Nakatanggap ako ng email tungkol sa bagong pag-sign in sa account ko
Gusto ka naming tulungang mapanatiling ligtas ang account mo, kaya nag-i-email kami sa iyo sa tuwing may bagong pag-sign in sa Netflix account mo mula sa bagong device. Posibleng hindi tugmang-tugma ang lokasyon ng pag-sign in sa kasalukuyan mong lokasyon dahil batay ito sa IP address na ginagamit ng device mo, at ang ipinakikitang oras ay ang lokal na oras ng bagong pag-sign in.
Kung hindi mo nakikilala ang sign-in na ito, dapat mong palitan agad ang password mo. Magpadala sa sarili mo ng password reset email o text (SMS) message para madaling gawin ito.
Tingnan ang Paano panatilihing secure ang account mo para sa mas marami pang tip para mapanatiling ligtas ang impormasyon mo.
Mga "first-time sign-in" notification para sa member ng tirahan
Kung nag-sign in ang isang member ng tirahan sa account mo para sa unang beses, magpapadala kami sa iyo ng email para ipalam sa iyo. Wala kang kailangang gawin kung nakikilala mo ang pag-sign in.
Kung hindi mo nakikilala ang email:
Pumunta sa Account page mo at pindutin ang Iāmanage ang Mga Profile.
Suriin ang bawat profile para maghanap ng anumang email address na hindi mo nakikilala.
Alisin ang anumang email na hindi mo nakikilala. Masa-sign out sa loob ng 24 na oras ang sinumang gumagamit ng mga ito.
Palitan ang password mo at mag-sign out sa lahat ng device para sa dagdag na kaligtasan. Tingnan ang Paano pigilan ang isang tao na gamitin ang account mo para sa lahat ng steps.