Monday, July 27, 2026

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back.

as if i'm talking to my younger self. as in. 

birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan. kumustahin. 

ayun, sinampal ako ng katandaan. pero grabe. namiss kong magblog.

namiss ko yung walang takot ko lang ikuwento ang buhay ko sa mga estranghero. (yung iba naging kaibigan ko na rin.)

sa panahong puro threads na lang, or musings sa tiktok or status sa fb... ang luma na ng dating ng blog. haha. pero grabe, almost my adult life nasa blogspot na'to. last post ko 2021 pa. alam mong produkto ng pandemiya.

ang dami nang nangyari in between.

namatayan ng kaibigan. 

kinasal ang bunsong kapatid at nagkaron na ng pamangkin. 

muntik mamatay nung birthday two years ago dahil sa rumagasang tubig sa avatar gorge. haha. anlabo ng pakiramdam ko nun. minsan iniisip ko kung may gene ba akong kulang bakit minsan kulang reaction ko after a near death experience? i mean natakot ako pero pag kinukuwento ko siya, parang wala nang at stake? haha.

nagkabating mga mahal sa buhay na sinira ng election. 

bagong mga kaibigan.

mga pangarap na natupad. shet. nakarating na ako ng istanbul. tapos nag new york at chicago pa.

tapos, naghirap. hahaha

ewan ko ba. siguro kaya ako napadalaw ulit, gusto kong bumalik sa dating simple. nasa punto kasi ako ng buhay ko na nagrestart ako bigla. alam mo yun? binuo ko yung buhay at pangarap ko sa trabaho pero gumuho lahat dahil sa pulitika at injustice.

exciting na nakakatakot. hindi ko alam kung anong susunod na kabanata sa buhay ko lalo na career wise. pero pag tumatanda ka na, nasa punto ka na deadma na sa mga bagay na hindi mo na makokontrol.

nakakamiss mag-blog. what if bumalik ako pero tiktok form?

may cringe kasi na nagstostory time ka. haha. 

mas gusto ko pa rin ang magsulat. parang ganito. 

ang nostalgic lang. pasensiya na blogspot. ang tagal kong nawala. 

hindi ako nangangako na mapapadalas din ang pagbabalik ko rito pero ansarap mong balikan at uwian. biro mo, dalawang dekada siguro ng buhay ko, alam mo. kung magiging AI ka -- ang dami mong kuwento tungkol sa'kin. 

apat na taon akong hindi nagparamdam. 

ito na ulit. baka mawala ako ulit ng apat na taon. 

o mas mapadalas na nga ang pagsusulat dito. 

hindi ko alam. 

bahala na. 







Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Tuesday, June 9, 2020

day 87

march 6, 2019.

yan ang last post ko dito.  ang opening?

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago.

imagine how different the world was.

ang sabi naman ng 2020, hold my beer. lol.

a year ago, imagine how different the world was.

imagine your june last year, sa june natin ngayon. it feels like decades ago. sobrang magkaibang mundo.

actually, imagine your january 2020 sa june -- buwang nasa iisang taon pero tila ang layo layo ng kanilang agwat. binago ng pandemic ang buhay nating lahat.

sa isang iglap, may ibang kahulugan na ang mga yakap, ang mga halik, ang pakikipagkita sa labas, ang mga chat, ang mga vidcalls...

mas lumalim ang kahulugan ng lahat. ang bawat araw na lumilipas ay panahong pakikipaglaban -- sa sakit, sa pabayang gobyerno, sa mga issues na tinatakbuhan.

these past few months, we examined ourselves more -- ano nga ba tayo bilang tao. sino ba tayo bilang pilipino -- the lines were drawn.

suddenly, may clone na rin tayo sa fb gamit ang ating mga pangalan. imagine the double fear -- buhay mo offline na any any pwedeng kitilin ng virus at ng mapang-abusong mga pulis, o online life mo na may banta ng mga pekeng account na tila nagsasabing, alam nito ang galawan mo.

ito na ang bagong mundo -- malayo na sa mga mundo natin buwan ang lumipas.

pero sana sa kabila ng daigdig na pilit nating iniintindi -- sana wag tayong matakot.
bago man ang ating ginagalawan,  pwedeng mangapa, pwedeng kililanin ito -- pero wag na wag magpapagapi. sabi nga ng post sa twitter, manginig tayo nang sabay-sabay para ang mga yanig nito ang maramdaman nilang lahat...

sa'ting paghahawak kamay, mapapawi ang takot.

sa'ting pagkakapit-bisig, walang ibang boses ang mamumutawi kundi ang ating mga sigaw.

hindi tayo papatalo sa kanilang lahat.

#JunkTerrorBill. 

