Usapang LDR

LDR stands for Long Distance Relation-shit!

Naranasan ko na ito nang minsan akong napaibig ng isang adik na taga-Cavite. Mula noon, hindi ko na muling nasubukan. Hindi masaya... Nakakapagod... 

Hindi ako expert when it comes to psycho-analysis ng mga relasyon dahil up to now, single-hood is the best policy pa rin ang favorite school of philosophy ko. 

So, why am I writing this?

Dahil lang naman sa isang kahilingan ng isa sa mga sampung masugid kong mambabasa. Pagbibigyan ko lang ang hilig dahil parang gusto na rin niyang sumuko sa relasyon nila ng kanyang kasinatahang nag-Japan.

More, more effort ako to ask around and find out kung ano ba ang mga dapat isa-alang-alang kung ikaw at ang iyong bf/gf ay naging physically separated for a long period of time dahil sa 'di maiiwasang oportunidad in a far, far away land.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pointers from the people who were once and are currently in LDR.

1. Hangga't maari, huwag nang pahantungin pa sa LDR status dahil napakahalaga na alam mong nariyan lamang si bf/gf when you need someone to pamper, hug, kiss at pikpakboom. 1 out of 10 lang ang nakaka-survive sa ganitong set-up sabi ni Dr. Margarita Holmes. Aasa ka ba sa maliit na posibilidad na mag-work out? 'Wag na... Break na agad para single and available ka na to fish sa market. Kung babalik na siya for good, balikan na lang uli kung hindi ka taken at kung taken na by that time, at least may option. Si past o si present?Another problem naman.

2. Kung sukdulan ang pagmamahalan at hindi kayang talikdan ang mga sumpaang 'til death do us part, forever, for life o 'til eternity - GO! Push niyo lang pero 'walang sisihan, ha? OA... mahirap talaga. Keri ba ng isa't-isa ma-achieve ang loyalty award? 
Scientifically, ang mga adult people ay nakakaranas ng strong sexual desire once a week lalo na't ikaw ay edad trentahin pa lang o pababa. Ito ay ang labis o malubhang pangangati sa katawan na dapat kamutin regularly. You can resort to nakakasawa at walang humpay na pagsasariling sikap, SOP na mahal ang telco cost or show na pang-perverts sa Skype o YM na pwedeng gawin anytime. 

Though, nothing beats the actual encounter pa rin. 

I'm telling you!

Wait... Hindi lang naman it's all about pikpakboom pero malaking factor ito lalo na sa mga single, bata, sariwa, sabik, hayuk, wild or simply those who are on their sexual peak... Like me?

3. Planuhin mabuti ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na hindi mangyayari on a Long Distance Status. Dapat may timeline kung hanggang kailan upang maihanda ng bawat isa kung gaano katagal ang pangungulila. Da best ang umaatikabong balitaktakan about all angles para both parties would come up with agreements. Bago pa man lumisan ang isa, gawin na ang all positions para may actual references sa mga upcoming virtual and cyber pikpakboom. Gawin ang mga ito sa iba't-ibang lugar. Indoor, outdoor, sa damuhan, sa public CR, sa Bus, sa Park at kung saan-saan basta wildness ang theme. Hindi man mag-work ang LDR in the future, no regrets naman, diba?

4. Dapat talagang maging 100% mutually faithful and honest. Anticipate senseless paranoia pero dapat hindi sabay. 'Pag ramdam na ng isa na tamang hinala si bf/gf, 'wag ng patulan. More more pa-sweet ang iganti or segue agad to a different topic. Paano? Ask her questions that would let her think and talk a lot.

Example 1
BF: Bebe ko, baka paagaw ang dede mo jan sa Japan, ha...
GF: Bebe ko naman... Ang bastos mo! Ikaw lang kaya huling ngumasab sa nipples ko.
BF: Talaga ba?
GF: OO noh... Miss ka na nga nila Bebe ko...

