FAVOR :)
Aside sa RUN FOR PASIG RIVER bukas ,
tomorrow ang 1year and 9months FRIEND-A-VERSARY
namin nung mokong na yun ..

nainggit ako kay KIKILABOTZ kaya humihingi din ako sa inyo
ng pic greetings .
eto po ang ilagay nyo:
"Geum Jan Di , Happy 1year and 9months sa inyo ni Gu Jun Pyo"
or kung gusto nyong ibahin okay lng bsta po may "Geum Jan Di at Gu Jun Pyo"
salamat ..
pakisend po sa mitch_yatot_27@yahoo.com
ipopost ko din dito yung mga magsesend ..
Labels: wala lang .
dream what you want to dream .
When the door of happiness closes , another opens .
Pero kadalasan , lagi natin itong inaabangan na muling magbukas at hindi nakikita ang ibang bagay na binubuksan para satin .
Dream what you want to dream .
Pumunta ka kung saan nais mong pumunta because we have only one life .
At isang pagkakataon na gawin ang mga bagay na nais mong gawin .
Sabi nga ,
"Always put yourself in others shoes."
Kung nasasaktan ka ngayon , marahil may ibang tao na mas nasasaktan kaysa sayo .
Kaya wag mong isipin na ikaw na ang pinakamiserableng tao sa mundo .
Ang ating kinabukasan , kakambal nito ang nakaraan .
Paano mo mararating ang kinabukasan mong hinahangad kung hindi ka natututong makalimot sa sakit at kabiguan na iyong napagdaanan .
Hindi mo lang alam na may isang taong naghahangad ng yong ngiti , na gustong makasama ka at magpapaunawa sayo ng kahalagahan ng buhay .
Maging totoo ka sa sarili mo at sabihin kung ano ang nararamdaman mo dahil ang mga taong nag.iisip ay ang mga taong walang pakialam .
At ang mga taong may pakialam hindi nag.iisip .
LIFE IS SHORT .
Wag mong sayangin ang oras mo kakaisip kung ano ang tingin sayo ng ibang tao .
Ang isipin mo , yung mga taong naghahangad ng mabuti para sayo .
What's meant to be will always find a way .
If ever you've found that way , gumawa ng isang bagay para mangyari yun .
NEVER LET GO .
Dahil lahat ng nakatadhana ay kadalasang hindi nangyayari sa totoong buhay .
Lagi mong tatandaan na ang dakilang pag.ibig at ang dakilang nagawa , laging may kasamang panganib .
Whatever happens , happens for a reason .
Labels: ♥ LOVE ♥
hindi lahat ng relasyon happy ending .
Pano ba maglet.go sa taong ayaw mong layuan pero kailangan ?
' I LOVE YOU'
"I LOVE YOU TOO"
grabe . sarap mainlove noh ?
Lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo .
Yung tipong , mangangarap ka na kasama siya .
Makita mo lang siyang ngumiti , masaya ka na rin .
Akala mo kayo na FOREVER .
Pero hindi lahat ng relasyon HAPPY ENDING dahil kung minsan ,
ang puso napapagod din .
Mahirap man tanggapin , pero yun ang katotohanan .
Na lahat may hangganan .
Dahil kung minsan ang pagmamahal niya sayo , nawawala rin .
"It's over"
"Ayoko na"
"Pagod na ko"
Kung pwede lang wag nang magmahal para lang wag masaktan .
PWEDE BA YUN ?
Makita mo lang siyang nakangiti ,
Yakapin ka lang niya nang mahigpit ,
Handa ka nang masaktan ulit .
Pero may mga bagay na mahirap ibalik , mga araw na kasama mo siya .
Ang sakit isipin diba ? Ang mga pangako niyo sa isa't isa'y NAGLAHO .
Pano ka makakapagmove.on kung sa bawat bukas mo ng facebook mo lagi mong tinitignan profile niya , tinititigan mga pictures niya at binabasa mga status niya ..
Bakit ka pa aasa kung para sa kaniya nakaraan ka na lang .