Wednesday, March 6, 2019

two worlds

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago. 

imagine how different the world was.

no iphones. 
and the whole world was engulfed by millennium bug.

isang software error na aakalain ng computers na ang year 00 ay 1900 imbis na 2000 pagpatak ng new year.  naloka ang mga tao nun. pwedeng bumagsak diumano ang mga eroplano habang nasa ere, magrestart ang mga computers at magdown ang mga computer powered machines. 

total chaos. 

ang baliw lang. ang naalala ko nun, akala ng nanay ko tatak ng computer ang y2k. haha. 

pero ang ending? exag lang mga tao.  wala namang significant changes. 

normal lang though may mga minor instances sa ibang bansa. 

nokia 5110 ang isa sa mga must have phones nun. kung saan pwede kang maadik sa snake -- at ang concept ng smart phone ay mapapanood lang sa sci-fi films. 

ang power lang ng cellphone mo ay magtext at tumawag. hindi pa uso ang unlitext at unlicall. titipirin mo ang 300 mo.

but imagine the power na hindi mo na kailangang umasa sa trust sa tuwing may meeting kayo ng classmates mo or lakad ng barkada. usapang maayos na lang kapag sinabing 10 am ang kitaan sa mall.

so matetest talaga ang patience mo at maghihintay ka sa meeting place nyo at talagang minsan isang oras kang maghihintay. but with the magic of cellphones, madali na kayong makapagupdate pag paalis na ng bahay -- basta may load.

pucha. 

ang amazing lang isipin. kung mulat ka na nun, kagaya ko, nakakakilabot lang isipin na in our lifetime nakaranas tayo ng buhay na magkaibang-magkaiba sa nararanasan natin ngayon.

imagine your 1999 self na magtratravel ngayong 2019. siguro mabaliw-baliw siya. 
sa konsepto palang ng smart phone, paniguradong mind blown na si 1999 self!

wala lang.

sobrang naisip ko lang yan randomly haha.

think about it --

tama si ateng miley cyrus...

we had the best of both worlds. 




Friday, September 21, 2018

the prophecy

I’m a cold person.

I just know. My friends know. But I have empathy. So technically, hindi naman ako cold-hearted. Magkaiba yun. I built walls higher than the Great Wall of China. A fortress that I hold dear. That’s why, admittedly, I come as cold. Madalas awkward akong magkuwento about my feelings, but when I share and process my emotions — I pour them, like a bursting dam in its critical level.

After the storm, the wall will always close shut.
Winter always come, even it’s sweltering hot in our tropical Philippines.

***

The recent rains in the Metro triggered feelings. Kaya napunta na naman sa usapang puso ang topic nang minsang tumambay kami ng mga friends ko sa work one rainy August night sa Tides. Huling tambay pa namin dun, mid to late 20s pa yata kami — we’re in our early 30s now. Mas tumanda na. Mas nabugbog na sa realidad. Mas nabaliw na sa buhay. Haha actually mas hobby naming mag-usap about feelings, well bilang writers naman kami, so hindi na bago. Pero mas madalas na. Part na siguro ng pagtanda at syempre close na kami. But consistent na alam nila ang aking walls at trust issues lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala.

Years ago, alam nila kung bakit ako walang jowa, because of the said reason, so they asked me again, bakit hindi ko raw subukan. Seek for that love.

I told them, ayoko. Ang mga kausap ko parehas na galing sa break up, pero yung isa, may bago na. Sa span ng kanilang mga long term relationships, zero pa rin ang record ko. The token NBSB sa barkada. Haha

Why?

I love myself more. I enjoyed the start of my 30s kasi I can finally, and confidently say na mas kilala ko na ang sarili ko. I’m more self aware. I’m embracing my flaws, trying to be mature about things and I know what I want.

So if may taong darating sa buhay ko, dapat worth it. Kasi siya ang magiging rason kung bakit ko gigibain ang malaki at makapal na pader na buong buhay kong tinayo para hindi masaktan.

***

Bago pa ako masaktan ng iba, sobra ko nang sinasaktan ang sarili ko. 
You know what they say, sarili natin ang ating harshest critic. 

It’s true.

I punish myslelf everyday. And I love myself for it.

Kasi alam kong wala nang mas makakasakit pa sa’kin.

Kundi ang sarili ko.

***

We are all broken. And that’s beutiful.

***

2012 or 2013.

My friend told me na she’s kinda into the fortune telling arts for fun. So, she playfully read my palm lines.

Tatlong beses daw akong magmamahal.

Ang ikatlong tao daw na mamahalin ko ang papatay sa’kin.

Ang catch?

Dalawang beses nang tumibok ang puso ko, so kung sino man itong mamahalin ko ngayon ay magiging mapanganib sa’king buhay...

Haha. Ang interesting di ba? Recipe ng isang epic love story fantasy.

Maybe, subconsciously yan ang rason kung bakit hindi ako nagjojowa kasi alam kong quota na. Ayoko pang mamatay. Haha

Well, hindi rin naman klaro kung ang rule ba ay dapat mutual yung love, kasi if ever ganun, wala pa tayo sa isa.

And let’s say totoo ang propesiya, magmamahal ka ba ng dalawang magkaibang lalaki kung alam mong hindi naman sila ang makakatuluyan mo?

But the most important question is, magmamahal ka ba kung kamatayan naman ang kapalit?

***

This is the official start of my sixth season. Wow. Six seasons. Twelve years (this December). Akalain mo nga naman? College pa ako nung simulan ko ang blog na ito, at magsasampung taon na ako sa aking trabaho.

Ang interesting makita ang evolotion ng aking posts, writing wise - mas free ako dati, but i must say, mas mature na ngayon. Aba dapat lang. Haha

Apat ang blogs ko nung college, ngayon dalawa na lang. Pero ito ang pinakamalapit sa puso ko, kasi syempre mas matagal na.

Ang sarap pa rin niyang balik-balikan kahit cringe. haha

Ang dami nang nagbago pero heto pa rin tayo mahal ko.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...