Example 2
GF: Mahal, baka marami ka ng kapikpakboom jan ha...
BF: Ay, mahal, paano nga ulit magluto ng Masarap mong tinola? Pinapatanong ni Mommy kasi darating sila Lola...
GF: Ganito lang...blah...blah...blah...ganun!
BF: Ahhhh... Eh 'yung Arroz Ala Cubana naman?
Effective ito by 99.9%! Try na! Walang quarrel na magaganap.

5. Related sa previous item - Huwag malandi at pamigay. Hindi isang previlege ang absence ni bf/gf para i-explore world of kerengkeng. 'Wag ng mangatwiran na wala kang ginagawang masama dahil cheating nowadays does not only include penetration. Kahit M.O.M.O.L ay counted na. So please, iwasan ang pakikipaglanturan sa iba. Huwag lumandi at huwag magpalandi. Period. Explanation pa?

6. Make the relationship with the bf/gf's family as an assurance ng loyalty sa partner. Dapat laging magpakita at dalawin ang parents para sila mismo ang mga buhay na saksi na hindi ka bibitiw sa inyong matibay na samahan. 'Pag ginawa mo ito, sa prospective in-laws mo mismo manggagaling ang mga good words about you. 'Wag magmaasim lalo na sa mga biyenang hilaw. Sisiraan ka, promise!

7. Expect for the worst, hope for the best and PRAY for the rest... Hindi sa nais kong magpaka-religious pero ang mga taong madasalin at isinasabuhay naman ang utos ni Divine, nothing is impossible. Kapit lang...

Wow! Nahiya naman ako bigla sa ispiritwal na konteksto. Hindi rin ako prepared...

Pito lamang ang mga ito sa proven and tested guidelines upang ang Long Distance Relationship ay maging Super Long Relationship.

Sa huli, kanya-kanyang diskarte pa rin at habang ang tunay na pagibig ay ramdam pa rin ng mga hearty hearts, kakayanin ang lahat kahit pa ang 12/21/12 end of the world prophecy.

Agree? Any pointers you'd like to add?

***

Walang Pasko


I decided just now not to celebrate Christmas.


Ituturing ko na lamang itong isa sa mga pangkaraniwang araw na darating at lilipas lang…

Bakit?

Walang reason. Hindi dahil sa bet kong magpaka-party pooper or magpaka-Bad Vibes ngayong yuletide season. Wala lang talaga akong enough reasons to be merry. So, why celebrate?

Hindi naman pwedeng ipaubaya ko sa December 25 ang mga napagdaanan ko ngayong year na ito. Hindi pwede ‘yun! Hindi pwedeng ganun-ganun lang…

Dapat nga tularan ako ng lahat… I-assess muna ang mga bagay-bagay at magpasya kung dapat mag-go with the flow sa Christmas spirit. ‘Wag basta-bastang makiuso lang!

Ask yourself. Do I have enough reasons to push the boat out this Christmas?  Ako, WALA!

Unang dagok ng taong ito, 1st quarter, I lost my job. I was with that ****ing company for 5 years tapos isang Friday after shift, the super unexpected news came, we were all retrenched! I didn’t see it coming. Argh… It took me weeks to move on emotionally and mentally. Financially hindi naman masyado.

Naka-getlak ako ng separation pay pero hindi kayang bayaran ng kahit magkanong halaga ang all out imbyerna na naramdaman ko. Alam mo ‘yung feeling na matapos mong magtrabaho ng maayos at maging da best in terms of attendance, attitude, performance at best in friendship na rin, eh bigla na lang non grata ang kabayaran?  

Ikalawang pasakit,  aside from I was unemployed for 46 days. Bago matapos ang 2nd quarter,hindi yata clear ang prayer ko dahil I specifically asked for a job pero luvlyf ang dumating. Hindi naman sa ang arte ko at choosy pa sa blessings pero  jofcors, sana man lang naihanda ko ang aking katawan at kaluluwa dahil tila yata na-shock ang aking pusong bato sa muling pagtibok at hindi rin kinaya, 3 weeks lang ang itinagal. Pinagpakasasaan lang ang aking hot at delicious na katawan.

