mga hayop
na may palong tulad ng manok, may pakpak at balot ng balahibo din ito tulad
ng mga ibon. May mga hayop na may mga sungay tulad ng kalabaw, kambing
at usa. May mga hayop na may palikpik at buntot tulad ng isda.
Magkakaiba din ang gamit nang mga hayop sa pagkuha ng pagkain at
upang makakain. May mga hayop na gumagamit ng tuka o beak tulad ng mga
ibon, pabo, manok at pato.
May mga gumagamit naman ng bunganga o mouth at iba’t ibang uri
ng ngipin. Ang mga kambing, kalabaw, baka at kabayo ay gumagamit ng mga
pantay-pantay na ngipin upang makain ng nila ang mga damo. Gumagamit
naman ng matutulis na ngipin ang mga aso, pusa, leon, tigre at leopard
upang makain nila ang mga matitigas na karne. Samantalang mahahabang
ngipin naman ang gamit ng mga rabbit at daga upang mangatngat nila ang
kanilang mga kinakain.
Gumagamit ng bunganga ang ibang hayop upang makuha ang pagkain
nila tulad ng tipaklong ngunit meron itong matitibay na panga na tinatawag
na mandibles upang makain ang mga matitigas na dahon. Ang paruparo at
bubuyog naman ay gumagamit ng proboscis upang makasipsip ng nectar
mula sa mga bulaklak maging ang mga langaw at lamok ay gumagamit din
nito. May mga hayop din na gumagamit ng kanilang dila upang makakuha ng
pagkain tulad ng palaka, butiki at chameleon.

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang bahagi ng katawan ng isda. Hanapin ang sagot sa loob ng
panaklong. (buntot mata ilong palikpik kaliskis paa)

18
Isaisip
1. Ang mga hayop ay may iba’t ibang tirahan. Ang mga ito ay maaaring
nakatira sa lupa, tubig, sa parehong lupa at tubig at maaaring nasa
himpapawid o itaas ng mga puno o halaman.
2. Habitat ang tawag sa lugar kung saan naninirahan at namumuhay
ang mga hayop.
3. Ang mga hayop ay mag iba’t ibang bahagi ng katawan at bawat
bahagi ay may mga gawain.
4. Ang mga bahagi ng kanilang katawan ay mahalaga upang ang mga
ito ay makakilos, makakuha ng pagkain at makapamuhay sa
kanilang tirahan.

Isagawa

Bilang regalo sa kanyang kaarawan ay binigyan si Matthew ng kanyang


mga magulang ng isang tuta. Paano niya ito dapat alagaan? Ano-ano ang
dapat niyang tandan? Ilista mo ang mga ito sa isang malinis na papel.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang tawag sa lugar kung saan nakatira at nabubuhay ang mga hayop?
A. halamanan(garden) C. disyerto (desert)
B. bukid (farm) D. tirahan (habitat)
2. Ano ang tawag sa mga hayop na naninirahan sa tubig?
A. Terrestial animals C. Aerial Animals
B. Aquatic animals D. Amphibian
3. Alin sa mga sumusunod na hayop ang naiiba ang kilos o galaw?
A. ibon B. pating C. tutubi D. paruparo
4. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng katawan ang makikita sa mga isda?
A. pakpak B. sungay C. kaliskis [Link]
5. Lahat ng mga sumusunod na hayop ay nakatira sa lupa maliban sa isa,
alin ito?
A. hipon B. langgam C. kambing D. kabayo

19
Mga Karagdagang Gawain

Pumili ng isang hayop na matatagpuan sa iyong paligid. Iguhit ito sa


isang papel at kulayan. Isulat ang pangalan ng hayop na iyong iginuhit sa
ibaba ng larawan at sumulat ka ng maikling talata na nagpapahayag ng iyong
natutunan sa ating aralin.

Lesson Katangian at Kahalagahan


4 ng mga Hayop
Maraming hayop ang matatagpuan sa ating paligid. Ang ilan sa mga ito
ay inaalagaan pa natin sa ating mga tahanan. Paano kumikilos ang mga ito?
Ano ang bumabalot sa kanilang katawan? Bakit mahalaga ang mga hayop sa
tao?

Balikan

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Tukuyin at isulat sa patlang ang bahagi ng


katawan ng hayop na itinuturo sa bawat bilang.

