Na-delay yung nine mornings ko... Short post lang itu, di ko keri magsulat ng mahaba eh. Ouchie eh...
Simula ng magka-dengue ako, sobrang tumambling talaga ang mundo ko. Mali ata na nagpadala ako sa agos. Mas mali na isipin kong porke dito ako nakatira sa tore ni Kagawad, eh mayroon na kong babalikan. At lalong pinakamali na isipin ko na yung minsan namin eh magiging madalas, lalo na yung magiging palagi, o kaya eh habang-buhay.
Naging bahagi na ng araw-araw kong routine ang pag-akyat sa balur ni byenang hilaw at makikain, makichika o makiusyoso. Makikumusta na rin ke Kagawad Payat.
Nung isang gabi, me transaksyon kami ni byenan. Kaya nung dinner eh kinatok nila akeiwa para sumalo sa hapag-kainan. Masaya naman sana.. Kwentuhan, tawanan, asaran. Kasama ko sa pag-aasar lahat ng kapatid ni Payat.
Biglang may pasabog si byenan...
"Ay naku 'nak, may bad news." intro ni Byenan
"Anu yun mudra?" kuda ko naman.
"Buntis ulit ang aswang."
Natulala na naman ako ng bonggang bongga. Parang bomba. Kitang kita sa iris ng mata ko ang mushroom cloud ng pinakawalang nuclear weapon.
Di pala narinig ng mga shupatid, ask sila anu daw ang eksena. Habang kinaklaro nila ang nangyari, exit na ko. Kako me nakalimutan ako sa baba. Walk out man o hindi ang dating, isa lang ang impact sa akin.
This is rily rily is it is it.
Tulad ni Jonel na nakasalubong ko rin lang kaninang umaga kasama ang gufra mae nyang Marie pala ang namesung, dapat ko nang bigyan ng ending ang kwentong BM-Totong. Dapat nang tapusin ang pag-asam ng minsan. Dapat ng tigilan ang paghiling ng walang hanggan. Dapat nang iwan ang nakaraan.
Isa na namang karakter ang pinapatay ko sa blog na ito. Sana magawa ko na rin shang iwaksi sa tunay na buhay. Sana magawa ko na ring magpaalam ng totohanan. Sana magawa ko na ring talikuran ang pagsabit sa estribo ng jeep na byaheng Totong.
Sabi ko nga dati, too bad you're taken, married, with a kid, and this is just a fleeting feeling that would evaporate as soon as your wife shows up on my doorstep, claiming what has been hers all along. Ikaw man ang paulit-ulit kong daungan, sa totoo lang, pag bata na ang pinag-usapan, wala akong laban.
Bakla ako, pero wala akong balak manira ng tahanan.
Showing posts with label nakaw. Show all posts

12.19.2010
7.08.2010
SOCO Moment
Ang lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng Bakla, at anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar o pangyayari ay hindi intensyonal at nagkataon lamang. (Char!)
Hunyo 16, 2010. Miyerkules, dakong alas-siyete ng umaga.
Isang araw, pauwi na si Rubi (di tunay na pangalan) sa kanyang tinutuluyang bahay sa Kagandahan Street, Quezon City (di tunay na lugar). Nagulat siya dahil pagpihit nya sa doorknob ay sira ito. Pingku-pingko ang keyhole, at halos bali na ang handle. Kinabahan sya agad sa hinalang may nangyari sa kanyang bahay. Pagpasok nya ay nakahinga sya ng maluwag sapagkat nandun pa rin sa lamesa si Toshiba (di tunay na laptop).
Dali-dali syang nagpunta sa bahay ni Yaya Pancha (di tunay na yaya). Humahangos ang mag-yaya na nagtungo sa bahay na fuschia (di tunay na kulay) at inusisa ang kabuuan ng bahay. Napag-alaman sa kanilang pagsisiyasat na nawawala ang isang cell phone, isang external hard drive at isang wallet na punong puno ng salapi - at mga picture ni Rosanna (di tunay na nanay ng biktima). Ang mga ito ay pawang nakapatong sa ibabaw ng ref.
Sa nalaman ay nagsisigaw si Yaya Pancha sa galit. "Mga p***ng *na talaga! Mga hayup! Pati ikaw ninakawan oh! Ano ba naman yan?!" Lumapit na ang mga miron. "Ayan oh mare, Sinira pa yung lock ng mga p***ng *na!" Maya-maya ay napansin nya ang isang mahabang kutsilyo sa gilid ng tubo ng Nawasa. "Ayun oh! Mga hayup talaga! Eto siguro ginamit sa pagtungkab sa dornab! Mga p***ng *na ng mga hayup na yan! Eh pano kung nasa loob si Rubi tapos nag-panic sila at bigla na lang shang saksakin? Tang *nang mga magnanakaw talaga yan!"
Lahat na ng kapitbahay at kamag-anak ay andun na ata. Nakikiusyoso. Nakiki-chismis. Nakikiepal. Habang naglilitanya pa si Yaya Pancha sa mga miron, nanghihinang napaupo si Rubi at hinimas-himas si Toshiba. Buti na lang nga wala ako dito. Kundi nasirang Rubi na ko ngayon. Kinikilabutan siya sa naisip. "Kung nagkataon... Goodbye Rubi!"