I was in my worst!

Jobless and broken hearted. HUWAW talaga!!! Kinan**t ako ng malas diba? Hindi pa man ako nakaka-move-on sa usaping trabaho, isyung pusuan naman.

More?

Pagdating ng 3rd quarter ay ang pagbungad ng pangatlong hagupit. Kasabay ng aking pag-alis sa world of unemployment, naging bahagi naman ako ng isang management team na pinamumunuan ng isang Manager na ubod ng tanga! My first time. Isa siyang babaeng hindi biniyayaan ng tangkad at ng talino. Habang focus at dibdiban ang aking pagtatrabaho, siya lang ang Manager na nag-o-offer na umabsent naman ako. Ganyan siya mag-welcome ng bagong empleyado. Heto pa, wala akong natutunan sa kanya at buti na lamang self-starter ako at nalampasan ko naman ang hamon na alamin ang mga bagay-bagay sa bago kong opisina. Sa ngayon ay na-bonggal na si tontang Manager as expected at  swak sa sakto naman ang pumalit sa kanya.

Hindi pa rito natatapos ang kamalasang dala ng 3rd quarter. Napa-trouble si utol at nakulong. Bilang ako ang ulirang breadwinner ng pamilya, I had to pay 35K para sa piyansa upang hindi tuluyang mahantong sa bilibid ang life story niya.

Siya ang kapatid kong mas matandang ‘di hamak ngunit mistulang ginawa niyang libangan ang pagpapabigat. College gradweyt pero never nag-work. Immune na ako sa sistema niyang patapon pero sana wala ng financial casualty, diba?

Ngayong 4th quarter ang final salvo. Huling hirit na ng sumpang dala ng 2012. Not to mention few minor challenges na hindi ko na nabanggit, ang napagdaanan ko ngayong November na yata ang pinakamabigat at life changing talaga. Itong isang ‘to ang naghimok sa akin na huwag ng ipagdiwang ang pinakamahalagang araw ng taon.

Sa aking akala, strong and well versed na ako sa pagharap ng struggles sa buhay dahil na rin sa dami ng aking mga napagdaanan at nalampasan hindi lang this year kundi since birth.
Mali na naman ako! Hindi ako perfectly trained na maging matapang.

November 23, I lost my Dad unexpectedly. In-english ko na para hindi mas hard ang delivery at sosyal pakinggan. As usual, dapat ako ang strongest sa pamilya dahil dapat kong i-keri ang lahat ng bigat para kay Mother at sa aking brother na rin.

Hindi ko na nagawang magluksa to the fullest. Baka until now, hindi pa napo-proseso ng  aking mga brain cells  ang lahat dahil right after bereavement leave eh balik trabaho ulit.

Trabaho… Trabaho… Trabaho lang ng trabaho… Kailangan kasi eh.

Pwede akong husgahan dahil wala naman talaga akong puso sa mga oras na ito. Ni hindi ako gumamit ng puso sa pagsulat nito. Feel free to judge me.

Nakakarindi lang makarnig na Christmas greetings from people knowing what I am going through. 

Kaya, walang Pasko!

Pero I am okay. I will be and I should be. After all, buhay ko ‘to…

Do I make sense not to celebrate Christmas this year?

May next year pa naman.

Disclaimer: I wrote this on December 3, 2006 noong hindi pa uso ang blogging. Nakita ko lamang sa aking lumang Journal and I decided to transfer it here Verbatim. Sa ngayon, Merry ang aking Christmas pero 'wag na lang kayong maingay!

Ang Inggitera at Insecure na Iskwater

Kung ikaw ay isang iskwater, deserve na deserve naman siguro na may mga bagay na kinaiinggitan ka. Normal 'yun dahil lumaki kang salat sa yaman. Mahirap maging maging favorite motto ang 'Be satisfied on what you have' habang nakikita mo sa iba ang mga bagay na gusto mo pero wala ka.