20
Tuklasin
Gawain 1: Pagmasdan ang larawan ng mga hayop. Tukuyin kung paano
kumikilos o gumagalaw ang mga ito. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Suriin
Ang mga hayop ay may iba’t ibang kilos o galaw. Ginagamit ng mga ito
ang mga bahagi ng katawan upang makapunta sa mga lugar na maari nilang
pagkunan ng pagkain at upang makaiwas sa kanilang kalaban o kaaway.
May mga hayop na lumalakad, tumatakbo at lumulukso gamit ang
mga binti at paa tulad ng mga kabayo, aso, pusa, tigre, leon, ostrich, cheetah,
kalabaw at iba. May mga hayop din na gumagapang gamit naman ang
kanilang katawan tulad ng ahas, uod, bulati at suso. Ang mga hayop naman
na nakatira sa tubig ay lumalangoy gamit ang buntot at palikpik tulad ng
mga isda at iba pa. Gamit ang mga pakpak ay lumilipad naman ang iba tulad
ng mga ibon, agila, maya, loro, kalapati at iba pa.
Ang mga hayop ay may iba’t- ibang balot o pantakip sa kanilang katawan
bilang proteksyon sa iba’t ibang klima o temperature ng isang lugar at
panangga din sa kaaway.
Ang mga hayop katulad ng aso, pusa, kuneho at baboy ay nababalutan ng
buhok (hair). Ang mga tulya, halaan, suso, alimasag, hipon at pagong ay
nababalutan ng matigas na shell. Ang mga isda tulad ng tilapia at bangus
maging ang buwaya at ahas ay nababalutan ng mga kaliskis (scale). Ang
21
ibang hayop naman ay nababalutan ng balat (skin) tulad ng dolphin, palaka,
elepante at hippopotamus. Samantalang ang mga ibon, maya parrot,
kalapati at ostrich naman ay may balahibo (feather).
Mahalaga ang mga hayop sa tao. Ang mga ito ay nagbibigay ng
pagkain na ating pangunahing pangangailangan samantalang ang ibang
hayop ay nagsisilbing transportasyon at katulong sa hanapbuhay o
pinagkakakitaan. Ang ibang hayop ay ginagamit naman na alaga o pets
upang magbigay aliw o libangan.

Pagyamanin

Gawain 2: Pag-aralan ang mga sumusunod na hayop na nasa loob ng


kahon. Punan ng tamang sagot ang bawat patlang na nasa talaan sa ibaba.

suso palaka baboy isda ibon

Hayop Kilos o Bahagi ng Katawan Gamit Balot ng


Galaw sa Paggalaw o Pagkilos Katawan

Isaisip

1. Ang mga hayop ay may iba’t –ibang paraan ng paggalaw. May hayop na
lumalangoy, lumilipad, tumatalon, gumagapang at may naglalakad.
[Link]’t iba rin ang balot sa katawan ng mga hayop tulas ng balat, balahibo,
buhok, shell at kaliskis.

22
[Link] mga hayop ay mahalaga sa tao sapagkat tumutulong ang mga ito sa
atin sa maraming paraan.
[Link] nating pangalagaan ang mga hayop upang hindi maubos ang mga ito
at tuluyang maglaho.

Isagawa
Napansin mo na ang iyong mga kaibigan ay nagkukumpulan at
nagtatawanan. Nakita mo na ang isa sa kanila ay may hawak na patpat at
tinutusok ang isang manok na nag- iingay. Ang manok pala ay nangingitlog
at naisipang paglaruan ng iyong mga kaibigan. Tama ba ang kanilang
ginagawa? Ano ang maaari mong sabihin at gawin sa ganitong pagkakataon?

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Carlo ay may alagang ibon. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit


nito sa paglipad?
A. paa B. buntot C. pakpak D. katawan
2. Paano gumagalaw o kumikilos ang ahas?
A. gumagapang C. tumatakbo
B. lumilipad D. naglalakad

3. Ano ang naitutulong ng mga baka sa mga tao?


A. nagbibigay gatas at karne C. nagbubungkal ng lupa
B. nagbabantay ng bahay D. nanghuhuli ng daga

4. Anong hayop ang mayroong kaliskis?


A. pagong B. suso C. isda D. kabibe

5. Bakit mahalaga ang mga hayop sa tao?


A. nakatutulong sa transportasyon [Link] pagkain
B. katulong sa hanapbuhay [Link] ng nabanggit

23
Mga Karagdagang Gawain

Gumuhit sa isang bond paper ng larawan ng isang hayop na


nagbibigay ng pakinabang sa tao. Sumulat ng maikling talata kung paano ito
nakatutulong sa mga tao at kung paano mo ito mapangangalagaan.

