Showing posts with label responsibility. Show all posts
Showing posts with label responsibility. Show all posts

Saturday, November 5, 2011

Shy Smiles


I unlocked the mailbox and took the stack of envelopes with me. I gave hubby his and started opening mine. The first one had a photo of a boy with a shy smile. "He's grown so quickly," I said to my partner and showed him the photo. He handed me a picture of another boy of the same age, and we both beamed with pride.

They are our children. Well, not exactly. We just help with the costs of their education. I'm not claiming we're good people who want to give these kids a chance. I'm just a corporate whore who remains a teacher at heart. Hubby has deep-seated issues with the lack of financial support from his dad in the past. Maybe this is our way of addressing personal frustrations.

I leafed through the rest of my mail. My bank statement confirmed that I have received my first salary. Having had no income in the past year, thoughts of a new jacket, desert boots and the iPhone 4s ran through my head. They lasted for only a fraction of a second though. I set aside some money for the future. And wrote a check for somebody else's.

Friday, September 9, 2011

Libreng Pangarap


Tumaya ako ng lotto. Yung equivalent nito sa bansang ito. Malabo mang mangyari, malay mo manalo. Hindi ko na kailangang pumasok sa bagong trabaho sa susunod na linggo. Pwede na kaming umuwing mag-asawa at sundin ang talagang gusto.

Dati akong guro sa isang pampublikong paaralan. Saglit lang naman. Hanggang inabutan ng responsibilidad at pangangailangan. Napadpad ng Makati bago dito nakipagsapalaran. Nakalimot sa unang bokasyon, dahil sa buhay na nakasanayan.

Mahirap magturo. Pero nang makilala ko ang aking mga alaga, mas mahirap palang matuto. Lalo na kung ikaw ay nagugutom. Kailangang tumulong kumita sa hapon. Bago matutukan ang gawaing bahay. At walang mapagtanungan sa di nakatapos mong magulang.

Kailangan mong tiyagain. Unti-unting pagsikapan. Hanggang makita mo ang kanilang kagalakan, na di lang dahil sa kanilang naintindihan. Kundi dahil na rin sa nakita nilang pagmamalaki ng kanilang tatay-tatayan.

photo from here

Wednesday, May 18, 2011

They Like It Doggy


I don't get it. More of my hetero friends have gotten hitched but don't want to have children. Well, this I understand, particularly if you're the type who doesn't want parental responsibilities. But then most of them have adopted dogs. And not just one, but an entire pack. Fine, I'm exaggerating, I meant two or three.

Don't get me wrong. I love dogs. But not to the point where you dress them up in cutesy little outfits. Or hire a nanny. Set up a 24/7 nanny cam. Import stuff for their dietary requirements. Grooming bills more extravagant than mine. Vet visits as frequent as post-natal care. And dominate conversations with Lassie's antics.

Uhm, why not just have children in the first place? Maybe if you eat enough balot while you're pregnant, they'll come out equally as balbon don't you think? I'm a dog lover, but for that kind of effort, I'll consider having children. But I don't have pekpek. Minsan nga lang, may maaamoy kang slight na malansa.

photo from here

Sunday, December 5, 2010

Ang Pagsikat Ng Mga Tala


Maingat kong itinali ang maninipis na mga patpat ng kawayan upang maiayos ang mga ito sa naaayong hugis. "Pwede mo nang lagyan niyan," turo ko kay Nene. Kumurot ng kapirasong pandikit ang bata at hinaplos ang kahabaan ng mga tadyang na kawayan.

"O Lito at Carlo, kayo naman," baling ko sa dalawa pang bata nang matapos si Nene. Marahan nilang inilapat ang mga makukulay na pira-pirasong cellophane gamit ang mga nanginginig na kamay. "Huwag kayong nerbiyosin. Makikita niyo mamaya, magiging maganda ito," konsuwelo ko sa kanila. 

"Kuya Sean, bakit lukot po yung cellophane? May mali po yata kaming ginawa," malungkot na tanong nina Lito at Carlo. Kumuha ako ng mamasa-masang basahan at marahang hinaplos ang mga gusot na cellophane. "Gawin niyo ito, pero dapat maingat kayo," paliwanag ko sa kanila. Matapos ang ilang minuto, natuyo ang cellophane at napangiti ang dalawa, sabay sigaw ng, "Ay nabanat! Yehey!"   

"Ting at Weng, tapos na ba kayo?" baling ko sa dalawa pang bata. "Opo Kuya," sagot nila sabay wagayway sa dalawang makukulay na buntot na ginawa nila gamit ang papel de hapon. "Itali niyo na dito sa ibaba. Yan ang bakas na iniiwan ng tala sa paglalakbay nito," paliwanag ko sa kanila. Matapos maitali ang mga ito, tulong-tulong naming isinabit ang nakumpletong parol, iniingatang di mabutas ng bumbilyang nakapaloob dito ang nakabalot na cellophane. 

Responsibilidad nating hubugin ang ating mga kabataan at bigkisin ang mga halagahang magsisilbing patnubay sa kanilang buhay. Magsilbi tayong gabay sa kanilang paglikom ng mga pira-pirasong karanasan at paghahanda sa mararanasang mga gusot at pagtutuwid ng mga ito. Imulat natin ang kanilang mga mata  sa kagandahan ng buhay at nang sila'y makapag-iwan ng makukulay na bakas sa kanilang paglalakbay.

Isinaksak ko ang plug ng koryente at nagliwanag ang samut-saring kulay ng parol. Namangha ang mga batang nakatingala sa malaking tala, sabay palakpak at sigaw ng, "Ang ganda Kuya!!!" Ako rin ay marahang pumalakpak habang nakatingin hindi sa parol kundi sa aking mga munting tala.

photo credit: care2.com

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...