Walang duda, ilan sa mga kapwa ko Iskwater ay mga ganap at matatagumpay na ngayong Snatcher, Holdaper, Bukas-Kotse, Carnapper, Budol-budol, Corrupt at kung anu-ano pang klase ng magnanakaw. Inggit ang isa sa mga ugat ng lahat ng 'yan. Bet kasi nilang ma-getlak agad-agad ang mga na pinagkait sa kanila. Atleast, wais at maibilidad sila. Slow clap!!! But I don't wanna be like them ha.

Mabuti na lang at in my case, pinalaki akong mahiyaing iskwater na may conscience at hindi ko bet na maging culprit in any crime. Kahit pa magka-chance na may zero possibility na ma-caught in the act, never in my entire life! Scary kaya ang peg ni Ynez Veneracion sa Selda Katorse. Eh kung ma-gang rape ako nila koya? 'Wag na... Hindi ko keri!

Ok na ako ng ganito... Inggitera at insecure na frog na lang...
Wala namang masama for as as long as I keep it to myself lang and I don't do anything bad to express may kainggitan moments. Mahirap lang talaga maalis sa sistema ko ang matakam sa mga stuff na palagian kong nakikita sa ilan tapos ako nganga lang.

More more enumerate ako to justify ha...

Pera, nasaan ka?

Wala akong pera!
Kung meron man, enough lang para maitawid ang araw-araw na Hunger Games. Ayokong makasanayan ang ganito pero wala akong choice. Minsan walang-wala talaga at mega tiis. May trabaho nga pero madalas ang countdown ng money before payday na 'pag dumating naman, parang dumaan lang din naman dahil sa dami ng bills to pay. Umabot na rin ako na isanla ang ATM sa pautangan para magkaroon ng extra money pero mahirap pala ang balik nun kasi napupunta lang sa tubo ng mga loan sharks ang pinaghirapan ko. Itinigil ko rin.
Haaaaayyyyy... I really want to earn more! How?
Matagal ko na ring iniisip kung paano. Bakit sa iba parang ang dali lang? Kulang ba ako sa diskarte? Paano ba kumita ng easy money sa matino at instant na paraan?

Umi-English to the Fullest!

Bakit 'yung iba, effortless mag-spokening dollar?
Ginagawa nilang mani at popcorn ang perfect grammar nila. Hanep pa sa accent parang Kano talaga. 100% din sila sa usage ng prepositions tapos hindi tensed ang Verb Tenses at sobrang magkakasundo ang Subject-Verb agreement nila. Kahanga-hanga! Bakit ganun sila? Ako hindi.
Iba ba ang English subjects namin sa public elementary at highscool o dahil mas konti sila sa classroom? Kasi kami nun 50 plus talaga bawat section kaya mahirap din matuto. Baka naman dahil sa iba ang books sa private schools.
Ako, best in pilit na matuto para gumaling sa English pero I always end up as, ganun - pilit! Trying hard. 'Pag nag-John Robert Powers kaya ako, gagaling at magiging very good ang accent ko? Ang alam ko lang na abot-kamay ay ang free call center training ng TESDA. Ayaw ko namang mag-change ng career at mag-call center. Gusto ko lang gumaling sa English kasi ang lakas makapangmayaman ang level.

Pormang Fashion Model

Wala pa yatang isang daan ang total ng damit ko sa aking mini aparador with a key na Orocan ang brand pero okay lang. Hindi naman ako maporma at laging safe lang ako manamit habang 'yung iba, sobrang maluho at can afford na mag-ala runway japorms in a daily basis. Marami silang branded items. Ako, 800 pesos lang yata ang pinakamahal na damit at pantalon pa 'yun ha.
Iniisip ko na lang, wala talaga akong hilig na mag-effort sa porma. Wala rin naman ako sa posisyon na kahiligan kasi kahit dati pa, mas uunahin ang mas kailangan before buying new clothes.
Kakainggit pa rin na 'yung iba, they can do shopping anytime, anywhere.