Lesson
Mga Halaman
5
Ang mga halaman ay nagbibigay ng ganda at kulay sa ating paligid. Ito
ay tumutubo sa ating kapaligiran. Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng
halaman? Gaano kahalaga ang mga halaman at paano mo ito
mapangangalagaan?

Balikan

Napag-aralan mo sa nakalipas na aralin ang mga tungkol sa hayop.


Magbigay ka ng mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang mga
ito.

Tuklasin

Gawain 1: Pag-aralan ang larawan ng halaman. Piliin sa loob ng kahon


ang mga bahagi nito at isulat sa patlang.

24
Suriin

Ang halaman ay mga bagay na may buhay. Mayroon itong iba’t ibang
bahagi. Ang mga ugat ay sumisipsip ng tubig at mineral mula sa lupa. Ang
tangkay naman ang sumusuporta sa halaman. Ito din ang nagdadala ng tubig
at mineral mula sa mga ugat papunta sa ibang bahagi ng halaman. Ang mga
dahon ang gumagawa ng pagkain ng mga halaman. Mahalaga ang liwanag,
hangin at tubig, upang gumawa ng pagkain para sa buong halaman na
tinatawag na photosynthesis. Ang bulaklak ay binubuo ng “male” at
“female” “reproductive organs” ng halaman. Ito ay tumutulong sa
pagpaparami ng mga halaman at nagbibigay ganda sa paligid. Ang prutas o
bunga ay naglalaman ng binhi. Ang binhi o buto ang magiging isang bagong
halaman.

Ang mga uri ng halaman ay ang baging o vines, halamang palumpon


o shrub, punong kahoy o tree at halamang herbal o herbs. Ang baging o
vines ay may mga mahahaba at payat na tangkay na pumupulupot at
gumagapang sa lupa o umaakyat sa pamamagitan ng pagkapit. Ang shrub o
halamang palumpon ay may matitigas na sanga na maaring gamiting
pambakod. Ito ay kadalasang namumulaklak. Ang tree o punongkahoy ay
binubuo ng may bunga at walang bunga. Itinatanim upang magbibigay lilim
at mapagkukunan ng panggatong, nagbibigay ng pagkain tulad ng prutas at
iba pa. Ang halamang herbal o herbs ay madalas malalambot ang tangkay
at karaniwang ginagamit sa panggagamot at panimpla o pampalasa ng
pagkain.

Ang mga halaman ay mahalaga sa mga tao dahil ang mga ito ang
nagbibigay ng pagkain at oxygen. Pinagkukunan din ang mga ito ng
materyales para sa paggawa ng mga bahay, gusali, maging mga kasuotan at
iba pang kagamitan. Ginagamit na lunas o gamot sa mga karamdaman.
Ginagamit bilang palamuti o dekorasyon at naging libangan at hanapbuhay.

25
Pagyamanin

Gawain 2: Pag-ugnayin ang mga bahagi ng halaman sa hanay A at sa mga


gawain nito sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A B
_____1. A. nakakapit sa lupa at sumisipsip ng tubig
at mineral

_____2 B. makikita ang binhi sa loob nito

_____3. C. dito nakakapit ang mga dahon, mga bulaklak


at bunga
_____4. D. reproductive organ ng halaman

_____5. E. gumagawa ng pagkain para sa halaman

Isaisip
1. Ang ugat, tangkay o sanga, mga dahon, bunga o prutas at binhi ay mga
bahagi ng halaman.
2. Ang halaman ay may iba’t-ibang uri ito ay ang baging o vines, shrub o
palumpon, punongkahoy o tree at herbal o herb.
3. Mahalaga ang halaman sa tao dahil dito nanggagaling ang ating pagkain,
ginagamit sa paggawa ng bahay, gusali, damit, palamuti, dekorasyon, gamot,
ginagawang libangan at iba pa.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay bahagi ng halaman na kumukuha ng nutrients, minerals at tubig


mula sa lupa.
A. bunga B. ugat C. tangkay D. dahoon
26
2. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng mga dahon?
A. daanan ng tubig C. humahawak sa mga bunga
B. nakakapit sa lupa. D. gumagawa ng pagkain