Kung anu-ano pang kuro-kuro ang kinembot ng mga kyemedora sa labas. Isinara na ni Rubi ang pinto at nagkulong sa cyberworld. Shoutout sa FB: Syet! Na-akyat bahay ako! Lecheng mga hampaslupa!
The feeling of helplessness and resignation started to sink in. Wala na shang magagawa. At least wala sha sa bahay nung mangyari yun. Shempre dali-dali shang nagsumbong kay Cherry Pie Picache aka Rosanna (di tunay na nanay ng biktima) pero di sha makakontak kasi walang signal. Gusto man nyang puntahan si Alejandro (di tunay na leading man) sa Bahay na Blue, ay di nya magawa. Baka magselos ang ik-ik (di tunay na aswang).
Lumabas ang bedang kontrabeda para makahanap ng signal village. Biglang me lumapit na Bayan Patroller at sinabing may 3 aali-aligid sa bahay nya around 2am. Isa pang star witness ang lumitaw pinpointing the same set of teenagers at around 4am naman. Samakatwid, it's either nakita ng tatlong kumag ang krimen, or sila ang kriminal.
Pinatawag ang tatlong kutong lupa sa barangay. Inuto-uto para isoli na ang mga nawawalang hiyas at nang palayain na sila. Nagpauto naman ang mga kumag at di nagtagal ay natunton na kung saan nakatago ang nawawalang rebulto ni Majinboo. Maya-maya pa ay nagtuturuan na ang mga tinamaan ng kulog na mga suspek kung sino ang may pakana at kung sino ang lookout.
Sa madaling sabi, nahuli ang tatlong kupal at naipakulong. In fairness to Rubi, naawa sha sa tatlo kasi nga puro minor pa, kaya siniguro muna nya sa DSWD na hindi naman mare-rape ng mga preso sina Hudas, Barabas at Hestas.
Makalipas ang ilang linggo, nagpapa-sweet ang Rubi at ang Alejandro sa bahay na fuschia. Nagkaroon kasi sila ng kasunduan na hindi muna sila mag-uusap alang-alang kina Hector at Maribel. Pero matindi talaga ang kanilang pag-ibig sa isat isa kaya nagkakumustahan silang muli.
"Na-miss mo ko?" Tanong ni Rubi.
"Hindi." sagot ni Alejandro.
"Nanlaki ang mga mata ni Angelita, este ni Rubi pala.
"Hindi kita na-miss. Baka lumaki na naman ulo mo eh." sabay ngiti na nakakaloko.
Magdamag pang nagpa-sweet ang mag-EX at nang sumapit ang bukang liwayway ay sabay nilang tinahak ang daan patungo sa... kanto dahil papasok na sa kol sener si Rubi (di tunay na kompanya). Habang naglalakad, napansin ni Alejandro na may taong nakatambay sa may kanto, mejo malapit sa basurahan, at may dalang asido. Ang taray! Ang talas ng eyesight ni Alejandro.
Sinipat nyang maigi ang lalaki, at nang masiguro nyang pinsan ni Barabas ang lalaki, binulungan nya si Rubi.
"Rubi, takbo!" bulong na pasigaw ni Alejandro.
Ang Rubing malandi, sige pa rin sa pagkakandirit sa kalsada.
"Rubi, run!" sigaw na pabulong uli ni Alejandro.
Di pa rin narinig ng bakla, este ni Rubi pala. Kandirit dito, pata-burey (pas de bourreé) don, hop and skip dyan. Napikon na si Payat (oops!) I mean Alejandro.
"Ma! Takbo! Ma! Run! Bakla! Run! Run!"
Aay! Naloka si Rubi. Tinabig ang mga paso, ang nagtitinda ng taho, ang mga newspaper vendors at ang mga nagtitinda ng goto. Binato ng peas ang mga zombie. Hinagis si Maribel sa ilog pasig. Tinanggal ang kanyang fuschia stilletos at saka nag-Milo Marathon Part 2. Run, Rubi, run! Run like the wind! naman ang beda.
Pero waley soundtrack na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo". Wala ring mga chirp ng birds at sloosh ng winds. Ang tanging sounds eh ang hingal ni Rubi habang lumilitanya ng "You want war, paaak! I'll give you war! Paaak! (hingal! hingal!) Hah! Hah! I'll be there in my pink stilletos! Paaak! Aay! Tae! Takbo!!!" At lumamon na nga ng alikabok ang Alejandro.
Ang lalaking nakatambay sa may kanto, hinabol ng mga siga na kumakain ng goto sa gotohan ni Darang Lumen. Nakasakay ang hinayupak sa getaway vehicle nyang traysikel, at nakatakas. Sigh!
Nope, mali kayo. Hindi nila tinawag na Baclaran ang lugar na yun. Iskwater pa rin ang tawag sa lugar nila Rubi. Balik na uli sa normal ang lahat. Di kay Rubi umiikot ang mundo, at hindi to itigil kahit mawala pa sya. Paaak!
Ang tanong ni Rubi: Should I stay? Or should I go?
It still is considered home.
But what if home isn't safe anymore?

6.16.2010
Biktima
Nanakawan ako today. Hard drive na 500 gig at cellphone na HTC. Akalain mo yun?! Ang iskwater... not so safe anymore...
Subscribe to:
Posts (Atom)