Mahaba pa ang listahan pero ayoko na ring isa-isahin kasi lalo lang din akong masasaktan. Wala akong car. I don't have sexy body. Kulang ako sa sex appeal. I can't travel as much as I want. Hindi ako ubod ng talino. Marami pa...

Tatanggapin ko na lang siguro na world is unfair and unluckily, mas unfair sa side ko. Okay na rin ang mainggit dahil ito rin naman pinanghuhugutan ko ng pag-asa. Kahit forever akong Bitter Ocampo counting things I couldn't have, kahit hindi healthy, itutuloy ko lang na gawing libangan ang pagnasaang mapasa-akin kung ano ang meron ang iba.

Bakit? Eh sa isip ko lang naman ang inggit at insecurity. Wala naman ibang nakakaalam kasi I am good with pretending. Effective naman ang acting skills ko kasi people think I am a content person. Wala silang idea na nuknukan ako ng sa pagka-insekyora at inggitera pero nadadaan ko naman sa pagiging loud at strong personality na drama. Hindi pa naman ako nabibisto at kung hanggang kelan, hindi ko alam.

Malay natin, ma-achieve ko na rin kung ano ang wala akey dahil hardworking and dedicated naman akong tao. Maraming pangarap.

Malay natin destiny ko ang yumaman at hanggang 31 years lang ang sumpa ng kahirapan.

Malay natin...

***

Saludo kay Master: Interview with the Man Behind Wickedmouth




Kumapit at magbigay pugay...


                                           My Photo

Words can't express ang drama ko ngayon dahil super overwhelming ang pakiramdam na makapanayam ang aking idol sa larangan ng blogging. 

I am a fan. For real!

Walang araw na hindi ko nadadalaw ang www.wickedmouth.com to check for his new posts at walang halong biro, malapit na ako ma-promote from being an avid fan to stalker. I uberly love his works!

Let me share what he had to share during the one-on-one interview:

Senyor Iskwater: Kelan ka nag-start sa world of blogging?
Noong 2007, patapos na ang sem nun. Siguro naghahanap lang ako ng bagong hobby. Mahilig na akong magsulat, bata pa lang ako. Pero nothing serious. I used to have an open journal na madalas buklatin ng mga friends ko. In a way, that was my first blog. Pero yung totoong blog, malapit na akong grumaduate ng college nun.

Senyor Iskwater: Sino ang nag-inspire sa iyo to do blogging?
Yung isang kaklase kong Internet addict, may ipinakita syang blog sa akin. Eh sobrang tawa ako ng tawa dun sa blog. Tapos naisip ko, kung nagawa nya, baka magawa ko rin. Hindi naman sa ginaya ko sya o ang style nya. I found my own way of writing rin. Yung komportable ako. Yung pati ako, kapag binasa ko, natatawa ako.

Senyor Iskwater: Bakit WICKEDMOUTH?
Favorite adjective ko kasi ang wicked. Naghahanap ako ng pwedeng idugtong. Eh since yung blog ko eh mga stuff na sinasabi ko rin in real life, mga nasty words coming out of my mouth, yun na.

Senyor Iskwater: Ano ang 'yong blogging style?
Basta ayoko lang ng seryoso at boring. Gusto ko conversational lang at mabilis ang flow. Gusto ko yung natural na nakakatawa, yung hindi kailangang pilitin. Kung naachieve ko yun, masaya na ako. Kung yun ang tingin ng mga tao na style ko, matutuwa ako. Kung anong gusto kong mabasa, yun rin lang ang sinusulat ko. Kailangan matuwa muna ako, bago ang iba.