3. Ang mga halaman sa ibaba ay halimbawa ng shrub o palumpon maliban


sa isa. Alin ito?
A. coconut C. rosas
B. santan [Link]

4. Alin sa mga sumusunod ang maaring panggamot sa ubo?


A. kangkong B. pinya C. oregano D. kalabasa

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng


halaman?
A. Pinitas ni Lotlot ang mga bulaklak sa parke.
B. Diligan ni Ana ang mga halaman ng kanyang ina.
C. Binato ni Miko ng bola ang mga halaman sa paso.
D. Tinapakan ni Albin ang mga tanim na pechay ng kanyang tatay.

Mga Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng wastong pangangalaga ng


mga halaman. Gawin ito sa isang short bond paper.

Lesson Living Things at


6 Non- Living Things
Nasa tahanan ka man o paaralan ay napaliligiran ka ng mga living
things at non – living things. Alam mo ba kung ano ang living things at non-
living things?
27
Balikan

Kumuha ng isang short bond paper. Gumuhit ng isang uri ng halaman


at tukuyin ang iba’t ibang bahagi nito.

Tuklasin
Gawain 1: Scavenger Hunt!
1. Maghanap ng mga bagay (may buhay man o wala) na makikita sa loob ng
inyong tahanan.
2. Isulat sa tsart ang mga bagay na nahanap ninyo.
3. Tukuyin ang kanilang mga katangian sa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek ( )kung oo at ekis(X)kung hindi sa mga katanungan sa bawat kolum.

Bagay na Katangian ng Living Things


Nahanap Gumagalaw Dumarami Humihinga Lumalaki Kumakain
ba mag- ba ito? ba ito? ba ito? ba ito?
isa?

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano – ano ang mga katangian ng living things? ________________________
________________________________________________________________
2. Ano – ano ang mga katangian ng non – living things? __________________

Suriin

Mga Katangian ng Living Things at Non – Living Things


Ang living things ay mga bagay na may buhay. Ang mga ito ay
humihinga, gumagalaw, natutulog, lumalaki at kumakain at may kakayahang

28
magparami. Samantala, tinatawag namang non – living things kung ito ay
walang buhay, hindi gumagalaw, hindi humihinga, hindi dumarami, hindi
lumalaki, hindi natutulog at hindi kumakain.

Ang living things sa ating paligid ay may kakayahan magparami. Sa


pamamagitan ng reproduction. Nagpaparami ang mga living things upang
maipagpatuloy ang kanilang lahi sa mundo. Ang pagmamana o pagpapasa ng
katangian ng magulang sa kanilang anak ay tinatawag na heredity. Inherited
traits naman ang tawag sa mga pisikal na katangian ng mga magulang
namana ng kanilang mga anak o supling. Maaaring mamana ng mga anak ang
katangiang pisikal tulad ng kulay ng balat, mata, ilong, taas, buhok at iba pa.
Ang iba naman ay namamana ang kakayang mental o kaisipan ng kanilang
magulang tulad ng talino o galing sa iba’t ibang larangan tulad sa pag-aaral,
sa sining o kaya ay sa musika. Maging mga hayop at halaman ay namamana
ang katangiang pisikal ng kanilang mga pinagmulan.

Pagyamanin
Gawain 2: Kay Nanay o Tatay?
Panuto: Tingnang mabuti ang iyong sarili maging ang iyong nanay at tatay.
Lagyan ng tsek ( ) kung kanino minana ang mga tinutukoy na katangian.
Katangian Tatay Ko Nanay Ko
Kulay ng balat
Hugis ng mata
Hugis ng ilong
Kulot o tuwid na buhok
Payat/mataba
Matangkad/pandak
Makapal/manipis na labi

29
Kanino mo mas namana ang inyong katangian, sa inyong nanay o sa inyong
tatay? _______________________________________________________