"ayoko na"
"ang sakit sakit na eh"
"pagod na ko"
Pero diba , madaling sabihin pero mahirap gawin .
Buburahin mo cellphone number niya pero kabisado mo naman .
Mahirap diba ?
Kasi bawat bagay na makita mo maiiyak ka na naman at maaalala mo siya .
Masakit diba ?
Dahil habang nagpapakatanga ka , nagmamahal siya ng iba .
Kahit masakit , masaya naman siya .
Sa pag.ibig , nagagawa mo lahat ng katangahan basta nagmamahal ka .
Kung gusto mong magmove.on , putulin mo lahat ng koneksiyon niyo and be with others .
Oo nga , nakakamiss yung mga taong minsan nang nagpasaya sa atin ..
Malay mo isang araw , maalala mo na lang na nakalimutan mo na pala siya at mapapangiti ka na lang .
coz' only TIME can heal a broken heart .
Labels: ♥ LOVE ♥
ipakita at iparamdam mo .
"I LOVE YOU"
Three words and eight letters .
Marami nang nainlove ,
Marami nang naloko ,
Dapat ka bang maniwala sa salita lang ?
Madali kasing sabihin diba ?
Pero nararamdaman mo ba ?
"Action speaks louder than words."
Mas importante daw na pinaparamdam sayo kesa yung sinasabi lang .
Pero ano ba ang mahalaga , "ang maramdaman o yung alam mo." ?
Dapat ka rin bang magpadala agad sa nakikita mo ?
Mahirap kasing maniwala sa salita man o sa gawa ..
Laging sinasabi niya sayo "Mahal kita" pero hindi mo maramdaman .
Sinasabi lang niya yun dahil nagtatampo ka .
Kahit na alam mong ito'y pambobola lang masaya ka dahil kahit papano narinig mo yun mula sa taong mahal mo ..
Pero ang totoo , nasasaktan ka dahil simpleng bagay hindi niya magawa ..
'ang ipakita na mahal ka niya.'
"I MISS YOU"
pero nagagawa ba niyang tumawag sayo ?
Yung mag-effort man lang sana na makita at makasama ka .
May mga tao rin na nahihiyang sabihin ang nararamdaman kaya dinadaan na lang sa gawa .
Pero baka nagkakamali ka lang sa nakikita mo , baka pinaparamdam lang niya sayo na mahalaga ka .
Mahirap naman umasa nang walang kasiguraduhan .
Hindi porket pinapahalagahan ka niya , MAHAL KA NA NIYA .
Hindi dahil sa mga pinapakita niyang effort sayo , MAHAL KA NA NIYA .
Maaari din niyang gawin sa iba yun .
Baka sadyang "playboy" lang siya .
Sabi nga nila ,
"Iba pa rin ang MAHALaga sa MAHAL."
Lahat ng pinapakita niya kailangan rin ng kumpirmasyon .
Baka nag.aassume ka lang .
Ikaw rin ang masasaktan sa huli .
Masarap yung pakiramdam na marinig mula sa kaniya na mahal ka niya at pinaparamdam niya rin sayo .
At hindi mo yun pagdududahan dahil alam ng puso mo na totoo lahat , na walang halong panloloko .
Madali magsinungaling pero mahirap magpanggap .
Ang puso sinisigaw nito kung ano ang gusto mo , hindi madali dahil may masasaktan ka .. pero kailangan mong maging patas sa lahat .
Sa buhay , ang salita ay hindi sapat .
Kung gusto mong maniwala siya sayo , IPAKITA MO . IPARAMDAM MO .
But LIFE is not all about actions , kailangan din ng salita para mas maunawaan ..
ACTIONS and WORDS are blend together .
Without the other , the other is not complete .
Labels: ♥ LOVE ♥


Name: Mitchie
i might not have the biggest boobs nor the biggest butt, i might not have the most bangin’ body either. my smile isn’t perfect and i know my face isn’t the cutest. my hair isn’t always going to look good, and my clothes, they’re not always going to be nice or in the latest fashion.