Senyor Iskwater: Anu-ano ang mga preparations na meron ka sa paggawa ng post?
Usually kapag nakahanap na ako ng theme o topic ng isang post, halimbawa “bad cases of diarrhea”, magbibigay ako ng at least three examples/stories in a single post. So kung dalawa pa lang ang naiisip ko, inonote ko muna yun sa phone ko. Mahaba-habang reminiscing ng past events ang ginagawa ko para may maidagdag sa storya. Kapag kumpleto na, saka ko na idadraft. Pagka-draft, maraming beses kong ine-edit. So mga ilang linggo pa bago ko tuluyang mapost.

Senyor Iskwater: What’s your most favorite post?
Hindi ako makapili ng isa lang, pero meron akong paboritong series, yung “Strange Women” (Teresa, Katrina and Kathy). Bawat post sa series na yun eh tungkol sa isang kilala kong babae na baliw, weird or simply remarkable at hindi malilimutan, usually in a negative way.

Senyor Iskwater: What makes you 'iba' sa ibang bloggers?
May mga napapansin akong bloggers na kuntento na sa pagdescribe ng kung ano ang ginawa nila noong weekend, o kaya mag-repost ng Youtube vid. Ako hindi ako makuntento sa ganun, gusto ko eh maisip nung magbabasa ng post ko na nag-effort talaga ako. Eh magkukuwento ako ng uneventful weekend ko, paano kung yung reader ko mas masaya pa ang weekend nya keysa sa akin, di ba nakakahiya naman yun. Lakas ng loob ko magpost ng events eh naggrocery lang naman ako. O kaya magpopost ng “Randoms”. I have nothing against bloggers like that. Gusto ko lang talaga dapat meron laging theme, topic o kwento. Mas masaya kung may twist sa dulo. Malamang nakapagsulat na ako noon ng walang katuturang post, pero mas madalas ang mga post ko eh yung pinag-isipan ko rin naman kahit papano. Para sa akin mas mabuti nang magpost nang madalang, basta may effort, keysa magpost nang madalas, pero walang sustansya.


Isa pang difference ko from other bloggers, I value my reader’s comments and opinions. Binabasa ko lahat, minsan hindi ko na sinasagot pero lagi kong inaabangan ang reaksyon nila. Yun ang sukatan ko ng success ng isang post ko, kapag maraming natuwa at nagcomment. Ewan ko sa iba kung anong sukatan nila. Basta ako, yun na yun.

Senyor Iskwater: What are the greatest challenges have you faced that almost made you quit blogging?
Sobrang naging busy ako at one point. I have a full-time job, tapos kumuha ako ng sideline. That took a lot of my time and energy, na halos hindi na ako nakakatulog. May point rin na nagkaroon ako ng quarter life crisis (siguro) or dinapuan lang ng matinding depression, na ginusto kong magpahinga muna sa blogging dahil alam ko na kapag malungkot ako, lalabas yun sa sinusulat ko, at kung pipilitin kong maging masaya ang ipopost ko, lolokohin ko lang ang sarili ko. One time nagpaalam na ako sa blog, nagpost ako saying na I’m taking a break. Tapos that time na-nominate ako sa Philippine Blog Awards, sa Humor Category. Kaya ginanahan ako uli, lalo nung mabasa ko yung mga comments sa website nila na sumusuporta sa akin. In the end hindi ako nanalo but it was an eye-opener, na may mga natutuwang tao sa blog ko, na handa akong iboto kahit hindi botohan yung labanan. So hindi na ako nag-hiatus.

Senyor Iskwater: Sino ang 'yong Top 3 favorite bloggers?
Sa mga “celebrity” bloggers ako titingin, yung mga blogs na araw-araw kong binubuksan: Jessica Zafra’s blog, number one yan sa list ko. Tapos kay Professional Heckler, sya ang laging nananalo sa Philippine Blog Awards Humor Category. At pangatlo, hindi dapat ako pipili sa mga friends ko kasi baka may magtampo, pero paborito ko si http://motsmots.blogspot.com/ Just visit his blog and you’ll know why.