Isaisip

1. Living Things – mga bagay na buhay. Ito ay humihinga, gumagalaw,


natutulog, lumalaki, kumakain at may kakayahang magparami ng sarili.
2. Non – Living Things – bagay na walang buhay. Hindi gumagalaw, hindi
humihinga, hindi dumarami, hindi lumalaki, hindi natutulog at hindi
kumakain.
3. Heredity - Isa itong proseso na kung saan ang supling o anak ay
nakakakuha o nakamamana ng mga katangian ng magulang.
4. Inherited traits – Mga katangiang namana at maaaring ito ay kulay ng
mga mata, balat, matangkad o pandak, may dimples o wala, matangos na
ilong

Isagawa

Bilang isang bata, umisip ng dalawang paraan na nagpapakita ng pag-iingat


sa mga living things at sa non-living things. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
Living Things Non-Livings
1. _____________________________ 1. ___________________________
2. _____________________________ 2. ___________________________

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng living things?


A. lumalaki C. dumarami
B. gumagalaw D. lahat ng nabanggit

30
2. Alin sa mga sumusunod ang non – living thing?
A. kabute B. puno C. Araw D. bata

3. Ang isang mag –aaral ay nagtanim ng isang monggo at inobserbahan


niya ito ng dalawang araw. Napansin niya na ito ay umusbong, humaba at
nagkaroon ng maliit na dahon. Bakit kaya ito nangyari?
A. Ito ay isang non – living thing. C. Ito ay isang living thing.
B. Ito ay isang bagay. D. Ito ay isang laruan.

4. Alin sa mga sumusunod ang katangiang pisikal na maaaring mamana


sa magulang?
A. pag awit at pagpinta C. pakikisama sa ibang tao
B. kulay ng mga mata D. pagiging mayaman

5. Ito ay ang pagpasa o pagmamana ng mga katangian ng magulang sa


kanilang anak.
A. heredity B. growth C. living D. kalusugan

Karagdagang Gawain
Panuto: Hanapin ang tamang daan ng mga bibe papunta sa kanilang inang
bibe. Gamitin ang iyong lapis o ballpen sa pagguhit.

31
Lesson Mga Pangunahing
7 Pangangailangan ng mga
Tao, Halaman at Hayop
Ang mga tao, hayop at halaman ay may pangunahing pangangailangan
upang mabuhay sa kanilang piniling tirahan. Ano-ano ang kanilang
pangunahing pangangailangan?

Balikan

Ano ang pagkakaiba ng living things at non- living things? Ibigay ang
katangian ng mga ito.

Tuklasin

Gawain 1: Kulayan Mo!


Piliin at kulayan kung ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng
dalawang bata na nasa gitna upang sila ay mabuhay ng malusog at ligtas.

32
Isipin
PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG TAO
HAYOP AT HALAMAN

Ang pangunanahing pangangailangan ay mga bagay na mahalaga sa


pagpapanatili ng buhay ng mga tao, hayop at halaman.
1. Pagkain ang nagpapalakas at nagpapalusog sa tao, hayop at halaman.
Ang halaman ay nakagagawa ng kanilang sariling pagkain. Nangangailangan
ng minerals at nutrients na nanggagaling sa lupa, enerhiya sa araw at carbon
dioxide.
2. Tubig –Ang tubig ay napakahalaga, ginagamit ito bilang inumin,
pampaligo, panghugas ng pinggan, panglinis ng mga kagamitan, panlaba,
panlinis ng mga sasakyan. Gayundin ang mga hayop at halaman kailangan
nila ng tubig bilang inumin.
3. Hangin – Ang hangin ay mahalaga sa ating paghinga. Ang mga tao at hayop
ay nangangailangan ng oxygen mula sa halaman samantalang ang halaman
ay sa carbon dioxide na mula sa tao.
4. Araw – Nakatutulong ang init at liwanag sa mga may buhay. Nakakakita
ang mga tao at hayop dahil sa liwanag. Nagbibigay din ito ng init at Bitamina
D upang lumakas ang katawan at mga buto. Ang mga halaman ay
nakagagawa din ng sariling pagkain sa tulong nito.
5. Tirahan – kailangan ng hayop, tao at halaman ng tirahan na
makakapagbigay proteksyon laban sa init ng araw, ulan, mga mababangis na
hayop at iba pa.
6. Kasuotan/Damit– Ang mga damit ay nagbibigay proteksyon sa katawan
ng mga tao.