Senyor Iskwater: Paano mo msasabi na ang isang post is worth reading?
Kapag na-achieve nito any of the following: nakapag-educate, nakapagpatawa, nakapagtanggal ng boredom, nakapag-touch ng damdamin, or simply nakapag-palipas ng oras na hindi mo namalayan. Kapag ang isang post ay pinipilit mo na lang basahin, hindi sya worth reading para sa iyo, baka hindi ikaw ang target audience nung sumulat.

Senyor Iskwater: What pointers can you give to neophytes?
Find your expertise. Find a purpose. Find an audience. Once you have all three, you’ll feel like you’re doing something important. Alam mong may naghihintay ng post mo, alam mong may regular na nagbabasa ng mga sinulat mo, alam mong hindi masasayang ang pinaghirapan mong isulat dahil meron at least one person sa mundo na makaka-appreciate. Enough na yun to go on writing. Kapag wala kang expertise, kapag walang topic sa mundo na kaya mong isulat, baka hindi ka dapat nagboblog. Kung wala kang purpose, bakit ka pa magboblog? At kung wala kang audience, darating ang panahon na tatamarin ka na. Kung nagsusulat ka pero ayaw mo ipabasa sa iba, sa Word ka dapat nagtype, hindi mo dapat yan pinublish.

Senyor Iskwater: Ano ang makakapagpahinto sa'yo sa pagba-blog?
A new form of outlet siguro. Kapag laos na ang blogging. Kapag kaya ko nang mag video blog. The playground will change but I will always find a way to express myself.

Senyor Iskwater: Ano ang most fulfilling thing about blogging?
Ang corny, pero the fact that I gained so many friends dahil sa pagboblog, yun ang most fulfilling. I have people who I’m meeting for the first time, tapos sasabihin nila, dahil sa mga sinulat ko, parang kilalang-kilala na nila ako. Ganun din naman ako sa kanila, kapag nabasa ko yung blog bago ko makilala, at kapag nakakapalitan ng comments, nagiging instantly close, lalo kapag gustong-gusto ko yung mga naisulat nya. I have met OFWs na isinasama ako sa get together pag umuuwi sila sa Pilipinas. I have experienced seeing my picture sa Facebook, stolen shot, na-tag ng isang reader na hindi ko naman kilala, parang na-paparazzi lang. I have heard my name being called out sa mall or kahit sa kalsada, namukhaan lang nila ako dahil sa blog ko. I have once attended a gig, and when the featured band ended their set, lumapit sa akin yung isa sa mga singers to congratulate me on my blog, at lagi daw syang nagbabasa. Nafa-flatter ako sa ganito. Kasi pakiramdam ko I made something remarkable, enough para bigyan nila ako ng atensyon at pasalamatan sa sinulat ko.

These are just little things, nothing compared sa kasikatan ng mga talagang celebrity bloggers, but I’m happy na through my blog, which is just a silly outlet, may mga nakikilala akong mga tao, some of them turn out to be friends for keeps.

                                            


Mixed emotions lang ako until now... Speechless...
Bilang ako'y newbie sa daigdig ng blogosphere, I feel so lucky to have Master Glentot as my virtual mentor and inspiration. 'Yun lang...

Please always visit ang kanyang mga exciting na katha sa:

Ikaw ba ay Street Smart?

May kakilala ka bang street smart?

Sila ang mga taong may built-in swag sa bawat kilos, pananalita at sa lahat ng aspeto sa buhay. Hindi man malawak ang scope ng kanilang kaalaman unlike geniuses, they can always handle pressure with superb grace. Gaano man kabigat o ka-complicated ang pagdaanan, sila ang mga may diskarteng kayang pagaangin ang mga mabibigat na dagok ng buhay.

Street smarts are the modern day peg of perfection since proven na in gazillion times na nobody's perfect.

Bakit kailangan pang maging Cum Laude or Bar Top Natcher kung puwede ka namang maging street smart na paniguradong kakayanin mo ang lahat?

I have a friend who has been claiming that he is a street smart. Siya si Xyrill. Nakakabilib siya dahil sobrang positive at vocal siya na siya ay certified street smart. Minsan ay hiniram ko ang kanyang Laptop to browse some sites online, when I checked Google, the search history says, "english ng parihaba"... OM gee... Hindi alam ni Xyrill ang word na rectangle?

Does it prove na street smart siya ng modern times since he knows that Google is available 25/7?

Ano ba ang tunay na sukatan para matawag kang street smart?

Sa aking pagsangguni sa aking kaibigang si Google, napagtanto kong Street Smart is defined as:

"A person who has alot of common sense and knows what's going on in the world. This person knows what every type of person has to deal with daily and understands all groups of people and how to act around them. This person also knows all the current shit going on in the streets and the ghetto and everywhere else and knows how to make his own right decisions, knows how to deal with different situations and has his own independant state of mind. A street smart person isn't stubborn and actually listens to shit and understands shit."

Wow ha! Nasusulat naman pala talaga ang meaning ng street smart at tila mas malalim ang nais ipakahulugan kung hihimayin natin ang iba't-ibang terms na nasagasaan ni Mr. Righteous Google na pamangkin ni Ate Miriam Webster. 

1. Common Sense
     I believe that common sense is really not common nowadays. Isa na siyang super natural power at  bihira na siyang dala in everyday life. Kung ito ay requirement para maging tunay na street smart, kaunti na lang pala ang members ng circle.
     Sintido Komon para sa mga lumang tao, hindi kailangan ng mahabang isipan sa ilang simpleng bagay na dapat alam na ang sagot. Kung meron ka nito, may kakayanan kang itanong muna sa sarili ang isang tanong bago mo pa ito itanong para hindi magmukhang tanga... May tanong? Kung hindi mo gets, try next bullet dahil siguradong wala ka nito...

2. Understanding All Groups of People
     We all came from different walks of life pero hindi na natin kailangan maging manok para malaman kung ang isang itlog ay bugok... Matalinghaga? Adik lang... Kung rich ka and you expect people to be like you, may problema ka. Kung Iskwater ka just like me at hindi mo kayang makisabay sa kalakaran ng sibilisasyon, may problema ka rin. 
     Street smarts do not change people around them. They adjust accordingly and respect differences and diversity. Owwwwww... 

3. Knowing How To Make Own Decisions
     There are friends who we often call 'sponge' at sila ang mga may pagkataong dependent sa personality at eloquence ng kausap ang pagpapasya sa kung ano ang gusto nilang sabihin at gawin. 
Fickle minded sila in a way dahil madali lang maiba ang kanilang mga pananaw sa buhay.
     Sa panahon ngayon na lahat ay napipirata at naglipana ang mga peke which includes fake people with fake smile,ang pagkakaroon ng disposisyon sa pagharap sa iba't-ibang sitwasyon ay kasinghalaga na ng paghinga para mabuhay, kung wala ka nito, you will be eaten alive at mawawala ka sa picture. Totally. Hindi ka mako-consider na street smart. 

4. Listening and Understanding Shit
     "Kaya maraming manloloko kasi marami ang nagpapaloko..." 
     Gasgas at hindi na updated ang saying na ito dahil lately it's proven na mas marami na ang willing and able na magpaloko compared to mga manloloko. Shit is shit and no matter how we look at it, mabaho, madumi at hindi kanais-nais kasi nga- Tae siya! Kung every strolling at the park ay nakakatapak ka nito, hindi ka maingat. Puede ring Tanga ka.
     We hear different stories from people and we should be able to identify which are far fetched and which are legit. It is good to know kung lokohan o hindi para alam mo kung ano ang tamang responses.

5. Not Stubborn
     Being street smart is not a skill, it's an attitude. People who are genuinely a street smart do not even know that they are. If you look down to people because you think you are mentally superior, ekis ka! 

Haaaayyyy nakaka-nose blood lang...
After today isa lang ang pangarap ko at ito ay dumami ang street smarts. 
I wish to be one and if I already am... I am not aware ha... 

Please read number 5, it's the most important!

WAIS?

***