Pagyamanin
Gawain 2: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Lagyan ng bituin
( ) sa patlang kung ito ay tama at araw ( ) naman kung mali.
____ 1. Ang tubig ay mahalaga sa lahat ng mga may buhay.
____ 2. Kailangan ng mga halaman ng araw upang makagawa ng kanilang
pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis.

33
____ 3. Ang pangunahing pangangailangan ng tao ay halos kapareho din sa
mga hayop at halaman.
____ 4. Ang pangunahing pangangailan ng mga tao, hayop at halaman ay
makukuha sa kanilang pook tirahan.
____ 5. Nangangailangan din ng damit ang mga hayop at halaman.

Isaisip
Ang mga tao, hayop at halaman ay magkakapareho ng
pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, hangin, tirahan at araw.
Ang mga bagay na may buhay ay umaasa sa kapaligiran ng kanilang
mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain, tubig, hangin at
tirahan. Ang kapaligiran din ang nagbibigay sa mga hayop ng malinis na
tubig, malinis na hangin at pati ang kanilang tirahan.

Isagawa
Gumuhit sa iyong kwaderno ng apat na pangunahing pangangailangan
ng mga tao. Sumulat ng talata at ipaliwanag ang kahalagahan ng mga ito sa
tao.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay pangunahing pangangailangan ng tao at hayop na nagbibigay ng


enerhiya at nagpapanatiling malusog at malakas ang katawan.
A. pagkain B. hangin C. tirahan D. kasuotan

2. Ito ang nagkokontrol ng temperatura ng ating katawan?


A. laruan B. tubig C. tirahan D. pagkain

3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring tirahan ng mga hayop?


A. kagubatan C. mga anyong lupa
[Link] anyong tubig D. lahat ng nabanggit

34
4. Bakit mahalaga ang kapaligiran?
A. dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangunahing pangangailangan.
B. dahil maganda sa paningin ang kapaligiran
C. dahil bigay ito sa atin ng Maykapal
D. dahil ito ang ating palaruan

5. Bilang isang bata ano ang gagawin mo para mapangalagaan ang


pinagkukunan natin ng ating mga pangangailangan?
A. aalagaan at protektahan C. pababayaan na lang
B. hayaang mapinsala ang mga ito D. tambakan ito ng basura

Mga Karagdagang Gawain

Mahalaga sa atin ang mga pagkain. Umisip ng iba’t ibang paraan kung
paano mo maiiwasan ang pag-aaksaya ng mga ito at paano makatitipid ang
inyong pamilya sa paggastos sa inyong pagkain.

Lesson Pangangalaga at Pag-iingat


8 sa Kapaligiran
Ang ating kapaligiran at ang hangin na ating nalalanghap ay
dumudumi dahil sa mga basurang ating kinakalat ng mga tao. Ikaw bilang
isang mag-aaral, ano ang mga wastong paraan na gagawin mo upang
mapangalagaan at pag-ingatan ang ating kapaligiran?

Balikan

Sa huling modyul, napag-aralan mo ang tungkol sa pangunahing


pangangailangan ng tao, hayop, at halaman. Ano ano ang pangunahing
pangangailangan ng tao, hayop, at halaman?

35
Tuklasin

Gawain 1: Kulayan ang mga larawan sa ibaba kung ito ay nagpapakita ng


pangangalaga at pag-iingat sa ating kapaligiran.

Suriin
Ang ating kapaligiran ay kailangang mapangalaagan at maprotektahan
upang ito ay mapakinabangan ng mahabang panahon at ng iba pang
henerasyon.
Narito ang mga wastong paraan ng pangangalaga at pag-iingat sa
kapaligiran.
1. Iwasan ang pagputol ng mga puno upang maiwasan din ang pagbaha
at pag guho ng lupa. Kung magpuputol ng puno ay tiyakin na magtanim
ng kapalit.
2. Isagawa ang reduce, reuse at recycle upang makatipid, mabawasan
ang mga itinatapong basura at maiwasan ang pagkasira ng ating
kapaligiran.

36
3. Paghiwa-hiwalayin ang mga nabubulok at di- nabubulok na mga
basura. Itapon ang mga ito sa tamang tapunan at huwag itapon kung
saan-saan lalo na sa mga ilog o kanal.
4. Iwasan din ang pagsunog ng basura upang hindi dumumi ang hangin.
5. Magtanim ng mga puno, halaman at bulaklak upang gumanda at
luminis ang hangin ng ating kapaligiran.
6. Huwag pitasin ang mga bulaklak na nakikita sa ating paligid.
7. Magtipid ng tubig at kuryente upang hindi ito maubos o magkulang
pangdating ng panahon.
8. Gumamit ng lambat sa panghuhuli ng isda at iwasan ang paggamit ng
mga dinamita o paputok.

Pagyamanin

Gawain 2: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( ) ang


tamang sagot sa bawat bilang.

Pangyayari Tama Mali


1. Dapat nating isagawa ang reduce, reuse at recycle.
2. Ipamahagi sa mga nangangailangan ang mga lumang
damit, aklat o laruan.
3. Gumamit ng mga reusable bag para sa iyong mga
pinamili
4. Itapon ang mga basura kahit saan.
5. Ang maruruming usok mula sa mga pabrika ay
makatutulong sa ating paghinga.

Isaisip

Ang ating kapaligiran ay napakahalaga at kapaki-pakinabang sa tao,


hayop, at sa halaman kaya’t dapat nating ingatan. Maaaring itong masira at
mawala o kaya ay magdudulot ito ng masamang epekto kung hindi natin ito
mapangalagaan at mapag-iingatan.

37
Isagawa

Nakita mo ang mga batang naglalaro sa tapat ng inyong bahay. Sila ay


nagkakalat din ng mga plastic na pinaglagyan ng kanilang mga kinain. Ano
ang iyong gagawin? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

[Link] tubig ay bahagi ng kapaligiran at ito ay mahalaga sa atin. Paano natin


ito mapangangalagaan?
A. Gawing tapunan ng basura ang mga ilog.
B. Magtipid sa paggamit ng tubig.
C. Paglaruan ang tubig sa gripo.
D. Hayaang nakabukas ang mga gripo pagkatapos gamitin.

[Link] mong natutuyo na ang mga dahon ng mga halaman sa paligid ng


inyong tahanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tanggalin ang mga halaman. C. Putulin ang mga sanga
B. Takpan ang mga halaman D. Diligan ang mga halaman

3. Ano ang maaaring mangyari kapag pinutol ang mga puno sa kabundukan?
A. Magkakaroon ng pagbaha. C. Maaring gumuho ang lupa kapag umuulan
B. Magiging maalinsangan ang paligid. [Link] ng nabanggit

[Link] ang tamang paraan ng pangangalaga sa ating kalikasan?


A. Pagsunog ng mga basura.
B. Pagputol ng mga puno sa kagubatan.
C. Pag-iwas sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.
D. Pagtatapon ng mga plastic kahit saan.

5. Sa anong paraan natin matutulungan ang ating kalikasan?


A. Magtanim ng mga puno. C. Iwasang magsunog ng mga basura.
B. Maglinis ng kapaligiran D. Lahat ng nabanggit.

38
Mga Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang pencil holder mula sa mga patapong basura na


makikita sa inyong tahanan.

Susi sa Pagwawasto

39
Mga Sanggunian
Sugpatan, C. Apolinario, N. Madriaga, M, Roque Science Links First Edition
2010 Q.C. Rex Printing Company 2010

Arthur DC, et al., 2019. Teacher’s Guide.5218-A Que Grande St. Ugong,
Valenzuela City: BLOOMBOOKS, Inc.

Manio, R.R., & Religioso, T.T. 2014. Science for Active Learning. 927
Quezon Avenue, Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
Apolinario, N.A., Ramos, E.A., & Violeta, C.S. 2017. The New Science
Links. Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Cunanan-Silas, C., & Villona, H.M. 2015. Cyber Science. Sampaloc,
Manila: Rex Book Store, Inc.

Carmelita C. Coronel, Thelma R. Mingoa Ph.D, Alicia L. Padua, Miliza M.


Romero, Melvin M. Mingoa, Lilia M. Rabago, Ph.D,Exploring and Protecting
Our World Modular Approach, Science, Health and Environment Series 3
Second Edition, Vibal Publishing House, Inc., 2010

40

You might also like